Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

PAGSULAT NG SALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Ang pagsulat ng saliksik sa wika at kulturang Pilipino ay isang mahalagang aspeto


ng pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa ating mga katutubong kultura at pamayanan.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng iba't ibang disiplina sa wika at pananaliksik,
maipapamalas natin ang kasaysayan, kultura, at identidad ng mga Pilipino. Ang modyul
na ito ay naglalayong matulungan ka na maunawaan ang mga konsepto at pamamaraan
sa pagsulat ng saliksik sa wika at kulturang Pilipino. Matatalakay sa modyul na ito ang
mga gabay na makatutulong sa mga katulad mo na nais lumawak ang kaalaman sa wika
at kultura ng mga Pilipino at magamit ang mga natutunan upang magbahagi ng
kaalaman at magsagawa ng mga pananaliksik na may positibong impluwensya sa
komunidad.

SIPAT-TANGLAW

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang matamo ang sumusunod na


kasanayan:

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik.


F11PU – IIg – 88
2. Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino.
F11PB – IIg – 97
3. Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay
ang mga ideya sa isang sulatin. F11WG – IIh – 89
4. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa. F11EP – IIij – 35

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 1


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

Alam mo na ba?

Kawika! Alam kong nananabik ka ng matuklasan ang nilalaman ng modyul na ito.


Ngunit bago iyan, sagutin mo muna ang paunang pagsubok na hinanda ko para sa
iyo. Kailangan ito upang masukat natin kung gaano na kalawak ang iyong nalalaman
patungkol sa araling ating tatalakayin. Sundan lamang ang link o i-scan ang QR code
para masagutan ang gawain.

tinyurl.com/M9PaunangPagsubok

BALIK-TANAW

Piliin mo ang mga hugis na naglalalaman ng mga katangian ng isang mahusay na


sulating pananaliksik upang makabuo ng isang parol.

Makabuluhan
Sistematiko Matapat

Kritikal Malinaw Orihinal

Gamit ang mga salitang nakapaloob sa parol ay ibigay ang kahulugan at


kahalagahan ng mga katangian ng isang mahusay na sulating pananaliksik. Isulat ang
sagot sa spider web.

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 2


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

LAOT-KAMALAYAN

Ipagpalagay natin na ikaw ay may nalamang impormasyon patungkol sa mga


magaganap na patimpalak sa inyong paaralan at nais mong ipaalam ito sa iyong kaibigan
sa pamamagitan pagbibigay ng mensahe upang hikayatin itong sumali. Ngunit bago mo
sabihin ang balita sa iyong kaibigan, sinigurado mo muna kung wasto at totoo ang lahat
nang impormasyong iyong nakalap.

Sa unang kahon, isulat ang mga paraan kung paano ka makakakalap ng wasto at
totoong impormasyon.

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 3


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

Sa ikalawang kahon naman, isulat ang buong mensaheng ipapadala mo sa iyong


kaibigan upang ipaalam sa kaniya ang impormasyong iyong nakalap at kanino/saan mo
ito nalaman.

LAYAG-KAISIPAN

Pagsulat ng Saliksik: Ang Simula ng Bagong Hamon

Hindi kumpleto ang proseso ng pananaliksik kung wala ang pagsulat na


tumatalakay sa sitwasyon at pagsusuri. Samakatuwid, ang lahat ng mga proseso ng
pananaliksik na isinagawa ay itinuturing na mga paunang hakbang tungo sa
pagsasakatuparan ng pananaliksik.

Sa pamamagitan ng pagsulat ng papel sa pananaliksik, maibabahagi ang


impormasyong nakalap mula sa ginawang pag-aaral. Maaari itong magdulot ng interes
sa paksa, na hahantong sa patuloy na pananaliksik ng ibang mga mag-aaral at iskolar. Ito
ay dahil ang pananaliksik ay isa ring puhunan sa pagpapaunlad ng pag-aaral - isipin kung
hindi naisulat ng mga naunang iskolar at siyentipiko ang kanilang mga pananaliksik.
Paano ito makararating sa atin? Paano uunlad ang mga pag-aaral sa mga larangang ito?

