Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MODYUL

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

KABANATA 1:
BATAYANG KAALAMAN SA WIKA

Layunin:

a.) Natutukoy ang mga kahulugan at katangian ng wika;


b.) Nahihinuha sa tunay na halimbawa ang iba’t ibang varayti ng wika;
c.) Nahihahalintulad sa tunay na sitwasyon ang mga uri ng rejister.

Ano ang wika?


- Ang Wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan.
- Tagapagdala ng mga ideya.
- Ang wika ay instrumento ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip.
- Ang wika ay masistemang balangkas
- Ang wika ay pinipili at isinasaayos
- Ang wika ay sinasalitang tunog
- Ang wika ay ginagamit
- Ang wika ay Arbitraryo
- Ang wika ay nakabatay sa kultura

Ang Wika ng Pananatili


Napakalaki ng gampanin ng wika, ito ang nagbibigay sa atin ng gabay para magpatuloy at
umunlad. Ginagamit natin ang wika para mabuhay (to live) at para makapanatili (to exist). Bilang mga
pinakanilalang ng Diyos, tayo ay may angking kakayahan na gamitin ang wika nang may damdamin,
talino at responsibilidad. Nagagamit natin ang wika upang tayo ay umunlad at makatuklas pa ng mga
bagay-bagay na makakatulong sa atin sa kasalukuyang panahon. Bilang tao, hindi tayo humihinto sa
kung ano ang meron lang, bagkos naghahanap pa tayo ng mas marami pang mga karunungan, uhaw na
uhaw tayo sa mga panibagong pagkakaabalahan na sa tingin nati’y lubos na makakatulong sa ating
kapakanan.

Ang Filipino bilang Wika ng Pagsusuri at Pananaliksik


Malaki ang patunay ang Filipino ay nagagamit na ng karamihan sa bansa. Sa katunayan, ito ang
pangunahing midyum sa halos lahat ng mga gawain ng mga Pilipino, ginagamit sa normal na usapan,
teknolohiya, agham, akademiko, midya, at marami pang ibang larangan. Malaki ang potensyal na ang
Filipino ay mas mapapayabnong pa, ayun sa datos na nakalap ng mga eksperto, nasa 92% ng mga
Pilipino ang nakauunawa sa Filipino, 88% ang nakababasa, 83% ang nakapagsasalita at 82% naman ang
nakasusulat gamit ang wikang Pambansa natin. Patunay lamang ito na tam ana pinili ang Filipino bilang
wikang Pambansa at mas nagagamit pa ito ng karamihan ng mga Pilipino.
Varayti ng Wika
Dayalek – wika na unang kinamulatan ng tao at nagagamit niya sa pang-araw-araw na pakikisalamuha
sa kanyang kapwa sa loob ng isang mas maliit na kumunidad. Ito ang wika ayun sa lugar o
pinanggalingan ng taong gumagamit nito.

Idyololek – Ito ay ang pagkakaiba ng wika batay sa personal na kakayahan ng tao na gamitin ang isang
wika, pagdadagdag sa istilo ng pagsasalita o di kaya pag-iiba sa mga paraan ng pagbigkas. Maaari ring
maapektuhan ang pagsasalita ng tao dahil sa kapansanan na meron siya simula pagkabata. Idyolek din
ang tawag kapag ginagamit natin ang wika sa pagbabahagi ng damdamin o saloobin.

Sosyolek – ito ay uri ng varayti ng wika na nabuo dahil sa mga pangangailangan ng isang partikular na
grupo o komunidad. Paggamit ito ng wika sa loob ng iba’t ibang grupo sa lipunan.

Rejister – ito ay tumutukoy sa iba’t ibang antas ng paggamit ng wika na tumutugon ayon sa sitwasyon,
larangan o konteksto.

Mga Uri ng Rejister


Nananatiling Rejister (Frozen Register) - Taglay ng mananalita sa wikang ito ang pagmamalaki,
mataas na respeto, at pag-aangkop ng sarili. Makikita ito sa mga Saligang Batas, Himno, Bibliya,
pagsulat ng kasaysayan at marami pang iba.
Akademikong Rejister - Rejister ng wika na ginagamit sa paaralan, pananaliksik, at paggamit ng
mga bokabolaryo sa mga piling partikular na disiplina o larangan. Pormal ang ganitong rejister.
Konsultatibong Rejister - Paggamit ito ng wika sa pagsangguni, pagpapayo, at pagbibigay ng
abiso. Ginagamit ng mga abogado, doctor, guro, pari, at iba pang mga eksperto sa pagbibigay ng payo,
sangguni at abiso. Pormal ang ganitong rejister.
Karaniwang Rejister - Gamit ito sa mga kaswal o mga hindi pormal na usapan na maaaring
usapan sa kakilala o hindi kakilala.
Intimasiyang Rejister - Isang halimbawa nito ang wikang ginagamit sa pag-uusap ng
naglalambingang magkasuyo o magkasintahan.

Ang Rejister sa Iba’t Ibang Larangan o Sitwasyon


Pagkakaiba ng Pagpapahayag
Pagpapahiwatig na mainit
1. Bukasan mo ang bentilador.
2. Pahingi ng pamaypay.
3. Walang kahangin-hangin.
4. Ang init!

Ayon sa Larangan o Pagkakataon


Pagpapahiwatig na natalo niya ang kalaban
Karaniwan: Bokya ang iskor ng kalaban.
Akademik: Zero ang iskor ng kalaban.
Propesyunal: Ipinanalo niya ang set sa iskor na fifteen-love.
Mga termino sa iba’t ibang larangan

Teknolohiya Agrikultura Relihiyon


Heat Sink Fertilizer Bibliya
A.I. Seedlings Bagong Tipan
Software Pesticides Simbahan
Sensor Germination Propeta
Magnet Marcotting Kuran
Drill (Barena) Crossbreeding Budha

Midya/ Sosyal Midya Medisina Edukasyon


Peysbuk Laxatives Lesson Plan
Headlines Drugs With Honor
Trend Penicillin Dean’s List
Post Bitamina TOR
Teleserye Bakuna Semestre
Viral Virus Exam

You might also like