Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Lungsod ng San Jose
Lungsod ng San Jose

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT FILIPINO 6

Pangalan: ______________________________________ Score: _______________


Grade & Section: __________________________ Petsa:_________________

I. Pakikinig
Pakinggan ang kwentong babasahin ng guro at sagutin ang mga tanong ukol dito.
Itiman ang bilog ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pamagat ng kwento?
a. Ang Manok at ang Uwak b. Ang Tandang at ang Uwak
c. Ang Uwang at ang Uwak d. Ang Uwak at ang Inahin
2. Ano ang ipinahiram ni manok kay uwak?
a. bandana b. singsing c. kuwintas d. relo
3. Sino ang nagalit kay inahin habang suot niya ang singsing?
a. tandang b. uwak c. sisiw d. inakay
4. Si tandang ay ________ pagkakita sa suot na singsing ni inahin.
a. nagalit b. natuwa c. nalungkot d. nainis
5. Bakit nagalit si uwak kay inahing manok?
a. Dahil ipinahiram niya ang singsing kay tandang
b. Dahil pinalitan niya ang singsing ng relo
c. Dahil hindi niya suot ang singsing ni uwak
d. Dahil nakita niyang suot ni tandang
6. Ano ang nahalata ni uwak sa pagsisinungaling ni inahing manok?
a. hindi nakatingin sa mata si inahin kay uwak b. nanginginig si inahing manok
c. nakangiti habang kinakausap ito d. may ginagawa habang kinakausap ito
7. Anong katangian mayroon si uwak?
a. mapaghiganti b. masiyahin c. magiliw d. mabait
8. “Hanggang hindi mo naisasauli ang singsing ko kukuha ako ng makikita kong sisiw mo at ililipad ko sa
malayo.” Siya ay__________.
a. nagagalak b. natutuwa c. nagagalit d. naiiyak
9. Bakit mahigpit ang tawag ng inahin sa mga sisiw at tinatalukbungan agad ng mga pakpak?
a. baka dagitin ito ng uwak b. baka kainin ito ng uwak
c. baka lunurin ito ng uwak d. baka ligawan ito ng uwak
10. Anong aral ang makukuha sa kwento?
a. pagiging matapat na kaibigan b. masunurin sa kaibigan
c. pagiging magiliw sa kaibigan d. pagiging mapagbigay sa kaibigan
III. Ibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita.
11. Pakikibaka para sa karapatan
a. pakikipagkaibigan b. pakikipaglaban c. pakikipagtalakayan d. pagtatanungan
12. Pagpupugay sa madla
a. gumagalang b. nagpapaalam c. bumabati d. sumusulat
13. Pundasyon ng samahan
a. batayan b. tungkulin c. kasapi d. karapatan
14. Mapaparam sa isipan ang masasamang pangitain
a. matutulog b. makukuha c. malalaman d. mawawala
15. Pangungulimbat saan mang dako
a. paghuhulog b. pagnanakaw c. pag-aaral d. pagtatanim
16. madilim: maliwanag; marunong: _______
a. mangmang b. mahusay c. naiiba d. maayos
17. balintataw: imahinasyon; kudil: _______
a. balat b. kutsyara’t tinidor c. bahagi ng katawan d. bahagi ng kaisipan
18. Malamig at presko ang tubig mula sa tapayan, para na ring may yelo kapag iniinom.
a. banga na nilalagyan ng tubig b. dram c. batya d. timba
19. Sa kabisayaan, tanging kababaihan lamang ang nagsusuot ng pomaras bilang palamuti sa katawan.
a. alahas na hugis rosas b. hikaw c. relo d. singsing
20. Malawak ang korapsyong nagaganap sa ating bansa.
a. pagnanakaw saa bayan b. pagpapalago sa kabuhayan
c. pang-aabuso d. pagpapaunlad
IV. Piliin ang angkop na pang-uri at pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap.
21. Ang kanilang mga anak ang itinuturing na _____ sa mga naninirahan doon.
a. Masisipag b. masipag-sipag c. higit na masisipag d.pinakamasipag
22. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 30 porsyento ang ibinaba ng antas ng reserbang tubig sa bansa.
Bunga nito, _____ ding bumaba ang suplay ng tubig sa mga kabahayan.
a. malaki b.mataas c. marami d. mabilis
23. Ating matatandaan ang Pangulong Corazon Aquino ang may _______ na pagpapasyang baguhin ang
takbo ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng “People Power Revolution.”
a. Matatag b.mas matatag c.matatag-tatag d.pinakamatatag
24. Ayon sa panitikan, si Maria Clara ang tinaguriang _______ na dalaga dahil simbolo siya ng
kababaihang Pilipina.
a. Pinakamahinhin b.Mahinhin-hinhin c.Mas mahinhin d.Higit na mahinhin
25. Ang Tulay ng SanJuanico na nagdurugtong sa Samar at Leyte ay ______ sa buong Asya.
a. Mahaba b. higit na mahaba c.mahaba-haba d.pinakamahaba
26. Marami nang kababayang dumating at umalis sa bansang Dubai kung saan nagtatrabaho si Mang
