Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

5

INDUSTRIAL ARTS 5
ARALIN 1
RAYMUND A. PANTUA
CAMARIN ELEMENTARY SCHOOL
Writer

ALLAN E. DE PAZ
Illustrator

FLORA Q. ONGOTAN, Ed.D.


Validator

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


EPP 5 – INDUSTRIAL ARTS
Quarter 4-Week-1 1
Mahalagang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing
Kahoy at Metal
Isinulat ni Raymund A. Pantua

Binubuo ng iba’t-ibang gawain ang gawaing pang-industriya batay sa kung ano ang mga
kagamitan - ang sagana sa isang lugar.
Nilalayon ng gawaing pang-industriya na linangin, palawakin, at pausbungin ang
kasanayan sa mga gawaing-kamay at teknikal na kailangan sa pagtatrabaho na kaugnay ng
kasangkapan at makinaryang ginagamit.
Iba’t-ibang kasanayan ang lilinangin at pauusbungin sa bawat mag-aaral upang
makatulong sa pamilya kapag lubos na ang kaalaman at kasanayan sa mga gawaing ito.

Pagkatapos ng aralin, matututunan mo ang Most Essential Learning Competency (MELC)


sa ibaba:
1.1Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy at
metal. (EPP5IA-0a-1)

Mga Gabay sa Paggamit ng Modyul:

Ang modyul na ito ay ginawa para sa inyo sa kasalukuyang sitwasyon ng epidemya na


maaari tayong mag-aral sa loob ng tahanan. Magpapatuloy ang inyong pag-aaral kahit na kayo
ay nasa inyong mga tahanan sa tulong at gabay ng inyong magulang.

Kaya inaasahan na:

1. Basahin at intindihin ang mga nakasulat sa modyul na ito.

2. Humingi ng tulong o gabay sa inyong mga magulang o nakatatandang kapatid

para mas lalong maunawaan ang nilalaman nito.

3. Sundin lahat ng panuto at gawain sa modyul na ito.

4. Ingatan at huwag pilasin ang mga pahina.

5. Manatili sa tahanan para ligtas at masayang pag-aaral.

EPP 5 – INDUSTRIAL ARTS


Quarter 4-Week-1 2
Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy at metal.

2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng gawaing kahoy at metal.

3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing kahoy at metal sa pag-unlad ng


kabuhayan ng pamilya.

Inaasahan ko na naintindihan mo ang iyong binasa, ngayon sagutin mo muna ang unang
pagsubok.

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa blangko bago ang
katanungan.

Kalawang Narra
Tanso Latero
Metal Karpintero
Manlililok Punong kahoy
Hanap Buhay Handicraft

______________________1. Puno na karaniwang makikita sa gubat.


______________________2. Tawag sa taong manggagawa na gumagamit ng
kahoy.
______________________3. Tawag sa taong manggagawa na gumagamit ng metal.
______________________4. Metal na di kinakalawang.
______________________5. Pambansang punong kahoy.
______________________6. Tawag sa taong gumagawa ng rebulto na yari sa
kahoy.
______________________7. Iba pang katawagan sa gawaing kamay.
______________________8. Matigas na bagay na karaniwang gamit ng latero.
______________________9. Palatandaan na nasisira na ang metal.
______________________10. Pinagkukunan ng pang-araw-araw na pamumuhay

Magaling! May kaunti ka ng nalalaman tungkol sa ating aralin. Ngayon naman, nais kong balikan
mo ang ating nakaraang aralin.

EPP 5 – INDUSTRIAL ARTS


Quarter 4-Week-1 3
Panuto: Isulat sa loob ng plato ang mga dapat isaalang-alang sa paghanda ng kaakit-akit na
pagkain.

Magaling! Di ka pa nakalimot sa ating nakaraang aralin. Ngayon naman basahin nang maayos at
intindihin ang inihanda kong maikling pagpapakilala tungkol sa ating aralin.

