Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

“Bangon”

Ni: Nasrullah Galmak

Sa isang payapa at tahimik na lugar ay may isang babae na ang pangalan ay


si Fatima, labing walong taon gulang at nakatira sa bayan ng Sultan Kuradat. Si
Fatima ang pangatlo sa tatlong magka kapatid na sina Angel, ang panganay at si
Marie naman ang pangalawa sa magka kapatid. Sanggol palang ang magkakapatid
ay maaga na itong naulila sa ina dahil sa sakit na canser, kaya naman mag-isang
itinaguyod ng Ama ang tatlo. Dahil sa sobrang hirap ng buhay, sa edad na dawalang
taon gulang ay napilitan si Mang Ben na ipakupkop muna sa kanyang biyanan si
Fatima kahit pansamantala lang. Masayang namumuhay si Fatima kasama ng
kanyang mahal na Lola sa isang liblib at tahimik na lugar kung saan malayo sa
kanyang Ama at sa mga kapatid nito. Simula noon minsan lang bumibisita ang Ama
ni Fatima dahil masyado itong abala sa pagtatrabaho.
Lumipas ang panahon habang lumalaki si Fatima ay marami nang
katanungan sa kanyang isipan dahil sa loob ng maraming taon buong akala ni Fatima
ay buhay pa ang kanyang ina at ito ay ang kanyang Lola, ngunit di nagtagal nang
magkaroon na ito ng isip ay ipinaliwanag din sa kanya ang buong pagkatao nya.
Noong una mahirap para kay Fatima na tanggapin ang katotohanan subalit di rin
nagtagal ay naintindihan nya rin ito. Hindi nagbago ang pakikitungo ni Fatima sa
kanyang Lola Melda dahil naging mabuti naman ito sa kanya, minahal nya si Fatima
na parang totoong anak at ibinigay ang pangangailangan nito kahit pa itoy matanda
na.
Dumating ang panahon na gustong mag-aral ni Fatima sa isang
pampublikong paaralan, ngunit walang sapat na pangtustos ang kanyang Lola at
wala na itong kakayahang mag trabaho dahil mahina na ang pangangatawan, kaya
napilitan si Lola Melda na iuwi muna si Fatima sa kanyang Ama dahil sa kagustuhang
matupad ang nais ng apo. Masakit para kay Fatima na mawalay sa kanyang Lola na
nakasanayan na nyang kasama sa lahat ng bagay pero yun ang nararapat para sa
magandang kinabukasan nya. Lungkot, kaba, at pagkasabik ang nararamdaman ni
Fatima habang bumabiyahe kasama ang kanyang Lola papunta sa lugar kung saan
nakatira ang kanyang Ama at mga kapatid nito. Sobrang saya ni Fatima nang
salubungin sya ng kanyang dalawang kapatid ng isang mahigpit na yakap, dahil na
rin siguro mahabang panahon ang lumipas nang huli nya itong nakita kaya ganun
nalang ang pagka sabik nila sa isa't isa.
Lumipas ang panahon, buong akala ni Fatima ay makakapag aral sya sa
piling ng kanyang Ama pero nagkamali sya. Sa lugar nila hindi uso ang edukasyon,
mas pinagtutuonan ng mga kabataan ang paglalakwatsa kaysa sa pag aaral. Si
Angel ang panganay na kapatid ni Fatima, si Marie naman ang pangalawa at bunso
naman si Fatima. Sa panahon na yun si Angel lang ang medyo nagpo-pokus sa pag-
aaral samantala ang dalawa naman ay nagtatrabaho sa isang malawak na lupa ng
sakahan.
Samakatuwid, hindi na naasikaso ni Fatima ang kanyang pag-aaral dahil sa
mga rakets nito. Isang lasingero ang Ama ni Fatima, ngunit kahit ganun ay
ginagampanan parin nito ang tungkulin biglang Ama. Mabait at mapagbigay na tatay
si Mang Ben, kahit kailan hindi nya pinagbuhatan ng kamay ang kanyang mga anak.
Lahat ng klase ng trabaho ay pinapasukan ni Mang Ben, pagle-labor, pagko-
konstraktura, pag-aani ng mais at palay, paglalako ng ibat ibang paninda at marami
pang iba na legal sa komunidad. Si Mang Ben ang tumayo bilang nanay at tatay sa
tatlong magkakapatid, kaya labis ang pagmamalaki ni Fatima sa kanyang Ama dahil
sa sobrang sipag. Ngunit sa isang iglap ay nagbago ang lahat dahil sa di inaasahang
pangyayari. Isang gabi at masayang nag-iinuman ang tatay ni Fatima kasama ang
mga kaibigan nito nang biglang may barilan na nangyari na ikinamatay ng isang
sundalo. Naging isa sa mga suspek si Mang Ben dahil naroon ito sa mga panahon na
yun kaya ito ay na-wanted. Kinaumagahan, nagising si Fatima dahil sa iyakan ng
mga tao sa paligid nya. Nalilito sya, wala syang kaalam alam sa mga nangyayari
