Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

PROVINCE OF CAMARINES SUR


MUNICIPALITY OF SAN FERNANDO
BARANGAY DEL PILAR

Ang Pre-construction conference ng KALAHI CIDSS- PMNP ay ginanap sa Barangay Hall ng


Del Pilar, ganap na 1:00 ng Hapon. Muli ay nagbigay ng mensahe si Punong Barangay Victor
Modino . Binigyan galang din niya ang mga dumalo sa nasabing pagpupulong kasama nito ay
mga KC Staff, Community Volunteers at mga aplikante para sa proyekto. Para sa pag-aproba
ng lahat, ipinakilala ang foreman at timekeeper na nag-apply, sa ngalan ni Recto R. Sanares
at Ma. Victoria V. Agunday. Ito ay agad namang inaprobahan ng lahat. Sunod ang paglalahad
ng agenda na ibinigay ni MCEF Ara Jane O. Avanceña:

 Roles and functions of Community Volunteers on the implementation of Sub-project


 Rules and Regulations
-Works & time schedule
- Restrictions
 Scope of Works
 Identification of Works for Men and Women
 Orientation of Construction Forms

Pagkatapos ni-review ang proyekto ng barangay na Improvement of Child Development


Center na may Php 373,560.00 na approved Sub-project Cost. Ang physical target ay 32.35
square meter na gagawin sa Zone 3A, Barangay Del Pilar, San Fernando, Camarines Sur sa
loob ng 40 calendar days. Ni-review din ang mga Roles and Functions ng community
Volunteers para sa pag-implementa ng proyekto. Si MIT kasama ni bodegera ang mag-
iinspect at mag-rereceive ng mga materyales. Si PIT naman ang magsisiguro na nasusunod
ang daily activities na naka plano, si PT ang mamahala sa pagpili ng mga trabahante sa gabay
na rin ni foreman. Si AIT naman ang ma-audit ng mga gamit at materyales sa bodega kaya
dapat may check-in- out balance na gagawin si bodegera. Sa tulong naman ni Punong
Barangay, si CNSPMC Chairperson ang mamumuno sa pag-implementa ng proyekto. Ang
Technical Working Group naman na binubuo ng ACT at MCT ang magbibigay ng technical
assistance para mas maayos na ma-implementa ang nasabing proyekto. Sunod na pinag-
usapan ang mga rules and regulations na dapat sundin para sa pagpapa trabaho, matapos
ang masusing deliberasyon ang susunod ang mga napag-usapan at naaprobahan:

REMARKS
Working Days Monday-Saturday
Time 8:00 am– 12:00 noon Dahil sa ang proyekto ay
Schedule/working 1:00 pm – 5:00 pm construction napagkasunduan na
hours susundin ang time schedule
kapag regular days lamang.
Kapag maulan, babantayan na
lamang ni timekeeper na ang
trabaho ay aabot ng 8 oras sa
isang araw, ang oras ng trabaho
sa ganitong mga araw ay hindi
magiging consistent dahil
pagbabago ng panahon.
Break Periods 9:30 am-9:45 am
3:00 pm – 3:15 pm
Compensation/ Foreman – 650 Inaprobahan naman ito ng mga
Wages Skilled – 550 workers.
Unskilled – 365
Timekeeper/ bodegero- 365
Restrictions Bawal pumasok ang lasing
Bawal pumasok ang naka
short
Bawal manigarilyo habang
nasa oras pa ng Trabaho

Para sa pagpapaliwanag ng scope of works, hiniling ng lahat na magpunta sa site para mas
maintindihan. Inilabas din ang plano para maging gabay. Muling binalikan din ang ECPP na
kun saan naipaalala ni TF Rowena na lahat ng packages ay naprocure na.

Ipinaliwanag din ni TF Rowena Romero na sa KALAHI ini-encourage na magtrabaho ang mga


kababaihan. Napag kasunduan na kapag may nag-apply na babae ay bibigyan ng
pagkakataon magtrabaho. Napagkasunduan din na ang mga sumusunod ay ang item of work
na maaring pasukan ng mga kababaihan.

1. Cleaning
2. Bagging

Nagpatuloy ang pagpupulong sa pag-discuss ng construction forms, dagdag pa ni TF Rowena


Romero na si Treasurer parin ang responsableng tao para sa pagdisburse at pagprocess ng
payroll. Para naman maayos na ma-implementa ang proyekto napagkasunduan ng lahat na
mag CNSPMC Meeting dalawang beses sa isang buwan.

Ng lahat ng agenda ay napag-usapan na at wala ng tanong, ang pagpupulong ay natapos sa


oras na 5:00 ng Hapon.

Prepared by: Approved by:

LEOMEL B. MAYORES DOLOR G. SIBULO


Barangay Secretary CNSPMC Chairperson

Noted by:

VICTOR V. MODINO
Barangay Chairperson

You might also like