Ang Mga Bayawak Sa Bundok Mantalingahan - Single Page

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 40

LEARNING COMPETENCIES:

GRADE 6 – SCIENCE
SECOND QUARTER – LIVING THINGS

The learners…
a. describe the differences between animals with a backbone (vertebrates) and animals
without backbones (invertebrates) by using common local examples of each group;
b. describe the roles of producers, consumers, scavengers, and decomposers in a food web;
c. use information from secondary sources to describe the living things interact with each
other; in the natural environment, such as through competition, or predation;
d. describe living things such as animals and plants as biotic factors and light, water,
temperature, and soil type, as abiotic factors of an ecosystem, and
e. explain how interaction between living things and interaction between living and non-
living things may bring good or harm to the living things involved.
Treasury of Storybooks
…………………………………………. .

This storybook is a product of the Gawad Teodora Alonso 2023.

Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in
this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department of
Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other
things, impose as a condition that payment of royalties. No prior approval or conditions shall
be required for the use for any purpose of statues, rules and regulations, and speeches, lectures,
sermons, addresses, and dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before
administrative agencies, in deliberative assemblies and in meetings of public character.

For the purpose of citation, the following is recommended.

, DepEd-BLR, 2022

DEVELOPMENT TEAM

Writer:
Illustrator:
Learning Resource Managers: Freddie Rey R. Ramirez
Ronald M. Brillantes

Puerto Princesa City


MIMAROPA Region
I
sang malakas na sigaw ang nagpayanig sa pader
ng kabundukan ng Mantalingahan. Ang tinig na
iyon ay puno ng pagkatakot at pagkamangha na
nagpapabatid sa lahat ng mga minerong naroroon na
mayroong nagmamadaling tumakas na buhay-ilang –
isang malaking bayawak na may malaahas na buntot at
makapal na balat tulad ng buwaya.
“Bayawaaak! May bayawaaak!” Dumausdos ang isang
malaking bayawak sa paanan ng bundok na tila hindi
natatakot sa panganib na dulot ng mga taong makakakita sa
pagtawid nito papuntang kabilang bahagi ng gubat.
Ang sigaw na iyon naman ang nagpatigil kay Kudlong,
isang binatilyong bayawak upang maunsaymi na sundan
ang kaniyang amang bayawak na si Ampo na nauna nang
tumawid. Nagkukubli naman sa mga ligaw na talahib ang
ina niyang si Simbug at ang bagong silang na kapatid, na
naghihintay sa kaniyang hudyat na puwede nang sundan
ang kanilang ama.
“Magsitago lamang kayo sa lungga!” Wika ni Kudlong
sa kaniyang pamilya. Samantalang ang mga tao ay
unti-unting dumarami at nagkakagulo. Habang ang
mga dambuhalang makinang de- gulong naman ay
nagpabalahaw sa mga taong nag-uusisa.

Nawala sa paningin ni Kudlong ang ama. Natabunan ito ng


mga bota na paroon at parito, at mga higanteng gulong na
babad sa putik. Hindi niya matukoy kung matagumpay ba
na nakatawid ang amang si Ampo dahil naduwag siyang
ito ay sundan at hanapin.

“Ama! Nasaan ka na? Sana ay ligtas ka. Patawarin mo po


ako!” Ang pagsamo ni Kudlong habang humihikbi.
Naging mabilis ang pagdaan ng dapit-hapon. Madilim na
sa Bundok Mantalingahan ngunit mula sa paanan ng
bundok ay tanaw ang nakabubulag na liwanag mula sa
mga umaandar na dambuhalang makina na may kargang
kayamanan mula sa kabundukan. Lumilikha ng ingay ang
pagsadsad ng mga gulong nito tanda ng bigat ng karga-
karga nito, dagdag pa ang mga matitinis na igik ng gomang
gulong at mga hagok ng businang tuloy-tuloy at hindi
napapaos.

“Ina, bakit takot na takot sila sa atin? Hindi ba nila alam


na mas takot tayo sa kanila? Masyado na nilang binulabog
ang ating tirahan. Sino pa ang magpoprotekta sa atin?
Wala na si Ama!” Takot ang umiiral kay Kudlong.

Nagkumpulan ang buong pamilya. Dinadamayan nila ang


bawat isa sa pagkawala ng kanilang ama. Ang bilin sa
kanila noon ng Amang Ampo ay kailangang lisanin ang
kabundukan at maghanap ng bagong tirahan.
“Ina, ligtas pa ba tayong manirahan dito sa
Mantalingahan?” Muling nagwika ang binatang bayawak.

