Week 4 Nilalaman

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Alam mo ba na ang panukalang proyekto o “Project Proposal” sa

Ingles ay madalas gawin ng ng isang organisayon, kumpanya,


pamayanan o institusyon. Ito ay isinasagawa upang lalong
maging mahusay at nadedebelop ang pamamalakad ng isang
samahan.

Pagbati para sa iyo! Mahusay ang iyong sagot sa katanungan na nasa itaas. Iyan ay
may kaugnayan sa ating aralin sa linggong ito. Palagay ko ay handa na kayo para sa ating
paksa. Simulan na natin ang talakayan.

KAHULUGAN NG PANUKALANG PROYEKTO


 Ayon kay Nebiu (2002), ang
panukalang proyekto ay
detalyadong deskripsyon ng isang
serye ng mga aktibidad na
naglalayong maresolba ang isang
tiyak na problema. Ang mga
panukalang proyekto ay
isinasagawa upang mabigyang
solusyon ang mga isyu o
problemang kinakaharap ng mga
tao sa isang lipunan.

 Ibig sabihin dito makikita ang mga aktibidad at kung paano ito isasagawa. kinakikitaan
din ito ng detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto, panahon
sa pagsasagawa ng proyekto at kakailanganing resorses.

MGA URI NG PANUKALANG PROYEKTO


Mayroong apat na uri ng panukalang proyekto na tatalakayin sa modyul na ito. Narito
ang mga sumusunod:

A. INTERNAL NA PANUKALANG PROYEKTO


Ito ang uri ng panukalang proyekto na kung saan inihahain ito sa loob ng kinabibilangan
na organisasyon. Ibig sabihin, ito ang uri ng panukalang proyekto na kung saan ipinanukala ito
para sa kapakinabangan ng mga taong kabilang lamang sa organisasyong kinabibilangan ng
nagpanukala.

B. EXTERNAL NA PANUKALANG PROYEKTO


Ito naman ang uri ng panukalang proyekto na kung saan ang panukala ay inihahain para
sa organisasyong di-kinabibilangan ng proponent. Ibig sabihin, isinagawa ang panukalang
proyekto na ito para sa kapakinabangan naman ng ibang organisasyon.

C. SOLICITED NA PANUKALANG PROYEKTO


Ito ang uri ng panukalang proyekto na isinagawa dahil may nabatid ang isang
organisasyon sa kanilang pangangailangan. Ipinapanukala ang proyekto sapagkat kailangang-
kailangan ito ng isang organisasyon. Lubos na mahalaga ang proyekto para sa mga taong
naroon sa organisasyong iyon kaya nila ipinanukala ang proyekto.

D. UNSOLICITED NA PANUKALANG PROYEKTO


Ito naman ang uri ng panukalang proyekto na isinagawa lamang sapagkat biglang naisip
ng isang proponent ng organisasyon na gusto nila ito. Kung gayon, ang kanilang ipinapanukala
ay hindi ganoon kahalaga gaya ng sa Solicited na panukalang proyekto.
Ang mga susunod naman na uri ng panukalang proyekto ay nakabatay sa haba.
E. MAIKLING PANUKALANG PROYEKTO
Tinawag itong maikling panukalang proyekto sapagkat madalas ito ay binubuo lamang
ng 2 hanggang 10 pahina. Ang ganitong uri ng panukalang proyekto ay madalas na nakasulat
lamang sa paraang paliham at ang nilalaman nito ay hindi gaanong elaborated.

F. MAHABANG PANUKALANG PROYEKTO


Tinawag naman itong mahabang panukalang proyekto dahil di tulad ng maikling
panukalang proyekto, ang bilang ng pahina ng ganito uri ng panukala ay higit sa 10 pahina. Sa
ganitong uri ng panukala, mayroong sinusunod na structured format ang manunulat di tulad ng
sa maikli na nasa anyong liham lang. Sa ganitong uri din ng panukalang proyekto, ang mga
nilalaman ay higit na elaborated kaysa maikling panukalang proyekto.
MGA TAGUBILIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

Bago magsulat ng Panukalang proyekto, narito ang mga tagubilin


na dapat isaalang alang upang maging matagumpay ang gagawing
proyekto.
1. Magplano nang maagap.
Kung maagap ang pagpaplano, binibigyang pagkakataon ng
nagsasagawa nito na makausap ang mga stakeholder, matalakay
ang kanilang pangangailangan, at masuri ang panukalang proyekto
nang may sapat na oras.
2. Gawin ang pagpaplano nang pangkatan.
“Two heads are better than one” ika nga nila, kung ito ay pangkatan mas mainam kung
bigyan ng tungkulin ang bawat isa upang maging kolaboratibo ang paghahanda. Mabibigyan din
nito ang bawat isa ng pagkakataong maging aktibo sa pakikilahok sa bawat gawain sa proseso
ng pagpaplano at pagsulat ng panukalang proyekto.