Jose. Siya ang _______ sa kanila na nagtrabaho doon.
a. Matagal b.pinakamatagal c.matagal-tagal d.higit na matagal
27. May ilang naniniwala rin na _______ sa street-dancing ang mga taga-Iloilo sa buong Kabisayaan.
a. ubod ng husay b. mas kahali-halina
c. sobrang maindayog d. totoong malikhain
28. Kung noong dekada ’90 ang halaga ng langis ay kaya pang tapatan ang halaga ng ating piso, ngayon
ay hindi na dahil sa _______ taas nito.
a. lalo na b. higit na c. sadyang d. sobrang
29. Kung noong mga taong 1970 ay makakayang suplayan ng 9,600 mtro kubikong tubig ang mga
kabahayan, ngayon ay _____ mababa ito at nasa 3,300 metro kubiko na lamang.
a. lalong b. lubhang c. higit na d. mas na
30. Sa kasalukuyan, masasabing nasa kritikal na kondisyon ang presyo ng langis. Bunga nito, _______
ang halaga ng lahat ng mga bilihin.
a. biglang humina b.talagang tumaas c.lalong tumumal d. lubhang humusay
31. Masaya silang namamasyal nang may _______ umagaw sa kanyang shoulder bag.
a. Agad b. biglang c. nag-aapurang d.nagmamadaling
32. Paglusong mo sa tubig iyong madarama ang _________ ng alon sa iyong buong katawan.
a. banayad na hampas b. mabilis na agos
c. rumaragasang takbo d. mariing daloy
33. Ipinagmamalaki naman ng mga taga-Baguio ang Panagbenga __________ na ipinaparada ang iba’t
ibang uri ng mga bulaklak.
a. kung umiikot b. sana maagap
c. habang buong gilas d.kapag nakalibot habang idinaraos
34. Sila ay ________ na sana ay laging nasa mabuting kalagayan ang kani-kanilang pamilya.
a. mataimtim na nananalangin b. tiklop-tuhod na umaasa
c. madalas na magdasal d. laging naiisip
35. Nagkaroon siya ng sariling bahay at napagtapos ng pag-aaral ang mga anak, kaya naman kaagad
______ ang mga ito.
a. Nagtrabaho b. nagsitrabaho c. magsitrabaho d. nakapagtrabaho
36. Ang mga mangga ay ______ nang malakas ng hangin.
a. Ilaglag b. ilalaglag c. mailaglag d. nailaglag
37. Sayang, _______ pa naman ako ng kalahati ng halaga kung naibenta ang mga manga.
a. Bigyan b. bibigyan c. binigyan d. binibigyan
38. Isa pang pangunahing dahilang _________ ng mga eksperto ay ang unti-unting pagkasira ng ating mga
yamang-tubig tulad ng mga lawa at ilog
a. Ibinigay b. Ibinibigay c. binibigyan d. binigyan
39. Maagang ______ si Gng. Asis nang araw na iyon upang maghanda para sa kaarawan ng dalawang
anak.
a. Gigising b. gigisingin c. gumising d. gumigising
40. Ang pagtingin naman sa leybel ng de lata o gamot ay _______ sa pagtiyak sa nilalaman nito bago
bilhin.
a. tumutulong b. makatutulong c. tinutulungand. nagpapatulong
V.Gamitan ng angkop na pandiwa ang sumusunod na pangungusap.
41. Marami tayong ___ (natuto) sa pagbabasa na magagamit natin sa pang-araw-araw na buhay.
a. natutunan b. matutunan c. natututo d. natutuhan
42. Ang ating pamahalaan ay _________( ugnayan) na kamakalawa sa bansang Amerika upang tayo ay
makabangon sa ating ekonomiya.
a. makikipag-ugnayan b. nakikipag-ugnayan c. nakipag-ugnayan d. makipag-ugnayan
43. Para namang _________ (ayon) sa kanya ang suwerte at biniyayaan pa siya ng supling na babae.
a. sumasang-ayon b. sasang-ayon c. sumang-ayon d. aayon
44. Sa nakaraang laban ni Donaire, ang kahusayan niya sa boksing ay ________ ( hangaan) ng
sambayanang Pilipino.
a. hinangaan b. hahangaan c. hinahangaan d. hanga
45. Ang “People Power Revolution” ang naging sandigan ng bagong pamamalakad ng pamahalaan na
__________(sulong) rin ng Pang. Noynoy nang siya na nahalal.
a. isinusulong b. sususulong c. sumulong d. isinulong
46. Si Maria Makiling ay kinilala ng ating lipunan sa gayong taguri at ________(bigay) inspirasyon sa
maraming kababaihan noon.
a. nagbigay b. nagbibigay c. magbibigay d. bigayan
47. Dahil isang kawili-wiling pagdiriwang ng Peñafrancia, maraming turista ang ________ (balikan) nitong
nakaraang taon.
a. bumalik b. babalik c. bumabalik d. babalikan
VI. Tukuyin kung anong sanggunian ang dapat gamitin sa pagkuha ng impormasyon. Piliin ang
tamang sagot.
48. Wastong bigkas at baybay ng salita
a. diksyunaryo b. ensayklopedya c. atlas d. pahayagan
49. Mga makabagong teknolohiya
a. diksyunaryo b. ensayklopedya c. atlas d. pahayagan
50. Balita tungkol sa nangyayari sa Pilipinas
a. diksyunaryo b. ensayklopedya c. atlas d. pahayagan

