Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2

Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

______________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________

1|PahIna
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2

Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

NCC’s Fair Use Disclaimer

In the preparation of distance-learning modules and online-accessible lessons for


our students during the CoVid-19 pandemic, the faculty members of Northern Christian
College (NCC) included some copyrighted material, the use of which were not always
specifically authorized by their copyright owners. NCC used such material in good faith,
believing that they were made accessible online to help advance understanding of topics
and issues necessary for the education of readers worldwide. NCC believes that, because
such material is being used strictly for research, educational, and non-commercial
purposes, this constitutes fair use of any such material as provided for in Section 185 of
the Copyright Law of the Philippines; and

Section 177 of the US Copyright Law. No work in its entirety (or substantial
portions thereof) was copied; only isolated articles and brief portions were
copied/provided links in the modules and online lessons. Also, all our students are
informed of proper attribution and citation procedures when using words ideas that are
not their own.

2|PahIna
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2

MODYUL
Fil 01
2 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Desripsyon ng Kurso:
Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim
sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga
mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa
buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa
makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa
paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa
kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

Talaan ng Nilalaman

NCC’s Fair Use Disclaimer……………………………………………………….…2


Deskripsyon ng Kurso……………………………………………………………….3
Pamantayang Pampagkatuto…………………………………………………………4
YUNIT II: Varyasyon at Rehistro ng Wika …………………………………………5
Mga Gawain.………………………………………………………………………...10
Repleksyon…………………………………………………………………………..14
Sanggunian…………………………………………….……………………………14

3|PahIna
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2

MODYUL Fil 01
2
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Pamantayan sa Pampagkatuto

Layunin ng kursong ito ang mga sumusunod;


• Maipaliliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa;
• Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang Pambansa, pagpapatibay
ng kolektibong identidad at pambansang kaunlaran;
• Magamit at mabigyang halaga ang sariling wika at kultura bilang tatak ng pagka-Filipino; at
• Mapagtatala ng iba’t ibang terminolohiya sa iba’t ibang rehistro ng wika.

TUNGKOL SAAN ANG MODYUL


YUNIT II: Varyasyon at Rehistro ng Wika
A. Varyasyon ng Wika
B. Ang Papel ng Wikang Pambansa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa Bansa
C. Rehistro at Mga Varayti ng Wika

Direksyon:
1. Basahin nang Mabuti ang nilalaman ng modyul na ito.
2. Ihanda ang inyong ballpen at papel.
3. Sagutan ang paunang pagtataya.
4. Pag-aralan ang mga paksang inilahad sa bawat pahina.
5. Ang mga links na nailahad ay karagdagang tulong sa inyong pag-aaral.
6. Isumite sa nakatakdang oras ang mga awtput.
7. Kunsultahin ang kung may nais na tanongin o linawin sa modyul:
alixsonjasreldp@gmail.com sa oras ng inyong klase lamang.

4|PahIna
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2

YUNIT II: Varyasyon at Rehistro ng Wika


Panimula
Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuonan ngayon ng mga pag-aaral at
pananaliksik ang tungkol sa pagkakaiba ng wika o varayti at varyasyon ng wika. Nakabatay ang
pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga lingwista ng pagiging
heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika (Saussure, 1916) at "hindi kailanman pagkakatulad o
uniformidad ng anumang wika", ayon kay Bloomfield (1918). Dala ito ng nagkakaibang pangkat
ng tao na may iba't ibang lugar na tinitirhan, interes, pinag-aralan at iba pa. Sa pagdaan ng panahon
nagiging ispesyalisado ang mga gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-
iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao (Roussean, 1950).

A. Varyasyon ng Wika
Ayon sa Bibliya, noong simula ay may iisa lamang na wika ang mga tao. Sa
paglipas ng panahon, nagkaroon ng halos hindi na mabilang na wika ang mga tao.
Sinasabing ang Filipinas, sa ating bansa, ay may 180 lenggwahe na pinagsasaluhan
nating mga Filipino. Filipino (ang ating Pambansang Wika) at Ingles ang dalawang wikang
opisyal sa bansa.

