Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 191

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF RIZAL

K-to 12 Araling Panlipunan Baitang 6

BANGHAY-ARALIN
IKALAWANG MARKAHAN

Pagpupunyagi sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano


at Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1899-1945)

Mrs. JOSEPHINE S. NUENA


Writer

Dr. ELISA T. BABELA


Principal Consultant of AP

Mrs. JULIETA D. GOMEZ


Teacher In-Charge

Mrs. YOLANDA S. BAUTISTA


Dalubguro

ROSEMARIE C. BLANDO
ESP/AP

AUGUST M. JAMORA
EPS / LRMDS
BANGHAY-ARALIN

ARALING PANLIPUNAN 6

IKALAWANG MARKAHAN
Pagpupunyagi sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig (1899-1945)

NILALAMAN
A.1. Nasusuri ang mga pagbabago sa lipunan sa mga Amerikano

Aralin 1: Natatalakay ang sistema ng edukasyon ipinatutupad ng mga Amerikano at


epekto nito…………………………….......................................................................1-3

Aralin 2: Natatalakay ang sistema ng edukasyon ipinatutupad ng mga Amerikano at


epekto nito ………………........................................................................................4-7

Aralin 3: Natatalakay ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon


ng mga Amerikano …………………......................................................................8-10

Aralin 4: Natatalakay ang pag-unlad ng transportasyon at epekto nito sa


pamumuhay ng mga Pilipino …………………….................................................11-14

Aralin 5: Natatalakay ang pag-unlad ng komunikasyon at epekto nito sa


pamumuhay ng mga Pilipino ……………............................................................15-17

A.2. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano

Aralin 6: Natatalakay ang mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon ng


pamahalaang Amerikano – Patakarang Pagpapayapa ng mga
Amerikano ………………………………………………………………………………...18-21
Aralin 7: Natatalakay ang mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon ng
pamahalaang Amerikano – Patakarang Pilipinisasyon (Ang Unang
Komisyon)………………………...............................................................................22-24

Aralin 8: Natatalakay ang mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon ng


pamahalaang Amerikano – Patakarang Pilipinisasyon (Ang Ikalawang
Komisyon)………………………………………………………………………………...25-28

Aralin 9: Nailalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang Kolonyal ng mga


Amerikano – Pamahalaang Militar ……………………........................................29-32

Aralin 10: Nailalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang Kolonyal ng


mga Amerikano – Pamahalaang Sibil ……………..............................................33-36

Aralin 11: Nasusuri ang mga patakaran ng malayang kalakalan (free trade) na
pinairal ng mga Amerikano ……………………………………………………….....37-39

Aralin 12: Nasusuri ang mga patakaran ng malayang kalakalan (free trade) na
pinairal ng mga Amerikano – Batas Philippine Tariff 1902 ……………..............40-41

Aralin 13: Nasusuri ang mga patakaran ng malayang kalakalan (free trade) na
pinairal ng mga Amerikano – Batas Payne-Aldrich ………………………………42-44

Aralin 14: Nasusuri ang mga patakaran ng malayang kalakalan (free trade) na
pinairal ng mga Amerikano – Batas Underwood-Simmons ……………………..45-47

Aralin 15: Natatalakay ang epekto ng malayang kalakalan (free trade)


Halimbawa-Kalakalan ng Pilipinas at US ………………………………………….48-51

Aralin 16: Natatalakay ang epekto ng malayang kalakalan (free trade)


Halimbawa-Pananim at Sakahan …………………………………………………..52-55

Aralin 17: Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-


unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili
(Batas Pilipinas ng 1902) ……………………………………………………….......56-58

A.3 Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-


unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili

Aralin 18: Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-


unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili
(Batas Jones ng 1916) ………………………………………………………………59-61

Aralin 19: Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-


unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili
(Batas Tydings-McDuffie) ……………………………………………………………62-64

B.4 Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang Komonwelt


Aralin 20: Natatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon ng
pananakop
*Katarungang Panlipunan …………………………………………………………...65-68

Aralin 21: Natatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon ng


pananakop
*Patakarang Homestead……………………………………………………………..69-73

Aralin 22: Natatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon ng


pananakop
*Pagsulong ng Pambansang Wika .………………………………………………..74-76

Aralin 23: Natatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon ng


pananakop
*Pagkilala sa Karapatan ng Kababaihan sa Pagboboto …………………………77-80

Aralin 24: Nabibigyan katwiran ang ginawang paglutas sa mga suluraning


panlipunan at pangkabuhayan sa panahon ng Komonwelt
*Suliraning Pangkabuhayan ……………………………………………………… 81-83

Aralin 25: Nabibigyan katwiran ang ginawang paglutas sa mga suluraning


panlipunan at pangkabuhayan sa panahon ng Komonwelt
*Kalutasan sa mga Suliranin ………………………………………………………84-87

C.5 Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga


Hapones

Aralin 26: Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga


Hapones
*Death March …………………………………………………………………………88-90

Aralin 27: Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga


Hapones *Labanan sa Bataan at Labanan sa Corregidor ……………………….91-94

Aralin 28: Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga


Hapones *Labanan sa Corregidor ………………………………………………….95-97

C. 6 Naipapaliwag ang motibo ng pananakop ng Hapon sa bansa

Aralin 29: Naipapaliwag ang motibo ng pananakop ng Hapon sa bansa.........98-102

C. 7 Nasusuri ang sistema ng pamamahala sa panahon ng mga Hapones

Aralin 30: Nailalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang


kolonyal ng Hapones ……………………………………………….....................103-107

Aralin 31: Naipaliliwanag ang mga Patakaran at batas pang-ekonomiya gaya ng


*War Economy
……………………………………………………………………………................108-112
Aralin 32: Naipaliliwanag ang mga Patakaran at batas pang-ekonomiya gaya ng
*War Economy at Economy of Survival at ang mga resulta nito……………113-117

Aralin 33: Naipapaliwanag ang kontribusyon ng pagtatag ng Ikalawang Republika


ng Pilipinas at mga patakarang may kinalaman sa pagsasarili………………118-121

C. 8 Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop


ng mga Hapon

Aralin 34: Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop
ng mga Hapon –
*HukBaLaHap……………………………………………………………………122-124

Aralin 35: Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop
ng mga Hapon – *Pagtatag ng Kilusang
Gerilya…………………………………………………125-126

Aralin 36: Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop
ng mga Hapon
*Mga Pagkilos ng mga Silbilyan -iba pang kilusang gerilya…………………..127-128

Aralin 37: Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop
ng mga Hapon – *USAFFE-United States Army Forces in the Far East…….129-132

C. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa mga


Pilipino ng pamamahala sa mga dayuhang mananakop

Aralin 38: Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa mga


Pilipino ng pamamahala sa mga dayuhang mananakop ……………….........133-136
Aralin 1

I. Nasusuri ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano


1.1. Natatalakay ang sistema ng edukasyon ipinatutupad ng mga
Amerikano at epekto nito
II. Pagtalakay sa sistema ng edukasyonn ipinatutupad ng mga Amerikano at
epekto nito
Sanggunian: K-12 BEC A.1.1.1 Pah. 58, nn 120.
Batayang Aklat –Makabayan Kasaysayang Pilipino V pahina 150-152
Kagamitan: tsart, larawan
Saloobin: Makabayan
III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa kalagayan ng edukasyon sa bansa.
Halimbawa: K-12 BEC, programa ng DepEd, paaralan
2. Balik- aral
Paano natin bigyang-halaga ang mga kontribusyon ng mga
natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ng ating
bansa?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak: ( Isulat sa pisara ang “Thomasites” ) Itanong : May
alam ba kayo
tungkol sa pangalang ito?

“Thomasites”

(Maari gamitin ang larawang ito sa pagganyak)


Tingnan ang larawan. May alam ka ba tungkol sa kanila?
Sila ang tinatawag na mga Thomasites. Naging bahagi sila ng
edukasyon na ipinakilala ng mga Amerikano sa ating bansa.
1
2. Paglalahad
• Sa loob ng mahigit apatnapung taong pananakop sa bansa,
maraming natutuhan ang mga Pilipino sa kultura ng mga
Amerikanong nagpabago sa kanilang pamumuhay. isa na rito ay
ang….
Edukasyon

Tatlong pangunahing layunin ng edukasyon


noong panahon ng Amerikano.

Pagpapalaganap Pagtuturo ng Pagpapakalat ng


ng demokrasya wikang Ingles kulturang
Amerikano

Ang Mga Gurong Thomasites


 Ang mga naging unang guro na ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas.
 Sila ay dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng barkong S.S. Thomas.
 600 ang mga Thomasites na dumating at nagsilbing guro ng mga Pilipino.
 Ipinakilala din mga Amerikano ang sistema ng pampublikong paaralan.
Mga pagbabagong naganap sa sistema ng Edukasyon
 Maraming mga pampublikong paaralan ang naipatayo upang
maraming mga Pilipino ang makapag-aral.
 Ingles ang ginamit na panturo sa mga paaralan at binigyang-
diin ang kulturang Amerikano sa mga leksyon.
 Naitatag ang Kagawaran ng Pagtuturong Pampubliko o
Department of Public Instruction noong 1901.
 Sibika ang naging pokus ng pagtuturo sa mga paaralan at
binigyang-diin ang demokratikong pamumuhay at hindi ang
relihiyon.
 Maraming mga unibesrsidad, pampubliko at pribado ang
naitatag sa bansa.
 Ang mga paaralang pambayan ay binubuo ng elementary,
sekondarya, unibersidad at kolehiyo. Apat na taon ang
panimulang baitang, tatlo ang intermediate at apat ang
sekondarya.
 Mayo 1898 – itinatag sa Corregidor ang unang Amerikanong
paaralan matapos ang labanan sa Maynila.
 Agosto 1898 – pitong paaralan ang binuksan sa Maynila sa
ilalim ng pamamahala ni Fr. William McKinnon.

2
Mga pagbabagong naganap sa sistema ng Edukasyon
 1898 – itinalaga si Lt. George P. Anderson bilang unang superintendent
ng mga paaralan sa Maynila
 903 – itinatag ang Bureau of Education at si Dr. David Barrows ang unang
direktor. Binuksan din ang mga pang-araw at pang- gabing paaralan sa
mga bayan at lalawigan. Karamihan sa mga panggabing paaralan ay para
sa mga matatanda na nagnanais matuto ng salitang Ingles.
 Sa lahat ng paaralan, ang mga mag-aaral ay tumatanggap ng libreng
aklat, kuwaderno, lapis.
 Sundalong Amerikano ang unang guro ng mga Pilipino sa pag-aaral ng
wikang Ingles.
 Ginamit sa mga paaralan ang mga aklat na isinulat at nilimbag sa
Amerika.
 Ang mga matatalinong mag-aaral ay ipinadala sa Estados Unidos upang
makapag-aral ng libre. Tinawag sila bilang mga pensyonado (iskolar).
Camilo Osias, kasapi sa unang pangkat ng mga pensyonado.

3. Pagtalakay
 Ano ang tatlong layunin ng edukasyon noong panahon ng
Amerikano?
 Sinu-sino ang naging guro sa panahong ito?
 Anu-ano mga paaralan naitatag noong panahon ng
Amerikano?
 Ano ang iba’t-ibang antas ng edukasyon noong panahon ng
Amerikano?
 Anong wikang panturo na ginamit?
 Ano ang naging sistema ng Edukasyon sa bansa noong
panahon ng Amerikano?
4. Paglalahat
 Anu-ano mga pagbabagong naganap sa sistema ng
Edukasyon sa bansa noong panahon ng Amerikano?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
 Higit bang napaunlad ang edukasyon sa panahon ng
Amerikano? Bakit?
2. Pagpapahalaga
 Bilang kabataan, paano mo pahalagahan ang edukasyon?

IV. Pagtataya
Panuto: Ibigay at isulat ang hinihiling ng mga sumusunod na paksa.
A. Tatlong pangunahing layunin ng edukasyon noong panahon ng
Amerikano.
1. _____________________________________________________
___
2. _____________________________________________________
___
3. _____________________________________________________
___
B. Ang mga paaralang pambayan ay binubuo ng
4. _______________. sekondarya, _______________at
_____________
C. Ang mga naging unang guro na ipinadala ng Estados Unidos sa
Pilipinas.
5. __________________________________________

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol epekto ng sistema ng edukasyon na
ipinatutupad ng mga Amerikano sa bansa noong panahon ng pananakop
nito.

Aralin 2

l. Nasusuri ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano


1.1 Natatalakay ang sistema ng edukasyon ipinatutupad ng mga
Amerikano at epekto nito
ll. Pagtalakay sa sistema ng edukasyon ipinatutupad ng mga Amerikano at
epekto nito
Sanggunian: K-12 BEC A.1.1.1 Pah. 58 ng 120.
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah. 150-152
Kagamitan: tsart, larawan, cartolina, manila paper at pentel pen
Saloobin: Pagpapahalaga sa Edukasyon

lll. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbahagi ng napapahong isyu na may kinalaman sa Edukasyon
sa ating bansa.
2. Pagganyak  Ano ang EDUKASYON para syo?
 Gaano kahalaga ang edukasyon
para sayo?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (TDAR-think,discuss, act, reflect Activity)
 Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay
pipili ng lider, taga-ulat, tagatala. Bibigyan 5-10 minuto upang
basahin at isagawa ang task card. Ang pangkat na mauunang
matapos ay unang mag-uulat.
Babasahin ng guro ang paksang-aralin pagkatapos
magbasa o magsalita ng guro hudyat na ito upang isagawa ang
pangkatang gawain.

 Edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano


 Epekto nito

Ang panahon ng mga Amerikano ang isa sa mga naganap na pagbabago sa


Pilipino sa pagkaraan ng panahon ng mga Kastila. Isang malaking pagbabago ang
ginawa ng mga Amerikano sa pagdating nila sa Pilipinas. Isa na dito ang pagbabago
sa edukasyon.
Ang edukasyon noon bago dumating ang mga Kastila o Espanyol kabaligtaran
ng sistema sa panahon ng mga Amerikano.Dito, pinapayagang makapag-aral ang mga
kababaihan at mahihirap na mga Pilipino. Hindi tulad sa panahon ng mga Kastila, lahat
ng mga kababaihan at mahihirap na Pilipino ay hindi pinahihintulutan na makapag-aral.
Sa panahong ding ito, nabigyan din ng pagkakataon na magkaroon
ng pribadong paaralan at publikong paaralan. Ngunit ang mga ito ay hindi na pag-aari
ng simbahan, na nakagawian naman noon sa panahon ng Espanyol. Kung
sinagkangan ng mga Kastila ang kalayaan sa pamamahayag at hangaring
mapayabong ang isipan at kaalaman sa pagtuklas ng talino ng mga Pilipino, sa
panahon ng Amerikano aynagkaroon ito ng katuparan.
4

Edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano

Epekto nito

Edukasyon ang pinakamahalagang naipagkaloob nila sa atin.Maraming


pagbabagong ipinakilala ang mga Amerikano sa Pilipinas. Isa sa mga ito ang
edukasyon. Itinuro nila ang wikang Ingles at ang mga unang guro ay sundalong
Amerikano.

Naging sapilitan ang libreng pag-aaral sa elementarya. Itinuro sa mababang


paaralan ang pangunahing kaalaman tulad ng pagbasa, pagsulat, pagbayabay at
Aritmetika.

Di naglaon, nadagdagan rin ito ng mga asignaturang musika, pagguhit,


sining, at industriya, agham panlipunan, edukasyong pangkalusugan at
edukasyong pangkagandahang-asal. pitong taon ang itinakdang pag-aaral para sa
elementary. Ipinatupad naman ang apat na taong kurso para sa mataas na
paaralan.

1908 nang maitatag naman ang Pamantasan ng Pilipinas. Nagbukas


ito pagkakataon para sa mga mayayaman at mahihirap na nais magduktor, magi
ng inhinyero at komersiyo. Ito ang naging tanglaw ng nalulong nilang
pangarap. Nagtayo rin ng mga paaralang bokasyonal upang ihanda ang
mga Pilipino sa mga hanapbuhay na nais nilang pagkakitaan at makatulong
sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Mga Paaralang Itinatag ng mga Amerikano

 Philippine Normal School (1901) • Siliman University (1901) •


Centro Escolar University (1917) • University of the Philippines
(1908) • University of Manila (1914) • Philippine Women’s
University (1919) • Far Eastern University (1919)

 Pagpapatayo ng mga gusaling bokasyonal, pagsasanay sa mga


gurong bokasyonal at pagtatatag ng edukasyong bokasyunal sa
Kawanihan ng Edukasyon noong 1920.

 Noong 1929, si Dr. Frank Lauback, isang misyonerong


Protestanteng Amerikano ang nagpakilala ng isang paraan ng
pagtuturo sa mga may sapat na gulang. Isinagawa ito sa mga
Maranao sa Lanao at iba’t-ibang pook ng bansa.
5

Task Card

Pangkat 1 at 3

 Paghambingin ang EDUKASYON sa panahon ng Kastila o


Espanyol at panahon ng Amerikano. Gumawa ng sariling tsart.
Maaring tularan ito.

Panahon ng Espanyol Panahon ng Amerikano

Pangkat 2 at 4
 Ibigay ang mga epekto ng sistema edukasyon na ipinatupad ng mga
Amerikano sa bansa

Mga epekto ng sistema ng


edukasyon na ipinatupad ng
mga Amerikano sa bansa.
2. Pagsusuri
 Ano ang isang malaking pagbabago ang ginawa ng mga Amerikano
sa pagdating nila sa Pilipinas?
 Bakit sinsabing ang edukasyon noon bago dumating ang mga Kastila
o Espanyol kabaligtaran ng sistema sa panahon ng mga Amerikano?
 Higit bang napaunlad ang edukasyon sa panahon ng Amerikano?
Bakit?
 Ano ang mga epekto ng sistema ng edukasyon ipinatutupad ng mga
Amerikano sa mga Pilipino?
3. Pagpapahalaga / Pagsasapuso
 Bilang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin para makatapos ka sa
iyong pag-aaral?
6

IV. Pagtataya
Panuto: Sa sariling pangungusap, magbigay ng limang (5) epekto
ng sistema ng edukasyon ipinatupad ng mga Amerikano sa ating bansa.
Isulat ang sagutang papel.

1. ____________________________________________________
2. ____________________________________________________
3. ____________________________________________________
4. ____________________________________________________
5. ____________________________________________________

V. Takdang-Aralin
Sumulat / Gumawa ng slogan tungkol sa kahalagan ng
EDUKASYON. Isulat sa kwaderno at basahin sa klase.
7

Aralin 3
I. Layunin
Nasusuri ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano
1.2 Natatalakay ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa
panahon ng mga Amerikano
II. Pagtalakay sa kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon
ng mga Amerikano
Sanggunian: K-12 BEC A.1.1.2 Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah. 149-150
Kagamitan: tsart, larawan
Saloobin: Pagpapahalaga sa Kalusugan
III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
 Magbalitaan tungkol sa mga sakit o karamdaman ng mga
mamamayang Pilipino na napapahon.
 Programa ng Department of Health
2. Balik-aral: ( Think, Pair, Share)
 Anu-ano mga pagbabagong naganap sa sistema ng
Edukasyon sa bansa noong panahon ng Amerikano?

Pagbabagong naganap sa sistema ng Edukasyon sa


bansa noong panahon ng Amerikano
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Ano ang iyong kaisipan


tungkol kasabihang ito

“ Kalusugan ay Kayaman” ?

2. Paglalahad ng Aralin
Kalusugan at Pangangalaga sa Kapakanan ng Mamamayan

 Isang malaking suliranin sa panahon ng mga Amerikano


ang paglitaw ng kolera at bulutong sa Maynila.

 Pagdating ng mga Amerikano, pinagtuunan nila ng pansin


ang pagsugpo sa mga sakit sa pamamagitan ng
Quarantine service.

 Binantayan ang mga lugar na apektado at inihiwalay ang


mga taong may kolera. Ibinabad sa isang solusyon na may
asidong carbolic ang kanilang mga damit at iba pang
personal na gamit. Ipinatapon din ang mga pagakaing
nakahanda sa mga lugar na apektado at kung
kinakailangan, sinusunog pati ang mga bahay upang hindi
kumalat ang sakit at nagsasaboy ng disinfectant para sa
mga lugar na apektado.

 Nagpalabas din ang mga Amerikano ng mga leaflet at iba


pang impormasyon kung paano maiiwasan ang pagkalat ng
mga sakit.

 Nagpatupad din ang Kagawaran ng Sanitasyon at


Transportasyon ng ilan mga panuntunan sa pagpapanatili
ng kalinisan sa kapaligiran at kalusugan.

 Sa kabilang dako, nahirapan ang mga Amerikanong doktor


dahil natuklasan nilang taglay ng mga Pilipino ang
katutubong paniniwala hinggil sa pagkakasakit at
pagpapagaling ng sakit.
 Board of Public Health - Itinayo noong 1901.

 Nagsagawa ito ng kampanya para sa pagpapabuti ng kalusugan at


pagtuturo ng mga bagong kaalamang pang-kalusugan.

 Bahagi rin ng programang pangkalusugan ng mga Amerikano ang


pagpapatayo ng mga klinika, pagamutan, at sentrong pangkalusugan
sa iba’t ibang panig ng bansa.

 Isa sa mga ipinatayong ospital ng mga Amerikano ang Philippine


General Hospital na binuksan sa publiko noong 1910.

 Kinupkop ang mga batang ulila, may sakit sa pag-iisip at mga


kabataang mapabayaan o napariwara

 Bumaba ang bilang ng mga sanggol na namamatay sa


panganganak.

 Nabawasan din ang pagkakaroon ng MALARIA, BERI-BERI,


KOLERA at iba pang sakit.

3. Gawin Natin (Thinking Skills)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong ng sariling pangungusap


o paliwag.

 Anong sakit o epidemya ang lumitaw at naranasan ng mga


Pilipino na naging isang malaking suliranin sa panahon ng
mga Amerikano?

 Anong mga paraan ang ginawa ng pamahalaan at ng mga


Amerikano sa pagsugpo sa epidemya upang di ito kumalat?

 Ano pang tulong, proyekto o programa ang ibinahagi ng


mga Amerikano sa kalagayang pangkalusugan ng mga
Pilipino?

4. Gawin Ninyo

 Ilarawan sa dalawa o tatlong pangungusap ang


kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa
panahon ng mga Amerikano.

Higit bang napaunlad at napabuti ang kalagayang


pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon ng mga
Amerikano?

9
B. Pangwakas na Gawain

1. Gawin Mo

 Bilang Pilipino o kabataan, ano damdamin sa mga


ginawang tulong ng mga Amerikano sa kalagayang
pangkalusugan ng mga Pilipino?

2. Pagsasapuso

 Ano ang kahalagahan ng ‘’pagtutulungan”?

IV. PAGTATAYA

Lagyan ng (/) tsek ang patlang ng pangungusap na tumatalakay sa


kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon ng mga
Amerikano at (X) ekis kung hindi tumatalakay nito.

1. Epidemya ng Kolera at bulutong na sakit ang lumitaw, kumalat at


naranasan ng mga Pilipino na isang malaking suliranin sa panahon ng
mga Amerikano. ______

2. Isa sa mga ipinatayong ospital ng mga Amerikano ang Philippine


General Hospital na binuksan sa publiko noong 1910. ________

3. Board of Public Health - Itinayo noong 1905. _______

4. Nabawasan din ang pagkakaroon ng MALARIA, BERI-BERI, KOLERA


at iba pang sakit. _______

5. Walang tulong at walang proyektong ibinahagi ang mga Amerikano sa


kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino. ________

V. Takdang – Aralin

Anu-anong mga transportasyon ang ginagamit ng mga Pilipino


noong panahon ng mga Amerikano? Maghanap ng mga larawan ng mga
sasakyan at idikit ito sa kwaderno.

10

Aralin 4
I. Layunin
Nasusuri ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano
1.3 Natatalakay ang pag-unlad ng transportasyon at epekto nito sa
pamumuhay ng mga Pilipino
II. Paksang-Aralin
Paksa: Pagtalakay sa Pag-unlad ng Transportasyon at Epekto Nito sa
Pamumuhay ng mga Pilipino
Sanggunian: K-12 BEC A.1.1.3 Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah. 147-148
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel pen
Saloobin: MAKABAYAN
lll. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mga makabagong sasakyan o transportasyon
na ginagamit sa bansa. (maaring gumamit ng larawan ng mga
sasakyan gamit ang power point)

2. Balik-aral: (semantic web)

Paano napabuti ang


kalagayang pangkalusugan
ng mga Pilipino sa panahon
ng mga Amerikano?
11

Bakit kaya sinasabing


B. Panlinang na Gawain lubhang nabago ang
1. Pagganyak: ( Thinking Skills) pamumuhay ng mga Pilipino
sa pag-unlad ng sistema ng
transportasyon noong
panahon ng mga
Amerikano?

Alamin natin.

2. Paglalahad ng Aralin: ( Maaring gawin ito sa powerpoint presentation)


 Pag-unlad ng Transportasyon
 Lubhang nabago ang pamumuhay ng mga Pilipino sa pag-
unlad ng sistema ng transportasyon noong panahon ng mga
Amerikano.
 Nalutas ang suliraning dulot ng heograpiya ng Pilipinas.
 Naglapit ang magkakahiwalay na lalawigan dahil sa sistema
ng transportasyon ang mga Amerikano.
 Nagkaroon ng mga proyekto sa transportasyon ang mga
Amerikano. Naiugnay nito sa isa’t-isa ang mga Pilipino at
naisulong ang mga pagbabago.
 Isang sektor ang nagpaunlad nang lubusan sa sistema ng
tren sa Luzon. Matapos bilhin ng mga Amerikano sa mga
Ingles ang Manila-Dagupan Railway (Philippine National
Railway o PNR ngayon)
 Itinayo ang MERALCO o Manila Electric Company pinalitan
nila ang mga carruajes ng mga sasakyang de-kuryente o
tranvia noong 1905.
 Ginamit din sa unang pagkakataon ang mga makabago at
de-motor na sasakyang pandagat at panghimpapawid.
 Halimbawa: barko, lantsa, tugboat, at eroplano
 1911 nang paliparin ni Lucky Baldwin ang unang
eroplano sa bansa.
 Itinatag noong 1930 ang PATCO o Philippine Aerial
Taxi Company.
 1930 nang magsimula ang komersyal na
paglalakbay ng eroplano sa Pilipinas.
 INAEC o Iloilo-Negros Air Express noong 1933 bilang
komersyal na eroplano.

12

3. Gawin Ninyo (Think, Pair, Share.)

Pangkatang Gawain
 Ang pag-unlad ng transportasyon ay nagpabago rin sa katayuan ng
maraming lugar sa Pilipinas.
 Maraming lalawigan na nakahiwalay sa sentro ng kaunlaran ang
naiugnay.
 Mabilis ang daloy ng kalakalan at pagluwas ng mga produkto sa
maraming lugar.
 Ang kaunlaran ay nagbunga ng pagtatatag ng iba pang mga
lungsod tulad ng Iloilo, Davao, Zamboanga, Bacolod, at Quezon.
 Nagbunga ito ng maraming trabaho at pagbabago ng
kabuhayan.
 Ang mabilis na pagtaas ng kabuhayan ang naging salik
upang mabago ang antas ng pamumuhay sa maraming
lugar

Task Card

Pangkat 1
Basahin at unawain ang mga pangungusap o ang paksa at lapatan ito
tinig o gawing isang awit na nagpapahayag ang pag-unlad ng transportasyon
at epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Pangkat 2
Basahin at unawain ang mga pangungusap o ang paksa at gawing isang
tula na nagpapahayag ang pag-unlad ng transportasyon at epekto nito sa
pamumuhay ng mga Pilipino.

Pangkat 3
Basahin at unawain ang mga pangungusap o ang paksa at gawing isang
Sabayang Pagbigkas na nagpapahayag ang pag-unlad ng transportasyon at
epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Pangkat 4
Basahin at unawain ang mga pangungusap o ang paksa at gawing isang
Rap Song na nagpapahayag ang pag-unlad ng transportasyon at epekto nito sa
pamumuhay ng mga Pilipino.

4. Pagsusuri

 Anu- anong mga transportasyon ang naibahagi sa mga


Pilipino sa panahon ng mga Amerikano?

 Ano nagpaunlad nang lubusan sa sistema ng tren sa


Luzon?

 Paano nabago ang pamumuhay ng mga Pilipino sa pag-


unlad ng sistema ng transportasyon noong panahon ng mga
Amerikano?

13

 Paano nabago ng pag-unlad ng transportasyon ang


katayuan ng maraming lugar Pilipinas?

C. Pangwakas na Gawain

1. Gawin Mo

 Sitwasyon: halimbawa ikaw ay nabubuhay sa


panahong ito, paano pahalagahan ang naibahaging
tulong ng mga Amerikano sa ating bansa na may
kinalaman sa sistema ng transportasyo?

2. Pagsasapuso:

 Ano ang magandang bunga ng pakikiisa sa gawain?

I. PAGTATAYA

 Isulat sa limang (5) pangungusap ang mga naging epekto ng


pag-unlad ng transportasyon sa maraming lugar sa Pilipinas at
pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga
Amerikano . Isulat ito ½ na papel.

II. Takdang- Aralin

Magtala ng mga modernong kagamitan sa komunikasyon?


14

Aralin 5
I. Layunin
Nasusuri ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano
1.3 Natatalakay ang pag-unlad ng Komunikasyon at epekto nito sa
pamumuhay ng mga Pilipino
II. Paksang-Aralin
Paksa: Pagtalakay sa Pag-unlad ng Komunikasyon at Epekto Nito sa
Pamumuhay ng mga Pilipino
Sanggunian: K-12 BEC A.1.1.3 Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat: Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah. 147-148
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel pen
Saloobin: Makatao
lll. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mga makabagong kagamitan sa
komunikasyon na ginagamit sa bansa. (maaaring gumamit ng
larawan na nakapowerpoint)
halimbawa: Latest Model ng cellphone, Laptop at iba pang
napapanahong kagamitan sa komunikasyon.
2. Balik-aral
Ano ang naging epekto ng pag-unlad ng
transportasyon sa pamumuhay ng mga
Pilipino noong panahon ng mga
Amerikano?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak: (pagtukoy at paghahambing ng mga kagamitang
pangkomunikasyo noon at ngayon)

 Ano ang mga gamit na ito?


 Saan ito ginagamit?
 Meron pa ba kayang gamit na ganito?
15

 Anu-ano ang mga makabagong kagamitan sa komunikasyon?


