Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MITOLOHIYA

-ay agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat.

-Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar ng
naglalahad ng kasaysayan ng diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba at dinarakila
ng mga sinaunang tao.

Mito/myth

Greek-muthos

Latin - mythos

-Ang muthos ay halaw sa mu na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig

Paksa ng iba't ibang mitolohiya ang pag-ibig, & pakikipagsapalaran, pakikipagdigma, at


pagpapakita ng Iba't ibang kapangyarihan.

Gamit ng mitolohiya

1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig.


2. Ipaliwanag ang puwersa ng daigdig.
3. Maikwento ang mga sinaunang gawaing-panrelihiyon
4. Magturo ng mabuting
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubrob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng sangkatauhan.

Aenid-ang pambansang epiko ng rome

Iliad at Odyssey-Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo

Cupid at Psyche

Tauhan

Cupid- Siya ang diyos ng pag-ibig, ang anak ni Venus. Isang mapagmahal na lalaki at asawa
kay Psyche, na handang gawin ang lahat para sa kanyang pinakamamahal na si Psyche.

Psyche- Siya ang babaeng kinahuhumalingan ng mga kalalakihan kung kaya’t ang diyosang si
Venus ay nag-utos sa anak niyang si Cupid na ito ay paibigin sa isang halimaw. Siya ang
babaeng inibig at minahal ng diyos ng pag-ibig na si Cupid.

Venus- Siya ang diyosa ng kagandahan. Ang ina ni Cupid na nag-utos sa kanya na paibigin si
Psyche sa isang halimaw. Ang nagbigay kay Psyche na napakaraming pagsubok.

Ama ni Psyche- ang hari at ama ni Psyche

Ang dalawang kapatid na babae ni Psyche- sila ang nagplano ng masama kay Psyche dahil
sa nararamdaman nilang pagka inggit dito.

Zephyr- ang naghatid kay Psyche sa palasyo at naging tahanan nila ni Cupid. Ito din ang
naghatid sa kanyang mga kapatid upang ang mga kapatid niya ay makarating din dito.
Proserphina-Ang nagbigay sa kahilingan ni Venus na kumuha ng kaunting kagandahan dito.
Siya din ang reyna ng mga kamatayan.

MGA PAGSUBOK

Unang Pagsubok- paghiwalayin ang mga butong may magkakaibang kulay bago sumapit ang
dilim. Tinulungan siya ng mga langgam dito.

Ikalawang Pagsubok- Bumunot ng gintong balahibo mula sa mga tupa na mababangis kapag
araw at tulog na kapag gabi.

Ikatlong Pagsubok- Pumunta sa kaharian ng reyna ng kamatayan(Proserphina) upang


humingi ng kagandahan nito at isilid sa kahon.

KARAGDAGANG IMPORMASYON

AMBROSIA- Pagkain ng mga Diyos at Diyosa para maging isang imortal.

Punyal at Lampara- dinala ni Psyche nang pumunta siya kay Cupid upang malaman ang lihim
nito.

Aral sa Kwento- Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.

Aspekto ng Pandiwa

Perpektibo- nagsasaad na tapos na nangyari ang kilos. (Aspektong Naganap)

Hal. Ako ay tumalon sa sahig.

Imperpektibo-nagsasaad no ang kilos ay kasalukuyang nangyari o kaya'y patuloy na


nangyayari. CAspektong Nagaganap)

Hal. Ako ay tumatalon sa sahig.

Kontemplatibo-nagsasaad na ang hindi pa isinasagawa o gagawin pa lang. (Aspektong


Magaganap)

Hal. Ako ay tatalon sa sahig.

Perpektibong katatapos- kilos na naganap na o kilos na pangnagdaan kakayari.

Hal. Katatalon ko lamang sa sahig.

Gamit ng Pandiwa

Aksyon- Mayroong aktor ng aksyon o kilos. (Sino)

Hal. Nagluto ng hapunan si Nanay.

Karanasan- Mayroong matinding damdamin o emosyon.

