Iplan in AP9 (Q4-M7)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF BAIS CITY
GOVERNOR JULIAN L. TEVES MEMORIAL HIGH SCHOOL
Brgy Calasga-an, Bais City

Instructional Plan in AP 9

Name of Teacher: JERSON ADRIAN A. NIERGA Grade Level: GRADE 9 - GARNET


Duration: Date:
Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 9 Quarter: 4
3 hours June 13-16, 2023
Learning Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng impormal na sektor at mga patakarang
Competency pangekonomiyang nakatutulong dito. (AP9MSP-IVh-16)
Subject Matter Modyul 7: Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto nito sa Ekonomiya
Learning Knowledge Nasusuri ang mga epekto at patakarang pang-ekonomiya para sa
Objectives impormal na sektor.
Skills Naipapaliwanag ang epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya
ng ating bansa sa pamamagitan ng cycle matrix chart.
Attitude Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng impormal na
sektor at mga patakarang pangekonomiyang nakatutulong dito.
Resources DepEd TV, Laptop, PowerPoint Presentation, Lesson Plan
Needed
Elements of the Plan Methodology

PREPARATION Introductory Activity


1. Panalangin
2. Pagtala ng liban
3. Pagbati
4. Pagbabalik-aral

PRESENTATION

Pre-Test Gawain 1
Panuto: Makinig at unawain ang mga pangungusap na babasahin ng guro. Piliin at
isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa inyung sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng ekonomiya na hindi nagbabayad ng buwis at hindi


nakatala sa pamahalaan.
a. Sektor ng Industriya c. Di-pormal na Sektor
b. Sektor ng Paglilingkod d. Impormal na Sektor
2. Ang mga sumusunod ay totoo tungkol sa impormal na sektor MALIBAN sa isa.
a. Mura ang mga bilihin
b. Patuloy ang pagdaloy ng salapi
c. Nakatala o rehistrado sa pamahalaan
d. May kawalan sa proteksyon ng mga mangagawa at mamimili
3. Ang lahat ng mga negosyo at iba pang malilit na pinagkakakitaan na hindi
rehistrado sa pamahalaan ay kabilang dito.
a. Sektor ng Industriya c. Di-pormal na Sektor
b. Sektor ng Paglilingkod d. Impormal na Sektor
4. Ito ay ipinatutupad ng DOLE upang mabigyan ng karagdagang pagsasanay ang
mga mamamayan partikular na ang mga self-employed at walang sapat na
hanap-buhay upang mas mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan at ang kanilang
pamumuhay.
a. Cash-For-Work Program
b. DOLE Integrated Livelihood Program (DILP)
c. National Anti-Poverty Commission
d. R.A 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act)
5. Ang batas ang kinikilala ang mga impormal na sektor bilang bahagi ng
disadvantaged sectors, at naglalayong matulungan ang mga ito sa aspektong
panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala at ekolohikal, lalo na ang kanilang
pangunahing pangangailangan.
a. Cash-For-Work Program
b. DOLE Integrated Livelihood Program (DILP)
c. National Anti-Poverty Commission
d. R.A 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act)
6. Ang ahensyang itinatag upang maging tagapag-ugnay at tagapagpayo ng mga
suliranin ng nasa impormal na sektor.
a. Cash-For-Work Program
b. DOLE Integrated Livelihood Program (DILP)
c. National Anti-Poverty Commission
d. R.A 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act)
7. Ito ay ang programa sa ilalim ng DSWD na tumutulong sa mga biktima ng
kalamidad gawa ng kalikasan o tao sa pamamagitan ng pagbbigay sa kanila ng
pagkakataong tumulong sa rehabilitasyon ng nasalantang lugar kapalit ang
karampatang kabayaran.
a. Cash-For-Work Program
b. DOLE Integrated Livelihood Program (DILP)
c. National Anti-Poverty Commission
d. R.A 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act)
8. Ang mga sumusunod ay hindi totoo tungkol sa impormal na sektor MALIBAN sa
isa.
a. Ang mga negosyante ay may malalaking puhunan sa impormal na
sektor.
b. Ang mga produkto o serbisyo sa underground economy (impormal na
sektor) ay may mataas na halaga.
c. Nakatala at rehistrado sa pamahalaan ang mga gawain sa ilalim ng
underground economy.
d. Hindi legal ang lahat ng transaksyon at bilihan na nagaganap sa
ilalim underground economy.
9. Ilan sa mga dahilan kung bakit maraming Pilipino ang napabilang sa impormal
na sektor ay ang mga sumusunod MALIBAN sa isa.
a. Dahil sa kakulangan ng kapital o puhunan upang makapagsimula ng
maayos na negosyo.
b. Dahil sa kawalan ng trabaho o mababang kita.
c. Dahil sa kakulangan sa edukasyon.
d. Dahil madali lang ang pagpoproseso ng pagrerehistro sa
pamahalaan.
10. Isa ito sa mga naitutulong ng impormal na sektor upang matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayang kulang o walang pinagkakakitaan,
a. Malaki ang kinikita sa impormal na sektor
b. Madaling makapasok sa impormal na sektor
c. Rehistrado at protektado ng pamahalaan ang impormal na sektor
d. Protektado ang mga mangagawa at mamimili sa impormal na sektor

