Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Kahon

Isinulat ni: senyora_athena

Lakad, takbo ang ginawa ko. Ayaw kong maabutan nila ako at makuha ang dala kong
kahon. Buhay ang inialay ko upang makuha ang bagay na talaga namang akin.

Matagal ng panahon ang pinalampas ko, hindi na ako papayag na matagalan pa ang
pagkuha ko nito.

Habol ko ang sarili kong hininga nang makarating ako sa isang puno ng mangga. Hindi
ko na kayang tumakbo pa. Pagod na pagod na ako. Ilang segundo na lang maaabutan na nila ako.

“Hayon siya! Habulin niyo!” sigaw ng isang lalaking nakaputi. May mga kasama siyang
nakaputi rin, na sa palagay ko’y isang guwardiya.

Bakit ako hinahabol ng guwardiya? Bakit ba nila ako hinahabol? Binawi ko lang naman
ang bagay na talagang akin.

Gusot at madumi na ang puti kong damit. Pinagpagan ko iyon gamit ang aking kanang
kamay. Kailangan kong tumakbo dahil malapit na ‘kong mahuli ng mga guwardiya.

Ngunit sa pagtayo ko, may humawak sa aking braso.

“Hay nako, Berning. Hindi mo na naman nainom ang gamot mo. Babalik na tayo sa
Mental Hospital.”
Picture Frame
Isinulat ni: senyora_athena

Maingat kong nilagay ang bag sa sofa at tumakbo papuntang kusina. Sigurado akong
nagluluto na ngayon si Mama. Pero nang makita ko siya ay hindi maikakaila ang lungkot na
nadarama ni Mama. Malungkot siyang nakaupo at may hawak na kutsilyo habang wala sa sarili
na hinihiwa ang mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto. May malaki sigurong problema si
Mama.

“Aray!” aniya at napatitig sa daliri na dumudugo.

“`Ma, mag-ingat ka kasi,” paalala ko pero parang wala siyang narinig. Ni paglingon
sa’kin ‘di niya ginawa. Nagpatuloy lang siya sa paghiwa ng mga sangkap.

Marahang kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Nagbago na talaga si Mama,


nagbago na siya.

Umakyat na ako sa kuwarto namin ni Ate Crystal, balak ko na lang itulog ang
nararamdaman ko ngayon.

Pumikit ako at ninamnam ang sarap na dulot ng aking higaan nang biglang pumasok si
Mama sa kuwarto. Lumapit siya sa study table namin ni Ate at kinuha ang picture namin ng
kapatid ko na nakalagay sa isang frame.

“Mga anak, miss na kayo ni Mama,” saad ni Mama habang nakatitig sa picture na hawak
niya.

“Mama, nandito lang naman ako–”

“Dalawang taon na pala kayong patay anak pero parang kahapon lang nangyari, ano?
Hindi pa rin tuluyang naka-move-on ang Mama niyo.”
Dalawang taon na akong patay?

“`Ma, anong–”

“Sana, hindi ko kayo pinayagan na pumunta sa field trip niyo sa school, sana nandito pa
kayo, sana kasama ko pa kayo,” aniya at hindi na napigilan ang pag-iyak. “Ang daya niyo naman
mga anak. Diba sabi niyo walang iwanan? Bakit kayo bumitaw? Hindi niyo na ba mahal si
Mama?” Inilapag ni Mama ‘yong picture namin ni ate at tumayo na siya.

“Ano ba Margarette! Dalawang taon ng patay ang mga anak mo. Patahimikin mo na sila.”

Dalawang taon na pala akong patay?


Wedding Gown
Isinulat ni: senyora_athena

Nagtataka ang mga tingin ng mga pasahero sa bus na sinasakyan ko ngayon. Nagtataka
siguro sila kung bakit ako naka-wedding gown at kung bakit ako umiiyak. Siguro iniisip nila
ngayon na hindi ako sinipot ng groom ko.

