Script BNP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAMPINID NA PALATUNTUNAN

Buwan ng Pagbasa 2023

Isang mapagpala at makabuluhang umaga sa ating lahat!


Atin nang narating ang araw na pinakahihintay. Ang pagtatapos
ng Pagdiriwang sa Buwan ng Pagbasa na may temang
“PAGBASA: PAG-ASA NG MATATAG NA
KINABUKASAN.”

Kung kaya’t halina’t samahan ninyo ako sa ating Pampinid


na Palatuntunan.

PANALANGIN AT PAMBANSANG AWIT

At Upang pormal na buksan ang programa sa umagang ito,


inaanyayahan ang madla na tumayo para sa isang panalangin na
susundan ng makabayang awitin at Himno ng Pasay.

PAMBUNGAD NA PANANALITA
At upang ipaabot ang kanyang pambungad na pananalita.,
inaanyayahan ko po ang ating Public School District Supervisor,
Dr. Basilisa D. Tomimbang, (if wala si maam tomimbang si
maam Margielyn pa rin)

Maraming Salamat po Dr. Tomimbang, para sa makapukaw


damdamin na mensahe na iyong ibinahagi.

Talaga namang hindi nagpahuli ang ating mga mag-aaral na


ilabas ang kanilang husay at galing sa paglahok sa iba’t ibang
patimpalak. Kaya naman bigyan natin ng masigabong palakpakan
ang lahat ng naririto ngayon sa ating palatuntunan.

Alam kong sabik na sabik na kayong saksihan at malaman kung


sino nga ba ang mga nagwagi sa mga mag-aaral na nagpamalas
ng kanilang natatanging talento. Ngunit,

PAGPAPARANGAL SA MGA NAGWAGI


Bago natin pormal na ianunsyo ang mga nagwagi sa mga
patimpalak ay tinatawagan natin sa harapan ang napakasipag na
Puno ng Kagawaran ng Filipino, Gng. Vivian S. Demavivas, at
ang Punong abala para sa pagsasaayos ng pagdiriwang ng ating
Pambansang Buwan ng Pagbasa, Gng. Margielyn D. Suerte, ang
tagapayo ng Filipino Club, upang iabot ang sertipiko ng mga
nagwagi.
Para sa mga nagwagi sa patimpalak ng:
BOOK CHARACTERIZATION o PAGSASATAO:
Mula sa ika-7…8…9…10…11 Baitang ang nagkamit ng ikatlong
puwesto, ikalawang puwesto, ay si ____ mula sa pangkat ____
At ang nagkamit ng unang PUWESTO/GANTIMPALA ay
walang iba kundi si … mula sa pangkat ____!
POSTER-SLOGAN:
Mula sa ika-8 Baitang ang nagkamit ng ikatlong puwesto,
ikalawang puwesto, ay si ____ mula sa pangkat ____
At ang nagkamit ng unang gantimpala ay walang iba kundi si …
mula naman sa pangkat ____!
BOOK FAIR:
Mula sa ika-9 Baitang ang nagkamit ng ikatlong puwesto,
(Mabini) ikalawang puwesto, ay mula sa pangkat (bonifacio)
At ang nagkamit ng unang PUWESTO ay mula naman sa pangkat
Obusan !
PAMPASIGLANG BILANG
Tunay ngang ang mga mag-aaral ay biniyayaan ng
napakaraming talento, kung kaya’t bago natin ipagpatuloy ang
paggawad ng sertipiko sa mga nagwagi ating salubungin ng
masigabong palakpakan ang mga mag-aaral mula sa Senior High
School sa kanilang ipamamalas na husay at galing para sa
inihanda nilang pampasiglang bilang. Ang Band Aide!

Maraming Salamat Band Aide! Tunay ngang ang mga mag-aaral


ng Pasay City National High School ay napakahuhusay sa
anumang larangan.

At sa pagpapatuloy ng paggawad natin ng karangalan sa mga


nagsipagwagi, muli inaanyayahan ko po sa harapan si Gng.
Demavivas at si __________

Para sa mga nagwagi sa patimpalak ng:


SABAYANG PAGBASA:
Mula sa ika-7, Baitang ang nagkamit ng ikatlong puwesto,
ikalawang puwesto, ay mula sa pangkat ____
At ang nagkamit ng unang puwesto ay walang iba kundi mula sa
pangkat ____ !
MASINING NA PAGKUKWENTO:
Ang nagkamit ng ikatlong puwesto, ikalawang puwesto, ay si
____ mula sa pangkat ____
Ang nagkamit ng unang PUWESTO ay walang iba kundi si …
mula sa pangkat ____ !
AT ang ating Kampeyon mula sa ika-8 baitang pangkat Baron,
TALUMPATING WALANG PAGHAHANDA:
Ang nagkamit ng ikatlong puwesto, ikalawang puwesto, ay si
____ mula sa pangkat ____
Ang nagkamit ng unang PUWESTO ay walang iba kundi si …
mula sa pangkat ____ !
AT ang ating Kampeyon mula sa ika-10 baitang pangkat ONYX,

PAGBIBIGAY SERTIPIKO SA HURADO


at syempre , hindi magiging matagumpay ang ating mga
paligsahan kung wala ang ating pinagpipitagang mga lupon ng
inampalan. inaanyayahan si Gng. Vivian S. Demavivas at Gng.
Margielyn Suerte upang igawad sa kanila ang sertipiko ng
pagkilala.
PAMPINID NA PANANALITA
Upang pormal na sarhan ang ating programa, inaanyayahan ko
si Gng. Vivian S. Demavivas para sa kanyang paminid na
pananalita.
Maraming salamat Gng. Demavivas.
Binabati ko ang lahat ng mga nagsipagwagi at maging ang mga
nagtaguyod sa “ KULMINASYON NG PAMBANSANG
BUWAN NG PAGBASA 2023. “
Ang pagmamahal at pagpapahalaga natin sa pagbasa ay hindi
lamang dapat ipinapakita at ginagawa sa loob ng ating paaralan,
marapat lamang na ipagpatuloy natin ito sa ating pang araw araw
na buhay saan man tayo makarating.
At dito nagtatapos ang ating programa. Muli, Ako si Gng.
Lorena N. Balao ang inyong tagapagdaloy ng palatuntunan, at
lagi nating tatandaan “May pag-asa ang batang marunong
bumasa!” Pagpalain po tayong lahat at Magandang Umaga!

You might also like