Gawain 2
MOTIVATION/ Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong (3) pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng
RECALL tigta-tatlong salita o pangungusap at kinakailangan nila itong i-akting sa harap ng klase
Awareness at siya namang huhulaan ng ibang pangkat. Ang pangkat na makahula kung ano ang
ipinapakita ng pangkat na nagsasadula sa harapan ay magkakaroon ng puntos, at kung
hindi naman nahulaan ng ibang grupo ay mapupunta sa pangkat na umaakting ang
puntos. Kailangang itala ng bawat mag-aaral ang mga salita/pangungusap na kanilang
nahulaan sa kuwaderno.

 Unang Pangkat – Pagbebenta ng ulam/streetfoods sa gilid ng kalsada o


establisyemento, paglalako ng balut/taho, at online selling.
 Pangalawang Pangkat – Pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, pagpo-
prostitute at pasugalan.
 Pangatlong Pangkat – Paghahabal-habal, pagbabalsa, at pamamasada gamit
ang mga kolorum na sasakyan (hal. Van, atbp.)

Pamprosesong tanong:
 Anu-ano ang mga salitang inyung natukoy mula sa inyung isinagawang
pagsasadula?
 May mga salita bang magkakaugnay? Kung mayroon, anu-ano at paano sila
nagkakaugnay?
 Base sa inyung isinagawang gawain, ano sa tingin ninyo ang tatalakayin natin
ngayong lingo?
Remarks: Ang guro ang magsisimula na sa pagtatalakay sa paksa sa
pamamagitan ng PowerPoint presentation, at magpapakita ng bidyo gamit ang
LESSON PROPER DepEd TV.

Pamprosesong tanong:
ANALYSIS  Base sa inyung natutunan, ano ang ibig sabihin ng impormal na sektor?
 Sumasang-ayon ba kayo na ang malaking bilang ng mga Pilipino ang napabilang
sa impormal na sektor?
 Sa tingin ninyo, paano nakakatulong ang impormal na sektor upang matugunan
ang pangangailangan ng mga mamamayang kulang o walang pinagkakakitaan?

 Ano ang impormal na sektor?


ABSTRACT  Anu-ano ang mga gawaing pinagkakakitaan na kabilang sa impormal na sektor?
 Anu-ano ang mga dahilan kung bakit maraming Pilipino ang napabilang sa
impormal na sektor?
 Anu-ano ang mga patakaran na ipinapatupad ng pamahalaan ang may
kaugnayan sa impormal na sektor?
 Anu-ano ang mga positibong naidudulot ng impormal na sektor sa ekonomiya?
Anu-ano naman ang mga negatibong naidulot ng impormal na sektor sa
ekonomiya?
 Sa inyung opinyon, bakit kailangan natin o ng pamahalaan na bigyang-pansin
ang kalagayan ng impormal na sektor?
 Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga patakaran o batas
na pang-ekonomiya na nakakatulong sa impormal na sektor?

Gawain 3
APPLICATION Panuto: Sa isang kalahating papel, ipaliwanag ang epekto ng impormal na sektor sa
ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng cycle matrix chart.

Remarks: Pagkatapos masagutan ng mga mag-aaral ang gawain ay pipili ang guro ng
tatlong mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang mga sagot.