Mayaman sa iba’t ibang uri ng punong


kahoy ang ating bansa kaya ito ang batayan
na mayroon tayong mga magagarang bahay
na yari sa kahoy tulad ng sikat na pasyalan sa
Vigan, Ilocos Sur, at mayroon din tayong mga
sikat na manlililok tulad ni Napoleon Abueva ,
mga
manlililok sa
Paete, Laguna at iba pa na gumagawa ng mga rebulto na yari
sa kahoy, karpintero naman ang tawag sa mga taong
gumagawa ng bahay, mesa upuan, kabinet at iba pang
kasangkapan na yari sa kahoy.

Ang narra, apitong, kamagong, mahogany, yakal, at mulawin ay ilan sa mga punong
nagbibigay ng matigas na kahoy na maaaring gamitin bilang haligi ng bahay, tulay, poste,
muwebles at palamuti sa bahay.

EPP 5 – INDUSTRIAL ARTS


Quarter 4-Week-1 4
Ang pag-aaral naman ng mga gawain tungo
sa pagkaakit, pagmumulat, at pagiging mapamaraan
ay magandang kaalaman na makakamit sa gawaing
metal, isa sa mga lawak sa Edukasyong
Pangkabuhayan na napapanahon sapagkat sa
ngayon ay maraming nagkalat na patapong metal
tulad ng mga bakal, kawad, at lata na maaaring
gamiting muli sa pagbuo ng bagong proyekto tulad
ng dustpan, gadgaran, habonera, kahon ng resipi at kwadro. Ang pagiging latero ay hanapbuhay
na maaaring mapasukan ng isang may kaalaman at kasanayan sa mga gawaing kaugnay ng
metal.

Gawain 1.

Panuto: Isulat sa kahon ang letrang K kung ang larawan ay gawa sa kahoy, M naman kung gawa
sa metal.

1. 2.

3. 4.

5.

Gawain 2.

Panuto: Magtala ng limang bagay na makikita sa loob at labas ng tahanan na gawa sa kahoy.

1.___________________________________________________

EPP 5 – INDUSTRIAL ARTS


Quarter 4-Week-1 5
2.___________________________________________________

3.___________________________________________________

4. ___________________________________________________

5.___________________________________________________

Gawain 3.

Panuto: Gumuhit sa loob ng kahon ng limang bagay na yari sa metal na makikita sa loob at labas
ng tahanan.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain na ibinigay. Patuloy mo pang palawakin ang
iyong kaalaman. Narito ang mga dapat mong tandaan.

❖ Sagana ang ating bansa sa mga likas na yaman mula sa malagong mga punongkahoy
hanggang sa mga yamang-dagat.
❖ Mahalagang matutunan ang mga kaalaman at kasanayang napapaloob sa gawaing pang-
industriya tulad ng gawaing kahoy at metal sapagkat ito ay magiging batayan sa paggawa
at pagkakaroon ng pagkakakitaan o hanap-buhay.

Sana isapuso at isabuhay ang kasabihang “Ang masisipag na mga kamay, walang humpay sa
paggawa ng mga magagandang bagay”.

Isang pagsubok pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga natutuhan.

EPP 5 – INDUSTRIAL ARTS


Quarter 4-Week-1 6
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Batay sa iyong mga natutunan, ano-anong gawaing pang-industriya ang maaari mong
isagawa upang makatulong sa pag-unlad hindi lamang ng pamilya kundi ng buong bansa?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga sa isang batang mag-aaral na kagaya mo ang pagkakaroon ng kaalaman


at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya?

_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Ngayon naman ay nais kitang subukin kung mayroon kang natutunan tungkol sa ating aralin.

Panuto: Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap. Ilagay ang iyong sagot
sa linya bago ang katanungan.

_____1. Maraming kasanayan ang matututuhan sa gawaing pang-industriya na tunay na kapaki-


pakinabang.

_____2. Ang pagkakarpintero ay dapat matutuhan ng mga batang mag-aaral hindi lamang sa
panghanapbuhay kundi para na rin sa sariling pangangailangan.

