Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-walong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 17: Mga Angkop na Kilos ng Pagsunod at


Paggalang sa mga Magulang at Nakatatanda

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jerome M. Jurada
Editor: Gregorio Fiel S. Pineda
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, Ph. D. at Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Maricel F. Azcarraga
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa Pagpapakatao
8
Ikatlong Markahan
Modyul 17 para sa Sariling Pagkatuto
Mga Angkop na Kilos ng Pagsunod at
Paggalang sa Magulang at Nakatatanda
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8
ng Modyul para sa araling Mga Angkop na Kilos ng Pagsunod at Paggalang sa
Magulang at Nakatatanda!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul ukol sa


Mga Angkop na Kilos ng Pagsunod at Paggalang sa Magulang at Nakatatanda!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga


magulang, nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensya sa kapwa
kabataan na maipamalas ang mga ito. EsP8PBllld10.4

Mga Layunin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Nakapagtatala ng mga kilos na nagpapakita ng pagsunod at


paggalang sa magulang at nakatatanda sa panahon ng community
quarantine

B. Naipahahayag ang kahalagahan ng pagsunod at paggalang sa


magulang at nakatatanda

C. Naisasagawa ang ilan sa angkop na kilos ng pagsunod at paggalang


sa magulang at nakatatanda

PAUNANG PAGSUBOK

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:

1. Paano mo ipinapakita ang pagsunod at paggalang sa iyong magulang


at nakatatanda?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Madali ba o mahirap para sa iyo ang sumunod sa kanila? Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Anong mabuting katangian mula sa iyong magulang o nakatatanda
ang iyong labis na hinahangaan at iyo ring isinasabuhay?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

BALIK-ARAL
Sa nagdaang aralin ay tinalakay ang kahalagahan ng papel ng magulang,
nakatatanda at may awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga
pagpapahalaga ng kabataan. Ngayon, iyong kumpletuhin ang tsart sa
paglalagay rito ng isang pagpapahalaga na naituro nila sa iyo.

Pagpapahalagang Naituro

1. Magulang

2. Nakatatanda

3. May Awtoridad
ARALIN
Ang pagpapakita ng paggalang sa
magulang at nakatatanda ay isang
magandang bahagi ng kultura ng mga
Pilipino. Sa simula pa lamang, ang mga bata
ay tinuturuang gumamit ng ‘Po’ at ‘Opo’ sa
kanilang pakikipag-usap at pagmamano sa
mga nakatatanda.

Maipapakita mo ang paggalang at


pagsunod sa magulang sa pamamagitan ng
sumusunod na mga gawain: https://th.bing.com/th/id/OIP.bPCDq4nKPNWt60znGBoZlgHaFj?pid=Api&rs=1

 Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon - Kapag ang magulang ay


nagtakda ng hangganan, dapat itong igalang sa pamamagitan ng di
pag-abuso sa itinakda, tulad ng pagkatok sa kuwarto ng iyong mga
magulang bago pumasok at paghingi ng permiso bago kainin ang
anumang pagkaing nakatago sa refrigerator

 Paggalang sa kanilang mga kagamitan - naiingatan mo ang mga bagay


na iyong ginamit at hiniram

 Pagtupad sa itinakdang oras - umuuwi ka nang maaga at di na kung


saan-saan pa pupunta nang walang paalam

 Pagiging maalalahanin - pag-alaala


sa mga mahahalagang okasyon sa
buhay nila, tulad ng kaarawan,
anibersaryo, at iba pa

 Pagiging mapagmalasakit at
mapagmahal - paggamit at pagbigkas
ng mga magagalang na pananalita at
pakikinig sa kanilang mga sinasabi o
ipinapayo.
https://th.bing.com/th/id/OIP.Na1uiMKVqvZSsrXEn1WjbwHaKl?pid=Api&rs=1

Ikaw, paano mo naipamamalas ang pagsunod at paggalang sa iyong


magulang?________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Narito naman ang ilang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga
nakatatanda (ayon sa aklat ng Respect for the Elderly: Implications for
Human Service Providers ni Sling, 2004):

 Sila ay arugain at pagsilbihan


nang isinasaalang-alang ang
maayos na pakikipag-usap
(maging maingat sa mga
gagamiting salita at kilos dahil
lubhang maramdamin)

 Hingin ang kanilang payo at


pananaw dulot ng kanilang
mayamang karanasan sa buhay

 Iparamdam sa kanila na sila ay


naging mabuting halimbawa lalo
na sa pagiging matiisin at
matiyaga

 Isama rin sila sa mga karaniwang


gawain ng pamilya o sa espesyal
na pagdiriwang https://i.pinimg.com/originals/f1/e0/e4/f1e0e41dbaacaaec72676c0a7ecc5366.jpg

 Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na


makabubuti sa kanila. Maging sensitibo sa kanilang mga kagustuhan
dahil hindi lahat ng nais nila ay makabubuti sa kanilang kalusugan
at kalagayan