2. Paglalahad ng Aralin
 Ang pag-unlad ng sistema Komunikasyon sa bansa sa
panahon ng mga Amerikano
 Naging maunlad ang komunikasyon noong panahon ng mga
Amerikano sa Pilipinas.
 Noong 1905, itinatag ang Kawanihan ng Pahatirang Kawad na
namamahala sa mga serbisyo tulad ng pagahahatid;
 Sulat
 Telegram
 Airmail
 Money order
 Napabilis din ang daloy komunikasyon sa loob at labas ng
bansa sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang tanggapang
pangkoreo sa bawat munisipalidad.
 Ipinakilala rin sa panahon ng mga Amerikano ang mga
makabagong kagamitan sa komunikasyon tulad ng telepono,
radyo at wireless telegraph.
 Noong 1933, itinatag ang serbisyo ng radiophone na nag-
ugnay sa Pilipinas sa ibang lungsod sa daigdig.
 Epekto ng pag-unlad ng komunikasyon sa pamumuhay ng mga
Pilipno
Ang pagpapaunlad sa sistema ng tranportasyon at
komunikasyon ay inasikaso ng mga Amerikano upang
mapadali ang pagdadala ng produkto mula sa mga taniman
tungo sa mga sentrong pamilihan.
 Nagkaroon ng serbisyo sa radio at mayroon ng higit sa
1000 koreo sa bansa kung kaya naging madali ang
komunikasyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
 Naiugnay nito sa isa’t isa ang mga Pilipino at naisulong
ang pagbabago.
 Napadali ang pagresponde sa mga kaganapan sa iba’t-
ibat bahagi ng Pilipinas.
 Dahil napabilis ang daloy komunikasyon sa loob at labas
ng bansa, mabilis din ang daloy ng kalakalan at
pagluwas ng mga produkto sa maraming lugar.
 Nagbunga ito ng maraming trabaho at pagbabago ng
kabuhayan.
3. Gawin Natin (Jigsaw Method-TDAR Activity)
Pangkating ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat, at pag-
usapan o talakayin ang paksa nakaatas sa kanilang pangkat.

16

 Pangkat I – Pag-unlad ng sistema komunikasyon sa


bansa sa panahon ng mga Amerikano.(Paano?)

 Pangkat II – Epekto ng pag-unlad ng sistema komunikasyon


sa pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga
Amerikano.

 Pangkat III – Ilarawan ang mga pagbabagong naganap sa larangan


ng sistema komunikasyon sa bansa sa panahon ng mga
Amerikano.
4. Pagsusuri

 Alin ang pinakamahalagang epekto ng pag-unlad ng sistema


komunikasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon
ng mga Amerikano? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain

1. Karagdagang Kaalaman:
 Ang komunikasyon sa Pilipinas ay pinangangasiwaan ng
Commission on Information and Communications Technology
(CICT) o ang Komisyonsa Teknolohiyang Pang-impormasyon
at Pangkomunikasyon.
2. Pagsasapuso:
Bilang Pilipinong kabataan, paano mo bigyan-halaga ang
naibahaging tulong ng mga Amerikano sa sistema ng
Komunikasyon sa bansa?

IV. PAGTATAYA

Isulat ang salitang K kung ang pangungusap ay katotohanan at HK kung hindi.


Isulat ang sagot sa patlang.
____________ 1. Ang pagpapaunlad sa sistema ng tranportasyon at komunikasyon
ay inasikaso ng mga Amerikano upang mapadali ang pagdadala ng produkto mula
sa mga taniman tungo sa mga sentrong pamilihan.
___________ 2. Ipinakilala rin sa panahon ng mga Amerikano ang mga
makabagong kagamitan sa komunikasyon tulad ng telepono, radyo at wireless
telegraph.
____________ 3. Nagkaroon ng serbisyo sa radio at mayroon ng higit sa 1000
koreo sa bansa kung kaya naging madali ang komunikasyon sa iba’t ibang bahagi
ng Pilipinas.
____________ 4. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho at lalong naghirap ang
pamumuhay nila dahil sa sistema ng komunikasyon.
____________ 5. Mabagal ang pagresponde sa mga kaganapan sa iba’t-ibat
bahagi ng Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano.

V. Takdang-Aralin
Alamin ang ibig sabihin ng salitang “pasipikasyon at kooptasyon”. Isulat kwaderno
ang kahulugan.

17
2. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano

Aralin 6
I. Layunin
2.1 Natatalakay ang mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon ng
pamahalaang Amerikano
 Patakarang Pagpapayapa ng mga Amerikano
II. Paksang Aralin
Pagtalakay sa mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon ng
Pamahalaang Amerikano
 Patakarang Pagpapayapa ng mga Amerikano
Sanggunian: K-12 BEC A.2.2.1 Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah. 137-138
Kagamitan: tsart, larawan,power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN- Pagpapahalaga sa Kapayapaan
III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan o magbahagi ng nalalaman tungkol sa mga patakaran
sa ating barangay, bayan o bansa.
2. Balik-aral
Ano ang naging epekto ng pag-unlad ng sistema ng komunikasyon
sa pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga Amerikano?
3. Pagganyak

Ang bansa ba natin ay may kapayapaan


at kaayusan? Oo…bakit?.....
hindi…bakit?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay
pipiling lider, taga-ulat at tagatala. Bibigyan sila ng 5-10 minuto
upang basahin, unawain ang paksa at sagutin ang mga tanong
na natakda sa bawat pangkat. Ang pangkat na maunang
matapos ay unang mag-ulat.
Babasahin ng guro o ng mag-aaral ang mga paksa
pagkatapos magbasa o magsalita ng guro hudyat na ito upang
isagawa ang pangkatang gawain.

18

 Patakarang Pagpapayapa ng mga Amerikano


Gumamit ng batas at dahas ang mga Amerikano upang mapatahimik
at mapayapa ang nag-aalsang mga Pilipino. Nagpalabas ang mga
Amerikano ng ilang batas sa layong mapaya ang mga Pilipino. Sa kabila
nito, hindi medaling naipatupad ang mga batas dulot na rin ng patuloy na
pakikibaka ng mga Pilipino.
Ilan sa mga batas na ipinatupad ng mga Amerikano ang sumusunod.

1. Batas Sedisyon. Pinagtibay ito ng Philippine Commission noong


Nobyembre 4, 1901. Sa ilalim ng batas na ito, ipinagbawal ang anumang
gawain, mapayapa man o hindi, na nag-uudyok ng paghihimagsik o pag-
aaklas laban sa US. Sakop ng batas na ito ang pagtatatag ng mga
partido politikal, pagtatanghal ng mga dula, paglalathala ng mga
pahayagan, panulat at iba pang babasahin na mapanghimagsik.
Kamatayan o mahabang panahon na pagkabilanggo ang kaparusahan
sa sinumang lumabag sa batas na ito.
2. Batas Brigandage. Ipinasa ito ng Philippine Commission noong
Nobyembre 12, 1902. Ang batas na ito ang nagtatak sa lahat ng mga
dating gerilya at mga pangkat na nakikipaglaban para sa kalayaan bilang
mga bandido, tulisan, at magnanakaw. Pagkabilanggo nang 20 taon o
higit pa ang sinumang mahuling tumutulong sa mga pangkat na ito.
3. Batas sa Rekonsentrasyon. Layunin ng batas na ito na masukol ang
mga gerilyang nagtatago sa mga liblib na pook o pamayanan.
Pinahintulutan ang gobernador ng bawat lalawigan na ipunin ang mga
mamamayan nito sa isang sona upang mahuli ang mga gerilya. Lubhang
nagpahirap ang batas na ito sa mga ordinaryong mamamayan dahil
napilitan silang iwanan ang kanilang sakahan at iba pang ikinabubuhay.
4. Batas sa Watawat. Ipinagbawal ng batas na ito ang pagwagayway ng
bandilang Pilipino sa anumang pagkakataon saan mang lugar sa bansa
mula 1907 hanggang 1918.
Batas Jones
Isang mahalagang batas na nilagdaan noong Agosto 29, 1916 ang Batas
Jones o ang Philippine Autonomy Act. Ipinanukala ito ni William Atkinson Jones sa
Kongreso ng US at ipinagtibay ng pangulong Woodrow Wilson, bunga na rin ng
pagpupunyagi nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña. Ipinahayag ng batas na
ito ang layunin ng US na bigyan ng lubos na kalayaan ang Pilipinas sa sandaling
magkaroon ng isang matatag pamahalaan. Ang Batas Jones ay naglalaman ng
kalipunan ng mga karapatan. Binigyang pakahulugan nito kung sino ang
mamamayang Pilipino, probisyon para sa sistema ng pagbabadyet, kapangyarihan
para sa pamahalaan tulad ng pagpapataw ng taripa, at pagtatag ng mga
kawanihan.
Mahalagang probisyon ng batas na ito ang pagtatatag ng tatlong sangay ng
pamahalaan.
1. Lehislatura – Pagtatatag ng batasang Pilipino na binubuo ng Senado o
Mataas na Kapulungan at ng Mababang Kapulungan.
2. Ehekutibo – Pagkakaroon ng isang gobernador-heneral na taglay ang
kapangyarihang tagapagpaganap.
3. Hudikatura – Taglay ng Korte Suprema at ng mga mababang hukuman ang
kapangyarihang hudikatura. Isang Pilipino ang punong mahistrado at pawing
hinirang ng Pangulo ng US ang mga Amerikano at Pilipinong katulong ng
mga mahistrado.
19

Pangkat I

Tanong:
1. Ano ang itinakda o nilalaman ng Batas Jones o patakaran
nito?
2. Sino ang naging Pangulo ng Senado at Speaker ng
Kapulungan ng mga Kinatawan?
3. Ano ang mahalagang probisyon ng Batas Jones?

Tanong:
1. Ano ang ginamit ng mga Amerikano upang mapatahimik at
mapayapa ang nag-aalsang mga Pilipino?
Pangkat II 2. Anong patakaran o batas ang ipinanukala ni William Atkinson Jones
sa Kongreso ng US upang mabigyan ng kalayaan ang Pilipinas?
3. Sino ang nagpatibay sa batas at ano ang ibang tawag sa Batas
Jones?

Tanong:
1. Ano ang tawag sa batas o patakarang pinagtibay ng Philippine
Commission noong Nobyembre 4, 1901?
2. Ano ang nilalaman at sakop na Batas Sedisyon?
3. Bakit ipinasa ng Philippine Commission ang Batas Brigandage?
Pangkat III

Tanong:
Pangakat IV 1. Ano ang layunin ng Batas Rekonsentrasyon?
2. Bakit lubhang nagpahirap sa mga ordinaryong mamamayan ang
Batas Rekonsentrasyon?
3. Ano ang Batas sa Watawat?

2. Pagsusuri
 Anong mga patakarang pagpapayapa ang ginawa ng
pamahalaang Amerikano sa bansa?
 Ano sa iyong pananaw ang magandang naidulot ng mga
patakaran o batas na ginawa ng pamahalaang Amerikano
sa bansa? Nakatulong ba o nakasama sa kalagayan ng
mga Pilipino? Bakit?

20

IV. Pagtataya
Panuto: Basahain at unawain ang mga pangungusap o grupo ng mga
salita na nasa Hanay A at B. Hanapin sa Hanay B ang sagot na hinihingi
sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
_______1. Ipinagbawal ng
batas na ito ang pagwagayway A. Batas Sedisyon
ng bandilang Pilipino sa
anumang pagkakataon saan
mang lugar sa bansa mula 1907
hanggang 1918.
_______2. Ipinagbawal ang
anumang gawain, mapayapa
man o hindi, na nag-uudyok ng B. Batas Brigandage
paghihimagsik o pag-aaklas
laban sa US.
_______ 3. Mahalagang
probisyon ng batas na ito ang C. Batas sa Watawat
pagtatatag ng tatlong sangay ng
pamahalaan.

_______4. Layunin ng batas na D. Batas Jones


ito na masukol ang mga
gerilyang nagtatago sa mga
liblib na pook o pamayanan.
_______ 5. Ipinasa ito ng E. Batas Rekonsentrasyon
Philippine Commission noong
Nobyembre 12, 1902.

V. Takdang-Aralin: Alamin ang ibig sabihin ng salitang “Pilipinisasyon”.


Isulat kwaderno ang kahulugan.

21

2. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano

Aralin 7
I. Layunin
2.2 Natatalakay ang mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon ng
pamahalaang Amerikano
 Patakarang Pilipinisasyon ng Amerikano
 Ang Unang Komisyon
II. Paksang Aralin
Pagtalakay sa mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon ng
Pamahalaang Amerikano
 Patakarang Pilipinisasyon ng Amerikano
 Ang Unang Komisyon
Sanggunian: K-12 BEC A.2.2.1 Pah. 59 ng 120,
Batayang Aklat – Yaman ng Pilipinas 6 pahina 142-143,
Ang Pilipinas sa Bagong Siglo 6 pah. 219-222
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN- Pagpapahalaga sa Kalayaan
III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mga patakaran sa bansa na may kinalaman sa
kalayaan ng bansa. (maaring gumamit ng larawan na nakapowerpoint)
2. Balik-aral
Ano ang mga magandang naidulot ng mga patakaran o batas na
ginawa ng pamahalaang Amerikano sa bansa?
3. Pagganyak (concept mapping)
 Alam mo ba ang ibig sabihin ng Pilipinisasyon?
 Ano ang ideya o kaisipan mo sa salitang Pilipinisasyon?

Pilipinisasyon?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatang Gawain
 Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay pipiling
lider, taga-ulat at tagatala.
 Bibigyan sila ng 5-10 minuto upang basahin, unawain ang
paksa at sagutin ang mga tanong na natakda sa kanilang
pangkat. Ang pangkat na maunang matapos ay unang mag-ulat

22

Patakarang Pilipinisasyon ng Amerikano


 Ang Unang Komisyon
Sa simula pa lamang ng pamamahala ng mga Amerikano, binigyan ng
pagkakataon ang mga Pilipinong makilahok sa pagpapalakad ng pamahalaan. Ang
pamahalaang lokal ay binubuo ng mga Pilipinong inihalal ng kapwa Pilipino.
Sa pamamagitan ng Patakarang Pilipinisasyon, unti-unting pinalitan ng mga
Pilipino ang mga Amerikanong nanunungkulan sa pamahalaan. Ito ay sa bisa ng
mga batas ng kongreso ng US at ng mga Kautusan.
Ang Komisyonng Schurman ay kauna-unahang komisyon ng Pilipinas na
binuo ni Pangulong William McKinley noong Enero 20, 1899. Dumating ito noong
Marso 4, 1899 na pinamunuan ito ni Jacob Gould Schurman. Tinulungan nito ang
pamahalaang militar sa paghubog ng mga patakaran sa Pilipinas.
Ang mga pangunahing tungkulin nito ay ang sumusunod:
1. Ipabatid ang mabuting pakikipagkapwa ng mga Amerikano sa mga Pilipino;
2. Alamin ang kalagayan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas; at
3. Magmungkahi sa Pangulo ng US tungkol sa uri ng pamahalaan na
nababagay sa Pilipinas.
Iniulat ng Komisyong Schurman sa Pangulo US na hindi pa handa
ang mga Pilipino sa pagsasarili.Kailangang manatili pa at turuan ng mga
Amerikano ang mga Pilipino sa pamamahala.Ibinigay nito ang sumusunod
na mungkahi:
1.Pagtatatag ng pamahalaan sa bansa na binubuo ng dalawang kapulungan
lehislatura – ang mababang Kapulungan at ang Mataas na Kapulungan
2.Pag-aalis ng pamumunong militar at pagtatatag ng pamahalaang sibil sa
mga pook na mapayapang tinanggapang Amerika;
3.Pangangalaga sa mga likas na yaman ng Bansa;
4.Pagtatatag ng mga munisipyong nagsasarili at mga pamahalaang
panlalawigan;
5.Pagbubukas ng mga libreng paaralang pang-elementarya;at
6.Paghirang ng mga may kakayahang Pilipino sa mahahalagang tungkulin sa
pamahalaan

1. Ano ang patakarang Pilipinisasyon ng Amerika?


Pangkat 1 2. Bakit nilikha ang Komisyonng Schurman?

1. Ano Komisyon Schurman?


Pangkat 2 2. Kailan binuo ang Komisyon Schurman?
3. Sino ang bumuo ng Komisyon Schurman?
4. Sino ang namuno sa Komisyong ito?
23

Pangkat 3
Anu- ano mga pangunahing tungkulin
Unang Komisyon o Komisyon
Schurman?

Pangkat 4
Anu-ano ang mga iminungkahi ng
Komisyon Schurman sa
paghahanda sa sariling
pamamahala ng mga Pilipino?

2. Pagsusuri
 Paano nakatulong ang patakarang Pilipinisasyon o ang
Komisyon Schurman sa pagahahanda sa sariling
pamamahala ng mga Pilipino?
 Ano ang iyong opinion o masasabi mo sa unang komisyon?
 Nakabubuti ba ang mga iminungkahi ng Komisyon
Schurman sa pagsasarili ng mga Pilipino?

IV. Pagtataya
Panuto: Magbigay ng limang (5) pangungusap tungkol sa Unang
Komisyon
Halimbawa:
Ang Komisyonng Schurman ay kauna-unahang komisyon ng
Pilipinas.

Patakarang Pilipinisasyon ng Amerikano


Ang Unang Komisyon

1.
2.
3.
4.
5.
V. Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol sa Ikalawang Komisyon.

24

2. Nasusuri ang pamahalaang


Aralin 8 kolonyal ng mga Amerikano
I. Layunin
2.1 Natatalakay ang mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon ng
pamahalaang Amerikano
 Patakarang Pilipinisasyon ng Amerikano
 Ang Ikalawang Komisyon
II. Paksang Aralin
Pagtalakay sa mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon ng Pamahalaang
Amerikano
 Patakarang Pilipinisasyon ng Amerikano
Ang Ikalawang Komisyon
Sanggunian: K-12 BEC A.2.2.1 Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Yaman ng Pilipinas 6 pahina 142-143
Ang Pilipinas sa Bagong Siglo 6 pah. 219- 222
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel pen
Saloobin: MAKABAYAN Pagpapahalaga sa Kalayaan
III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Ano masasabi sa pamamahala
ng ating barangay kapitan?
Mayor ng ating bayan? Kilala mo
ba siya?
2. Balik-aral
1. Ano Komisyon Schurman?
2. Kailan binuo ang KomisyonSchurman?
3. Sino ang bumuo ng Komisyon
Schurman?
4. Sino ang namuno sa Komisyong ito?

3. Pagganyak

Ano ang nais o gusto nyong nalaman tungkol sa


Ikalawang Komisyon?

B.Panlinang na Gawain
1. Gawain (TDAR-think,discuss, act, reflect Activity)

25

Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng
lider, taga-ulat, tagatala. Bibigyan 5-10 minuto upang basahin at
isagawa ang task card. Ang pangkat na mauunang matapos ay
unang mag-uulat.
Babasahin ng guro ang paksang-aralin pagkatapos magbasa o
magsalita ng guro hudyat na ito upang isagawa ang pangkatang
gawain.
Ang Komisyong Taft ay ikalawang komisyon na si William Howard Taft ang
taga-pangulo. Itinatag ito ni Pangulong McKinley noong Marso 16, 1900. Ang ilang
mga tagubilin sa komisyong ito ay ang: Pagtatatag ng pamahalaang bayan na
ang mga pinuno’y ihahalal ng mga Pilipino; Pagbibigay ng walang bayad na
edukasyong primary, para sa lahat; Pagpapalaganap at paggamit ng wikang Ingles
sa pakikipagtalastasan; at Pagpapalabas ng mga patakaran para sa kabutihan ng
mga Pilipino.
Ito ang tagagawa ng mga batas at tagapagpaganap sa mga ito. May 440
batas na naipatupad ito mula Setyembre 1900 hanggang Agosto 1902. Ilan dito
ang sumusunod:
1.Paglikha ng sistemang serbisyo sibil;
2.Pagtatag ng mga pamahalaang pang munisipyo at panlalawigan;
3.Pagtakda ng mga Kodigo para sa pamamaraang sibil;
4.Pag-ayos ng mga Hukbong Sandatahang Panlupa;
5.Paglikha ng mga unang kagawarang Panloob;
6.Pagbigay ng Libreng Pag-aaral; at
7. Pagtatag ng pamahalaan ng Benguet.
Sa pamamagitan ng patakarang Pilipinisasyon,nabigyan ng pagkakataon
ang mga Pilipino na makalahok sa pamahalaan.Marami ang nabigyan ng
mahahalagang tungkuling ipinagkait ng mga Español sa mga Pilipino.
Naging punong mahistrado ng Korte Suprema, kataastaasang hukuman ng
bansa, si Cayetano Arellano. Napiling kasapi ng komisyon sina Trinidad H. Pardo
de Tavera, Benita Legarda Sr., Jose Luzuriaga at Rafael Palma.Nahirang din si
Gregorio Araneta bilang kalihim ng pananalapi. Siya ang unang Pilipinong
nahirang sa isang tungkuling tagapagpaganap.
Ang pamumuno sa mga pamahalaang lokal ay ipinagkatiwala ng mga
amerikano sa mga Pilipino.Ang mga Amerikano naman ang hinirang na ingat-
yaman at superbisor sa mga lalawigan.Dahil dito,ang mga Amerikano pa rin ang
masasabing may mataas na kapangyarihan sa mga lalawigan.
Ang Pilipinisasyon ay nagbigay ng malaking pagkakataon na
manungkulan ng lubos si Francis Burton Harrison bilang Gobernador Heneral.
Sang-ayon siya sa layuning bigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong
manungkulan upang masanay sa pamamahala. Inilagay niya ang mga Pilipinong
may kakayahan sa mga tanggapan ng pamahalaan hanggat may pagkakataon. Sa
loob ng walong taon nyang pamamahala, dinagdagan niya ang mga Pilipinong
mambabatas sa asemblea hanggang sa pawang mga Pilipino na ang bumubuo ng
batas ng pamahalaan.

26
Pangkat 1
TANONG SAGOT
1. Ano ang ikalawang Komisyon?

2. Kailan itinatag ang Komisyong


Taft?

3. Sino ang nagtatag ng Taft?

4. Bakit tinawag Komisyong Taft?

5. Bakit nilikha ang Komisyong


Taft?

Pangkat 2

Tagubilin sa Komisyong Taft


1.
2.
3.
4.

Pangkat 3

Mga Batas na Naipatupad


Setyembre 1900 - Agosto 1902
(Komisyong Taft)

Pangkat 4

 Paano sinanay at ng mga pinunong Amerikano ang mga Pilipino


na maging lider ng bansa?
 Sinu-sino ang mga Pilipinong binigyan ng mahahalagang
27
tungkulin para mamuno sa bansa?
2. Pagsusuri
 Ano dahilan ng pagtatag ng Komisyong Taft?
 Paano nakatulong ang patakarang Pilipinisasyon o ang Komisyong
Taft sa pagahahanda sa sariling pamamahala ng mga Pilipino?
 Ano ang iyong opinion o masasabi mo sa ikalawang Komisyon?
 Sa iyong sariling pananaw, bakit kailangan ang kahandaan ng
Pilipinas sa pagsasarili?
 Bakit ang mga Amerikano pa rin ang masasabing may mataas na
kapangyarihan sa mga lalawigan?

IV. Pagtataya
Panuto. Ibigay at isulat ang hinihiling ng mga sumusunod na paksa o
pangungusap.
A. Dalawang komisyong itinatag ng mga Amerkano
1. ________________________
2. ________________________
B. Magbigay ng 2 Batas na naipatupad ng Komisyong Taft.
3. __________________________________________
__
4. __________________________________________
__
C. Ano Patakarang Pilipinisasyon ng Amerikano?
5. __________________________________________
__

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik. Ano ang Pamahalaang Kolonyal?
28

2. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano

Aralin 9

I. Layunin
2.2 Nailalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang kolonyal
II. Paksang – Aralin
Paglalarawan sa sistema at balangkas ng pamahalaang Kolonyal ng
mga Amerikano
 Pamahalaang Militar
Sanggunian: K-12 BEC 2.2 Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah. 149-15
Kagamitan: tsart, larawan power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN
III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mahahalagang pangyayari sa ating
pamahalaang lokal at napapanahong isyu o balita tungkol sa ating
bansa.
Maari gumamit ng diaryong tagalog. Maghanap at magbasa ng
balita na may kinalaman sa tatalakayin.
2. Balik-aral (concept mapping) Magbigay ng natutunan sa…

Patakarang Pasipikasyon at
Kooptasyon ng pamahalaang
Amerikano (Komisyong Amerikano)

3. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan ng mga kasalukuyang pinuno ng ating
bansa, lalawigan, at bayan.
Itanong: Sino ang ating pangulo? Ano ang kanyang pangunahing
tungkulin? (Gobernador Lalawigan? Municipal Mayor?)
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatang Gawain
Panuto: Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay
pipili ng lider, taga-ulat, tagatala. Bibigyan 5-10 minuto upang
basahin at isagawa ang task card ng bawat pangkat. Ang
pangkat na mauunang matapos ay unang mag-uulat.

29
Babasahin ng guro ang unang talata, pagkatapos magbasa o magsalita
ng guro hudyat na ito upang isagawa ang pangkatang gawain.

Guro: Unang binigyan pansin ng mga Amerikano ang pangangailangan


na ayusin muna ang sitwasyong pangkapayapaan sa Pilipinas. Ito ang
dahilan ng pagkakaroon ng dalawang uri ng pamahalaan na kanilang
itinatag sa bansa – ang pamahalaang militar at sibil. Mahalaga ang
pamahalaang militar upang tuluyang wakasan ang panganib na dulot ng
mga Pilipinong patuloy na nakikipaglaban.

Narito ang mga sumusunod na task card ng bawat


pangkat.
Pangkat 1
Itinatag noong Agosto 14, 1898 ang isang pamahalaang militar ng mga
Amerikano sa pamumuno ng isang gobernador-militar. Nagmula sa Pangulo ng United
States ang mga kautusang ipinatupad sa Pilipinas, ang kapangyarihan ng gobernador-
militar na maging tagapagpaganap, tagapagpatibay ng batas, at tagapaghukom.
Si Heneral Wesley Merritt ang kauna-unahang gobernador-militar sa bansa.
Sumunod sa kanya si Heneral Elwell Otis at sinundan ni Heneral Arthur MacArthur.
Tatlong taon lamang ang itinagal ng pamahalaang militar. Ilan sa mahalagang
nagawa ng pamahalaang ito ay sumusunod:
1. Pagbibigay ng kapayapaan pagkatapos ng pinsalang dulot ng digmaan;
2. Pagtatatag ng sistema na patungo sa pagtatatag ng pamahalaan ng mga
Pilipino;
3. Pagbubukas ng mga hukumang sibil kasama ng Kataas-taasang Hukuman;
4. Pagganap ng kauna- unahang halalang municipal sa Baliwag, Bulacan noong
Mayo 7, 1899;
5. Pagtatatag ng pamahalaang lokal, panlalawigan at panlungsod; at
6. Pagtatatag ng mga paaralan sa mga lungsod.
TANONG:
1. Kailan itinatag ang pamahalaang militar ng mga Amerikano sa Pilipinas?
2. Sino ang namuno o pinuno ng pamahalaang militar at ano ang kanilang mga
kapangyarihan o tungkulin?

Kapangyarihan ng GOBERNADOR-MILITAR

3. Sinu-sino ang mga naging gobernador-militar sa bansa?

30
Pangkat 2
Sa panahon ng pamahalaang militar, nagpadala ang United States ng iba’t –
ibang komisyon upang tumulong sa pagtatatag ng sariling pamahalaan ng mga
Pilipino.
Unang ipinadala sa Pilipinas ang komisyong pinamunuan ni Jacob Schurman
upang suriin ang kalagayan ng bansa. Dumating ito sa Pilipinas noong Marso 4,
1899 at nagtagal dito nang isang taon. Iisa lamang ang kanilang ulat sa pagbabalik
nila sa United States: hindi pa handa ang Pilipinas sa pagsasarili.
May rekomendasyon ang komisyon pagkatapos ng kanilang pagsusuri.
1. Pagtatatag ng pamahalaang kolonyal na may lehislaturang binubuo ng
mababa at mataas na kapulungan;
2. Pagtanggal sa pamahalaang lokal;
3. Pagbubukas ng mga pampublikong paaralan;
4. Paghirang sa mga Pilipinong may mabuting pagkatao at may kakayahang
mamuno sa mahahalagang posisyon sa pamahalaan; at
5. Pagkakaroon ng hiwalay na pananalapi ng pamahalaang sibil sa Pilipinas.
TANONG:
1. Bakit nagpadala ng iba’t – ibang komisyon ang United States sa
Pilipinas?
2. Sino ang unang komisyong Amerikano ang ipinadala upang suriin ang
kalagayan ng bansa?
3. Ano ang natuklasan ng mga komisyon sa pagsusuri sa kalagayan ng
Pilipinas?
4. Ano ang naging resulta ng pagsusuri Jacob Schurman sa kalagayan ng
Pilipinas

Sino ?

Kapangyarihan
Tagapagpaganap/ Pang-ehekutibo
Tagapagpatibay ng
batas/Paglehislatibo
Tagapaghukom/Pang-Hudikatura

2. Pagsusuri
 Ano ang sistema at balangkas ng pamahalaang militar?
 Higit bang nakatulong pamahalaang militar na itinatag ng
mga Amerikano sa bansa? Bakit?
 Anu- ano ang mga mahahalagang nagawa ng
pamahalaang militar o ng mga komisyon ng Amerikano?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA sa
patlang kung ito ay nagsasaad ng katotohanan at MALI kung di-
katotohanan.
1. Itinatag noong Agosto 14, 1898 ang isang pamahalaang militar ng mga
Amerikano sa pamumuno ng isang gobernador-militar. ________________
2. Ang kapangyarihan ng gobernador-militar na maging tagapagpaganap,
tagapagpatibay ng batas, at tagapaghukom.__________________
3. Ang Komisyong Taft ang nagpasimula ng pagtatayo ng pamahalaang militar
sa Pilipinas __________
4. Si Heneral Wesley Merritt ang kauna-unahang gobernador-militar sa bansa.
______________
5. Itinatag ni Pangulong McKinley noong Marso 16, 1900 ang ikalawang
komisyon na tinawag na Komisyong Taft.__________________

V. Takdang – Aralin
Magsaliksik . Ano ang pamahalaang Sibil at kailan ito itinatag ng
mga Amerikano sa bansa?
2. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano

Aralin 10
I. Layunin
2.2 Nailalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang Kolonyal
 Pamahalaang Sibil
II. Paksang
Paglalarawan sa Sistema at Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal
 Pamahalaang Sibil
Sanggunian: K-12 BEC A.2.2.2 Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pahina 135-136
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN
III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan: Magbalitaan tungkol sa mga napapanahon isyu sa
bansa na may kinalaman sa pamahalaan.
2. Balik-aral: (semantic web) isulat ang mga nalalaman o
natutunan sa paksa na nasa hugis- biliog.
Ano pamahalaang- militar?

3. Pagganyak
Magbigay ideya o nalalaman tungkol sa pamahalaang sibil.
(Maaring isulat ng guro ang mga sagot ng mag-aaral)
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatang Gawain
Panuto: Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay
pipili ng lider, taga-ulat, tagatala. Bibigyan 5-10 minuto upang
basahin at isagawa ang task card ng bawat pangkat. Ang
pangkat na mauunang matapos ay unang mag-uulat.
Babasahin ng guro ang unang talata, pagkatapos
magbasa o magsalita ng guro hudyat na ito upang isagawa ang
pangkatang gawain.
Guro: Dalawang batas ang epektibong naglipat at
nagtatag sa pamahalaang sibil sa bansa. Una rito ang Susog
Spooner na ipinanukala ni Senador John Spooner noong 1901.
Isinusog nitong bigyan ng kapangyarihan ang pangulo ng US na
magtatag ng isang pamahalaang sibil sa Pilipinas.

