Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Manuel Roxas

Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay


ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (28 Mayo
1946 – 15 Abril 1948).
Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na
ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang lalawigang
Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at
Rosario Acuña ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya
ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the
Philippines) noong 1912 at naging topnotcher sa Bar Exams.
Nag-umpisa siya sa pulitika bilang Piskal Panlalawigan.
Nagsilbi sa iba't-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang
Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya
sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay
naging Speaker of the House. Pagkatapos maitatag ang
Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa
National Assembly, nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng
Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at
naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942)
ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito,
siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na
pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng
digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio
Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina
heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento
bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang
buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong 23 Abril
1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa
mga Hapon. Noong 15 Abril 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang
nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base wala
na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino.

Talambuhay
Maagang buhay
Si Roxas ay iniluwal noong 7 Enero 1891 sa Capiz kina Gerardo Roxas, Sr. at Rosario Acuña. Ang
kanyang ama ay pinatay ng mga Kastilang guardia civil bago pa ipanganak si Manuel. Siya ay
nagtapos sa Mataas na Paaralan ng Maynila (ngayong Mataas na Paaralan ng Araullo) noong 1909.
Siya ay nag-aral ng batas sa isang pribadong paaralang itinatag ni George A. Malcolm na unang
dekano ng Kolehiyo ng Abugasya ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa ikalawang taon ay pumasok siya
sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya nagtapos na balediktoryan at nakakuha ng
pinakamataas na markang 92% sa bar examination noong 1913.
Gobernador ng Capiz
Sinimulan ni Roxas ang kanyang karerang pampulitika noong 1917 bilang kasapi ng konsehong
pangmunisipyo ng Capiz(ngayong Lungsod ng Roxas). Siya ay nahalal na Gobernador ng Capiz
mula 1919 hanggang 1921.
Kinatawan
Si Roxas ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1922 at nanungkulan
bilang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa 12 taon. Siya ay naging kasapi ng Philippine
Council of State. Noong 1923, si Roxas at pangulo ng senado na si Manuel L. Quezon ay nagbitiw
sa Council of State nang simulang i-veto ni Gobernador-Heneral Leonard Woodang mga
panukalang batas na ipinasa ng lehislatura ng Pilipinas.
Misyong OsRox
Si Roxas kasama ni Sergio Osmeña ay nanguna sa isang kampanya na tinatawag na misyong
OsRox (1931) para sa pagkilala ng Estados Unidos ng kalayaan ng Pilipinas at pamumuno sa sarili
ng Pilipinas. Nakamit ng misyong OsRox ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Hare–
Hawes–Cutting Act na nangangakong magbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkalipas ng 10 taon
ngunit ito ay itinakwil ng Senado ng Pilipinas sa panghihimok ni Manuel L. Quezon. Si Quezon ay
nanguna sa isang misyon noong 1934 upang makuha ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos
ng Batas Tydings–McDuffie na pinagtibay ng Senado ng Pilipinas.
Senado
Siya ay nahalal sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit ang Kongreso ng Pilipino ay hindi natipon
hanggang pagkatapos lamang na mapalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones
noong 1945. Nang matipon ang Kongreso noong 1945, si hinalal ng Kongreso na nahalal noong
1941 bilang pangulo ng Senado.
Iba pang mga hinawakang posisyon sa pamahalaan
ng Kombensiyong Konstitusyonal mula 1934 hanggang 1935 na lumikha ng Saligang Batas ng
Pilipinas ng 1935 sa ilalim ng Tydings-McDuffie Act. Siya ay naglingkod na kalihim ng Pananalapi
mula 1938–1940, Tagapangasiwa ng National Economic Council, Tagapangsiwa ng National
Development Company, Brigadier General ng USAFFE, at iba pa.
Panahong Hapones
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Roxas ay nanungkulan sa pamahalaan ng Ikalawang
Republika ng Pilipinas ni Jose P. Laurel sa ilalim ng Hapon bilang Direktor ng Ahensiya ng
Paglilikom ng mga suplay ng kanin para sa hukbong Hapones. Siya ay naging kasapi ng komiteng
gumawa ng drapto ng Saligang Batas ng Ikalawang Republika sa ilalim ng Hapon.
Gayunpaman, si Roxas ay pinaghihinalaan ng mga Hapones na nakikipagtulungan sa mga gerilyang
laban sa Hapon at nagsagawa ng lihim na paniniktik kay Roxas sa kabila ng kautusan ni
Heneral Homma na malapit kay Roxas na itigil ang paniniktik nila kay Roxas.
Noong 1945, si Roxas kasama ng ibang mga kasapi ng gabinete ng Ikalawang Republika ay dinakip
ni Heneral Douglas MacArthur. Si Roxas ay pinalaya, pinatawad at ibinalik ni MacArthur sa
ranggong Brigadier Heneral sa General Headquarters ng Hukbong Amerikano sa Seksiyong
Intelihensiya samantalang ang ibang nadakip na sina Jose Yulo, Antonio delas Alas, Quintin
Paredes at Teofilo Sison ay ibinilanggo upang litisin dahil sa pakikipagsabwatan sa mga Hapones.
Inangkin ni MacArthur na si Roxas ay inosente at tumulong sa kilusang gerilyang laban sa Hapon.
Noong 1948, pinatawad ni Pangulong Roxas ang mga dinakip na sinasabing kasabwat ng mga
Hapones.
Noong 1946 halalan ng pagkapangulo, hiniling ni Roxas ang suporta ng Hukbalahap (Hukbong
Bayan Laban sa Hapon) ngunit dahil sa paniniwalang si Roxas ay nakipagtulungan sa mga Hapones
at malapit na nauugnay sa mga mayayamang nagmamay-ari ng lupain, kanilang sinuportahan
si Sergio Osmeña. Pagkatapos manalo ni Roxas sa halalan, noong 1948, kanyang inihayag ang
parehong PKM at Hukbalahap na mga "ilegal na organisasyon" at inutos ang pagdakip ng mga
kasapi nito dahil sa "pagpapabagsak ng pamahalaan sa pamamagitan ng dahas" at "pagtatatag ng
kanilang sariling pamahalaan sa tulong ng dahas at takot".
Pangulo ng Pilipinas
Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones,
ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong Pebrero 27, 1945 kung saan Pangulo
si Sergio Osmeña.
Nanalo si Roxas sa 1946 halalan ng pagkapangulo noong Abril 23,1946 na may 54 porsiyento ng
kabuuang boto laban kina Sergio Osmeña ng Partido Nacionalista at Hilario Moncada ng Partido
Modernista. Si Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag pagkatapos
humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Roxas ay nagsilbing pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas mula
Mayo 28,1946 hanggang Hulyo 4,1946 nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados
Unidos.
Noong 21 Hunyo 1946, si Roxas ay humarap sa Kongreso ng Estados Unidos upang himukin ang
pagpasa ng dalawang batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados Noong 30 Abril 1946: ang Batas
Tydings–McDuffie at ang Bell Trade Act na parehong ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos.
Sa araw na inilunsad ang Ikatlong Republika ng Pilipinas at kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados
Unidos noong 4 Hulyo 1946, si Roxas ay nanumpa bilang unang Pangulo ng bagong Ikatlong
Republika sa Luneta, Maynila. Ang okasyon ay dinaluhan ng mga 3,000 dignitaryo kabilang ang
Commissioner to the Philippines at kauna-unahang Embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas Paul
McNutt, Heneral Douglas MacArthurgaling sa Tokyo, United States Postmaster General Robert E.
Hannegan, isang delegasyon mula sa Kongreso ng Estados Unidos na pinangunahan ni
Senador Millard Tydings (may akda ng Batas Tydings–McDuffie) at Kinatawan C. Jasper Bell (may
akda ng Bell Trade Act) at dating Civil Governor-General Francis Burton Harrison. Ito ay dinaluhan
ng mga 300,000 katao na nakasaksi sa pagbaba ng pambansang watawat ng Estados Unidos at
pagtataas ng pambansang watawat ng Pilipinas.
Si Roxas ang nanungkulang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong 15 Abril
1948.
Kamatayan

Si Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major General E.L.
Eubank sa Clark Field, Angeles City, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng
Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya
ay hinalinhan ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino.
Elpidio Quirino
Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890—29 Pebrero
1956) ay isang politiko at ang ikaanim
na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948-30
Disyembre 1953).
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre
1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya
ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the
Philippines) noong 1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng
Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging
kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang
pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa
bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong 17 Abril
1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang
malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap.
Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang
Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa,
pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa
atake sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang na 66.

