Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

G.E.

ELEC 3 (PANITIKAN NG PILIPINAS)


1

MODYUL 1
I. Paksa: Ang Panitikang Filipino

II. Kinalabasan ng Pagkatuto:


Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang katuturan ng Panitikan.


2. Naiisa-isa ang Panitikan ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.
3. Nakapagbibigay ng kahalagahan sa pag-aaral ng Panitikan.

III. Pangkalahatang - Ideya:

Ang Panitikang Filipino ay katulad din ng panitikan ng alinmang bansa sa


daigdig na sumasaklaw sa pasalita at pagsulat na nagpapahayag ng mga
damdamin ukol sa mga gawi at kaugaliang panlipunan, paraan ng pamumuhay,
kaisipang pampulitika at mga kapaniwalaang pangrelihiyon, ang kanilang mga
adhikain, ang kanilang mga pangarap, mula pa sa bukang liwayway ng
kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyan. Ito’y maaring naisulat o
naisalin sa bibig sa iba’t ibang wiakin sa Pilipinas o mga salin ng panitikan
banyaga o naisulat ng Filipino sa wikang dayuhan. Kung paano ang katawan
ay pinalulusog ng pagkain ukol sa tiyan o sikmura, ang Panitikan at iba pang
likhang-sining ay pagkain ng diwa at kaluluwa. Sa tulong ng panitikan ay
mababawasan ang materyalismo ng daigdig.

May sari-sariling wika ang bawat bansa na naghahatid ng sari-saring


kaugalian, pananaw sa buhay, saloobin at pambansang pagkakakilanlan. Sa
makatuwid, nararapat lamang na magkaroon ng sari-sariling Panitikan ang
bawat bansa. Ang Pilipinas ay hindi nahuhuli sa larangang ito. May sariling
panitikan ang mga Pilipino na kinapapalooban ng kasaysayan ng kanilang lahi
at kultura na minana pa nila sa kanilang mga ninuno na hanggang sa
kasalukuyan ay umiiral pa.

Ang Panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdamin


at kaisipan ng mga Filipino na nagsasaad ng kanilang kasaysayan,
pamumuhay, pag-uugali, paniniwala at pananampalataya. Umiikot ang buong
Panitikang Filipino sa mga pasalita o pasulat na pahayag sa iba’t ibang rehiyon
ng Pilipinas. Kasama na rito ang panitikan na buhat sa mga Ivatan, Negrito,
Ilokano, Kapampangan, Mangyan, Bikolano, Bisaya, mga kapatid na Muslim
sa Mindanao at iba pa. Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay,
pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasang
kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pagkapoot, pag-asa, paghihiganti at pagkasuklam.

Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umunlad


at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Ngunit nakakasama rin
ditto ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasal abas ng
sariling bansa, sapagkat inakdaan ito ng mga Pilipino, o ng mga may-lahing
Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa.
G.E. ELEC 3 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
2

Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na


naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang
kwentong-bayan, maikling kwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula,
nobela, drama, balagtasan, parabola, bugtong, alamat, tanaga, salawikain,
kasabihan, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na panradyo,
pantelebisyon at pampelikula.

Sa bias ng Proklamasyon Blg. 968, s. 2015, ang “Buwan ng Panitikan ng


Filipinas” ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Abril. Ang Buwan ng Panitikan ng
Filipinas 2018 na may temang “Pingkian” ay kasabay ng ika-230 anibersaryo
ng pagkasilang ni Francisco Balagtas, ang “Bayani ng Harayang Filipino”.

IV. Nilalaman ng Pag-aaral

Ang Uri ng Panitikan Ayon sa Paghahalin

Ayon sa pagkaka-unlad ng panitikan saan mang bansa, ito ay nauuri sa


paraan ng isinasagawang paghahalin o pagpapamanangtuto nito sa bawat
pumapalit na henerasyon. Noong araw na hindi pa natutuhan ng ating mga
ninuno ang sistema ng pagsulat, sa pamamagitan lamang ng bukambibig nito,
ito nalilipat-isip.

