Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Isang Masusing Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan III


I. Layunin
Pagkatapos ng 30-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy na ang rehiyon ay binubuo ng mga lalawigan;
B. Naipagmamalaki ang sariling lalawigan; at
C. Naguguhit ang ibat-ibang lalawigan sa Rehiyon Dalawa.

LC: AP3EAP-IVe-10
Natutukoy na ang rehiyon ay binubuo ng mga lalawigan na may sariling pamunuan.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Natutukoy na ang Rehiyon ay binubuo ng ibat-ibang lalawigan sa Rehiyong II-
Lambak ng Cagayan
B. Kagamitan: Kartolina at marker
C. Sangunian: AP-CG.pdf (deped.gov.ph) Rehiyon 2 | PDF (scribd.com)

III. Pamamaraan

Gawaing Guro
A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

Bago natin simulan an ating panibagong talakayan, atin munang balikan ang gating mga napag-aralan
sa ating nakaraang paksa/ leksyon.

Sa pagbuo ng isang lalawigan mayroon itong sinusundan mga proseso. Maaari niyo bang ibigay ang
mga tinalakay nating mga proseso?

Ano pa?

Ano pa?

At ang panghuli, ano ito?


2. Pagganyak

Ngayon, may inihanda akong awitin. Ang awiting ito ay pinamagatang “Himig ng Rehiyong Dalawa”.
Maaari kayong sumabay sa awitin kung ito ay inyong alam. Ito ay inyong pakinggang maigi sapagkat
kailangan niyong masagot ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang rehiyon na nabanggit sa awitin?


2. Ano-ano ang mga lalawigan nabanggit?
3. Mula sa mga lalawigang nabanggit, saang lalawigan tayo nabibilang?
Himig ng Rehiyong Dalawa

Lupang banal at ubod ng yaman


Sa dibdib mo’y kay tamis
Buhay at aming katapatan
Handog at alay sa iyo
Mutya ng Ikalawang Rehiyon
Pugad ng ligaya at tagumpay
Ang himig na ito ay alay sa iyo
Tayo’y magkaisa, bandila’y itanghal
Rehiyong Dalawa

Tayong lahat ay magbalikatan


Sandigan ng ating bayan
Batanes, Tuguegarao, Cauayan, Isabela,
Quirino, Vizcaya, Santiago, Ilagan, Cagayan
Taas noong ipagdiwang nating lahat
Puri at kagitingang tunay
Quirino, Vizcaya, Batanes, Ilagan, Cagayan,
Tuguegarao, Cauayan, Santiago, Isabela
3. Rehiyong Dalawa
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad

Mula sa awitin, ating sagutin ang mga katanungan kanina.

1. Ano ang rehiyon na nabanggit sa awitin?

2. Ano-ano ang mga lalawigan nabanggit?

3. Mula sa mga lalawigang nabanggit, saang lalawigan tayo nabibilang?


2. Pagtatalakay

Sino ang nakakaalam kung saang rehiyon tayo nabibilang?

Ang rehiyong dalawa ay nahahati sa ibat-ibang lalawigan. Ito ay ang Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva
Vizcaya at Quirino.

Ang Rehiyong Dalawa ay tinatawag na Lambak ng Cagayan. Ito ay matatagpuan sa hilagang-silangan


ng Pilipinas, sa pagitan ng kabundukang Cordilleras at ng Sierra Madre.

Ngayon naman ay ating tutukuyin isa-isa ang limang lalawigan ng rehiyon dalawa.

