Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino 1

Quarter 2
(Week 7 Day 5 )
1. Layunin:
Pagkatapos sa araling ito ang mga bata ay inaasahang

Nakikilala ang mga pantig na bumubuo sa isang salita

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagkilala sa mga pantig na bumubuo sa isang salita
Sanggunian: Bumasa at Sumulat 1
Kagamitan: Kartolina, larawan, pentel pen at powerpoint strips

III. Pamamaraan:
Pagbibigay ng ( KBI)
A. Pangganyak
( Aawit ang buong klase ng isang awitin na papangulohan ng guro na may
pamagat na “Alitaptap”

B. Pag-alis ng salitang sagabal


Bago natin talakayin ang ating leksyon alamin muna natin
ang kahulugan sa mga sumusunod na salita

1. kukutitap – nagbigay liwanag


2. munti – maliit

C. Pagbibigay ng pagganyak na tanong


Mga bata, nakakita naba kayo ng liwanag sa gabi na
parang bituin na lumilipad? Ano kaya ang tawag sa munting
liwanag na makikita sa gabi na lumilipad?

D. Pamantayan sa pagbasa ng malakas


1. Lakasan ang boses
2. Tumayo ng matuwid
3. Pakinggang mabuti ang babasahing tula.
Ngayon basahin natin ang tula ng pangkatan,
maramihan, tatluhan at isahan

Alitaptap

Ang Alitaptap ang alitaptap


Sa hating gabi ay lumilipad
Kay gandang masdan kikisap – kisap
Tulad ng mga bituing may munting liwanag

Ang alitaptap ang alitaptap


Di mo makita,di maapuhap
Sa kadiliman pag lumilipad
Ay parang bituing kukutitap.

E. Pagsagot sa tanong na paganyak

Hayaan ang mga bata na magbigay ng kanilang mga


sagot .

Ano ang pamagat ng tula?


Kailan ang alitaptap lumilipad?
Nakakita na ba kayo ng alitaptap?
Ano ang dala- dala niya?
Kailan natin madalas makikita ang alitaptap?

F. Pagtatalakay

Mga bata, balikan natin ang tula at pag- aralan natin ang
mga salita at kilalanin natin ang mga pantig na bumubuo
nito.

1. alitaptap
2. lumilipad
3. kikisap-kisap
4. kadiliman
5. kukuti-kutitap

Ang salitang alitaptap, Anu-ano ang mga pantig nito?


a-li-tap-tap
Ang salitang lumilipad , Anu-ano ang mga pantig sa
salitang lumilipad?
lu-mi-li-pad

Ang salitang kikisap-kisap,Anu-ano naman ang mga pantig


nito?
ki-ki-sap-ki-sap

Ang salitang kadiliman, Anu-ano naman ang mga pantig na


bumubuo nito?
Ka-di-li-man

Sa salitang kukuti-kutitap, Anu-ano ang mga pantig nito?


ku-ku-ti-ku-ti-tap

E. Paglalahat

Ano ang Pantig?

Ang pantig ay mga pinagsamang katinig at patinig,


katinig- patinig at katinig o patinig lamang.

Halimbawa
alitaptap - a-li-tap-tap
hatinggabi – ha-ting-ga-bi

F. Aplikasyon

Pangkatang Gawain

Bawat pangkat ay may iba’t- ibang gawain. Narito ang rubriks na


dapat nating sundin
RUBRIKS

Pamantayan Puntos

May kooperasyon, tama ang lahat na


ng sagot at natapos ang gawain sa 5
ibinigay na oras
May kooperasyon, 3 hanggang 2 ang
tamang sagot at natapos ang gawa- 3
in sa ibinigay na oras

Walang kooperasyon, 1 hangang 4


lamang ang tamang sagot at lu- 2
magpas sa ibinigay na oras.

Pangkat I
Ibigay ang nawawalang pantig para mabuo ang salita

Mga salita Mga pantig


1. munting mun - ___
2. kadiliman ka- di - li - ____
3. alitaptap a - li – tap - ____

Pangkat II
Ibigay ang pantig para mabuo ang mga salita

Salita Mga pantig


1. masdan mas - _____
2. liwanag _____ -wa- _____
3. kikisap -kisap ____ki –sap – ki - ____
Pangkat III
Ibigay ang pantig sa bawat salita.

Salita Mga Pantig


1. matamis
2.magalang
3.tahimik

IV. Ebalwasyon
Pumili ng limang salita mula sa tulang “Alitaptap” at isulat ang mga
pantig nito.

Salita Mga Pantig

1.
2.
3.
4.
5.

V. Takdang Aralin

Magtala ng limang (5) salita at ibigay ang pantig

Salita Mga pantig


1.
2.
3.
4.
Janice B.
5.
Villalon
Teacher- III Rosita A. Macadaya
Master teacher II

You might also like