B. Ang Papel ng Wikang Pambansa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa Bansa


Ano naman ang papel ng Filipino sa gitna ng magkakaibang wika sa bansa?
"Ang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong bansa bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng paghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang varayti ng wika para sa iba't
ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang saligang sosyal at para sa mga
paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag... "
Sa larangan naman ng pagtuturo, mahalaga ang pagkakaroon ng mga mag-aaral at
guro ng malinaw na pananaw tungkol sa konsepto ng varayti at varyasyon ng wika. Sa
gayon, makikita ng mga mag-aaral na bawat grupo, komuniclad at rehiyon na gumagarnit
ng wika ay hindi iba o naiiba kundi kasali at kabahagi ng pambansang wika at kultura.
Mayamang balon na mapagkukunan ang mga rehiyonal na wika ng mga kaalaman
at datos mula sa kanilang etnolinggwistiko, sosyal at komunidad na kinabibilangan. Dala-
dala ito ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa klase. At ibinabahagi nila ito sa mga
interaksyon na nagaganap sa klase. Nabibigyang halaga rin nila ang kanilang sari-sariling
wika at kultura bilang bahagi ng pambansang wika at kultura.

TANDAAN:
Sinasabing ang Filipinas, sa ating bansa, ay may 180 lenggwahe na pinagsasaluhan nating
mga Filipino. Filipino (ang ating Pambansang Wika) at Ingles ang dalawang wikang
opisyal sa bansa.

5|PahIna
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2

C. Kahulugan at Uri ng Varayti ng Wika


Sa malawakang paglaganap ng wikang Filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa umusbong
ang varayti nito. Bunsod ito ng varyasyon sa loob ng wikang ito na maaaring leksikal o
bokabularyo, ponolohikal o sa tunog o paraan ng pagbigkas, at gramatikal o lahat ng mga ito. Ang
varyasyon sa wika ay hindi maiiwasan dahil may “interference” na nagaganap kung saan ang
katangian ng unang wika ng mga kalahok sa usapang gamit ang wikang Filipino ay pumasok.
Naiimpluwensyahan ng unang wika ang pangalawang wika sa bokabularyo o leksikon sa paraan
ng pagbigkas at maging sa grammar man (Santos,2010).
May kaugnayan din dito ang sinabi ni Wardaugh (1992) na ayon sa kanya:
Variety is a specific set of linguistic items or human speech patterns (presumably sounds,
words, grammatical features) which can uniquely associate with some external factor
(presumably a geographical area or a social group). The language variety exists because of the
use of single language which is different within a single community.

Ang isang wika ay nagkakaroon ng pagkakaibaiba dala ng dalawang mahahalagang salik - ang
heograpikal at sosyal. Sa kondisyong heograpikal, ang tagapagsalita ay nagkaroon ng pagkakaiba
sa tono, bokabularyo o grammar ng wika. Ang pagbabagong ito ay batay rin sa lugar o lokasyon
ng tagagamit ng wika. Ang kondisyong sosyal naman ay ang pagkakaiba-iba ng wika dahil sa iba’t
ibang interes, gawain, propesyon, pamumuhay at iba pa.

TANDAAN:
Ang varayti ng wika ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng parehong wika na ginagamit ng
iba’t ibang grupo na may varyasyong panloob sanhi ng lugar na kinaroroonan ng partikular na
grupo ng mga tagapagsalita o grupong kinabibilangan (Santos, et.al 2009).
Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa
partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang
partikular na varyasyon o varayti ng wika.
Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring
ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita.

