Ap2 Modyul

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

St.

Peter’s Academy
Polangui,Albay

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 2

Kwarter 2

Pangalan:__________________________________________Petsa:_____________

Asignatura: A. P
Aralin: Mga sagisag at mahalagang bagay sa komunidad
Sanggunian: Kayamanan 2 (Rex Book Store, Inc.)
Lahing Pilipino 2(Rex Book Store, Inc.)
____________________________________________________________________________

Layunin

1. Nailalarawan ang mga sagisag, natatanging estruktura, bantayog ng mga bayani,


at mahahalagang bagay na matatagpuan sa komunidad.
2. Naiuugnay ang mga sagisag, natatanging estruktura, bantayog ng mga bayani ,
at mahahalagang bagay na matatagpuan sa komunidad sa kasaysayan nito.

Panimula

May mga simbolo o sagisag, bantayog, estruktura, at mahahalagang bagay na


makikita sa isang komunidad. Ang mga ito ay kumakatawan sa isang komunidad. Ang
mga ito ay kumakatawan sa mga bagay, makasaysayang pangyayari, at iba pang
maaaring pagkakakilanlan ng isang komunidad.

Sa araling ito, alamin natin mga sagisag na nagpapakilala ng mga katangian ng


mga Pilipino.

Pagtalakay

Mga sagisag ng komunidad

May mga bagay na nagpapakilala sa mga Pilipino at sa Pilipinas. Nagpapakilala


ang mga bagay na ito ng magandang katangian ng mga Pilipino.

Makikita natin sa mga paaralan, sa tanggapang pampamahalaan, at sa iba pang


estruktura ang ating pambansang watawat. Sagisag ito ng pagiging Malaya ng ating
bansa.

May kahulugan ang mga kulay na makikita sa ating pambansang watawat.

1. Pula- ay sagisag ng katapangan


2. Bughaw – sagisag ng kapayapaan
3. Puti- sagisag ng kalinisang ng kalooban

May tatlong bitui na sumasagisag sa tatlong malalaking pangkat ng mga pulo sa


Pilipinas- Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang walong sinag ng araw ay sumasagisag sa walong lalawigan na unang lumaban sa


mga Espanyol – Maynila, Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at
Nueva Ecija.

Logo o selyo ay isa ring sagisag ng komunidad. Ito ang nagpapakilala sa isang
lungsod o bayan.

Sarimanok ay pangunahing sagisag ng kultura ng mga Maranao.

Mga Estruktura

Ang mga estruktura ay anumang bagay na itinayo ng tao.


Ng mga bantayog na kinilala natin ay mga halimbawa ng estruktura. Tunghayan
natin ang mga estrukturang nagpapakilala sa ating bansa at nagpapaalala sa atin ng
mahahalagang pangayayari sa nakaraan.

Intramuros
Matatagpuan ang Intramuros sa Lungsod ng Maynila. Dito nanatili ang matataas
na pinunong Espanyol noong sinakop nila ang Pilipinas.
Kilala rin ang Intramuros bilang Walled City dahil sa matataas at makakapal na pader
nito.

Palasyo ng Malacanang
Ang Palasyo ng Malacanang ang opisyal na tanggapan ng pangulo ng Pilipinas.
Matatagpuan ito sa Lungsod ng Maynila malapit sa Ilog Pasig.

Unibersidad ng Santo Tomas


Ang Unibersidad ng Santo Tomas (UST) ang pinakamatandang unibersidad sa
Pilipinas at buong Asya.

Mga Bantayog

Tinatawag na bantayog ang mga itinayong simbolo bilang parangal sa isang


taong itinuturing na bayani.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aralin basahin ang nasa


pahina 135-139.

Pagsasanay 1

Gamit ang batayang aklat sa KAYAMANAN 2 sagutan ang nasa pahina 145-147.

Pagsasanay 2
Panuto: Buuin ang graphic organizer sa pamamagitan ng paglalarawan ng iyong
komunidad.
Pagsasanay 3

Panuto: Suriin kung tama o mali ang gamit sa pangungusap ng mga salitang may
salungguhit.Kulayan ng berde ang letra ng iyong sagot.

Tama Mali

T M 1. Ang estraktura ay isang bagay na itinayo ng tao tulad ng


paaralan o simbahan.

T M 2. Ang Philippine eagle ay isa sa mga sagisag ng Pilipinas.

T M 3. Ang Intramuros ay matatagpuan saLungsod ng Maynila.

T M 4. Ang estraktura ay isang bagay na itinayo ng tao tulad ng

T M 5. Bughaw ay sagisag ng katapangan

You might also like