Sa kadalasang pagsasa-awit, pagkukuwento o pagsasatula, ito’y


namememorya ng karamihan. Ang paraang ito ay pasalindila o sa simpleng
pananalita ay pagbigkas o pasalita

Natutuhan ng mga ninuno ang sistema ng pagsulat. Sa pamamagitan ng


Alibata. Ang tawag sa alpabeto nila noong araw, ang mga kaalamang dati ay
bukambibig lamang ay nakuha nilang maisulat sa mga dahoon o balabak ng
halaman o maiukit sa mga bato at kahoy. Dumating ang panahon na naimbento
ang imprenta kaya ang mga naisatitik nang kaalaman ay nagawang
maipalimbag. Sa paraang ito ay lalong napalaganap ang panitikan dahil
naisaaklat na, naitatabi at napag-iingatang Mabuti, tulad sa pagbigkas na
habang lumalaon ay nalilimutan na kaya unti-unting nawawala. Ang mga
matatandang nakaaalam ng mga ito ay isa-isang namamatay, at ang mga
kabataan naman ay tila nawawalan ng interes making at magmemorya. Kaya
kung hindi maisusulat habang maaagapan pa, darating ang araw na ang likas
na katalinuhan ng mga ninuno na sadyang kayamanan ng panitikan sa
pasalindilang tradisyon ay nagkaroon ng makulay ay tuluyang mawawala. Ang
paraang ito kung gayon, ay tinatawag na pasalisulat o simpleng pasulat.

Ang pasulat na tradisyon ng panitikan sa kasalukuyang panahon ng


teknolohiya ay nagkaroon ng makulay at komplikadong paraan ng pagsasalin.
Dito ay pawing kagamitang pang-elektroniko na ang ginagamit sa pagtala ng
panitikan kaya nagiging awdyo-biswal na ang dating. Mas masining ang paraan
na ito dahil halos lahat ng uri ng sining, musika, sayaw, arketektura,
fotograpiya, pintura atbp., ay pinagsasama-sama. Kabilang sa paraang ito ang
radio, telebisyon at pelikula. Ang mga ito ang kinahuhumalingan sa
kasalukuyan ng madla kaysa pagbabasa ng mga limbag na akdang
pampanitikan dahil bukod sa napakamalikhain at napakamasining ang maingat
at metikulosong paggawa – dinidirehe, ini-edit, atbp. ay napakamakatotohanan
G.E. ELEC 3 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
3

pa ang mapanlibang at mapangaral na pagtunghay ditto. Pinanonood lamang


at pinakikinggan ang mga ito, samakatuwid magaan at madaling kagiliwan
kaya napakalakas ng impak at hatak sa atensyon ng mga tao lalo na sa mga
kabataan. Ang paraan na ito ay matatawag na pasalintroniko o paeletroniko.

Samakatuwid, sa tatlong (3) kaparaanang-uring ito: pabigkas, pasulat, at


paelektroniko naipapamanang-tuto o nalilipat-lahi ang panitikang Filipino.

Ang Anyo ng Panitikan at ang mga Genre Nito

Sa ganang anyo naman, ang panitikan ay naipapahayag sa tatlong


kaanyuhan: 1) patula, 2) patulutan, at 3) patanghal.

Patula ang anyo nito kapag taludturan at saknungan. Ang bawat taludtud
ay maaring may sukat at tugmaang pantig sa hulihan o sadyang Malaya na
ang ibig sabihin ay walang sukat at tugma.

Pantuluyan ang anyo nito kapag sa karaniwan o ayon sa tuwirang


kasanayang pagsasalita ng tao ay ipinapahayag. Madali itong basahin at
unawain, di tulad ng patula na kailangan mo pang pakaintindihin dahil
napakatatalinghaga at hindi lagging naririnig ang ginagamit na mga pananalita.
At kung ang tula ay pataludturan at saknungang isinusulat ang patuluyan ay
patalata. Nabibilang dito ang maikling kuwento, nobela at sanaysay.

Patanghal naman ang anyo nito kung ito’y ipinalalabas sa tanghalan o


isinasadula. Pumapailalim ito sa dalawang naunang anyo – patula at patuluyan
– dahil ang mga dayalogo ay maaring isulat sa alinman dito. Pasalitaan o
padayalogo kung ito’y ilahad at karaniwang nahahati sa yugto na maaring
iisahin, dadalawahin o tatatluhing yugto, ang kabuuan. Ang bawat yugto ay
binubuo naman ng mga tagpo. Samakatuwid, ito ay drama o dula.