Kung interesado ka sa pagsasaliksik at gustong mag-ambag ng kapaki-pakinabang


na kaalaman, halina’t sumama sa bagong hamon! Ito ay magiging isang mahusay na
paraan upang matuto at umunlad, at maibabahagi mo ang iyong mga natuklasan
patungkol sa wika at sagisag kultura sa iba pang bahagi ng komunidad at ng bansa.

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 4


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

Mga Hakbang at Prinsipyo sa Pagsulat ng Saliksik

Mayroong iba't ibang mga hakbang at prinsipyo na kasangkot sa pagsulat ng mga


papel sa pananaliksik. Ang pinakaepektibong paraan upang matutong magsulat ay
magsimula, at mahalagang maging matiyaga at masigasig ang sinumang gustong
magsulat ng pananaliksik. Ayon kay Neuman (2012), walang isang paraan para sa pagsulat
ng pananaliksik na perpekto, at may mga hakbang na maaaring matukoy sa mabisang
pagpapatupad nito.

1. Pre-writing – Ang proseso ng paghahanda bago magsimula ang pagsulat. Kabilang


dito ang pagkuha ng mga tala mula sa nakuhang datos, pagbuo ng mga ideya, pagsuri
ng mga sanggunian, at pag-aayos ng mga komento at punto.

Ang yugto ng pre-writing ay kadalasang mahirap para sa mga bagong manunulat,


at kung minsan ito ay nilalampasan. Ito ay maaaring humantong sa hindi magandang
pagbuo ng ideya o sa madaling salita, hilaw na pananaliksik. Mahalagang tandaan na
ang paunang pagsulat o pre-writing ay isang mahalagang panahon ng pag-iisip para
sa paksa, at maaaring tumagal ito ng higit sa isang linggo. Natural lamang na tumagal
ng higit sa isang linggo upang gawin ang pananaliksik sa kasong ito.

2. Composing – Ang yugto ng pagbuo ng pagsulat ng pananaliksik ay kinabibilangan


ng pag-aayos ng bibliograpiya at mga talababa, paghahanda para sa presentasyon, at
pagbuo ng panimula at konklusyon.

Ang malayang pagsulat o free writing ay isang mabisang pamamaraan sa yugtong


ito. Sa pamamagitan ng pagsusulat ng lahat ng ideyang pumapasok sa kanyang isipan,
ang mananaliksik ay hindi humihinto sa pagsasaayos ng kanyang gramatika, paggamit
ng mga salita, o bantas.

Hinahayaan din niya ang lahat ng kanyang mga ideya na dumaloy sa papel at suriin
ang mga ito pagkatapos. Sa pamamagitan ng malayang pagsulat o free writing,
naitatag ang ugnayan sa pagitan ng mabilis na daloy ng mga ideya at pagsulat.

3. Rewriting – Ito ang yugto kung saan tinatasa at sinusuri ng mananaliksik ang pagsulat
sa pamamagitan ng pagtiyak ng pagkakaisa ng mga ideya at pahayag, pagwawasto

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 5


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

ng mga pagkakamali sa gramatika, pagtiyak na kinikilala ang mga sanggunian, at


pagsusuri sa tono at istilo ng pagsulat. Ito ay mahalaga dahil ang proseso ay hindi
nagtatapos sa aktuwal na pagsulat, at mahalagang bumalik sa nabuong pananaliksik
upang higit na pakinisin ang mga pahayag.

Natural lang na dumaan sa mga rebisyon ang mga papel sa pananaliksik dahil nasa
draft form o borador pa lamang ito. Sa katunayan, maging ang nobela ni Ernest
Hemingway na “Farewell to Arms” ay sinasabing narepaso ng 39 na beses. Kapag nire-
rebisa ang isang papel sa pananaliksik, kadalasan ay nakatutulong na gumugol ng
ilang araw nang hindi aktwal na binibisita ang teksto. Sa ganitong paraan, maaaring
maging malaya ang isip mula sa anumang mga bias na maaaring nabuo habang
isinusulat ang draft.

