Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Correction Key for Factsheets Practice Number 3

Balita # 1
Fil-Am designer, ikinagalak ang pagsuot ni Whang-Od ng salaming ibinigay
Tuwang-tuwa ang isang Hawaii-based Filipino-American designer matapos makita si Apo
Whang-Od, ang pinakahuling traditional Kalinga tattooist, na suot-suot ang ibinigay niyang
salamin nang bumisita ito sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Matatandaang suot ni Apo Whang-Od ang salaming bigay ni Iris Viacrucis nang
tumanggap ito ng parangal sa Malacañang noong nakaraang linggo para sa mga kontribusyon
nito sa tradisyonal na sining ng Pilipinas.
Ayon kay Iris, matapos siyang matatoo-an ni Apo, tinanong niya kung nais ba nito ng
souvenir.
Kaya naman ibinigay ng international designer ang eyeglasses para sa traditional artist.
Pinaplanong muling mabisita ni Iris si Apo sa Mayo, at susubukan daw nitong magdala
ng doktor para mabigyan ng tamang prescription ang kanyang mga mata.

Balita # 2 (Maaaring mabago ang anggulo kung maikli lang ang showbiz balita)
Mariel, nagsalita na ukol sa ‘gluta drip session’ sa senado
Nagpaliwanag na ang TV host-social media personality na si Mariel Rodriguez-Padilla,
misis ni Senador Robin Padilla, hinggil sa isyu ng pagsasagawa niya ng glutathione drip session
sa mismong tanggapan ng kaniyang mister sa loob ng senado.
Sa kaniyang live selling nitong Sabado, Pebrero 24, ay inaddress na ni Mariel ang isyu
dahil panay bash pa rin ang netizens sa comment section habang nag-aalok siya ng mga
paninda.
Aniya, wala raw siyang intensyong mambastos ng sinuman o anuman dahil ang
intension lang naman niya ay i-prioritize ang paglalagay ng bitamina sa ating katawan kahit na
abala ang lahat sa kani-kanilang gawain.
Dagdag pa niya, dahil nga opisina iyon ng kaniyang asawa, sa isip niya, nakita niyang
ligtas na lugar ito para sa kaniya.
Binura daw niya ang IG post dahil marami ngang nag-react sa kaniyang post, at bilang
respeto na rin daw sa mga na-offend, dinelete na lang niya ito. Iginiit din ni Mariel na hindi
naman niya sinabing glutathione ang pina-drip niya. Ito raw ay vitamin C.
-----
Balita # 3 (Maaaring mabago ang headline dahil lampas itong sampu)

Pastor Quiboloy, sinabing gusto siyang i-'eliminate' ng US; PHL gov't kasabwat
umano
Inakusahan ng lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy ang
Amerika na nais umano siyang i-"eliminate" sa pamamagitan ng "rendition," at sinasabing
kasabwat ang gobyerno ng Pilipinas. Umaasa naman ang US, na kakaharap ni Quiboloy ang
kaniyang mga kaso.
Sa audio recording na naka-post sa Facebook nitong Miyerkules, sinabi ni Quiboloy na
may nagbigay sa kaniya ng impormasyon na kumikilos umano ang mga ahensiya ng Amerika--
gaya ng Central Intelligence Agency (CIA) at Federal Bureau of Investigation (FBI) -- para
magsagawa ng "rendition" laban sa kaniya sa halip na extradition.
Ayon kay Quiboloy, ayaw nila ng extradition treaty. Rendetion ang gagawin ng CIA, FBI,
ng US Embassy, at State Department, kasabwat ng ating gobyerno ng Pangulong Marcos at ng
First Lady at kung sino pa man ang nasa gobyerno.
Ang "rendition," ay pagkuha ng isang estado sa isang suspek na may arrest warrant
kung nasa ibang estado ito.
Sabi pa ng Pastor, hindi lang rendition kundi elimination. Maaari rin daw umano siyang i-
assasinate.
Ayon sa religious leader, maaaring may bigla na lang pumasok sa kaniyang lugar at
kunin siya.

_____
Balita # 4
Mahigit 500 sanctions, ipapataw ng Amerika sa Russia

Maglalabas ng 500 sanctions ang Estados Unidos laban sa Russia, sa ikalawang


anibersaryo ng pagsalakay nito sa Ukraine, ayon kay Deputy U.S. Treasury Secretary Wally
Adeyemo.
Sa pakikipagtulungan sa iba pang mga bansa, ita-target ng US ang military industrial
complex ng Russia at mga kumpanya na tumutulong sa nasabing bansa na magkaroon ng
access sa mga import goods.
Kasunod lamang nito ang pagkamatay ng opposition leader na si Alexei Navalny.
Ito na ang pinakabagong pagsisikap ng Amerika laban sa Russia, mula sa libo-libong
nilang natatanggap na simula pa noong 2022.

Balita # 5
Gilas Pilipinas, wagi laban sa Hong Kong sa 2025 FIBA Qualifiers
Dinaig ng Gilas Pilipinas ang Hong Kong sa pagbubukas ng kanilang kampanya sa 2025
FIBA Asia Cup Qualifiers kagabi sa Tsuen Wan Stadium.
Naging maganda ang laban ng ating representative sa pagpasok ng third period nang i-
outsocre nila ang Hong Kong.
Sa huli, naging maganda ang laban ngunit namayagpag pa rin ang Pilipinas sa final
score na 94-64.
Ito ang unang panalo ng koponan sa ilalim ng pamumuno ni head coach Tim Cone.
Sunod nilang makakalaro ang Chinese Taipei sa Linggo, at muli nilang makakalaban ang
Hong Kong sa Nobyembre.

You might also like