_____3. Karaniwan sa mga kasangkapan sa pagluluto ay mga kagamitan na yari sa metal.

_____4. Ang mga sasakyan na makikita sa kalsada ay gawa sa kahoy.

_____5. Ang may sapat na kaalaman at kasanayan sa gawaing kamay ay maaari nang
magkumpuni ng mga sirang upuan at lamesa.

_____6. Madaling matukoy kung ang isang bagay ay gawa sa kahoy.

_____7. Ang narra, apitong, kamagong, mahogany, yakal, at mulawin ay ilan sa mga punong
nagbibigay ng matigas na kahoy.

_____8. Ang talyer ay lugar kung saan gumagawa ang isang karpintero.

_____9. Madaling matukoy ang mga bagay na gawa sa metal.

_____10. Si Rod ay nakatira sa bundok kaya ang madali niyang mahanap na kagamitan sa
paggawa ng proyekto ay mga kabibe.

EPP 5 – INDUSTRIAL ARTS


Quarter 4-Week-1 7
Magaling! Binabati kita sa makukuha mong marka. Ngayon naman nais kong palawakin
mo pa ang iyong mga natutunan tungkol sa ating aralin.

Panuto: Sa pamamagitan ng dalawa hanggang tatlong pangungusap, sagutin ang mga


katanungan. Isulat ang sagot sa mga linya na makikita sa ilalim ng tanong.

1. Paano makatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ang iba’t-ibang gawain sa sining


pang-industriya?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. Bakit kailangang malinang ang kakayahan ng tulad mong mag-aaral sa paggawa ng mga
proyektong mapagkakakitaan?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Mahusay! Natapos mo na ang mga gawaing ibinigay. Humanda ka sa susunod na


masayang pag-aaral.

Writer: RAYMUND A. PANTUA


Camarin ES
Illustrator: ALLAN E. DE PAZ
Marcelo H. Del Pilar ES
Validator: FLORA Q. ONGOTAN, Ed.D.
Kalayaan NHS
Team Leader: TELESFORO B. ONGOTAN, JR., Ed.D.
Kalayaaan ES

EPP 5 – INDUSTRIAL ARTS


Quarter 4-Week-1 8
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE
CALOOCAN CITY
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
INDUSTRIAL ARTS - GRADE 5
Pangalan: __________________________________ Baitang & Pangkat ______________
Guro: _________________________________________Petsa: ________________________

Answer Sheet

Unang Balik-
Pagsubok Tanaw Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

10

Pag-alam sa Pangwakas na Pagninilay


Gawain 4 Gawain 5 Natutunan Pagsusulit

10

EPP 5 – INDUSTRIAL ARTS


Quarter 4-Week-1 9
IA-GRADE-5-EPP-QUARTER-4-ARALIN-1

EPP 5 – INDUSTRIAL ARTS


Quarter 4-Week-1 10
Susi sa Pagwawasto:
Unang Pagsubok
1. Punong kahoy
2. Karpintero
3. Latero
4. Tanso
5. Narra
6. Manlililok
7. Handicraft
8. Metal
9. Kalawang
10. Hanap Buhay
Balik-tanaw
( Kulay, Lasa, Hugis at Anyo, Pagkakaibaiba ng Texture, Temperatura)
L4.Gawain 1
1. K
2. M
3. K
4. M
5. M
Gawain 2
(Lahat ng bagay na yari sa kahoy )
Gawain 3
(Lahat ng bagay na yari sa metal)
Pangwakas na Pagsusulit
1.Tama
2.Tama
3.Tama
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10.Mali

EPP 5 – INDUSTRIAL ARTS


Quarter 4-Week-1 11
SANGGUNIAN

Deliarte, Evelyn D. et.al. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5. Quezon


City: Adriana Publishing Co. Inc.2016
Lucena,Carmen P. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5. Quezon City: The Library
Publishing House, Inc. 2016
https://www.google.com/search?gs_ssp=eJzj4tTP1TcwzjYxMjJg9GIty0xPzAMAKsgE2g&q=viga
n&rlz=
https://www.google.com/search?q=gawaing+pang+industriya&rlz=1C
https://www.google.com/search?q=mga+kagamitang+yari+sa+kahoy&tbm=isch&ved=2ahUKEw
imq_--z_TpAhUL8WEKHYDIBdAQ2-
https://www.google.com/search?q=napoleon+abueva&rlz=1CoHtP5M:
https://www.google.com/search?q=saw+3d+tool&tbm=isch&ved=2ahUKEwjGs_bCp_XpAhWHB
t4KHV-BCCQQ2-

12
EPP 5 – Induustrial Arts
Quarter 4-Week 1

You might also like