Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGSISIKAP, ANG SUSI NG TAGUMPAY

NI: KRISTAL MAE G. PERRAL


‘’Mga hamon sa buhay ay harapin ng walang alinlangan dahil sa dulo ng
pagsusumikap ,makakamit ang matamis na TAGUMPAY’’
Sa mundong ating kinabibilangan,lahat ng tao ay pantay-pantay
mahirap man o mayaman. Bawat isa ay nagsusumikap maabot lamang ang mga
pangarap sa buhay. Isa sa mga gusto nating gawin ay mag-aaral ng mabuti at
magsumikap sa buhay. Magpapatalo ba tayo sa mga pagsubok na ating
masasalamuha sa pag-abot ng mga pangarap?Hahayaan nalang ba na masira ito?
Alam naman natin na ang buhay ay puno ng mga pagsubok . Kahit
anong unos na dumarating sa ating buhay lagi nating itatak sa isipan na hindi ito
magiging hadalang sa pag-abot ng ating mga pangarap,bagkus ito pa ang
magpapatibay ng ating loob na harapin ang mga hamon sa buhay.
Ang mga pagsubok sa buhay ng tao ay likas na at nakaakibat na ito
sa ating mga pagkatao. Kung paano natin ito haharapin at lalabanan, nasa mga sarili
na natin ito. Ang mga problemang dumaraan sa ating buhay ay nagiging daan para
lalong magpakatatag at huwag sumuko. Kung nais natin makamit ang mga
tagumpay paghirapan natin ito. Dahil ang lahat ng taong matagumpay ay dumaan sa
maraming pagsubok bago niya marating ang rurok ng tagumpay. Paghirapan nating
abutin ang ating mga pangarap dahil itoy magbubunga ng kaginhawaan sa ating
buhay. Magtiwala lang tayo sa ating mga sarili at sa poong maykapal dahil siya ang
gumagabay sa atin patungo sa inaasam nating tagumpay.
Kung minsan tayo ay nadadapa ngunit patuloy na bumabangon, dahil
ang buhay nag tao ay sadyang mapaglaro. Laging itatak sa ating mga isipan na ang
ating mga pangarap ang magiging susi upang tayo ay magpursige. Magtiwala lang
tayo sa ating kakayahan at diyan na natin makakamtan ang tagumpay.
‘’PAGLAYA GAMIT ANG PANANAMPALATAYA’’
Tula ni: Kristal Mae G. Perral

Kaibigan, wala ka bang naririning na bulong?


Ng isang taong humihingi ng tulong
Na para bang nagbisikletang walang gulong
At parang isang presong matagal na nakakulong

Nakakulong sa likod ng bakal na rehas


Na kahit anong gawin ay hindi makatakas
Pinaghihinaang hindi na masilayan ang bukas
Sapagkat unti-unting kinain ng takot ang kanyang lakas

Kaibigan, ‘yan ang buhay ng walang diyos


Na kahit anong gawin ay hindi makaraos
Pilit tanggalin ang kadenang nakagapos
Upang paghihirap ay tuluyan ng matapos

Hindi pa huli ang lahat


Mga mata mo ay imulat
Bumalik ka sa kamay ng ating Ama
Na minsan ay hindi niya tayo pinabayaang mag-isa

Siya lang ang natatanging susi


Na magbubukas sa masalimoot nating pighati
Gaano man kalaki ang ating nagawang kasalanan
Siya’y mananatiling ilaw sa madilim nating nakaraan
Pagkat ang ating Amang Makapangyarihan
Ay hinding-hindi tayo iiwan.
ANG PALAKA AT ANG ASO
Pabula Ni: Kristal Mae G. Perral

Isang araw , namasyal si palaka sa tabi ng ilog. Nakita niya ang


isang aso na masayang naglalaro sa damuhan. Nilapitan niya ito, nais niyang
makipagkaibigan dito. Tumawa lang ng malakas ang aso at pakutyang sinabi na,
hindi ang tulad mo ang gusto kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki ko at
kasinbilis kong tumakbo. Hindi tulad mong maliit pa ay patalon-talon pang kunilos.
Ang palaka ay napahiya sa tinuran ng palalong aso.’’ Sobra kang mapanglait.
Minamaliit mo ang aking kakayahan.Dapat mong malaman na ang maliit ay
nakakapuwing din.” Napikon si aso. Hinamon niya ng paligsahan si palaka upang
mapatunayan nito ang kanyang sinasabi.

Tinanggap naman ni palaka ang hamon ni aso.

‘’Kapag natalo mo ako sa paligsahan na ito ay pagsisilbihan kita,’wika ni palaka.

Gusto mo talaga ha, Sige ,kailan mo gustong gawin natin ang paligasahan?pasigaw
na sambit ni aso.

Bukas ng madaling araw, sa may gilid ng ilog,’’ ang wika ni palaka.

Tuwang-tuwa si aso dahil siguradong-sigurado na siya na matatalo niya ang isang


palaka. Malaki at mabilis siyang tumakbo rito. Kinabukasan, maagang dumating si
aso ,tulad ng inaasahan, wala pa ang kanyang makakalaban sa paligsahan

Sa isip ni aso, napagtanto na siguro ni palaka na talo na siya kaya hindi pa siya
dumarating.

‘’Oh, andito ka na pala, paano , di paman nagsisimula ay nahuhuli ka na,’’tanong ni


aso.

Okey, ganito ang gawin natin ang maunang makarating sa may malaking puno na
iyon ay siya ang panalo,’’ sabi ni palaka

Tulad ng dapat asahan, sa bilis ng takbo ni aso, puno ng alikabok ang mukha
ni palaka at hindi pa siya nakontento sinipa pa niya ito at tumilapon sa ilog ang
kaawa-awang si palaka. Laking tawa naman ni aso at siya’y nagpatuloy sa pag-
takbo. Hindi niya alam na mas nakapabor si palaka dahil mas mabilis siyang kumilos
pag nasa tubig. Takbo, lingon ang ginawa ni aso hanggang sa makarating siya sa
malaking puno. Laking gulat na lamang niya na makitang nakaupo na sa may puno
ang nakangiting si palaka.

Dahilan sa matinding pagkapahiya at galit sa kanyang pagkatalo kay palaka,


tinadayakan niya ito nang malakas. Mabilis namang nakatalon si palaka. Matigas
ang punong kahoy kaya umatungal ito ng iyak dahil sa sakit dulot ng nabiyak na
kuko sa pagsipa.

Moral Lesson/ Aral


 Iwasan ang pagiging mayabang.
 Huwag dayain ang kapwa.
 Nakakamatay ang kayabangan,mas marami ang nalulugod sa taong
mapagkumbaba kaysa taong ubod ng yabang at puro salita.

You might also like