Talambuhay
Maagang buhay
Si Elipidio Quirino ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur kina Don Mariano Quirino ng Caoayan, Ilocos
Sur at Doña Gregoria Mendoza Rivera ng Agoo, La Union. Siya ay nag-aral sa Caoayan sa
elemantarya, sa Vigan High School sa sekundarya at pagkatapos ay tumungo sa Maynila bilang
junior computer technician sa Bureau of Lands at property clerk sa departamentong kapulisan ng
Maynila. Nagtapos siya sa Manila High School noong 1911 at nakapasa sa pagsusulit ng serbisyong
sibil. Noong 1915, siya ay nagtapos ng abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasa sa bar.
Kongreso
Kinatawan
Si Quirino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1919 hanggang 1925.
Senado[
Siya ay nahalal na Senador mula 1925 hanggang 1931 bilang kinatawan ng Unang Distritong
Senatoryal. Siya ay naglingkod bilang kalihim ng pananalapi at ng Interyor ng Komonwelt ng
Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Quirino ay muling nahalal sa Senado ngunit
hindi nakapaglingkod hanggang 1945. Pagkatapos ng Ikalawang digmaang pandaigdig, si Quirino
ay inilagay na Senate President pro tempore.
Misyong pang-Kalayaan ng Pilipinas
Noong 1934, si Quirino ay kasapi ng misyong pangkalayaan ng Pilipinas sa Washington, D.C., na
pinamunuan ni Manuel L. Quezon. Nakamit nito ang pagpasa ng Kongreso ng Estados
Unidos ng Batas Tydings–McDuffie.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Noong pananakop ng Hapones sa Pilipinas, siya ay naging pinuno ng isang paghihimagsik laban sa
mga Hapones ngunit siya ay nabihag at ipinabilanggo. Ang kanyang asawang si Alicia Syquia at
tatlo sa kanilang anak ay pinatay ng mga Hapones.
Pangalawang Pangulo
Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones,
ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong 27 Pebrero 1945 kung saan Pangulo
si Sergio Osmeña. Noong Disyembre 1945, ang House Insular Affairs ng Kongreso ng Estados
Unidos ay nagpasa ng isang resolusyon na nagtatakda sa halalang hindi pagkatapos ng Abril 30.
Si Manuel Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay
sa Partido Nacionalista. Si Quirino ay napiling kasamang tatakbo ni Roxas. Nanalo sina Roxas at
Quirino sa 1946 halalan ng pagkapangulo at pangalawang pangulo noong 23 Abril 1946. Si Quirino
ay nahirang na Secretary of Foreign Affairs.
Pangulo
Si Manuel Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major General
E.L. Eubank sa Clark Field, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng Sandatahang
Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya ay hinalinhan
ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino noong Abril 17, 1948. Nang sumunod na taon, si
Quirino ay tumakbo sa ilalim ng partido Liberal at nahalal na Pangulo para sa apat na taong termino.
Ekonomiya
Sa ilalim ng termino ni Quirino, nagkaroon ng kahanga-hangang rekonstruksiyon ng ekonomiya
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pangkalahatang paglago ng ekonomiya na 9.43 %
at lumaking tulong pang ekonomiya mula sa Estados Unidos. Sa ilalim ni Quirino, maraming mga
pabrika ang naitatag na nagpataas ng antas ng pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng
unang imprastrukturang industriyal. Sa pamamagitan ng mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid,
nagawa niyang patatagin ang piso at balansehin ang budget. Pinalawig ni Quirino ang mga
sistemang irigasyon, ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan
upang lutasin ang problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang bangko
sentral at pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at negosyante. Nilikha ni
Quirino ang Social Security Commission at ng President's Action Committee on Social Amelioration
na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong, pautang, at kaginhawaan sa mga mahihirap na
mamamayan. Ang kanyang programa ay kinabibilangan ng insurance para sa kawalang trabaho,
pagtanda, aksidente at kapansanan, kalusugan, pang-ina at pagpapaginhawa ng estado.
Mga pakikipag-ugnayan
Ang pamahalaan ni Quirino ay nakipagpayapaan sa Hapon at ang Kasunduang Mutuwal ng
Pagtatanggol sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay pinagtibay noong 1951. Sa ilalim ni
Quirino, ang pamahalaan ay naharap sa malubhang banta ng Hukbalahap na orihinal na hukbong
gerilyang laban sa Hapon. Ang pakikipagkasundo ni Qurino sa pinuno nitong si Luis Taruc ay nasira
noong 1948. Hinirang ni Quirino ang kalihim ng pagtatanggol na si Ramon Magsaysay na sugpuin
ang paghihimagsik na naisagawa sa pamamagitan ng labis na karahasan at pangako ng reporma sa
lupain.
Akusasyon ng korupsiyon at tangkang impeachment
Ang administrasyon ni Quirino ay nabahiran ng malawakang korupsiyon. Ang halalan ng
pagkapangulo noong 1949 na kanyang napalunan ay isa sa mga hindi malinis na halalan sa
kasaysayan ng Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nakaupong pangulo ng Pilipinas na
tinangkang iimpeach at inakusahan ng paggamit ng mga pondong pampamahalaan upang ipaayos
at bumili ng mga kasangkapan para sa Malacañang, nepotismo at pagpuslit ng diamante. Ang
impeachment ay itinakwil ng komiteng pangkongreso dahil sa kawalan ng paktuwal at legal na
basehan. Ang korupsiyon ang nagtulak kay Ramon Magsaysay na kumalas sa partido Liberal at
tumakbo laban kay Quirino sa 1953 halalan ng pagkapangulo sa ilalim ng partido Nacionalista.
Kamatayan
Pagkaraang matalo kay Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo, si Quirino ay
nagretiro mula sa politika noong 1953. Siya ay namatay noong Pebrero 29, 1956 sa atake sa puso.
Siya ay inilibing sa Manila South Cemetery sa Makati.

Ramon Magsaysay
Si Ramón' '"Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907
– 17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi
hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng
eroplanong kanyang sinasakyan.
Isinilang siya sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto,
1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral
siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (kilala
ngayon bilang Pamantasang Jose Rizal).
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong
panahong bago magdigmaan. Nang bumagsak ang Bataan,
inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at
pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales
noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang Kalihim ng
Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga
Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging
napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong
pangulo ng Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P.
Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang
nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo
ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si
Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil
ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa
pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.
Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong
kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso
1957.

Talambuhay
Kabataan
Si Ramon Magsaysay ay ipinanganak sa Iba, Zambales sa panday na si Exequiel Magsaysay at
gurong si Perfecta del Fierro. Siya ay nag-aral sa Zambales Academy sa sekundarya at Unibersidad
ng Pilipinas sa kolehiyo sa kursong pre-inhenyerya. Lumipat siya sa Institute of Commerce sa Jose
Rizal College (1928–1932) at nakapagtapos ng kursong Komersiyo. Nagtrabaho siya bilang tsuper
habang nag-aaral. Siya ay nagtrabaho bilang mekaniko ng Try Tran Bus Company sa Maynila at
kalaunang naging manager nito. Sa opisina ng Try Tran na nakilala niya ang kanyang asawang
si Luz Banzon na kumukuha ng kabayaran para sa kompanya ng bus na ipinagbili ng ama ni
Banzon sa Try Tran. Sila ay ikinasal noong Hunyo 10, 1933.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumali si Magsaysay sa motor pool ng ika-31
Dibisyong impanterya ng Hukbo ng Pilipinas bilang kapitan. Pagkatapos ng pagbagsak ng
Bataan noong 1942, inorganisa niya ang Puwersang Gerilya ng kanluraning Luzon na lumaban sa
mga Hapones. Nanatili siya sa ranggong kapitan nang mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas
noong 1945 bagaman pinangasiwaan niya ang mga 12,000 katao. Tumanggi siyang itaas ang
kanyang ranggo ngunit ginawa siyang isang major ng mga Amerikano. Sa wakas ng digmaan,
hinirang siyang Militaryong Gobernador ng Zambales noong Pebrero 4, 1945. Pagkatapos ng
dalawang buwan, ang administrasyong panglalawigan ay inilipat sa sibilyang Gobernador.
Kapulungan ng mga Kinatawan
Noong Abril 23, 1946, si Magsaysay ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas bilang Independiyente. Noong 1948, pinili siya ni Pangulong Manuel Roxas upang pumunta
sa Washington, Estados Unidos bilang Chairman Chairman of the Committee on Guerilla Affairs
upang makatulong sa pagpasa ng Rogers Bill na nagbibigay ng mga benepisyo sa mga beteranong
Pilipino sa digmaan. Muli siyang nahalal na kinatawan noong 1948 at naging Chairman ng House
National Defense Committee.
Kalihim ng Pagtatanggol sa ilalim ni Elpidio Quirino
Noong Agosto 31, 1950, si Magsaysay ay hinirang ni Pangulong Elpidio Quirino na maging Kalihim
ng Pambansang pagtatanggol matapos alukin ni Magsaysay si Quirino na labanan ang mga
gerilyang komunista gamit ang kanyang mga karanasan sa labanang gerilya noong Digmaan.
Pinaigting ni Magsaysay ang kanyang pakikidigma laban sa mga Hukbalahapna naging isa sa
pinakamatagumpay na kampanyang anti-gerilya sa modernong kasaysayan. Ang tagumpay nito ay
sinasabing sanhi sa isang bahagi ng mga hindi kombensiyonal na pamamaraang ginamit ni
Magsaysay. Ginamit niya ang mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas upang mamahagi ng mga relief
good at iba pang mga tulong sa mga malalayong pook sa probinsiya. Nagtayo ang hukbo ng mga
paaralan, mga ospital, mga bahay pansakahan para sa mga mahihirap na mamamayan. Nag-alok si
Magsaysay ng kapatawaran, paggamot medikal at libreng lupain sa kagubatan ng Mindanao sa
sinumang rebelde na susuko. Habang ang opinyong maganda ng publiko sa hukbo ng Pilipinas ay
tumataas, ang bilang ng Hukbalahap ay bumabagsak. Bago ni Magsaysay, ang mga mamamayan
sa mga mga malalayong pook na rural ay walang tiwala sa mga sundalo ng Hukbo ng Pilipinas,
ngunit sa ilalim ni Magsaysay ay nagsimulang igalang at hangaan ng mga mamamayan ang mga
sundalo. Noong mga 1952, ang karamihan ng mga pinunong rebelde ay nabihag o napatay na.
Pagkapangulo
Nanalo si Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo laban sa nakaupong pangulong
si Elpidio Quirino. Siya ay nanumpa na suot ang Barong Tagalog na kauna-unahang pangulo ng
Pilipinas na gumawa nito. Binuksan niya ang mga bakod ng Malacañáng sa mga ordinaryong
mamamayan.Buong nilinis ni Magsaysay ang hukbo ng Pilipinas, winakasan ang korupsiyon at
pinatalsik ang mga walang kakayahang heneral. Ang mga espesyal na unit na anti-gerilya ay nilikha
laban sa mga naghihimagsik. Ang susi sa tagumpay ni Magsaysay ang kanyang pakikitungo sa mga
ordinaryong mamamayan. Mahigpit niyang ipinatupad ang disiplina ng mga hukbo sa kanilang
pakikitungo sa mga magsasaka.
Ekonomiya
Bilang Pangulo, nilinang niya ang malapit na pakikipagugnayang ekonomiko at panseguridad ng
Pilipinas sa Estados Unidos. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay 7.13 %.
Dahil sa malubhang pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga lupain at kayamanan sa mga
mahihirap na mamamayan, nagpakilala siya ng mga reporma sa lupain ngunit ang mga ito ay
patuloy na hinaharang mga konserbatibong kasapi ng Kongreso ng Pilipinas na may-ari ng mga
lupain na kumakatawan sa kanilang pansariling interes.Gayunpaman, nagawang makakuha ni
Magsaysay ng mga tirahang lupain para sa mga walang tahanang magsasaka, nagawang
pabagsakin ang presyo ng mga bilihin at nagawang hatiin ang mga malalaking estadong lupain.
Kamatayan
Noong Marso 16, 1957, nilisan ni Magsaysay ang Cebu kung saan siya nagsalita sa tatlong mga
institusyon ng edukasyon. Nang kinagabihan ng mga ala una ng madaling araw, sumakay siya sa
eroplano ng pangulo na "Mt. Pinatubo" na isang C-47 pabalik sa Maynila. Nang kinaumagahan nang
Marso 17, ang kanyang eroplano ay iniulat na nawawala. Nang katanghalian, iniulat na ang kanyang
eroplano ay bumagsak sa Bundok Manunggal sa Cebu at ang 26 sa 27 pasahero at crew ay
namatay. Ang tanging nakaligtas ang mamamahayag na si Néstor Mata.
Ang tinatayang 2 milyong katao ay dumalo sa paglilibing kay Magsaysay noong Marso 22, 1957.
Hinalinhan siya ni Pangalawang Pangulo si Carlos Garcia bilang Pangulo.