Mga karagdagang Kaalaman:

Ang Barayti ng Wika ay isang pagkakaroon ng pagkakaiba depende sa estilo, punto at iba
pang salik ng wika na ginagamit ng isang lipunan.
Iba’t ibang Barayti ng Wika
Ginagamit ang dayalek ng isang partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular
na lugar tulad ng lalawigan. Ito ay ang tawag sa wikang ginagamit sa isang partikular na pook o
lugar, maliit man o malaki. Dagdag pa, ito ang itinuturing na unang wika na nakagisnan natin sa
ating tahanan. Kadalasan itong ginagamit ng ating mga magulang at iba pang mga miyembro ng
ating pamilya. Ang halimbawa nito ay ang mga sumusunod: Tagalog, Ilokano, Bikolano, Cebuano,

6|PahIna
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2
Ilonggo at iba pa. Dahil din sa mga iba’t-ibang aspetong sosyal, heograpikal at temporal, tayo ay
nagkaroon ng baryasyon ng dayalekto.

Halimbawa nito ay ang wikang Tagalog na may napakaraming baryasyon ayon sa heograpiya:

Tagalog ng Rizal Tagalog ng Maynila


“mag-urong ng pinggan” “maghugas ng pinggan”
Tagalog ng taga-Timog Luzon Tagalog ng Maynila
“kayayao-yao lang niya” “kaaalis lang niya”

Isa sa mga uri ng barayti ng wika ay ang idyolek. Ito naman ay tumutukoy sa iba’t ibang punto o
“accent” ng mga tao. Dagdag pa, ito ay isang uri ng pormal na salita na karaniwang ginagamit ng
isang indibidwal sa isang natatangi o yunik na pamamaraan. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang
istilo ng pananalita. Basahin ang mga halimbawa:

1.) Naiibang tono sa pagbigkas ni Noli de Castro ng mga katagang, “Magandang Gabi
Bayan!”
2.) Ang malumanay na pananalita ni Charo Santos Concio sa kanyang programang
Maalala Mo Kaya.
3.) Ang paos na boses ni Inday Badiday sa pagsasabi ng katagang “Promise!”
4.) Ang maton at maangas na pagbabalita ng mga Tulfo brothers.
5.) Ang maharot na istilo ng pag-iinterbyu ni Arnold Clavio.
6.) Ang pag ubo at pagsasabi ni Mike Enriquez ng “Excuse me po!” at “Di namin kayo ka
tatantanan!”
7.) Ang makapal at malamig na boses ni Rey Langit.
8.) Ang paggamit ng mga matatalinhagang salita ni Jimmy Licauco.
9.) Ang masayahin na pananalita ni Mark Logan sa mga Kwento ni Marc Logan.
10.) Ang magkahalong Ingles at Tagalog na lengwahe ni Kris Aquino

Sila ay mga halimbawa lamang ng mga prominenteng tao sa ating lipunan na may sariling
tatak na susimbolo sa kanilang pagkatao. Nakabibilib kung tutuosin na walang dalawang
indibidwal ang magpareho sa aspetong pananalita.

7|PahIna
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2
Kung sinasabi naman nating sosyolek, ito ay wikang nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Ang popular na halimbawa
nito ay coño at gay lingo.

Etnolek ang tawag sa wika na ginagamit ng mga katutubo na kung tawagin ay mga
etnolinggwistikong mamamayan. Dito man sa atin o sa iba pang karatig na bansa sila ay may
kanya-kanyang etnolek na wika na animo’y salitang ibon na sila lamang ang pawang
nakakaintindi. Ang halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
1.) Tohan – tawag sa Diyos (Maranao)
2.) Tekaw – nabigla o nagulat (Maranao)
3.) Solutan – Sultan (Maranao)
4.) Tepad – baba ka ng sasakyan (Maranao)
5.) Munsala – tawag sa sayaw (Ifugao)
6.) Mohana – Salamat (Ifugao)
7.) Marikit – maganda (Ifugao)
8.) Oha – isa (Ifugao)
9.) Kadal Herayo – Sayaw ng kasal (Kalinga, Apayao)
10.) Kadaw la Sambad – Diyos ng mga araw (T’boli)

Jargon ang tawag sa espesyal na teknikal na bokabularyo ng isang larang. Ito rin ang nagsisilbing
paraan ng mga “tagaloob” ng isang larang upang makilala ang isa’t isa at magkaroon ng ugnayan
at maihiwalay sa kanila ang mga “tagalabas.” Ilang halimbawa nito ang mga salitang inbound,
outbound, psychocentric,executive chef, sous chef, lesson plan, instructional materials at iba pa.

