EPP 5 Agri Q2 Week 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

5

JULIET C. DANGANAN
Bagong Barrio ES
Writer

1
Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 1
Kahalagahan ng Paggawa ng
Aralin
Abonong Organiko
1
Isinulat ni Juliet C. Danganan

Pagkatapos ng aralin, matututunan mo ang Most Essential Learning Competencies


(MELC) na ito:
1. Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong
organiko. (EPP5AG-0b-4)

Magandang araw sa iyo!

Paano mo ba gamitin ang modyul na ito? Ito ang mga hakbang upang
lubos mo na maunawaan ang nilalaman nito.

1. Basahin at unawaing mabuti ang aralin na may kasiyahan.


2. Unawain at sagutan ang mga pagsasanay na may angkop na nilalaman o
kasanayan.
3. Humingi ng tulong at gabay sa iyong mga magulang o nakatatanda upang
lubos na maunawaan ang mga aralin at mga pagsasanay.
4. Siguraduhin na sa lahat ng iyong gagawin ay may pagsubaybay ng iyong mga
magulang upang maiwasan ang anumang di inaasahang pangyayari.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod


na kasanayan:

1. Matalakay ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko.


2. Masuri ang mga pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko.
3. Maisagawa ang wastong pagsunod sa pamamaraan sa paggawa ng abonong
organiko.

2
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.

_______ 1. Ito ang mga pangunahing sustansya na kailangan ng lupa upang maging

malusog ang mga dahon, bulaklak, tangkay at ugat.

A. Nitrogen, Phosphorous at Potassium


B. Nitrogen, Oxygen at Potassium
C. Potassium, Nitrate at Oxygen
D. Phosphorous, Oxygen at Potassium

_______ 2. Isang uri ng pataba (organic fertilizer) na nagmumula sa nabubulok ng mga

halaman, basura, dumi ng hayop at anumang uri ng organikong materyal.

A. Ammonium Nitrate B. Compost C. Ammonium Sulphate D. Urea

_______ 3. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng paggamit ng abonong organiko


maliban sa:

A. Hindi mabilis matuyo ang lupa.


B. Pinatataba ang lupa dahil sa sustansya nito.
C. Mas magastos kumpara sa kemikal na abono.
D. Napapalambot at pinagaganda ang hilatsa o pagsalat (texture).
_______ 4. Ang paggamit ng abonong organiko ay pinabubuti ang daloy ng hangin at
kapasidad na humawak ng tubig sapagkat pinaluluwag ang _________ ng lupa.
A. Pagdaloy B. Paglambot C. Pagtaba D. Paghinga
_______ 5. Isa sa kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko ay napatataba nito
ang lupa kung saan ang sustansya ay wala sa kemikal na abono. Dahil dito
ang mga tanim mong halamang-gulay ay:
A. Mas maganda at napaparami ang ani.
B. Maliliit ang magiging bunga ng tanim.
C. Mabagal ang pag-ani at kakaunti lamang.
D. Malusog ang tanim ngunit wala masyong magiging bunga.

3
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 1
Panuto: Hanapin at bilugan ang limang ( 10 ) halamang-gulay na makikita sa loob ng
Word Search sa ibaba.

K A L A B A S A
E P A T A N I X
L A B A N O S E
S A I O N M A M
I L B A T A W P
T A U T G V A E
A Y L A A Y X C
W A R A B I U H
O K R A I A P A
T A L O N G O Y

Ang lupang pagtataniman ng mga halamang-gulay ay nangangailangan ng mga


pangunahing sustansya tulad ng Nitrogen, Phosphorous at Potassium o NPK na
katawagan nila. Ang Nitrogen ay kailangan para sa malusog na paglaki ng mga dahoon
at bulaklak, ang Phosphorous ay para sa malusog na paglaki ng mga ugat at tangkay,
at ang Potassium naman ay para sa mahusay na pagsibol ng mga dahoon, tangkay at
bulaklak. Ang mga ito ay hindi magiging sapat kung ang sustansyang galing sa lupa
kaya nangangailangan pa rin ng pataba o abono sa lupang iyong pagtataniman.
May dalawang uri ng abono. Ito ay maaaring organiko o di-organiko. Ang abonong
di-organiko ay komersiyal na pataba. Ginawa ito na may kemikal at kalimitang
ipinagbibili sa merkado. Inihahalo ito sa lupa para maging malusog at mabilis ang
paglago ng mga halaman. Ang abonong organiko naman ay mula sa pinaghalong mga
balat ng prutas at gulay, tuyong dahon, damo, dayami, at dumi ng hayop na maaaring
gawing compost. Katulad ito ng compost na isang uri ng pataba (organic fertilizer) na
nagmumula sa nabubulok ng mga halaman, basura, dumi ng hayop at anumang uri ng
organikong materyal. May dalawang uri ng paraan ng paggawa ng compost. Ang
compost pit ay para sa mga may malalawak na lugar na maaari nilang gawan ng hukay
at doon nila itatapon o ibabaon ang mga nabubulok na basura na magsisilbing pataba.
4
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 1
Ang basket composting naman ay ginagawa kung walang sapat na lugar upang
gumawa ng hukay na pagbabaunan. Ang basket composting ay isa ring paraan ng
pagbubulok ng mga basura sa isang sisidlan o lalagyan. Ginagamit itong pataba ang
laman ng sisidlan o lalagyan pagkatapos ibulok ng dalawang buwan o higit pa.