3. Maging realistiko sa gagawing panukala.


Sa pagsulat ng panukalang proyekto kailangang isaalang-alang ang mga bagay katulad
ng oras o panahon pati na rin ang resourses. Kinakailangang maging makatotohanan at kayang
gawin ang proyekto sa nakalaang panahon upang makamit ang inaasahang produkto na
nakasaad sa plano.

4. Matuto bilang isang organisasyon.


Ayon nga sa linya ng isang kanta, “Together we stand, devided we fall”. Bilang isang
organisasyon, kinakailangang magtulungan. Kung may mga problema ay kailangan solusyonan
bilang isang grupo. Kinakailangang makinig sa bawat mungkahi at opinyon ng bawat miyembro
upang maging maganda at mas matagumpay ang kahihinatnan ng panukalang proyekto.

5. Maging makatotohanan at tiyak


Kailangang maging tiyak sa mga ipinapanukala. Ibig sabihin ang bawat detalye ay
masusing inaral upang maiwasan ang mga problema. Maliban sa pagiging tiyak, kailangan ding
maging makatotohanan at wasto ang mga impormasyon na nakalahad upang maging
matagumpay ang proyekto.

6. Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon.


Makabubuti sa isang proposal na naisulat ito sa isang wikang pangkaraniwan at
naiintindihan ng lahat. Huwag gumamit ng mga salita na hindi maiintindihan ng iba. Gumamit ng
mga salita na maiintindihan at alam ng lahat.

7. Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin


Makakabuting ang format na napili ay yaong malinaw at madaling basahin.
Makatutulong ang pagkakaroon ng maayos na pormat sa panukala upang magkaroon ng
maayos na organisasyon ang nilalaman ng inyong panukala.

8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad.


Nagkakaroon ng kooperasyon ang komunidad kung mayroong tuwirang pagsasangkot
sa kanila. Maari rin ninyong hingiin ang saloobin ng ibang tao ukol sa proyektong inyong
ipinapanukala upang malaman kung paano pa ninyo pagbubutihin ang inyong isinusulat na
panukalang proyekto.

PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ELEMENTO NITO

Sa paggawa ng panukalang proyekto, kailangang alamin ang mga elemento nito.

1. Titulo ng Proyekto
Ang pagkakaroon ng pahina para sa titulo o pamagat ng panukala ay lubos na kailangan
kung ang proposal ang mas mahaba sa tatlong pahina. Sa pahinang ito makikita ang titulo ng
proyekto, pangalan ng nagpanukalang organisasyon at ahensya na pinaglalaanan ng panukala.
Sa paggawa ng pahinang ito, kailangan maging maiksi lamang at tuwiran.
2. Talaan ng Nilalaman
Sa Ingles, ito ang tinatawag nating “Table of Contents”. Ang talaan ng nilalaman ay
idadagdag lamang kung ang proposal ay aabot ng 10 o higit pang pahina. Dito makikita ang
titulo ng bawat seksyon at ang panimulang pahina ng mga ito.
3. Abstrak
Ito ay makikita sa unahang bahagi ngunit ito ang huling bahagi na ginagawa ng
manunulat ng panukalang proyekto. Ito ay kakitaan ng pagtalakay sa problem o suliranin,
layunin ng panukala, organisasyong nagpanukala, aktibidad ng proyekto at maging ang
kabuuang badyet para sa panukala.
4. Konteksto
Ang bahaging ito ay naglalaman ng sanligang sosyal, ekonomiko, politikal at kultural ng
panukalang proyekto. Naglalaman ito ng mga kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na
naitala mula sa pagpaplano sa proyekto, o ng mga datos na nakalap mula sa iba’t ibang mga
sors/sanggunian
5. Katwiran ng Proyekto
Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Sa bahaging ito ipinaliliwanag nang husto ang mga
mahahalagang impormasyon sa panukalang proyekto. kabilang dito ang sumusunod:
a. Pagpapahayag ng Suliranin – Inilalahad sa bahaging ito ang problemang nais
bigyang solusyon ng panukalang proyekto.
b. Prayoridad na pangangailangan – Pinagtutunan ng bahaging ito ang
pagpapaliwanag sa pangangailangan ng mga target na makikinabang dahil sa
pagkakaroon ng suliranin.
c. Interbensyon – Inilalarawan sa bahaging ito ang estratehiyang napili kung
paano sosolusyunan ng mga nagpanukala ang problemang nakikita.
d. Mag-iimplementang organisasyon – Dito ilalarawan ang kapabilidad ng
nagpapanukalang organisasyon upang tugunan ang suliranin inilahad.
6. Layunin
Ito ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng panukalang proyekto sapagkat ito ang
basehan at dito iikot ang isasagawang panukalang proyekto. Sa bahaging ito mailalahad ang
mga dahilan at layunin kung bakit isasagawa ng panukalang proyekto.