Nagbigay rin si Denscombe (2003) ng mga bagay na mahalagang isaalang-alang


sa pagbuo ng saliksik. Ayon sa kaniya, dapat tiyakin ng isang mananaliksik na ang pagsulat
ay nakakatugon sa ilang pamantayan upang mapakinabangan ang pagiging epektibo nito.

1. Inaasahan ng mambabasa – Dapat malaman ng mananaliksik kung sino ang


mambabasa at kung ano ang inaasahan ng mambabasa mula sa pananaliksik. Ang
bisa ng isang sulatin ay nakasalalay sa tugon ng mananaliksik sa mga inaasahan ng
mambabasa. Kung ang sanaysay ay para sa isang klase, karaniwang tinatasa ng guro
ang kalinawan, lohika, at katapatan ng pananaliksik. Kung ito ay para sa mga mag-
aaral, mahalagang maglatag ng mga kahulugan para sa mga teknikal na termino. Ito
ay karaniwang hindi kinakailangan kung ang pananaliksik ay para sa mga eksperto sa
larangan. Ang mga eksperto ay higit na nakatuon sa paraan ng pagsusuri ng mga
inilatag na variable at pagkolekta ng data. Para sa mga practitioner sa larangan,
karaniwan nang maghanap ng maikling buod ng pagsasagawa ng pananaliksik at ang
simpleng presentasyon ng mga resulta sa pamamagitan ng mga tsart at graph. At
kung ang pananaliksik ay bukas sa publiko, mahalagang maging simple ang mga
pahayag at malinaw na matukoy ang benepisyo o implikasyon ng pag-aaral.

2. Itinatakdang kumbensiyon - Nararapat na matiyak ng mananaliksik ang


kumbensiyong itinatakda sa ginagawang sulatin sapagkat may epekto ito sa estilo ng
presentasyon, paraan ng pagsangguni o citation, detalye at haba ng sulatin, paglalatag
ng teknikal na impormasyon, at paggamit ng mga salita. Ayon kina Constantino at

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 6


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

Zafra (1997), karaniwang itinatakdang kumbensiyon sa pagsulat ng saliksik ang


paggamit ng seryoso, obhetibo, pormal, at hiwalay o detached na tono o saloobin ng
manunulat sa kaniyang paksa. Naipapakita ito ng hindi kumbersasyonal na gamit ng
wika, paggamit ng ikatlong panauhan, at pagpapaloob ng mga salita o terminong
teknikal sa sulatin.

Para sa pagbuo ng tesis at disertasyon, maaaring tingnan ang gabay na ibinibigay


ng British Standards Specification no. 4821. Makatutulong naman para sa mga
artikulong pampananaliksik ang Publication Manual of the American Psychological
Association. Mayroon ding mga libro na sadyang nakatuon sa kumbensiyon ng
teknikal na pagsulat gaya ng Manual for Writers of Term Papers, Theses and
Dissertations (Turabian, 1987). Gayunman, mahalagang isaisip na walang iisang
panuntunan sa pagsulat ng saliksik na sumasaklaw sa lahat ng sitwasyon at nagbibigay
ng kumbensiyong tinatanggap ng lahat.

Iba’t Ibang Bahagi ng Saliksik

Sa pangkalahatan, ang isang papel na pananaliksik ay karaniwang binubuo ng


introduksyon, katawan, at kongklusyon. Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat
tandaan na may kaugnayan sa mga bahaging ito:

A. Introduksiyon
Sikaping maging maikli sa binubuong introduksiyon, proporsiyonal sa haba ng
kabuuang papel.

Kinapapalooban ng mga impormasyon hinggil sa: (a) kaligiran o background ng


paksa, kaugnay ng mahahalagang isyu, suliranin, o ideya; (b) layunin ng
pananaliksik; (c) depinisyon ng mga konseptong gagamitin; (d) sa mahahabang
sulatin, maaaring isama ang lagom o overview ng saliksik.

