Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Implikasyon ng “Filipino Time” sa Akademikong Pagganap

ng mga ika-12 Mag-aaral saSan Francisco High School

I. Rationale:

Ang akademikong pagganap ay nasusukat sa pamamagitan ng standing ng mga rate ng


grado ng mag-aaral sa bawat asignatura. Ang pagkakaroon ng mataas na antas ng pagganap sa
akademikong lugar ng isang mag-aaral ay nagpapahiwatig ng kakayahan nito at mataas na antas
ng tiwala sa tiyak na larangan nito. Ang mga mag aaral ay may sariling saloobin sa pag-aaral at
pagkamit ng mataas na antas ng akademikong pagganap.

Ang Filipino Time ay isa sa mga negatibong pag-iisip nating mga Pilipino na
nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng San Francisco High School.
Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng magagandang tradisyon at mayaman na kultura,
ngunit hindi maipagkakaila ng marami ring negatibong kaugalian ang naging bahagi ng ating
kultura, kagaya ng “Filipino Time”.Ang “Filipino Time” ay isa sa mga kilalang kultura ng mga
Pilipino. Ayon kay Laneria, J. (2011), ito ay isang maliit na parte ng ating mga komplikadong
problema sa kultura na dapat solusyonan. Ang “Filipino Time” ay ang kaugalian ng pagiging
huli sa isang pagtitipon na matatagpuan sa kasalukuyang panahon pati na rin sa nagdaang araw
ng mga Español, na hindi nabago dahil sa pagpapabaya ng mga Pilipino sa gawaing ito.
(Dalumpines, et al. 2020).

Alinsunod kay Chua (2020), sinabi ni Dr. Louie Benedict Ignacio, isang guro mula sa
Unibersidad ng Santo Tomas na nagtuturo sa mga larangang agham pampulitika at sosyolohiya,
na ang konsepto ng “Filipino Time” ay nagmula sa kaugalian ng Kastila noong sinakop nila ang
ating bansa. upang ipahiwatig na sila ay mahalagang tao na mas nakakataas sa lipunan (Chua, P.
2020)

Ayon kay Valeriano (2016), sa kasalukuyan, nagkakaroon ng iba’t ibang dahilan kung
bakit sinusunod pa rin ang “Filipino Time”. Isa na rito ang matagal na proseso ng
paghahanda para sa pupuntahan kaya’t nahuhuli dumating . Madalas din ginagawang katwiran
ang matinding traffic. Ang iba naman ay pinipili talaga na sundin ang “Filipino Time” sapagkat
hindi nila nais maghintay sa iba tuwing sila ay nauuna at naniniwala silang hindi agad
magsisimula ang pagpupulong sa takdang oras. (Valeriano, T. 2016)

Ayon kay Bernad (2002), ang punctuality o pagsunod sa tamang oras ay tila
parang salitang banyaga pa rin sa mga Pilipino sa kasalukuyang henerasyon. Makikita ito
sa mga impormal na pagtitipon o social gatherings; pati na rin formal setting kagaya ng
mga akademikong pagpupulong at iba pa. Dahil sa nasabing isyu, patuloy na pinag-aralan ng
mga mananaliksik ang mga bagay na nagbigay impluwensya sa kung bakit ito patuloy na
naging parte ng kultura. Mayroong mga external factors na nagiging dahilan sa pag-usbong
nito sa kasalukuyan tulad ng trapiko at mga isyu sa transportasyon. Ngunit dahil ito ay naging
kasanayan na, naapektuhan nito kilos at ugali ng mga Pilipino kagaya sa kanilang
akademikong pagganap. (Bernard, M. 2002)

II. LAYUNIN
Ang layunin ng konseptong papel na ito ay malaman Implikasyon ng “Filipino Time” sa
Akademikong Pagganap Ng mga Mag-aaral sa San Francisco High School.

1. Matukoy ang mga positibo at negatibong implikasyon ng “Filipino Time” sa


akademikong pagganap ng mga estudyante.
2. Makapag mungkahi ng mga pamamaraan upang maitama ang maling nakasanayan na
Filipino time.
3. Makapagbigay alam kung gaano kahalaga ang oras ng isang mag aaral.

III. METODOLOHIYA

Ang pananaliksik na ito ay gagamit nang kwalitatibong paraan at deskriptib naman sa


disenyo. Isasagawa ang nasabing pananaliksik sa lahat ng mag-aaral ng San Francisco High
School sa Misamis St. Bago Bantay, Quezon City. Gagamiting instrumento ng pananaliksik ang
pakikipanayam (Interview) para sa mag-aaral na magsisilbing respondents para makakuha ng
sapat na datos o impormasyon hinggil sa paksang tinatalakay.

IV. INAASAHANG RESULTA

Ang inaasahang resulta ng konseptong papel na ito ay maaaring kaparehas sa mga


naunang pag aaral na katulad ng mga impormasyon sa mga positibo at negatibong implikasyon
ng “Filipino Time” sa akademikong pagganap ng mga estudyante, Ito rin ay inaasahang
makapag mungkahi at maitama ang maling kulturang kaugalian ng mga pilipino.
REFERENCE

Chua, P. (2020). There’s Actually A Reason Why Filipino Time is A Thing. Esquire Magazine.
Retrieved August 14, 2020, from https://www.esquiremag.ph/culture/lifestyle/filipino-
Time-explained-a00297-20200814

Valeriano, T. (2016) Expat’s Guide: Filipino Time.Primer. Retrieved February 15, 2016, from
https://primer.com.ph/tips-guides/2016/02/15/expat-guide-filipino-time/

Bernad, M. (2002). Filipino Time. Budhi: A Journal Of Ideas And Culture, 5(3 6.1), 207-213.
From: https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/budhi/article/view/586/583
http://www.alsessay.com/p/essay-example-filipino-time.html
https://www.coursehero.com/file/80599139/TOXIC-FILIPINO-CULTURE-
ANG-NEGATIBONG-EPEKTO-NG-NORMALISASYON-NG-FILIPINO-TIME-
SA-MGA-ESTUDYANTE-NG/
https://medium.com/@btantheman/why-filipinos-follow-filipino-time-
d38e2c162927

You might also like