Carlos P. Garcia

Si Carlos Polistico Garcia (4 Nobyembre 1896 - 14 Hunyo 1971)


ay isang Pilipinong makata at politiko at ang
ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (23 Marso 1957–30
Disyembre 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng
gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya
bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia
kanyang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" ("Filipino
First").

Talambuhay
Maagang buhay
Isinilang si Garcia noong 4 Nobyembre 1896 sa bayan
ng Talibon, Bohol. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico.
Nag-aral siya sa Pamantasang Silliman sa Lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya
ng abogasya sa Philippine Law School at nakapasok sa bar noong 1923 sa Maynila.
Iniwan niya pagsasanay ng abugasya at naging guro ng highschool.

Kapulungan ng mga Kinatawan


Una niyang pinasok ang politika noong 1926 bilang kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan at
naglingkod hanggang 1932.

Gobernador ng Bohol
Nagsilbi si Garcia bilang gobernador ng Bohol mula 1932 hanggang 1941.

Senado
Nahalal siya sa Senado ng Pilipinas noong 1941 ngunit hindi nakapaglingkod dahil sa pananakop ng
mga Hapones noong Disyembre 1941. Ipinagpatuloy niya ang paglilingkod bilang Senador nang
mapalaya ang Pilipinas sa pananakop ng mga Hapones noong 1945. Siya ay nanungkulan mula
1945 hanggang 1953. Tumungo si Garcia Estados Unidos upang ilobby ang kabayaran para pinsala
sa digmaan ng Pilipinas. Siya ay nagsilbi ring delegado ng bagong nabuong United Nations sa San
Francisco. Sa Senado, siya ay naging pinuno ng minorya at namuno sa mga impluwensiyal na
komite hingil sa pamahalaan, hukbo, katarungan at ugnayang pandayuhan ng Pilipinas.

Panahong Hapones
Pagkatapos sumuko ang mga Amerikano sa mga Hapones noong Mayo 1942, si Garcia ay
pinahanap ng mga autoridad na Hapones upang hulihin dahil sa kanyang pagtangging sumali sa
pananakop ng mga Hapones. Siya ay sumali sa puwersang gerilyang laban sa Hapon sa Bohol
hanggang sa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pangalawang Pangulo
Noong Nobyembre 1953, si Garcia ay nahalal na Pangalawang Pangulo kasama ni Ramon
Magsaysay bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ni Magsaysay, si Garcia ay naging Kalihim ng
ugnayang pandayuhan. Bilang kalihim nito, nilikha niya ang kasunduang kapayapaan sa Hapones at
nakipagayos para sa pagbabayad nito sa digmaan. Dumalo si Garcia sa Komperensiyang Geneva
hinggil sa mga bagay na Asyano. Kanyang inatake ang mga komunista at sinuportahan ang mga
patakarang Amerikano sa buong Silangan. Sa Pilipinas, patuloy niyang binuo ang mga patakarang
pandayuhan at nangasiwa sa Southeast Asia Treaty Organization (SEATO) Conference noong 1954
na nagresulta sa walong kasaping alyansang panghukbo upang pigilan ang paglawak ng
komunismo.

Pangulo
Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Ramon Magsaysay sa
isang aksidente sa eroplano.
Nagwagi siya sa halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957. Upang makuha ang
pagkapanalo sa 1957 halalan, pinili niya si Diosdado Macapagal mula sa oposisyong Partido
Liberal na maging kasamang tatakbo bilang pangalawang pangulo.

Ekonomiya
Bilang Pangulo, nagpanatili siya ng isang striktong programa ng paghihigpit upang maalis ang
korupsiyon. Sinikap niyang pigilan ang yumayabong na itim na pamilihan at sinikap na pagsiglahin
ang ekonomiya. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nasa 4.54 %. Kanyang ipinatupad ang
patakarang "Pilipino Muna" upang wakasan ang pananaig ng mga dayuhan sa ekonomiya ng
Pilipinas. Ang lahat ng mga imbestor na dayuhan na karamihan ay mga Amerikano ay nilimitahan sa
kaunti sa 51 porsiyentong interes sa mga kompanyang domestiko. Sinimulan rin niya ang paglayo
sa buong pagsalalay sa Estados Unidos bilang guarantor ng seguridad ng Pilipinas at naghanap ng
bagong orientasyon tungo sa ibang mga bansang Asyano. Ang mga patakarang ito ay hindi
nagustuhan ng mga Amerikano. Sinikap rin ni Garcia na buhayin ang mga katutubong sining
pangkultura upang pagtibayin ang pagkakakilanlang pambansa ng mga Pilipino.
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng
Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng
Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya
ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman
ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961.

1961 halalan ng pagkapangulo


Noong 1961, sa gitna ng isang bumagal na ekonomiya at mga alegasyon ng korupsiyon, si Garcia
ay natalo sa halalan ng pagkapangulo sa kanyang pangalawang pangulong si Diosdado Macapagal.
Pagkatapos ng pagkatalo, siya ay nagretiro na sa pultika ngunit noong 1971 ay hinikayat siya
ni Ferdinand Marcos na mamuno sa isang bagong kumbensiyong konstitusyonal na lilikha
ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 ngunit namatay siya bago pa makuha ang posisyon.
Kamatayan
Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa
kanyang diyalektong Boholano. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hunyo 1971 sa edad na
74.

Diosdado Macapagal
Si Diosdado Pangan Macapagal (28 Setyembre 1910 - 21
Abril 1997) ang ikasiyam na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (30 Disyembre 1961-30 Disyembre 1965). Siya ay
ama ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin sa
Pilipinas. Inilunsad niya agad ang programa sa dekontrol.Ibig
sabihin, wala nang limitasyon sa importasyon at palitan ng piso
sa dolyar. Bilang pag-alinsunod sa kahilingan ni Macapagal,
ang Kodigo ng Repormang Panlupa, ay ipinasa ng Kongreso.
Ito ay nilagdaan ni Macapagal noong Agosto 8, 1963 upang
maging ganap na batas. Sa ilalim ng Administrasyon ni
Macapagal ay nalipat ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan
sa Hunyo 12 sa halip Hulyo 4 Tinawag na lamang na Araw ng
Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano ang Hulyo 4...

Talambuhay
Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula
sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao,
Pampanga noong 28 Setyembre 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa
isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-
Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa politika.
Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente.

Sariling buhay
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang
asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang sumunod na Pangulo
ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr.

Edukasyon
Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa
Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sama University of Sto.Tomas.
Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil
at Doktor ng Ekonomiya.
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso
noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health
Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa
delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-
RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo
noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land
Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa
Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa
pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang
Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang
Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-
aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong 22 Hunyo 1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo
sa Kasunduang Maynila.Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido
Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.
Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1971.

Kamatayan
Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng
Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong 21 Abril 1997, sa edad na 86. Inilibing siya
sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.