33

ANG PAMAHALAANG SIBIL

 Noong Marso 2, 1901 ipinasa ng US Congress ang Spooner


Amendment.
 Ang Spooner Amendment ay isang batas na nagbigay-daan upang
palitan na ang pamahalaang militar at ipatupad ang pamahalaang
sibil.
 Ito ay isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng sibilyan
[mamayan].
 Ito ay may layuning itaas ang demokratikong pamumuno kung
saan ang kapangyarihan ay nasakamay ng mga mamamayan.
 Nagsasaad din dito na ang kapangyarihang militar ay nasa ilalim
lamang ng kapangyarihang sibilyan at ang mga sundalo ay
itinalaga upang protektahan ang mga karapatan ng mga
mamamayan.
 Pinasinayaan ang pamahalaang sibil noong Hulyo 4, 1901
 Sa ilalim ng pamahalaang sibil, ang pangalawang komisyon (Taft
Commission) ay tumatayo bilang lehislatibong sangay ng Pilipinas.
 Si William H. Taft, ang naging gobernador-heneral ng pamahalaang
sibil.
 Ang iba pang kasapi ng komisyon ay naging kalihim ng iba’t ibang
sangay ng ehekutibo.
 Bagama’t matatag na ang pamahalaang sibil sa mga mapayapang
lugar, ang pamahalaang militar ay nananatili pa ring ipinatutupad
ng USA sa ibang bahagi ng kolonya.
 Maraming magagandang bagay ang nangyari sa panahon ng
pamahalaang sibil lalo na sa ilalim ng pamamahala ni Gobernador-
Heneral Taft.
 Isa na rito ang pagpapatibay ng Cooper Act na mas kilala sa tawag
na Philippine Bill of 1902.
 Ang batas na ito ay naghahangad na ibigay sa mga Pilipino ang mga
sumusunod:
1.Paggawad ng mga kaukulang karapatan maliban
sa karapatang panghukuman;
2.Pagtatalaga ng mga Plipinong komisyonado
sa US Congress;
3.Pagtatatag ng Philippine Assembly
(Asambleya ngPilipinas) na kakatawan bilang mababang
kapulunganng lehislatibong sangay ng Pilipinas at
pagpapanatiling Philippine commission (Komisyon
ng Pilipinas)bilang mataas na kapulungan ng lehislatibo; at
4 . P a n a n g a l a g a n g m g a l i k a s n a ya m a n p a r a s a
m g a Pilipino.
 Hulyo 30,1907 kauna-unahang halalan sa Pilipinas sa
panahon ng mga Amerikano. Ito ay ang halalan sa
magiging kasapi ng Philippine Assembly.
 Partido Nacionalista itinatag ng mga nanalo sa halalan at
naging pinakamakapangyarihang partidonoong panahong
iyon.
 Oktubre 16, 1907 ginanap ang inagurasyon ng Philippine
Assembly.
 Sergio Osmena hinirang bilang tagapagsalita ng kapulungan.
 Manuel Luis Quezon hinirang bilang pinuno ng mayorya.

34

 Benito Legarda Pablo Ocampo Ayon na rin sa kautusan ng


Philippine Bill of 1902, naghirang ng 2 Pilipinong
komisyonado ang mga Amerikano. Bagama’t walang
karapatang bumoto sa US Congress, sila ay nagsilbing
tagapagtanggol ng inters ng mga mamamayang Pilipino.
Sila ang unang 2 komisyonado ng bansa. Manuel Luis
Quezon naging komisyonado rin mula 1909 –1916.
Task Card

Pangkat 1
Tanong:
1. Ano ang Spooner Amendment?
2. Ano ang pamahalaang sibil?
3. Sino ang namuno o pinuno ng pamahalaang sibil at ano ang kanilang
mga kapangyarihan o tungkulin?
Kapangyarihan ng GOBERNADOR-Heneral

Pangkat 2
Tanong:
1. Kailan pinasinayaan ang pamahalaang sibil?
2. Ano ang mga sangay ng pamahalaang Sibil?
3. Sa ilalim ng pamahalaang sibil, sino ang tumatayo bilang lehislatibong
sangay ng Pilipinas?
4. Sino ang naging gobernador-heneral ng pamahalaang sibil?
5. Sinu-sino ang mga naging kalihim ng iba’t ibang sangay ng ehekutibo.

Pangkat 3
Tanong:
a. Ano Philippine Bill of 1902 o Cooper Act?
b. Anu-ano hinahangad ng Philippine Bill of 1902 na ibigay sa mga Pilipino?
c. kalian nangyari angkauna-unahang halalan sa Pilipinas sa panahon ng
mga Amerikano?
d. Anong partido ang itinatag ng mga nanalo sa halalan at naging
pinakamakapangyarihang partidonoong panahong iyon?

35

Pangkat 4
Paghambingin ang Pamahalaang Sibil at Pamahalaang Militar.
Pamahalaang Sibil Pamahalaang Militar
2. Pagsusuri

 Alin ang mas magandang uri pamahalaan, Pamahalaang Sibil o


Pamahalaang Militar? Bakit?
 “Bagama’t matatag na ang pamahalaang sibil sa mga mapayapang
lugar, ang pamahalaang militar ay nananatili pa ring ipinatutupad ng
USA sa ibang bahagi ng kolonya”. Bakit? Ano ang masasabi o
reaksyon mo sa pangungusap o katotohanan ito?

IV. Pagtataya
Panuto: Ilarawan ang sistema at balangkas ng Pamahalaang Sibil sa 1-2
talata.
Isulat ito sa isang buong papel.

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol sa Malayang Kalakalan o Free Trade.

36
2. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano

Aralin 11

I. Layunin
2.3 Nasusuri ang mga patakaran ng malayang kalakalan (free trade) na
pinairal ng mga Amerikano

II. Paksang Aralin


Pagsusuri ng mga Pakataran ng Malayang Kalakalan (Free Trade) na
pina iral ng mga Amerikano
Sanggunian: K-12 BEC A.2.2.3 Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.155-157
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKATAO

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa napapanahon isyu na may kinalaman ekomiya ng
ating bansa. (Survey)
Halimbawa: Pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino
 Marami ang naghihirap sa buhay o maginhawa ang buhay ng mga
mamamayang Pilipino
2. Pagganyak
May ginawang mga pagbabago ang mga Amerikano
sa ekonomiya ng Pilipinas noong panahon ng kanilang
pananakop sa bansa. Saang aspekto kaya ng
pangkabuhayan ng mga Pilipino ito? Ating alamin ang
mga ito.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad ng Aralin ( maari gawin sa powerpoint presentation)
Pagsusuri sa Malayang Kalakalan ( Free Trade)
 May ginawang mga pagbabago ang mga Amerikano sa
ekonomiya ng Pilipinas noong panahon ng kanilang pananakop
sa bansa. Umikot ang mga pagbabagong ito sa pagbibigay-pansin
sa dalawang aspekto ng kabuhayan ng mga Pilipino—ang
agrikultura o mga lupang pansakahan at ang malayang kalakalan
o free trade.
 May kinalaman sa isa’t – isa ang agrikultura at malayang
kalakalan. Kinakailangan patatagin ng mga Amerikano ang
agrikultura at pagsasaka sa Pilipinas upang may pagkunan ng
mga panangkap na materyales. Ang mga materyales namang ito
ay dadalhin sa United States upang ikalakal.
37

 Hindi lamang pampulitika ang layunin ng mga Amerikano sa pagsakop


nila sa Pilipinas. Nakita nila na malaki ang maitutulong ng bansa at ng
mga produkto nito sa ekonomiya ng United States. Hindi nakapagtataka
nab ago man natapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano, marami nang
mga mangangalakal na Amerikano ang nasa bansa.

 Sa pasimula ng pamamahala ng mga Amerikano, unti-unting


nalimitahan ang pakikipagkalakalan ng Pilipnas sa ibang bansa. Nang
lumaon, halos sa United States na lamang iniluluwas ang mga
produktong Pilipino. Lalo pa itong lumubha nang pagtibayin sa United
States ang iba’t ibang batas pangkalakalan, lalo na ang patakarang
malayang kalakalan. Lalo nang natali ang ekonomiya ng Pilipinas sa
United States.

 Bagamat malayang kalakalan ang tawag ng mga Amerikano sa


kalakalang namagitan sa dalawang bansa, hindi ito maituturing na
pantay. Sa simula, maaaring pumasok sa Pilipinas ang mga produkto ng
mga Amerikano ngunit hindi maaring makapasok ang lahat ng
produktong Pilipino sa united States. Ito ang ipinakita ng ilang batas
pang-ekonomiya na ipinagtibay ng Kongreso ng United States.

2. Pagsusuri
1. Anong pagbabago ang ginawa ng mga Amerikano sa ekonomiya ng
Pilipinasnoong panahon ng kanilang pananakop sa bansa?
2. Bakit kinakailangan patatagin ng mga Amerikano ang agrikultura at
pagsasaka sa Pilipinas?
3. Bakit unti-unting nalimitahan ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang
bansa?
4. Nagkaroon ba ng malayang kalakalan o free trade ang dalawang bansa? Oo
/ hindi? Bakit?

3. Paglalahat
 Ano ang mga patakaran ng malayang kalakalan na pinairal ng mga
Amerikano noong panahon ng kanilang pananakop sa bansa?

4. Paglalapat
 Sa palagay nyo, nakatulong ba ang mga Amerikano sa pagpapataas ng
antas ng ekonomiya ng Pilipinas noong panahon ng kanilang pananakop?
Bakit?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA sa
patlang kung ito ay nagsasaad ng katotohanan at MALI kung di-
katotohanan.

38

_____________1. Hindi lamang pampulitika ang layunin ng mga


Amerikano sa pagsakop nila sa Pilipinas.

_____________ 2. Sa pasimula ng pamamahala ng mga Amerikano,


unti-unting nalimitahan ang pakikipagkalakalan ng Pilipnas sa ibang
bansa.

______________ 3. Bagamat malayang kalakalan ang tawag ng mga


Amerikano sa kalakalang namagitan sa dalawang bansa, hindi ito
maituturing na pantay.

_______________ 4. Marami nang mga mangangalakal na


Amerikano ang nasa bansa bago pa natapos ang Digmaang
Pilipino-Amerikano.

________________ 5. Maaaring pumasok sa Pilipinas ang mga


produkto ng mga Amerikano ngunit hindi maaring makapasok ang
lahat ng produktong Pilipino sa united States.

V. Takdang –Aralin
Magsaliksik . Ano ang Batas Philippine Tariff ng 1902
39

2. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano

Aralin 12

I. Layunin
2.3 Nasusuri ang mga patakaran ng malayang kalakalan (free trade) na
pinairal ng mga Amerikano
 Batas Philippine Tariff 1902

II. Pagsusuri ng mga Pakataran ng Malayang Kalakalan (Free Trade) na


pinairal ng mga Amerikano
Batas Philippine Tariff 1902
Sanggunian: K-12 BEC A.2.2.3 Pah. 59 ng 120, Batayang Aklat –
Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.155-157
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa napapanahon isyu o mga batas pinapairal sa
bansa na may kinalaman sa aralin o sa ekonomiya ng bansa.

Ano ang Malayang Kalakalan


( Free Trade)?
2. Balik-aral

2. Pagganyak

Sa simula, maaaring pumasok sa Pilipinas ang mga produkto ng


mga Amerikano ngunit hindi maaring makapasok ang lahat ng
produktong Pilipino sa United States. Ito ang ipinakita ng ilang batas
pang-ekonomiya na ipinagtibay ng Kongreso ng United States.
 Anu – ano ang mga batas na ito na pinairal ng mga
Amerikano? Alamin natin.

1. Batas Philippine Tariff ng 1902


2. Batas Payne-Aldrich
3.Batas Underwood-Simmons

40

B. Panlinang na Gawain
1. Gawin (think, pair, share)

Maghanap ng kapartner at basahin ang mga talata gamit ang mata lang.
Pagkatapos basahin mga talata pag-isipan at pagtulong sagutin ang mga
sumusunod na tanong tungkol dito. Babasahin muna ng guro ang buong
talata at makinig nang mabuti, pagtapos magbasa o magsalita ng guro
hudyat na ito upang isagawa ang gawain.
Batas Philippine Tariff ng 1902
Naipasa ang Batas Philippine Tariff ng 1902 dahil sa pangangailangan ng mga
Amerikano sa abaka. Ang abaka ang pangunahing produktong iniluluwas ng Pilipinas sa
United States.
Alinsunod sa batas na ito, hindi papatawan ng buwis ang mga abakang iluluwas sa
United States. Ngunit ang mga kompanya ng abaka sa Pilipinas ay kontrolado ng mga
Ingles kaya dinadala muna nila sa Great Britain ang mga abaka bago iluwas sa United
States. Dahil dito, kinakailangang magbayad ang magluwas ng buwis na $0.75 bawat kilo
ng abaka.
Sa halip na mapunta sa Pilipinas ang buwis, napunta ito sa mga Amerikanong
kompanya na umaangkat ng abaka. Sa loob ng pitong taon, mula 1902 hanggang 1909,
mahigpit sa $3 milyon ang kinita ng mga kompanyang ito. Maraming mambabatas na
Pilipino at Amerikano ang nanawagan na mapawalang-bisa ang batas. Napawalang-bisa
lamang ang batas na ito nang pagtibayin ang Batas Underwood-Simmons noong 1913.
Tanong:
1. Bakit naipasa ang Batas Philippine Tariff ng 1902?
2. Ano ang pangunahing produkto na iniluluwas ng Pilipinas sa United States?
3. Ano ang nilalaman o isinasaad ng Batas Philippine Tariff ng 1902?
4. Sino kumokontrol sa kompanya ng abaka sa Pilipinas?
5. Saan dinadala ang produktong abaka bago iluwas sa United States?
6. Sino ang higit na nakinabang sa Batas Philippine Tariff ng 1902?
mga Pilipino? O Amerikano?Bakit?

2. Pagsusuri
 Nakatulong ba ang Batas Philippine Tariff ng 1902 sa
kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas? Bakit?
 Bakit maraming mambabatas na Pilipino at Amerikano
ang nanawagan na mapawalang-bisa ang batas?
 Ano ang masasabi o reaksyon mo sa patarakan ng
Batas Philippine Tariff ng 1902? Bakit?

IV. Pagtataya
Isulat sa1-2 talata ang tinutukoy o isinasaad ng Batas Philippine Tariff
ng 1902. Isulat ito sa ½ crosswise na papel.

V. Takdang- Aralin
Magsaliksik. Ano ang Batas Payne-Aldrich?

2. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano

Aralin 12
I. Layunin
2.3 Nasusuri ang mga patakaran ng malayang kalakalan (free trade) na
pinairal ng mga Amerikano
 Batas Payne-Aldrich

II. Paksang Aralin


Pagsusuri ng mga Pakataran ng Malayang Kalakalan (Free Trade) na
pinairal ng mga Amerikano
 Batas Payne-Aldrich
Sanggunian: K-12 BEC A.2.2.3 Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.158
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa napapanahon isyu o kasalukuyang
kalagayan
kalakalan o pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.
2. Balik-aral
Bakit naipasa ang Batas Philippine Tariff ng 1902?
3. Pagganyak
 May alam o nalalaman ba kyo sa Batas Payne-Aldrich?
 Ano ang nais ninyong malaman tungkol batas na ito?

Batas Payne-Aldrich

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatang Gawain ( Gamitin ang dating pangkat ng mga bata)

42
Batas Payne-Aldrich
Napagtibay ang Batas Payne-Aldrich sa Kongreso ng United States
noong Agosto 5, 1909. Sina Kongresista Sereno Payne at Senador Nelson
Aldrich ang mga may akda ng naturang batas.
Maraming Amerikano ang tutol at sang-ayon sa batas na ito nang
pinag-uusapan pa lamang ito sa Kongreso. Kabilang sa mga tutol dito ay ang
mga may negosyo ng asukal at tabako. Sa ilalim ng batas na ito, maaaring
mailuwas ang maraming hilaw na sangkap tulad ng asukal at tabako mula sa
Pilipinas. Nag-aalala ang mga negosyanteng Amerikano tulad ng mga
nagnenegosyo ng asukal at tabako nab aka bumaba ang presyo ng dalawang
sangkap na ito dahil sa pagdami nito sa pamilihan sa United States. Sa
pagbaba ng presyo, malulugi ang mga negosyanteng Amerikano dahil hindi
sila makakapagkompitensya sa baba ng presyo ng asukal at tabako mula sa
Pilipinas.
Sa-ayon naman sa batas ang mga may-ari ng mga pagawaan at
pabrika dahil mas malaki ang kanilang kikitain kung mura lamang ang
gagamitin nilang materyales mula sa Pilipinas.
Upang magkasundo ang mga interes ng iba’t ibang sector sa United
States, nilimitahan ng Batas Payne-Aldrich ang kalakalan sa pagitan ng
Pilipinas at United States. Itinakda nito na maaaring iluwas sa Pilipinas ang
mga produktong Amerikano, maliban sa bigas, nang walang quota o takda.
Samantala, maliban din sa bigas, maaaring iluwas ang mga produktong
Pilipino sa United States ngunit may takda ang bawat taon. Kabilang sa
sigarilyo, tabako, at asukal sa mga produktong nilimitahan ang pagluwas sa
United States.

 Pangkat 1 Paano ipinasa o ipinagtibay ang Batas Panyne-


Aldrich? Ipaliwanag sa isang talata.

 Pangkat 2
Bakit maraming Amerikano tutol at sang-ayon sa
Batas Panyne-Aldrich?

 Pangkat 3 Bakit nag-aalala ang mga negosyanteng


Amerikano tulad ng mga nagnenegosyo ng
asukal at tabako?

 Pangkat 4
Bakit nilimitahan ng sa Batas Payne-Aldrich ang
kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at United
States?
43

2. Pagsusuri
 Nakatulong ba ang Batas Payne- Aldrich sa kalagayang pang-
ekonomiya ng Pilipinas? Bakit?
 Ano ang masasabi o reaksyon mo sa patarakan ng Batas Payne-
Aldrich? Bakit?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang sumusunod na
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng mga
pangungusap na tumutukoy sa Batas Payne-Aldrich.
A. Napagtibay ang Batas Payne-Aldrich sa Kongreso ng United
States noong Agosto 5, 1909.
B. . Sina Kongresista Silverio Payne at Senador Nepthalie Aldrich
ang mga may akda ng naturang batas.
C. Maraming Amerikano ang tutol at sang-ayon sa batas na ito
nang pinag-uusapan pa lamang ito sa Kongreso.
D. Higit na nkatulong ang Batas Payne-Aldrich sa mga
negosyante Pilipino lamang.
E. Sa ilalim ng batas na ito, maaaring mailuwas ang maraming
hilaw na sangkap tulad ng asukal at tabako mula sa Pilipinas.
F. Sa-ayon naman sa batas ang mga may-ari ng mga pagawaan
at pabrika dahil mas malaki ang kanilang kikitain kung mura
lamang ang gagamitin nilang materyales mula sa Pilipinas.
G. Umunlad ang ekonomiya ng Pipilipinas dahil sa Batas Payne-
Aldrich.

IV. Takdang- Aralin


Magsaliksik . Ano ang Batas Underwood-Simmons?
44

2. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano

Aralin 14

I. Layunin
Nasusuri ang mga patakaran ng malayang kalakalan (free
trade) na pinairal ng mga Amerikano
 Batas Underwood-Simmons

II. Paksang Aralin


Pagsusuri ng mga Pakataran ng Malayang Kalakalan (Free Trade) na
pinairal ng mga Amerikano
 Batas Underwood-Simmons
Sanggunian: K-12 BEC A.2.2.3 Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.158-159
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa napapanahon isyu o balita
halimbawa: Presyo ng mga pangunahing bilihin
2. Balik-aral
Nakatulong ba ang Batas Payne- Aldrich sa kalagayang pang-
ekonomiya ng Pilipinas? Bakit?
3. Pagganyak
Batas Underwood-Simmons
Ano kaya ang kaibahan ng batas na ito sa mga batas na natalakay
na?
Alamin natin.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain Pangkatan Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay
pipiling lider, taga-ulat at tagatala. Bibigyan sila ng 5-10 minuto
upang basahin at isagawa ang task card ng bawat pangkat. Ang
pangkat na maunang matapos ay unang mag-ulat.
Babasahin ng guro ang Batas o ang talata, pagkatapos
magbasa o magsalita ng guro hudyat na ito upang isagawa ang
pangkatang gawain.

 Ang bawat pangkat magbigay 3-5 mahahalagang pangungusap


tungkol sa Batas Underwood-Simmons

45
Batas Underwood-Simmons
Pinagtibay ng Kongreso ng United States ang Batas Underwood-Simmons noong
Oktober 3, 1913. Ang batas na ito ang tuluyang naglunsad sa malayang kalakalan sa pagitan
ng Pilipinas at United States.

Pinawalang-bisa ng batas ang lahat ng humadlang sa malayang kalakalang. Tinanggal


na rin ang lahat ng takda sa dami ng asukal at tabako na iluluwas sa United States.
Nangangahulugan ito na malaya nang makapasok ang mga produkto ng dalawang bansa sa
isa’t isa. Dahil sa batas na ito, unti-unting lumaki ang halaga at bahagdan ng mga iniluluwas
na produkto sa Pilipinas at United States. Sa simula, maaaring masabi na nakatulong sa
ekonomiya ng Pilipinas ang panahong ito ng malayang kalakalan. Ginamit ang kinita sa
kalakalan sa pagpapagawa ng mga lansangan, tulay, ospital, at paaralan. Tumaas din
produksyon ng agrikultura bunga ng pangangailangan sa mga sangkap na iniluluwas sa
United States. Marami ring mga pagawaan ang itinayo na nakapagbigay ng hanapbuhay at
kita sa mga Pilipino. Ang mga industriyang napabayaan, tulad ng pagmimina, ay muling
binuhay dahil sa pangangailangan sa mga panangkap.

Nang lumaon, hindi na halos nakipagkalakalan ang Pilipinas sa ibang bansa hindi
tulad noong panahon ng mga Espanol. Hindi na inalintala ng mga Amerikano at ng ilang
opisyal na Pilipino na maari ring kumita ang Pilipinas kung bigyang-pansin ang ibang bansa
bukod sa United States. Lubha ring lumaki ang gastos sa pagluluwas ng mga produkto dahil
mahal ang ibinabayad sa mga barkong nagdadala ng mga produktong patungo sa United
States. Ang pinakamabigat na epekto ng malayang kalakalan ay ang tuluyang pagkatali ng
ekonomiya ng Pilipinas sa United States. Ang kalagayang ito ay nagpatuloy hanggang sa
panahon Komonwelt.

Ano ang Batas Underwood-Simmons? Nakatulong


ba ang batas na ito sa malayang kalakalan ng mga
bansa ?
1.
2.
3.
4.
5.

46

2.Pagsusuri

 Kailan pinagtibay ang Batas Underwood-Simmons?


 Ang nagawa o inilunsad ng batas na ito sa malayang kalakalan sa
pagitan ng Pilipinas at United States?
 Paano nakatulong ang Batas Underwood-Simmons sa ekonomiya
ng Pilipinas?
 Bakit lubha ring lumaki ang gastos sa pagluluwas ng mga
produkto?
 Ano ang pinakamabigat na epekto ng malayang kalakalan sa
ekonomiya ng Pilipinas?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik K
kung ito nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa Batas Underwood-
Simmons at titik DK di-katotohanan. Isulat ang sa patlang.

_______________ 1. . Ang Batas Underwood-Simmons ang tuluyang naglunsad sa


malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at United States.
________________ 2. Pinagtibay ng Kongreso ng United States ang Batas
Underwood-Simmons noong Nobyembre 30, 1903.
_________________3. Higit nakinabang ang Amerikano sa Batas na ito.
_________________ 4.Dahil sa batas na ito, unti-unting lumaki ang halaga at
bahagdan ng mga iniluluwas na produkto sa Pilipinas at United States.
_________________ 5. Ang pinakamabigat na epekto ng malayang kalakalan ay
ang tuluyang pagkatali ng ekonomiya ng Pilipinas sa United States.
V. Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol sa epekto ng free trade.

47

2. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano

Aralin 15
I. Layunin
2.4 Natatalakay ang epekto ng malayang kalakalan (free trade)
Hal:
- Kalakalan ng Pilipinas at U.S.
- Pananim at Sakahan
II. Paksang Aralin
Pagtalakay sa Epekto ng Malayang Kalakalan (free trade)
Sanggunian: K-12 BEC A.2.2.4Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pahina 57
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN
III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mga produktong galing ibang
bansa.
2. Balik-aral
Magbigay ideya o natutunan tungkol sa “free trade” o
malayang kalakalan.
Mga batas na tumutukoy sa “free trade” o malayang kalakalan.

3. Pagganyak Ano ang nalalaman o alam mo


tungkol sa kalakalan sa
panahon natin ngayon?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain: Pangkatang Gawain

Task Card (Pangkat 1, 2, 3, 4)


Panuto: Basahin at unawain ang paksang- aralin. Alamin ang ang epekto ng
malayang kalakalan (free trade) sa kalakalan sa Pilipinas at United States.

Masamang Epekto ng Malayang Kalakalan Mabuting Epekto ng Malayang Kalakalan

48

Malayang Kalakalan
 Napasimulan ang malayang kalakalan o free trade noong 1909 nang
ipinasa ng Kongresong Amerikano ang Payne- Aldrich Tariff Act.
 Sa ilalim ng batas ang mga produktong iniluluwas ng U.S. sa Pilipinas
ay walang babayarang tariff buwis at wala ring itatakdang dami o
quota. Samakatwid, malayang makapapasok ang anumang produktong
nagmula sa U.S. sa mga pamilihan ng Pilipinas.
 Pinahihintulutan ding makapasok sa mga pamilihan ng U.S. ang
produktong iniluluwas ng Pilipinas nang walang binabayarang buwis
subalit may nakatakdang dami o quota tulad ng quota sa produktong
asukal at tabako ng bansa.
 Samantala, ang bigas mula import sa Pilipinas ay hindi pinayagang
makapasok sa U.S. at nagtakda rin na nararapat umayon sa mga hilaw
na materyal na kailangan ng industriyang Amerikano ang mga
iniluluwas na produkto ng Pilipinas.
 Samakatwid, ang kaunlaran ng Pilipinas, kung mayroon man ay
nakabatay sa mga kondisyon na maaaring hingin ng U.S. sa kanyang
kolonya.
 Noong 1934, naipasa naman ang Tydings-McDuffie Law. Kilala ito
bilang batas na nagsaad ng pagbibigay ng kalayaan sa bansa mula sa
49

Taon Bansa Kita


1900-1909 Pagpasok ng mga P60.9M
Espanya
1914-1918 produkto sa bansa P94.7M
batay sa
Kasunduan sa Paris
1919-1924 P177.3M
1919-1924 P234.7M
1925-1930 Payne-Aldrich Tariff P297.9M
1930-1935 P213.2M
50

2. Pagsusuri
 Kailan napasimulan ang malayang kalakalan o free trade?
 Paano nagkaroon ng free trade o malayang kalakalan sa
bansa?
 Bakit sinasabing “ang kaunlaran ng Pilipinas, kung
mayroon man ay nakabatay sa mga kondisyon na maaaring
hingin ng U.S. sa kanyang kolonya”
 Ano ang mga mabuting epekto ng Malayang Kalakalan sa
Kalakalan ng Pilipinas at U.S.?
 Ano ang mga masamang epekto ng Malayang Kalakalan sa
Kalakalan ng Pilipinas at U.S.?
 Sa iyong sariling pananaw, dapat bang ipagpatuloy ang
Free Trade sa Kalakalang Pilipinas at US? Bakit?

IV. Pagtataya
Panuto: Ipaliwag 1 o 2 tatala ang epekto ng malayang kalakalan sa
Kalakalang Pilipinas at US. Isulat ito sa isang buong papel.

V. Takdang-Aralin
Alamin ang epekto ng Malayang Kalakalan sa pananim at sakahan ng
mga Pilipino.

51
2. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano

Aralin 16

I. Layunin
2.4 Natatalakay ang epekto ng malayang kalakalan (free trade)
Halimbawa:
Kalakalan ng Pilipinas at U.S.
Pananim at Sakahan

II. Paksang Aralin


Pagtalakay sa Epekto ng Malayang Kalakalan (free trade)
Halimbawa:
 Kalakalan ng Pilipinas at U.S.
 Pananim at Sakahan
Sanggunian: K-12 BEC A.2.2.4Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pahina 157-159
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel pen
Saloobin: MAKABAYAN
III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mga produktong galing ibang bansa.
Halimbawa: Bigas, modernong sasakyan at iba pang produkto
2. Balik-aral
Bakit sinasabing “ang kaunlaran ng Pilipinas, kung mayroon man ay
nakabatay sa mga kondisyon na maaaring hingin ng U.S. sa kanyang
kolonya”?

3. Pagganyak

Sino dapat ang tumangkilik sa mga


produktong gawa dito sa ating bansa o
gawang pinoy? Bakit?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatang Gawain
 Gamitin ang dating grupo o pangkat ng mga bata 4 na pangkat

52

 Nagbunga ito sa pagtaas ngantas ng pamumuhay ng ilang mga


Pilipino. Kung susuriin ang sumigla ang ekonomiya ng bansa sa ilalim
ng kolonisasyong Amerikano subalit maraming Pilipino ang tumutol
dito.
 Alamin natin kung bakit?
 Ang mga produktong asukal at tabako ay maaaring ma-1 monopolisa
ng isang pamilihan lamang.
 Kapag ang pamilihan ay humina, lubhang maaapektuhan ang mga
prodyuser ng asukal at tabako.
 Sa ganitong sitwasyon umaasa na lamang ang Pilipinassa U.S. Ang
mga panginoong may lupa o landlord at malalaking kumpanya lang na
nangingibabaw sa komersyo, industriya at agrikultura ng bansa ang
tanging nakikinabang sa sistemang ito.
 Dagdag pa rito, dahil sa pag-export sa mga produkto kaysa ibenta
salokal na pamilihan nagdudulot din ito ng kakulangan sa lokal na
suplay.
 Naipagpaliban din nito ang pagkamit ng kasarinlan sa bansa.
 Ang mga yumayamang Amerikanong kumpanya sa Pilipinas ay
maaaring pilitin ang pamahalaang U.S. na huwag bitiwan ang kolonya
o patagalin ang pananakop dito.
 Maging ang mga mayayamang Pilipino na nakinabang sa sistema ay
magdadalawang isip sa pagsulong ng kalayaan.
 Nababawasan ang maaaring kitain ng pamahalaan mula sa
pangongolekta ng buwis sa mga produktong inaangkat at iniluluwas sa
bansa. Ang kitang ito ay maaari sanang gamitin sa pagsasagawa ng
mga proyekto at programang panlipunan.
 Hindi lahat ng Pilipino ay nakinabang sa malayang
kalakalan.Yumaman ang mga may-ari ng lupa habang tumanggap
lamang ngmaliit na sahod ang mga tunay na nagsasaka sa lupa.
 Hindi lumakasang kakayahang industriyal ng bansa dahil kapalit ng
mga hilaw namateryal, iniluwas ng U.S. sa Pilipinas ang mga
produktong gawa na o manufactured goods.
 Bagaman naglipana ang mga pagawaan at pabrika ng sigarilyo,
asukal, mantika, alak, sardinas at iba pa sa Maynila at karatig-pook,
mas maraming maliliit na industirya tulad ng mga yaring-kamay o
handicraft ang naapektuhan.
 Bumagsak ang industriya ng paghahabi ng tela sa Batangas, Iloilo,
Bulacan, at Ilocos.Dahil sa mataas na kompetisyon mula sa
malalaking kumpanya atimported goods, humina ang pagbenta ng
mga produktong gawa saating bansa.
 Dahil na rin dito, unti-unting kumiling ang panlasa at kaisipang Pilipino
sa mga gawang stateside.
 Natuto ang mga tao na magustuhan at tumangkilik sa mga imported
kung kaya’t lumala ang kaisipang kolonyal (colonial mentality) ng mga
Pilipino.
53

 Nagdulot din ng pagkasira sa yaman ang patakarang pang-ekonomiya ng


U.S. Paunti-unting naubos ang mga punongkahoy ng bansa dahil sa
paglakas ng industriya sa pagmimina at paglaki ng negosyo sa konstruksyon
ng mga opisina, bahay, daan at tulay.
 Ang mga minahan ang sumuporta sa pangangailangan ng U.S. para sa
chromium, copper, at manganese naginamit sa paggawa ng mga
kagamitang pandigma noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Hindi naging pantay ang epekto na dulot ng malayang kalakalan sa masa at
elite kaya’t nag-iba ang kalayaang minimithi ng mga anakpawis sa mga
mayaman at edukado na naghangad makamit ang autonomiya.
 Ipinamalas ng masa sa pamamagitan ng mga welga, pag-aalsa, at pagkilos
noong dekada 1920-1940 ang mithiin nila para sa kalayaan na may
kasamang pagbabagong panlipunan.