1. Batanes-pinakahilaga sa buong Luzon. Basco ang Kabisera ng lalawigang ito. Ivatan ang tawag sa
mga taga-Batanes na itinuturing pinakamatanda sa Pilipinas. Ang mga Ivatan ay naninirahan sa
mga bahay na gawa sa bato. Ang kanilang pamumuhay ay pagsasaka at pangingisda. Narito ang
ilan sa mga magagandang tanawin sa Batanes. Isa rito ang Chawa viewdeck, Basco Lighthouse,
Mahayaw Arch, Vayang Rolling Hills, at marami pang iba.
2. Cagayan- Ang kabisera nito ay Tugegarao. Nagmula ang pangalan na Cagayan sa halaman na kung
tawagin ay “Tagay” kung kaya ang “Catagayan” na ang ibig sabihin ay “lugar kung saan ang
halamang tagay ay tumutubo”. Pinaikli sa “Cagayan” ang kasalukuyang pangalan ng lalawigan.
Ang kanilang pamumuhay rito ay pagmimina, pangingisda at pagsasaka. Narito naman ang ilan sa
mga magagandang tanawin sa Cagayan. Palaui Island, Nangaramoan Beach, Callao Cave, Blue
Water falls and Cave, at marami pang iba.
3. Isabela-lalawigan na kung saan tayo ay nakabilang. Ilagan ang kapital nito at ito ay
ipinangalan sa Reyna ng Espanya na si Reyna Isabela II. Ito ang pinakamalaking lalawigan sa
Hilagang Luzon at ang ikalawang pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas. Ang karaniwang hanap
buhay rito ay pagmimina, pagsasaka, pagtotroso, at pangingisda. Narito ang ilan sa mga
magagandang tanawin sa ating lalawigan at tiyak na ilan sa mga ito ay napuntahan niyo na. Narito
ang Ilagan Sanctuary, Abuan River, Blue Lagoon in Palanan, Magat Dam, at marami pang ibang
magagandang tanawin sa ating lalawigan. Meron ba kayong ibang alam maliban sa mga nabanggit?

4. Nueva Vizcaya-ang kabisera nito ay ang Bayombong. Ang karaniwang kanapbuhay rito ay
pagsasaka at pagmimina. Ang ilan sa mga magagandang tanawin sa lalawigan ng Nueva
Vizcaya ay Imugan Falls, Lower Magat Eco-Tourism Park, Saint Dominic Cathedral, Mt.
Ugo/Mt. Ugu at marami pang iba.

5. Quirino-ang kabisera nito ay Cabarroguis at ipinangalan ito kay Elpidio Quirino, ang ika-anim na
pangulo ng Pilipinas. Dating bahagi ng lalawigan ng Nueva Vizcaya ang Quirino, hanggang sa
hiniwalay ito noong 1996. Ang pangunahing pamumuhay rito ay pagmimina at pagsasaka. Narito
ang mga ilan sa magagandang tanawin na matatagpuan sa lalawigan ng Quirino. Ang ilan sa mga
ito ay Governor’s Rapids, Siitan River, Quirino Watersports Complex, Landingan Viewpoint at
marami pang iba.
C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Batay sa ating tinalakay, anong rehiyon tayo nabibilang?

At tinatawag din itong?

Ilang lalawigan meron ang rehiyon dalawa?

Ano ang bumubuo sa isang rehiyon?

Maaari niyo bang ibigay ang limang lalawigan sa rehiyon dalawa?

Mula sa limang lalwigan, saang lalawigan tayo nabibilang?

Bilang isang kasapi/mamamayan sa iyong sariling lalawigan o ang lalawigan ng Isabela, paano mo ito
maipagmamalaki sa iba?

Magaling! Inyong tatandaan na tayo ay nabibilang sa Rehiyon Dalawa o ating tinatawag na Lambak ng
Cagayan at ang ating rehiyon ay nahahati mula sa ibat-ibang lalawigan na kung saan ito ay ang
Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
2. Paglalapat
Pangkatang Gawain
PANUTO: Tingnan at suriing mabuti ang apat na larawan at tukuyin kung anong lalawigan ang
tinutukoy nito.
Pangkat 1

Pangkat 2

Pangkat 3

Pangkat 4
Pangkat 5

IV. Pagtataya
PANUTO. Punan ang mga patlang upang makumpleto ang pangungusap.
Pumili ng tamang sagot sa kahon.

QUIRINO ISABELA

BATANES CAGAYAN

NUEVA VIZCAYA LAMBAK NG CAGAYAN

1. Ang Rehiyon Dalawa ay tinatawag ding __________.


2. Ang pasyalan na Governor’s Rapid ay matatagpuan sa lalawigan ng ________.
3. Lalawigan ng _________ ang pinakahilaga sa Luzon.
4. Ang lalawigan ng __________ ay pinakamalaking lalawigan sa Hilagang Luzon.
5. Sa lalawigan ng ________ matatagpuan ang pasyalan na Lower Magat.

V. Takdang Aralin

PANUTO: Iguhit ang ibat-ibang lalawigan sa Rehiyon Dalawa. Gumamit ng


magkakaibang kulay sa bawat lalawigan. Gawin ito sa isang buong bondpaper.

You might also like