Quia Ponch U Chuva Ness

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Labindalawang taong gulang na musmos na si Adong, walang bumubuhay

sa kanya kundi ang simbahang Quiapo. Walang pinipiling oras ang walang
kamuwang-muwang na si Adong, ang gabi ay naroroon dahil sa nasabing
simbahan. Ang tanging kanyang iniisip ay alisin na ang mga tindahan at gusali
sa nasabing lugar, pero huwag na huwag aalisin ang mismong simbahan.
Mahal na mahal ng batang ito ang lugar dahil ito ang bumubuhay sa kaniya.

Ang simbahang Quiapo ay ang buhay ni Adong. Ito ang pamamaraan upang
kumita ng kwarta para sa sarili niya. Ang labas ng simbahan ang kanyang
tambayan marahil hinihintay niya ang mga taong lalabas ng gusali upang
manlimos sa mga ito. Hindi ganon karamihan ang mga may kabutihang loob
ngunit hindi sumusuko si Adong kahit ito ay madalas makatanggap ng
pandidiri, pagtataray at pag-irap galing sa mga tao. Nagmamakaawa at
nanghihingi ng kaunting tulong sa mga tao upang malagyan ng pagkain ang
kaniyang tyan, pero kahit isang beses ay hindi siya nabubusog sa kwartang
kaniyang kinita.

Isang binatang may malaking katawan ang hindi nagpaparanas kay Adong
ng pagkabusog, si Bruno. Ninanakaw niya ang mga kinita ng bata at kung
hindi niya ito makuha, si Adong ay posible niyang saktan. Mayroon isang
araw na sinubukan tumakas ni Adong sa mga kamay ni Bruno dahil sa
kagustuhan niyang makatikim ng masarap na pagkain, siya ay unti unting
naglakad sa bakod ng simbahan sabay karipas ng takbo. Siya ay nakarating sa
isang poste at isinandal niya rito ang sarili, iniisip na siya ay nakatakas sam ga
kamay ng kasamaan. Biglaan siyang nakaramdam ng takot sa kaniyanf narinig
na boses at namalayan nalang na hawak ni Bruno ang kaniyang bisag. Siya ay
nagmakaawa pero biglaan nalaang siyang nakaramdam ng wala ng sakit.

You might also like