Ano ang iyong natutunan sa ating aralin? May napagtanto ka ba tungkol


sa iyong paraan ng pagpapakita ng pagsunod at paggalang sa iyong
magulang at nakatatanda? Naipapamalas mo ba ito?
MGA PAGSASANAY

Gawain 1

Marahil ay pamilyar ka na sa ilang pamamaraan na nagpapakita ng


pagsunod at pagagalang sa magulang at nakatatanda mula sa tinalakay na
aralin. Ngayon, ikaw naman ang magtala sa ibaba ng tatlong (3)
pamamaraan kung paano mo ipinapakita ang pagsunod at paggalang sa
iyong magulang at nakatatanda ngayong may community qurantine.

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 2

Iguhit ang 😊😊 sa patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagsunod at


paggalang sa magulang at nakatatanda, ilagay naman ang � kung hindi.

________ 1. Hindi nakaliligtaan ni Jenny na painumin ng gamot sa tamang


oras ang kanyang Lolo Tasio.

________ 2. Madalas nagbibingi-bingihan si David tuwing inuutusan siya ng


nanay niya sa gawaing-bahay.

________ 3. Nakaugalian na ni Cheska na makisali sa usapan ng kanyang


magulang tuwing nababanggit ang kanyang pangalan.

________ 4. Kahit nasa Taiwan ang ama upang magtrabaho, madalas pa rin
itong kinukumusta at kinakausap ni Julia sa pamamagitan ng
elektronikong mensahe.

________ 5. Walang imik si Megan tuwing sila ay bumibisita sa kanilang Lola


Perla dahil alam niyang makulit ito kausap.
Gawain 3

Nabanggit sa aralin na isa sa palatandaan ng pagsunod at paggalang


ay ang pagiging mapagmalasakit at mapagmahal sa magulang o
nakatatanda. At sa panahon na dinaranas natin ngayon, mahalagang
maiparamdam natin ito sa kanila. Upang maisakatuparan ito, ikaw ay
pumili ng isang personal na dedikasyon na kard sa ibaba at bumuo ng
liham para sa kanila. Papirmahan ang liham sa iyong magulang bilang
patunay na naipabasa mo ito sa kanila.

Dear _________________,

Thank
You!

Dear _________________,

I’m sorry…

Dear _________________,

Happy
Anniversary!
PAGLALAHAT
Tungkulin mong ipaalam at ibahagi sa tulad mong kabataan na dapat
laging ipakita o isabuhay ang pagsunod at paggalang sa magulang at
maging sa nakatatanda lalo na ngayong mayroong pandemya.

Sa bahaging ito, iyong dugtungan ng makabuluhang mga pahayag


ang parirala sa ibaba kaugnay sa tinalakay na aralin sa araw na ito.
Sa araling ito, napag-alaman ko na ________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Upang maipakita ang pagsunod at paggalang sa kanila, ang gagawin
ng kapwa-kabataan na tulad ko ay ______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Nailahad na sa iyo ang mga pamamaraan kung paano mo
maipamamalas ang pagsunod at paggalang sa iyong magulang at
nakatatanda. Ngayon ay basahin at unawain mo ang bersikulo mula sa
Bibliya na nakasulat sa loob ng puso, ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin
nito o ang kaugnayan nito sa ating aralin. AT PAANO ITO ISASABUHAY NG
MAG AARAL

“Mga anak, magsitalima


kayo sa inyong mga
magulang sa Panginoon:
sapagka’t ito’y matuwid”

Mga Taga-Efeso 6:1


PANAPOS NA PAGSUSULIT
Ang paggamit ng teknolohiya at social media ay may malaking
impluwensiya sa kabataan ngayon. Ito rin ay isang mabisang paraan upang
madaling maiparating ang mensahe na nais ipaalam sa isang tao.

Bilang kabataan, paano mo gagamitin ang teknolohiya at social media


para ipabatid sa tulad mong kabataan ang kahalagahan ng pagsunod at
paggalang sa magulang at nakatatanda? Maaari ka rin magbigay ng ilan
pang hakbang o pamamaraan (2-3) kung paano maisasabuhay ang
pagsunod at paggalang sa kanila. Gawin ito sa ibaba.
SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 2

Pagpapahalaga

Sanggunian
Bognot, Regina. et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8, Modyul Para
Sa Mag-aaral. Pasig: Kagawaran ng Edukasyon, 2013.

https://th.bing.com/th/id/OIP.bPCDq4nKPNWt60znGBoZlgHaFj?pid=Api&r
s=1

https://th.bing.com/th/id/OIP.Na1uiMKVqvZSsrXEn1WjbwHaKl?pid=Api&
rs=1

https://i.pinimg.com/originals/f1/e0/e4/f1e0e41dbaacaaec72676c0a7ecc5
366.jpg

You might also like