“Hindi na anak. Ngunit hindi ko rin sigurado kung sa


kabilang bahagi ng kabundukan ay may kaligtasan ba sa
ating naghihintay,” tugon ni Simbug.
Tila wala naman silang magagawa kundi ay bumalik sa
gulod. Sunod-sunod silang gumapang paakyat. Dahan-
dahan. Ingat na ingat. Patago-tago.

Hanggang sa makakita sila ng ligtas na lugar upang


palipasin ang magdamag. Doon ay nagsimulang
magkuwento si Simbug.
“Noon ay malalaking hayop lamang ang kalaban nating mga
bayawak. Ngayon ay ang mga tao na ang pangunahin nating
kinatatakatukan maging ang kanilang mga dalang armas na
sumisira sa ating tirahan,” pagsisimula ng kanilang ina.

“Iba-iba ang kanilang ginagawang paglapastangan sa


atin. May nagsusunog at nagpuputol ng puno, may mga
dumarakip sa atin at sa iba pang hayop, at ang malawakang
pagpapasabog at paghuhukay sa mga kalupaan!” Dugtong
pa niya.
Sagrado ang Mantalingahan kung kaya ay dapat may
paggalang ang pakikihalubilo sa kalikasang ikinakanlong
ng bundok. Ngunit sa pag-usad ng panahon, maraming
pagkasira na ang tinamo sa iba’t ibang bahagi nito, kung
marunong lamang umaray ang mga bundok, ay matagal na
itong nanaghoy ng saklolo dahil sa pagmamalabis ng mga
tao.
“Maghiganti tayo, ina!” Buong tapang na mungkahi ni
Kudlong. Sadyang nilakasan niya ang pagkakabigkas
upang tumimo sa isip ng kaniyang kapatid na ito ang
tanging paraan upang hindi na muling sapitin ng kanilang
angkan ang nangyari sa kanilang ama.

Mahabang sandali ng katahimkan ang iginanti ni Simbug.


Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago
nagsalita, “Hindi ganiyan ang asal nating mga bayawak!
Hindi tayo gumaganti kung hindi naman tayo nalalagay
sa panganib. Maging ang iyong ama ay pagsasabihan ka
Kudlong kung naririnig niya ang iyong mga baluktot na
katuwiran.”

Hindi na sumagot pa si Kudlong. Ngunit ang paghihiganti


sa kaniyang isip ay unti-unting nabubuo. Anumang oras
ay handa na siyang maging isang mapanganib na bayawak
na kinakikilabutan ng mga tao.
Pumutok na ang liwanag na sumaboy sa nagmamadaling
umaga. Isang panibagong araw na naman ito ng pakikibaka
para sa angkan ng mga bayawak. Tulog pa ang kaniyang inang
si Simbug at mga kapatid. Pagkakataon na ito para kay Kudlong
na isakatuparan ang balak na paghihiganti. Kumilos mag-isa
ang binatilyong bayawak paalis sa kanilang pansamantalang
lungga.

Tssss... Tsss... Tsss...

Dahan-dahan.

Ingat na ingat.

Patago-tago.

“Lahat ng tao ay masasama!” Tumatak sa isip ni Kudlong.


Hanggang sa nakakita siya ng isang batang lalaki sa kabundukan.
Tila sinapian si Kudlong ng likas na katangian ng isang tusong
bayawak -- mapanganib at kinatatakutan.

“Tiyak matatakot sila pag nakita ako! Gugulantangin ko sila!” At


nagpatuloy si Kudlong sa paggapang papalapit sa bata.

Tssss... Tsss... Tsss...

Dahan-dahan.

Ingat na ingat.

Patago-tago.

“Lahat ng tao ay masasama!”


N
gunit hindi iniadya ng pagkakataon ang kaniyang
masamang balak. Naipit sa bato ang buntot ng binatilyo. Sa
kitid ng mga bato ay hindi siya makaalis, at sa pagpupumilit
na makalusot sa masikip na batuhan ay nagtamo pa siya ng mga
sugat sa matalim na gilid ng bato. Alam ni Kudlong ang panganib
na nakaamba sa kaniya kung hindi siya makakaalis mula sa
pagkakaipit.

“Bayawaaak!” “May Bayawaaak!” Sigaw ng binatilyong boses.

At may biglang sumikwat at sumaklob kay Kudlong. Binalot ng


dilim ang sugatang bayawak.
Nagising na lamang si Kudlong na siya ay nasa isang kulungang
rehas. Ngunit kakaiba ang kaniyang naramdaman, hindi isang
panganib bagkus ay katiwasayan. Ramdam niya ang ginhawa ng
lunas na inilapat sa kaniyang mga sugat.