Ferdinand Marcos
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Ferdinand Marcos

Marcos noong 1982.

Ika-10 Pangulo ng Pilipinas

Ika-anim na Pangulo ng Ikatlong Republika

Unang Pangulo ng Ika-apat na Republika

Panunungkulan
30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986

Punong Ministro Cesar Virata (1981–1986)

Pangalawang Pangulo Fernando Lopez (1965–1973)

Arturo Tolentino (1986)

Sinundan si Diosdado Macapagal

Sinundan ni Corazon C. Aquino

Punong Ministro ng Pilipinas

Panunungkulan

12 Hunyo 1978 – 30 Hunyo 1981

Sinundan ni Cesar Virata

Assemblyman

Panunungkulan

12 Hunyo 1978 – 30 Hunyo 1981

Kapanganakan 11 Setyembre 1917

Sarrat, Ilocos Norte, Pilipinas

Kamatayan 28 Setyembre 1989 (edad 72)

Honolulu, Hawaii,

Estados Unidos

Partidong politikal Partido Liberal (1946–1965)

Partido Nacionalista (1965–1978)

Kilusang Bagong Lipunan(1978–1986)

Asawa Imelda Romualdez

Mga anak Imee Marcos

Ferdinand Marcos, Jr.

Irene Marcos
Hanapbuhay Tagapagtanggol

Relihiyon Aglipayan

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay ang ika-
10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay isang
abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang
1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas
noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang
paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health
center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at
noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman,
ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino. Ang
pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969
kampanya at talamak na korupsiyon sa pamahalaan.[1]Nagkaroon din ng isang pangkalahatang
kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago
kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan. Ang NPAay nabuo
noong 1969 at ang MNLF ay nakipaglaban para sa pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim
Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga
pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante at pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa
bansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang
pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law. Sa panahong ito, ang
popularidad ni Senador Benigno Aquino Jr. at ng oposisyong Partido Liberal ay mabilis na lumago.
Sinisi ni Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido
Liberal sa Plaza Miranda noong 21 Agosto 1971. Ang isang isinagawang pagtatangkang pagpaslang
sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang isang dahilang ibinigay ni Marcos
upang ipataw ang Martial Law ngunit ito ay kalaunang inamin ni Enrile na peke. Noong 23
Setyembre 1972 ay idineklara ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar o Martial Law at binuwag
ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng
Batas Militar, nagkaroon ng kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973,
pinalitan ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay
nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang Batas na pinagtibay noong 1976 na nagbibigay
sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim ng
1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo at Punong
Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa
iangat ang Batas Militar. Sa ilalim ng Batas Militar ipinabilanggo ni Marcos ang mga 30,000
politikong oposisyon, mga bumabatikos na mamamahayag at mga aktibista kabilang si
Senador Benigno "Ninoy" Aquino. Mula 1973, ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang
mga pribadong negosyo at naging pag-aari ni Marcos o ibinigay sa kanyang mga crony o kamag-
anak.[2] Itinatag ni Marcos ang kapitalismong crony at mga monopolyosa mga mahahalagang
industriya gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura, asukal at iba pa na nagbigay ng
malaking pakinabang sa kanyang mga crony. Si Marcos ay mabigat na umutang sa dayuhan na
umabot ng 28 bilyong dolyar noong mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986 mula kaunti sa 2
bilyong dolyar noong maluklok si Marcos bilang pangulo noong 1965.[3][4] Kanyang hinirang ang mga
opiser ng militar upang mangasiwa sa ilang mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng militar
ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.[2] Ang mga hukumang sibilyan ay inalisan ni
Marcos ng kapangyarihan at autonomiya.[2] Ang mga sahod ng mamamayan ay nangalahati at ang
pambansang sahod ng Pilipinas na hinahawakan lamang ng pinakamayamang 10 porsiyento ng
populasyon ng Pilipinas ay tumaas mula 27 % to 37%.[2] Ang kritiko ni Marcos na si Benigno Aquino,
Jr. ay natagpuang nagkasala ng hukumang militar ng pagpapabagsak ng pamahalaan ni Marcos
noong 1977 at hinatulan ng parusang kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si Aquino habang
nakabilanggo at pinili ni Aquino na tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng mga doktor
na nag-atubiling masangkot sa kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pag-endorso
ng Papa na dumalaw noong Pebrero 1981 at Simbahang Katoliko sa kanyang rehime, inangat ni
Marcos ang Martial law noong 17 Enero 1981 bagaman ang lahat ng mga kautusan at atas na
inilabas noong Martial Law ay nanatiling may bisa. Ang isang bagong halalan ay idinaos noong 1981
kung saan nanalo si Marcos ng isa pang anim na taong termino bilang pangulo. Pagkatapos ng
tatlong taon, bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong 21 Agosto 1983 kung saan siya pinaslang
sa ng paliparan na kalaunang tinawag na Ninoy Aquino Intenational Airport. Natagpuan ng
komisyong hinirang ni Marcos na ang sabawatang militar ang nasa likod ng pagpaslang kay Ninoy
ngunit mga nasangkot na kasapi ng militar kasama si Fabian Ver ay pinawalang sala sa isang
paglilitis ng pamahalaan ni Marcos. Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang balong
si Corazon Aquino na tumakbo sa 1986 snap electionlaban kay Marcos. Ang mga iniulat na
pandaraya ng kampo ni Marcos sa 1986 halalan at mga karahasan ay humantong sa pagbibitiw ng
kalihim ng pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile at military vice-chief of staff Fidel Ramos. Ito ay
humantong sa Himagsikang People Power na nilahukan ng mula isang milyon hanggang 3 milyong
katao noong 1986 dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamumuno ni Marcos.
Ito ay nagtulak kay Ferdinand Marcos at kanyang pamilya na lumikas sa Hawaii, Estados
Unidos kung saan siya namatay noong 1989. Sinasabing mula 5 bilyon hanggang 10 bilyong dolyar
ang nakamkam ni Marcos mula sa kabang yaman ng Pilipinas sa 20 taon niyang panunungkulan. [5]
[6]
Ang mga 4 bilyong dolyar lamang ang nagawang mabawi ng pamahalaan ng Pilipinas kabilang
ang $684 milyon na itinago ni Marcos sa mga Swiss bank account.[7]

Mga nilalaman
[itago]

 1Talambuhay
o 1.1Bilang isang sundalo
o 1.2Karera sa kongreso
 1.2.1Kinatawan
 1.2.2Senado
o 1.3Personal
 2Bilang Pangulo ng Pilipinas
o 2.1Unang termino (1965–1969)
o 2.2Ikalawang termino (1969–1981)
 2.2.1Ang pagbomba sa Liwasang Miranda
o 2.3Ang Saligang Batas ng 1973
o 2.4Punong Ministro
o 2.5Bagong Lipunan
o 2.6Ikatlong termino (1981–1986)
 2.6.1Mga akusasyon ng korupsiyon at pagtatangkang impeachment kay Marcos
 3Pagpapatalsik sa kapangyarihan
o 3.1Pagpaslang kay Ninoy Aquino
o 3.2Snap Election
o 3.3Himagsikang People power
o 3.4Dalawang inaugurasyon ng pangulo
o 3.5Paglisan ng pamilya Marcos mula Pilipinas tungo sa Hawaii
 4Kamatayan
 5Legasiya ng pamumuno ni Marcos
 6Ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Marcos (1965–1986)
o 6.1Kapitalismong crony at pagtatag ng mga monopolyo
o 6.2Kahirapan at hindi pantay na sahod
 7Mga paglilitis laban sa pamilya Marcos
 8Mga nabawing kayamanan ng pamilya Marcos
o 8.1Mga inaangking pinagmulan ng kayamanan ni Marcos
 9Mga panlabas na kawing
 10Mga sanggunian

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]


