Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Huwag Isa-legal ang Divorce Bill

Gwyneth Jean C. Labao

Proposisyon at bar: Divorce Bill napapanahong isabatas.


Panig: Negatibo

Ang pagpapkasal ay katumbas ng pangako sa Diyos. Kung nangako sila sa Diyos, bakit kailangan
pang ipasa ang panukalang batas tungkol sa diborsyo? Isa sa pinaka-kontrobersyal at matagal nang
pinagdedebatehan ay ang pagsasabatas ng deborsyo sa ating bansa.

Malalim at malinaw na pagtalakay sa Divorce Law sa Pilipinas. Ayon kay Tagbilaran Bishop
Leonardo Medroso, hindi nararapat ang Divorce Law dito sa ating bansa sapagkat nilikha ng Diyos ang
mag-asawa upang magsama hanggang sa kamatayan. Ang diborsiyo ay nakakasira sa relasyon ng
pinagsamang puso at ito rin ang nakaaapekto sa buhay ng mga anak nila.

Para sa akin hindi na kailangan pang ipatupad ang Divorce Law sa Pilipinas dahil nakasisira ito sa
relasyon natin sa Diyos at kapwa. Oo marami na ngang mga mag-asawa ang hiwaly ngayon. Ngunit
kapag naging legal ba ang diborsyo, mababawasan ba ang bilang ng mga mag-asawang naghihiwalay?
Mabubuo ba nito ang mga pamilyang nawasak? O mabibigyan lamang ulit ng pagkakataon ang isang
iresponsableng asawa na bunuo ng pamilya at wasakin ulit gamit ang batas na diborsyo?

Batay saaking pananaw sa paksang ito, ako'y hindi sumasangayon sa pagpapatupad ng divorce bill
sapagkat dahil dito ay maraming pamilyang mawawasak. Kaya bago magpakasal at manumpa
siguraduhin tunay at panghabangbuhay ang pagmamahal sa isa't isa.

You might also like