Prepared by:

ELOISA M. BINUYA
Adviser

___________________________________________
Parent’s/ Guardian’s Signature over Printed Name
PAKIKINIG
ANG MANOK AT ANG UWAK
Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang uwak. Madalas dumalaw ang uwak
kay inahin at makipaglaro sa mga sisiw nito.
Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may magarang singsing ang ibon.
“Uy, pahiram naman ng singsing mo. Ang ganda ganda”, sabi niya sa uwak.
“Sige, iiwan ko muna ito sa iyo. Bukas ko na lang kukunin uli,” sagot ng uwak na mabilis
lumipad.
Naglalakad ang inahin at tuwang-tuwa na ipanakikita sa ibang mga hayop ang singsing
niya nang lumapit ang isang tandang. “Bakit mo suot iyang ‘di sa iyo? Iyang uwak ay hindi manok
na tulad natin, kaya hindi ka dapat makipagkaibigan diyan. Itapon mo ang singsing!”.
Sa kapipilit ng tandang, itinapon ng inahin ang singsing. Kinabukasan, napansin agad ng
uwak na ‘di niya suot ito. “Nasaan ang singsing ko?”, tanong ng ibon.
“Ewan ko,” takot na sagot ni manok. “Naglalakad lang ako ay bigla na lang nawala sa mga
kuko ko. Lumuwag kasi.”
Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok dahil nanginginig ito. “Alam ko, itinapon
mo siguro dahil ayaw mo na sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo ulit sa akin. Hanggat hindi mo
naisasauli ang singsing, kukuha ako ng makikita kong sisiw mo at ililipad ko sa malayo.”
Buhat na nga noon, tuloy tuloy ang pagkutkot ng manok sa lupa para hanapin ang
itinapong singsing. Pati ang mga ibang mga manok, sa pakikisama sa kanya ay naghahanap din.
Kapag may lumilipad na uwak sa itaas mahigpit ang tawag ng inahin sa mga sisiw at
tinatalukbungan agad ng mga pakpak dahil baka danggitin ng uwak.
FILIPINO 6
Mga Sagot

1A 26 B
2B 27 A
3B 28 D
4A 29 C
5C 30 B
6B 31 B
7A 32 A
8C 33 C
9A 34 A
10 A 35 D
11 B 36 D
12 A 37 B
13 A 38 A
14 D 39 C
15 B 40 B
16 A 41 B
17 A 42 C
18 A 43 C
19 A 44 A
20 A 45 D
21 A 46 A
22 D 47 A
23 D 48 A
24 A 49 B
25 D 50 D

You might also like