Kailangan kong makarating agad sa simbahan dahil isang oras na akong late. Sigurado
akong nagtataka na ngayon si Dan.

Hinilot ko ang aking sintido. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak nang umiyak.

My god! Wala na bang ibibilis itong bus? Super late na ‘ko!

“Mommy, bakit umiiyak ‘yong bride? Bakit sa bus siya sumakay?” tanong no’ng bata na
sa tingin ko ay ten years old na.

Agad naman siyang sinagot ng Mommy niya na baka raw hindi natuloy ang kasal ko.

Sabi ko na nga bang iyan ang iniisip ng karamihan sa bus ngayon. Sasagot pa sana ang
bata pero pinatahimik na siya ng Mommy niya.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha. Hindi dapat ako mawalan ng lakas ng
loob. Alam kong hihintayin ako ng groom ko kahit anong mangyari.

Napatingin ako sa phone nang bigla itong nag-ring. Napangiti ako dahil si Ate ang
tumatawag.
“Where the hell are you, Vanessa? Kanina pa kami naghahanap sa’yo. Tinatawagan kita
kanina pa pero hindi kita ma-contact,” bungad ni Ate sa akin.

Pinahid ko ang aking mga luha.

“Ate please, pakisabi kay Dan na hintayin ako. Give me ten minutes more. Malapit na po
talaga ako sa simbahan, Ate. Wait for me please. Nandiyan pa ba ang mga bisita?”

“Come on. Bumalik ka na sa bahay,” malumanay na sabi niya sa’kin.

“Ate, maawa kayo sa’kin. Wait for me.”

“Vanessa, accept the truth. Five months ng patay si Dan. Go home,” sabi ni Ate na
nagpabalik sa akin sa realidad.

Sa realidad na wala na ang lalaking iniibig ko. Limang buwan na siyang patay.
Reunion
Isinulat ni: senyora_athena

Buwan ng Abril, reunion ng batch namin sa Senior High. Batch na naging pamilya ko sa
loob ng dalawang taon.

Galing pa ‘kong Palawan no’n, umuwi lang talaga ako para dumalo sa reunion namin na
taon-taon naming ginagawa pero ngayon lang ako dadalo. Hindi ko nga rin halos mabilang ang
mga pagsisinungaling ko para lang hindi ako nila kulitin na dumalo.

Wala ng pahinga ang tema ko ngayon, double time. Umuwi pa ‘kong Caraga Region
kung saan ang hometown ko.

Sa school na agad ako nagtungo dahil do’n daw ang meeting place. Pagbaba ko sa
sasakyan, nakita ko si Axl na nakatayo malapit sa gate. Naka polo-shirt siya at black pants.

“Hi Axl.” No response.

“Nasa loob na ba sila?” But still, no response.

Hindi ko na lang pinansin ang pagkapahiya ko at pumasok na lang sa gate at nagtungo sa


classroom namin. Nakita ko si Diane at iba naming kaklase.

“Akala namin hindi ka na naman dadalo,” sabi ni Diane at niyakap ako.

“Condolence Melonie, nakikiramay kami sa pagkawala ni Axl. Nandito kami palagi


sa’yo. Alam naming hindi madali dahil ilang taon din naman ang pinagsamahan niyo pero palagi
mong tatandaan na nandito lang kami, okay?” sabi ng isang classmate ko na naging dahilan sa
muling pagtulo ng aking mga luha.

Back Seat
Isinulat ni: senyora_athena

“Mom, where’s kuya? Akala ko ba kasama siya.” tanong ng anak ko habang nasa kotse
kami.

“Kuya? Sinong Kuya? Eh ikaw lang naman ang baby ko.” Nilingon ko siya at nakitang
hawak niya ang teddy bear na niregalo ko sa kaniya noong nakaraang buwan.

“I’m talking about Kuya James.”