Mga Impluwensya ng Panitikan

Kung ang klima, kinatitirahan, lipunan, pulitika, relihiyon at edukasyon ay


may impluwensya sa anyo, hangarin at laman ng panitikan, ang panitikan
naman ay may dalang impluwensya sa buhay at ugali ng tao sa dalawang
kalagayan.

Una: Nagpapahiwatig sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing


pinanggalingan ng akda at;

Ikalawa: Sa pamamagitan ng panitikan, ang mga tao sa daigdig ay


nagkakatagpo sa damdamin, kaisipan at pagkakaunawaan, bukod sa
nagkakahiraman ng ugali at palakad.

Mga Akdang Pampanitikan na Nagdala ng Malaking Impluwensiya sa


Buong Daigdig

Banal na Kasulatan (Holy Scriptures) – na mula sa Palestina at Gresia na


nagiging batayan ng pananampalataya ng mga Kristiyano.
G.E. ELEC 3 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
4

Koran – ito ang pinakabibliya ng mga Mahometano at galing sa Arabia; Bibliya


ng mga Muslim.

Iliad at Odessey – akda ni Homer, na kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya


ng Gresia.

Mahabarata – ipinapalagay na pinakamahabang epiko ng India at ang kanilang


pananampalataya.

Divina Commedia – akda ni Dante ng Italya na nagtataglay ng ulat hinggil sa


pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng mga Italyano.

El Cid Campeador – epiko ng Espanya na nagpapahayag ng katangian panlahi


ng mga Kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayan Pambansa noong
unang panahon.

Awit ni Rolando – na kinapalooban ng RONCES VALLES DOCE PARES ng


Pransia na nagsasalaysay ng gintong panahon ng kakristiyanuhan at nang
dating makulay na kasaysayan ng mga Frances.

Aklat ng mga Araw – panulat ni Confucius na naging batayan ng


pananampalataya, kalinangan ng mga Instik (na malinaw na nakarating dito sa
atin).

Aklat ng mga Patay – Aklat ng Ehipto na kinapapalamnan ng kulto ni Osiris at


mitolohiya at teolohiyang Ehipto.

Isang Lino at Isang Gabi – ng Arabia at Persia na nagsasaad ng mga ugaling


pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan at pangrelihiyon ng mga
silanganin.

Canterburry Tales – ni Chaucer ng Inglatera, na naglalarawan ng


pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon at;

Uncle Tom’s Cabin – ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos, na


nakatawag ng pansin sa karumal-dunal na kalagayan ng mga alipin at naging
batayan ng simula ng demokrasya.

Paraan ng Pagbasa at Pagpapaliwanag

Mayroong dalawang pamamaraan ng pagbasa at pagpaliwanag ng mga


tekstong pampanitikan: ang makasaysayan o historikal na paraan at ang
pormalistikong kaparaanan.

Paraang Historical

Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan na pagbasa at pagpapaliwanag


ng mga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga
bagay, karanasan, at pwersang pangkasaysayan na nagbigay ng
impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng
G.E. ELEC 3 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
5

panitikan sa Pilipinas. Sa ganitong paraan, nagkaroon ng apat na kahatian ang


kapanahunang pangkasaysayan ng Pilipinas:

1. Ang Panahon ng Pananakop Bago Dumating ang mga Kastila o Pre-


Spanish Colonial Period (1400-1600),
2. Ang Panahon ng mga Kastila o Spanish Period (1600-1898)
3. Panahon ng mga Amerikano o American Occupation (1898-1946)
4. Pangkasalukuyang Panahon Pagkaraan ng Kolonyalismo o Contemporary
Post-Colonial Period

Kaugnay ng Panitikang Filipino, sina Jose Villa Panganiban at Teofilo


del Castillo, ang mga unang gumamit ng interpretasyon ng panliteraturang mga
teksto.