Si Marcos ay isinilang noong 11 Setyembre 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte.Sina Don Mariano R.
Marcos at Donya Josefa Edralin ang kaniyang magulang.Mayroong siyang tatlong kapatid, si Dr.
Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng
Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan. Limang taong gulang
lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas
siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Siya ay iskolar sa
buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus
dahil sa sinasabing kahusayan sa debate at pagtatalumpati at maging sa larangan ng palakasan
tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian,
ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas. Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar
exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo
ditong si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang
napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan
pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher
sa bar exams at nang maging ganap na abogado ay hiniling niya sa Kataas-taasang Hukuman na
payagan siyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya at pinayagan siya ng Korte
Suprema at napawalang sala.
Bilang isang sundalo[baguhin | baguhin ang batayan]
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Marcos na sumapi siya sa United States Army
Forces in the Far Eastbilang Intelligence Adviser Officer o Meydor ng Ika-21 Dibisyon ng Hukbong
Lakad. ni Marcos na siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa mga Hapones at naging
isa sa mga biktima ng Martsa ng Kamatayan sa Bataan. niyang siya ay kinulong at pinalaya ng mga
Hapones sa Capas ngunit siya ay muling dinakip, kinulong at pinahirapan sa Kuta
Santiago sa Intramuros, Maynila. Kanyang siya ay nakatakas at nagtatag ng kilusang gerilya sa
Hilagang Luzon na tinatawag na "Maharlika". Kanya ring na siya ay isa sa mga magagaling na
pinuno ng mga gerilya sa Luzon at ang kanyang diumano’y pinakahanga-hangang katapangawang-
gawa ay sa Labanan ng Pasong Bessang at tumulong sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at
Amerikanong lumaban sa Hapon. Gayunpaman, sa paulit-ulit na imbestigasyon ng United States
Army, walang natagpuang basehan ang mga imbestigador sa pag-aangkin ni Marcos ng kanyang
inaangking kabayanihan sa mga operasyong militar laban sa mga pwersang Hapones mula 1942
hanggang 1944.[8] Dalawang beses na humiling si Marcos sa U.S. Army ng opisyal na pagkilala ng
pag-iral ng kanyang kilusang gerilyang "Maharlika" upang makatanggap ng mga benepisyo at
nakaraang sahod ngunit sa pagitan ng 1945 at 1948, ang iba't ibang opiser ng U.S. Army ay
tumakwil sa mga paghiling na ito na tumatawag sa mga pag-aangkin ni Marcos na "pandaraya" at
"hangal". Ang mga imbestigador ng U.S. Army ay nagbigay konklusyon na ang inaangkin ni Marcos
na kilusang "Maharlika" ay isang pekeng kathang isip at "walang gayong unit ang kailanman umiral"
bilang isang organisasyong gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[8] Ang mahusay na
nadokumentong paglalantad ni Col. Bonifacio Gillego ng mga pekeng medalya ni Marcos ay
nagresulta sa pagpapasara ni Marcos ng pahayagang naglimbag nito at pagkakabilango ng
tagapaglimbag nito.[9][10]
Karera sa kongreso[baguhin | baguhin ang batayan]
Nang pagkalooban ng Estados Unidos ang Pilipinas ng kalayaan noong 4 Hulyo 1946,
ang Kongreso ng Pilipinas ay itinatag. Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas
noong 1948, hinirang ni Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Sa
parehong taon ay tumakbo si Marcos sa kongreso at nahalal ng dalawang beses. Sa gitna ng
kanyang ikatlong termino bilang kinatawan, siya ay tumakbo sa Senado.
Kinatawan[baguhin | baguhin ang batayan]
Si Marcos ay tumakbo at dalawang beses na nahalal bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng
Ilocos Norte noong 1949 hanggang 1959 at nagsilbi bilang minority floor leader sa isang punto at
umasal na temporaryong Pangulo ng Partido Liberal noong 1957. Siya ay pinangalanang chairman
ng House Committee on Commerce and Industry and member of the Defense Committee na
pinamunuan ni Ramon Magsaysay. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kinatawan noong
1957.
Senado[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 1959, si Marcos ay tumakbo sa Senado at nagkamit ng pinakamataas na bilang ng mga
boto. Siya ay isang kasapi ng Senado mula 1959 hanggang 1965 na nagsilbing pangulo ng Senado
mula 1959 hanggang 1965. Siya ang minority floor leader, 1960; ehekutibong bise-presidente, LP
1954–1961 at presidente ng partidong Liberal 1961–1964.
Personal[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Unang Pamilya

Mula sa kaliwa:Imee, Irene, Pangulong Marcos,ang Unang Ginang, at si Bongbong.

Sa pamamagitan ng kongresistang si Daniel Romualdez na pinsan ni Imelda ay nakilala ni


Ferdinand si Imelda na naging Miss Leyte. Si Imelda ay ginawaran ng pamagat na "Muse of Manila"
ng alkalde ng Maynila na si Arsenio Lacson pagkatapos ng pagprotesta ni Imelda sa kanyang
pagkatalo sa patimpalak na "Miss Manila". Ikinasal sina Ferdinand at Imelda sa Huwes noong 1
Mayo 1954. Nagkaroon sila ng tatlong anak: sina Imee, Bongbong at Irene. Si Marcos ay may isa
pang anak na babae na si Analisa Hegyesi sa modelong si Evelin Hegyesi.[11][12] Iniulat na si
Ferdinand Marcos ay nagkaroon ng lihim na relasyon sa artistang Amerikana na si Dovie Beams na
dumating sa Pilipinas noong 1968 upang gumanap sa isang pelikulang tungkol kay Marcos. Ito ay
iniulat na nagdulot ng isang eskandalo kay Marcos dahil sa tape na nirecord ni Beams ng kanyang
pakikipagsiping kay Marcos[13][14][15][16] na isinahimpapawid ng mga estudyanteng nagpoprotesta sa
estasyon ng radyo ng Unibersidad ng Pilipinas ng higit sa isang linggo.[17] [18]

Bilang Pangulo ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]


Matagal na panahong naging kasapi si Marcos ng Partido Liberal . Hiningi niya ang nominasyon ng
partido bilang kandidato sa pagka-pangulo noong 1964, ngunit ang kasalukuyang pangulo na
si Diosdado Macapagal ang pinili ng partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya
sa Partido Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya halalan
noong 19 Nobyembre 1965 na may 3,861,324 boto laban sa 3,187,752 boto ni Macapagal.
Unang termino (1965–1969)[baguhin | baguhin ang batayan]
30 Disyembre 1965- Panunumpa ni G. Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Noong 30 Disyembre 1965, nanumpa si Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10 na Pangulo ng
Republika ng Pilipinas.

North Luzon Expressway, isa sa mga proyektong imprastraktura sa ilalim ng pamumuno ni Marcos.

Ang kanyang unang termino ay minarkahan ng papalaking industriyalisasyon at paglikha ng mga