Kahalagahan ng Paggawa ng Abonong Organiko/Compost


1. Pinatataba ang lupa dahil sa sustansyang wala sa abonong kemikal.
- mas maganda at napaparami ang ani.
- kailangang maparami ang ani, ngunit hindi sana naaabuso ang lupa.
2. Pinabubuti ang lupa.
- napapalambot at pinagaganda ang hilatsa o pagsalat (texture) at bungkal ng
lupa (tilt).
3. Hindi mabilis matuyo ang lupa.
4. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig sapagkat
pinaluluwag ang paghinga ng lupa.
5. Matagal ang epekto. Walang overdose.
6. Mas matipid na gamitin kumpara sa pagbili ng kemikal na abono.
7. Walang kemikal na maaaring magdulot ng kontaminasyon.
8. Maaaring gumawa ng sailing organikong pataba.

Gawain 1: Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
salitang tinutukoy sa loob ng kahon.
1. Anong A ang kailangan ng lupa upang ito ay lumusog?

2. Saang L ibinabaon ang mga nabubulok na basura?

3. Anong M ang nagagawa na hindi mo kailangang gumastos


bumili ng kemikal na abono?
4. Anong B ang pinagsisidlan ng pataba kung walang
sapat na lugar para gumawa ng hukay?

5. Anong T o salat ang pinabubuti ng pataba sa lupa?

Gawain 2: Panuto: Punan ang patlang upang makumpleto ang pangungusap. Piliin
sa loob ng kahon ang sagot.

Nitrogen Phosphorous Potassium


5
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 1
Abonong Organiko Abonong Di-Organiko Urea

1. Ang _______________________ ay komersiyal na pataba. Ginawa ito na may kemikal


at kalimitang ipinagbibili sa merkado.
2. Ang _____________________ ay mula sa pinaghalong mga balat ng prutas at gulay,
tuyong dahon, damo, dayami, at dumi ng hayop na maaaring gawing compost.
3. Ang _________________ ay kailangan para sa malusog na paglaki ng mga dahon at
bulaklak.
4. Ang ___________________ ay para sa malusog na paglaki ng mga ugat at tangkay,
5. Ang ___________________ ay para sa mahusay na pagsibol ng mga dahon, tangkay
at bulaklak.

Gawain 3: Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na pangungusap.

Lagyang ng star ang patlang bago ang bilang kung nagpapakita ng kahalagahan ng
abonong organiko.

__________ 1. Mas nakakatipid ang paggamit ng abonong organiko kaysa sa pagbili ng


kemikal na abono.
__________ 2. Nagiging tuyot ang lupa kapag gumamit ng abonong organiko.
__________ 3. Pinatataba ang lupa dahil sa sustansyang wala sa abonong kemikal.
__________ 4. Pinagaganda ang hilatsa o pagsalat (texture) at bungkal ng lupa (tilt).
__________ 5. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig
sapagkat pinaluluwag ang paghinga ng lupa.

Ang abonong organiko ay mahalaga sa pangangalaga ng mga pananim. Malaki ang


matitipid kung ikaw ay may kaalaman sa paggawa nito. Ang abonong organiko ay
nakapagpapaganda sa kalidad ng lupa. Malaki ang pakinabang nito sa pagpaparami ng
ani.

6
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 1
Panuto: Basahin ang kasabihang nasa loob ng katawan ng puno. Mula sa
kasabihang ito, gumuhit ng mga dahon (5) na ilalagay sa puno at isulat ang mga
kabutihang naidudulot ng pagbibigay ng pataba sa mga pananim.

Kung ano ang


itinanim
Siya mo
aanihin,
Kaya
mabuting
tiyakin
Maayos ang
pananim.
Alagaan mong
mabuti
Diligin at
patabain.
Kung panahon
ay dumating
Ang ani’y
maganda rin.

Rubriks
Iskor Pamantayan
5 Maayos, maganda at angkop ang nilalaman ng sagot.
4 Maayos at maganda subalit may kakulangan ang diwa.
3 Kulang ang diwa ng sagot, mali ang paggamit ng mga bantas, malaking
titik, indensyon, at iba pa.

7
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 1
2 Nakagawa ngunit hindi natapos ang gawain.
1 May pagkakahawig sa gawain ng iba.

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang
salitang tama sa patlang kung wasto ang ipinapahayag na kahalagahan ng paggawa ng
abonong organiko at mali kung hindi.

__________ 1. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang mga ani nito.
__________ 2. Sinisiksik nito ang lupa.
__________ 3. Maaaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono,
__________ 4. Naaabuso ang lupa sa paggamit ng organikong abono.
__________ 5. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig.
__________ 6. Madaling matuyo ang lupa sa paggamit ng abonong organiko.
__________ 7. Dagdag gastos sa nag-aalaga ng mga pananim.
__________ 8. Mas kakaunti ang “methane gas” ng damo kung magkokompost muna
bago ihalo sa lupa.
__________ 9. Walang sustansyang ibinibigay na katulad sa mga kemikal na abono.
__________ 10. Pinagaganda ang salat (texture) at bungkal ng lupa (tilt).

Panuto: Isulat sa mga dahon ang iyong mga natutuhan sa modyul na ito sa
pamamagitan pagsagot sa tanong na nasa ibaba.

8
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 1
Anong natutunan
ko mula
sa araling ito?

Anong katangian
ko ang
napaunlad ko
mula sa
araling ito?

Anong natutunan
ko ang
maaari kong
maibahagi?

9
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 1
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE
CALOOCAN CITY
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
AGRICULTURAL ARTS - GRADE 5

Pangalan: _______________________________ Baitang & Pangkat ______________


Guro: ____________________________________Petsa: ______________________

Answer Sheet

Unang Balik-Tanaw Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


Pagsubok
1

10

Gawain 4 Gawain 5 Pag-alam sa Pangwakas na Pagninilay


Natutunan Pagsusulit
1

10

10
EPP 5 – Agricultural Arts
Quarter 2-Week 1

You might also like