Ang register ay baryasyon batya sa gamit samantalang ang diyalekto ay batay sa taong
gumagamit. Tinatawag ding estilo sa pananalita ang register. Ang isang tao ay maaaring
gumagamit ng iba’t ibang estilo sa kaniyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag
ang kaniyang nadarama. Isang pinanggagalingan ng mga baryasyon ng pananalita ng indibidwal
ay depende sa mga sitwasyon ng paggamit. Hindi lang kaso ito ng kung sino tayo kundi kung
anong mga sitwasyon ang kinapapalooban natin. Halimbawa, iba ang register ng isang guro kapag
kausap niya ang punong guro, iba rin ang gamit niyang register kapag kausap niya ang mga
kasamahang guro at lalong naiiba ang register niya kung kaharap ang kaniyang mag-aaral.

8|PahIna
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2
Pidgin at Creole

Sa mga pagkakataon na walang lingua franca o isang wikang pambalana para sa komunikasyon
ng mga Pilipinong may iba’t ibang katutubong wika, lumilikha sila ng pansamantalang wika na
kung tawagin ay pidgin. Gaya ng nangyari sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol na
nagresulta sa wikang Chavacano. Una itong naging wikang pidgin mula sa halo-halong wikang
Espanyol, Tagalog, Cebuano, Ilocano at iba pa. Nangyari ito nang magtayo ng kuta ang mga
Espanyol sa Mindanao at pinagsama-sama ang mga Pilipino mula sa Luzon at Visayas na noon ay
hindi pa nagkakaintindihan. Ang Chavacano ay nagsimula bilang imbentong pagpapahayag na
pidgin . Nang lumaon nag-asawa ang mga Pilipino at Espanyol at ginamit ng kanilang mga anak
ang pidgin, kung kaya ang imbentong wikang ito ay naging creole o inimbentong wika na may
katutubong tagapagsalita.

Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika:


1. Permanents para sa mga tagapagsalita / tagabasa
a) dayalekto b) idyolek
Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at Ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng
katayuan sa buhay. personal na kakanyahan ng tagapagsalita o
wikang ginagamit ng partikular na indibidwal.
Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring
lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita idyosinkratiko tulad ng paggamit ng partikular
sa dimension: espasyo, panahon at katayuang na bokabularyo nang madalas.
sosyal.

Maihahalimbawa rito ang mga dayalekto ng Ayon pa rin kay Catford, permanente nang
Tagalog na ayon sa iba't ibang lugar ng matatawag ang idyolek ng isang taong may
tagapagsalita tulad ng Tagalog-Bulacan, sapat na gulang.
Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-
Cavite, Tagalog-Mindoro, TagalogRizal at
Tagalog-Palawan.

9|PahIna
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2
2. Pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.
Ang pansamantalang varayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit ang wika. Kasama
rito ang register, mode at estilo.
a) Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita
sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa nito ay: sayantipikong register, panrelihiyong register,
pang-akademikong register at iba pa.

b) Ang estilo ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay
maaaring formal, kolokyal at personal.

c) Ang mode ay ang varayting kaugnay sa midyurn na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng


pasalita o pasulat. Sa isang pangkat-wika o speech community makikita ang varyasyon ng wika
sa parnamagitan ng:
➢ mga taong bumubuo rito;
➢ pakikipagkomunikasyon ng tao;
➢ interaksyon ng mga tao;
➢ sa mga katangian ng pananalita ng mga tao; at;
➢ sa sosyal na katangian ng mga tao

Tunghayan sa ibaba ang paghahambing sa mga varayti ng wika:


