Jose P. Laurel - Wikipedia, Ang Malayang Ensiklopedya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Jose P.

Laurel
Ika-3 Pangulo ng Pilipinas

Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 – Nobyembre 6, 1959) ay Pilipinong politiko,
abogado, at hukom na itinatagurian bilang ikatlong pangulo ng Pilipinas. Pinamahalaan niya ang
ikalawang republika ng bansa, isang estadong papet ng Imperyong Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, mula 1943 hanggang 1945.
His Excellency, The Honorable
Jose P. Laurel
CCLH, KGCR

Si Laurel noong 1943 sa kanyang bisita sa


Tokyo, Hapon, para sa Mas Malawak na
Kumperensya ng Silangang Asya.

Ika-3 Pangulo ng Pilipinas

Nasa puwesto
Naglingkod kasabay sina Manuel L. Quezon
(1943-1944) at Sergio Osmeña (1944–1945)
14 Oktubre 1943 – 1 Agosto 1944
Punong Ministro Jorge B. Vargas

Pangalawang Benigno Aquino Sr.


Pangulo (1944–1945)
Ramon Avanceña
(1943–1944)

Nakaraang sinundan Manuel L. Quezon[a]

Sinundan ni Sergio Osmeña[b]

Minister of the Interior

Nasa puwesto
December 4, 1942 – October 14, 1943

Presiding Officer, PEC Jorge B. Vargas

Nakaraang sinundan Benigno Aquino Sr.

Commissioner of Justice

Nasa puwesto
December 24, 1941 – December 2, 1942
Presiding Officer, PEC Jorge B. Vargas

Nakaraang sinundan Teófilo Sison

Sinundan ni Teófilo Sison

Senator of the Philippines

Nasa puwesto
December 30, 1951 – December 30, 1957

Konstityuwensya At-large

Nasa puwesto
1925–1931
Nagsisilbi kasama ni Manuel L. Quezon

Nakaraang sinundan Antero Soriano

Sinundan ni Claro M. Recto

Konstityuwensya 5th district


34th Associate Justice of the Philippine
Supreme Court

Nasa puwesto
February 29, 1936 – February 5, 1942

Appointed by Manuel L. Quezon

Nakaraang sinundan George Malcolm

Sinundan ni Court reorganized

Senate Majority Leader

Nasa puwesto
1928–1931

Senate President Manuel L. Quezon

Nakaraang sinundan Francisco Enage

Sinundan ni Benigno S. Aquino

Secretary of the Interior


Nasa puwesto
February 9, 1923 – July 17, 1923

Nakaraang sinundan Teodoro M. Kalaw

Sinundan ni Felipe Agoncillo

Undersecretary of the Interior

Nasa puwesto
May 22, 1922 – February 9, 1923

Pansariling detalye

Ipinanganak José Paciano Laurel y


García
9 Marso 1891
Tanauan, Batangas,
Captaincy General of
the Philippines
Namatay 6 Nobyembre 1959
(edad 68)
Manila, Philippines

Himlayan Tanauan, Batangas,


Philippines

Partidong Nacionalista
pampolitika

Ibang ugnayang KALIBAPI (1942–


pampolitika 1945)

Asawa Pacencia Hidalgo


(k. 1911)

Anak José B. Laurel Jr.


José S. Laurel III
Natividad Laurel-
Guinto
Sotero Laurel II
Mariano Laurel
Rosenda Laurel-
Avanceña
Potenciana Laurel-
Yupangco
Salvador Laurel
Arsenio Laurel

Alma mater University of the


Philippines Manila
(LL.B)
University of Santo
Tomas (LL.M)
Yale University (S.J.D)

Pirma

Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong 9 Marso 1891 anak nina Sotera Laurel at Jacob
Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915.
Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate
Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang
sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni
Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang
Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan
ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni
Pangulong Roxas noong 1948. Noong 6 Nobyembre 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake
sa puso at istroke.

Talambuhay

Maagang buhay
Si José Paciano Laurel y García ay ipinanganak noong 9 Marso 1891 sa bayan ng Tanauan,
Batangas. Ang kanyang ama ay sina Sotero Laurel, Sr. na isang opisyal ng pamahalaang
rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo at lumagda sa Saligang Batas ng Malolos noong 1898. Ang
kanyang ina ay si Jacoba García. Habang isang tinedyer, si Jose Laurel ay kinasuhan ng
pagtatangkang pagpatay ng katunggaling manliligaw ng kanyang kasintahan gamit ang isang
kutsilyo. Habang nag-aaral, nangatwiran siya para sa kanyang sarili at napawalang sala.
Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas noong 1915 kung saan
siya nag-aral sa ilalim ni Dekano George A. Malcolm na kanyang hinalinhan sa Korte Suprema ng
Pilipinas. Nakamit niya ang Master of Laws degree mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
1919 at pagkatapos ay pumasok sa Yale Law School kung saan siya nagtapos ng Doktorado ng
Batas.

Noong 1911 ay pinakasalan niya si Pacencia Hidalgo at nagkaroon sila ng 9 na anak.


Serbisyong publiko
Habang isang estudyante, si Laurel ay pumasok na isang mensahero ng Bureau of Forestry
bilang isang clerk sa Komite ng Kodigo na inatasang magkodigo ng mga batas ng Pilipinas. Sa
kanyang pagbalik mula sa Yale, siya ay hinirang na Pangalang Kalihim ng Kagawarang Panloob
at pagkatapos ay itinaas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Panloob noong 1922. Sa posisyong,
palagi nakikipag-alitan sa Gobernador Heneral ng Estados Unidos na si Leonard Wood sa
Pilipinas. Noong 1923, si Laurel ay nagbitiw kasama ng ilang mga kasapi ng gabinete ng
pamahalaan ni Wood.