Bigla kong nahinto ang sasakyan nang banggitin ng ten years old kong anak ang
pangalang James.

“James? Pa’no mo nakilala si James?”

“He’s with me since day one, he’s my best friend, Mom.”

“Grace, matagal ng patay ang Kuya mo,” paalala ko sa anak ko.

“No, Kuya James is with us. He’s in the back seat staring at you. Kakapasok niya lang
no’ng hininto mo ang car.”
Balut
Isinulat ni: senyora_athena

“Elly, may kukunin lang ako sa labas,” sabi ng classmate kong si Regine na partner ko sa
thesis.

Nandito kami ngayon sa bahay nila, nasa second floor ang kuwarto niya.

My phone beeps nang tumuntong ang alas siyete ng gabi. Nasa kalagitnaan ako ng pagta-
type sa laptop ko nang makarinig ako ng sigaw ng nagtitinda ng balut.

“Balut, balut po kayo riyan.” Biglang kumulo ang aking tiyan. Gutom na talaga ako.

Ang tagal naman ni Regine, kukuha lang naman daw ng pagkain pero ang tagal.

Kumuha ako ng pera sa bag ko at pumunta sa may bintana. Nakita ko ang nagtitinda ng
balut malapit sa kinatatayuan ko.

“Manong, pabili nga ho ng balut.”

“Ilan, Ineng?”

“Isa lang po.” Inabot ko ang bayad pagkatapos makuha ang binili kong balut.
Uupo na sana ako pero binalik ko ang tingin sa may bintana.

Paano nangyaring nakabili ako ng balut na nasa second floor pala ako ng bahay ng
classmate ko?

Jeep
Isinulat ni: senyora_athena

Hindi alam ng mga kasama ko ang dapat na gawin sa mga oras na ito. Kung sisigaw ba
sila para humingi ng tulong o susundin ang lahat ng sasabihin ng lalaki. Lulan kami ng isang jeep
para sana pumunta sa plano naming puntahan. Hindi namin inakalang maiipit kami sa ganito, ang
ma-hold up ng ganito kaaga.

Nakarinig ako ng sigaw at nasundan ng pagputok ng baril. Nagmamakaawang tinig at


sinasabayan ng pag-iyak ng mga kasama ko. Bakit naman kami nauwi sa ganito?

“Hoy ikaw!” narinig kong sabi ng lalaki sa’kin na siyang may hawak ng baril at itinutok
iyon sa akin. Ito na yata ang sign na huling araw ko na ito.

“Ilabas mo ang pera mo!” dagdag pa nito. Ano naman kayang pera ang gusto niyang
ilabas ko? Fifty pesos lang ang dala kong pera, kulang pa nga ito.

Hindi ako umimik, hindi ko siya pinansin. Sige lang, barilin mo ako. Sawang-sawa na
‘ko sa buhay ko.

Lahat ng tingin ng mga pasahero ay nakatutok sa akin. Para bang lahat ng galaw ko ay
kailangan nilang panoorin. Gusto yata nilang masaksihan kung paano kitilin nitong lalaki ang
buhay ko.

Gumalaw ang senior citizen na katabi ko, sa lahat ng pasaherong narito ay siya lang yata
ang walang kaalam-alam sa nangyayari.
“Heto po ang bayad, isang senior citizen,” anito sa driver at inabot ang pera.

Wala itong kaalam-alam at nagtatakang tumingin sa’kin at tumingin sa lalaking may


hawak ng baril. Gulat itong nagsabi ng “Joseph, ikaw ba ‘yan? Anak ko bakit may baril ka?”

Mommy
Isinulat ni: senyora_athena

“Mommy, I want sundae,” Grace said. I gave her what she wanted.

“Mommy, I want spaghetti.”

“Sure honey.” Again, I gave her what she wanted.

Until she turn 20.

“Mom, I want a brand new car.”