Wika laban sa Diyalekto
WIKA DIYALEKTO
✓ Mas malawak at malaki kasya sa diyalekto ✓ Tinatawag ding wikain, lalawigan, dayalek
✓ Mas marami ang gumagamit kaysa sa ✓ Varyant ng isang malaking wika
diyalekto ✓ Mas maliit, limitado ang saklaw, mas
✓ May cognate na maiintindihan ng mayorya kaunti ang gumaganit kaysa sa wika
sa bansa ✓ Nakabatay sa heograpiya/maliit na lugar
✓ Walang mutual intelligibility ✓ May mutual intelligibility
✓ Wika ang Bikol, Tagalog, Bisaya, ✓ May pagkakahawig ang ispelling/tunog ng
Kapampangan, Waray, Iloko/Ilokano mga salita.
✓ May mayamang diksyonaryo, gramatika at ✓ May stereotype
gamit sa mataas na antas ng pagtuturo ✓ May punto kaysa sa iba
✓ May pretihiyo kaysa sa diyalekto
Sosyolek laban sa Idyolek
SOSYOLEK IDYOLEK
✓ Varayti sa paggamit ng wika na nag-iiba- ✓ Ang ikinatatangi sa paraan ng pagsasalita
iba depende sa katayuan sa lipunan. ng isang tao.
✓ Varayting nabubuo batay sa dimensyong ✓ Tumutukoy rin ito sad alas ng paggamit/
sosyal, ibig sabihin nakabatay sa mga pagbanggit ng salita/parirala/pahayag na
pangkat-panlipunan. ginagaya ng marami.
✓ halimbawa ay pangkat ng mga bata, preso, ✓ Varayti ng wikang kaugnay sa personal na
abogado, inhenyero, nars, doctor at iba pa. kakanyahan ng isang tagapagsalita.

10 | P a h I n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2

✓ Anumang pekyularidad sa paggamit ng


wika.
Pidgin laban sa Creole
PIDGIN CREOLE
✓ Varayti ng wika ba nabuo/nabubuo dahil sa ✓ Dati ay Pidgin na napaunlad o nalinang
pangangailangan at praktikalidad. sapagkat inangkin ng isang lehitimong
✓ Nangyayari ito sa pakikipagkalakalan na grupo o pangkat.
hindi alam ang wika ng iba. ✓ Mas marami itong katutubong ispiler kasya
✓ Wala itong katutubong ispiker sa pidgin.
✓ Wala itong katutubong ispiker. ✓ Hindi na lamang ito wika ng “hilaw na
✓ Walang komplikadong gramatika at may pakikipagkalakalan’ kundi’y naging wika
limitading talasalitaan. na ng isang pamayanang panlipunan.
✓ Madalas na hango sa isang wika ang ✓ Konretong halimbawa nito ang
usapan at ang estruktura naman ay sa iba Chavacano.
ring wika.
✓ Halimbawa, “suki, ikaw bili tinda mura”

Mga iba pang varayti ng wika:


Punto. Ito ay tinatawag ding accent. Lahat ng tagapagsalita ay may
punto, mas halata nga lamang sa iba. Ito rin ay tumutukoy sa kung
paano bumibigkas ang isang tao. Halimbawa, iba ang punto ng isang
Bikolano, sa isang Batanggenyo
Rehistero. Nakabatay sa kung ano ang iyong ginagawa. Sinasabi ring
intelektwalisasyon ng wika. Nakabatay sa trabaho: abogado, pari,
isports, guro at iba pa. Nakabatay ito sa gamit at hindi sa gumagamit.

11 | P a h I n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2

Fil 01
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Modyul 2

PANGALAN: ISKOR:

SEKSYON:

GAWAIN 1. Pagtutukoy.
Panuto: Tukuyin ang barayti ng wika na inilalarawan ng sumusunod na mga pahayag. Isulat ang
sagot sa laang patlang.

