Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Ikalawang Markahang Pagsusulit

FILIPINO 5

Iskor: _______/90
Pangalan: _________________________________ Petsa: ______________
Baitang/Seksyon: ___________________________ Guro: ________________

I. Tukuyin kung totoo o hindi ang isinasaad ng pangungusap sa bawat


bilang. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung
hindi sa patlang bago ang bawat bilang. (5 puntos)

_______________ 1. Ang tula ay binubuo ng imahen at talinghaga

_______________ 2. Sa dula, nakapagbibigay ito ng mensahe nang hindi


tuwirang sinasabi ang nais iparating sa mambabasa

_______________ 3. Sa tula ay nakapagbibigay ng mensahe sa pamamagitan


ng pagbubuo ng larawan sa isip

_______________ 4. Sa dula, naipapakita ang kahulugan na ipinahihiwatig ng


imahen

_______________ 5. Sa tula, gumagamit ng mga talinghaga

II. Tukuyin ang uri ng tayutay na nakasaad sa bawat bilang. Isulat sa kanang
hanay kung ito ay pagtutulad o pagwawangis. (5 puntos)

Tayutay Uri ng Tayutay

Kasingbango ng bulaklak ang 6.


pabangong ginamit ni Robin.
Tanglaw sa gitna ng kadiliman ang 7.
mga tala sa kalangitan.
Ang kulog ay tulad ng mga granadang 8.
sumasabog sa likod ng mga ulap.
Musikang kaaya-aya sa pandinig ang 9.
huni ng mga ibon.
Ang karagatan ay gaya ng mga 10.
sanlibong diyamenteng inilatag sa
bughaw na kumot.

III. Tukuyin ang hinihinging uri ng pang-uring nakasalungguhit at may diin


sa bawat bilang. Isulat kung ito ay naglalarawan, pamilang, o pantangi
patlang. (5 puntos)

________________ 11. Ang balikbayan kong pinsan ay may Amerikanong


lahi.
________________ 12. Dalawampung estudyante ang sumali sa paligsahan
sa pag-awit.
________________ 13. Ang bansang Pilipinas ay sagana sa mga likas na
yaman.
________________ 14. Masarap daw ang loming Batangas.
1
________________ 15. Isang buhay lamang ang mayroon tayo.

IV. Hanapin at bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap. (5 puntos)

16. Hilaw pa ang mga mangga sa bakuran ni Mang Rodolfo.


17. Ang mga gumamela sa hardin ni Tiya Kika ay mapupula.at
18. Abot-kamay na ni Edwin ang kanyang mga pangarap.
19. Mayayabong ang mga kawayan sa mga lupain sa aming probinsiya.
20. Masayahin sina Joy at Ligaya dulot ng mga simple at mga maliliit na mga
bagay.

V. Punan ng wastong elemento ng dula ang mga patlang sa bawat bilang


upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. (5 puntos)

21. Ang __________________ ay pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


mula sa simula hanggang sukdulan tungo sa wakas.
22. Gumagamit ang mga dula ng mga suportang __________________ at
antagonista o kontrabida.
23. Ang __________________ ang tumutulak sa banghay ng dula.
24. Ang __________________ ang nais ipabatid ng mandudula sa kaniyang
manonood.
25. Ang __________________ ay anyong pampanitikan na sadyang nilikha
upang itanghal.

VI. Tukuyin kung anong elemento ng dula ang nakasaad sa bawat bilang.
Piliin ang sagot sa mga sumusunod at isulat titik nito sa patlang bago
ang bawat bilang. (3 puntos)

A. diyalogo
B. tauhan
C. banghay

_____ 26. Inilalarawan dito ang tungkol sa kung anong lugar at panahon ang
ipinapakita sa dula
_____ 27. Ito ang nakakaranas ng suliranin sa isang dula
_____ 28. Malaking bahagi ng iskrip ng dula ang ginagampanan nito

VII. Sumulat ng dalawang mga bagay na patanong na bumubuo sa musika


at spectacle sa isang dula. (2 puntos)

29.___________________________________________________________

30.___________________________________________________________

2
VIII. Tukuyin sa loob ng kahon ang uri ng pang-abay na may salungguhit at may
diin sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa bawat patlang. (5
puntos)

A. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Panggaano
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Panlunan
E. Pang-abay na Panang-ayon

_____ 31. Matapang na hinarap ni Boyet ang mga pulis na nagtungo sa lugar nila.
_____ 32. Natuwa nang sobra ang mga magulang ni Aileen sa ginawa ni Jin.
_____ 33. Bukas na ba gaganapin ang parada ng mga kalahok sa patimpalak?
_____ 34. Talagang mahusay ang mga mag-aaral sa Elementarya.
_____ 35. Masaya at payapang naglaro ang magkakaibigan sa palaruan sa paaralan.