imprastruktura sa buong bansa gaya ng North Luzon Expressway at Maharlika Highway. Ito ay
ginawa ni Marcos sa pamamagitan ng paghirang ng isang gabinete na karamihang binubuo ng mga
teknokrata at pagpapalaki ng pagpopondo sa Hukbong Sandatahan at pagpapakilos sa mga ito sa
pagtulong sa konstruksiyon. Sinimulan ni Marcos ang pagpapatayo ng mga lansangan, tulay,
paaralan, at mga health center na sinasabing nagbigay ng mga benepisyong pork barrel para sa
kanyang mga kaibigan.[19] Ang produksiyon ng kanin ay nasa kasagsagan nito na humantong sa
pagiging sapat ng kanin sa bansa at nagawang makapagluwas ng kanin na nagkakahalagang 7
milyong dolyar. Ito ay nangyari dahil sa tulong ng mga pundasyong Rockefeller at Ford Foundations
na dinala ni Marcos ang Rebolusyong Berde sa Pilipinas. Itinatag ng mga pundasyong Rockeller at
Ford ang International Rice Research Institute sa Los Baños, Laguna kung saan direktor ang
Amerikanong si Dr. Robert Chandler at pangunahing rice breeder ang Amerikanong si Dr. Henry
Beachell. Ang isang nalikhang uri ng kanin o bigas ni Dr. Beachell ang IR8 na tinawag na miracle
rice na gumawa sa Pilipinas at iba pang bansa na sapat sa kanin sa mga panahong ito. [20]
Sa kanyang unang termino ay nakatanggap si Marcos ng malaking tulong pang-ekonomiya at pang-
salapi mula sa Estados Unidos.[19] Kanyang pinaikli ang kasunduan ng mga baseng militar ng
Estados Unidos sa Pilipinas mula 99 taon hanggang 25 taon. Noong Oktubre 1966, sa Pilipinas
idinaos ang isang summit ng mga pitong bansa upang talakayin ang papalalang problema sa
Vietnam. Hiniling ni Marcos sa Kongreso na magpadala ng mga sundalo sa Timog Vietnam. Nang
imungkahi ng pangulong Diosdado Macapagalnoong 1964–1965 na magpadala ng mga sundalo sa
Vietnam, si Marcos ang nanguna sa pagsalungat sa planong pagpapadala ng mga sundalo sa
Vietnam sa parehong mga kadahilanang legal at moral. Sa kabila ng mga pagsalungat laban sa
plano ni Marcos, nagawa niyang makamit ang pagpayag ng Kongreso at ang pamahalaan ay
nagpadala ng higit sa 10,000 mga sundalong Pilipino sa Vietnam sa ilalim ng PHILCAG (Philippine
Civic Action Group). Kanyang nilagdaan ang Investment Incentives Act of 1967 at responsable sa
pagsasabatas ng Decentralization Act na nagbibigay kapangyarihan sa mga pinuno ng mga lokal na
pamahalaan na humirang ng mga pinuno ng opisyal na binayaran ng mga pondong lokal. Sa
panahong ito na nabuo ang organisasyong pangrehiyon na ASEAN na lalaban sa bantang
komunista sa rehiyon.
Ikalawang termino (1969–1981)
Noong 1969, si Marcos ay muling naihalal bilang Pangulo ng Pilipinas para sa isa pang apat na
taong termino laban sa 11 mga kandidato. Ang halalang ito ay nabahiran ng malaking karahasan,
pagbili ng boto at pandaraya sa panig ni Marcos[21][22] at ginamit ni Marcos ang 50 milyong dolyar ng
kabang yaman ng Pilipinas upang pondohan ang kanyang kampanya.[23] Ang ikalawang termino ni
Marcos ay minarkhan ng kaguluhan sa ekonomiya na dulot ng mga parehong panloob at panlabas
na mga paktor. Noong 1969, ang Pilipinas ay nakaranas ng isang mas mataas na rate
ng implasyon at debaluwasyon ng piso. Sa karagdagan, ang pagbabawas ng mga bansang Arabo
ng produksiyon ng langis bilang tugon sa tulong sa Israel ng mga hukbong Kanluranin sa alitang
Arabo-Israel ay nagresulta sa mataas na mga presyo ng langis sa buong mundo. Sa panahong ito
nang ang mga imprastruktura ng Pilipinas gayundin ang mga pananim at mga sakahang hayop ay
nasalanta ng mga kadalasang natural na kalamidad at sinamahan ng mga panloob at panlabas na
pwersang ekonomiko na humantong sa walang kontrol na pagtaas ng mga presyo sa mga
pangunahing komoditad.
Noong 1969, ang New People's Army ay nagsagawa ng mga pananalakay, bumaling sa mga
pagdukot at lumahok sa iba't ibang mga insidenteng marahas na pumaslang sa 404 katao. Ang
karahasan sa pamayanan sa Mindanao ay humantong sa 100,000 refugee, pagsunog ng mga
bahay at kamatayan sa mga daan daang Kristiyano at Muslim sa Cotabato at Lanao. Ang karahasan
ay nakapagbigay pansin sa atensiyong internasyonal at simpatiya mula sa Organization of Islamic
Conference (OIC) gayundin ang ibang mga bansang Mulsim tulad ng Libya na nagbigay ng
pagsasanay militar at lohistika sa mga rebeldeng Moro. Ang sesesyonismong Muslim ang isa sa
mga dahilan sa pagdedeklara ni Marcos ng martial law. Noong 3 Marso 1970 nag-aklas ang mga
nagmamaneho ng pampublikong jeep ng Maynila at mga karatig-pook. Ang dahilan ay upang
tuligsain ang pangingikil ng mga pulis at upang hilinging pagtibayin ng lupon ng Palingkurang-Bayan
ang pagtataas ng 5 sentimo sa pamasahe ng jeep. Noong Marso 23–24, 1970, ang mga estudyante
at mga pasahero ay nagdaos ng isang demonstrasyon na tumututol sa pagkataas ng bayad sa jeep
at bus.
Ang mga estudyante ay nagkaroon ng sunod sunod na demonstrasyon na sa simula ay bilang
protesta laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan ngunit hindi naglaon ay
humihiling ng mga reporma sa pamahalaan. Noong 26 Enero 1970, sa araw ng pagbubukas ng
regular na sesyon sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng mga Mag-aaral na
pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagdaos ng malaking demonstrasyon sa labas ng Kongreso
upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa pagdaraos ng isang Kumbensiyong
Konstitusyonal ng taong 1971 na humantong sa mga kaguluhan sa pagitan ng kapulisan at mga
estudyante. Noong 30 Enero 1971 sa tinaguriang "Labanan sa Mendiola" o "First Quarter Storm" o
Sigaw ng Unang Sikapat ay nagdaos ng panibagong demonstrasyon ang mga aktibistang
estudyante kung saan nasawi ang apat na demonstrador at maraming nasugatan. Ang mga
estudyante ay nagtungo sa Malacanang pagkatapos magtungo sa Kongreso at pinagpilitang
makapasok sa loob ng Malacanang. Naghagis sila ng mga pillbox at mga sariling-gawang bomba
(Molotov) sa bakuran ng Palasyo. Ito ay humantong sa isang labanan sa pagitan ng mga aktibistang
estudyante at bantay ng seguridad ng Malacanag na tumagal hanggang makalipas ng hatinggabi.
Nang sumunod na araw, ipinahayag ni Marcos sa radyo at telebisyon na ang mga pangayayari sa
Mendiola ay isang panghihimagsik na may layuning pabagsakin ang kanyang pamahalaan.
Ang Saligang Batas ng 1973
Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa kadahilanang binuo ito
habang ang Pilipinas ay kolonyapa ng Estados Unidos at kaya ay gawa ng impluwensiyang
Amerikano at hindi na napapanahon ang mga tadhana nito sa paglutas ng mga suliranin at
pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Pinagtibay ng Kongreso noong 24 Agosto
1970 ang Batas Republika Bilang 6132 na nanawagan para sa isang Kumbensiyong Konstitusyonal
sa taong 1971 at ginanap noong 10 Nobyembre 1970 ang halalan ng 320 delegado sa
Kumbensiyong Konstitusyonal. Ang Kumbensiyong Konstitusyonal ay nagtipun-tipon noong unang
araw ng Hunyo 1971 ngunit bago matapos ang Kumbensiyon ay idineklara ni Marcos ang Batas
Militar noong Setyembre 1972 at ipinabilanggo ang ilang mga delegadong laban kay Marcos. Noong
19 Mayo 1972, binunyag ng delegadong si Eduardo Quintero (na dating embahador ng Pilipinas sa
United Nations mula sa Leyte) ang panunuhol ng ₱11,150 ng isang pangkat upang
impluwensiyahan ang kanyang pagboto sa panukala sa Kumbensiyon ng nagbabawal sa muling
pagtakbo sa halalan ng Pangulo at nagbabawal sa asawa ng pangulo na tumakbo bilang pangulo.
Tinukoy ni Quintero na ang pangkat na nanuhol ay kinabibilangan ng 12 delegado mula sa Samar-
Leyte kasama nina Imelda Marcos at Paz Mate na asawa ni Rep. Artemio Mate ng Leyte.
Ang balangkas ng mungkahing bagong Saligang Batas ay pinagtibay noong 29 Nobyembre 1972.
Kabilang sa mga tadhana ng binuong Saligang Batas ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan
mula sa pampanguluhan (presidential) patungo sa parlamentaryan kung saan ang Pangulo ang
siyang kakatawan sa pamumuno ng estado, ang Punong Ministro ng Pilipinas na inihalal ng
Pambansang Asembleya ang gaganap ng kapangyarihang pampamahalaan kasama ng kanyang
Gabinete, at ang isang Pambansang Asembleya na binubuo ng isang kapulungan (unicameral) ang
may kapangyarihan sa paggawa ng batas.
Nagpalabas si Marcos ng Kautusuan pamapanguluhan 73 noong 30 Nobyembre 1972 na
nagtatakda ng plebisito na idadaos sa 15 Enero 1973 upang pagbotohan ang iminungkahing
Saligang Batas. Nagpalabas si Marcos ng isang kautusang pampanguluhan 86 na lumilikha sa
bawat baryo ng mga munisipyo o bayan at sa bawat distrito sa mga lungsod ng mga Asembleya ng
mga mamamayan o Citizen Assemblies upang palakihin ang saligan ng paglahok ng mga
mamamayan sa isang pamamaraang demokratiko. Noong Enero 10–15, 1973, pinagtibay ng mga
Asembleya ang Saligang Batas. Nagkabisa ang bagong saligang Batas noong 17 Enero 1973 sa
pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1102 ni Marcos na may botong pabor na 14,976,561 at
botong pagtutol na 743,869. Ang balidad ng pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas ay tinutulan sa
ilang mga kasong isinampa sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Kabilang sa mga puntong
itinaas laban sa balidad ng pagpapatibay nito ang: ang pagboto ay sa pamamagitan ng bibig
samantalang ang artikulo 15 ng Saligang Batas ay nag-aatas ng pagboto, ang mga bilang ng
pagboto na binanggit sa proklamasyon 1102 ay nilikha nina Benjamin Romualdez samantalang ang
mga komisyoner ng COMELEC na tumangging lumahok sa proseso ng pandaraya ay pinaalis, at
walang malayang ekspresyon ang mga tao dahil sa klima ng takot na nalikha ng Batas Militar. Ang
petisyong kumukwestiyon sa balidad nito ay ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman sa botong 6-4.
[25]

