Professional Documents
Culture Documents
Quiz M1
Quiz M1
Quiz M1
I. Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasang tauhan sa bawat sitwasyon sa ibaba.
Piliin ang titik ng tamang sagot mula sakahon at isulat ito sa inilaang patlang.
____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit nagbabagong anyo ang mga ito.
Hawak niya ang isang tekstong maypamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at napakalakas na bagyong nagreresulta sa
malawakang pagkasira. Nais ni Rodel na magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon
ang tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming sa Kapaligiran.”
____3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas
na ito. Gustong malaman ni Donna ang istorya sa likod ng pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas - Ang Pag-
aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
____4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang ito: “51st International Eucharistic
Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016.”
____5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa pahayagang hawak niya. Sinasabi ritong “Si Pia
Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe 2015.”
II. Basahin ng mabuti ang katanungan at isulat sa patlang ang tamang sagot.