Paraang Pormalistiko

Ang paraang pormalistiko ay isang paraan at empirical na pamamaraan


ng pagbasa at pagpapaliwanag – maging pasalita – ng tekstong pampanitikan
na dumating dito sa Pilipinas ang ganitong paraan sa pamamagitan ng
Amerikanong sistemang pang-edukasyon.

Sa ganitong paraan, mas detalyado ang empirical (batay sa karanasan,


obserbasyon, pagsubok o eksperimento, ayon sa praktikal na karanasan, sa
halip na teorya) ang pamamaraan ng pagbasa ng pampanitikang teksto na may
layong tuklasin kung ano talaga ang makapampanitikan o literaryo sa teksto.
Nag-iiba ang mga kaparaanan mula sa diin at palatunguhan o direksyon sa
paggamit nito. Kabilang sa pinagtutuonan ng pansin ditto ang pagkakaroon ng
pagkakaisa o yunidad ng katawan ng teksto o sa madaliang sabi nakatuon
mismo sa teksto.

Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikan Filipino

May limang mahahalagang dahilan kung bakit dapat nating pag-aralan ang
panitikan Filipino:

Una: Upang makilala natin ang sariling kalinangan, ang minanang yaman
ng isip at ang henyo nating lahi na iba kaysa ibang lahi;

Ikalawa: Upang matalos na katulad ng ibang lahi na tayo ay mayroon din


dakila at marangal na tradisyong ginagamit na puhunan-salalayan sa
panghihiram ng mga bagong kalinangan at kabihasaan;

Ikatlo: Upang matanto ang mga kapintasan sa ating panitikan at


makapagsanay upang mailagan at mapawi ang mga ito;

Ikaapat: Upang makilala natin ang kagalingang pampanitikan at lalong


mapadalisay, mapayabong at mapaningning ang mga kagalingan ito at;

Ikalima: Ito’y higit sa lahat, sapagkat tayo’y mga Filipino dapat maging
katutubo sa atin ang pagkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling
Panitikang Filipino.
G.E. ELEC 3 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
6

Mga Bahagi ng Panitikang Filipino

Bilang patnubay sap ag-aaral, ang Panitikang Pilipino ay inihayag sa aklat


na ito sa pamamagitan ng pagbabahaging kaugnay ng mga pagbabagong
pampulitika’t pangkabuhayan sa ating bayang sinilangan.

1. Katutubong Panitikan – Mula sa sinaunang panahon hanggang sa


pananakop na ginawa ni Legaspi noong 1565.
2. Panitikan sa Ilalim ng Krus at Espada – Mula noong 1565 hanggang sap
ag-aalsa sa Cavite noong 1872 nang bitayin ang tatlong Filipinong Pari na
sina Burgos, Gomez at Zamora.
3. Panitikan sa Pagkagising ng damdaming Makabayan – Mula noong 1872
hanggang 1896.
4. Panitikan ng Paghihimagsik at Patuloy sa Pakikipaglaban – Mula 1896
hanggang sa pananakop ng Amerikano.
5. Panitikan sa Ilalim ng Amerika at sa Malasariling Pamahalaan – Mula 1910
hanggang 1941.
6. Panitikan ng Mabilis na Pagbabago – Pananakop ng mga Hapon (1941-
1945) at pagkatatag ng Republika (1945) hanggang sa kasalukuyan (1995).

Katangian ng Bawat Panahon

Bago dumating ang mga Kastila, ang ating panitikan ay karaniwang palipat-
dila at nagtataglay ng impluwensiya ng kaisipang Malayo-Indonesyo. Ang
panahon ng mga Kastila ay panahon ng panunulad, pagkabaguhan sa
kaisipang kanluranin, ngunit pagkagising sa doktrina ng pag-ibig
pangkristiyano. Ang mala-inapoy na pagkagising naman ng damdamin
Makabayan at simula ng pagkakaisang Pambansa ay mga katangian ng
panahon ng propaganda at himagsikan. Ang naging katangian ng panahon ng
mga Amerikano ay ang pag-adbentura sa mga bagong anyo at diwa ng
panitikan at pagkapuri ng henyong pampanitikan na nangyari noong panahon
ng mga Hapon.