Ayon sa mga probisyong paglipat ng Saligang Batas, dapat tipunin agad ni Marcos ang Interim
Pambansang Asemblea sa pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas at ang Asembleang ito ay dapat
namang humirang ng interim Pangulo at interim Punong Ministro. Gayunpaman, ito ay hindi ginawa
ni Marcos at sinuspinde ni Marcos ang pagpapatupad ng 1973 Saligang Batas sa kadahilanang may
panahon ng emerhensiya at kinailangan niyang ipagpatuloy ang Batas Militar. [25] Sa halip, si Marcos
ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa isang reperendum noong 16 Oktubre 1976 na pinagtibay
noong 1976 na kinabibilangan ng mga tadhanang: paghalili ng Interim Batasang Pambansa sa
Interim Pambansang Asemblea, na ang kasalukuyang Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng
mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang
ipinagkaloob sa Pangulo ng Pilipinas at Punong Ministro ng Pilipinas ng 1973 Saligang Batas, at ang
Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa
iangat ang Batas Militar.
Punong Ministro
Noong 7 Abril 1978, idinaos ang unang halalan para sa Batasang Pambansa kung saan nakuha ng
partido ni Marcos ang 152 ng 165 upuan nito na gumawa kay Ferdinand Marcos na Punong Ministro
ng Pilipinas mula 1978 hanggang 1981. Inakusahan ng oposisyon si Marcos ng pandaraya sa
pagbilang ng mga balota.[26]
Bagong Lipunan
Mga ilang buwan bago ipahayag ang Batas Militar, tinunton ng Pangulo ang sakit ng bayan sa
pagkakaroon ng isang "lipunang may karamdaman." Ang bagay na ito'y kanyang ibinibintang sa
mga pangkating makapangyarihan na kanyang tinaguriang oligarkiya (kapangyarihan sa
pamahalaang nasa kamay ng iilang tao) at mga maka-Maoistang Komunistang naghahangad ba
ibagsak ang pamahalaan sa pamamagitan ng subersiyon at paggamit ng karahasan. Upang
mabago ang di umano'y mga di kanais-nais na naging dahilan ng mga paghihirap, paghihikaos at
kriminalidad sa bansa, isinulong ni Marcos ang pagtatag ng isang bagong uri ng pamumuhay na
kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga taumbayan kundi sa bansa at sa buong mundo. Ito ang
simula ng Bagong Lipunan - isang lipunan na binubuo ng mga bagong Pilipino. Sa pagpapatupad ng
Bagong Lipunan, kinumpiska ni Marcos ang mga negosyo ng "oligarkiyang Tsino at Espanyol"
ngunit ang mga ito ay napunta naman sa mga kasapi ng pamilya Marcos at mga malapit na kaibigan
na gumamit ritong mga pronta upang pagtataguan ng mga nakuha nila sa korupsiyon. Itinatag ni
Marcos ang "kapitalismong crony" kung saan malaking nakinabang ang kanyang mga crony ni
Marcos na naging bagong oligarkiya.[27][28] Sa ilalim ng Martial Law, ginawang pambansa o pag-aari
ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong malalaking korporasyon gaya
ng PLDT, PAL (Philippine Airlines), Meralco, Fortune Tobacco, San Miguel Corporation at iba pa na
naging mga pag-aari ng mga pamilyang Marcos at Romualdez.[29] Sinasabing ang PAL o Philippine
Airlines ay ginawang pribadong sasakyan para kay Imelda Marcos at mga kaibigan niya para sa
kanilang mga pagshoshopping sa New York at Europa.[30] Ang mga monopolyo sa mga
mahahalagang industriya ay itinatag ni Marcos gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura,
asukal at iba pa. Ang mga magsasaka ng asukal at buko ay napilitan lamang magbenta ng kanilang
mga produkto sa mga monopolyong itinatag ni Marcos sa mas mababang presyo kesa sa presyong
pandaigdigan. Sa pagitan ng 1972 at 1976, pinalaki ni Marcos ang sukat ng militar mula 65,000
hanggang 270,000 katao. Ang mga opiser ng militar ay inilagay niya sa lupon ng mga korporasyon
at inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media. [2] Napapaloob
ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang "PLEDGES" na ang ibig sabihin ay: P-
eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic
Development (Kaunlaran sa Kabuhayan);D development of moral values Government Reforms (Mga
Pagbabago sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng
Edukasyon); Social Services (Serbisyong Panlipunan). Noong Oktubre, 1972, isang buwan
makaraan ipahayag ang Batas Militar, nagpalabas ng Kautusang Pampanguluhan Bilang 27
(Presidential Decree No. 27) si Marcos kung saan ang mga magsasaka, sa halip na kasamá lamang
sila ng may-ari ng bukid, ay magmamay-ari na ng bahagi ng bukid. Kung wala pa silang salaping
ibabayad, tutulungan sila ng Land Bank of the Philippines na magbabayad ng kaukulang halaga sa
may-ari ng lupa at sa bangko naman magbabayad ang mga magsasaka. Ang isa pang paraan
upang mabigyan ng lupa ang mga magsasakang walang sariling lupain ang pagpapadala sa kanila
sa mga pook gaya ng Nueva Vizcaya, Southern Leyte, Lanao del Sur, Davao del Sur, at Sultan
Kudarat na kanilang sasakahin at ang bawat magsasaka ay bibigyan doon ng anim na ektaryang
lupa. Pahihiramin sila ng salapi para sa kanilang sinasakang bukid na babayaran sa loob ng tatlong
taon. Nang mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986, ang 50,000 hanggang 70,000 hektarya
lamang ng lupain ang naipamahagi sa mga maliliit na magsasaka mula sa 10.3 milyong hektarya ng
pribadong lupain at mula sa 17 milyong hektarya ng lupaing pampubliko.[31]
Kabilang sa mga palatuntunang ipinatupad ng administrasyon ni Marcos ang Masagana 99 na
naglalayong maging masagana ang ani ng mga magsasaka ng kanin at makaani ng 99 na kabang
palay o higit pa sa bawat ektaryang taniman. Upang matamo ito, pinatupad ang paggamit ng mga uri
ng bigas o kanin na may mataas na ani na nilikha ng International Rice Research Institute. Ang mga
magsasaka ay tutulungan na umutang ng salapi sa bangko na pambili ng mga binhi gayundin ng
mga kailangang pataba at pesticide upang mapataas ang ani nito. Ang Masagana 99 ay gumawa sa
Pilipinas na sapat sa kanin sa mga simulang taon ng pagpapatupad nito ngunit nabigong palakihin
ang real na sahod ng pagsasaka dahil ang pagtaas ng kabuuang suplay ay nagpasidhi sa pagpiga
ng gastos-presyo na nag-alis ng mga nilayong tubo sa pagsasaka ng kanin.[32]; ang Masaganang
Maisan na nauukol sa pagtatanim ng puting mais, dilaw na mais, batad at balatong sa 43 lalawigan;
ang Gulayan sa Kalusugan na naglalayong paramihin ang mga tanim na gulay; Biyayang
Dagat o Blue Revolution na naglalayong ang mga mangingisda ay makauutang ng pera at upang
mapabuti ang kanilang hanapbuhay at upang mabayaran naman ng mangingisda ang kanilang
inutang, ang pamahalaan ni Marcos ay nagsagawa ng hakbang upang maging higit na malaganap
ang mapagdadalhan ng mga nahuli ng mga mangingisdang ito. Kasama rin sa programa ng
Biyayang Dagat ang pananaliksik at pinalawak na paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad ng
palaisdaan, pagsasalata at paglalagay ng mga tinggalan ng huling isda at pagpapalawak ng
pamilihan. Kabilang rin sa mga palatuntunan ng pamahalaan ang pagdaragdag ng produksiyon ng
mga pananim na nailuluwas at naipagbibili sa loob ng bansa. Pinarami rin ang produksiyon ng mga
sumusunod na pang-komersiyong produktong ramie, goma, abaka at bulak. Isa sa pinakamalaking
pinanggagalingan ng kuwartang pumapasok noon sa bansa ang pagmimina ng tanso, ginto, nickel,
carbon at iba pa at unti-unti ring umunlad ang industriyang pang-elektroniks sa Pilipinas. Ang mga
bagay na yari sa kamay ay siyang bumubuo ng malaking bahagi ng mga produkto ng Cottage
Industries na kinabibilangan ng mga produktong mga bag at maletang balat, patis, ceramics,
burdadong mga damit, sumbrerong buntal, muwebles na nara, mga kaldero, mga lamparang yari sa
tela at kapis, gitara, banig, telang hablon, at mga produktong yari sa tanso na galing-Marawi. Noong
mga maagang 1980, ipinakilala ni Marcos ang golden kuhol sa Pilipinas upang dagdagan ang
protina ng populasyon ngunit kalaunang naging mga peste para sa magsasaka sa mga taniman ng
kanin.[33]
Ikatlong termino (1981–1986)
Noong 16 Hunyo 1981 anim na buwan pagkatapos na alisin ang martial law, ang unang halalan sa
pagkapangulo ay idinaos para sa isang anim na taong termino. Gaya ng inaasahan, si Marcos ay
tumakbo at nanalo sa isang malaking pagkapanalo laban sa iba pang mga kandiato. Ang mga
pangunahing partidong oposisyon na United Nationalists Democratic Organizations(UNIDO) na
isang koalisyon ng mga partido at LABAN ay bumoykot sa halalang ito bilang tanda ng
pagpoprotesta sa mga halalan noong 1978 para sa isang interim na Batasang Pambansa na
kanilang kinondena bilang pandaraya. Sa ikatlong termino ni Marcos, ang kanyang kalusugan ay
mabilis na bumagsak sanhi ng mga karamdaman sa bato na kadalasang inilalarawan bilang lupus
erythematosus. Ang rehimeng Marcos ay sensitibo sa publisidad ng kanyang kondisyon. Ang isang
doktor ng Malacanang na si Potenciano Baccay na nagsaad na sa mga panahong ito ay sumailalim
si Marcos sa isang transplant ng bato ay kalaunang dinukot at natagpuang pinatay. [34] Maraming
mga tao ang nagtatanong kung may kakayahan pa siyang mamuno dahil sa kanyang malalang sakit
at papalaking kaguluhan sa politika.[35]
Himagsikang People power
Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay naglunsad ng
isang pagtatangkang coup d'eta laban kay Marcos. Ang simulang plano ay salakayin
ang Malacanang Palace at dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit ng military ay kokontrol sa mga
stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar, mga himpilan ng radyo at telebisyon, ang
GHQAFP sa Kampo Aguinaldo, at mga highway junctions upang limitahan ang mga kontra-opensibo
ng mga loyalistang hukbo ni Marcos. Si Lt. Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na
sasalakay sa Malacanang Palace. Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak
na ito, kanyang inutos ang pagdakip sa mga pinuno nito[58] at itinanghal sa lokal at internasyonal na
press ang ilan sa mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik kay Marcos na sina Maj. Saulito
Aromin and Maj. Edgardo Doromal.[59][60]
Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga kapwa
nagbabalak laban kay Marcos na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen Fidel Ramos na
hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong Philippine National Police). Si Ramos ay pumayag na
magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang mga nagbabalak laban kay Marcos. Noong mga
6:30 pm noong 22 Pebrero 1986, sina Enrile at Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng press
sa Kampo Aguinaldo kung saan nila inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa
Gabinete ni Marcos at pag-urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si Marcos
ay kalaunang nagsagawa ng mga pagpupulong ng balita na tumatawag kina Enrile at Ramos na
sumuko na humihikayat sa kanilang "itigil ang kaestupiduhang ito".[61] Sa isang mensaheng
isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang mga
Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde sa pamamagitan ng pagpunta sa seksiyon
ng EDSA sa pagitan ng Kampo Crame at Aguinaldo at pagbibigay ng suportang emosyonal, mga
pagkain at iba pang mga suplay. Maraming mga tao, pari at madre ang tumungo sa EDSA. [61][62]
Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang pananambang
sa kanya ay pineke upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa pagpapataw ng martial law. [63]
Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan daang libong
hindi armadong mga sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na masaya na marami ay
nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang mga mang-aawit ay nag-aliw sa mga tao, ang mga
pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at mga tao ay nagtayo ng mga barikada at makeshift
na mga bag ng buhangin, mga puno at mga sasakyan sa ilang mga lugar sa kahabaan ng EDSA.
Saanman, ang mga tao ay nakikinig sa Radio Veritas sa kanilang mga radyo. Ang ilang mga
pangkat ay umaawit ng Bayan Ko[64] na mula pa 1980 ay naging makabayang antema ng oposisyon.
Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang tandang LABAN[65] na may nabuong "L" sa kanilang hinlalaki
at hintuturo. Pagkatapos ng tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya sina Ramos at Enrile na
palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo
Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa gitna ng mga paghihiwayan ng mga tao.[61] Sa gitnang
katanghalian, ang Radio Veritas ay naghatid ng mga ulat ng pagmamasa ng mga Marine malapit sa
mga kampo sa silangan at mga tangkeng LVT-5 na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang
kontinhente ng mga Marin na may mga tangke at mga armoradong van na pinangunahan ni
Brigadier General Artemio Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa
mga kampo ng mga sampung mga libong mga tao.[66] Ang mga madreng humahawak ng mga
rosaryo ay lumuhod sa harapan ng mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak upang
harangin ang mga hukbo.[67] Hiniling ni Tadiar sa mga tao na padaanin sila ngunit hindi gumalaw ang
mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang pagpapaputok ng baril na
nangyari.[61] Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio Veritas ay nabigo. Sa sandaling pagkatapos
ng hating gabi, nagawa ng mga staff na pumunta sa isa pang himplian upang simulan ang
pagsasahimpapawid mula sa isang lihim na lokasyon sa ilalim ng pangalang "Radyo Bandido". Sa
bukang liwayway ng Lunes, 24 Pebrero 1986, ang unang mga malalang pagsagupa sa mga hukbo
ng pamahalaan ay nangyari. Ang mga marine na nagmamartsa mula sa Libis sa silangan ay
naghagis ng mga tear gas sa mga demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang mga marine ay
pumasok naman at humawak sa silangang panig ng Kampo Aguinaldo.[61] Kalauna, ang mga
helicopter ng ika-15 Strike Wing ng Philippine Air Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay
inutusan mula sa Sangley Point, Cavite na tumungo sa Kampo Crame.[68] Sa lihim, ang squadron ay
dumipekto at sa halip na pagsalakay sa Kampo Crame ay lumapag rito na may mga naghahiyawang
mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang helicopter na Bell 214 na piniloto
ni Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at mga Sikorsky S-76 gunship na piniloto ni
Colonel Charles Hotchkiss ng ika-20 Air Commando Squadron ay mas maagang sumali sa mga
rebelde sa himpapawid. Ang presensiya ng mga helicopter ay nagpalakas sa morale nina Ramos at
Enrile na patuloy na humihikayat sa kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa kilusan. [61] Sa
katanghalian, si Corazon Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM
officer at mga tao ay naghihintay.[68]
Samantala, ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay nabahala na baka atakihin at
patayin ni Marcos ang mga nagpoprotesta na masasaksihan sa telebisyon ng buong mundo.
Naglabas ng pahayag ang administrasyon ni Reagan na kung gagamit si Marcos ng dahas ay
"magsasanhi ito ng hindi masabing pinsala sa ugnayan sa pagitan ng ating dalawang pamahalaan.
[52]
Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos ang
Malacanang Palace at isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay nagdiwang at
kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa Crame upang harapin ang mga tao. Gayunpaman,
ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si Marcos sa telebisyong kinokontrol ng
pamahalaan na Channel 4,[69] na nagdedeklarang hindi siya magbibitiw sa pagkapangulo.
Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang kalkuladong pagkilos laban kay Marcos upang humikayat
ng masa maraming mga depeksiyon.[61] Sa pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4 ay biglaang
naglaho sa himpapawid. Binihag isang kontinhente ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano
Santiago ang himpilian. Ang Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na naghahayg si Orly
Punzalan na ang "Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang paglingkuran ang mga tao". Sa
mga panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na sa higit sa isang milyon. [61] Ang
pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing na pagbabalik ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang unang
beses na ang mga dating empleyado ay nasa loob ng complex nito pagkatapos ng 14 taong
pagsasara nito ni Marcos noong martial law. Sa huling katanghalian, ang mga helicopter ng rebelde
ay sumalakay sa Villamor Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang panghimpapawid ng pangulo.
Ang isa pang helicopter ay tumungo sa Malacanang Palace na nagpatama ng isang rocket at
nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang karamihan ng mga opiser na nagtapos sa Philippine
Military Academy (PMA) ay dumipekto sa pamahalaan ni Marcos. Ang karamihan ng mga
Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa kabilang panig.[61]
Dalawang inaugurasyon ng pangulo
Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng saguypaan sa
pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga
rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel
9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang
seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame. Pinasumpa si
Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang
Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino,
ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote
bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta
ni Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang
panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang mga
taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni
Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13 at GMA-7.
[61]
Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo sa seremonyang ito sa
kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa balkonahe sa harap ng mga
3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na "Dakpin ang mga Ahas!". [70] Pagkatapos ng
panunumpa ay mabilis na umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyong Malacanang. Naputol ang
pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola, hindi
kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo.
Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag
maging marahas.[61]
Paglisan ng pamilya Marcos mula Pilipinas tungo sa Hawaii
Ang Pangulong Ronald Reagan ay naglabas ng isang pagsusumamo kay Marcos na magbitiw
na: Ang mga pagtatangka na patagalin ang buhay ng kasalukuyang rehime sa pamamagitan ng
dahas ay walang kabuluhan. Ang lunas sa krisis na ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng
isang mapayapang paglipat sa isang bagong pamahalaan.".[52] Binasa ni Marcos ang mensahe ni
Reagan noong alas 3 ng madaling araw (oras ng Maynila) at agad na tinawagan ni Marcos ang
Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxalt, para humingi ng payo mula kay Reagan.
[70]
Iminungkahi ni Marcos kay Laxalt ang pagsasalo ng kapangyarihan kay Aquino o manunungkulan
bilang nakakatandang tagapayo ni Aquino.[52] Tumawag si Laxalt kay Marcos ng alas singko.
Tinanong ni Marcos kay Laxalt na Senador, ano sa tingin mo? Dapat na ba akong magbitiw?".
[52]
Sumagot si Laxalt na "I think you should cut and cut cleanly. I think the time has come. (Sa tingin
ko dapat mo nang putulin at putulin ng malinis. Sa tingin ko dumating na ang panahon)" na siyang
kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na
paglisan kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaalyado gaya ni General Ver. Sa hating
gabi, dinala ng U.S. Airforce HH-3E Rescue helicopter ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase
Pampanga mga 83 kilometrong hilaga ng Maynila bago sumakay sa mga eroplanong US Air
Force DC-9 Medivac at C-141B patungo sa Andersen Air Force Base sa Guam, at papunta naman
sa Hickam Air Force Base sa Hawaii kung saan dumating si Marcos noong 26 Pebrero 1986.[61]
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo ng
Malakanyang, na matagal na ipinagkait sa mga ordinaryong mamamayan sa nakaraang dekada.
Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan
binago ang kasaysayan ng bansa.
Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na isang
estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we taught the Filipinos democracy;
well, tonight they are teaching the world." ("Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang
nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.")
Kabilang sa mga bagay na itinala ng bagong pamahalaan ng Pilipinas na naiwan ng pamilyang
Marcos sa Malacanang Palacenang lumikas ito patungo sa Hawaii ang 15 mink coat, 65 parasol,
508 mga gown, 888 handbag at 71 pares ng mga sunglass at mga 1,060 pares ng sapatos. [71] Iniulat
na nang tumakas si Marcos, natuklasan ng mga ahente ng U.S. Customs ang 24 maleta ng mga
brick na ginto at diamanteng hiyas na itinago sa mga diaper bag. Ang mga sertipiko ng gintong
bullion na nagkakahalaga ng mga bilyong dolyar ay sinasabing kasama sa mga ari-ariang personal
na dinala ni Marcos at kanyang pamilya at mga crony nang bigyan sila ng ligtas na daanan ng
administrasyong Reagan patungong Hawaii.

Kamatayan
Pagkalipas ng tatlong taon, namatay siya noong 28 Setyembre 1989 sa Honolulu, Hawaii sa edad
na 72 sa cardiac arrestmatapos ng matagal na pakikipaglaban sa mga karamdaman ng bato, baga
at puso.[72]
Ang bangkay ni Marcos ay inuwi sa Pilipinas noong 1993 at nakatanghal sa isang mausoleo sa
Batac, Ilocos Norte. Hiniling ng pamilya Marcos na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga
Bayani ngunit ito ay sinalungat ng maraming mga politiko at mga biktima ng mga karapatang
pantao ni Marcos.

You might also like