LP 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MALA MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

______________________________________________________________________________

KOMPETENSI:
Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. Tao, tao vs. Sarili) sa kuwento batay sa
napakinggang pag-uusap ng mga tauhan. F9PN-llld-e-52
Naiuugnay sa kasalukuyang ang mga tunggalian (tao vs. Tao at tao vs. Sarili) napanood sa
programang pantelebisyon. F9PD-llld-e-51

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang iba’t ibang uri ng tunggalian;
b. naipapaliwanag ang kahalahagan sa pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa iba't ibang
tunggalian sa totoong buhay at;
c. nakagagawa ng isang pantomime na kakikitaan ng iba't ibang tunggalian.
II. Paksang-aralin:
Paksa: Maikling Kwento (Tunggalian – Tao vs. Tao at Tao vs. Sarili)
Sanggunian: Panitikang Asyano, pp 3 (Modyul ng mag-aaral sa Filipino 9)
Kagamitan: TV, PowerPoint Presentation, Laptop
III. Pamamaraan ng Pagturo:
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng atendans
 Pagbabalik-aral
 Pagganyak
Magpapakita ng isang music video ng isang kanta na pinamagatang “Mapa” ng
SB19. Makikita ang bidyu sa link na ito: https:/youtu.be/2lR1wM_JeT8.
B. Panlinang na Gawain
Magbasa Tayo! – Dugtungang Pagbasa.
Babasahin ang nakaaantig na kuwento na pinamagatang “Nang Minsang Naligaw si
Adrian”. Matutunghayan sa Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pahina 14-15. Babasahin ito ng malakas ng mga mag-aaral. Papangkatin sila sa apat.
Pagkatapos, ituturo ng guro kung saang talata magsisimula at hihinto ang bawat grupo
upang sa gayo’y hindi magkalituhan at gugulo ang klase.
C. Pagsusuri
Babalikan ng guro ang music video at maikling kwento na binasa at itatanong sa
mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan. Pipili ng 1-2 mga mag-aaral
upang sumagot sa bawat katanungan.
1. Ano ang tema o mensahe na inyong mahihinuha sa music video na ating
pinanuod at sa Maikling Kwento na inyong binasa?
2. Paano mo ilalarawan si Adrian bilang isang anak?
3. Bakit mahalagang malaman kung ano ang nagaganap na tunggalian sa
kwento?
4. Maari bang maganap sa totoong buhay ang tunggaliang naganap sa isang
tauhan? Magbigay ng halimbawa.
D. Paglalahat
Tatalakayin ang iba’t ibang uri ng tunggalian ng kwento.
Page 7 (Modyul 3 – Maikling Kwento)
1. Ano ang maaring mangyari kung walang tunggalian ang isang kwento?
2. Paano mo masasabi na mahalagang may kaalaman ang isang indibidwal sa iba’t
ibang uri ng tunggalian?
Magbibigay ang mga mag-aaral ng halimbawa sa bawat tunggaliang tatalakayin.
E. Paglalapat
Panuto: Sa magkaparehong grupo, gagawa ang bawat pangkat ng isang pantomime
na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng tunggalian mula sa larawan na ibibigay ng guro.

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nilalaman Ang Hindi Medyo Walang


IV. tunggalian ay gaanong magulo ang tunggalian
mabisang naipakita dula (4) ang
naipakita (10) ang naipakita
tunggalian (1)
(7)

Karakterisasyo Nabibigyang Hindi Walang Hindi


n buhay ang agad buhay ang matukoy
bawat matukoy mga aktor (4) ang mga
karakter (10) ang mga tauhan at
tauhan (7) walang
buhay ang
mga aktor
(1)

Pagkamalikhain Napakaganda Maganda Hindi Hindi


at malikhain ang malikhain ang maganda
ang dula (10) kabuuang pagkakalahad (1)
ipinakitan (4)
g dula
ngunit
hindi
malinaw
ang
tunggalian
(7)

Kabuoan

Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang tunggalian na nakapaloob sa bawat pahayag. Isulat ang TLS
kung ang sagot ay Tao labas sa Sarili, TLT kung Tao laban sa Tao, TLK kung Tao
laban sa Kalikasan, at TTL kung ang sagot ay Tao laban sa Lipunan. Isulat ang sagot
sa inyong papel.

______1. Hinampas ng malakas na alon ang barkong kaniyang sinasakyan.


______2. Nagdadalawang isip ang babae na lumapit sa anak upang humingi ng
tulong.
______3. Pilit siyang sinusundan ng mga kalalakihan at siya’y pinapuputukan ng baril.
______4. Pinagkamalan siyang mangkukulam kaya siya ay panagbuhatan ng kamay
ng kanyang mga kapitbahay.
______5. Nagdewelo ang magkaribal para sa matamis na “oo” ng kanilang
manliligaw.
V. Kasunduan

Panuto: Pumili ng isang paboritong eksena mula sa pinanonood/napanood na


teleserye o pelikula na nagpapakita ng tunggalian ng Tao Laban sa Tao o Tao Laban
sa Sarili. Suriin ang napiling eksena sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

You might also like