Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ni: CHARLIE D.

MARTINEZ

Sa kasalukuyang panahon,onti-onting lumulobo ang bilang ng


mga E-bikes sa Pilipinas. Nauso ang mga ito sapagkat wala kang
maraming gastos dito at higit sa lahat di ito makakadulot per-
wisyo sa mga tao sa lugar.Sa hindi nakakaalam kung ano ang e
bike.Ito ay isang motorsiklo na ginagamitan ng kuryente, at ito'y
rechargeable.Ang e bike ay ligtas gamitin dahil ang takbo lang
nito ay umaabot ng 25-30 km/h (16-20 km/h), at pwede din itong
gamitin ng mga kababaihan.
Napapahanga nalang ako sa'tuwing nakakakita ako ng ganitong
mga motorsiklo dahil sa wala itong masydong tunog at hindi
maingay,nakakaiwas din ito sa polusyon at hindi nakakasira ng
kalikasan dahil ito hindi mausok at hindi kinakailangan ng gasoli-
na para lang mapatakbo ito dahil ito'y rechargeable at
dekuryente.

Ayon sa Wikipedia,ang mga de-kuryenteng bisikleta ay naidoku-


mento sa loob ng iba't ibang patent ng U.S.. Halimbawa, noong 31
Disyembre 1895, si Ogden Bolton Jr. ay nabigyan ng patent para sa
isang bisikleta na pinapagana ng baterya na may "6-pole brush-
and-commutator direct current (DC) hub motor na naka-mount sa
rear wheel" (U.S. patent 552,271) . Walang mga gears at ang mo-
tor ay maaaring gumuhit ng hanggang 100 amperes mula sa isang
10-volt na baterya.

Mula sa araw-araw na pagsakay sa mga pampublikong sasakyan,


nahumaling na ang mga komyuter na gumamit na lamang ng mo-
torsiklo hanggang sa masiyahan na ay natutong gumamit ng race
bikes o big bikes at ngayon dumarami na rin ang gumagamit ng e-
bikes.

Kumpara sa mga sasakyang gumagamit ng gasolina o diesel na


karaniwa’y nagbubuga ng maruming usok na pangunahing prob-
lema ng buong Pilipinas dahil sa maitim na ang itaas na bahagi na
ng nasasakupan nito.

Sa pag-aaral na isinagawa ng Greenpeace Southeast Asia at ng


Center for Research on Energy and Clean Air, ang usok mula sa
mga sasakyang gumagamit ng gasolina at diesel ang dahilan ng
kamatayan ng maraming Pilipino.

Base sa unang inilabas na ulat ay umabot sa 27,000 katao ang bin-


abawian ng buhay taun-taon dahil sa nakalalasong hangin, ayon sa
pag-aaral ng mga eksperto at ikatlo ang ating bansa sa buong Asya
na marami ang namamatay dahil sa air pollution.

Kaya ang E-bikes ay nakakatulong sa pag unlad ng Pilipinas dahil ito'y hindi nakadudulot ng masamang epekto sa
ating mundo bagaman ang E-bikes ay ligtas at protektadong gamitin.

Gusto mo rin ba ng ganitong motorsiklo? At gusto mo bang malaman kung saan ito mabibili?

You might also like