Task Card (semantic Web)


Pangkat 1,2,3,4

Epekto ng Malayang Kalakalan


(free trade)
Pananim at Sakahan ng mga Pilipino
54

2. Pagsusuri
 Bakit maraming tutol malayang kalakalan o free trade?
 Ano ang mga mabuting epekto ng Malayang Kalakalan sa
pananim at sakahan ng mga Pilipino?
 Ano ang mga masamang o mabuting epekto ng Malayang
Kalakalan sa Kalakal sa pananim at sakahan ng mga
Pilipino
 Sa iyong sariling pananaw, dapat bang ipagpatuloy ang
Free Trade o Malayang Kalakalan? Bakit?
 Sa iyong palagay, lumaya na ba ang mga Pilipino mula sa
colonial
mentality?
 Ano ang masasabi o reaksyon sa pangungusap na ito “
Ang pinakamabigat na epekto ng malayang kalakalan ay ang
tuluyang pagkatali ng ekonomiya ng Pilipinas sa United
States”

IV. Pagtataya
Ano ang masasabi mo o reaksyon mo sa pangungusap na ito “
Ang pinakamabigat na epekto ng malayang kalakalan ay ang tuluyang
pagkatali ng ekonomiya ng Pilipinas sa United States” isulat ang sagot
1-2 talata , gawin ito sa isang buong papel.

IV. Takdang-Aralin
Alamin ang mga batas tungo sa Sariling Pamamahala.
55

3. Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-


Aralin 17 sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili
unting pagsasalin ng kapangyarihan
I. Layunin
Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-
unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili
 Mga Batas Tungo sa sariling Pamamahala (Batas Pilipinas ng
1902)
II. Paksang- Aralin
Pagtukoy sa mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-
unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili
 Mga Batas Tungo sa sariling Pamamahala

Sanggunian: K-12 BEC A.3 Pah. 59 ng 120


Batayang Aklat – Yaman ng Pilipinas 6 pahina 143-144
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mahahalagang pangyayari o mga maiinit
na isyu o balita sa bansa na may kinalaman sa aralin na
tatalakayin.
2. Balik- aral
Anu-ano ang mga epekto malalayang sa
kalakalan ng Pilipinas at US?

3. Pagganyak
“Maraming Pilipino ang hindi naniwala sa
pakikipagkaibigan ng mga Amerikano.” Ano sa
palagay nyo o reaksyon nyo tungkol dito?

4.
B. Panlinang na Gawain
1. Gawin (think, pair, share)
Pangkatang Gawain (Pangkat 1,2,3,4)
Maghanap ng kapartner at basahin ang mga talata gamit ang
mata lang. Pagkatapos basahin mga talata pag-isipan at pagtulong
sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol dito. Babasahin
muna ng ng guro ang buong talata at makinig nang mabuti, pagtapos
magbasa o magsalita ng guro hudyat na ito upang isagawa ang
gawain.

56

 Mga Batas Tungo sa sariling Pamamahala


Ang Batas Pilipinas 1902 o Batas Cooper
Higit na pinagtibay ng Batas Pilipinas ng 1902 ang mga pasya at aksyon
ng Pangulo ng US hinggil sa Pilipinas. Kilala rin ang batas na ito bilang Cooper
Act dahil ang may akda nito ay si Kongresista Henry Allen Cooper, na pinuno
noon ng lupon sa Kongreso sa insular. Napagtibay ito noong Hulyo 1, 1902. Ito
ang naging batayan ng pamahalaang demokratiko sa Pilipinas. Itinakda ng
batas na ito ang sumusunod:
1. Pagbibigay ng talaan ng mga karapatang tatamasahin ng mga Pilipino
tulad ng pagkakapantay-pantay sa ilalim ng batas; mga kalayaan sa
pananalita, pagpupulong, panulat at pamamahayag, at
pananampalataya; karapatang mabuhay, maging malaya, at mag-angkin
ng mga ari-arian; at karapatang huwag mabilanggo dahil sa
pagkakautang;
2. Pagtatakda ng isang pambansang halalan para sa Philippine Assembly.
Magaganap lamang ito kung matutupad ang mga kondisyon na
magkakaroon ng pangkalahatang kapayapaan at kaayusan sa buong
bansa, pagkuha at paglathala ng sensus, at pagpapalipas ng dalawang
taon pagkatapos ng sensus;
3. Pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa para sa mga Pilipino; at
4. Pagpapadala ng dalawang Pilipinong kinatawan sa Kongreso ng US.
Matapos matupad ang mga kondisyon ng batas, idinaos ang kauna-
unahang halalang pambansa noong Hulyo 30, 1907. Naghalal ng 80 na
kasapi ng Asamblea ng Pilipinas. Ang pagpapasinaya ay ginanap noong
Oktubre 16, 1907 sa Grand Opera House. Naging ispiker si Sergio
Osmeña at si Manuel L. Quezon naman ang pinuno ng higit na
nakakaraming kasapi. Nahirang din sina Benito Legarda, Sr. at Pablo
Ocampo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng US.
TANONG:
1. Ano ang Batas Pilipinas ng 1902? Sino ang may akda sa batas na
ito?
2. Bakit tinawag ang Cooper Act ang Batas ng Pilipinas 1902?
3. Anu – ano karapatan ang tatamasahin ng mga Pilipino ayon sa
batas?
4. Anu – ano ang mga kondisyon ng Batas Cooper bago maitatag ang
Asamblea?
5. Matapos matupad ang mga kondisyon ng batas Cooper, anong mga
mahahalagang pangyayari ang naganap sa panahon?
6. Sinu-sinong ang mga nahirang na mga pinunong Pilipino?

57
2. Pagsusuri
 Bakit kailangan ang kahandaan ng Pilipinas sa pagsasarili?
 Ano ang iyong opinion sa probisyon o sa itinakda ng Batas Pilipinas
ng 1902 o Batas Cooper?

IV. Pagtataya
Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap o
pangyayari. Piliin ang mga sagot na nasa kahon. Isulat sa sagutang papel
ang tamang sagot.

Hulyo 1, 1902

Sergio Osmeña

Kongresista Henry Allen Cooper

Hulyo 30, 1907

Manuel L. Quezon

Batas Pilipinas ng 1902


Kongreso ng US.

1. Kilala rin ang batas na ito bilang Cooper Act dahil ang may akda nito
ay si____________________________.
2. Napagtibay ang Batas Pilipinas ng 1902 noong
________________________
3. Matapos matupad ang mga kondisyon ng Batas Cooper o Batas
Pilipinas ng 1902, idinaos ang kauna-unahang pambansang halalan
noong _____________
4. Si ____________________ ang nahalal na ispiker ng Asamblea ng
Pilipinas.
5. Samantalang si ________________________ naman an glider ng
mayorya.

V. Takdang - Aralin
Magsaliksik . Ano ang Batas Jones 1916?
58

3. Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-


Aralin 18
unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili
I. Layunin
Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-
unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili
 Mga Batas Tungo sa Sariling Pamamahala (Batas Jones ng 1916)
II. Paksang- Aralin
Pagtukoy sa mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-
unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili
 Mga Batas Tungo sa sariling Pamamahala ( Batas Jones ng 1916)
Sanggunian: K-12 BEC A.3 Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Yaman ng Pilipinas 6 pahina 143-144
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mahahalagang pangyayari o mga
maiinit na isyu o balita sa bansa na may kinalaman sa aralin na
tatalakayin.
2. Balik- aral

Bakit kailangan ang


kahandaan ng Pilipinas sa
pagsasarili?

3. Pagganyak
Sa iyong sariling pananaw, tama ba ang mga ginawa ng
mga Amerikano sa ating bansa o sa Pilipino?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawin
Babasahin muna ng guro ang buong talata o paksang
aralin at makinig nang mabuti, pagtapos magbasa o magsalita
ng guro hudyat na ito upang isagawa ang gawain.

59
Mga Batas Tungo sa Sariling Pamamahala
Batas Jones
Isang mahalagang batas na nilagdaan noong Agosto 29, 1916 ang Batas Jones o
ang Philippine Autonomy Act. Ipinanukala ito ni William Atkinson Jones sa Kongreso ng US
at ipinagtibay ng pangulong Woodrow Wilson, bunga na rin ng pagpupunyagi nina Manuel L.
Quezon at Sergio Osmeña. Ipinahayag ng batas na ito ang layunin ng US na bigyan ng
lubos na kalayaan ang Pilipinas sa sandaling magkaroon ng isang matatag pamahalaan.
Ang Batas Jones ay naglalaman ng kalipunan ng mga karapatan. Binigyang pakahulugan
nito kung sino ang mamamayang Pilipino, probisyon para sa sistema ng pagbabadyet,
kapangyarihan para sa pamahalaan tulad ng pagpapataw ng taripa, at pagtatag ng mga
kawanihan.
Mahalagang probisyon ng batas na ito ang pagtatatag ng tatlong sangay ng
pamahalaan.
1. Lehislatura – Pagtatatag ng batasang Pilipino na binubuo ng Senado o Mataas na
Kapulungan at ng Mababang Kapulungan.
Ang Senado ang pumalit sa Philippine Commission ng Pilipinas at ang
Kapulungan ng mga Kinatawan ang pumalit sa Asamblea ng Pilipinas. Binubuo ang
Senado ng 24 na senador, 22 rito ang halal habang dalawa naman ang hinirang ng
gobernador-heneral. Si Manuel L. Quezon ang naging pangulo ng Senado at si
Sergio Osmeña naman ang ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
2. Ehekutibo – Pagkakaroon ng isang gobernador-heneral na taglay ang
kapangyarihang tagapagpaganap.
3. Hudikatura – Taglay ng Korte Suprema at ng mga mababang hukuman ang
kapangyarihang hudikatura. Isang Pilipino ang punong mahistrado at pawing hinirang
ng Pangulo ng US ang mga Amerikano at Pilipinong katulong ng mga mahistrado.
Upang makamtan ang inaasam na kasarinlan, ang lehislatura ay bumuo ng halos
labindalawang misyon sa US upang hilingin sa Kongreso ang pagpapatibay sa
pangakong itinadhana ng Batas Jones.
Nagsimula ang pagpapairal ng Batas Jones noong Oktubre 16,1916. Ito ang
humalili sa Batas ng Pilipinas ng 1902. Itinuturing itong pinakamagaling na batas
buhat sa Kongreso ng US noong panahon iyon.

(Pang-isahang gawain)
 Panuto: Basahin muli ng tahimik ang paksang-aralin. Kumpletuhin o
punan ang tsart. Gawin ito sa isang buong papel.
Ang Batas Jones ng 1916 Sagot
1. Nagtibay ng Kongreso ng US
ang Batas Jones
2. Nagpanukala ng Batas Jones
3. Layunin ng Batas ng Jones
4. Mahalagang probisyon na
itinakda ng Batas Jones
5. Simula ng pagpapairal sa
Batas Jones
6. Mga mahahalagang
pangyayari na naganap sa
panahon ito
60

2. Pagsusuri
 Ano ang ibang tawag sa Batas Jones ng 1916?
 Kailan nilagdaan ang Batas Jones ng 1916?
 Ano ang mga itinadhana ng Batas Jones ng 1916. Suriin
ang mga naging epekto nito sa bansa?
 Sinu-sinong ang mga nahirang na mga pinunong Pilipino?
 Bakit Itinuturing itong pinakamagaling na batas buhat sa
Kongreso ng US noong panahon iyon.
 Sa iyong sariling pananaw, ano kahalagahan Batas Jones
1916 para pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino
tungo sa pagsasarili?

IV. Pagtataya
Panuto: Kumpletuhin o punan ng wastong mga salita o pangalan ang
mga mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-unting
pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili.
A. Mahalagang Probisyon ng Batas Jones ang pagtatatag ng sangay
ng pamahalaan.
1.________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
B. Binubuo ang Senado ng 24 na senador, 22 rito ang halal habang
dalawa
naman ang hinirang ng gobernador-heneral.
4. Si______________________ang naging pangulo ng Senado at
5. Si _______________________naman ang ispiker ng Kapulungan
ng mga Kinatawan.

V. Takdang-Aralin
Ano ang itinatadhana ng Batas Tydings-McDuffie?
61

3. Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-


unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili

Aralin 19

I. Layunin
Natutukoy ang mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-
unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili
 Mga Batas Tungo sa Sariling Pamamahala (Batas Tydings-
McDuffie)
II. Paksang- Aralin
Pagtukoy sa mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-
unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili
 Mga Batas Tungo sa sariling Pamamahala ( Batas Tydings-
McDuffie)

Sanggunian: K-12 BEC A.3 Pah. 59 ng 120


Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pahina 140-141
Pilipinas:Bansang Papaunlad pahina 198-199
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Gumamit ng diaryong-tagalog na bago at maghanap ng
balita na maaring basahin at talakayin sa klase.
2. Balik- aral
Magbigay kaisipan o natutunan tungkol sa Batas Jones
ng1916.

Batas Jones ng 1916


Philippine Autonomy Act
3. Pagganyak

Bakit mahalagang magkaroon


ng kalayaan ang mga Pilipino?

62

B. Panlinang na Gawain
1. Gawin
Pangkatang Gawain
Maghanap ng kapartner at basahin ang mga talata
gamit ang mata lang. Pagkatapos basahin mga talata pag-
isipan at pagtulong sagutin ang mga sumusunod na tanong
tungkol dito. Babasahin muna ng guro ang buong talata at
makinig nang mabuti, pagtapos magbasa o magsalita ng guro
hudyat na ito upang isagawa ang gawain.

Batas Tydings-McDuffie
Ang Batas ng Kalayaan ng Pilipinas ay iniharap sa Kongreso ng US sina
Senador Milliards Tydings at Kongresista John McDuffie. Ito ay nilagdaan ni
Pangulong Franklin Roosevelt noong Marso 24, 1934 at kinilala bilang Batas Tydings-
McDuffie. Pormal itong tinanggap ng lehislatura ng Pilipinas noong Mayo 1, 1934.
Itinatadhana ng batas ang pagtatatag ng malasariling pamahalaan o
komonwelt na pangangasiwaan ng mga Pilipino sa loob ng sampung taon;
pagapapadala ng kinatawan ng Pilipinas sa US sa pamamagitan ng tanggapan ng
Pilipinong Residenteng Komisyonado. Ang batas ay naggagawad din ng
kapangayarihan sa Lehislatura ng Pilipinas na tumawag ng isang kumbensyong bubuo
ng Saligang Batas ng Pilipinas.
Ilan ang sumusunod sa mga bagay na dapat tuparin ayon na rin sa Batas
Tydings-McDuffie.
1. Pagbubuo ng isang kumbensiyon na maghahanda sa Saligang Batas;
2. Pagpapatibay ng Pangulo ng US ng Saligang Batas;
3. Pagpapatibay ng Saligang Batas sa pamamagitan ng isang plebisito
4. Paghahalal ng mga pinuno ng malasariling pamahalaan;
5. Pagpapahayag ng kalayaan pagkatapos ng sampung taong malasariling
pamahalaan.
Sa pagbuo ng Saligang Batas, inihalal ang 202 delegado na ang naging
pangulo ay si Claro M. Recto. Pinagtibay ng kumbensiyon ang iba’t ibang ulat
ng mga komite, ang Saligang Batas ng Biak-na-Bato at Malolos, mga tagubilin
ni McKinley sa Ikalawang Komisyon ng Pilipinas at Batas Jones ng 1916.
Pinagtibay ng mga Pilipino sa isang plebisito ang bagong Saligang
Batas noong Pebrero 8, 1935. Dinala ito sa US at doon pinagtibay naman ni
Pangulong Roosvelt noong Marso 23, 1935.
Ginanap sa Pilipinas noong Setyembre 17, 1935 ang pambansang
halalan para sa mga magiging pinuno ng komonwelt. Nahalal na pangulo si
Manuel L. Quezon at pangalawang pangulo si Sergio Osmeña.

63

1. Ano ang Batas Tydings-McDuffie?


2. Bakit tinawag ito ng Batas ng Kalayaan ng
Pilipinas?
3. Ano ang itinatadhana ng batas na ito?
4. Ano ang kaugnayan ng Batas Tydings-
McDuffie sa Saligang Batas ng Pilipinas?
2. Pagsusuri
 Bakit nilikha ng mga pinunong Amerikano ang Batas Tydings-
McDuffie?
 Anu-ano ang mga bagay na dapat tuparin ng Batas Tydings-
McDuffie? Bakit kailangan tuparin ang mga ito?
 Kaugnay ng Batas Tydings-McDuffie, anu-ano ang mga
mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa unti-unting
pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa pagsasarili?

IV. Pagtataya
Panuto: Magbigay ng limang (5) pangungusap o pangyayari tungkol sa
Batas Tydings-McDuffie o Batas ng Kalayaan ng Pilipinas.

Batas Tydings-McDuffie o Batas ng Kalayaan ng Pilipinas


1.
2.
3.
4.
5.

V. Takdang-Aralin

Sumulat ng maikling tula tungkol sa Kalayaan ng Pilipinas.Basahin ito sa klase.

64
4. Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang Komonwelt

Aralin 20

l. Layunin
4.1 Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang komonwelt
Natatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon
pananakop
Halimbawa: Katarungang Panlipunan, Patakarang Homestead,
pagsulong pambansang wika, pagkilala sa karapatan ng kababaihan
sa pagboboto

II. Paksang- Aralin


Pagtatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon
pananakop
Halimbawa: Katarungang Palipunan, Patakarang Homestead,
pagsulong pambansang wika, pagkilala sa karapatan ng kababaihan
sa pagbobotoSanggunian: K-12 BEC 4.1Pah. 59 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.164-177
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Gumamit ng diaryong-tagalog na bago at maghanap ng
balita na maaring basahin at talakayin sa klase.
2. Balik- aral
Magbigay kaisipan o natutunan tungkol sa

Mga batas na may kinalaman


sa pagsasarili ng mga Pilipino.

3. Pagganyak
 May alam ba kayo tungkol
sa Pamahalaang
Komonwelt?
 Ano alam mo tungkol sa
Pamahalaang Komonwelt?
65

B. Panlinang na Gawain
1. Gawin:
Pangkatang Gawain
( Gamitin ang dating pangkat ng mga mag-aaral)

Babasahin ng guro ang unang talata, pagkatapos magbasa


o magsalita ng guro hudyat na ito upang isagawa ang pangkatang
gawain.
Ayon sa Batas Tydings-McDuffie, layunin ng pamahalaang
Komonwelt na masubok ang kakayahan ng mga Pilipno sa pangangasiwa
ng sariling pamahalaan. Sampung taon ang ibinigay ng mga Amerikano
upang mahasa ang mga Pilipino sa mga kasanayan g pampolitika at
panlipunan. Magsasanay sila sa pagkilala ng mga suliranin, pagsusuri ng sa
mga ito, at pagbibigay ng kalutasan sa mga ito. Kung mapayapa na ang
bansa at matatag na pamahalaan, nangangahulugan na maaari nang
magsarili ang mga Pilipino.

Narito ang mga sumusunod na task card ng bawat pangkat.

 Katarungang Panlipunan

Pangkat 1,2,3,4
Layunin ng Saligang Batas ng 1935 na mabigyan ng pantay na mga
karapatan ang mga mamamayan. Alinsunod dito, naglunsad si Pangulong Quezon
ng mga programa na tutugon sa katarungang panlipunan. Nagpatibay siya ng mga
batas na nakatuon sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan. Ilan sa
mga batas na ito ang sumusunod.
1. Minimum Wage Act – Nagtakda na hindi bababa sa piso ang sahod sa isang
araw na paggawa. Pagkatapos ito ay itinaas sa Ᵽ1.25 ang pinakamababang
sahod sa Maynila.
2. Eight-Hour Labor Act – nagtakda na walong oras lamang ang dapat
ipagtrabaho ng isang manggagawa sa isang araw. Ito ay upang mabigyan
siya ng pagkakataon na makapagpahinga at makapaglibang. Ang mga
66
2. Pagsusuri

Pangkat 1,2,3,4
TANONG
1. Ano ang Saligang Batas 1935? Ano ang layunin nito?
2. Sino ang pangulo ng Pamahalaan Komonwelt?
3. Anong program ang inilunsad ni pangulong Quezon
4. Anu-anong mga batas ang ipinagtibay niya?

Batas na nakatuon sa
pangangalaga sa
kapakanan ng mga
mamamayan

2.Pagsusuri
 Ano ang pamahalaang Komonwelt?

 Ano ang layunin ng pamahalaang Komonwelt?

 Ano ang Katarungang Panlipunan?

 Ilang taon ang ibinigay ng mga Amerikano upang mahasa ang mga
Pilipino sa mga kasanayan g pampolitika at panlipunan.

 Sa iyong sariling pananaw o opinyon, sang-ayon ka ba sa mga batas


na ipinagtibay ni Pangulong Quezon? Bakit?

67
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga
sagot sa sagutang papel.
1. Anong batas na ang layunin ay mabigyan ng pantay na mga karapatan
ang mga mamamayan. ____________________
2. Sino ang naglunsad ng mga programa na tutugon sa katarungang
panlipunan. ___________________________
 Nagpatibay si pangulong Quezon mga batas na nakatuon sa
pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan, anu-ano ang mga
batas na ito?
3. Minimum Wage Act, __________________
4. ___________________
5. ___________________

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol sa Patakarang Homestead.
68

4. Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang Komonwelt

Aralin 21

l. Layunin
Natatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon pananakop
Halimbawa: Katarungang Panlipunan, Patakarang Homestead,
pagsulong pambansang wika, pagkilala sa karapatan ng kababaihan
sa pagboboto

II. Paksang- Aralin


Pagtatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon
pananakop
Halimbawa: Katarungang Palipunan, Patakarang Homestead,
pagsulong pambansang wika, pagkilala sa karapatan ng kababaihan
sa pagboboto
Sanggunian: K-12 BEC 4.1Pah. 60 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.164-177
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA / MAKATAO
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa programang lipunan o programa ng
iyong barangay o bayan.
2. Balik- aral
Magbigay kaisipan o natutunan tungkol sa

Programang Katarungang
Panlipunan

3. Pagganyak

 May alam ka bang programa


para mga mahihirap? tulad
libreng pabahay?
 Programang para sa mga
kabataan o sa tulad mong
mag-aaral?

69

B. Panlinang na Gawain
1. Gawin:
Pangkatang Gawain
( Gamitin ang dating pangkat ng mga mag-aaral)
Babasahin ng guro ang unang talata, pagkatapos magbasa
o magsalita ng guro hudyat na ito upang isagawa ang pangkatang
gawain.

1924 HOMESTEAD ACT

Inilunsad ang programa na homestead upang matugunan ang


suliranin sa pabahay at paunlarin ang ilang bahagi ng mga
kaayunan, Ang karaniwang bahay kubo na makikita sa lalawigan ay
napalitan ng bahay na yari sa tabla, kahoy at bato. Ang iba namang Pilipino
ay nagsimula maging migrante sa mga malalaking lungsod upang
makapagaral at maghanap buhay.
Pangkat 1 at Pangkat 2

Isang pang mahalagang batas na pinagtibay ang Batas


Komenwelt Bilang 441 na natatag sa national Lang Settlement
Administration ( NLSA). Ito ang sangay na namamahala sa proyektong
relokasyon o pabahay ng pamahalaan. Bago pa rito, binuksan ng
pamahalaan ang may 52,000 ektaryang lupain sa Cotabato at Davao.
Dalawa ang layunin ng proyektong ito. Una, upang mabigyan ng
sariling lupang masasaka ang mga kuwalipikadong Pilipino mula Luzon at
Visayas. Pangalawa, inaasahan na ang relokasyon ng malaking bilang ng
mga magsasaka ay magpapahina sa pag-aaklas ng mga magsasaka sa
Luzon.
Nagtakda ang NLSA ng mga katangian ng maaaring makasama
sa programang ito. Ito ay ang sumusunod:
a. Dapat ay Amerikano o Pilipino, hindi hihigit sa 40 taong gulang,
may asawa, at mga anak;
b. Malusog, walang sakit ang aplikante, gayundin ang kanyang
pamilya at may lakas para mamuhay sa Mindanao;
c. May kasanayan sa gawaing bukid; at
d. May mabuting pagkatao at kilala sa pamayanang kanyang
iiwanan.
Gawain: Kumpletuhin ang outline tungkol sa NLSA
I. Batas Komonwelt Bilang 441
a. _______________________________________
b. _______________________________________
II. Layunin ng proyekto o NLSA
a. _______________________________________
b. _______________________________________
III. Katangian ng maaaring makasama sa programa ng NLSA
a. _________________________________________
b. _________________________________________
c. _________________________________________
d. _________________________________________

70
Pangkat 3

Sa maraming aplikanteng nagnanais pumunta sa Mindanao, 62


ang unang naaprubahan ng NLSA. Ito ang unang pangkat na nanirahan
sa Koronadal. Binubuo ito ng mga mamamayang nagtapos ng pagsasaka
at elementary, mga karpintero, panday, at drayber ng mga sasakyang de-
motor.

Kasama si Heneral Paulino Santos, hepe ng Philippine Army at


pinuno ng NLSA, nang umalis unang pangkat at mga pamilya nito noong
Pebrero 22, 1939 para sa limang araw na paglalakbay patungong
Mindanao, sakay ng SS Basilan.
Ang sumunod na pangkat na pumunta sa Koronadal ay mula sa
Cebu, Iloilo, Tarlac, Pangasinan, Capiz, Bohol at Leyte. Noong 1940,
umabot sa 5,009 na mga na mga mamamayan ang lumipat sa Koronadal
mula Luzon at Visayas. Dahil sa programang ito, nabuo ang anim na
bagong panahanan sa Cagayan at Isabela mula 1939 hanggang 1941.

Natatag ang Pamahalaang Komonwelt ng mga tanggapan upang


mapangasiwaan ang ibang pangangailangan ng bansa. Ilan dito ang
Bureau of Aeronautics, Bureau of Mines, General Auditing Office at
Department of Health and Public Welfare. Itinatag ang Government
Service Insurance System (GSIS) para sa mga kawani ng pamahalaan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ilan ang unang pangkat na naaprubahan ng NLSA na nanirahan
sa Koronadal?
2. Kailan umalis ang unang pangkat at sino ang naghati sa kanila?
3. Ilang mamamayan ang lumipat at manirahan sa Koronadal mula
Luzon at Visayas noong 1940?
4. Saan ang bagong panahanan o lalawigan mula noong 1939-1941?
5. Sa inyong sariling pananaw maganda ba o nakatulong ba ang
programa o proyekto ng NLSA sa mga mamamayang Pilipino?

71
Pangkat 4
Gawain: Kumpletuhin ang tsart.
Ikalawang pangkat nanirahan sa
Korondal
Unang pangkat nanirahan
sa Korondal

Tanggapan ng Pamahalaan
(Nangangasiwa sa mga
Pangangailangan ng Bansa)
72

3. Pagsusuri
 Bakit kailangan masubok ang kakayahan ng mga Pilipno
sa pangangasiwa ng sariling pamahalaan?

 Ano Patakarang Homestead?

 Sa sariling nyong pananaw, ang programa o patakarang


Homestead ay nakatulong ba sa mga Pilipino? o sa
pagsasarili ng bansa? Bakit?

 Ano ang masasabi mo sa proyektong NLSA? Sang-ayon


ka bas a proyektong ito? Bakit?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang T kung
ito ay tama tungkol sa aralin at M, kung mali ito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang Komonwelt ay malasariling pamahalaan ang daan para sa


ganap na kalayaan ng Pilipinas. _______
2. Layunin ng Saligang Batas ng 1935 na mabigyan ng pantay na
mga karapatan ang mga mamamayan. ______
3. Limang taon ang ibinigay ng mga Amerikano upang mahasa
ang mga Pilipino sa mga kasanayan g pampolitika at
panlipunan.______
4. Isang pang mahalagang batas na pinagtibay ang Batas
Komenwelt Bilang 041 na natatag sa National Land
Settlement Administration (NLSA) _____
5. Inilunsad ang programa na homestead upang matugunan ang
suliranin sa pabahay at paunlarin ang ilang
bahagi ng mga kaayunan. ____

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik. Iba pang programa ng pamahalaan sa panahon
ng pananakop.

73

Malaki ang papel ng ginagampanan ng Suffragist


Movement sa pagtatamo ng kababaihang Pilipino ng
karapatan bumoto at lumahok sa politika. Ilan sa mga kilalang
tagapagtaguyod sa kilusan at nagbigay lakas sa kababaihan
ay sina Pilar Hidalgo, pangulo ng National Federation of
Women’s Clubs, Josefa Llanes Escoda, pangulo ng Girl
Scout of the Philippines, Minerva Guysako-Landico, at Cecilia
Muños Palma. Dumalo ang mga miyembro ng mga
organisasyon ng kababaihan sa pampublikong pandinig ng
Committee on Suffrage ng Kumbensiyong Konstitusyunal ng
1934. Nagpalathala rin sila ng Artikulo tungkol sa kanilang
ipinaglalaban sa Liwayway at Taliba. Nagtagumpay ang
kampanya ng kababaihan
4. Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang Komonwelt

Aralin 22
l. Layunin
Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang komonwelt
 Natatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon
pananakop
 Halimbawa: Katarungang Panlipunan, Patakarang Homestead,
pagsulong pambansang wika, pagkilala sa karapatan ng
kababaihan sa pagboboto
ll. Paksang- Aralin
Pagtatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon
pananakop
Halimbawa: Katarungang Palipunan, Patakarang Homestead,
pagsulong pambansang wika, pagkilala sa karapatan ng
kababaihan sa pagboboto
Sanggunian: K-12 BEC 4.1Pah.59-60 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.164-177
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at
pentel pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Anu-ano ang mga wika o diyalekto ang alam mong salitain?
2. Balik- aral

Ano ang napapaloob o saklaw ng programang


Katarungang Panlipunan na inilunsad ni
Pangulong Quezon?

3. Pagganyak Ako’y Isang Pinoy


Awitin ang Ako’y Isang Pinoy Ako’y isang pinoy
Sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay
Sa wikang banyaga
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika

Wikang pambansa
Ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ay kalayaan.

Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika


Siya ang nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.

74

A. Panlinang na Gawain
1.Gawain
Pangkatang Gawain( Gamitin ang dating pangkat ng mga mag-aaral)
Babasahin ng guro ang unang talata, pagkatapos magbasa o
magsalita ng guro hudyat na ito upang isagawa ang pangkatang
gawain.
Paggamit ng Wikang Pambansa
Nais ni Pangulong Quezon na magkaroon ng isang pambansang
wika. Sa pamamagitan ng Pambansang Asamblea, itinatag ang Surian ng
Wikang Pambansa. Pinag-aralan nito ang iba’t –ibang wika at diyalekto
sa buong bansa. Pagkatapos ng masusing pag-aaral, inirekomenda ang
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
Sa pamamagitan ng pagsulong sa isang pambansang wika,
binigyan-diin ni pangulong Quezon ang halaga ng pagkakaisa,
pagkakaunawaan, at pagkakakilanlan sa mga Pilipino. Bagamat
maraming tumutol, ang pasya ni Pangulong Quezon ay isang
mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng mga Pilipino ng isang
wikang maipagmamalaki. Ito rin ang nagsilbing simula upang suriin sa
hinaharap ang kahalagahan ng wika sa pagsulong ng kalayaan at
pagkakaisa sa bansa.
Noong Disyembre 30, 1937, ipinag-utos ni Pangulong Quezon na
gamitin ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas.
Noong 1940, nag-atas ang Pangulo ng pagtuturo ng wika sa mga
pampubliko at pribadong paaralan. Hulyo 4, 1946 nang opisyal na
idineklarang batayan ng wikang pambansa ang wikang Tagalog.

Pangkat 1,2,3,4

 Ano ang nais ni Pangulong Quezon na magkaroon ang bansa?


 Ano itinatag para makapili ng pambansang wika?
 Ano ang napiling wika bilang batayan ng wikang pambansa?
 Sa pagsulong sa isang pambansang wika, anu-ano ang
binigyan-diin ni pangulong Quezon ng halaga?
 Kailan ipinag-utos ni Pangulong Quezon na gamitin ang Tagalog
bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas.

 Kailan opisyal na idineklarang batayan ng wikang pambansa ang


wikang Tagalog.

75
2. Pagsusuri

 Sa palagay nyo, bakit ninais ni Pangulong Quezon ang magkaroon ng isang


wikang pambansa?
 Bakit Tagalog ang napili ni Pangulong Quezon bilang batayan ng wikang
pambansa?

 Bakit mahalaga magkaroon ng isang wikang pambansa?

 Paano makatutulong ang pagkaroon ng isang wikang pambansa sa


pagsulong ng kalayaan at pagkakaisa sa bansa?

 Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Pangulong Quezon tungkol sa pagpili niya ng


wikangTagalog bilang batayan wikang pambansa?

IV. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng isang slogan o tula tungkol sa wikang pambansa.

V. Takdang-aralin

Anu-ano ang mga karapatan mo bilang mamamayang Pilipino?

76
4. Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang Komonwelt

Aralin 23

l. Layunin
Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang komonwelt
 Natatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon
pananakop
 Halimbawa: Katarungang Panlipunan, Patakarang Homestead,
pagsulong pambansang wika, pagkilala sa karapatan ng
kababaihan sa pagboboto
ll. Paksang- Aralin
Pagtatalakay ang mga programa ng pamahalaan sa panahon pananakop
Halimbawa: Katarungang Palipunan, Patakarang Homestead, pagsulong
pambansang wika, pagkilala sa karapatan ng kababaihan sa pagboboto
Sanggunian: K-12 BEC 4.1 Pahina 59-60 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.164-177
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA

lll. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Gumamit ng diaryong-tagalog na bago at maghanap ng balita na
may kaugnayan paksang aralin na maaring basahin at talakayin sa klase.
2. Balik- aral
Paano o bakit napili ang Tagalog bilang
wikang Pambansa?

3. Pagganyak

Ang tawag sa grupo o pangkat ng


mga kababaihan lumalaban o
tumutuligsa kapag may
kababaihan na inaapi sa lipunan.
77

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatang Gawain

Karapatang Bumoto ng Kababaihan


Malaki ang papel ng ginagampanan ng Suffragist Movement sa
pagtatamo ng kababaihang Pilipino ng karapatan bumoto at lumahok sa
politika. Ilan sa mga kilalang tagapagtaguyod sa kilusan at nagbigay lakas sa
kababaihan ay sina Pilar Hidalgo, pangulo ng National Federation of
Women’s Clubs, Josefa Llanes Escoda, pangulo ng Girl Scout of the
Philippines, Minerva Guysako-Landico, at Cecilia Muños Palma. Dumalo ang
mga miyembro ng mga organisasyon ng kababaihan sa pampublikong
pandinig ng Committee on Suffrage ng Kumbensiyong Konstitusyunal ng
1934. Nagpalathala rin sila ng Artikulo tungkol sa kanilang ipinaglalaban sa
Liwayway at Taliba. Nagtagumpay ang kampanya ng kababaihan.
Nakatadhana sa Saligang Batas na pinahihintulutan ang kababaihan
na makaboto kung may 300,000 kababaihang botante na sang-ayon sa
karapatang ito. Noong Abril 30, 1937, sinang-ayunan ng 447,725 kababaihan
ng pagbibigay ng karapatan. Tanging 44,407 lamang ang hindi sumang-ayon
sa panukalang ito. Sa pagpapatibay nito, sinimulan ang paghahalal ng
kababaihan sa mga posisyong pampubliko.
Sa pangkalahatang halalan noong Disyembre 14, 1937, nahalal si
Carmen Planas bilang unang babaing konsehal ng Maynila. Samantala, si
Elisa Ochoa ang nahalal na unang babaing kinatawan sa Kongreso noong
Nobyembre 11, 1941.

Pangkat 1

Basahin at unawain ang talata. Lapatan ito ng tono at gawing awit.

Malaki ang papel ng ginagampanan ng Suffragist Movement sa pagtatamo ng


kababaihang Pilipino ng karapatan bumoto at lumahok sa politika. Ilan sa mga kilalang
tagapagtaguyod sa kilusan at nagbigay lakas sa kababaihan ay sina Pilar Hidalgo,
pangulo ng National Federation of Women’s Clubs, Josefa Llanes Escoda, pangulo ng
Girl Scout of the Philippines, Minerva Guysako-Landico, at Cecilia Muños Palma.
Dumalo ang mga miyembro ng mga organisasyon ng kababaihan sa pampublikong
pandinig ng Committee on Suffrage ng Kumbensiyong Konstitusyunal ng 1934.
Nagpalathala rin sila ng Artikulo tungkol sa kanilang ipinaglalaban sa Liwayway at
78

Pangkat 2
Basahin at unawain ang mga talata. Basahin o gawin itong tula.
Nakatadhana sa Saligang Batas na pinahihintulutan ang kababaihan
na makaboto kung may 300,000 kababaihang botante na sang-ayon sa
karapatang ito. Noong Abril 30, 1937, sinang-ayunan ng 447,725 kababaihan
ng pagbibigay ng karapatan. Tanging 44,407 lamang ang hindi sumang-ayon
sa panukalang ito. Sa pagpapatibay nito, sinimulan ang paghahalal ng
kababaihan sa mga posisyong pampubliko.
Sa pangkalahatang halalan noong Disyembre 14, 1937, nahalal si
Carmen Planas bilang unang babaing konsehal ng Maynila. Samantala, si
Elisa Ochoa ang nahalal na unang babaing kinatawan sa Kongreso noong
Nobyembre 11, 1941.

Pangkat 3
Basahin unawin ang talata. Gawing itong drama o isasadula ito yung
pangkat.
Karapatang Bumoto ng Kababaihan
Malaki ang papel ng ginagampanan ng Suffragist Movement sa
pagtatamo ng kababaihang Pilipino ng karapatan bumoto at lumahok
sa politika. Ilan sa mga kilalang tagapagtaguyod sa kilusan at
nagbigay lakas sa kababaihan ay sina Pilar Hidalgo, pangulo ng
National Federation of Women’s Clubs, Josefa Llanes Escoda,
pangulo ng Girl Scout of the Philippines, Minerva Guysako-Landico, at
Cecilia Muños Palma. Dumalo ang mga miyembro ng mga
organisasyon ng kababaihan sa pampublikong pandinig ng Committee
on Suffrage ng Kumbensiyong Konstitusyunal ng 1934. Nagpalathala
rin sila ng Artikulo tungkol sa kanilang ipinaglalaban sa Liwayway at
Taliba. Nagtagumpay ang kampanya ng kababaihan.
79

2. Pagsusuri
 Ano tawag sa kilusan ng mga kababaihan at sino ang pagulo
nito?
 Paano natamo ng mga kababaihan ang karapatang bumoto at
lumahok sa politika?
 Sinu-sino ang mga matatapang na kababaihan ang nagtaguyod
sa kilusan at nagbigay ng lakas sa upang matamo ang
karapatan nila?
 Sa sariling ninyong pananaw, tama na bigyan ng karapatang
bumoto at lumahok sa politika ang mga kababaihan sa noong
panahon iyon? Bakit?
 Anong katangian ang taglay ng mga kababaihan noon?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang K kung ito
Katotohanan at DK kung Di-Katotohanan.
1. Malaki ang papel ng ginagampanan ng Suffragist Movement sa
pagtatamo ng kababaihang Pilipino ng karapatan. __________
2. Josefa Llanes Escoda, pangulo ng Girl Scout of the Philippines.
__________
3. Karapatang bumoto lang ang natamo ng mga kababaihan. _______
4. Nakatadhana sa Saligang Batas na pinahihintulutan ang kababaihan
na makaboto kung may 200,000 kababaihang botante. ________
5. Karapatan din ng mga kababaihan ang lumahok sa politika. ________
V. Takdang-Aralin
Alamin ang pangunahing suliranin ng pamayanan.

80

Aralin 24

4. Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang Komonwelt

I. Layunin
4.2 Nabibigyan katwiran ang ginawang paglutas sa mga suliraning
panlipunan at pangkabuhayan sa panahon ng Komonwelt
 Suliraning Pangkabuhayan
II. Paksang- Aralin
Nabibigyan katwiran ang ginawang paglutas sa mga suliraning
panlipunan at pangkabuhayan sa panahon ng Komonwelt
 Suliraning Pangkabuhayan

Sanggunian: K-12 BEC A.4.2 Pah. 60 ng 120


Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.174-177
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan:
Magbalitaan tungkol sa kasalukuyang suliraning
pangkabuhayan sa ating bayan o bansa.
2. Balik-aral
Ano iyong natutunan tungkol sa Pamumuhay sa Panahon
ng Komonwelt?

Kontribusyon ng
Pamahalaang Komonwelt

3. Pagganyak

Anu- ano ang mga suliranin sa ating bayan o bansa na


mahirap bigyan ng kalutasan?

81

III. Mga Gawain sa Pagkatuto


B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
( Gamitin ang dating pangkat ng klase, apat (4) pangkat)
Suliraning Pangkabuhayan

May sariling mga plano ang mga Pilipino sa pagpapaunlad ng ekonomiya


noong panahon ng mga Amerikano. Tunay na malubha ang suliraning
pangkabuhayan noong panahon iyon. Hindi matatag ang kabuhayan sanhi
pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa US at pagkontrol ng mga dayuhan sa kalakalang
panloob ng Pilipinas.

Pakikipagkalakalan sa United State


Bago makadigma, malaki ang halaga ng iniluluwas na mga produkto mula sa
Pilipinas patungo sa US. Malaki ang kinikita ng bansa dahil dito. Walang buwis ang
mga produkto at wala ring takda ang mga ito.
Sa panahon ng Komonwelt, unti-unting nawala ang dating natatamasang
pribilehiyo ng Pilipinas. May takda na ang iniluluwas na mga produkto bukod sa
pagkakaroon nito ng buwis o taripa. Dahil dito, lumiit ang kita ng mga negosyante
kung kaya nahirapan ang mga ito na makipagsabayan sa mga dayuhang
negosyante.
Kabit-kabit ang suliranin na dulot ng pagtataas ng halaga ng buwis sa mga
produktong Pilipino na iniluluwas sa US. Nagkaroon ng pagbabawas sa dami ng
produksyon. Nanganagahulugan ito ng pagbawas sa bilang ng mga manggagawa.
Dumami rin ang bilang ng mga mamamayang walang trabaho. Sa pagbayad ng
buwis ng mga produkto, nabawasan ang kita ng pamahalaan. Nagbunga ito ng
kakulangan sa magandang serbisyo ng pamahalaan dahil na rin sa kakapusan sa
pondo.

Pagkontrol sa Panloob na Kalakalan


Kontrolado ng mga dayuhan ang kalakalang panloob ng Pilipinas. Nasa
kanilang mga kamay ang mga industriya. Ang kalakalang tingian ay hawak naman
ng mga Tsino. Sila ang mga may puhunan na kanilang ginamit sa iba’t ibang
komersiyo tulad ng pangbabangko at pagtatayo ng mga pabrika ng sigarilyo, sabon,
kandila, at alak. Namuhunan din sila sa kalakalang pabahay at lupa.
Isa rin ang mga Hapones sa mga dayuhan na nagtayo ng kanilang mga
negosyo sa bansa. Nanguna sila sa pagtatanim ng abaka, pangingisda, pagmimina,
at pagtitinda ng mga produktong gawa sa Japan.

82
Task Card

Pangkat 1,2,3,4

 Basahin nang mabuti ang talata o paksang aralin.


 Ilista ang mga suliranin pangkabuhayan o panglipunan na
naranasan ng mga ng mga Pilipino sa panahong Komonwelt.

Suliraning Pangkabuhayan

2. Pagsusuri


Bakit sa panahon ng Komonwelt, unti-unting nawala ang
dating natatamasang pribilehiyo ng Pilipinas?
 Bakit kabit-kabit ang suliranin na dulot ng pagtataas ng
halaga ng buwis sa mga produktong Pilipino na
iniluluwas sa US?
 Anu-ano ang mga naging epekto sa kabuhayan ng mga
Pilipino ang mga suliranin ito?
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat 1 o 2 talata ang mga suliraning pangkabuhayan o
panglipunan na naranasan ng mga mamamayang Pilipino sa
panahong Komonwelt.

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik. Paglutas sa mga suliraning panlipunan at
pangkabuhayan sa kasalukuyan.
83

4. Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang Komonwelt

Aralin 25

l. Layunin
4.2 Nabibigyan katwiran ang ginawang paglutas sa mga suliraning
panlipunan at pangkabuhayan sa panahon ng Komonwelt
 Kalutasan sa mga Suliranin
a. Paksang- Aralin
Nabibigyan katwiran ang ginawang paglutas sa mga suliraning
panlipunan at pangkabuhayan sa panahon ng Komonwelt
 Kalutasan sa mga Suliranin

Sanggunian: K-12 BEC A.4.2 Pah. 60 ng 120


Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.174-177
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

Gumamit ng diaryong-tagalog na bago at maghanap ng balita


na may kaugnayan paksang aralin na maaring basahin at
talakayin sa klase.
halimbawa: Mga suliranin ng bansa na nabigyan solusyon
 presyo ng mga pangunahing bilihin

2. Balik-aral

Anu-ano ang mga naging epekto sa kabuhayan ng mga


Pilipino ang mga suliraning naranasan nila sa
panahong Komonwelt?

3. Pagganyak

Ano kaya ginawang paglutas ng mga Pilipino sa mga suliraning panlipunan


at pangkabuhayan sa panahong komonwelt?
84

B. Panlinang na Gawain
1. Gawin
Pangkatang Gawain
Hatiin sa 4 na pangkat ang klase

Kalutasan sa mga Suliranin

Napagtantao ng mga Pilipino na hindi mabuti na tanging sa US lamang iniluluwas


ang mga produkto nito tulad ng abaka, asukal, langis, at kopra. Dahil dito, naghanap ang
pamahalaan ng ibang bansang mapagluluwasan ng mga produktong Pilipino. Subalit
hindi naging matagumpay ang balak na ito. Halos nakikipagkalakalan na rin ang mga
kalapit na bansa sa mga bansang ibig nilang magkaroon ng relasyong pangkalakalan.
Bukod dito, higit na mura ang halaga ng kalakal ng ibang bansang Asyano. Nawala
ang pokus ng mga Pilipino sa mga datihang pananim. Naisipan nilang magtanim ng iba
pang mga halaman. Pinagbuti nila ang pagtatanim ng mga gulay, prutas, kakaw, goma at
bulak. Bukod sa nakinabang ang mga Pilipino sa mga ito, iniluwas din ang mga ito sa
ibang bansa.
Nagtupad ang Pamahalaang Komonwelt ng mga programang pangkabuhayan
upang maibangon ang ekonomiya ng Pilipinas. Ilan sa mga ito ang sumusunod.
1. Pagpaparami ng mga produktong pansakahan;
2. Pangangalaga at pagpapaunlad ng mga likas na yaman ng bansa tulad ng mga
kagubatan at mga pangisdaan;
3. Pagpapabuti ng transportasyon at komunikasyon;
4. Pagmamay-ari ng mga tingiang tindahan ng mga Pilipino;
5. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino;
6. Pagtatatag ng mga korporasyon na nagpapautang sa mga mamamayan upang
magkaroon sila ng puhunan.
7. Pagtatayo ng mga pabrika tulad ng para pagsasalata ng mga pagkain;
8. Pagtataguyod ng mga proyekto ng paninirahan sa mga pook na kinaroroonan
ng mga Tsino at Hapones upang masugpo ang paglawak ng kanilang negosyo;
9. Paglimita sa 500 ang bilang ng maaaring mandayuhan sa Pilipinas bawat taon;
10. Pagtatayo ng mga ahensiyang tutulong sa mga magsasaka at negosyante sa
pagluluwas at pagbibili ng kanilang mga produkto. Kabilang dito ang National
Economic Protectionism Association (NEPA), ang Sentrong Pangkalakalan ng
Maynila, at ang Kawanihan ng Komersiyo; at
11. Paglulunsad ng Kawanihan ng Komersiyo ng isang linggong pagtatanghal ng mga
produkto ng mga magsasaka at negosyanteng Pilipino.
85

Task Card

Pangkat 1
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito magkompos o
sumulat ng isang awit o gawing Rap song na Nabibigyan katwiran ang
ginawang paglutas sa mga suliraning panlipunan at pangkabuhayan sa
panahon ng Komonwelt
Pangkat 2
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang
ito magkompos o sumulat ng isang tula na tumutukoy
sa ginawang paglutas sa mga suliraning panlipunan at
pangkabuhayan sa panahon ng Komonwelt

Pangkat 3

Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang


ito magkompos o sumulat ng isang Slogan na tumutukoy
sa ginawang paglutas sa mga suliraning panlipunan at
pangkabuhayan sa panahon ng Komonwelt

Pangkat 4

Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito,


gumawa o sumulat ng isang dula-dulaan na tumutukoy sa
ginawang paglutas sa mga suliraning panlipunan at
pangkabuhayan sa panahon ng Komonwelt

86
2. Pagsusuri
 Anu-ano mga programang pangkabuhayan ang ginawa o
ipinatupad ng pamahalaang Komonwelt upang makabagon ang
ekonomiya ng Pilipinas?
 Nagtupad ang Pamahalaang Komonwelt ng mga programang
pangkabuhayan upang maibangon ang ekonomiya ng Pilipinas.
Alin sa mga programang ito ang higit na kailangan ng mga
Pilipino upang makabangon agad ang ekonomiya ng bansa?
 Nakatulong ba ang mga programang ito sa mga pangkabuhayan
ng mga Pilipino?
 Sa iyong sariling pananaw, maganda ba ang mga programang
pangkabuhayan ang ginawa o ipinatupad ng pamahalaang
Komonwelt? Bakit?

IV. Pagtataya
Panuto: Magbigay ng limang (5) pinakamahalaga o pinakamagandang
programang pangkabuhayan na ipinatupad ang Pamahalaang Komonwelt
para maibangon ang ekonomiya ng Pilipinas.

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol sa mga mahahalagang pangyayari sa
pananakop ng mga Hapones.
87

5. Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa


pananakop ng mga Hapones

Aralin 26

I. Layunin
Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng
mga Hapones
II. Paksang- Aralin
Patalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng
mga Hapones
 Labanan sa Bataan
 Death March
 Labanan sa Corregidor

Sanggunian: K-12 BEC C.5. Pah. 60 ng 120


Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-191
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
I. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa kasalukuyang suliraning panlipunan sa


ating bayan o bansa.
 Kapayapaan at Kaayusan ng ating pamayanan

2. Balik- aral

Anu-ano mga programang pangkabuhayan ang ginawa o


ipinatupad ng pamahalaang Komonwelt upang makabagon
ang ekonomiya ng Pilipinas?
3. Pagganyak

Ano ang iyong kaisapan o ideya sa salitang ito….

“DEATH MARCH’’

88

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain

Pangkat 1
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o
gawing itong tula na pinapahayg ng ang mga mahahalagang pangyayari
sa pananakop ng mga Hapones.
.

Pangkat 2
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang
ito, bumuo o gawing itong Sabayang Pagbigkas na
pinapahayg ng ang mga mahahalagang pangyayari sa
pananakop ng mga Hapones.
.

Pangkat 3
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing
itong awit na pinapahayag ng ang mga mahahalagang pangyayari sa
pananakop ng mga Hapones.
Pangkat 4
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang
ito, bumuo o gawing itong Rap song na pinapahayg ng
ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng
mga Hapones.
.

89

Martsa ng Kamatayan sa Bataan


Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan (Ingles: ang Death March) ay


ang pagpapalakad sa mga sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles,
Bataan hanggang San Fernando, Pampanga ng wala sa kanilang pinakain o
pinainom, kaya't ang iba sa kanila ay namatay sa daan. Walang awa silang
pinagpapapalo kapag nagpapahinga. Napilitan ang mga sundalong ito na
inumin ang tubig sa imburnal dahil sa matinding pagkauhaw at pagkagutom.
Ang mga sundalong bihag kasama na ang mga maysakit at sugatan
ay may bilang na 36,000. May limang libo ang mga namatay sa sakit, sugat
o kaya'y pinatay sa saksak ng bayonete habang lumalakad ng walang
pahinga, pagkain, at tubig. Marami sa kanila ang tumakas, ang mga nahuling
tumakas ay pinagbababaril. Ngunit may mga nabuhay parin pagkatapos
pag-babarilin at sila ay pumunta sa ibat-ibang lalawigan.
Sa ilalim ng init ng araw, gutom, kahinaan, at sakit na nadarama ng
mga sundalong USAFFE na kagagaling sa digmaan, sila ay pinagmartsa ng
mga malulupit na sundalong Hapones mula sa Mariveles, Bataan patungo sa
kampo ng San Fernando, Pampanga. Ang ganitong kalagayan ay hindi
malilimutan ng marami nating kababayan na nagpakita ng pagmamahal sa
ating bayan.

2. Pagsusuri

1. Ano ang Death March?


2. Ilan sundalong binihag kasama na ang mga maysakit at sugatan?
3. Bakit ginawa ng mga Hapones ito sa mga Pilipino?
4. Maituturing ba na mga bayani ang mga Pilipinong biktima ng Death
March? Bakit?
5. Ano ang masasabi mo sa kalupitan ng mga Hapones sa mga Pilipino?
6. Ano Death March para saiyo?

IV. Pagtataya

Panuto: Ilarawan sa 1-2 talata ang pangyayaring Death March. isulat ito sa
isang buong papel.

V. Takdang-Aralin

Mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga Hapones Labanan sa


Bataan?

90

5. Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga


Hapones

Aralin 27

l. Layunin
Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga
Hapones
II.Paksang- Aralin
Patalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga
Hapones
 Labanan sa Bataan
 Death March
 Labanan sa Corregidor

Sanggunian: K-12 BEC C.5. Pah. 60 ng 120, Batayang Aklat –


Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-191
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa kasalukuyang suliraning panlipunan sa
ating bayan o bansa.
 Kapayapaan at Kaayusan ng ating pamayanan

2. Balik- aral
Ano ang “DEATH MARCH’’

3. Pagganyak
Paano kaya ipinagpatuloy ng mga Pilipino at Amerikano ang
pakikipaglaban sa mga Hapones? Alamin ang mga mahahalagang
pangyayari.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
 Pangkatang Gawain

91

Pangkat 1
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing
itong awit na pinapahayg ng ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng
mga Hapones.

Pananakop ng mga Hapones


Noong Disyembre 7, 1941, sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, ang
himpilang pandagat at panghimpapawid ng US sa Hawaii. Ilang oras pagkatapos
nito, sinalakay ng mga Hapones ang Davao. Sunod-sunod ang paglusob ng mga
Hapones sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Noong Disyembre 8, winasak ang Clark
Field sa Pampanga at Disyembre 9 sinalakay ang Maynila. Noong Disyembre 10,
dumating ang mga Hapones sa Aparri, Cagayan at Vigan, Ilocos Sur. Sa sumunod
na mga linggo, dumating ang mga ito sa Legazpi, Albay; Lingayen, Pangasinan; at
Atimonan at Mauban, Quezon.
Pangkat 2
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing
itong tula na pinapahayg ng ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop
ng mga Hapones.

Hindi napigilan ng mga Amerikano ang paglusob ng mga Hapones.


Walang magawa ang hukbong pinamuan ni Heneral Douglas MacArthur dahil
nawasak ang kanilang mga hukbong panghimpapawid.
Noong Disyembre 26, 1941, idineklara ni MacArthur ang Maynila bilang
Open City. Nangangahulugan ito bna walang mga military na magtatanggol sa
lungsod. Ngunit hindi ito pinansin ng mga Hapones. Patuloy na binomba ang
lungsod na nagbunga ng pagkamatay ng marami at pagkasira ng mga ai-arian.

92

Pangkat 3
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito,
bumuo o gawing itong Sabayang Pagbigkas na pinapahayg
ng ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga
Hapones.
Hindi naging hadlang ang digmaan upang muling
manumpa sina Manuel L. Quezon bilang pangulo ng
Pangkat 4
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing itong Rap
Song na pinapahayag ng ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga
Hapones.
Sa pagbagsak ng Bataan, tuluyang na ring bumagsak ang Corregidor at ang
buong bansa sa kamay ng mga Hapones. Si Heneral Jonathan Wainwright, ang huling
heneral na nagtanggol sa Corregidor, ang inatasan ni Heneral Masaharu Homma na
manawagan sa lahat ng mga sundalong Amerikano at Pilipino na sumuko na. Ngunit
marami sa mga ito ang tumangging sumuko. Marami sa kanila ang tumakas at namundok.
Minabuti nilang maging mga Gerilya upang ipagpatuloy ang kanilang pakikipaglaban sa
mga Hapones.

93
2. Pagsusuri

 Ano ang Labanan Bataan? Paano at bakit ito nangyari?


 Paano nakipaglaban ang mga Pilipino at Amerikano sa mga Hapones
sa labanan ito?
 Sumuko ba ang mga Pilipino sa labanan ito?
 Ano ang ginawa ibang mga Pilipino para ipagpatuloy pakikipaglaban
para sa kalayaan?
 Ano ang mahalagang pangyayari sa Labanan sa Bataan?

IV. Pagtataya

Panuto:Ilarawan sa 1-2 talata ang pangyayaring Labanan Bataan.


Isulat ito sa isang buong papel.

V. Takdang-Aralin

Magsaliksik. Mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga Hapones


Labanan sa Corregidor?

94
5. Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga
Hapones

Aralin 28

I. Layunin
Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng
mga Hapones

II. Paksang- Aralin


Patalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng
mga Hapones
 Labanan sa Bataan
 Death March
 Labanan sa Corregidor

Sanggunian: K-12 BEC C.5. Pah. 60 ng 120


Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-191
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa kasalukuyang kalagayan sa ating bayan o
bansa.
 may crisis ba ang bansa?

2. Balik- aral

Ilarawan ang Labanan sa Bataan sa sariling pangungsap.

3. Pagganyak
Paano kaya bumagsak Corregidor sa kamay ng mga malulupit
Hapones?

C. Panlinang na Gawain
1.Gawain
Pangkatang Gawain (Pangkat 1,2,3,4)
Basahin at unawain nang mabuti ang mga talata tungkol sa
Labanan sa Corregidor. Kumpletuhin ang tsart. Isulat ang mga
mahahalagang pangyayari

95

Ang Labanan ng Corridor na nangyari noong Mayo 5-6,1942 ang


pagtatapos ng pangangampanya ng mga Hapones upang sakupin ang Mga tao ng
Pilipinas. Ang pagbagsak ng Bataan noong Abril 1, 1949 ang nagwakas ng lahat ng
mga organisasyong oposisyon ng U.S. Army Forces Far East sa mananakop na mga
puwersang Hapones sa Luzon. Ang Corridor ang tangang hadlang sa pananakop ng
mga Hapones sa Pilipinas sa ilalim ni Tenyente Heneral Masarahu Humus. Muling
nabihag ng mga hukbong Amerikano at Pilipino ang Corregidor noong 1945.
Si Dionisio Ojeda ay isang dating sundalong Pilipino at ang kabayanihan
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Digmaang Koreano at ang dating politiko at
kinatawan sa Pilipinas. Sa panahon ng pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas na kung
sino ang naghahanda ay nagiging bilang sundalo noong sumiklab ng Labanan sa
Bataan noong 1942, at ang pagkaraan ng pagbagsak
sa Bataan at Corregidor noong 1942, at ang nagiging bilang gerilya sa Luzon noong
panahon ng Pagpapalaya sa Pilipinas at tumulong sa mga sundalong Pilipino at
Amerikano sa mga pakikipagbakbakang lumaban sa Hapon noong sumiklab
ng Labanan sa Luzon noong 1945. At ang nagiging isang sundalo naman ay bilang
tenyente koronel ng Puwersang Expedisyonarya ng Pilipinas sa Korea ay nagpadala
ng mga sundalong Pilipino ay ginamit sa Tangway ng Korea at tumulong sa mga
sundalong Amerikano at ang Timog Koreano ay sumiklab ng pakikipagbakbakang
lumaban sa mga kawal ng Hilagang Koriyano at mga Komunistang Tsino noong
panahon ng Digmaang Koreano.

Ang mga mahahalagang pangyayari sa


pananakop ng mga Hapones

Labanan sa Corregidor
96

2. Pagsusuri
 Kailan nangyari ang Labanan Corregidor?
 Paano nasakop ng mga Hapon ang ilang bahagi ng bansa,
tulad Luzon?
 Ilarawan ang Laban sa Corregidor?
 Ano ang masasabi sa naganap na Labanan sa Corregidor?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat T kung ito ay
tama at M kung mali batay aralin ipanag-aralan.

1. Ang Labanan ng Corridor na nangyari noong Mayo 5-6,1942.


_______
2. Ang pagbagsak ng Bataan noong Abril 1, 1949 ang nagwakas ng
lahat ng mga organisasyong oposisyon ng U.S. Army Forces Far
East _______
3. Ang Corridor ang tangang hadlang sa pananakop ng mga Hapones sa
Pilipinas. _____
4. Sumuko na ang mga Pilipino sa mga Hapon noong 1945. ______
5. Pinabayaan na ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa pananakop
ng mga Hapon.______

VI. Takdang-Aralin
Ano ang motibo ng pananakop ng Hapon sa bansa?
97

Battle of Corregidor

Bahagi ng World War II, Pacific Front

Mga nagwaging hukbong Hapones sa ibabaw ng Hearn Battery, Mayo 6, 1942.