B. Katawan
Makatutulong ang paggamit ng titulo at subtitulo sa kabuuan ng talakay upang
ihudyat ang daloy o pagbabago ng mga ideya sa isang sulatin. Ang mga ito ang
nagsisilbing signpost na gagabay sa mambabasa. Gayunman, marapat tandaan na
tulad ng mga signpost, nakaliligaw sa mambabasa ang kulang na paggamit nito

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 7


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

samantalang nakalilito naman ang sobra. Tiyaking sapat lamang ang paggamit ng
titulo at subtitulo sang-ayon sa nabuong pinal na balangkas.

Gumamit ng mga salitang transisyonal na siyang umaaktong tagapag-ugnay ng


mga ideya sa papel.

langkop ang tono at estilo ng pagsulat batay sa kalikasan ng ginagawang


pananaliksik.

C. Kongklusyon
Kinapapalooban ng isa o kombinasyon ng sumusunod: (a) buod ng mga pangu-
nahing ideyang nabuo sa katawan ng saliksik; (b) sipi o pahayag na naglalagom
sa papel at maaaring maging lunsaran ng pagtalakay sa halaga ng papel; (c) pag-
balik sa ideyang binuksan sa introduksiyon; at (d) pagbubukas ng ilang usaping
kaugnay ng nilinang na paksa para sa susunod na pananaliksik.

Tiyaking matamo ang full circle effect. Ibig sabihin, malinaw ang: (a) koordinas yon
ng estruktura, na natatamo sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga pan-
gunahing ideyang pinanday sa loob ng saliksik; at (b) koordinasyon ng estilo, na
natatamo sa pamamagitan ng muling pagbanggit sa bahagi ng kongklusyon ng
mga sitwasyon, imahen, talinghaga, o tayutay na maaaring nabuksan sa
introduksiyon.

Pagkilala sa Sanggunian

Ang karampatang sa sanggunian o reference competence ay isang mahalagang


kasanayang dapat matutunan sa pananaliksik. Ang pagkabigong tukuyin ang mga
sanggunian na mapagkukunan ng impormasyon patungkol sa iyong sinasaliksik ay isang
malinaw na anyo ng plagiarism na lumalabag sa integridad ng isang mananaliksik. Kapag
napatunayan, nagdadala ito ng mga legal na parusa - mula sa isang bagsak na marka
hanggang sa pagbawi ng isang nakumpletong degree o kurso – dagdag pa rito ang hindi
pagkakatanggap ng nabuong pananaliksik.

Depende sa sakop na larangan, iba't ibang estilo ang ginagamit sa paghahanda ng


sanggunian. Ang mga estilong MLA, APA, at CMS-Turabian ay ang nangingibabaw na mga

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 8


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

format ng dokumento sa mga agham panlipunan, panitikan, at pag-aaral ng sining


(Evasco et al., 2011).

A. Estilong MLA (Modern Language Association)


Ang estilo ng MLA ay ang pinakakaraniwang ginagamit na estilo ng
dokumentasyon sa mga liberal na sining at humanidad, gaya ng wika, panitikan,
kasaysayan, at pilosopiya.

Ang pagkakakilanlan ng may-akda (o mga mapagkukunan) ay nakapaloob sa mga


parentesis o panaklong at inilalagay sa loob mismo ng teksto pagkatapos ng hinangong
salita o ideya.

Halimbawa:

Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung


ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (Constantino 127).

Maaari din namang nakapaloob na sa pangungusap ang pangalan ng may-akda at


ang pahina na lang ng libro ang nasa panaklong.

Halimbawa:

Ayon kay Constantino, ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang


pinakakomplikado kung ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at
Indonesia (127).

Ito ay nararapat tumugma sa sangguniang nasa likod ng saliksik.

Halimbawa:
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon:
Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang
Filipino, 1991. Print.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa ikapitong edisyon


ng MLA Handbook for Writers of Research Papers

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 9


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

(http://usc.ac.ir/IPPWebV1C035/TemplateFileFolder/11-20-
2012/OriginalFolder/14920c09-d3d0-401e-a881-
3480925f9aa6_Handbook_forWriters7th_Edition.pdf).