“Tsss...Tsss...Tsss...Kudlong! Anak ko!”

Nagulat si Kudlong pagkakita sa nagmamay-ari ng boses-- ang


kaniyang ama!

“Aking ama! Salamat sa Diyos at ligtas ka!” Bulalas ni Kudlong.


Nagsimulang magkuwento ang ama, “Nakaligtas ako sa
malulupit na tao, anak. Naiwasan ko rin ang mga gulong ng
dambuhalang makina. Ngunit nagtamo ako ng mga sugat
dahil pinagtangkaan nila akong patayin.”

“Sino naman po ang nagtangka sa inyong buhay? Bakit


po may mga dambuhala silang makina?” Tanong ng nag-
aalalang anak.
“Sila ay mga manggagawa sa minahan. Ang mga makinang
iyon ay gamit nila sa paghahakot ng mga yaman at mineral
na nakukuha nila mula sa pagbubungkal. Sila ang
banta sa ating tahanan, sa ating mga hayop, at sa buong
kabundukan ng Mantalingahan,” saad ng ama.

“Napakasama talaga ng mga tao!” Saad ni Kudlong.


Biglang dumating ang batang lalaki kasama ang isang
nakatatanda. Mag-ama rin sila tulad nina Kudlong at
Ampo.

“Sila ang nakatagpo sa atin, Kudlong. Ginamot din


nila ako tulad mo. Hindi lahat ng tao ay masasama,
marami pa rin ang may mabuting kalooban kagaya
nila,” pagpapatuloy ng nakatatandang bayawak.
Nagsidatingan din ang iba pang mga tao. Mayroong kabataan,
kababaihan, kalalakihan, mga katutubo, at maging ang
itinuturing nilang pinuno na kung kanila’y tawagin ay
“Mayora.”

Bitbit nila ang mga sandatang ipantatapat sa mga armas


at dambuhalang sasakyan ng minahan. Ngunit ito ay hindi
naglalabas ng mga paputok at pagsabog, o mga liwanag na
nakabubulag, o mga ingay na nakabubulabog. Tanging mga
karatula lamang na ibinabandera ang kanilang matinding
saloobin.
Pinagmasdan ni Kudlong ang grupo ng mga tao at ang mga
pulang panulat na nakatatak sa mga karatula.

“Kakampi natin sila, anak. Sila ang tagapangalaga ng Bundok


Mantalingahan.”

Nakaramdam ng pag-asa si Kudlong sa mga binitiwang


salita ng kaniyang ama. Ang mga katagang iyon ay tinuring
niyang isang pangako ng kaligtasan para sa kinabukasan ng
kanilang angkan at lahat ng nilalang sa kabundukan.
Maya-maya pa ay kumilos na ang grupo ng mga tao. “Tayo
na mga kasama! Ipakita natin ang nagkakaisa nating tinig!”
Wika ng kanilang Mayora. “Tayo na!” Sabay-sabay na sigaw ng
lahat.
Huling lumabas ng silid ang bata at ang kaniyang ama
bitbit ang mga kulungang pinagpapahingahan nina
Kudlong at Ampo.

“Patawarin ninyo ang mga tao, hindi nila alam ang


inyong kahalagahan,” tila pakikipag-usap ng binatilyo
kina Kudlong at Ampo.

“Huwag kayong mag-alala. Makakabalik na kayo sa


inyong pamilya. Makakalaya na kayo.” May katiyakang
wika naman ng nakatatandang lalaki.
Mula sa paanan ng bundok ay natamo muli nila ang kalayaan.
Sa wakas ay makakapiling na rin nila ang nawalay na pamilya.
Nawala na rin ang galit at paghihiganti kay Kudlong ngunit
alam niyang kailangan pa rin nilang mag-ingat. Mananatiling
nasa panganib pa rin ang kanilang angkan hanggat nasa
kabundukan ang mga dambuhalang makina at ang mga taong
kumokontrol sa kanila.

WAKAS
Tungkol sa gumuhit at sumulat
Kailangan nang lumikas ng
pamilyang bayawak mula sa Bundok
Mantalingahan dahil hindi na ligtas
ang kanilang tirahan para sa kanila.
Sa kanilang paghahanap ng bagong
pook, matagpuan din kaya nila ang
pagpapatawad sa mga taong siyang
dahilan ng kanilang paglikas?

You might also like