IX. Tukuyin at isulat sa patlang bago ang bawat bilang kung pananggi o pang-
agam ang salitang nakasalungghit at may diin sa pangungusap. (5 puntos)

_______________ 36. Siguro darating na rin ang mga tulong mula sa pamahalaan.
_______________ 37. Ayaw lumikas ng mamamayan sa kanilang mga bahay.
_______________ 38. Baka manalo ang aming klase sa kompetisyon.
_______________ 39. Hindi madali ang pamimigay ng relief goods sa mga nasalanta.
_______________ 40. Marahil ito na ang huli nating pagsasama sama.

X. Tukuyin ang elemento ng maikling kuwento nakasaad sa bawat bilang at isulat


sa patlang ang wastong sagot. (5 puntos)

____________________ 41. Ito ang gumagawa ng aksiyon sa kuwento.


____________________ 42. Tumutukoy sa lunan o panahon ng isang kuwento
____________________ 43. Ito ang problemang nilulutas sa isang kuwento
____________________ 44. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento
____________________ 45. Ito ang nagsasabi kung tungkol saan ang kuwento

XI. Punan ang patlang sa bawat bilang ng wastong sagot upang makumpleto ang
hinihinging impormasyon tungkol sa tinalakay sa maikling kuwentong “Xilef” .
(10 puntos/2 puntos bawat bilang)

46. Pangunahing Tauhan-


_____________________________________________________________________
47. Tagpuan - __________________________________________________________
48. Suliranin -___________________________________________________________
49. Wakas-_____________________________________________________________
50. Pangunahing Mensahe ng Kuwento -
______________________________________________________________________

XII. Sabihin at isulat sa patlang kung tungkol sa karaniwan o di-karaniwan ang


isinasaad sa bawat bilang. (5 puntos)

_______________ 51. Nauuna ang panaguri at sinusundan ng paksa


_______________ 52. Nauuna ang paksa at sinusundan ng panaguri
3
_______________ 53. Hindi gumagamit ng panandang “ay”.
_______________ 54. Gumagamit ng panandang “ay”.
_______________ 55. Madalas at nakasanayang gamitin sa pakikipag-usap

XIII. Sumulat ng tatlong pangungusap na nasa karaniwang ayos at dalawang


pangungusap na nasa di-karaniwang ayos. (15 puntos/3 puntos bawat bilang)

56. ___________________________________________________________________
57.___________________________________________________________________

58. ___________________________________________________________________

59. ___________________________________________________________________

60. ___________________________________________________________________

XIV. Tukuyin kung wasto ang isinasaad ng bawat bilang tungkol sa sanaysay. Isulat
ang FACT kung tama ang pahayag at BLUFF naman kung hindi. Isulat sa patlang
ang wastong kasagutan. (5 puntos)

_______________ 61. Mag-isip ng mga napapanahong usapin o paksa na may halaga


sa iyong mambabasa
_______________ 62. Maaring gumawa o hindi gumawa ng borador sa isang sanaysay
_______________ 63. Ang paggawa ng balangkas ang sistematikong gabay sa pagbuo
ng mga pangungusap at talata
_______________ 64. Kahit anong bantas na mapagpasyahan ay maaaring gamitin sa
isang sanaysay
_______________ 65. Mahalagang magkaroon ng pangunahing layunin sa pagsulat ng
isang sanaysay

XV. Bumuo ng makabuluhang grapikong pantulong sa pamamagitan ng paggawa


ng Venn Diagram sa ibaba ng kahon tungkol sa paksang “Ang Pagkakatulad at
Pagkakaiba ng Probinsiya at Siyudad”. (10 puntos/ 2 puntos bawat isa)

a. Napakaraming sasakyan
b. Puno ng mga gusali
c. Mabundok
d. Tahimik
e. Pinaninirahan ng mga tao

You might also like