nang biglang nagwika ang kanyang kapatid na si Marie habang lumuluha "Fatima,
wala na si tatay" Parang binagsakan ng langit at lupa si Fatima sa kanyang narinig, di
nya matanggap na wala na ang kanyang Ama kahit ang totoo'y nagpakalayo layo
lang ito para sa kaligtasan ng bawat isa, ngunit inilihim ito kay Fatima dahil alam nila
na wala pa sa tamang edad para intindihin ang sitwasyon nila. Lumipas ang ilang
buwan ay patuloy parin pinaghahanap ng kapulisan si Mang Ben ngunit wala parin
itong mahagilap na impormasyon. Isang gabi bago matulog ang tatlong
magkakapatid ay biglang nag-ring ang selpon ni Angel at di nya mabatid kung sino
ang tumatawag, ngunit sa kabilang ng pagkalito ay sinagot nya parin ito. Biglang
nabuhayan ang tatlo nang marinig nila ang boses ng kanilang Ama. Bakas sa labi nila
ang saya dahil sa wakas nagka-usap na rin sila dahil ilang buwan din nang huli nilang
makausap ang ama.
Sa pagdadalaga ni Fatima di mawala sa kanya ang mahulog sa isang tao.
Dahil sa mga kabataan na nakaka-impluwensya sa kanya ay minsan na itong nadala.
Sa murang edad nagmahal si Fatima ng isang lalaking nagpasaya sa buhay nya, sya
si Mark. Nagkakilala sila sa isang okasyon at dun na nag simula ang kanilang
pagmamahalan. Walang araw na di sila nag-uusap na nagdulot ng labis na kasiyahan
sa kanya hanggang sa unti unti na itong nahuhulog. Isang magandang dalagita si
Fatima kaya hindi sya basta basta nagtitiwala sa mga salita ni Mark, bagkus umabot
ng apat na Buwan ang ligawan nilang dalawa. Noon, pinangako ni Fatima sa
kanyang sarili na hindi muna sya papasok sa isang relasyon hanggat hindi pa sya
umabot sa edad na labing walong taon, ngunit ang pangakong yun ay napako dahil
sa edad na labing pitong taon gulang ay nagkaroon sya ng kasintahan at yun ay si
Mark. Masaya at kontento sila dalawa kahit malayo sila sa isa't isa. Nag-uusap lang
sila sa pamamagitan ng selpon ngunit hindi yun naging dahilan para masira sila.
Patago ang kanilang relasyon dahil mahigpit ang mga Ate ni Fatima lalo na ang
kapatid nyang panganay ngunit naiintindihan yun ni Fatima dahil alam nyang iniisip
lang ng Ate nya ang kabutihan nito. Matanda si Mark ng dalawang taon sa kay
Fatima ngunit hindi yun naging hadlang para mahalin nila ang isa't isa.
Noong una pinagbalahan na ni Angel ang kapatid nyang si Fatima na hindi
matinong lalake si Mark ngunit hindi sya nakinig, iniisip nito na sinisiraan lang si
Mark. Naging bulag si Fatima sa pag-ibig na inakala nyang totoo, bagkus naging
masamang impluwensya si Mark kay Fatima. Dahil sa oras oras na pag-uusap nila sa
selpon ay hindi na masyado nakakapagpokus si Fatima sa paaralan. Napapadalas
ang pagtulog ni Fatima ng madaling araw dahil sa walang katapusang pag-uusap,
madalas rin sila nagkikita lalo na pag buwan ng kanilang pagmamahalan. Hindi
nagkulang si Angel sa pagpapaalala sa kanyang kapatid tungkol dito, kaya nung
napansin nyang hindi na tama ang kinikilos at inaasal ni Fatima ay napag-isipan
nyang pagsabihan si Mark. Simula pa noon ayaw na ni Angel kay Mark para sa
kanyang kapatid dahil isa pa hindi na ito nag-aaral, tambay at walang patutunguhan
sa buhay, alam nyang walang magiging kinabukasan si Fatima sa piling ni Mark.
Kaya isang araw biglang nanlamig ang pakikitungo ni Mark sa kanyang kasintahang
si Fatima hanggang sa humantong sila sa hiwalayan. Mahirap para kay Fatima na
tanggapin dahil ni hindi man lang nagbigay ng sapat na rason si Mark kung bakit ito
biglang nakipaghiwalay. Sa sobrang paghihinayang at pagmamahal ni Fatima kay
Mark ay naging desperada ito. Umaasa ito na maaayos pa ang relasyon nilang
dalawa ni Mark ngunit di na nagparamdam ito. Sobrang nasaktan si Fatima sa mga
panahon na yun, iniisip nya kung saan ba sya nagkamali, kung saan sya nag
nagkulang.
Samakatuwid, hindi naging madali kay Fatima na kalimutan si Mark dahil
sa paglipas ng isang taon ay di parin nagbabago ang pagmamahal nya sa binata,
mahalaga kay Fatima ang pinagsamahan nila ni Mark, ngunit na-realize din nya na
may dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay, kung bakit kailangan mawala