Ang bagong panahon o panahon ng kasarinlan ay kaakbay ng maraming


suliraning iniwan ng digmaan at ng pagpupunyaging matagpuan ang sariling
pagkakakilanlan (identidad) at nang nawaglit na kaluluwa ng lahi.

Ang mga Rehiyon sa Pilipinas at mga Anyo ng Panitikan

Ang Pilipinas ay binubuo ng mga rehiyon na mapagkukunan ng mga


akdang pampanitikan sa ikasusulong at ikauunlad ng Panitikang Filipino. Dito’y
mabibigyan sila ng pagkakilala ng mga mamamayang Filipino.

Mga Panitikan ng Iba’t Ibang Rehiyon ng Pilipinas

Mga Rehiyon Anyo ng Panitikan


Rehiyon I
Ilocos Sur, La Union at Pangasinan Bukanegan (timpalak o laro sa pagtula)
Rehiyon II
Batanes, Cagayan, Isabela Baliwayway (hele)
G.E. ELEC 3 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
7

Nueva Vizcaya, Quirino Dimulat (kwentong-bayan)


Kabungi (bugtong)
CAR (Cordillera Administrative
Region)
Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga Kabaataken (kwentong-bayan)
Apayao at Mt. Province Lajo (awiting-bayan)
Rehiyon III
Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Kwentong-bayan, dula, tula, harana
Pampanga at Tarlac-B NEPT
Rehiyon IV
Aurora, Batangas, Cavite Dula, nobela, sanaysay, tula, awiting-
bayan
Laguna, Marinduque, Mindoro Occidental Kwentong-bayan, hele
at Oriental, Palawan, Quezon, Rizal at
Romblon
Rehiyon V
Albay, Camarines Norte at Sur, Ibalon (epiko)
Catanduanes
Masbate at Sorsogon Maikling-kwento, tula at dula
Tigib (epiko)
Rehiyon VI
Aklan, Antique, Capiz, Guinarao, Iloilo at Labaw, Donggon (epiko)
Negros Occidental Pagkatakon (bugtong), Asory (dula)
Rehiyon VII
Cebuano/Central Visayas, Bohol, Cebu, Ambahan (patula ng Mangyan)
Negros Oriental at Siquijor
Rehiyon VIII
Eastern Visayas, Biliran, Eastern Samar Ang Lubi / Ang Niyog (tulang Waray)
at Leyte
Rehiyon IX
Basilan at Zamboanga Yakan (alamat), Guman (epiko), Diole
(awit ng pag-ibig), Buwa (oyayi), Giloy
(awit sa patay)
Rehiyon X
Bukidnon, Camiguin, Misamis Occidental Limboy (tula), alamat, bugtong
at Oriental
Rehiyon XI
ARMM (Basilan, Tawi-tawi, Zamboanga Darangan (epiko), Totul (kwento), Kisa
del Sur at Del Norte, North Cotabato (kewntong-bayan)
Maguindanao, Sultan Kudarat, Lanao Del Bayok (awit at tula), Didaw sa wata
Norte at Del Sur, at South Cotabato) (oyayi), Pananaroon (salawikain)
Rehiyon XII
Lanao del Norte Tutol (kwento), Kisa (kwentong-bayan)
North Cotabato Bayok (awit at tula)
Rehiyon XIII
Agusan del Norte at del Sur Kasabihan, kwentong-bayan
Surigao del Norte at del Sur
G.E. ELEC 3 (PANITIKAN NG PILIPINAS)
8

V. Mga Sanggunian
Panitikan ng Pilipinas
Remedios A. Sanchez & Juvy Jane S. Reyes
Unlimited Books Library Services & Publishing Inc.
pp. 1-8

VI. Aktibidad

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Para sa iyong sarili, ano ang ibig sabihin ng panitikan?


2. Sa inyong mga probinsya, anu-anong mga panitikan ang iyong
nalalaman? Sino ang namumuno sa paggawa nito at paano? Idetalye
mo base sa iyong kaalaman.
3. Sa iyong paningin, gaano kahalaga ang pag-aaral ng panitikan sa
Pilipinas?

Inihanda ni:

CATHERINE J. OYAO
Tagapagturo

You might also like