Cot 1-Filipino 8 - Maikling Dula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Paaralan WHITE CLIFF NHS Baitang GRADE 8

Guro RENAFLOR P. LAVADO Seksyon RUBY


TALA SA IKALAWANG
Petsa DISYEMBRE 11-12, 2023 Markahan
PAGTUTURO MARKAHAN
Oras 1:00-2:00pm Bilang ng Araw 2 ARAW

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang
A. Pamantayang Pangnilalaman
pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at
akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang kulturang
Pilipino.

Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news


B. Pamantayan sa Pagganap
casting) tungkol sa kanilang sariling lugar.
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A) mapaghahambing ang dula batay sa mga katangian at elemento sa ibang
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
akdang pampanitikan;
Pagkatuto (MELC)
B) maisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang
(Kung mayroon, isulat ang
tao;
pinakamahalagang kasanayan sa
C) maipahahayag ang damdamin at pag-unawa sa napakinggang akdang
pagkatuto o MELC)
orihinal.

D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Maikling Dula

III. KAGAMITAN PANTURO TV/Laptop/Manila paper


A. Mga Sanggunian
MELC Filipino 8 Q2
e. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
f. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
g. Mga Pahina sa Teksbuk

h. Karagdagang Kagamitan mula sa


Portal ng Learning Resource

B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo


para sa mga Gawain sa Laptop, pantulong biswal, projector
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
o Pagbati
o Pagdarasal
o Pagtatala ng mga liban sa klase
A. Panimula
PAGGANYAK:

Ang guro ay magpapatunog ng isang musika habang ipinapasa ng mga


mag aaral ang mahiwagang kahon na naglalaman ng mga numero na
kailangan niyong kwentahin upang makuha ang tamang kasagutan.
Kapag tumigil ang tugtog kung sino ang may hawak ng kahon siya ng
kailangang magbigay ng kasagutan.

Panuto: Buoin ang hinihinging salita sa pamamagitan ng pagkwenta


gamit ang ibat-ibang operasyon sa matematika hanapin ang
katumbas na numero sa kahon upang mabuo ang mga ito.

A B C D E F G H I
1 2 3 4 5 6 7 8 9

J K L M N ῆ NG O P
10 11 12 13 14 15 16 17 18
Q R S T U V W X Y Z
19 20
21 22 23 24 25 26 27 28

2+2=4 50-27=23 5+9-2=12 10-10+1=1


1. D 2. U 3. L 4. A

PAGTATANSIYA :

Panuto : basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin


ang kasagutan mula sa kahon at isulat ito sa patlang.

_____________ 1. Ito ay ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga


suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.
_____________ 2. Ito ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan.
_____________3. Maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin
ang isang dula.
_____________ 4. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula.
_____________ 5. Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa dula.

PANIMULANG GAWAIN :

 Tatawag ang guro ng dalawang mag-aaral na magbabasa ng Diyalogo


mula sa maikling dula na pinamagatang ”Dito Pala ang Inyo” ni
Frederico B. Sebastian

Gabay na tanong:

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang mga tanong batay sa


dulang napakinggan.
1. Bakit nagalit si Clary sa kaniyang asawa?
2. Sa inyong palagay batay sa binásang akda ano ang inaasahang buhay ni
Clary sa píling ni Bert?
3. Sa anong uri ng búhay nasanay si Clary kung kaya’t hindi niya alam ang
buhay probinsiya?

B. Pagpapaunlad
o Pagtalakay sa Dula, mga Sangkap nito at Elemento ng Dula

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong maitanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Mauunawaan at matutuhan ng isang
manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng
panonood.

SANGKAP NG DULA
1.Tagpuan. Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring
isinaad sa dula.
2.Tauhan. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot
ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng
dayalogo at nagpapadama sa dula.
3. Sulyap sa suliranin. Ang bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong
suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula
na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit
na isang suliranin ang isang dula.
4. Saglit na kasiglahan. Ito ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan.
5. Tunggalian. Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan
laban sa kaniyang paligid, at tauhan laban sa kaniyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o patong-patong na
tunggalian ang isang dula.
6. Kasukdulan. Ito ay climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng
tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan
ang tunggalian.
7. Kakalasan. Ito ay ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at
pag-ayos sa mga tunggalian.

PANGKATANG GAWAIN:

PANUTO : Igugrupo ng guro ang mga mag-aaral sa apat. Bawat isang grupo ay
C. Pakikipagpalihan bubuo ng maikling dula kung saan maipakikita nila ang mga pangyayari sa
kanilang pang araw-araw na buhay. Maaari silang pumili sa mga sumusunod na
paksa: Pag-ibig, Edukasiyon, Pamilya, at mga kaibigan.

Post Test
Panuto : basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang
kasagutan mula sa kahon at isulat ito sa patlang.

Tauhan Tagpuan Sulyap sa suliranin


Saglit na kasiglahan Kasukdulan Kakalasan

_____________ 1. Ito ay ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga


suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.
D. Paglalapat
_____________ 2. Ito ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan.
_____________3. Maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin
ang isang dula.
_____________ 4. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula.
_____________ 5. Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa dula.

Ang mga mag-aaral ay susulat gamit ang kuwaderno, journal o


portfolio ng sarili nilang pagninilay tungkol sa aralin. Dugtungan
ang nasa ibaba.
Naunawaan ko na _______________________________________
V. PAGNINILAY ______________________________________________________.

Nabatid ko na ___________________________________________
______________________________________________________.

Inihanda ni: Ipinasa kay:

RENAFLOR P. LAVADO MIRALONA A. U


Guro I . Ulong Guro I

You might also like