Hal. Nalungkot siya sa pagkawala ng kanyang aso.

Pangyayari- aksyong naganap bunga ng isang pangyayari.(may dahilan)


Hal. Nahulog siya sa kahoy dahil sa lindol.

PARABULA

-isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.

-Isa itong maikling salaysay na nasa anyong patula o prosa ng malimit nangangaral o nagpapayo
hinggil sa isang pangyayari, na isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin

Aral- “Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang
kakaunting nasa kanya ay kukunin pa”

Ang Binhi

Aral- “Panatilihin ang pagiging tapat kahit ano man ang dumating na pagsubok”

PANANDANG PANDISKURSO

-mga salita na tumutulong upang mapalinaw at napag-uugnay ang mga ideyang ipinapakita sa
isang teksto o diskurso

-ito ay maaaring gamitin upang maisalarawan ang pag-iiba ng paksang tinatalakay, pagtitiyak,
pagbibigay halimbawa, opinyon at paglalahat.

Gamit ng panandang pandiskurso

1. Pagdaragdag at pag-isa-isa ng mga impormasyon

-Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod sunod ng mga


pangyayari o pagiisa-isa ng mga impormasyon.

-Kabilang dito ang mga salitang pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, isa
pa, at gayon din.

Hal. Unang lumaban si Sulayman sa halimaw na umalipin sa mga kaawa-awang taga-


Maguindanao.

Hal. Sa dakong huli, si Indarapatra ang nagwagi sa laban sa mga halimaw.

2. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal

-Ginagamit ang pag-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at


layunin, paraan at resulta maging sa pahayag ng kondisyon at kinalabasan.

-Kabilang na pag-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi.

-Samantalang Sa paglalahad ng bunga at regula ginagamitan ng pag-ugnay na kaya, kung kaya,


kaya naman, tuloy at bunga.
Hal. Hindi natuloy ang pagpupulong dahil sa lakas ng ulan.

Hal. Napatigil ang sasakyan sa harapan nito kung kaya napatigil din siya sa pagtakbo.

SANAYSAY

Alejandro G. Abadilla- Ang Sanaysay ay nakasulat na karanasan ng isang sanay sa


pagsasalaysay. Isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro kuro
ng may akda.

Bahagi ng Sanaysay

1. Panimula-sa bahaging ito, madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan at pananaw ng may
akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.

2. Gitna o Katawan- Inilalahad sa bahaging ang pang karagdagang kaisipan o pananaw


kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan o suportahan ang inilahad ng pangunahing
kaisipan

3. Wakas- Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, at ang pangkalahatang


palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan ay iniisa-isa sa katawan ng akda.

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw (Ugnay Wika)

*Ang masasabi

*Ang pagkakaalam ko ay...

*Ang paniniwala ko ay...

*Ayon sa balita...

*Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil...

* Kung ako ang tatanungin...

4 na Buwan ko sa Espanya

Rebecca De Dios- Ang may akda ng sanaysay siya ay 16 years old, anak ng OFW sa Barcelona

- 8 taon na nagtratrabaho ang kanyang magulang sa Barcelona.

Panahon at klima

Hulyo - Agosto (Mainit)

Abril - Hunyo (katamtaman)

Kultura at tradisyon

Museo at teatro

Reina Sofia -Madrid

Tahanan at Gusali
- Palacio de madrid

Wika

-Spanish o Castillian (Espanyol)

Galician

Catalan

Basque

Lugar na pinuntahan

-Madrid

-Toledo

-Seville

-Valencia

*Pumunta sila sa La Sagra familia(simbahan)

Katoliko 80-90%

Pagkain

El Desayuno (Almusal)

Tapas (Fingerfood) (Meryenda)

La Comida (Tanghalian)

La Merienda (Dinner)

La Cena (Hapunan)

Kasuotan

-Pormal

-Angkop dapat ang suot sa simbahan

EPIKO

-Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na epos na ang kahulugan ay awit'.