Petsa May 5–6, 1942

Lokasyon Corregidor island in Manila Bay, Luzon


Island, Philippines

Resulta Japanese victory

Mga Nakikidigma
Empire of Japan
United States

 Padron:Country data

Commonwealth of the Philippines

Pinuno

Jonathan M. Wainwright # Masaharu Homma

George F. Moore # Kureo Taniguchi

Samuel L. Howard # Kizon Mikami

Lakas

13,000 US and Filipino troops 75,000 Japanese troops

Nawala

800 napatay 900 napatay

1,000 nasugatan 1,200 nasugatan

11,000 POWs
Labanan ng Corregidor
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Battle of Corregidor

Bahagi ng World War II, Pacific Front

Mga nagwaging hukbong Hapones sa ibabaw ng Hearn Battery, Mayo 6, 1942.

Petsa May 5–6, 1942

Lokasyon Corregidor island in Manila Bay, Luzon


Island, Philippines

Resulta Japanese victory

Mga Nakikidigma

Empire of Japan
United States

 Padron:Country data

Commonwealth of the Philippines

Pinuno

Jonathan M. Wainwright # Masaharu Homma

George F. Moore # Kureo Taniguchi

Samuel L. Howard # Kizon Mikami

Lakas

13,000 US and Filipino troops 75,000 Japanese troops


Nawala

800 napatay 900 napatay

1,000 nasugatan 1,200 nasugatan

11,000 POWs
6. Naipapaliwag ang motibo ng pananakop ng Hapon sa bansa

Aralin 29
l. Layunin
Naipapaliwag ang motibo ng pananakop ng Hapon sa bansa

II. Paksang- Aralin


Naipapaliwag ang motibo ng pananakop ng Hapon sa bansa
Sanggunian: K-12 BEC C.6 Pah. 60 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-193
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain

1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mga mahahalagang pangyayari naganap sa
bayan, lalawigan o sa ating bansa.

2. Balik-Aral

Sa kabuuan, ano ang masasabi sa pananakop ng mga Hapones sa


ating bansa? Masasabi mo bang wala silang nagawa para sa
bansa? Bakit?

3. Pagganyak

Bakit kaya tayo sinakop ng mga Hapon? Ano ang tunay na motibo nila
sa pananakop sa ating bansa?

A. Panlinang na Gawain
1. Pangkat Gawin
98

ANG MGA MOTIBO NG HAPON SA PAGSAKOP SA PILIPINAS


 Nang mapabagsak ang Bataan at Corregidor, nagtatag ng isang pamahalaan ang
mga Hapon sa Maynila.
 Ang paghirang nila kay Jose Vargas bilang tagapangulo ng itinatag na Komisyong
Tagapagpaganap ng Pilipinas. Noong mga unang buwan ng 1943, ipinahayag ng
mga Hapon na nais nilang mabigkis ang lahat ng mamamayan ng Dulong
Silangang Asya upang magkaroon ng kasaganaan at kaunlaran sa bahaging ito ng
daigdig. Upang matamo ito, bubuo ang Hapon ng mga programang pang-
ekonomiya upang magkaroon ng pagkakaisa ang mga rehiyon sa Pasipiko, mula
sa Burma hanggang Australia. Pinangakuan nila ang mga Pilipino na bibigyan ng
kasarinlan kung sila ay tutulong sa pagbuo ng “Samasamang Kasaganaan sa Higit
na Malaking Silangang Asya”. Tinawag ito sa Ingles na “Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere.”
 Lumalabas na ang layunin nila sa pananakop ay ang paunlarin ang Dulong
Silangang Asya na kinabibilangan ng Pilipinas.
 Lumalabas din na isang paanyaya ang pagmumungkahing sumali ang Pilipinas sa
kalipunang ito.
 Ngunit kung susuriin, mangyayari lamang ang sinasabing kasaganaan kung
ilalagay ang mga bansa sa ilalim ng kanilang pamumuno at kapangyarihan
Mga Tunay na Layunin sa Pananakop ng Hapon bukod sa “paanyaya” ng Hapon
sa Pilipinas na lumahok sa kanyang programa, maraming salik na nagtulak sa bansang
Hapon upang palawakin ang kaniyang teritoryo.
 Una, lumalaki ang populasyon ng Hapon at kailangan ng mas malaking teritoryo.
 Pangalawa, lumalaki ang kanilang produksyon at kinakailangang magkaroon ng
pamilihan ang kanilang mga kalakal.
 Pangatlo, ang bansang Hapon ay naghahanap ng makukuhanan ng mga likas na
yaman upang gamitin sa paggawa ng mga makabagong teknolohiya at mga
kagamitang pandigma.
Upang madaling matamo ang kanilang mga layunin, pinag-aralan ng mga
Hapon kung paano kukumbinsihin ang mga opisyal na Pilipino. Batid ng mga Hapon ang
kasaysayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino upang makuha ang kalayaan sa mga
Espanyol at Amerikano. Batid nila na pinagpilitan ng mga Pilipinong makuha ang
kalayaan upang mapasakamay nila ang pagpapatakbo ng pamahalaan. Walang ninanais
ang mga Pilipino kundi ang pamunuuan ang sarili nilang bansa. Dahil dito, pinangakuan
nila ng kasarinlan ang mga Pilipino. Upang isulong diumano ang kasarinlang ito, nangako
ang pamahalaang militar ng Hapon na magtatatag ito ng isang Republika na
pamumunuan ng mga Pilipino.
99

Task Card

Pangkat 1

Nang mapabagsak ang Bataan at Corregidor, nagtatag ng isang


pamahalaan ang mga Hapon sa Maynila.

 Anu- ano ang mga ginawa, itinatag, o inilunsad ng mga Hapon?

Pangkat 2

Pinangakuan nila ang mga Pilipino na bibigyan ng kasarinlan kung


sila ay tutulong sa pagbuo ng “Samasamang Kasaganaan sa Higit
na Malaking Silangang Asya”. Tinawag ito sa Ingles na “Greater
East Asia Co-Prosperity Sphere.”
 Isa palagay nyo matutupad ba ito? mangyayari ba ang sinasabing
kasaganaan ?Bakit?

Pangkat 3
Mga Tunay na Layunin sa Pananakop ng Hapon bukod sa “paanyaya” ng
Hapon sa Pilipinas na lumahok sa kanyang programa.

 Anu-ano ang mga salik na nagtulak sa bansang Hapon upang


palawakin ang kaniyang teritoryo?
Pangkat 4
Upang madaling matamo ang kanilang mga layunin, pinag-aralan ng
mga Hapon kung paano kukumbinsihin ang mga opisyal na Pilipino.
 Anu-ano ang paraan ang ginawa ng mga Hapon para makumbinsi
ang mga Pilipino sa kanilang layunin?

100

2. Pagsusuri
 Ano ang tunay na motibo ng pananakop ng Hapon sa bansang
Pilipinas?

 Ano ang masasabi mo sa pananakop ng mga Hapon?

 Kung kayo ay nabubuhay sa panahong iyon, paano ipagalaban


ang kalayaan ng bansa? bakit?

 Sa inyong sariling pananaw, dapat ba natin gantihan o


pagbayarin ang mga Hapon sa mga kalupitan na ginawa sa
mga Pilipino? Bakit?

IV. Pagtataya
Panuto: isulat sa isang talata ang tunay na motibo ng
pananakop ng Hapon sa bansang Pilipinas. Isulat ito sa isang
malinis na papel.

V. Takdang - aralin
Magsaliksik sa ang sistema ng pamamahala sa panahon ng
pananakop ng mga Hapon.

101

Task Card
ANG MGA MOTIBO NG HAPON SA PAGSAKOP SA PILIPINAS
 Sa buong Asya, naunang sinakop ng mga Hapon ang Tsina at Mongolia.
Bakit nabaling ang kanilang pansin sa Pilipinas?
 Sa araling ito, susuriin natin ang mga motibo ng Hapon sa pagsakop sa ating bansa.
 Bakit nila sinakop ang Pilipinas? Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1.
Masusuri ang mga dahilan kung bakit sinakop ng Hapon ang Pilipinas; at 2. Makapagbigay ng puna sa
kaugnayan ng kanilang paraan sa pananakop at ang katapatan ng kanilang layunin. Gawain I: Pag-isipan
Mo! Alin sa palagay mo ang mga dahilan ng Hapon sa pagsakop sa Pilipinas? Bakit mo napili ang mga
iyan? ____1. Upang maging makapangyarihan sa buong mundo. ____2. Upang may mapaglipatan ng
kanilang lumalaking populasyon. ____3. Upang maangkin ang likas na yaman ng bansa. ____4. Upang
maging kolonya ang bansang Pilipinas. ____5. Upang makilala ang magagandang Pilipina. Ang Pananaw
ng Hapon Para sa Dulong Silangang Asya Ang Pilipinas ay paunlad na nang paunlad, lalo na sa kabuhayan,
nang sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig at sakupin ito ng mga Hapones. Nang mapabagsak ang
Bataan at Corregidor, nagtatag ng isang pamahalaan ang mga Hapon sa Maynila. Nabanggit na, sa
sinundang modyul, ang paghirang nila kay Jose Vargas bilang tagapangulo ng itinatag na Komisyong
Tagapagpaganap ng Pilipinas. Noong mga unang buwan ng 1943, ipinahayag ng mga Hapon na nais nilang
mabigkis ang lahat ng mamamayan ng Dulong Silangang Asya upang magkaroon ng kasaganaan at
kaunlaran sa bahaging ito ng daigdig. Upang
1. 5. matamo ito, bubuo ang Hapon ng mga programang pang-ekonomiya upang magkaroon ng pagkakaisa
ang mga rehiyon sa Pasipiko, mula sa Burma hanggang Australia. Pinangakuan nila ang mga Pilipino na
bibigyan ng kasarinlan kung sila ay tutulong sa pagbuo ng “Samasamang Kasaganaan sa Higit na Malaking
Silangang Asya”. Tinawag ito sa Ingles na “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.” Lumalabas na ang
layunin nila sa pananakop ay ang paunlarin ang Dulong Silangang Asya na kinabibilangan ng Pilipinas.
Lumalabas din na isang paanyaya ang pagmumungkahing sumali ang Pilipinas sa kalipunang ito. Ngunit
kung susuriin, mangyayari lamang ang sinasabing kasaganaan kung ilalagay ang mga bansa sa ilalim ng
kanilang pamumuno at kapangyarihan.
2. 6. Mga Tunay na Layunin sa Pananakop ng Hapon Bukod sa “paanyaya” ng Hapon sa Pilipinas na lumahok
sa kanyang programa, maraming salik na nagtulak sa bansang Hapon upang palawakin ang kaniyang
teritoryo. Una, lumalaki ang populasyon ng Hapon at kailangan ng mas malaking teritoryo. Pangalawa,
lumalaki ang kanilang produksyon at kinakailangang magkaroon ng pamilihan ang kanilang mga kalakal.
Pangatlo, ang bansang Hapon ay naghahanap ng makukuhanan ng mga likas na yaman upang gamitin sa
paggawa ng mga makabagong teknolohiya at mga kagamitang pandigma. Upang madaling matamo ang
kanilang mga layunin, pinag-aralan ng mga Hapon kung paano kukumbinsihin ang mga opisyal na Pilipino.
Batid ng mga Hapon ang kasaysayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino upang makuha ang kalayaan sa
mga Espanyol at Amerikano. Batid nila na pinagpilitan ng mga Pilipinong makuha ang kalayaan upang
mapasakamay nila ang pagpapatakbo ng pamahalaan. Walang ninanais ang mga Pilipino kundi ang
pamunuuan ang sarili nilang bansa. Dahil dito, pinangakuan nila ng kasarinlan ang mga Pilipino. Upang
isulong diumano ang kasarinlang ito, nangako ang pamahalaang militar ng Hapon na magtatatag ito ng
isang Republika na pamumunuan ng mga Pilipino. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Makipag-usap sa
ilang matatanda sa inyong lugar (maaaring lolo o lola) na nabuhay noong panahon ng Hapon. Ipakuwento
ang tungkol sa kayamanan ni Hen. Yamashita. Kung maaari, panoorin mo rin ang pelikula tungkol diyan.
Ano ang mga ebidensiya na ang mga Hapon ay may motibong pang-ekonomiya sa kuwentong iyan?
Panahon ng Pananakop ng mga Hapones
Bilang kolonyal ng US, hindi nakapagtataka na madamay ang Pilipinas
nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang pandaigdig noong 1941. Nadamay
ang Pilipnas sa digmaan na kasangkot ang US laban sa Tripartite Coalition
(Tokyo-Berlin-Rome-Axis). Ang pananakop ng Japan sa ilang bahagi ng China
ay ikinabahala ng US. Dahil dito, itinigil ng US ang pakipagkalakalan sa Japan.
Nagpadala ng embahador ang Japan sa US upang pag-usapan ang di-
pagkakaunawaan ng dalawang bansa. Nagulat na lamang ang US nang
biglang binomba ng Japan ang base nabal sa Pearl Harbor, Hawaii. Ang
Hawaii noon ay isang kolonyal ng US na nasa Pacific Ocean.
Ilang oras matapos sinalakay ang Pearl Harbor noong Disyembre 7,
1941, sinunod na sinalakay ng mga Hapones ang Pilipinas. Bagamat
nakahanda na ang mga mamamayan sa posibilidad ng pagsalakay ng mga
Hapones, nabigla pa rin ang mga Pilipino noong Disyembre 8, at gayundin ang
mga Amerikano. Hindi inakala ng dalawa na matagumpay na masasakop ng
mga Hapones ang Pilipinas. Ngunit ang mga Hapones, sa kabilang dako, ay
lubhang handa.
Iisa lamang ang layunin ng Japan sa pagsakop nito sa Pilipinas –
makontrol ang ekonomiya nito. Isa itong mahalagang bahagi ng pagkakamit ng
kanilang higit na malaking hangarin – imperyalismo. Nais na ipatupad ang
balaking ito sa ilalim ng isang malawak na programa, ang Greatest East Asia
Co-Prosperity Sphere.
Ito ang nagsilbing batayan ng lahat ng mga patakarang ipinatupad ng mga
Hapones sa bansa.
Sa ilalim ng kapangyarihanng Hapones, ipinatupad ang sumusunod na
mga patakaran.
1. Pag-aalis ng kapangyarihang Amerikano sa Pilipinas;
2. Pagtatatag ng Pilipinas para sa mga Pilipino;
3. Pagputol ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa US; at
4. Patuloy na panunungkulan ng mga pinuno ng bayan ayon sa batas ng
Komonwelt sa pamamatnubay ng pangasiwaang military ng Hapon.
Sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas sa loob ng tatlong taon. Sa
panahong ito, panibagong hirap ang naranasan ng mga Pilipino.

102
7. Nasususri ang sistema ng pamamahala sa panahon
Aralin 30

I. Layunin
7.1 Nailalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang kolonyal
ng Hapones

II. Paksang- Aralin


Paglalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang kolonyal ng
Hapones
Sanggunian: K-12 BEC C. 7.1Pah. 60 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-193
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at
pentel pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa pamamahala ng mga pinuno ng ating


bansa.
halimbawa: Mamahala ng barangay kapitan, mayor, o ng ating
pangulo.

2. Balik-aral

 Ano ang tunay na motibo ng pananakop ng Hapon sa


bansang Pilipinas?

3. Pagganyak

Ano ang nais nyong malaman sa sistema at balangkas ng


pamahalaang kolonyal ng hapones?
B.Panlinang na Gawain

1. Gawain
Pangkatang Gawain ( Gamitin ang dating pangkat ng mga bata, maari
ring bagong pangkat)

103
Sistema ng Pamahalaan ng mga Hapones
Sa simula, nagtatag ng isang pamahalaang military ang mga Hapones sa Pilipinas. Ang
mga kautusang ipinatutupad nila ay mula sa Japan. May mga patakarang ipinasunod sa mga
Pilipino. Hindi maaaring gumala sa mga kalsada kapag gabi. Pinapatay ang lahat ng mga ilaw
Kinukumpiska ng mga Hapones ang lahat ng mga armas at mga baril. Hindi nila pinagamit ng
mga radio ang mga Pilipino upang hindi makakuha ng impormasyon tungkol sa mga balita sa
labas ng bansa, lalo na ang tungkol sa mga Amerikano.
Hangad ng mga Hapaones na magtatag ng isang Puppet Republic na magpapatupad
ng mga patakarang Hapones sa bansa. ipinakita ng mga Hapones na nais silang bigyan ng
kapayapaan, kalayaan, at kasaganaan ang mga Pilipino. Nais nila na makiisa ang mga Pilipino
sa pagtatatag ng Great East Asia Co-Prosperity Sphere. Hindi naman naniwala ang mga
Pilipino sa ipinakita ng mga banyaga.
Isang magandang pangako ang Great East Asia Co-Prosperity Sphere. Sa
pamamagitan nito, ipinahayag ni Punong Ministro Hideki Tojo ang pagbibigay ng kasarinlan ng
Pilipinas noong Mayo 6, 1943 sa Luneta.
Itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence sa pamumuno ni
Jose P. Laurel upang bumuo ng bagong Saligang Batas ng Pilipinas. Nilagdaan ng kasapi nito
ang buong Saligang Batas noong Setyembre 4, 1943. Sa bisa nito, itinatag ang Ikalawang
Republika ng Pilipinas.
Noong Oktubre 14, 1943, pinasinayaan ang Japenese Sponsored na Republika ng
Pilipinas. Jose P. Laurel ang naging Pangulo nito. Kinilala nito ng maraming mga bansa tulad
ng China, Germany, Italy, Burma, Spain, Thailand, Hungary, at Croatia. Isang Papet na
pamahalaan ang republikang ito. Bagaman isang Pilipino ang Pangulo, mga Hapones parin
ang makapangyarihan. Hindi ito isang malayang pamahalaan. Ang mga kautusang ipinalabas
ni Pangulong Laurel ay hindi ipinatupad kapag hindi ito mabuti para sa mga Hapones.
Naghigpit ang mga Hapones sa mga inilalathala sa mga babasahin, mga palabas sa
tanggahalan, radyo, at pelikula.
Sa kabila nito, itinatag ni Pangulong Laurel ang Kawanihan ng Konstabularyo,
kawanihan ng mga Betereno, Lupon ng Pangkabuhayang Pagbabalak, Sanggunian ng mga
Siyentista, at Pangasiwaan ng Bigas at Mais.
Hindi pinayagang muling buksan ang Kagawaran ng Paggawa at Tanggulan.
Nagsimula naman ang Ikalawang Republika sa sumusunod na kagawaran: Panloob;
Pananalapi; Katarungan; Agrikultura at Pangangalakal; Pampublikong Gawain at
Komunikasyon; at Edukasyon, Kalusugan at Kapakanang Pampubliko.

104
Pangkat I
Sistema ng Pamahalaan ng mga Hapones
Sa simula, nagtatag ng isang pamahalaang military ang mga Hapones sa
Pilipinas. Ang mga kautusang ipinatutupad nila ay mula sa Japan. May mga
patakarang ipinasunod sa mga Pilipino. Hindi maaaring gumala sa mga kalsada
kapag gabi. Pinapatay ang lahat ng mga ilaw. Kinukumpiska ng mga Hapones ang
lahat ng mga armas at mga baril. Hindi nila pinagamit ng mga radio ang mga Pilipino
upang hindi makakuha ng impormasyon tungkol sa mga balita sa labas ng bansa, lalo
na ang tungkol sa mga Amerikano.
 Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga hapon?
 Anu-ano ang mga patakarang ang ipinasunod sa mga Pilipino?
 Ano ang masasabi nyo sa mga patakaran ng mga Hapon?

Pangkat 2
Sistema ng Pamahalaan ng mga Hapones
Hangad ng mga Hapones na magtatag ng isang Puppet Republic na
magpapatupad ng mga patakarang Hapones sa bansa. ipinakita ng mga Hapones na
nais silang bigyan ng kapayapaan, kalayaan, at kasaganaan ang mga Pilipino. Nais
nila na makiisa ang mga Pilipino sa pagtatatag ng Great East Asia Co-Prosperity
Sphere. Hindi naman naniwala ang mga Pilipino sa ipinakita ng mga banyaga.

Isang magandang pangako ang Great East Asia Co-Prosperity Sphere. Sa


pamamagitan nito, ipinahayag ni Punong Ministro Hideki Tojo ang pagbibigay ng
kasarinlan ng Pilipinas noong Mayo 6, 1943 sa Luneta.
Itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence sa
pamumuno ni Jose P. Laurel upang bumuo ng bagong Saligang Batas ng Pilipinas.
Nilagdaan ng kasapi nito ang buong Saligang Batas noong Setyembre 4, 1943. Sa
bisa nito, itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas.
 Ano ang hangarin ang ng mga Hapones na itatag sa bansa?
 Ano ang nais ipikita ng mga Hapones sa mga Pilipino?
 Bakit sinasabing isang magandang pangko ang Great East Asia Co-prosperity
Sphere?
105

Pangkat 3
Sistema ng Pamahalaan ng mga Hapones

Itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence sa


pamumuno ni Jose P. Laurel upang bumuo ng bagong Saligang Batas ng Pilipinas.
Nilagdaan ng kasapi nito ang buong Saligang Batas noong Setyembre 4, 1943. Sa
bisa nito, itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas.
Noong Oktubre 14, 1943, pinasinayaan ang Japenese Sponsored na
Republika ng Pilipinas. Jose P. Laurel ang naging Pangulo nito. Kinilala nito ng
maraming mga bansa tulad ng China, Germany, Italy, Burma, Spain, Thailand,
Hungary, at Croatia. Isang Papet na pamahalaan ang republikang ito. Bagaman isang
Pilipino ang Pangulo, mga Hapones parin ang makapangyarihan. Hindi ito isang
malayang pamahalaan. Ang mga kautusang ipinalabas ni Pangulong Laurel ay hindi
ipinatupad kapag hindi ito mabuti para sa mga Hapones. Naghigpit ang mga Hapones
sa mga inilalathala sa mga babasahin, mga palabas sa tanggahalan, radyo, at
pelikula.
Sa kabila nito, itinatag ni Pangulong Laurel ang Kawanihan ng Konstabularyo,
kawanihan ng mga Betereno, Lupon ng Pangkabuhayang Pagbabalak, Sanggunian
ng mga Siyentista, at Pangasiwaan ng Bigas at Mais.
Hindi pinayagang muling buksan ang Kagawaran ng Paggawa at
Tanggulan. Nagsimula naman ang Ikalawang Republika sa sumusunod na
kagawaran: Panloob; Pananalapi; Katarungan; Agrikultura at Pangangalakal;
Pampublikong Gawain at Komunikasyon; at Edukasyon, Kalusugan at Kapakanang
Pampubliko.
 Sino ang naging pangulo sa panahonhg ito?
 Anong uri ng pamahalaan o republikong ang pamamahala no ni pangulong
Laurel?
 Bakit ang kautasang ipinapalabas ni pangulong Laurel ay hindi ipinapatulad ng
mga Hapon?
 Ano ang masasabi nyo sa pamamahala ni Pangulong Laurel? Malaya ba siya
sa kanyang pamamahala? Bakit?
106

3. Pagsusuri
 Nailalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang kolonyal ng
Hapones?
 Makatarungan ba ang mga ginawa ng mga Hapones sa mga Pilipino
sa panahon ng pananakop sa bansa?
 Sa inyong sarili pananaw, tunay ba na ipinakita ng mga Hapones na
nais silang bigyan ng kapayapaan, kalayaan, at kasaganaan ang mga
Pilipino.
 Sumuko ba mga Pilipino sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng
bansa?

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang K
sa patlang kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan ang pangungusap at DK
kung di nagpapahayag ng katotohanan ang pangungusap.

1. Sa simula, nagtatag ng isang pamahalaang military ang mga Hapones sa


Pilipinas.______
2. Hindi nais ng mga Hapones na makiisa ang mga Pilipino sa pagtatatag ng
Great East Asia Co-Prosperity Sphere.______
3. Itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence sa
pamumuno ni Jose P. Laurel.______
4. Noong Oktubre 14, 1943, pinasinayaan ang Japenese Sponsored na
Republika ng Pilipinas. Jose P. Laurel ang naging Pangulo nito.______
5. Ang mga kautusang ipinalabas ni Pangulong Laurel ay hindi ipinatupad
kapag hindi ito mabuti para sa mga Hapones.______

V. Takadang –Aralin
Ano ang War Economy at Economy of Survival?
107

Aralin 31
I. Layunin 7. Nasususri ang sistema ng pamamahala sa panahon ng
mga Hapones
7.2 Naipapaliwanag ang mga patakaran at batas pang-ekonomiya
gaya ng War Economy at Economy of Survival at ng mga resulta nito

ll. Paksang- Aralin


Pagpapaliwanag sa mga Patakaran at Batas Pang-ekonomiya gaya
ng War Economy at Economy of Survival at ng mga resulta nito

Sanggunian: K-12 BEC C. 7.2 Pah. 60 ng 120


Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-193
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa kaunlarang pangkabuhayan ng mga


mamamayang Pilipino.
Halimbawa: Marami bang mga Pilipino ang may trabaho o
walang trabaho?
2. Balik-Aral

 Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga hapon?


 Anu-ano ang mga patakarang ang ipinasunod sa mga Pilipino?
 Ano ang masasabi nyo sa mga patakaran ng mga Hapon?

3. Pagganyak

Ano ang iyong kaisipan sa mga salitang ito….

War Economy at Economy of Survival

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatang Gawain

108

Kalagayang Panlipunan

Hindi naging matiwasay ang buhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga


Hapones. Anumang oras, kahit hatinggabi, maaari silang arestuhin o pahirapan
bunga ng mga sumbong ng mga espiya ng mga Hapones o hindi pagsunod sa
mga patakaran o batas. Hindi makatao ang mga parusa sa mga nagkasala.
Marami ring kababaihan ang nilapastangan kung kaya’t hindi iilang kapatid o
asawa ang napatay sa pagtatanggol sa kanila.

Hindi rin nakaligtas ang mga Pilipinong pinaghihinalaang


nakikipagtulungan sa mga Hapones. Mabilis silang pinapatay ng mga gerilya,
ang lihim na pangkat ng mga Pilipinong lumalaban sa mga Hapones. Dahil na
rin sa panganib ng kanilang buhay sa kamay ng mga Hapones at gerilya,
maraming mga Pilipino ang naglipat-lipat ng tirahan.

Patakarang Pang-ekonomiya ng mga Hapones

Sa pagdating ng mga Hapones sa bansa noong Enero 2, 1942, agad


silang nagpalabas ng proklamasyon, kautusan, at batas bilang pagsisimula ng
pagkontrol sa ekonomiya ng Pilipinas. Itinakda nila ang halos lahat ng aspekto
sa ekonomiya, mula sa salaping ipagagamit hanggang sa mga dapat itanim ng
mga magsasaka.
109

Task Card

Pangkat 1
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing
itong Sabayang pagbigkas. Nagpapaliwanag ng mga patakaran at batas pang-
ekonomiya ng Pilipinas sa panhon ng mga Hapon. Gawin ito nang may damdamin.
Kalagayang Panlipunan
Hindi naging matiwasay ang buhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga
Hapones. Anumang oras, kahit hatinggabi, maaari silang arestuhin o pahirapan
bunga ng mga sumbong ng mga espiya ng mga Hapones o hindi pagsunod sa
mga patakaran o batas. Hindi makatao ang mga parusa sa mga nagkasala.
Marami ring kababaihan ang nilapastangan kung kaya’t hindi iilang kapatid o
asawa ang napatay sa pagtatanggol sa kanila.
Hindi rin nakaligtas ang mga Pilipinong pinaghihinalaang nakikipagtulungan
sa mga Hapones. Mabilis silang pinapatay ng mga gerilya, ang lihim na pangkat ng
mga Pilipinong lumalaban sa mga Hapones. Dahil na rin sa panganib ng kanilang
buhay sa kamay ng mga Hapones at gerilya, maraming mga Pilipino ang naglipat-
lipat ng tirahan.
Pangkat 2
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito,
bumuo o gawing itong isang awit, lapatan ito ng usong tinig
ng awit na nagpapaliwanag ng mga patakaran at batas
pang-ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng mga Hapon.
Gawin ito nang may damdamin.
Patakarang Pang-ekonomiya ng mga Hapones
Sa pagdating ng mga Hapones sa bansa noong
Enero 2, 1942, agad silang nagpalabas ng proklamasyon,
kautusan, at batas bilang pagsisimula ng pagkontrol sa
ekonomiya ng Pilipinas. Itinakda nila ang halos lahat ng
aspekto sa ekonomiya, mula sa salaping ipagagamit
hanggang sa mga dapat itanim ng mga magsasaka.
Paghihirap ang dinanas ng mga mamamayan bunga
ng mga patakarang Hapones. Matindi ang naging
kakulangan sa pagkain, gayundin sa ibang pangunahing
pangangailangan

110

Pangkat 3
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo
o gawing itong isang awit, lapatan ito ng usong tinig ng awit na
nagpapaliwanag ng mga patakaran at batas pang-ekonomiya ng Pilipinas
sa panahon ng mga Hapon. Gawin ito nang may damdamin.

Suliraning Pangkabuhayan
Paghihirap ang dinanas ng mga mamamayan bunga ng mga
patakarang Hapones. Matindi ang naging kakulangan sa pagkain,
gayundin sa ibang pangunahing pangangailangan.
1. Pagsusuri
 Bakit hindi naging matiwasay ang buhay ng mga Pilipino sa
panahon ng mga Hapones?
 Anu-ano ang ginawa ng mga Pilipino para makaligtas sa
kalupitan ng mga Hapones?
 Sa pagdating ng mga Hapones sa bansa noong Enero 2,
1942, paano kinontrol ng mga Hapones ang ekonomiya ng
Pilipinas?
 Ano ang naging epekto ng Patakarang Pang-ekonomiya ng
mga Hapones sa pamumuhay ng mga Pilipino?
 Sa iyong sariling papanaw, sino sa mga mananakop na
dayuhan ang higit na nakatulong o may maganda nagawa
para sa ating bansa sa larangan ng pang-ekonomiya?

111

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat K kung ito
nagsasaad ng katotohanan tungkol sa paksang aralin at DK kung di ito
nagsasaad ng katotohanan.
1. Naging matiwasay ang buhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga
Hapones. ________
2. Nagpalabas ng proklamasyon, kautusan, at batas ang mha
Hapones bilang pagsisimula ng pagkontrol sa ekonomiya ng
Pilipinas. _________
3. Matindi ang naging kakulangan sa pagkain, gayundin sa ibang
pangunahing pangangailangan sa panahon ng pananakop ng mga
Hapones. ______
4. Paghihirap ang dinanas ng mga mamamayan bunga ng mga
patakarang Hapones._______
5. Tamaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga Hapones. _______

V. Takdang-Aralin
Ano ang Salaping “Mickey Mouse’’?
112

7. Nasususri ang sistema ng pamamahala sa panahon ng


mga Hapones

Aralin 32
I. Layunin
7.2 Naipapaliwanag ang mga patakaran at batas pang-ekonomiya
gaya ng War Economy at Economy of Survival at ng mga resulta nito

ll. Paksang- Aralin


Pagpapaliwanag sa mga Patakaran at Batas Pang-ekonomiya gaya
ng War Economy at Economy of Survival at ng mga resulta nito

Sanggunian: K-12 BEC C. 7.2 Pah. 60 ng 120


Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-193
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa kaunlarang pangkabuhayan ng mga


mamamayang Pilipino.
Halimbawa: Kalagayan ng mga Magsasaka, Negosyo sa
bansa, Ekonomiya ng bansa

2. Balik-Aral

 Ano ang naging epekto ng Patakarang Pang-ekonomiya ng mga


Hapones sa pamumuhay ng mga Pilipino?