Senado
Si Jose P. Laurel ay nahalal na kasapi ng Senado ng Pilipinas noong 1925. Siya ay nagsilbi ng
isang termino bago matalo sa muling pagtakbo sa halalan noong 1931 kay Claro M. Recto. Siya
ay bumalik sa pagsasanay na pampribado ng batas ngunit noong 1934 ay muling nahalalal sa
opisinang pampubliko bilang delegado ng Kombensiyang Konstitusyonal ng 1935. Kanyang
inisponsoran ang mga probisyon ng Panukalang Batas ng mga Karapatan. Pagkatapos ng
pagpapatibay ng Saligan Batas ng Pilipinas ng 1935 at pagkakatatag ng Komonwelt ng Pilipinas,
si Laurel ay nahirang na kasamang mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas noong 29 Pebrero
1936.

Bilang Pangulo
Nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas, si Pangulong Manuel L. Quezon ay tumakas sa Bataan at
pagkatapos ay sa Estados Unidos upang itatag ang isang pamahalaan sa pagkakatapon. Si
Laurel ay may malapit na kaugnayan sa mga opisyal na Hapones. Ang kanyang anak ay pinag-
aral sa Imperial Military Academy in Tokyo at si Laurel ay tumanggap ng isang honoraryong
doktorado mula sa Unibersidad ng Tokyo. Si Laurel ang isa sa mga opisyal ng Commonwealth
ng Pilipinas na inutusan ng Hukbong Imperyal na Hapones na bumuo ng isang probisyonal na
pamahalaan nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas. Si Laurel ay nakipagtulungan sa mga
Hapones at dahil sa kanyang pagiging kilalang bumabatikos sa pamamahala ng Estados Unidos
sa Pilipinas, si Laurel ay nagsilbi sa ilang mga matataas na posisyon sa pamahalaang Hapones
sa Pilipinas noong 1942-1943. Noong 1943, siya ay binaril ng mga gerilyang Pilipino habang
naglalaro ng golf sa Wack Wack Golf at Country Club ngunit siya ay gumaling. Nang taong iyon,
siya ay pinili ng Pambansang ilalim ng impluwensiya ng Hapon na magsilbi bilang Pangulo ng
Pilipinas.

Dahil sa kaugnayan ng pamahalaan ni Laurel sa Hapon, ang malaking bahagi ng populasyong


Pilipino ay aktibong sumalungat sa kanyang pagkapangulo na sumuporta naman sa ipinatapong
pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon sa Estados Unidos.

Noong 21 Setyembre 1944, idineklara ni Laurel ang Martial Law na nagdedeklara ng pag-iral ng
digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian. Ito ay nagkaroon
ng epekto noong Setyembre 23,1944 ng alas diyes ng umaga.

Pagbuwag ng Rehime ni Laurel


Noong 26 Hulyo 1945 ang Potsdam Declaration ay nagbigay ng isang ultimatum sa Hapon
upang sumuko o maharap sa isang buong pagkalipol. Tumangging tanggapin ng Hapon ang
alok. Noong Agosto 6,1945, ang isang bombang atomiko ay ibinagsak ng Estados Unidos sa
Hiroshima kung saan napahamak ang mga mamamayan nito. Pagkatapos ng 2 araw, ang
Unyong Sobyet ay nagdeklara ng digmaan laban sa Hapon. Nang sumunod na araw, ang
ikalawang bombang atomiko ay ibinagsak sa Nagasaki. Ang Hapon ay walang kondisyong
sumuko sa Kapangyarihang Alyado noong Agosto 15,1946. Mula Abril 1945, si Pangulong Laurel
kasama ng kanyang pamilya at kasapi ng Gabineteng si Camilo Osías, Speaker Benigno Aquino,
Sr., Gen. Tomas Capinpin, at embahador Jorge B. Vargas ay lumikas sa Hapon. Noong Agosto
17,1944 mula sa kanyang tirahan sa Nara, Hapon ay inilabas ni Laurel ang isang Ehekutibong
Proklamasyong na nagdedeklara ng pagkabuwag ng kanyang rehime.
Pagkatapos ng Pagkapangulo
Nang sumuko ang mga pwersang Hapones noong Agosto 15,1945, inutos ni Gen. Douglas
MacArthur na dakipin si Laurel para sa pakikipagtulungan nito sa mga Hapones. Noong 1946, si
Laurel ay sinampahan ng 132 bilang ng kasong pagtataksil. Gayunpaman, siya ay hindi
kailanman nilitis dahil sa amnestiyang ipinagkaloob ni Pangulong Manuel Roxas noong 1948. Si
Laurel ay tumakbo sa 1949 halalan ng pagkaPangulo laban kay Elpidio Quirino ngunit natalo.

Si Laurel ay namatay noong 6 Nobyembre 1959, sa Lourdes Hospital sa Maynila mula sa atake
sa puso at stroke. Siya ay inilibing sa Tanuan.

Talababa

1. As per the official chronological list of


Presidents by the cotemporary
Philippine government.

2. Osmeña became the sole President of


the Philippines upon Laurel's
dissolution of the Second Philippine
Republic. The Commonwealth
government became the sole
governing entity of the Philippines.

Mga sanggunian
Mga tungkuling pampolitika

Pangulo ng
Republika ng
Sinundan: Susunod:
Pilipinas
Manuel L. Sergio
14 Oktubre 1943
Quezon Osmeña
– 17 Agosto
1945

Pangulo ng
Sinundan: Republika ng
Susunod:
Jorge B. Pilipinas
Sergio
Vargas (de 14 Oktubre 1943
Osmeña
facto) – 17 Agosto
1945

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Jose_P._Laurel&oldid=2087212"
Huling pagbabago: 16:17, 9 Pebrero 2024. •
Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit.

You might also like