ang isang espesyal na tao sa buhay natin, natutunan ni Fatima na yun ang
makakabuti sa kanilang dalawa kaya humingi na patawad si Fatima sa kanyang Ate
dahil sa pagsaway nito, nagpasalamat rin sya dahil ngayon naiintindihan na nya kung
bakit ganun nalang kahigpit ang Ate nya yun ay dahil nagmamalasakit lang ito. Sa
paglipas ng ilang taon ay tuluyan nang kinalimutan ni Fatima ang nakaraan nila ni
Mark at pinili nyang maging masaya at malaya. Sa ngayon, nasa senior high na si
Fatima at nagsusumikap makapag tapos ng pag-aaral habang sya ang isang working
student. Dahil matanda na sya at kaya na nyang gawin ang mga bagay bagay, kahit
nakakaya naman ng kanyang Ama ang mga bayarin nya sa paaralan ay mas pinili
nyang mag trabaho nang sa ganun hindi sya maging pabigat sa kanyang pamilya.
Limang taon nang nasa ibang bansa si Marie bilang Domestic Helper, hindi
rin madali para kay Marie na malayo sa pamilya ngunit wala syang pagpipilian dahil
yun ang nararapat para makapag tapos ng pag-aaral si Angel at Fatima. Nasa
ikatlong taon na sa kolehiyo si Angel at senior high na ngayon si Fatima. Katulad ng
ibang kabataan, hindi perpekto si Fatima, minsan nakakagawa sya ng mga maling
desisyon sa buhay nya, nakakasagot sa kanyang pamilya, napapaaway, at nabibigo
rin sya pagdating sa paaralan at pag-ibig. Kasalukuyang may kasintahan si Fatima
habang nag-aaral ngunit ibang iba ito kay Mark. Siya si Angelo, kaklase ni Fatima na
kasintahan nya rin. Mabait si Angelo, masipag mag aral at relihiyoso, bimabalanse
nya ang relasyon nila ni Fatima at ang kanilang edukasyon.
Walang perpektong relasyon at katulad ng iba ay nag-aaway rin sila Angelo
at Fatima na minsan ay nahahantong sa hiwalayan. Ngunit sa bandang huli ay
naaayos naman ito, nagpapahiwatig lang ito na matibay ang kanilang relasyon.
Lahat ng hirap at sakit ay ginawa ni Fatima na INSPIRASYON para
maging matatag na harapin ang bawat pagsubok at sa pag-asang maabot ang mga
pangarap. Lumipas ang mahabang panahon at nakapag tapos na mag-aral si Fatima
at may maayos na itong trabaho ngunit ang taong kasama nyang mangarap ay wala
na. Taong 2010 ay isa sa mga binawian ng buhay si Angelo sa isang aksidenteng
naganap sa Davao City habang nasa 3rd year college na ito. Naransan ni Fatima na
ma-depress dahil sa pagka wala ng mahal sa buhay, akala nya si Angelo na ang
lalaking mamahalin nya habambuhay, akala nya sya na ang kasama nitong bumuo
ng pamilya ngunit nagbago yun sa isang iglap.
Ngunit nawala man si Angelo ay nag-iwan parin ito ng isang palatandaan
ng kanilang pagmamahalan.Nagbunga ng supling ang pagmamahalan nila Angelo at
Fatima bago pa ito mamatay.
Ngayon kontento si Fatima sa kanyang buhay kapiling ng kanyang
prinsesa, si Cindy. Maraming masasakit na pangyayari ang naranasan ni Fatima,
Ngunit sa kabila ng lahat ay nalagpasan nya parin ito dahil sa pagtulong ng mga tao
sa paligid nya. Ang kanyang Ama na lagi nandyang para pag sabihan sya, ang
kanyang mga kapatid na tumutulong alagaan si Cindy. Si Angel ay meron nang
awasa at si Marie naman ay tuluyan nang nanirahan sa ibang bansa kasama ang
asawa nitong half Filipino. Samantala si Mang Ben naman ay nasa edad na 87 at
mahina na ang pangangatawan. Isang mahusay at matalinong guro na ngayon si
Fatima sa high school. Simula nang pumanaw si Angelo na di na ito umibig pa sa iba.
Mas nakatuon ang atensyon at pagmamahal nya sa kanyang nag I isang anak at sa
Amang humihina na. Kilala si Fatima bilang "Mabait na Guro" dahil sa mabusilak
nitong puso. Laging naghahandog si Fatima ng tulong sa mga taong kapos palad
tulad ng pagbibigay ng pagkain, pag-abot ng pera, pagtatanggol sa mga tao at
marami pang iba na naging dahilan kung bakit lalo sya minamahal ng mga tao. Sa
kabila ng mga pagsubok na dumating sa buhay ni Fatima ay marami syang
natutunan. Na minsan kailangan natin madapa sa mga pagsubok para bumangon
ulit, na minsan dumating lang ang isang tao para pasayahin ka ng panandalian.
Natutunan nyang wag tumigil magmahal at maging matatag.

You might also like