1) Wikang ginagamit bilang tulay na wika ng mga taong magkakaiba-


lingua franca
iba ang katutubong wika.
sosyolek 2) Barayti ng wika na nagbabago ayon sa pagiging pormal o impormal
idyolek ng sitwasyon ng komunikasyon.

register 3) Barayti ng wika batay sa edad, kasarian, katayuang panlipunan at


iba pang pangkat na kinabibilangan sa isang lipunan.
dayalek
4) Barayti ng wika na batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay ng
punto tagapagsalita.
5) Personal na gamit ng wika ng isang tao.

GAWAIN 2. Pagtatala.
Panuto: Magtala ng 5 teknikal na terminolohiyang ginagamit sa iba’t ibang larangan: Medisina,
Abogasya, Media, Social Media, Enhinyera, Negosyo at iba pa.
(Halimbawa: Edukasyon- chalk, instructional materials, rubrics, lesson plan, syllabus)

1. 1. 1. 1.

2. 2. 2. 2.

3. 3. 3. 3.

4. 4. 4. 4.

5. 5. 5. 5.

12 | P a h I n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2

GAWAIN 2. Pagbubuo.
Panuto: Punan ang mga kahon ng halimbawang nagmula sa iyong sariling kaalaman, pananaw
at mga karanasan.
Halimbawa ng Iba’t ibang Barayti ng Wika
Punan ang kahon ng Punan ang kahon ng Punan ang kahon ng Punan ang kahon ng
tatlong gay lingo na isang pangungusap na isang pangungusap na limang jargon ng
alam mo at ang sinasabi ng coño o nakasulat sa paraang trabahong ninanais
kahulugan ng bawat sosyal. jejemon. mong makuha o
isa. magampanan balang
araw.

Punan ang kahon ng Isulat mong muli ang Punan ang kahon ng Punan ang kahon ng
pangalan ng taong pangungusap sa ibaba. isang salitang gamit sa isang salitang
may kilalang idyolek. Isipin mong ang lalawigan o rehiyon maituturing na
Sumulat ng pahayag kausap mo ay ang na may ibang etnolek.
na madalas marinig bestfriend mo. kahulugan sa Tagalog
sa kaniya. ng Maynila
“Pinayagan ako ng
aking ina at ama na
dumalo sa
pagdiriwang ng iyong
kaarawan.”

13 | P a h I n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 2

Repleksyon:
1. Nagtanong ba ako kung kailangan ko ng tulong?
2. Nagsikap ba ako hanggang sa aking makakaya?
3. Nagtakda ba ako at nagpapanatili ng mataas na pamantayan para sa aking sarili?
4. Gumugol ba ako ng sapat na oras upang gumawa ang isang kalidad na awtput?
5. Kinontrol ko ba ang aking pagpapaliban o anumang nakagagambala upang makumpleto
ang aking gawain?

MAY KATANUNGAN O PAGLILINAW?

I-email ako sa account na ito: alixsonjasreldp@gmail.com

Maraming Salamat.

SANGGUNIAN:
Binwag, Alicia M. et. al, Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. St. Andrew Publishing
House
https://doku.pub/documents/kontekstwalisadong-komunikasyon-sa-akodemikong-filipino-
d0nvvxzxvoqz
https://prezi.com/0estsydfoxn8/mga-isyung-pangwika/
https://www.academia.edu/31756347/Ang_Varayti_at_Varyasyon_Ng_Wika
https://www.academia.edu/37037043/MGA_VARAYTI_AT_VARYASYON_NG_WIKA_Heyograf
ikal_Sosyal_at_Okufasyunal
https://www.scribd.com/document/356357651/Pre-Test
https://www.academia.edu/37505370/Varyasyon_o_Barayti_ng_Wika_Homogeneus_at_Heterogeneo
us_na_wika
https://www.academia.edu/34093314/Ang_Pag_Aaral_ng_Varayti_at_Varyasyon_ng_Wika_Hangua
ng_Balon_sa_Pagtuturo_at_Pananaliksik
Mga larawan ay kinuha sa:
http://aralingpinoy.blogspot.com/2009/04/manuel-l-quezon_26.html
https://www.goodreads.com/book/show/7840903-filipino-ng-mga-filipino
14 | P a h I n a

You might also like