3. Pagganyak

Ano ang iyong kaisipan sa mga salitang ito….

Economy of Survival
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatang Gawain ( Maaring gamitin ang dating pangkat ng
mga bata o maaring bumuo ng panibagong pangkat.

113

Pangkat 1
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing itong
isang Tula na nagpapaliwanag ng mga patakaran at batas pang-ekonomiya ng
Pilipinas sa panahon ng mga Hapon. Tulain ito nang may damdamin.
Tugon Sa Kahirapan

Ngunit hindi na bago sa mga Pilipino ang pagtitiis at pagharap sa


kahirapan. Tulad ng nagaganap na krisis sa ekonomiya ng bansa sa
kasalukuyan,hinarap ng mga mamamayan ang suliranin nang buong tatag.
Gumawa ng paraan ang mga Pilipino upang mabawasan ang kahirapan.
Bagama’t mayroon ding mga nagsamantala, positibo ang naging pangkalahatang
pagharap ng mga tao sa suliranin.Maraming Pilipino ang pumasok sa negosyong
buy and sell upang kumita. Sinimulan din ang pagtatanim ng mga gulay sa mga
lupang maaaring mapagtaniman upang makatulong sa kakapusan sa pagkain.
Bagama’t maliit lamang ang kita sa mga nabanggit na gawain, nakatulong ang
mga ito upang kahit paano ay mabuhay at magkaroon ng pagkain ang mga
pamilyang Pilipino.

Pangkat 2
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing itong
isang Sabayang Pagbigkas na nagpapaliwanag ng mga patakaran at batas pang-
ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng mga Hapon. Bigkasin ito nang may
damdamin.
Salaping ‘Mickey Mouse’
Nagpalabas ang mga Hapones noong Enero 3, 1942 ng mga salaping papel
na ipinagamit sa mga mamamayan. Tiniyak nila na may pagtangkilik ng
pamahalaang Hapones ang salaping ito. Ngunit hindi naniwala ang mga
mamamayan dito dahil anyong laruang salapi ito at wala itong pananda na may
katumbas itong ginto o pilak at maaaring ipambili. Gayunpaman, napilitan ang mga
mamamayan na gamitin ito matapos na magbabala ang mga Hapones na
parusahan ang sinumang hindi gagamit ng salaping ito.
Sa harap ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin, tuluyang nawalan
ng halaga ang sa una pa man ay wala talagang halagang salaping Hapon. Dahil
sampung piso ang pinakamataas na halaga na nakalimbag na salapi, sa pagtaas ng
presyo ng mga bilihin, kinakailanganng magdala ng bagong-bayong na salapi sa
pamimili ng mamamayan. Nagmistulang laruang salapi ang mga ito kung kaya
tinawag itong Mickey Mouse Money.
115
Tugon Sa Kahirapan

Ngunit hindi nabago sa mga Pilipino ang pagtitiis at pagharap sa kahirapan. Tulad ng
nagaganap na krisis sa ekonomiya ng bansa sa kasalukuyan,hinarap ng mga mamamayan ang
suliranin nang buong tatag. Gumawa ng paraan ang mga Pilipino upang mabawasan ang
kahirapan. Bagama’t mayroon ding mga nagsamantala,positibo ang naging pangkalahatang
pagharap ng mga tao sa suliranin.Maraming Pilipino ang pumasok sa negosyong buy and sell
upang kumita. Sinimulan din ang pagtatanim ng mga gulay sa mga lupang maaaring
mapagtaniman upang makatulong sa kakapusan sa pagkain. Bagama’t maliit lamang ang kita sa
mga nabanggit na gawain, nakatulong ang mga ito upang kahit paano ay mabuhay at magkaroon
ng pagkain ang mga pamilyang Pilipino.
Salaping ‘Mickey Mouse’
Nagpalabas ang mga Hapones noong Enero 3, 1942 ng mga salaping papel na
ipinagamit sa mga mamamayan. Tiniyak nila na may pagtangkilik ng pamahalaang Hapones ang
salaping ito. Ngunit hindi naniwala ang mga mamamayan dito dahil anyong laruang salapi ito at
wala itong pananda na may katumbas itong ginto o pilak at maaaring ipambili. Gayunpaman,
napilitan ang mga mamamayan na gamitin ito matapos na magbabala ang mga Hapones na
parusahan ang sinumang hindi gagamit ng salaping ito.
Sa harap ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin, tuluyang nawalan ng halaga
ang sa una pa man ay wala talagang halagang salaping Hapon. Dahil sampung piso ang
pinakamataas na halaga na nakalimbag na salapi, sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin,
kinakailanganng magdala ng bagong-bayong na salapi sa pamimili ng mamamayan.
Nagmistulang laruang salapi ang mga ito kung kaya tinawag itong Mickey Mouse Money.
Batid ng mga mamamayan na walang halaga pandaigdigang kalakalan ang salaping
Hapon kung kaya itinago nila ang kanilang salaping piso. Ginamit lamang nila ito sa oras ng
matinding pangangailangan.

Pagsasaayos ng mga Lupang Sakahan


Maliban sa pagpapalabas ng mga Mickey Mouse Money, iniutos din ng mga Hapones
noong Enero 5, 1945 ang pagbubukas ng mga pabrika at iba pang pagawaan. Bahagi ito ng pag-
imbertaryo ng mga industriya sa bansa. Nais nilang malaman kung alin ang maaari pa nilang
gamitin at alin ang dapat linangin ayon sa kanilang pangangailangan.
Apektado ng patakaran ng mga Hapones sa lupain ang mga taniman ng tubo,bulak, at
palay. Nagpatupad ng limang taong plano ang mga Hapones at industriya ng tatlong
pangunahing pananim na ito sa layuning mapataas ang ani. Ayon dito,nais ng pamahalaan na
matustusan ang lokal na pangangailangan ng bansa at maiwasan ang pag-angkat. Nagtakda rin
ito ng mga lupang sakahan kung saan itatanim ang itinakdang dami ng mga pananim. Mula sa
lupain ng tubo, kumuha ang pamahalaan ng 12,000 ektarya upang pagtamnan ng bulak. Sa
palay naman, inasam ng mga Hapones na maitaas nang 13 milyong kaban ang maaani sa
limang-taong plano simula 1943.
Ngunit hindi nagtagumpay ang planong ito ng mga Hapones. Sa halip na maging sapat
ang panustos sa mga mamamayan, nagkaroon pa ng kakulangan sa pangunahing
pangangailangan. Inuna ng pamahalaan na matustusan ang pangangailangan ng hukbong
Hapones sa Pilipinas. Ilang bahagdan lamang ng mga ani ang inilaan sa mga Pilipino. Dahil dito,
kinailangang irasyon ang mga ani kasama ng iba pang pangangailangan.
Ginamit ng mga Hapones ang asukal upang mapagkunan ng mga panggatong na
mataas sa octane, butanol, at alcohol. Ang mga ito ang alternatibong panggatong para sa mga
sasakyang pandigma tulad ng eroplano, tangke, at iba. Ang bulak naman ay ginamit para sa sa
mga uniporme at iba pang pangangailangan sa tela ng mga hukbong nakatalaga sa bansa.
Samantala, ang palay ay inilaan para sa mga sundalo at kakaunti lamang ang ipinamahagi para
sa mga mamamayan
114

Pangkat 3
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing itong
isang Rap Song na nagpapaliwanag ng mga patakaran at batas pang-ekonomiya
ng Pilipinas sa panahon ng mga Hapon. Awitin ito nang may damdamin.
Pagsasaayos ng mga Lupang Sakahan

Maliban sa pagpapalabas ng mga Mickey Mouse Money, iniutos din ng


mga Hapones noong Enero 5, 1945 ang pagbubukas ng mga pabrika at iba pang
pagawaan. Bahagi ito ng pag-imbertaryo ng mga industriya sa bansa. Nais nilang
malaman kung alin ang maaari pa nilang gamitin at alin ang dapat linangin ayon
sa kanilang pangangailangan.
Apektado ng patakaran ng mga Hapones sa lupain ang mga taniman ng
tubo,bulak, at palay. Nagpatupad ng limang taong plano ang mga Hapones at
industriya ng tatlong pangunahing pananim na ito sa layuning mapataas ang ani.
Ayon dito,nais ng pamahalaan na matustusan ang lokal na pangangailangan ng
bansa at maiwasan ang pag-angkat. Nagtakda rin ito ng mga lupang sakahan
kung saan itatanim ang itinakdang dami ng mga pananim. Mula sa lupain ng
tubo, kumuha ang pamahalaan ng 12,000 ektarya upang pagtamnan ng bulak.
Sa palay naman, inasam ng mga Hapones na maitaas nang 13 milyong kaban
ang maaani sa limang-taong plano simula 1943.

Pangkat 3
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing itong
isang awit na nagpapaliwanag ng mga patakaran at batas pang-ekonomiya ng
Pilipinas sa panahon ng mga Hapon. Awitin ito nang may damdamin.
Pagsasaayos ng mga Lupang Sakahan

Ngunit hindi nagtagumpay ang planong ito ng mga Hapones. Sa halip na


maging sapat ang panustos sa mga mamamayan, nagkaroon pa ng kakulangan sa
pangunahing pangangailangan. Inuna ng pamahalaan na matustusan ang
pangangailangan ng hukbong Hapones sa Pilipinas. Ilang bahagdan lamang ng
mga ani ang inilaan sa mga Pilipino. Dahil dito, kinailangang irasyon ang mga ani
kasama ng iba pang pangangailangan.
Ginamit ng mga Hapones ang asukal upang mapagkunan ng mga
panggatong na mataas sa octane, butanol, at alcohol. Ang mga ito ang
alternatibong panggatong para sa mga sasakyang pandigma tulad ng eroplano,
tangke, at iba. Ang bulak naman ay ginamit para sa sa mga uniporme at iba pang
pangangailangan sa tela ng mga hukbong nakatalaga sa bansa. Samantala, ang
palay ay inilaan para sa mga sundalo at kakaunti lamang ang ipinamahagi para sa
mga mamamayan
116

2. Pagsusuri
 Paano hinarap ng mga Pilipino ang mga suliraning naranasan
nila tulad ng krisis sa ekonomiya?
 Anu-anong mga paraan ginawa nila para mabawasan ang
kahirapan nararanasan nila?
 Ano ang ipinalabas ng mga Hapones na ipinagamit sa mga
mamamayang Pilipino? May halaga ba ito?
 Bakit napilitan ang mga mamamayan na gamitin salaping
Mickey Mouse?
 Ano ang ipinatupad o plano ng mga Hapones na may layuning
mapataas ang ani? Nagtagumpay ba sila sa planong ito?
Bakit?
 Nakatulong ba ang mga patakaran at batas pang-ekonomiya
ng mga Hapones sa pangkabuhayan ng mga Pilipino?

IV. Pagtataya

Panuto: Ipaliwanag sa 1-2 talata ang mga patakaran at batas pang-


ekonomiya ng mga Hapones sa panahon ng pananakop nila sa
bansa. Isulat ito sa isang buong papel.

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol sa pagtatag ng Ikalawang Republika ng Pilipinas.
117

7. Nasusuri ang sistema ng pamamahala sa panahon ng


mga Hapones

Aralin 33
I. Layunin
7.3 Naipapaliwag ang kontribusyon ng pagtatag ng Ikalawang
Republika ng Pilipinas at mga patakarang may kinalaman sa pagsasarili

II. Paksang- Aralin


Pagpapaliwag sa kontribusyon ng pagtatag ng Ikalawang Republika
ng Pilipinas at mga patakarang may kinalaman sa pagsasarili

Sanggunian: K-12 BEC C. 7.3 Pah. 60 ng 120


Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-193
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain ss Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa kalagayan ng bansa o sa
mga nagawa Paksang- Aralinng mga pinuno ng ating
bansa lalo na ang Pangulo.

2. Balik-aral

Nakatulong ba ang mga patakaran at batas pang-ekonomiya


ng mga Hapones sa pangkabuhayan ng mga Pilipino?
3. Pagganyak

Ano ang kaisipan nyo sa mga salitang ito……

Ikalawang Republika ng Pilipinas

A. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatang Gawain ( Maaring gamitin ang dating pangkat ng
mga bata o maaring bumuo ng panibagong pangkat.)

118

Pangkat 1,2,3,4

Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, kumpletuhin


ang tsart na nagpapaliwag ng kontribusyon ng pagtatag ng Ikalawang
Republika ng Pilipinas

Mga Kontribusyon ng Pagtatag ng Ikalawang Republika ng


Pilipinas

Nang dakong 1943, nilikha ng mga Hapon ang Panimulang


Lupon sa Pagsasarili ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino
at inatasan itong maghanda ng isang saligang-batas bilang
paghahanda sa republikang kanilang ipagkakaloob.

Inutusan nila ang mga Pilipinong lumikha ng isang Kapisanan


sa Paglilingkod ng Bagong Pilipinas o KALIBAPI.
119
Pagtatatag ng Ikalawang Republika Pagkatapos itatag ang Komisyong
Tagapagapaganap ng Pilipinas, sa pamumuno ni Jose Vargas, ipinag-utos ng mga
Hapon ang paglikha ng pitong kagawaran na ang bawa’t isa ay may kalihim na
Pilipino. Ngunit sa bawat kagawaran ay may isang Hapon na nagmamatyag at
nagsasabi sa mga kalihim kung ano ang gagawin.

Nang dakong 1943, nilikha ng mga Hapon ang Panimulang Lupon sa


Pagsasarili ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino at inatasan itong maghanda ng
isang saligang-batas bilang paghahanda sa republikang kanilang ipagkakaloob.
Bago nangyari ito, pinawalang-bisa ng mga Hapon ang mga partidong pulitikong
naitatag noong panahon ng Komonwelt.

Bilang kapalit nito, inutusan nila ang mga Pilipinong lumikha ng isang
Kapisanan sa Paglilingkod ng Bagong Pilipinas o KALIBAPI. Inutusan itong sumulat
at pagtibayin ang isang saligang-batas para sa pagtatatag ng bagong Republika ng
Pilipinas. Naghalal ang KALIBAPI ng mga kaanib ng Pambansang Asembleya at
noong ika-23 ng Setyembre, 1943, sa pang- unang pagtitipon ng Asembleya ay
nahalal na Pangulo ng Republikang tinatangkilik ng Hapon si Jose P. Laurel.

Noong ika-14 ng Oktubre,1943 ay pinasinayaan ang Ikalawang Republika


ng Pilipinas na lalong kilala sa tawag na pamahalaang nasa patnubay ng Hapon.
Ang pambansang awit at watawat ng Pilipinas na dati ay ipinagbawal ay ipinaawit at
iwinagayway. Nang araw ding iyon, pinilit ng mga Hapon si Jose P. Laurel na
pirmahan ang isang kasunduang militar kung saan ang Pilipinas ay nangangako ng
katapatan sa bansang Hapon. Ngunit bagama’t pumirma si Pangulong Laurel, ito ay
walang saysay sapagkat nanatiling matapat sa mga Amerikano ang mga Pilipino at
hinihintay lamang ang kanilang pagbabalik. Pagbabagong Pampulitika Sa ilalim ng
Republika, lahat ng mga nanungkulan sa pamahalaang pambansa at lokal ay
pawang Pilipino, ngunit hindi maaaring tumutol sa bawat naisin ng mga opisyal na
sundalong Hapon na nakatalaga at nagmamatyag sa bawat kilos nila. Liga militar
na Hapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan.

Ang saligang-batas ay nasunod sa porma at istruktura lamang ng


pamahalaan subalit ang mga batas at utos ay galing sa Hapon. Maging si
Pangulong Laurel ay walang kapangyarihan. Inalis ang halalan at ipinagbawal ang
pagsasalita laban sa pamahalaan. Walang pribilehiyo ang mga mamamayan sa
pagsasalita laban sa mga opisyal at kinakailangang yumuko at magbigay galang sa
mga opisyal na Hapones.

Ang mga kaso na Pilipino lamang ang nasangkot ay nililitis sa hukuman


ngunit ang mga Hapon ay nililitis ng hukumang militar ng Hapon. Dahilan dito,
kalimitan ay napapawalang-sala ang mga nasasakdal na Hapones. Nagtayo ng
maraming instalasyong militar at mga garison sa iba’t ibang gusali sa kapuluan ang
mga Hapon. Bawat napaghihinalaang kumikilos laban sa kanila ay ikinukulong at
pinarurusahan ng iba’t ibang karumal-dumal na paraan.

Mga Pagbabagong Pangkabuhayan Ang salaping ginamit noong panahon


ng Hapon ay ang kanilang yen, na tinatawag ng mga Pilipinong “mickey mouse
money.” Malalaking papel at maliit ang balyu at isinisilid na lamang sa bayong
sapagkat wala namang ganoong mabibili sa mga palengke. Ito ay sa dahilang ang
mga Hapon ang namahala sa mga lupain, industriya, transportasyon at kabuhayan
ng Pilipinas. Ang mga pagkain, bigas at alagang hayop ay sinamsam ng mga
sundalong Hapon.

120

Nabuhay ang mga tao sa lamang dagat, lamang lupa at mga halaman.
Marami ang nagkasakit ng beri-beri dahil sa kakulangan ng mga protina at bitamina
sa katawan. Ang mga maysakit ay namamatay na lamang sapagkat kulang ang
mga ospital at serbisyong panggagamot. Mga Pagbabagong Panlipunan Tunay na
pasista ang mga Hapon. Walang kalayaan at pribilehiyo ang mga Pilipino. Bawal
ang pagpapalimbag ng babasahing Ingles at ipinaturo sa mga paaralang bayan ang
Niponggo, ang wika ng Hapon. Walang laya sa paggalaw at pagkilos ang mga tao,
maging sa pagbibiyahe. May curfew sa mga lansangan. Ang paglabas sa mga
tahanan sa hindi tamang oras ay ipinagbawal at ang mga lumabag ay ikinukulong o
binabaril.
Sinikap din naman ni Pangulong Laurel na maging makabuluhan ang
Republika ngunit lahat ng kanyang pagsisikap ay nawalan ng saysay. Ang mga
Hapones ay hindi naging matapat sa kanilang pangakong bibigyan ng kalayaan ang
bansa. Ang mga mamamayan ay inalisan ng maraming karapatan. Maraming
kababaihan ang nilapastangan at ginawang libangan ng mga Hapon. Ang mga
kalalakihang napaparatangan ng pagiging gerilya ay inilalayo sa kanilang mga
pamilya, at ikinukulong sa mga garrison, at pinahihirapan hanggang sa mamatay.
Lumikha ang mga Hapon ng hukbo ng makapili, mga espiyang natatakpan ng
bayong ang mukha. Dinadala ang mga makapili sa mga lugar na may mga
pinaghihinalaang gerilya o kalaban ng Hapon. Suot ang kanilang bayong, ituturo
ang mga pinaghihinalaan at darakpin ito ng mga Hapon. Kapag hindi nakatakas
mula sa garison, ang mga napaghinalaan ay maaaring hindi na makakabalik ng
buhay sa kanilang pamilya dahil sa pagpapahirap gamit ang iba’t ibang malupit na
paraan. Ang pagmamalupit sa mga Pilipino ay nagpatuloy. Ang panahong ito ay
tinawag na “Panahon ng Kadiliman” dahil walang seguridad at katiyakan ang buhay
ng mga mamamayan sa araw-araw. Sila ay nagtatago pag may dumarating na mga
Hapon o dili kaya’y nagsisinungaling upang hindi maparusahan. Ang masakit dito,
natuto ang ibang ipagkanulo ang kanilang kababayan upang humaba ang sariling
buhay.

2. Pagsusuri
 Kailan pinasinayaan ang Ikalawang Republika ng Pilipinas?
 Bakit kilala sa tawag na pamahalaang nasa patnubay ng Hapon ang
Ikalawang Republika ng Pilipinas?
 Noong ika-23 ng Setyembre, 1943, sa pang- unang pagtitipon ng
Asembleya, sino nahalal na Pangulo ng Republika?
 Paano namahala si Pangulong Laurel? Malaya ba sya pamahalanan
ang bansa?
 Bakit ang kalayaang ipinagkaloob ng mga Hapones ay huwad at ang
Republika ay isang Pamahalaang Papet?
 Paano ipinakita ni Pangulong Laurel ang kanyang maka Pilipino sa
kanyang pamamahala sa bansa?
IV. Pagtataya
Panuto: Ipaliwanag sa 1-3 talata ang kontribusyon ng pagtatag
ng Ikalawang Republika ng Pilipinas at mga patakarang may
kinalaman sa pagsasarili. Isulat ito sa isang buong papel.
V. Takdang-Aralin
Ano USAFFE, HukBaLaHap, iba pang kilusang Gerilya?

121

Batid ng mga Hapones na matindi ang mga hangarin ng mga Pilipinog maging
malaya. Ang damdaming ito ay kinasangkapan ng mga Hapones upang mahikayat ang
mga Pilipinong makiisa sa kanilang layunin. Noong Hulyo 4,1943 nagdaos ng
kumbensyon ang KALIBAPI (KAPINSANAN SA PAGLILINGKOD NG BAGONG
PILIPINAS)upang piliin ang 20 kasapi na bubuo sa komisyon sa paghahanda sa
kalayaan ng Pilipinas. Ang tungkulin ng komisyon ay bumuo ng saligang batas na
magiging batayan ng Republika ng Pilipinas. Hinirang na pinuno ng komisyon si Jose P.
Laurel.
Ang saligang batas 1943 ay pinagtibay ng komisyon noong ika-4 ng Setyembre,
1943. Ang saligang batas na ito ay nasusulat sa wikang Tagalog at Ingles at binubuo ng
Panimula at 12 artikulo. Itinatag nito ang Ikalawang republika ng Pilipinas at
nagtatadhana ng pagkakaroon ng Pambansang Asembleya ay hihirang ng magigimg
pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nasa kamay niya ang kapangyarihang ehekutibo.
Walang pangalawang pangulo. Nasa Korte Suprema ang kapangyarihang hudikatura.
Itinatadhana rin ang pagtatayo ng isang Konseho ng Estado na magsisilbing tagapayo
ng pangulo.
Noong ika-20 ng Setyembre, 1943 pinili mula sa mga kasapi ng KALIBAPI ang
108 kinatawan sa Pambansang Asembleya. Hinirang ng Asembleya bilang Pangulo ng
Ikalawang Republika ng Pilipinas si Jose P. Laurel. Noong ika 14 ng Oktubre 1943 ay
pinasiyahan ang Ikalawang republika ng Pilipinas. Sa ilalim ni Pangulong Laurel nalikha
ang mga bagong kawanihan, tanggapan at komisyon at binago ang sistema ng
hukuman
Matamlay ang naging pagtanggap ng mga Pilipino sa Republikang ito. Batid
nila na ang kalayaang ipinagkaloob ng mga Hapones ay huwad at ang Republika ay
isang Pamahalaang Papet. Ito ay dahil ang mga Pilipinong poisyal ay tau-tauhan
lamang ng mga Hapones. Walang kalayaan si Laurel na mamuno ayon sa mithiin ng
mga Pilipino. Ang mga tagapayong ay hindi nagpapayo kundi nag-uutos ng dapat
gawin. Ang kanilang mga iniuutos ay pawang pabor sa kagustuhan at layunin ng mga
Hapones. Ngunit may mga pagkakataon na nangngibabaw kay Laurel ang kayang
maka Pilipino. Minsan hindi niya sinusunod ang mga utos ng Hapones kung alam
niyang hindi ito makabubuti sa mga Pilipino. Ikinagagalit ito ng mga Hapones sa kanya.
Ang mga pinuno ng Republikang Papet ay tinaguriang Kolaboreytor ng mga
Pilipino dahil tumutulong sila sa mga gawain pangpulitika ng mga Hapones. Bagamat
tau-tauhan lamang sila at walang tuwirang pagkakasala sa bayan, nilitis at pinarusahan
pa rin sila pagkatapos ng digmaan

122
8. Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan
sa pananakop ng mga Hapon

Aralin 34

I. Layunin
Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop ng
mga Hapon
Halimbawa: USAFFE, HukBaLaHap, iba pang kilusang Gerilya

ll. Paksang- Aralin


Pagsusuri sa pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop ng
mga Hapon
Halimbawa: USAFFE, HukBaLaHap, iba pang kilusang Gerilya
Sanggunian: K-12 BEC C. 8 Pah. 61 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-193
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA

III. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa kaunlaran ng bansa o sa mga nagawa ng


mga pinuno ng ating bansa lalo na ang Pangulo.

2. Balik-aral

Bakit kilala sa tawag na pamahalaang nasa patnubay ng


Hapon ang Ikalawang Republika ng Pilipinas?

3. Pagganyak

Sinu-sino ang mga sandatahan lakas ng bansa?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Pangkatang Gawin
( Maaring gamitin ang dati nilang pangkat o bumubuo
uli ng bagong pangkat)
122

Task Card
Pangkat 1,2,3,4. Gagawin ng buong pangkat
Basahin at unawain ang paksang aralin. Ibuod sa 2 o
.
3 talata suriin kung paano nakibaka ang mga Pilipino para
sa kalayaan sa pananakop ng mga Hapon.
Naging isang mahalagang puwersa ang kilusang gerilya sa
pagdudulot ng malaking sakit ng ulo sa mga Hapon at sa hindi
pagiging matatag ng Republikang kanilang itinayo. Organisado
ang kilusan. May mga kumander at mga ranggo ang mga kasapi.
May ugnayan sa isa’t isa at may mga sikretong sinyales na hindi
maiintindihan ng mga Hapong kalaban. Habang walang
puwersang dumarating mula sa Estados Unidos, naipakita ng mga
Pilipino na kaya nilang ituloy ang laban, isang katangiang kanila
nang napatunayan sa mga nakaraang pakikihamok sa mga
naunang mananakop.
Itinatag ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon
(HukBaLaHap), isang kilusang laban sa mga Hapones. Itinatag ito
nina Luis Taruc, Pedro Abad Santos, Jose Banal, at Casto
Alejandrino. Mga magsasaka sa Gitnang Luzon at Katimugang
Luzon ang karamihan sa mga kasapi nito.
Ang HUKBALAHAP Ang mga magsasakang labis na
naghirap sa panahong ito ay nagbuklod upang bumuo ng isang
kilusang may katulad na simulain sa mga gerilya. Higit sa lahat,
ang mga magsasaka ang lubhang nakadama ng pagmamalupit ng
mga Hapon. Ang kanilang mga sakahan ay pinagiinteresan ng
mga opisyal na Hapon. Ang mga bigas na kanilang inaani ay
kinukumpiska. Maging ang mga hayop at iba pang tanim na
kanilang pinaghirapan ay nagsilbing pagkain at lakas ng mga
Hapones habang ang kanilang mga pamilya ay namamatay sa
gutom. Sila rin ang kadalasang pinaghihinalaang kasapi ng
kilusang gerilya.
Ang mga kababaihan sa mga lalawigan at mga bukirin ay
naging biktima ng maraming kalupitan sa kamay ng mga
sundalong Hapon. Sa pamumuno nina Luis Taruc, Jesus Lava, at
Jose Banal, naitatag ang Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapones
o ang HUKBALAHAP.
Nang lumaon, tinawag silang HUK. Ang kilusang ito ay
binubuo ng mga magsasakang handang mangalaga sa kanilang
mga sakahang kinakamkam ng mga Hapon. Naging
tagapangalaga rin sila ng katahimikan ng kanilang mga bayan.
Naging marahas ang ginawang pagsugpo ng mga HUK sa mga
Hapones. Daan-daang Hapones ang kanilang pinatay. Sinasabing
mas higit silang marahas kaysa mga gerilya kaya’t mas higit silang
kinatakutan ng mga Hapon.

123
2. Pagsusuri

 Anong kilusan ang naisip o itinitag ng mga Pilipino para sa


pakikibaka nila upang makamit ang inaasam na kalayaan mula
sa pananakop ng mga Hapon?
 Paano o bakit nabuo ang kilusang HUKBALAHAP?
 Ilarawan ang HUKBALAHAP. Sinu-sino ang mga ito?
 Paano nakibaka o lumaban ang HUKBALAHAP?
 Ano ang mga nagawa ng HUKBALAHAP o ng mga Pilipino para
sa kalayaan sa pananakop ng mga Hapon?

IV. Pagtataya
Panuto: Magbigay o sumulat ng limang (5) pangungusap tungkol
kilusang HUKBALAHAP. Isulat sa papel ang mga pangungusap.

V. Takdang-aralin
Alamin o magsaliksik tungkol sa iba pang kilusang gerilya naitinatag ng
mga Pilipino laban sa mga Hapon.
124

8. Nasusuri ang pakikibakaAralin 35 Pilipino para sa kalayaan


ng mga
sa pananakop ng mga Hapon
I. Layunin
Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop
ng mga Hapon
Halimbawa: USAFFE, HukBaLaHap, iba pang kilusang Gerilya
 Pagtatatag ng Kilusang Gerilya
II. Paksang- Aralin
Pagsusuri sa pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop
ng mga Hapon
Halimbawa: USAFFE, HukBaLaHap, iba pang kilusang Gerilya
Sanggunian: K-12 BEC C. 8 Pah. 61 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-193
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa kaunlaran ng bayan o sa mga nagawa ng
mga pinuno ng ating bayan lalo na ang Mayor.

2. Balik-aral

 Anong kilusan ang naisip o itinitag ng mga Pilipino para


sa pakikibaka nila upang makamit ang inaasam na kalayaan
mula sa pananakop ng mga Hapon?

3. Pagganyak
Ano ang iyong kaisipan tunkol sa Kilusang Gerilya?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain: Pangkatang Gawin
( Maaring gamitin ang dati nilang pangkat o bumubuo
uli ng bagong pangkat)
Task Card
Pangkat 1,2,3,4. Gagawin ng buong pangkat

Basahin at unawain ang paksang aralin. Suriin kung


paano nakibaka ang mga Pilipino para sa kalayaan sa
pananakop ng mga Hapon. Isulat sa 5 hanggang 10
pangungusap ito.
.

125

Pagtatag ng Kilusang Gerilya


Maraming mga Pilipino ang sumama sa kilusang gerilya. Unang itinatag ito
ng mga takas na kawal na Pilipino at Amerikano mula sa Corregidor at Bataan. Iba-
iba ang mga propesyon ng mga taong sumapi rito. May mga guro, mag-aaral, pari,
at mga opisyal at sundalong Pilipino. Ang iba sa kanila ay mga pinunong bayan at
pinunong panlalawigan. Hindi sila naniwala sa ipinakitang layunin ng mga Hapones
sa bansa. nais nilang magwakas ang pananakop ng mga Hapones sa bansa.
Pakunwaring nakikiisa sila sa mga Hapones ngunit ipinaaalam nila sa mga
Amerikano ang anumang impormasyon na nakukuha sa pakikisalamuha sa mga
kalaban.
Ang kalupitan ng mga Hapones sa mga Pilipino ang nagbunsod sa kanila
upang itatag ang kilusang gerilya. Kinakatakutan nila ang mga Kempei-tai, ang
pulisyang military ng mga Hapones. Labis na pinarusahan ng mga Kempei-tai ang
mga nadadakip na gerilyang Pilipino. Ikinulong sila sa Fort Santiago at doon
pinarusahan at pinatay.
Nagalagi ang mga gerilya sa mga kabundukan, kagubatan, at malalayong
pook. Ginawa nila ito upang hindi sila matunton ng mga Hapones. Ang iba sa kanila
ay nasa mga lungsod at mga bayan. Sila ang tagahatid-balita sa mga gerilya na
nagtatago sa kagubatan, kabundukan, at mga ilang pook.
Mahiraphulihin ang mga gerilya. Marunong silang magtago. Bigla lamang
silang lumilitaw kapag sinasalakay nila ang mga garrison ng mga Hapones.
Sinamsam nila ang mga armas ng mga kalaban at ginamit ang mga ito sa
pakikipaglaban sa mga Hapones.

