Grade 4 q1 Esp Las 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Grade 4-Q1-ESP-LAS 1

ESP 4

Name: ______________________________________ Date: ____________________


Grade:______________________________________ Section: ___________________

Quarter: 1 Week: 1 LAS No. 1


MELC(s:
1. makapagsabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito (ESP4PKP-Ia-b –23).
____________________________________________________________________________________

Ang pagsasabi ng katotohanan ay dapat paunlarin dahil nagpapakita ito ng magandang pag-uugali.
Ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng magandang ugnayan sa kapwa. Ang pagmamahal sa katotohanan
ay dapat mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon. Dahil sa kawalan ng katotohanan, ang
kasinungalingan ang nagingibabaw. Ito ngayon ang hamon sa lahat ng tao na maging mabuting modelo
tungo sa katotohanan at pagsikapang mapanindigan nang may katuwiran ang piniling pasiya at
pagpapahalaga. Ayon sa sawikain, “Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo” Hindi magiging tunay na
malaya ang isang tao kung siya ay may itinatago sa kaniyang sarili.

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung ito ay hindi.

________1. Ang pagsasabi ng totoo ay makatutulong sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa.


________2. Ang pagmamahal sa katotohanan ay kailangang mapaunlad sa mga kabataan.
________3. Nakita ni Rino na nahulog ang pera mula sa isang ale habang siya ay naglalakad. Pinulot
niya ang pera at ibinigay sa ale.
________4. Ang pangongopya sa katabi habang sumasagot ng pagsusulit ay halimbawa ng pagmamahal
sa katotohanan.
________5. Sinabi ni Mika sa kaniyang ina na hindi niya sinasadyang nabasag ang baso sa kusina.
________6. Kahit na napagalitan ay inamin ni Susan na siya ang nakasira ng paso ng kaniyang guro.
________7. Nagsumbong si Nato ng maling pangyayari sa kaniyang guro upang hindi siya mapagalitan
nito.
________8. Hapon na kung umuuwi si Rosa. Sinasabi niya na mayroon silang ginagawang proyekto na
dapat tapusin pero ang totoo, siya ay naglalaro kasama ang kaniyang mga kaklase.
________9. Maaaring maging malaya ang isang tao kung may itinatago sa kaniyang sarili.
________10. Sinabi ng mga bata na sila ang gumawa ng takdang-aralin kahit ang totoo ay pinagawa
nila ito sa kanilang mga magulang.

You might also like