Araling Panlipunan 6 Rev

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: Baitang:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Deklarasyon Ng Kasarinlan Ng Pilipinas At Ang Pagkakatatag Ng Unang
Republika

Panimula

Ang makasaysayang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas ni Heneral Emilio


Aguinaldo ay nangyari noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Sa araw na ito ay
iwinagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas kasabay ang pagtugtog ng pambansang
awit ng Pilipinas na pinamagatang “Marcha Nacional Filipina.” Ang musika ng pambansang
awit ng Pilipinas ay kinatha ni Julian Felipe at titik naman ni Jose Palma.

Ang watawat ng Pilipinas na iwinagayway ni Pangulong Emilio Aguinaldo ay


sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Ito’y idinisenyo mismo ni Heneral Aguinaldo na
ginawa naman nila Gng. Marcela Agoncillo, Josefina Herbosa de Natividad at Lorenza
Agoncillo. Yari ito sa seda, may puting tatsulok sa kaliwa na may isang araw sa gitna. May
walong sinag ang araw, may bituin sa bawat sulok ng tatsulok, may pahalang na bughaw sa
itaas at pahalang na pula.

Ang deklarasyon ng Kalayaan ay binasa ni Ambrosio Rianzares-Bautista na siyang


sumulat nito sa wikang Espanyol. Ang makasaysayang dokumento ay nilagdaan ng 98 katao
sa pamumuno ni Aguinaldo. Nakapirma rin ang isang Koronel L.M. Johnson ng hukbong
Amerikano. Napakahalaga ng pangyayaring ito sapagkat ipinakita nito sa buong daigdig na
ang Pilipinas ay isa nang ganap na malayang bansa.

Ang Unang Republika ng Pilipinas, kahit na hindi kinilala ng Amerika at iba pang
banyagang bansa, ay isang tunay na Republika ng Pamahalaang Pilipino, at para sa mga
Pilipino. Ito’y ipinagmamalaki ng karaniwang Pilipino. Ang kapangyarihan nito ay kinilala
hindi lamang sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Napahahalagahan ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas at ang pagkakatatag
ng Unang Republika. (AP6PMK-If-9)
Sa pamamagitan ng pinagtibay ng Saligang Batas ng Malolos noong
ika- 21 ng Enero, 1899 ay nagwakas ang Pamahalaang Rebolusyonaryo at
itinatag ang Pamahalaang Republikano. Kaya naman, noong ika- 23 ng Enero,
1899 pinasinayaan ang pagtatatag ng unang republika ng Pilipinas sa Simbahan
ng Barasoain sa Malolos, Bulacan. Ito ay higit na kilala sa pangalang Republika
ng Malolos. Si Emilio Aguinaldo ang nagsilbing pangulo ng republika hanggang
sa madakip siya ng mga Amerikano sa Palanan, Isabela noong ika 23 ng
Marso, 1901. Humalili sa kanya bilang pangulo ng republika si Heneral
Miguel Malvar na nahuli rin noong ika-16 ng Abril, 1902 na naging hudyat ng
pagwawakas ng Republika ng Malolos.
Ang makasaysayang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas ni
Heneral Emilio Aguinaldo ay nangyari noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa
Kawit, Cavite. Sa araw na ito ay iwinagayway ang pambansang watawat ng
Pilipinas kasabay ang pagtugtog ng pambansang awit ng Pilipinas na
pinamagatang “Marcha Nacional Filipina.” Ang musika ng pambansang awit
ng Pilipinas ay kinatha ni Julian Felipe at titik naman ni Jose Palma. Ang
watawat ng Pilipinas ay dinisenyo sa Hongkong nina Marcela Agoncillo
kasama sina Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa de Natividad.
Ang deklarasyon ng Kalayaan ay binasa ni Ambrosio Rianzares-Bautista
na siyang sumulat nito sa wikang Espanyol. Ang makasaysayang dokumento ay
nilagdaan ng 98 katao sa pamumuno ni Aguinaldo. Nakapirma rin ang isang
Koronel L.M. Johnson ng hukbong Amerikano. Napakahalaga ng pangyayaring
ito sapagkat ipinakita nito sa buong daigdig na ang Pilipinas ay isa nang ganap
na malaya.

You might also like