7. Target na Benepisyaryo
Sa bahaging ito ilalahad kung sino-sino ang mga maaapektuhan sa gagawing
panukalang proyekto. Mailalahad din dito kung ano ang magandang maidudulot ng proyekto sa
kanila.

8. Implementasyon ng Proyekto

Sa bahaging ito naman makikita ang mga sumusunod na mahahalagang


impormasyon:

a. Iskedyul
Dito ipinapakita ang mga plinanong aktibidad na isasagawa sa
panukalang proyekto. Sa madaling salita, nakalahad dito ang mga
ispesipikong panahon kung kailan isasagawa ang mga aktibidad para sa
panukalang proyekto.

b. Badyet
Sa bahaging ito malalamat ang nakalaang budget o gagastusin sa bawat
materyales o kakailanganin sa gagawing panukalang proyekto kaya
naman kailangang maging detalyado sa paglalahad ng budyet nito.

c. Alokasyon
Dito naman makikita ang pagkakahati-hati ng badyet. Makikita dito ang
pagpapaliwanag kung saan mapupunta ang mga halagang gagamitin sa
pagsasagawa ng panukalang proyekto.

d. Pagmonitor at ebalwasyon
Sa bahaging ito makikita ang mga nakaatas na gawain sa bawat araw ng
pagsasagawa mismo ng panukala. Kinakailangang maging maayos at
organisado upang mabilis ang pagunlad ng panukalang proyekto na
ipapatupad. Ang ebalwasyon naman ay ginagamit upang ilarawan ang
proseso ng pagbibigay husga sa bilang, halaga, o konklusyon ng isang
bagay base sa mga nagawang obserbasyon o pag aaral. Sa pamamagitan
ng ebalwasyon, nalalaman natin ang kalidad o halaga ng isang bagay.
Ebalwasyon din ang paraan upang malaman kung kailangan ng pag
babago o pagpapaganda ng isang bagay.

e. Pangasiwaan at tauhan
Ang bahaging ito ay naglalaman naman ito ng maikling deskripsiyon ng
bawat miyembro ng grupo upang malaman ang kanilang gampanin o
tungkuling nakaatas sa bawat isa sa paggawa ng proyekto.

f. Mga kalakip
Ang bahaging ito makikita ang mga karagdagang dokumento o sulatin na
kakailanganin upang lalong mapagtibay ang panukalang proyekto gaya ng
mga permit at iba pa.
Ang salitang agenda ay nagmula sa salitang Latin na agere na
nangangahulugang gagawin. Ang pandiwa ring anyo ng agree ay
agendum na mas malapit ang baybayin sa salitang agenda.

KAHULUGAN NG AGENDA

● Ito ay isang dokumento na naglalaman ng


listahan ng mga pag-uusapan at dapat talakayin
sa isang pagpupulong.
● Sa madaling salita, listahan lamang ito ng mga
paksa na pag-uusapan at bibigyang pokus sa
isang pagpupulong.
● Nakatutulong ang pagkakaroon ng Agenda sa
pagpupulong sapagkat sa pamamagitan nito,
higit na nagiging organisado ang daloy ng isang
pagpupulong at naiiwasan din ang pagkasayang
ng oras ng mga taong dumalo sa isang
pagpupulong.

MGA KONSIDERASYON SA PAGDISENYO NG AGENDA (SWARTZ, 2015)

Sa pagdidisenyo ng isang agenda, mayroon limang bagay na kailangang ikonsidera upang mas
maging epektibo ang gagawing pulong. Sa pamamagitan nito, nagiging maganda ang daloy ng
usapan sa pulong ng isang organisasyon. Ito ay ang mga sumusunod.