B. Estilong APA (American Psychological Association)


Ang estilo ng APA ay ang pinakakaraniwang ginagamit na paraan ng
dokumentasyon sa mga agham panlipunan, tulad ng sikolohiya, sosyolohiya,
antropolohiya, kasaysayan, agham pampulitika, heograpiya, pag-aaral sa komunikasyon,
at ekonomiks.

Gumagamit ang estilo ng pagsipi ng Harvard na ito ng mga panaklong sa halip na


mga talababa o footnote. Dito, ang apelyido ng may-akda at taon ng publikasyon ay
nakapaloob sa panaklong; pinaghihiwalay ng isang kuwit ang impormasyon.

Halimbawa:

Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung


ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (Constantino, 1991).

Maaari ding isama ang pangalan ng may-akda sa daloy ng pahayag at ipaloob na


lamang sa panaklong ang taon ng pagkakalathala ng libro o artikulo.

Halimbawa:

Ayon kay Constantino, ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang


pinakakomplikado kung ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at
Indonesia (1991).

Samantala, kung ang binabanggit na pangungusap ay direktang sipi (direct


citation), nararapat itong ipaloob sa panipi at maisama rin ang numero ng pahina sa
panaklong.

Halimbawa:

"Kagaya ng pagpili sa wikang pambansa, ang Palisi sa Wika ng Edukasyon sa

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 10


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

Pilipinas ang pinakakomplikado kung ikokompara sa palisi ng Malaysia at


Indonesia." (Constantino, 1991, p. 127).

Nararapat na tumugma ang pagsangguning ito sa talaan ng mga sinangguni sa


dulo ng sulating pananaliksik.

Halimbawa:

Constantino, P.C. (1991). Pagpaplanong pangwika tungo sa modernisasyon:


Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang
Filipino.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa ikaanim na edisyon


ng Publication Manual of the American Psychological Association (http://el.iauq.ac.ir/
assets/subdomains/rahbar/file/APA%206th %5B1%5D.pdf).

C. Estilong CMS (Chicago Manual of Style) at Estilong Turabian


Ang estilong CMS ang pinakamatandang nangungunang pamantayan ng
dokumentasyon na unang inilabas ng University of Chicago Press (UCP) noong 1906 at sa
kasalukuyan ay nasa ikalabing-anim nitong edisyon. Hango sa estilong ito ang estilong
Turabian na inilalathala rin ng UCP. Si Kate Larimore Turabian (1893-1987), Graduate
School Dissertation Secretary ng University of Chicago, ang orihinal na may-akda ng A
Manual for Writers of Research Papers, Theses, and Dissertations na pangunahing
ginagamit na gabay sa pagsusulat ng mga papel pananaliksik, tesis, at disertasyon ng mga
institusyong akademiko sa iba't ibang panig ng daigdig.

Dalawa ang batayang pormat ng dokumentasyon sa estilong CMS-Turablar – ang


sistemang tala-bibliograpiya at sistemang parentetikal-talasanggunian. Tingnan ang
halimbawa sa ibaba batay sa dalawang sistema:

1) Tala-bibliograpiya:
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikokompara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia.

Pamela C. Constantino, Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon: Karanasan ng

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 11


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

Malaysia, Indonesia at Pilipinas (Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, 1991), 127.

Bibliograpiya:

Constantino, Pamela C. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon:


Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang
Filipino, 1991.

2) Parentetikal-talasanggunian:
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia (Constantino 1991, 127).

Talasanggunian:

Constantino, Pamela C. 1991. Pagpaplanong pangwika tungo sa modernisasyon:


Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang
Filipino.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa A Manual for Writers


of Research Papers, Theses, and Dissertations (http://www.sentir.edu.au/wp-
content/uploads/A-manual-for-writers-of-research-papers-theses-and-dissertations.pdf).