“Honey, we don’t have enough money for a brand new car. I’ll buy a second hand, that’s
all I can give you this time.”

But she rolled her eyes on me. As if saying that she don’t like what I’ve said.

Until, her graduation comes.

“I don’t want to see you in my graduation day,” she said.


“Why?”

“I don’t need you anymore.”

My tears, my heart breaks into pieces. How can she managed to say those words? How
can my daughter breaks my heart?

Daddy
Isinulat ni: senyora_athena

“I don’t understand you Daddy, why are doing this to me?” I can’t help but to cry. My
tears are falling from my eyes.

“Shh. Calm down, Carolina. I’ll be back.”

“When?”

“I can’t tell.”

That was 15 years ago. That was Carolina who’s young and can’t stand on her own.

Now, I’m 22 years old. Facing now a coffin, wearing my black dress made by silk.

The same scenario, my teary eye. Asking my dad the same question I made.

“Dad, why are you doing this to me?”

But now, he can’t answer my question with the same answer he made. He can’t come
back anymore. He’s dead.
Chat
Isinulat ni; senyora_athena

Alas-diyes ng gabi, bumukas ang pinto ng aking kuwarto habang titig na titig ako sa
cellphone at ka-chat ang boyfriend ko. Napatingin agad ako sa pinto at nakita ko si Mama.

“Hoy, Ivy! Matulog ka na. May pasok ka pa bukas. Kaya palagi kang late sa school kasi
pati pagtulog sa gabi, late pa rin. Ewan ko na lang sa’yong babae ka! Matulog ka na, iiwan ka rin
ng ka-chat mo,” sabi ni Mama at nag-walkout.

Hays, si Mama talaga. Napatitig ako sa cellphone ko. Ayan na, nag-reply na siya.

Fifteen minutes past, bumukas na naman ang pinto. Tumingin agad ako do’n.

“`Ma, opo, matutulog na ‘ko. Five minutes more pa po.” Inunahan ko na, sasabihin na
naman kasi no’n na, “`Nak, walang forever, matulog ka na.” Dakilang bitter talaga ang aking Ina.

Inaasahan kong isasara na ni Mama ang pinto ng kuwarto ko subalit hindi iyon nangyari.
May mga yapak ng paa akong narinig na papalapit sa kama na hinihigaan ko. Dahil madilim sa
kuwarto ko kaya hindi ko naaninag kung kanino ang mga yapak na iyon. Pero sigurado akong
hindi si Mama ‘yon.

Bigla siyang huminto — kung sino mang tao iyon. In-off ko ang cellphone ko, dahil
kinakabahan ako sa takot.
“Hindi ka ba makikinig sa Mama mo? Matulog ka na, Ivy. Alam mo bang isa sa
pinagsisihan ko kung bakit hindi ako nakinig sa aking Ina, dahil iyon ang naging dahilan kung
bakit ako maagang namatay,” sabi nito na naging dahilan kung bakit ako sumigaw nang
sumigaw.

Picture
Isinulat ni: senyora_athena

Nakangiti ang anak ko habang may hawak na cellphone at kinukunan ng litrato ang
paligid. Nilapitan ko siya.

“Nice picture, Ate,” wika pa niya na ikinakunot ng noo ko.

Ate?

“Justine?” tawag ko sa kaniya.

“Po?”

“Sinong Ate?”

“Look, Mama.” Tumakbo pa siyang lumapit sa akin. “Kinunan ko ng picture si Ate


Lorraine.”

Biglang lumamig ang paligid dahil sa sinabi ng anak ko. Agad kong kinuha ang
cellphone na hawak niya. Nabitawan ko iyon pagkatapos kong tingnan ang litrato. Nilingon ko si
Justine na tawa nang tawa. Isang dalagitang nakasabit sa puno ng acacia ang kuha sa litrato.
Nakasabit gamit ang pisi.

“Ang ganda niya diba, Mama?”

