Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Name: ARTILLERO, SAMANTHA M.

Strand, Grade, & Section: STEM 11 – ZUCKERBERG


Subject: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK: DESKRIPTIBONG TEKSTO
Date: March 30, 2021

Sa Paaralan Kung Saan Marami Akong Estudyanteng Makakasama

Kamusta? Ako si Pong Bato. Isa akong bato na nakapaglakbay na sa maraming lugar!

Alam niyo ba kung paano?

Hihihihihi… Dahil sa mga sasakyan, taong lumalakad, at mga walis na dumadakot, sumisipa, at nagpapagulong-gulong sa
akin buong araw. Tunog masakit kung iyong wawariin ang aking paraan ng paglalakbay, ngunit maniwala ka sa akin na
hindi iyon totoo.

Minsan nang makarating ako sa isang kalsada, nakita ko ang daan-daan – o baka, ang milyon-milyong mga taong
naglalakad. Ang iba ay nagmamadali, pakaripas ang lakad ngunit hindi tumatakbo. Ang iba naman ay mabagal, dahan-
dahang binabagtas ang daang alam nilang hindi naman lalayas. Ang iba ay tumatalon-talon! Tila ba kay saya ng kanilang
buhay dahil sa pag-igtad ng kanilang mga binti. Ang iba ay may kapareha, hawak-kamay at nakangiti, minsan
bumubulong pa sila sa isa’t-isa ng mga salitang hindi ko man marinig, ay siguradong nakapagpapakiliti.

Sa dami ng taong dumadaan ay patuloy akong nasisipa at gumugulong-gulong. Kay layo na ng aking nakarating!

Maya-maya pa ay unti-unting nabawasan ang mga bumabagtas sa daanan. Ako’y napunta na sa tapat ng isang higanteng
parihaba! May nakadikit ditong kakaibang mga bagay at palamuti. May salamin din ito kung saan may makikitang mga
taong nakatayo, naka-upo, at naglalakad. Abot langit ang parihaba, di ko matanaw ang hangganan nito dahil sa sobrang
laki! Ngunit ang higit na pumukaw ng aking atensyon, ay ang isa ring parihaba na makikita sa loob ng salamin nito.

Gumagalaw ang litrato mula sa parihabang ito. Nagsasalita rin ito na tila ba isa rin itong taong kakausap sayo. Tumigil
ang aking paggulong sa tapat mismo ng parihaba.

Maya-maya pa ay may lumabas na tao sa parihabang ito, nakadamit siya ng napakagara at iyong tipo hindi ko pa
nakikitang suot ng mga dumadaan sa kalsada. Nagsalita siya at sinabing, “Opisyal ng naglabas ng kautusan ang ating
pangulo na magpapatupad ng simula ng community quarantine sa iba’t-ibang lugar sa ating bans. Ito ay nagbabawal na
sa paglabas ng mga tao sa kani-kanilang mga tahanan, lalo na kung walang suot na face mask.”

Bumagal ang aking mundo sa aking narinig. Bawal na daw lumabas? Ibig sabihin hindi na pupunta sa mga daanan ang
mga tao? Hindi na ako makakapaglakbay?

Tila ba nabuhusan ako ng malamig na tubig sa aking napagtanto. Dali-dali akong nagpagulong-gulong. Dapat ay
makarating ako sa isang lugar kung saan ay may marami pa ring mga taong nagtitipon-tipon. Ngunit saan? Sa sakayan ay
maraming tao ngunit lagi silang nagmamadali. Hindi sila nag-uusap at tahimik lang, laging nagtitipa sa maliliit nilang mga
gamit. Gusto kong makarinig ng mga kwento at may matutunang bago. Hindi ang sakayan ang dapat kong puntahan.

Sa kalsada ay marami ding tao, ngunit mga sigaw ng mga aleng nagtitinda at mga taong naghahanapbuhay ang musika
doon. Kung nais kong makarinig ng himig, dapat ay doon ako sa medyo mas tahimik.
Name: ARTILLERO, SAMANTHA M. Strand, Grade, & Section: STEM 11 – ZUCKERBERG
Subject: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK: DESKRIPTIBONG TEKSTO
Date: March 30, 2021

Sa palengke kaya? Ngunit, madalas nandun sila putik, ayaw nilang paharang-harang kaming mga matiitigas na bato sa
kanilang teritoryo.

Hmph! Ayos lang! Ayaw ko rin naman sa kanila!

Ngunit ibig sabihin nito ay hindi rin sa palengke ang dapat kong mapuntahan.

Saan kaya ako pwede?

Paulit-ulit-ulit akong gumulong kakaisip. Di ko na namamalayan kung saan ako nadadala ng aking paggulong. Tuloy-tuloy
ang aking pag-ikot hangang sa sumakit na ang aking ulo kakaisip at nahilo na ako kakagulong. Huminto ako sandali, at
pumikit. Sana sa pagbukas ng aking mga mata ay makita ko na ang sagot na aking hinahanap.

Bumilang ako ng tatlo.

Isa…

Dalawa…

Tatlo!

At binuksan ko ang aking mga mata. Alam ko ang lugar na ito!

Nagning-ning ang paaralang matayog na nakatindig sa aking paningin. Tama! Maraming estudyante sa paaralan. Marami
silang kwento na may kakaibang mga paksa. May mga aralin din na sinasambit sa bawat apat-na-sulok na kwartong
madaraanan.

Tama! Dito na lang ako buong pandemya! Dito sa paaralan kung saan maraming estdyante akong makakasama!

You might also like