GAOD-KATUTURAN

Pagbati! Ngayong matagumpay mong natuklasan at napag-aralan ang kabuuan


ng ating tinalakay, tiyak na handa ka na sa susunod na hamon ng pag-aaral na kung saan
iyong aayusin sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga hakbang sa pagsulat ng saliksik.
Mula sa pinakababang tungtungan ng hagdan hanggang sa pinakataas. Pagkatapos
ayusin ang mga hakbang, ipaliwanag ang mga ito isa-isa. Isulat ang paliwanag sa ding-
ding. F11PU – IIg – 88

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 12


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

LAMBAT-HALAGAHAN

A. Gaya ng mapa, kinakailangan sa pagsulat ng saliksik ang kritikal at


mabusising pagnunuri upang magkaroon ka ng mas malawak at malalim na
kaalaman patungkol sa paksang isusulat.

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 13


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

Sumuri ng isang pananaliksik patungkol sa wika at kulturang Pilipino, at


isulat ang pagsusuri sa bawat kahon sa paligid ng mapa. Isulat ang paksa,
pinagmulan ng datos, gamit ng wika, punto de-bista, salitang ginamit, at
pangkalahatang reaksyon sa nasuring pananaliksik. F11PB – IIg – 97

B. Ipagpalagay na ikaw ay isang tagasulat ng iskrip sa radio broadcast ng


inyong paaralan. Sumulat ng iskrip kung papaano iuulat ng mang-uulat ang isang
pananaliksik tungkol sa kultura. Isaalang-alang ang natutunan sa leksiyon at
gamitin sa gawaing ito.

Kawika! Sundan ang link o i-scan


tinyurl.com/SaliksikKultura
ang QR code upang mabasa mo
ang papel saliksik na gagawan mo
ng iskrip.

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 14


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

C. Sa aktibidad na ito, gumawa ng isang sulatin patungkol sa wika at kulturang


Pilipino. Sa bawat abaniko ilagay ang bawat salita o pangungusap na mag-uugnay-
ugnay ng iyong mga ideya upang mabuo ang iyong sulatin. F11WG – IIh – 89

SALOK-KAALAMAN

A. Pluma-Salik
Sumulat ka ng isang panimulang pananaliksik patungkol sa kahit anong
paksang may kaugnayan sa penomenang kultural at panlipunan sa bansa. Ngnuti
bago simulant ang iyong panimulang pannaliksik sa paksang napili, ipakonsulta at
paaprobahan muna ito sa iyong guro. Gumamit ng angkop na mga salita at
pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa iyong sulatin.
F11EP – IIij – 35

Gawing gabay sa gagawing panimulang pananaliksik ang rubrics sa ibaba.

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 15


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

Pamantayan 4 3 2 1

Ang paksa ng Ang paksa ng Ang paksa ng Ang paksa ng


sulating sulating sulating sulating
pananaliksik sa pananaliksik ay
pananaliksik sa pananaliksik
mga wala sa kultural
mga kultural at sa mga
penomenang at panlipunan
panlipunan ay penomenang kultural at sa sarili mang
sadyang kultural at panlipunan ay pamayanan at
Paksa natatangi panlipunan ay hindi maging saan
sa sariling makikita sa matatagpuan mang panig ng
sariling sa sariling bansa.
pamayanan,
pamayanan, pamayanan,
lalawigan, at
lalawigan, at lalawigan, o
rehiyon.
rehiyon subalit rehiyon kundi
ay makikita rin sa ibang
sa iba pang bahagi ng
bansa. bansa

Nakagamit ng Nakagamit ang Nakagamit ng Walang


angkop na mga angkop at mga ibang angkop kaangkupan ng
salita at salita pag- na mga salita mga salita at
pangungusap uugnay-ugnay at pangungusap
Paggamit ng kaya't hindi ng mga ideya pangungusap sa pag- ugnay-
angkop na lamang maayos sa binuong sa pag-ugnay ugnay ng mga
salita ang mga ideya sulatin ng mga ideya ideya sa
kundi naging sa binuong binuong
kapana- sulatin sulatin.
panabik din
ang pagbasa sa
bawat pahina.