-Ang Epiko ay isang uri ng panitikan na matatagpuan sa iba't ibang grupong grupong etniko. Ito
tumatalakay sa mga kabayanihan at` pakikipagtunggali sa isang tao o mga tao laban sa mga
kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan.

Ang Pagbibinyag sa Savica

France Preseren-may akda

- isang epikong Slovenian na binubuo ng tatlong bahagi:

-Una ay "Ang Soneto"


-Pangalawa ay "Ang Prologo" na nasusulat nang patula at binubuo ng dalawampu't anim na
saknong na may tigatlong taludturan (tercets)

-Pangatlo, "Ang Pagbibinyag” na nasusulat sa tigwalong taludturang tula at binubuo ng 56 na


saknong o talata.

Tauhan

Crtomir- ang makisig at matapang na mandirigmang Pagano na labis na nagmamahal sa


kanyang kasintahan.

Bogomila-isang dalagang maganda, inosente, at mahinhin subalit may matatag na


paninindigan.

Valjhun- kalaban nila crotomir, isang mandirigmang kristiyano

Mga Salitang Hudyat Sa Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

Nakagagamit ng pang-uring pamilang na may uring panunuran or ordinal upang malinaw

na masundan makita ang tamang pagkakasunod-sunod.

Hal. una, pangalawa, pangatlo

Paggamit ng mga salitang hakbang o sariling step sa pang uring pamilang

Hal. Step 1, Step 2, Step 3, Unang hakbang, ikalawang hakbang, ikatlong hakbang

Paggamit salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, kasunod, pagkatapos,


panghuli at iba pa.

Maikling Kwento

-isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o


ilang tauhan at may ilang kakintalan o impresyon lamang.

Bahagi ng maikling Kwento

1.Simula

2.Gitna

3.Wakas

Ang Kwintas

Tauhan

Matilde Loisel- Isang maganda at mapanghalinang babae, asawa ni G. Loisel, hindi siya
maligaya sa estado ng kanyang buhay

G. Loisel-Siya ay ang asawa ni Matilde, clerk sa isang instruksiyong pampubliko, mapagmahal


na asawa
George Ramponneau-Siya ang nag anyaya sa mag asawang Loisel sa isang sa isang kasiyahan
mula sa Ministro ng Instruksyon Pampubliko.

Jeanne Forestier-Siya ang matalik na kaibigan ni Matilde nagpahiram kay Matilde ng kwintas
na ginamit niya sa pinuntahang kasayahan.

PANGHALIP (UGNAY WIKA)

-Ang panghalip ay bahagi ng pananalitang humahalili o ginagamit na pamalit sa ngalan

ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

Uri ng Panghalip

Panghalip Panao- Mga panghalip na ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao.

Mga Halimbawa:

Ikaw, Ako, Tayo, Kami, Siya, Iyo, Nila, Kanila, Sila, Natin, Namin, Ninyo, Kayo, Mo, Kanya

Anapora at Katapora

Anapora

-ang ipinalit na panghalip sa pangngalan ay matatagpuan sa bandang hulihan ng pangungusap.

Hal. Si Rita'y nakapagturo sa paaralanang-bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak.

Katapora

-ang ipinalit na panghalip sa pangngalan ay matatagpuan sa bandang unahan ng pangungusap.

Hal. Siya'y hindi karapat-dapat na magtaglay na aking apelyido, si Pedring ay kahiya-hiya!

NOBELA

-Ito ay bungang isip / katha na anyong prosa, kadalasang halos pang-aklat ang haba na ang
banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo

-Ito’y naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang mahusay

Pagkakabalangkas. Ito ay hindi mababasa ng isang upuan lamang.

Ang Multo ng Opera

Gaston Leroux- may akda

Tauhan

Christine- Isang sopranong nagtatanghal sa Palais Garneir.

Raoul- Matalik na kaibigan ni Christine, may gusto kay Christine.


Phantom/Erick- Nagtuturo kay Christine kung paano kumanta, may gusto kay Christine.

Carlotta- Isang tampok na mang-aawit sa Palais Garneir.

You might also like