Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kabanata 13: Laki sa Layaw

Naibahagi rin ni Florante sa gerero na lumaki siya sa galak at binibigay ang lahat ng
naisin ngunit ngayon niya napagtanto na hindi dapat palakihin sa layaw ang bata,
sapagkat sa mundong ito ay higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa
ginhawa ay maramdamin at hindi makatatagal sa hirap ng buhay. Alam ito ni Duke
Briseo kaya tiniis ng kaniyang ama ang luha ng kaniyang ina. Masakit man sa loob
na mawalay sa anak, ipinadala siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.

Kabanata 14: Nahubdan ng Balatkayo


Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala siya ng ama sa Atenas upang
doon mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito
ay ang kababayang si Adolfo, anak ng marangal na si Konde Sileno. Bukambibig
ang pangalan ni Adolfo sa Atenas dahil sa kaniyang angking talino. Ngunit hindi
naglaon ay naungusan siya ni Florante bagamat bago lamang sa Atenas. Higit na
bata rin si Florante ng dalawang taon kay Adolfo. Anim na taon sa Atenas si
Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at
matematika. Naging mas tanyag si Florante sa Atenas dahil sa kaniyang talino. Ang
dating papuring inilalaan kay Adolfo ay nabaling na kay Florante. Dito nakilala ang
totoong pagkatao ni Adolfo na sa una pa lang ay nadama na ni Florante na
pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo.

Kabanata 15: Si Adolfo


Malungkot man dahil malayo si Florante sa kaniyang mga magulang, nanguna pa rin
siya sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong
Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang
ginampanan nila kapwa ni Florante, pinagtangkaan niyang patayin ang huli. Salamat
at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si
Adolfo.

Kabanata 16: Trahedya sa Buhay ni Florante


Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. Isang araw,
tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang
kaniyang ina. Nawalan ng malay si Florante dahil sa tindi ng kalungkutan. Hindi
nakabawas sa kaniyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga
kamag-aral.

You might also like