Elehiya NG Kamatayan Ni Kuya 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ULAT PAPEL SA FILPINO 9

ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA

A. Nilalaman

Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalahad ng damdamin, paggunita, at


pagpaparangal sa isang minamahal sa sumakabilang-buhay. Naiiba ito sa ibang tula dahil
ang paksa nito ay masidhing kalungkutan.

Ang isang halimbawa ng elehiya ay ang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya mula sa


bansang Bhutan at isinalin ni Patrocinio V. Villafuerte sa wikang Filipino.

Elehiya sa Pagkamatay ni Kuya mula sa Bhutan


Isinalin ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu't isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala laglay ang di-mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan!


Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang.hangganan. gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig. ang halakhak
Atang igayang di- malilimutan

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
о. ano ang naganap
Ang buhay ay saglit na nawala

Pema, ang immortal na pangalan


Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasara ang pagmamahal na inalay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
Mga nais ipahiwatig ng bawat saknong:

Unang Saknong - inilarawan ang tinding lungkot ng may-akda sa di


inasahang kamatayan ng kanyang kapatid sa edad na dalawampu”t isa, inilarawan
niya na ang kaniyang kapatid ay mapagmahal, may matayog na pangarap sa buhay
at may positibong pananaw sa kabila ng anuman kahirap sa buhay.

Ikalawang Saknong - inilarawan ng may-akda ang mga naiwang magandang


ala-ala ng kanyang kapatid na hindi nila malilimutan kailanman. Ang labis na
kalungkutan nito dahil hindi nila muling makikita at makakasama ang kanyang
kapatid.

Ikatlong Saknong - muling sinariwa ng may-akda ang mga magagandang


ginawa at naipakita nito habang nabubuhay pa. Sinariwa rin ang pagnanais at
pagsisikap nitong makapag-aral ng mabuti.

Ikaapat na Saknong - inilarawan ng may-akda ang sakit at pighati sa


pagpanaw ng kaniyang kapatid, ang malungkot na yugto ng kanilang buhay at ng
kanilang pamilya, kaibigan at mga nakakakilala sa kaniyang kuya.

Ang tema ng elehiyang nabasa ay pamamaalam at kalungkutan.

B. Pagpapahalaga

Nais iparating ng may-akda ng tula sa mambabasa kung gaanong kasakit para sa


isang tao ang maranasang mawala ang isa sa mga mahal natin sa buhay. Walang katumbas
na anumang bagay upang maghilom ang pighati na iniiwan nito sa damdamin ng
namatayan.

C. Unawa at Ugnayan

I. Pagkakakilanlan
1. Sino ang nagsalin ng Elehiya sa Kamatayan ni Kuya sa wikang Filipino.
2. Ano ang tema ng Elehiya ng Kamatayan ni Kuya
3. Ang elehiya ay isang uri ng ____.
4. Ilang taong gulang namatay si Kuya mula sa elehiyang nabasa
5-7. Ibigay ang tatlong katangian ni Kuya mula sa elehiyang nabasa.

II. Tama o Mali


8. Ang elehiya ay may masayang paksa.
9. Ang akdang binasa ay mula sa bansa ng Nepal.
10. Ang may-akda ay ang ina ng namatay sa elehiyang nabasa.

D. Sanggunian

ARALIN SA FILIPINO. (2022, February 20). ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA|

TULA|ARALIN SA FILIPINO|3RD GRADING [Video]. YouTube.

https://www.youtube.com/watch?v=iKwiQKGJlGc

Dan, P. B. (2014, March 21). Elehiya sa kamatayan ni kuya [Slide show].

SlideShare. https://www.slideshare.net/daniholic/elehiya-sa-kamatayan-ni-kuya
Isah Japson. (2021, March 20). Elehiya sa Kamatayan ni Kuya - Bhutan- isinalin

ni Pat Villafuerte [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?

v=3i07tAMgLZw

Inihanda Nina:

JAY-MAR A. DELA CRUZ

NICOLE REIGN P. PADUA

VIC GERVE B. MARLANG

Inihanda para kay:

GNG. ETHEL MAE G. TAMAYO

You might also like