Gawain 4
ASSESSMENT Panuto: Makinig at unawain ang mga pangungusap na babasahin ng guro. Piliin at
isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa inyung sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bahagi ng ekonomiya na hindi


nagbabayad ng buwis at hindi nakatala sa pamahalaan?
c. Sektor ng Industriya c. Di-pormal na Sektor
d. Sektor ng Paglilingkod d. Impormal na Sektor
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo tungkol sa impormal na sektor?
a. Mura ang mga bilihin
b. Patuloy ang pagdaloy ng salapi
c. Nakatala o rehistrado sa pamahalaan
d. May kawalan sa proteksyon ng mga mangagawa at mamimili
3. Sa anong sektor napabilang ang lahat ng mga negosyo at iba pang malilit na
pinagkakakitaan na hindi rehistrado sa pamahalaan?
a. Sektor ng Industriya c. Di-pormal na Sektor
b. Sektor ng Paglilingkod d. Impormal na Sektor
4. Anong programa ang ipinatutupad ng DOLE upang mabigyan ng karagdagang
pagsasanay ang mga mamamayan partikular na ang mga self-employed at
walang sapat na hanap-buhay upang mas mapaunlad pa ang kanilang
kabuhayan at ang kanilang pamumuhay?
a. Cash-For-Work Program
b. DOLE Integrated Livelihood Program (DILP)
c. National Anti-Poverty Commission
d. R.A 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act)
5. Anong batas ang kinikilala ang mga impormal na sektor bilang bahagi ng
disadvantaged sectors, at naglalayong matulungan ang mga ito sa aspektong
panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala at ekolohikal, lalo na ang kanilang
pangunahing pangangailangan?
a. Cash-For-Work Program
b. DOLE Integrated Livelihood Program (DILP)
c. National Anti-Poverty Commission
d. R.A 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act)
6. Anong ahensya ang itinatag upang maging tagapag-ugnay at tagapagpayo ng
mga suliranin ng nasa impormal na sektor?
a. Cash-For-Work Program
b. DOLE Integrated Livelihood Program (DILP)
c. National Anti-Poverty Commission
d. R.A 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act)
7. Anong programa ng DSWD ang tumutulong sa mga biktima ng kalamidad sa
pamamagitan ng pagbbigay sa kanila ng pagkakataong tumulong sa
rehabilitasyon ng nasalantang lugar kapalit ang karampatang kabayaran?
a. Cash-For-Work Program
b. DOLE Integrated Livelihood Program (DILP)
c. National Anti-Poverty Commission
d. R.A 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act)
8. Alin sa mga sumusunod ay TAMA tungkol sa impormal na sektor?
a. Ang mga negosyante ay may malalaking puhunan sa impormal na
sektor.
b. Ang mga produkto o serbisyo sa underground economy (impormal na
sektor) ay may mataas na halaga.
c. Nakatala at rehistrado sa pamahalaan ang mga gawain sa ilalim ng
underground economy.
d. Hindi legal ang lahat ng transaksyon at bilihan na nagaganap sa
ilalim underground economy.
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan kung bakit
maraming Pilipino ang napabilang sa impormal na sektor?
a. Dahil sa kakulangan ng kapital o puhunan upang makapagsimula ng
maayos na negosyo.
b. Dahil sa kawalan ng trabaho o mababang kita.
c. Dahil sa kakulangan sa edukasyon.
d. Dahil madali lang ang pagpoproseso ng pagrerehistro sa
pamahalaan.
10. Alin sa mga sumusunod ang naitutulong ng impormal na sektor upang
matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayang kulang o walang
pinagkakakitaan?
a. Malaki ang kinikita sa impormal na sektor
b. Madaling makapasok sa impormal na sektor
c. Rehistrado at protektado ng pamahalaan ang impormal na sektor
d. Protektado ang mga mangagawa at mamimili sa impormal na sektor

ASSIGNMENT Panuto: Magsaliksik tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng Kalakalang Panlabas.


Isulat lamang sa inyung kuwaderno ang mga mahahalagang impormasyon tungkol dito.

Prepared by: Checked by:

JERSON ADRIAN A. NIERGA JESSA C. VILLACAMPA


Student Teacher Coordinating Teacher/Mentor
Noted by:

ANA MARIA M. GADOR


Head Teacher I

You might also like