1. Saloobin ng mga kasamahan


Sa paghahanda o pagdidisenyo ng iyong agenda, mahalagang alamin mo ang
saloobin ng iyong mga kasamahan upang matalakay ang nais nilang talakayin sa
pagpupulong. Sa ganitong paraan, makatutulong ito upang mas maging aktibo ang mga
kalahok at maisaalang-alang din ang kanilang mga hinaing at pangangailangan na
maaaring hindi nabibigyang-pansin ng tagapamahala o namumuno sa grupo o
organisasyon.
2. Paksang mahalaga sa buong grupo
Kung ikaw man ay gagawa ng agenda, siguraduhing ang paksang isasama ay
mahalaga para sa lahat ng kasapi ng organisasyon upang masiguro na aktibong
makikilahok ang bawat miyembro dahil sila ay nakuugnay sa paksa.

3. Estrukturang patanong ng mga paksa


Hindi natin madalas makita na ang agenda ay nasa anyong patanong, kadalasan
ito ay makikita sa anyong ekspositori. Ngunit higit na mas mainam kung ito ay nasa
anyong patanong dahil humihikayat ito ng partisipant na aktibong makilahok at sumagot
sa pagpupulong. Sa ganitong paraan, malilikom ang ideya at opinyon ng bawat isa ukol
sa paksa ng pagpupulong.

4. Layunin ng bawat paksa


Ito ang magsisilbing gabay o direksyon sa pagbuo ng isang usapin o paksa.
Dapat mas maging malinaw sa mga kalahok ang mga layunin nito. Dapat maging
malinaw kung layunin nito ang pagbabahagi ng impormasyon, pagkuha ng panukala
para sa gagawaing desisyon o pagdedesisyon.

5. Oras na ilalaan sa bawat paksa


Mahalagang pagtuunan ito ng pansin dahil kadalasang may itinatalagang oras ng
pagsasagawa ng pulong. Mahalagang maplano nang mabuti ang ilalaang oras sa bawat
paksa. Tandaan na sa pagtalakay ng paksa, kasama na rito ang paglalahad sa paksa,
pagsagot sa mga katanungan, pagresolba sa magkakaibang pananaw ng mga kalahok,
pagbuo ng resolusyon at pagsang-ayon sa mga desisyon.

6. Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para sa pagpupulong.


Kailangang maisama sa agenda ang mga tiyak na impormasyon tulad ng kung
sino ang magtatalakay sa una, sa ikalawa at sa iba pa. Magiging gabay ito ng mga
tagapagsalita o tagapagbahagi ng paksa.

MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG AGENDA

Isa sa pinakamahalagang tuntunin sa paggawa ng agenda ay ang tamang pagsunod sa mga


hakbang nito upang lalong maging komprehensibo ang paksang matatalakay sa pagpupulong.
Narito ang ilang mga hakbang sa pagsasagawa ng Agenda.

1. Alamin ang layunin ng pagpupulong.


Sikaping linawing mabuti ang layunin sa pagsasagawa ng agenda
para sa pagpupulong. Magagawa ang isang akmang agenda kung
malinaw sa gumagawa nito ang layunin ng pulong na gagawin.
2. Isulat ang agenda tatlo o higit pang araw bago ang pulong.
Mahalaga na ang agenda ay naisulat nang maaga bago ang itinakdang pulong. Isa itong
mahalagang bagay nang sa gayon ay makita, makilatis, maiwasto ng tagapamahala ang
nilalaman ng agenda napag-uusapan sa pulong.
3. Simulan sa mga simpleng detalye.
Bago pa man itala ang mga paksang tatalakayin sa agenda, mahalagang ilahad muna ang
mga simpleng impormasyon tulad ng oras, petsa, lugar at mga inaasahang kalahok na dadalo
sa pulong.
4. Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa
agenda.
Lagi nating itatak sa ating isip na kung naglagay tayo ng maraming paksa para sa
pagpupulong, maaari itong makapagdulot ng information overload sa mga lumahok.
Sa ganitong mga pagkakataon, maaari namang magpatawag ng panibagong pulong kung
kinakailangan upang mas matalakay pa ang ilan sa mga paksa at magkaroon ito ng kalinawan.
5. Ilagay ang nakalaang oras sa bawat paksa.
Nakatutulong ang paglalagay ng nakalaang oras para sa bawat paksa upang magabayan
ang mga kalahok sa ilalaan o guguguling oras para talakayin ang isang paksa o isyu. Sa
pamamagitan nito, maaaring maiwasan ang labis na pagtatagal sa pagtalakay sa mga paksa sa
agenda.
6. Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para sa pagpupulong.
Kailangang maisama sa agenda ang mga tiuak na impormasyon tulad ng kung sino ang
magtatalakay sa una, sa ikalawa at sa iba pa. Magiging gabay ito ng mga tagapagsalita o
tagapagbahagi ng paksa.

You might also like