Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Leonardo Lenny Mercado

 SVD
 Cebu
 Pilosopiyang Pilipino batay sa kultura ng katutubo
 Fr. Ambrocio Manaligod – enkulturasyon
 1970 Italy – magkakabit ang wika at isipan
 Hajime Nakamura – Ways of Thinking of Eastern People: India, China, Tibet (Filipinized version)
 Emerita Quito – propesor sa UST

Mga tema:
1. Diwa – pagkakaisa at coherence
2. Gawa – doing at making (holistiko)
3. Loob – buot (utang na loob)
4. Sakop – nasa ilalim ng kapangyarihan o awtoridad
5. Kagandahan – kabutihan ay buti (good)
6. Wika at Reyalidad –
7. Pilosopiya ng pagka- - imposible ang ganap na pagsasalin
8. Kalikasan – metapisika
9. Ethics sa kulturang Pilipino –
10. Edukasyon – hindi lamang pagpapasa bagkus proseso ng kultural at sosyal na pagbabago

Mga Pagninilay:
1. Sa konseptong Loob, Sakop, at Pakikipagkapwa-tao, may paliwanag kaya sa problema ng nakawan sa
kaban ng bayan?
2. May kinalaman ba ang pahkaalipin natin sa mga dayuhan ang ating pagtingin sa sarili at pananaw sa
buhay sa isyo ng labor/ migrasyon?
3. Sa pangkalahatang pagninilay sa mga sinabi ni Merkado, maari kayang makabuo ng isang kamalayang
may pagmamahal sa bayan bilang nangunguna kaysa rehiyon/ laalawigan na pinanggalingan?
4. Sa iyong hinuha may kinalaman ba ang konsepto ng “sakop” kung bakit mas pinili ng mga nakakarami
na iboto si PBBM dahil tumatanaw sila ng “utang na loob” sa tingin nilang kagandahang ibinigay ng
kaniyang amang si Ferdinand Marcos Sr.?
5. Sa iyong hinuha, sa usaping “synodality” at “ecumenism”, maaari bang mapabilang sa “sakop” ang mga
Kristiyanong mayroong ibang pananaw at interpretasyon kumpara sa ating mga Katoliko?
6. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masasabi nating tama na pagsabayin ang paglilibang sa oras ng
“gawa”, halimbawa nagliliwaliw sa ibang bansa ang Presidente habang ang buong bansa ay naghihirap,
sa iyong plagay paano natin masasabi na tama ang paraan ng paglilibang na ginawa sa oras ng “gawa”?
May kinalaman ba ang pagkaalipin natin sa mga dayuhan ang ating pagtingin sa sarili at pananaw sa buhay sa
isyo ng labor/migrasyon?
Sa pananaw ng kaisipang Kolonyalismo, isang malaking buhat natin ang pagpapasan sa ideyang
banyaga lalong lalo na sa isyo ng patriarchy at hierarchy na kung saan napalagay na sa ating kaisipan ang
pagpapaailalim sa may kapangyarihan at kung sino dapat humawak sa kapangyarihan. Dahil dito, mas
nawawalan tayo ng karapatan upang umangkin ng sariling kapangyarihan at pahalagahan ang sarili. Totoo
namang kahit ang gobyerno ay nasailalim din ng kapangyarihan ng banyaga at ang utang na loob sa Pilipino ay
napalitan ng Literal na Di mabayad bayarang Utang sa mga karatig na Bansa lalo na sa Amerika. Ito ang dahilan
kung bakit tayo ay nakabigkis parin sa mga dayuhan dahil Malaki ang ating pagkakautang sa kanila. Upang
mabayaran ang interes, nag bibigay ng oportunidad ang gobyerno upang iaangkat ang ating mga sariling
produkto o di kayay kapwa Pilipino upang magtrabaho sa ibang bansa. Ang naging epekto nito ay ang pagbaba
ng produktibidad sa sariling bansa at pagkakawatak watak ng pamilya. Ang iba ay nalolong sa masamang
Gawain dahil sa kawalan ng paggabay sa loob ng sariling tahanan. Sa simpleng kaisipan lamang na ito ay
naapektuhan ang pundasyon ng sakop sa pagka-Pilipino at napapalitan ng pagkasakop sa ibang bansa. Kahit
naiisip ng mga Pilipino ang pagtatrabaho para sa ikauunlad ng pamilya, hindi natin namamalayan na ang ating
mas binibigyan ng importansya ang ibang bansa kesa sa sariling pamilya. Kayat nagsilbi itong plataporma sa
administrassyong Marcos upang paigtingin ang usaping agrikultura at domestikong pagtatrabaho upang
masolusyunan ito, subalit ang utang na loob natin sa mga pangako nya ay natatakpan na lamang ng panggakong
di naman nya kayang panagutan dahil sa International Alliance sa iba’t ibang bansa. Laganap na migrasyon at
pagdagdag ng pagkakautang sa kanila. Totoo namang bilang depensa, di dapat sisihin ang gobyerno upang mas
pahalagahan ang sarili ngunit wag din nating ipagkaila na bilang may hawak ng kapangyarihan at tatay ng
bansa, dapat syang magsilbing ehemplo upang ibigay ang nararapat sa mga anak, subalit di ito nagagawa dahil
sa pagpapasakop sa mas nakakataas sa kanya.

You might also like