Nakasunod sa Nakasunod sa Nakasunod sa Magulo ang


mga tamang sulating ilang hakbang naging proseso
Pagkakabuo hakbang sa pananaliksik sa sa pagbuo ng sa pagbuo ng
ng Sulatin pagbuo ng pagbuo ng sulating sulating
sulating mga tamang pananaliksik. pananaliksik at
pananaliksik at hakbang ito’y makikita
sa produktong

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 16


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

lumabis pa sa wala ring


inaasahan. kaayusan.

B. Gumawa nang arawang tala (journal) patungkol sa pagsusulat ng saliksik sa wika


at kulturang Pilipino. Ilagay rito kung ano ang mga natutunan mo at kung bakit
gaano kahalaga ito para sa’ting mamamayang Pilipino. Ipapasa ang arawang tala
pagkatapos ng pinal na eksaminasyon sa kursong ito.

DAONG-KARUNUNGAN

Sa pamamagitan ng pagsulat ng saliksik, mula sa binuong pag-aaral ng


mananaliksik ay kanilang naibabahagi ang mga impormasyong nakalap. Sa pagsulat ng
saliksik ay kinakailangang sundan ang bawat hakbang upang maging mas maayos ang
pagbuo ng sulatin, kinakailangan din na maging mapagmatiyag sa paligid upang
magkaroon ng ideya sa pagsulat ng saliksik

Ang klase ay hahatiin sa limang pangkat. Bawat pangkat ay mananaliksik at bubuo


ng isang sulating pananaliksik tungkol sa paksang may kaugnayan sa ponemang kultural
at panlipunan sa bansa. Gamitan ng angkop na mga salita ang bawat pangungusap upang
inyong mapag-ugnay ang ideya sa inyong sulatin.

Ang bawat pangkat ay maaaring pumili ng paksa mula sa mga paksang nakatala
banig. Gayunpaman, maaari pa ring pumili ang bawat pangkat ng paksang naisin.
Kinakailangan lamang na maipakita at maaprobahan ito ng guro bago masimulan ang
pananaliksik sa paksang napili.

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 17


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

o Mga pagkaing popular sa inyong lugar na may kakayahang maipagbili sa


iba't ibang lugar upang mapagkakitaan.

o Isang magandang lugar sa inyong lalawigan na hindi pa ganoong kasikat


sa mga tao ngunit may kakayahang makahikayat ng mga turista at
maaaring tourist spot.

o Mga pangmalakasang pangmusika sa inyong lalawigan.

o Mga natatanging kultura pagdating sa wika ng Pilipinas.

o Mga natatanging kaugalian at paniniwala sa inyong pamayanan.

Narito ang magiging pamantayan o gabay para sa inyong gagawing sulating


pananaliksik.

Pamantayan 4 3 2 1

Ang paksa ng Ang paksa ng Ang paksa ng Ang paksa ng


pananaliksik ay pananaliksik ay pananaliksik ay pananaliksik ay
naka-ugnay sa naka-ugnay sa naka-ugnay sa walang
ponemang ponemang ponemang kaugnayan sa
kultural at kultural at kultural at ponemang
panlipunan na panlipunan na panlipunan kultural at
natatangi sa naka-ugnay at ngunit sa ibang panlipunan ng
Paksa
sariling makikita sa bahagi ng sariling
pamayanan o pamayanan o bansa makikita pamayanan o
lalawigan. lalawigan ito at hindi sa lalawigan at
subalit sa ibang sariling kahit saan
bahagi ng pamayanan o mang bahagi
bansa ay lalawigan. ng bansa.
makikita ito.

Nilalaman

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 18


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

Malinaw na May Hindi malinaw Hindi


tumatalakay sa bahagyang ang tumatalakay sa
ponemang pagtatalakay sa pagtatalakay sa ponemang
kultural at kultural at ponemang kultural at
panlipunan ng panlipunan ng kultural at panlipunan ng
bansa. bansa. panlipunan ng bansa.
bansa.

Nakagamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Sa paggamit ng


angkop na mga angkop na mga iba pang mga salita at
salita at salita at angkop na mga pangungusap
pangungusap. pangungusap salita at ay walang
Maayos na sa mga ideya sa pangungusap kaangkupan na
Paggamit ng
napag-ugnay- binuong sulatin na napag- napag-ugnay-
angkop na
ugnay at na napag- ugnay-ugnay ugnay ang mga
salita
kapana- ugnay-ugnay. sa binuong ideya sa
panabik ang sulatin. binuong
pagbasa sa sulatin.
binuong
sulatin.

Kabuuan ng Nakasunod sa Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi maayos


sulatin tamang mga tamang ilang hakbang ang sulating
hakbang sa hakbang sa sa pagkakabuo pananaliksik
pagkakabuo ng pagkakabuo ng ng sulating dahil walang
sulating sulating pananaliksik. hakbang na
pananaliksik at pananaliksik. sinunod.
lumagpas pa sa
inaasahan.

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 19


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

Patunayan mo!

Binabati kita, kawika! Napagtagumpayan mong matapos pag-aralan ang kabuuan ng


araling tinalakay sa modyul na ito. Sa puntong ito, upang mapatunayan na iyong
natamo ang antas ng pagkatuto sa modyul na ito at masukat ang kompetensing
nakamit, sundan ang link o i-scan ang QR code para masagutan ang Pangwakas na
Pagsubok na aking inihanda para sa iyo

tinyurl.com/M9PangwakasNaPagsubok

Pagbati, kawika! Natapos mo na ang lahat ng pagsusulit sa araling ito. Nawa'y


ang pag-aaral mo sa aralin na nakapaloob sa modyul na ito ay makapag-iwan sa
iyo ng mga kaalaman at karunungan na maaari mong gamitin upang mapahusay
mo pa ang iyong kakayahan at ang iyong sarili mismo. Kawika, lagi mong
tatandaan na ang pagsulat ng anumang mahahalagang dokumento tulad ng
papel pananaliksik ay nararapat lamang na maging organisado, detalyado, at
wasto ang mga nilalaman sapagkat ang bawat salita na iyong isusulat ay
maaaring magkaroon ng malaking epekto at ambag sa lipunang iyong
ginagalawan at maging sa buong bansa.

Patuloy na magsumikap at mag-aral nang may pusong pursigido, sapagkat ang


kaalaman ang susi sa pag-unlad ng iyong sarili at sa kabuuan ng lipunan.

Dito na nagtatapos ang iyong paglalayag sa


kursong ito. Hanggang sa muling paglalakbay,
kawika!

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 20


Balangáy: Paglalayág sa Komunikasyon at Panánaliksík sa Wika at Kulturang Pilipino

Mga Sanggunian:

A. Website
o Adrian, G. (2022, November 25). Sunset in Aswan. iStock Photo.
https://www.istockphoto.com/photo/sunset-in-aswan-gm1444382847-
483095974
o cineuno. (2015, Hulyo 08). Flaming Torch. iStock Photo.
https://www.istockphoto.com/photo/torch-gm480218332-68574859
o de Castro, M.V. (2020, June 26). Fisherman Stanidng on the Edge of the Boat.
Pexels. https://www.pexels.com/photo/fisherman-stanidng-on-the-edge-of-the-
boat-4733619/
o Mukhtar, M.S. (2022, January 17). People in a Boat on a Lake. Pexels.
https://www.pexels.com/photo/people-in-a-boat-on-a-lake-10875243/
o Patrick, P. (2018, April 30). Brown Wood Dock. Pexels.
https://www.pexels.com/photo/brown-wood-dock-1057663/
o Refuge, D. (2019, August 09). KPWKP - Pagsulat Ng Saliksik Sa Wika at Kulturang
Pilipino 1. Scribd. https://www.scribd.com/document/421268722/KPWKP-
Pagsulat-Ng-Saliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1

Modyul 9: Pagsulat ng Saliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 21

You might also like