Dios ko, kailan pa ba gagaling ang anak ko? Malala pa rin ang sitwasiyon niya dahil sa
pagkamatay ng kapatid niyang si Lorraine.

Ang litratong pinakita niya sa’kin ay kuha pa no’ng araw ng pagkamatay ng kapatid niya.

Librarian
Isinulat ni: senyora_athena

Mapait akong ngumiti nang makita si Daryl, nasa Athenaeum ako at tumitingin ng mga
libro. Hindi niya ako nakita, ‘buti naman.

Patuloy lang ako sa paghahanap ng maaaring makatulong sa’kin sa research paper na


ginagawa ko. Nagpakawala ako ng isang malakas na buntonghininga.

“Lalim no’n ah? Any problem?” tanong sa’kin ng librarian na hindi ko namalayang nasa
tabi ko na pala.

Iniling ko ang aking ulo bilang sagot.

May bago na pa lang librarian sa University. Sabagay, matagal-tagal na rin pala na hindi
ako nakatambay dito. Three months ago, I guess.

“Anong book ang hinahanap mo?”

“Wala pa nga po akong specific topic, Miss eh,” sagot ko.


“How about life and death?” suggest niya at tumingin sa’kin.

May ibinigay siyang libro sa’kin, 500 pages with a black cover book.

“Makatutulong ‘to.”

Kinuha ko iyon at pinagmasdan ang book cover. Good God, sana nga ito na ang topic na
maaaprobahan ng research adviser namin.

Pagtaas ko ng tingin ay wala na ang librarian sa harapan ko. Bumalik na marahil sa


puwesto nito.

Tinahak ko ang table ng librarian. Pero ibang librarian ang nakaupo sa mesa nito.
Dalawa ba silang librarian na naka-assign sa athenaeum? Guess so.

“I’ll take this book, Miss,” sabi ko.

“Library card.”

Inabot ko ang library card ko sa kaniya. “Miss, may kasama ka bang librarian pa rito?”
tanong ko.

“Ako lang, bakit mo naitanong?”

“Ha? Sigurado ka ba? Eh, sino ‘yong nakausap ko kanina? Akala ko librarian din ‘yon.”

“’Wag ka ngang magbiro.”

Inilarawan ko sa kaniya ang librarian na nakita at nakausap ko kanina. Namutla ang


librarian na kaharap ko at nag sign of the cross.
“Dios mio, si Maam Arli Joy ang nakita mo kanina. Ang librarian na nag suicide sa
dating library ng University.”

Nahilo ako sa sinabi niya at biglang nag-itim ang paligid.

Workshop
Isinulat ni: senyora_athena

Lunes. Maaga akong nakarating sa workshop dahil ang pangkat namin ang mangunguna
sa flag ceremony ngayon. Wala sa sarili kong inilapag ang bag ko sa upuan na karaniwan kong
gamit.

Mukhang sobra yata akong napaaga ng punta sa university. Ang totoo niyan ay wala
talaga akong tulog. Ang ganda kasi ng submission ng mga activities ko, sabay-sabay pa talaga.

Napailing na lang ako nang maalalang ang saklap pala talaga kapag wala kang tulog.

Tinahak ko na lang ang mga bintana upang sana buksan iyon nang biglang umilaw ang
buong workshop. Dios ko, wala sa sarili kong bulong.

Napaatras ako nang ang mga sewing machine naman ang biglang nagkaroon ng kuryente.
Tila ba may gumalaw ng saksakan at isinaksak ang sewing machine.

Gusto ko lang naman mag-lead ng flag ceremony pero bakit kailangan niyong manakot?
Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumabas ng workshop at nakita ko ang instructor
kong papalapit na sa puwesto ko. Inisang hakbang ko ang pagitan namin at agad na yumakap sa
kaniya.

Pero ang biglang nagpatigil sa tibok ng puso ko nang inilapat niya ang kutsilyo sa aking
leeg.

