Pagtuklas Sa Kaligayahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGTUKLAS SA KALIGAYAHAN

Sadyang may mga tao talaga na nanghahangad ng napaka taas na posisyon dito
sa mundo, dahil sa pag aakala na yun ang tunay na kaligayahan. Pero mahahanap nga
ba nila ang tunay na kaligahan sa ganoong pamamaraan?
Wala pa akong taong nakita o narinig na nagsabi na nahanap na nila ang tunay
na kaligayahan, at kung mayroon man noon ay napaka bihira, dahil karamihan sa tao
dito sa mundo ay puro kasakiman,gumagawa ng masama sa kapwa para yumaman at
naghahangad ng napakataas at walang hanggang pagpapayaman o kapangyarihan.
Hindi nila mahanap ang kaligayahan sapagka't wala ring katapusan ang hinahangad
nila, kaya't paano na lamang sila magiging masaya? Para sa akin ay dapat tayong
magkaroon ng limitasyon sa pangangarap at kapag naabot na natin yaon ay wag na
tayong maghangad pa ng mas matayog, dahil hindi natin matatamo sa ganitong mga
gawain ang hinahanap na tunay na kaligayahan, bagkos ay maging masaya at
magpasalamat tayo sa mga biyayang bigay sa atin ng panginoon, kahit di man tayo
yumaman o magkaroon ng mga materyal na bagay ang mahalaga ay masaya tayong
nabubuhay, malusog, walang sakit at higit sa lahat ay may oras tayo sa
pamilya,kaibigan,sa sarili at sa may bigay ng lahat ang panginoon dahil yan ang
matatawag kong tunay na kaligayahan. Pakatandaan, lahat ng taong naghahangad ng
di mapantayang posisyon dito sa mundo ay walang matatamong kaligayahan bagko's
ay masasayang lang lahat ang kanilang paghihirap dahil lahat ng tao ay nakatakdang
mamatay.
May mga bagay talaga na sadyang mapang-akit ng maka mundong kaisipan
kabilang dito ay posisyon,pera at kapangyarihan, pero ang mga bagay na ito ay
masasabi kong palamuti lamang sa buhay dahil lahat ng yan ay mawawala at di natin
magagamit pagdating natin sa ikalawang pagkabuhay.

You might also like