“Sa wakas ay may makakasama na ang kapatid ko sa workshop. Paalam, Reynalyn.”

Untold
Isinulat ni: senyora_athena

“Good morning.”

Agad napatingin si Lea sa batang nasa harapan ng desk niya at nakangiti. Nakasuot ito ng
puti at naglapag ng maliit na card sa mesa niya.

“The Untold Story of Carina, please.”

Tumango siya at tumayo na rin upang kunin sa bookshelf ang gusto nitong basahin. Sa
loob ng ilang buwan na nagtrabaho siya rito ay ang batang ito pa lang ang naging dahilan kung
bakit siya makapapasok ngayon sa horror section ng library nila.

Ibang taste pala ang gusto eh, bulong niya sa sarili.

Nang makapasok na siya sa kuwarto na naglalaman ng mga horror books ay agad niyang
kinuha ang libro na hinihingi ng bata.
Halos dugo lamang ang nakita niya sa pabalat. Ni wala ngang mukha ng main character
maliban lang doon sa kulay itim na title ng book.

“Bakit ito ang gusto niyang basahin? Marami namang fantasy na libro dito eh.” Umiling
na lang siya at pumihit paharap sa pinto pero agad siyang natigilan.

“Kanina ka pa ba riyan?” tanong niya sa bata.

“Kuwento ko po iyan kaya gusto kong basahin kung anong kasinungalingan ang ginawa
nilang dahilan sa aking kamatayan.”

Camera
Isinulat ni: senyora_athena

“Smile.”

Sabay-sabay silang ngumiti sa harap ng camera. Ito na yata ang huling araw na
magkakasama silang lahat. Tuwing pictorial lang naman sa graduation nagiging kumpleto ang
mga estudyante.

Pinagmasdan niya ang mga katabi niya. Wala silang ibang nakita kun’di ang matamis na
ngiti at nagniningning na mga mata. Alam niya kung ano ang iniisip ng mga kasama niya sa
façade. Sa wakas ay nagbunga na rin ang ilang taon na naghirap sila, mula Pre-school hanggang
College.

Nang tumingin siya muli sa camera man ay parang hindi ito mapakali. Titingnan nito ang
hawak na camera at titingin ulit sa kanila.

Ano kayang nangyari? Tanong niya sa sarili at lumingon sa likuran. Parang wala namang
napansin ang mga kasama niya dahil kaniya-kaniya lang ang mga ito sa pagpindot sa sariling
cellphone. Baka binibigyan lang niya ng kahulugan ang lahat.
“Let’s take another shot,” ani ng camera man kaya naghanda na rin siya upang ngumiti
pero ganoon pa rin ang nangyari.

“Ano po bang problema, Sir? Nakailang ulit na tayong picture wala pa rin bang
magandang kuha?” tanong ng isang guro na lumapit na mismo sa camera man.

“Ma’am ano kasi—” Huminto ito sa pagsasalita at napakamot sa ulo. “May problema
kasi eh.”

Problema?

“Puwede niyo pong tingnan,” dagdag ng camera man.

Mabilis na nagsilapitan ang mga kasama niya kaya humakbang na rin siya upang tingnan
kung anong problema.

Tumigil yata sa pagpintig ang kaniyang puso at sumikip ang kaniyang dibdib nang
makita ang tinutukoy ng camera man. Humakbang siya paatras at tiningnan ang kanilang guro,
namumutla ito gaya ng iba niyang mga kasama.

“Who’s that girl? Bakit wala siyang ulo?” maarte na tanong ng nasa gilid niya. “OMG!
Katabi mo siya, Zaira!”

“Si Carmela ang katabi ko.”

“Pero katabi kita kanina,” aniya at muling tumingin sa camera pero hindi niya nakita ang
sarili niya sa picture.

“Si Wendie yata ‘yan. ‘Yong babae na nag-suicide sa CR ng education department.”

You might also like