2. Pagsusuri
 Anong kilusan ang naisip o itinitag ng mga Pilipino para sa
pakikibaka nila upang makamit ang inaasam na kalayaan mula sa
pananakop ng mga Hapon?
 Paano o bakit nabuo ang kilusang ito?
 Ilarawan ang kilusang ito. Sinu-sino ang mga bumubuo nito?
 Paano nakibaka o lumaban ang kilusang laban sa mga Hapon?
 Ano ang mga nagawa ng kilusang ito o ng mga Pilipino para sa
kalayaan sa pananakop ng mga Hapon?
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa isang talata ang kung paano naitatag ang Kilusang
Gerilya at ang mga nagawa nito para sa kalayaan sa pananakop ng mga
Hapon.

V. Takdang-Aralin
Ano ang iba pang kilusang Gerilya?

126

8. Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan


sa pananakop ng mga Hapon

Aralin 36

I. Layunin
Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa
pananakop ng mga Hapon
 Halimbawa: USAFFE, HukBaLaHap, iba pang kilusang
Gerilya

II. Paksang- Aralin


Pagsusuri sa pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop
ng mga Hapon
Halimbawa: USAFFE, HukBaLaHap, iba pang kilusang Gerilya

Sanggunian: K-12 BEC C. 8 Pah. 61 ng 120


Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-193
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel pen
Saloobin: MAKABANSA

III. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan sa mga napapanahon at mainit isyu sa bansa
2. Balik-aral
 Ano ang mga nagawa ng Pagkilos ng mga Sibilyanpara sa
kalayaan sa pananakop ng mga Hapon?

3. Pagganyak
Ano ang ideya mo sa “?

B. Panlinang na Gawai
1. Gawain
Pangkatang Gawin
( Maaring gamitin ang dati nilang pangkat o bumubuo
uli ng bagong pangkat

Task Card
Pangkat 1,2,3,4. Gagawin
. ng buong pangkat

Basahin at unawain ang paksang aralin. Suriin kung


paano nakibaka ang mga Pilipino para sa kalayaan sa
pananakop ng mga Hapon. Isulat sa 1 o 2 talata.

127
Mga Pagkilos ng Mga Sibilyan
Katulad ng panahon ng paglaban sa mga Kastila at Amerikano, ang
mga sibilyan ay nagbigay ng suporta sa mga kilusang nabanggit. Itinatago
ang mga sugatan, ginagamot at pinakakain ng palihim. Ginamit ng mga
kababaihan ang kanilang kagandahan sa panlilinlang ng mga Hapon, at ang
mga kabataa’y naging tagapagdala ng mga armas at mensahe upang
maipagpatuloy ang lihim na operasyon ng mga kilusan.
Ang Liberasyon ng mga Pilipino mula sa Hapon ang mga Pilipino ay
hindi naghintay lamang sa pagbabalik ng mga Amerikano upang sila ay
iligtas sa kuko ng mga Hapon. Hindi nila hinayaang mayurakan ang kanilang
dangal nang walang kalaban-laban. Sa maliit na paraan, at kahit kulang sa
sandata at kagamitan, isinulong nila ang kanilang karapatan.
Nang bumalik si Hen. Douglas MacArthur sa Pilipinas kasama ang
mga hukbong Amerikanong lulupig sa mga Hapon noong Enero 9, 1944, ang
mga Pilipino’y hindi nanood lamang. Nagbigay ng dobleng lakas at tapang
ang pagdating ng mga tropang Amerikano upang ang mga Pilipino ay
makilahok sa kanilang liberasyon sa kamay ng mga Hapon. Habang
sumusugod ang mga Amerikano sa mga pampang at himpapawid, mula sa
loob ng bansa ay itinataboy naman ng mga gerilya at ng mga HUK ang mga
Hapon sa labas ng mga lalawigan at bayan-bayan.

2. Pagsusuri
 Paano kumilos ang mga sibilyang Pilipino para sa pakikibaka nila
upang makamit ang inaasam na kalayaan mula sa pananakop ng
mga Hapon?
 Ilarawan ang mga Pagkilos ng Mga Sibilyan.
 Paano nakibaka o lumaban ang mga Sibilyan laban sa mga
Hapon?
 Ano ang mga nagawa ng Mga Pagkilos ng Mga Sibilyan para sa
kalayaan sa pananakop ng mga Hapon?

IV. Pagtataya

Panuto: Ilarawan sa 1-2 talata ang mga Pagkilos ng Mga Sibilyan para sa
kalayaan sa pananakop ng mga Hapon

V. Takdang-Aralin
Ano ang III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan sa mga napapanahon at mainit isyu sa bansa

2. Balik-aral
 Ano ang mga nagawa ng kilusang Gerilya para sa kalayaan sa
pananakop ng mga Hapon?

3. Pagganyak
Ano ang ideya mo sa “Mga Pagkilos ng Mga Sibilyan “?

B. Panlinang na Gawai
2. Gawain
Pangkatang Gawin
( Maaring gamitin ang dati nilang pangkat o bumubuo
uli ng bagong pangkat

Task Card
Pangkat 1,2,3,4. Gagawin
. ng buong pangkat

Basahin at unawain ang paksang aralin. Suriin kung


paano nakibaka ang mga Pilipino para sa kalayaan sa
pananakop ng mga Hapon. Isulat sa 1 o 2 talata.

128
8. Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan
sa pananakop ng mga Hapon

Aralin 37
I. Layunin
Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa
pananakop ng mga Hapon
Halimbawa: USAFFE, HukBaLaHap, iba pang kilusang Gerilya
United States Army Forces in the Far East

II. Paksang- Aralin


Pagsusuri sa pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa
pananakop ng mga Hapon - United States Army Forces in the Far
East
Sanggunian: K-12 BEC C. 8 Pah. 61 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-193
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABANSA

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan sa mga napapanahon at mainit isyu sa bansa

 tungkol DepEd, sandatahang lakas ng bansa

2. Balik-aral
 Ano ang mga nagawa ng Mga Pagkilos ng Mga Sibilyan para sa
kalayaan sa pananakop ng mga Hapon?

3. Pagganyak
Ano ang ideya mo sa United States Army Forces in the Far East ?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain :
Pangkatang Gawin ( Maaring gamitin ang dati nilang pangkat o
bumubuo uli ng bagong pangkat)

129
Paglaya ng Pilipinas
Sinimulang bombahin ng mga Amerikano ang mga kuwartel ng mga Hapones sa Davao
noong Agosto 9, 1994. Sinundan ito ng paglunsad ng mga sundalong Amerikano sa Leyte noong
Oktubre 20, 1994. Pinamunuan ito nina Heneral Douglas MacArthur at Pangulong Sergio
Osmeña, ang pumalit kay Pangulong Quezon na namatay sa Saranak Lake, New York noong
Agosto 1, 1994. Tinupad ni Heneral MacArthur ang kanyang pangako na babalik sa Pilipinas.
Hinikayat niya ang mga Pilipino na muling makipaglaban sa mga kaaway.

Sumunod na lumunsad ang ilan pang hukbong Amerikano sa Lingayen, Pangasinan


noong Enero 9, 1945. Nabigla ang mga Hapones sa pagdating ng mga Amerikano sa pag-
aakalang ang paglunsad ay mula sa Hilaga.Mabilis na pinasok ng mga Amerikano ang mga
bayan sa Gitnang Luzon hanggang sa Maynila. Samantala, nagpatuloy ang labanan sa
karagatan. Noong Oktubre 23-26, 1944, naganap ang makasaysayang labanan sa Golpo ng
Leyte. Natalo ang mga hapones sa mga labanang naganap sa Surigao, Samar at Cape Engaño,
at iba pang bahagi ng bansa. Ginawa ng mga Hapones ang lahat ng paraan upang magapi ang
mga Amerikano ngunit wala silang nagawa. Hindi rin naging matamgumpay ang kanilang
taktikang kamikaze o ang pagpapababagsak ng mga eroplano sa mga barko ng mga Amerikano.
Mula sa Maynila, umurong ang mga Hapones sa pamumuno ni Heneral Tomoyuki
Yamashita sa pook na tinatawag ngayong Yamashita Trail sa Bulubundukin Sierra Madre
hanggang sa Appari, Cagayan. Nanatili sila roon hanggang sa pagsuko ni Heneral Yamashita
noong Setyembre 3, 1945.
Samantala, naging malupit ang mga Hapon es sa naiwan sa Maynila. Nasukol sila rito
ng mga sundalong Amerikano kaya sinunog nila ang Maynila at lalo pang pinahirapan ang mga
tao.
Ipinahayag ni Heneral MacArthur ang paglaya ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1945. Sa
panahong ito, hindi pa sumusuko ang Japan. Ipinalabas ng Allies noong Hulyo 26, 1945 ang
Potsdam Declaration na hinihiling ang pagsuko ng Japan. Tumangging sumuko ang Japan
kaya’t noong Agosto 6, 1945, binomba ng United States Air Force ang Hiroshima. Hindi pa rin
napasuko ang Japan kaya’t sumunod na binomba ang Nagasaki noong Agosto 9. Sumuko ang
mga Hapones noong Agosto 15, 1945. Nilagdaan ang kondisyon ang pagsuko sa barkong
pandigmang USS Missouri sa Look ng Tokyo noong Setyembre 2, 1945. Ito ang naging hudyat
ng pagwawakas ng digmaan sa Pasipiko.

Task Card

Pangkat 1
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito magkompos o
sumulat ng isang awit o gawing Rap song na tumutukoy pakikibaka ng
mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop ng mga Hapon
Sinimulang bombahin ng mga Amerikano ang mga kuwartel ng
mga Hapones sa Davao noong Agosto 9, 1994. Sinundan ito ng
paglunsad ng mga sundalong Amerikano sa Leyte noong Oktubre 20,
1994. Pinamunuan ito nina Heneral Douglas MacArthur at Pangulong
Sergio Osmeña, ang pumalit kay Pangulong Quezon na namatay sa
Saranak Lake, New York noong Agosto 1, 1994. Tinupad ni Heneral
MacArthur ang kanyang pangako na babalik sa Pilipinas. Hinikayat niya
ang mga Pilipino na muling makipaglaban sa mga kaaway.
130

Pangkat 2
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito magkompos o
sumulat ng isang tula na tumutukoy sa pakikibaka ng mga Pilipino para sa
kalayaan sa pananakop ng mga Hapon.
Sumunod na lumunsad ang ilan pang hukbong Amerikano sa
Lingayen, Pangasinan noong Enero 9, 1945. Nabigla ang mga Hapones sa
pagdating ng mga Amerikano sa pag-aakalang ang paglunsad ay mula sa
Hilaga.Mabilis na pinasok ng mga Amerikano ang mga bayan sa Gitnang Luzon
hanggang sa Maynila. Samantala, nagpatuloy ang labanan sa karagatan. Noong
Oktubre 23-26, 1944, naganap ang makasaysayang labanan sa Golpo ng Leyte.
Natalo ang mga hapones sa mga labanang naganap sa Surigao, Samar at Cape
Engaño, at iba pang bahagi ng bansa. Ginawa ng mga Hapones ang lahat ng
paraan upang magapi ang mga Amerikano ngunit wala silang nagawa. Hindi rin
naging matamgumpay ang kanilang taktikang kamikaze o ang
pagpapababagsak ng mga eroplano sa mga barko ng mga Amerikano.

Pangkat 3
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito
magkompos o sumulat ng isang Slogan na tumutukoy sa
pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop ng
mga Hapon.

Mula sa Maynila, umurong ang mga Hapones sa


pamumuno ni Heneral Tomoyuki Yamashita sa pook na
tinatawag ngayong Yamashita Trail sa Bulubundukin Sierra
Madre hanggang sa Appari, Cagayan. Nanatili sila roon
hanggang sa pagsuko ni Heneral Yamashita noong Setyembre
3, 1945.
Samantala, naging malupit ang mga Hapon es sa
naiwan sa Maynila. Nasukol sila rito ng mga sundalong
Amerikano kaya sinunog nila ang Maynila at lalo pang
pinahirapan ang mga tao.
131

Pangkat 4
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, gumawa o sumulat ng isang
dula-dulaan na tumutukoy sa inyong sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa mga
Pilipino ng pamamahala sa mga dayuhang mananakop.
Noong Agosto 17, 1945, nagwakas ang Ikalawang Republika ng Pilipinas dahil
sa pagkatalo ng mga Hapones sa digmaan. Muling itinatag ang Pamahalaang
Komonwelt.
Ngunit dahil namatay si Pangulong Quezon bago pa natapos ang digmaan, si
Sergio Osmeña na ang naging Pangulo ng bansa. sa pamumuno niya sinimulang ilagay
sa ayos ang lahat ng pinsalang nilikha ng digmaan.
Ipinahayag ni Heneral MacArthur ang paglaya ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1945.
Sa panahong ito, hindi pa sumusuko ang Japan. Ipinalabas ng Allies noong Hulyo 26,
1945 ang Potsdam Declaration na hinihiling ang pagsuko ng Japan. Tumangging
sumuko ang Japan kaya’t noong Agosto 6, 1945, binomba ng United States Air Force
ang Hiroshima. Hindi pa rin napasuko ang Japan kaya’t sumunod na binomba ang
Nagasaki noong Agosto 9. Sumuko ang mga Hapones noong Agosto 15, 1945.
Nilagdaan ang kondisyon ang pagsuko sa barkong pandigmang USS Missouri sa Look
ng Tokyo noong Setyembre 2, 1945. Ito ang naging hudyat ng pagwawakas ng digmaan
sa Pasipiko.

2. Pagsusuri
 Paano kumilos ang mga Pilipino at USAFFE, para sa pakikibaka
nila upang makamit ang inaasam na kalayaan mula sa pananakop
ng mga Hapon?
 Sinu-sino ang mga USAFFE? Bakit sila tumulong sa pakikibaka ng
mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop ng mga Hapon?
 Paano nakibaka o lumaban USAFFE sa mga Hapon?
 Ano ang mga nagawa ng USAFFE para sa kalayaan sa pananakop
ng mga Hapon?
IV. Pagtataya

Panuto: Isulat sa isang makabuluhang talata kung paano


naikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan sa pananakop ng mga Hapon sa
tulong USAFFE.

V. Takdang-Aralin
Sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa mga Pilipino ng
pamamahala sa mga dayuhang mananakop

132

8. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa


mga Pilipino ng pamamahala sa mga dayuhang mananakop

Aralin 30

l. Layunin
Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa
mga Pilipino ng pamamahala sa mga dayuhang mananakop

II. Paksang- Aralin


Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa
mga Pilipino ng pamamahala sa mga dayuhang mananakop
Sanggunian: K-12 BEC C. 9 Pah. 61 ng 120
Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-193
Kagamitan: tsart, larawan, power point presentation, cartolina at pentel
pen
Saloobin: MAKABAYAN / MAKABANSA

III. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan sa mga napapanahon at mainit isyu sa bansa
 Mga suliranin sa bansa

2. Balik-aral

 Ano ang mga nagawa ng USAFFE para sa


kalayaan sa pananakop ng mga Hapon?
3. Pagganyak

Sa inyong sariling pananaw, sino sa mga nanakop na


dayuhang bansa ang nagpakita ng malasakit o kaya
tumulong para sa kaunlaran ng ating bansa?

A. Panlinang na Gawain
1. Pangkatang Gawain
( Maaring gamitin ang dati nilang pangkat o bumubuo uli ng bagong
pangkat)

133
Nasa ilalim ng pamahalaang Komonwelt ang Pilipinas nang sumiklab ang
ikalawang digmaang pandaigdig. Sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas at
nagtatag ng pamahalaang military sa bansa. Upang makuha ang kalooban ng mga
Pilipino, nagtalaga rin ang mga ito ng mga Pilipinong uugit sa pamahalaan. Labis na
hirap ang dinanas ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang ito.
Si Jose P. Laurel ang ginawang Pangulo ng Ikawalang Republika na
pinasinayaan noong Oktubre 14, 1943. Tinagurian din itong Puppet Government o
Huwad na Gobyerno dahil sa pagiging sunud-sunuran ng mga Pilipino sa bawat
naisin ng mga Hapones. Ang pagiging “masunurin” ng mga Pilipinong pinuno ay
ginawa upang huwag pagmalupitan ng mga Hapon ang mga taong bayan.
Kalunos-lunos ang naging kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga
Hapon. Ang ipinangakong maunlad at payapang bansa sa patakarang Greater East
Asia Co-Prosperity Sphere ay nanatiling pangako lamang. Dahil dito, hindi nakuha
ng mga Hapon ang kooperasyon ng mga Pilipino.
Noong Agosto 17, 1945, nagwakas ang Ikalawang Republika ng Pilipinas
dahil sa pagkatalo ng mga Hapones sa digmaan. Muling itinatag ang Pamahalaang
Komonwelt.
Ngunit dahil namatay si Pangulong Quezon bago pa natapos ang digmaan,
si Sergio Osmeña na ang naging Pangulo ng bansa. sa pamumuno niya sinimulang
ilagay sa ayos ang lahat ng pinsalang nilikha ng digmaan.

Task Card

Pangkat 1
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito magkompos o
sumulat ng isang awit o gawing Rap song na tumutukoy sa inyong sariling
pananaw tungkol sa naging epekto sa mga Pilipino ng pamamahala sa mga
dayuhang mananakop.

Nasa ilalim ng pamahalaang Komonwelt ang Pilipinas nang


sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig. Sinakop ng mga Hapones
ang Pilipinas at nagtatag ng pamahalaang military sa bansa. Upang makuha
ang kalooban ng mga Pilipino, nagtalaga rin ang mga ito ng mga Pilipinong
uugit sa pamahalaan. Labis na hirap ang dinanas ng mga Pilipino sa ilalim
ng pamahalaang ito.

134
Pangkat 2
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito
magkompos o sumulat ng isang tula na tumutukoy sa inyong
sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa mga Pilipino
ng pamamahala sa mga dayuhang mananakop.

Si Jose P. Laurel ang ginawang Pangulo ng


Ikawalang Republika na pinasinayaan noong Oktubre 14,
1943. Tinagurian din itong Puppet Government o Huwad na
Gobyerno dahil sa pagiging sunud-sunuran ng mga Pilipino
sa bawat naisin ng mga Hapones. Ang pagiging “masunurin”
ng mga Pilipinong pinuno ay ginawa upang huwag
pagmalupitan ng mga Hapon ang mga taong bayan.

Pangkat 3
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa
talatang ito magkompos o sumulat ng isang Slogan na
tumutukoy sa inyong sariling pananaw tungkol sa
naging epekto sa mga Pilipino ng pamamahala sa
mga dayuhang mananakop.

Kalunos-lunos ang naging kalagayan ng mga


Pilipino sa ilalim ng mga Hapon. Ang ipinangakong
maunlad at payapang bansa sa patakarang Greater
East Asia Co-Prosperity Sphere ay nanatiling pangako
lamang. Dahil dito, hindi nakuha ng mga Hapon ang
kooperasyon ng mga Pilipino.

135
Pangkat 3
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, gumawa o
sumulat ng isang dula-dulaan na tumutukoy sa inyong sariling pananaw
tungkol sa naging epekto sa mga Pilipino ng pamamahala sa mga dayuhang
mananakop.
Noong Agosto 17, 1945, nagwakas ang Ikalawang Republika ng
Pilipinas dahil sa pagkatalo ng mga Hapones sa digmaan. Muling itinatag
ang Pamahalaang Komonwelt.
Ngunit dahil namatay si Pangulong Quezon bago pa natapos ang
digmaan, si Sergio Osmeña na ang naging Pangulo ng bansa. sa pamumuno
niya sinimulang ilagay sa ayos ang lahat ng pinsalang nilikha ng digmaan.

2. Pagsusuri
2. Halimbawa , ikaw ay nasa panahong ito, paano ipaglaban ang
kalayaan o karapatan bilang isang mamamayan Pilipino?
3. Sang-ayon ka ba sa ginawa ng mga Pilipinong pinuno na naging
sunud-sunuran upang huwag pagmalupitan ng mga Hapon ang mga
taong bayan?
4. Ano ang iyong sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa mga
Pilipino ng pamamahala sa mga dayuhang mananakop?

IV. Pagtataya
Panuto: Batay sa ating pinag-aralang mga paksa, Ibigay o isulat sa
isang talata ang iyong sariling pananaw o reaksyon tungkol sa naging
epekto sa mga Pilipino ng pamamahala sa mga dayuhang mananakop.
Isulat ito sa isang papel.

V. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang awit, tula o slogan tungkol sa ating KALAYAAN.
136
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF RIZAL

K to12 Araling Panlipunan Baitang 6

BANGHAY-ARALIN

IKALAWANG MARKAHAN
Pagpupunyagi sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig (1899-1945)

Mrs. JOSEPHINE S. NUENA


May Akda

Dr. ELISA T. BABELA


Principal Consultant AP

Mrs. JULIETA D. GOMEZ


Teacher In-Charge

Mrs. YOLANDA S. BAUTISTA


Dalubguro

ROSEMARIE C. BLANDO
ESP/AP

AUGUST M. JAMORA
EPS / LRMDS

NILALAMAN

1. Nasusuri ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng mga Amerikano


1. ANO ANG DAHILAN NG PAGBAGSAK NG EKONOMIYA NG PILIPINAS NANG SAKUPIN
TAYO NG HAPON?
2. 11. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere Preparatory Commission for Philippine
Independence Pamahalaang Puppet Mickey Mouse Money Philippine Commodities Distribution
Control HUKBALAHAP
3. 12. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere Pinangakuan ng mga Hapones ang mga Pilipino na
bibigyan ng kalayaan kung ito ay makikiisa sa patakaran nilang Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere. Binuwag ang mga partido pulitikal at itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong
Pilipinas (KALIBAPI). Pamahalaang Puppet Isang Pamahalaang Puppet ang itinatag na
republika. Bagaman isang Pilipino ang pangulo, mga Hapones pa rin ang makapangyarihan. Ang
mga kautusang ipinalabas ni Pang. Laurel ay hindi ipinatupad kapag hindi ito makakabuti para sa
mga Hapones Preparatory Commission for Philippine Independence Itinatag ang Preparatory
Commission for Philippine Independence upang bum ng bagong Saligang Batas. Sa bisa nito,
itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas sa pamumuno ni Jose P. Laurel bilang pangulo.
Philippine Commodities Distribution Control Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain dahil sa
pagkasira ng mga taniman at sakahan. Ang presyo ng mga bilihin ay nagsitaasan. Upang
mabigyang lunas ang kakulangan ng pagkain, binuo ng pamahalaan ang Philippine Commodities
Distribution Control upang magrasyon ng mga pagkain.

AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas


4. 1. ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 15
PANANAKOP NG HAPON AT REAKSYON NG MGA PILIPINO BUREAU OF SECONDARY
EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
5. 2. MODYUL 15 PANANAKOP NG HAPON AT REAKSYON NG MGA PILIPINO Sa Modyul 14,
nailarawan ang ginawang paglusob ng mga Hapon sa Pilipinas at ang hirap na dinanas ng mga Pilipino
upang pigilin ang kanilang pananakop. Nabigo ang mga pagtatanggol at sinakop ng mga Hapon ang buong
bansa. Sa likod ng mga kahirapan at karahasang dulot ng pamamahala ng mga Hapon, nagpunyagi ang mga
Pilipino upang labanan ang mga kalupitan ng mga mananakop. Sa modyul na ito, itutuloy natin ang pag-
aaral ng mga kaganapan noong panahon ng Hapon. Sisikaping sagutin ng modyul ang mga tanong na ito:
ano ang uri ng pamamahala ng mga Hapon at ano ang pamamaraan ng mga Pilipino upang labanan ang
kanilang karahasan? Ano ang mga ipinakitang kabayanihan ng mga Pilipino na magsisilbing halimbawa sa
mga kabataan sa ngayon? May tatlong aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Motibo ng Hapon sa
Pagsakop sa Pilipinas Aralin 2: Pamamahala at Pamamalakad ng mga Hapon Aralin 3: Pagkilos at
Pakikilaban ng mga Pilipino Pagkatapos ng mga araling iyan, inaasahang magagawa mo ang mga
sumusunod: 1. Masusuri ang mga dahilan ng Hapon sa pagsakop sa Pilipinas; 2. Matatalakay ang mga
pagbabagong naganap noong panahon ng Hapones sa larangan ng pulitika, ekonomiya, panlipunan at
kultura; 3. Matataya ang kahalagahan ng kilusang Gerilya at ang katapangan ng mga Pilipino; at 4.
Mapahahalagahan ang pagsisikap ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan at maipakita ang katapatan
sa demokrasya. PANIMULANG PAGSUSULIT
6. 3. Handa ka na bang suriin kung mayroon kang mga kaalaman sa paksa natin sa modyul? Magsimula ka na.
Itambal ang tinutukoy sa bawat bilang sa mga salita sa kanang hanay. Isulat ang titik nito sa patlang sa
kaliwa. _____1. Pagyakap sa kulturang Asyano a. curfew ang layunin nila _____2. Partido ng
mamamayang nilikha ng b. gerilya mga Hapon _____3. Pinamunuan ito ni Dr. Jose P. Laurel c. Greater
East Asia _____4. Bagong Pamahalaan Co-Prosperity Sphere _____5. Pambansang Wika d. KALIBAPI
_____6. Babasahing bawal ipalimbag e. Kolaboreytor _____7. Wikang ipinatuturo ng mga Hapon f.
Kempei-tai _____8. Pamahalaang ang mga pinuno g. Pahayagang Ingles ay pinagalaw ng ibang tao h.
Ikalawang _____9. Mga sundalong namundok at Republika nakipaglaban sa mga Hapon i.
HUKBALAHAP _____10.Kilusan ng magsasaka upang j. Makapili mangalaga sa katahimikan ng bayan k.
Jose P. Laurel _____11. Espiya ng Hapon l. Mickey-Mouse _____12. Pinuno ng HUKBALAHAP m. Luis
Taruc _____13.Nakipagtulungan sa mga Hapones n. Niponggo _____14.Uri ng pamahalaan o.
Pamahalaang _____15.Maraming ipinagbawal ang mga Hapones Papet _____16.Pamahalaang militar p.
“Panahon ng _____17.Pangulo ng Ikalawang Republika Kadiliman” _____18.Pulis militar na Hapones q.
Tagalog _____19.Pera ng Hapon r. Totalitaryan _____20.Pagpipigil sa kilos ng mga mamamayan s.
Walang kalayaan t. Republika
7. 4. ARALIN 1 ANG MGA MOTIBO NG HAPON SA PAGSAKOP SA PILIPINAS Sa buong Asya,
naunang sinakop ng mga Hapon ang Tsina at Mongolia. Bakit nabaling ang kanilang pansin sa Pilipinas?
Sa araling ito, susuriin natin ang mga motibo ng Hapon sa pagsakop sa ating bansa. Bakit nila sinakop ang
Pilipinas? Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Masusuri ang mga
dahilan kung bakit sinakop ng Hapon ang Pilipinas; at 2. Makapagbigay ng puna sa kaugnayan ng kanilang
paraan sa pananakop at ang katapatan ng kanilang layunin. Gawain I: Pag-isipan Mo! Alin sa palagay mo
ang mga dahilan ng Hapon sa pagsakop sa Pilipinas? Bakit mo napili ang mga iyan? ____1. Upang maging
makapangyarihan sa buong mundo. ____2. Upang may mapaglipatan ng kanilang lumalaking populasyon.
____3. Upang maangkin ang likas na yaman ng bansa. ____4. Upang maging kolonya ang bansang
Pilipinas. ____5. Upang makilala ang magagandang Pilipina. Ang Pananaw ng Hapon Para sa Dulong
Silangang Asya Ang Pilipinas ay paunlad na nang paunlad, lalo na sa kabuhayan, nang sumiklab ang
ikalawang digmaang pandaigdig at sakupin ito ng mga Hapones. Nang mapabagsak ang Bataan at
Corregidor, nagtatag ng isang pamahalaan ang mga Hapon sa Maynila. Nabanggit na, sa sinundang
modyul, ang paghirang nila kay Jose Vargas bilang tagapangulo ng itinatag na Komisyong
Tagapagpaganap ng Pilipinas. Noong mga unang buwan ng 1943, ipinahayag ng mga Hapon na nais nilang
mabigkis ang lahat ng mamamayan ng Dulong Silangang Asya upang magkaroon ng kasaganaan at
kaunlaran sa bahaging ito ng daigdig. Upang
8. 5. matamo ito, bubuo ang Hapon ng mga programang pang-ekonomiya upang magkaroon ng pagkakaisa
ang mga rehiyon sa Pasipiko, mula sa Burma hanggang Australia. Pinangakuan nila ang mga Pilipino na
bibigyan ng kasarinlan kung sila ay tutulong sa pagbuo ng “Samasamang Kasaganaan sa Higit na Malaking
Silangang Asya”. Tinawag ito sa Ingles na “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.” Lumalabas na ang
layunin nila sa pananakop ay ang paunlarin ang Dulong Silangang Asya na kinabibilangan ng Pilipinas.
Lumalabas din na isang paanyaya ang pagmumungkahing sumali ang Pilipinas sa kalipunang ito. Ngunit
kung susuriin, mangyayari lamang ang sinasabing kasaganaan kung ilalagay ang mga bansa sa ilalim ng
kanilang pamumuno at kapangyarihan.
9. 6. Mga Tunay na Layunin sa Pananakop ng Hapon Bukod sa “paanyaya” ng Hapon sa Pilipinas na lumahok
sa kanyang programa, maraming salik na nagtulak sa bansang Hapon upang palawakin ang kaniyang
teritoryo. Una, lumalaki ang populasyon ng Hapon at kailangan ng mas malaking teritoryo. Pangalawa,
lumalaki ang kanilang produksyon at kinakailangang magkaroon ng pamilihan ang kanilang mga kalakal.
Pangatlo, ang bansang Hapon ay naghahanap ng makukuhanan ng mga likas na yaman upang gamitin sa
paggawa ng mga makabagong teknolohiya at mga kagamitang pandigma. Upang madaling matamo ang
kanilang mga layunin, pinag-aralan ng mga Hapon kung paano kukumbinsihin ang mga opisyal na Pilipino.
Batid ng mga Hapon ang kasaysayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino upang makuha ang kalayaan sa
mga Espanyol at Amerikano. Batid nila na pinagpilitan ng mga Pilipinong makuha ang kalayaan upang
mapasakamay nila ang pagpapatakbo ng pamahalaan. Walang ninanais ang mga Pilipino kundi ang
pamunuuan ang sarili nilang bansa. Dahil dito, pinangakuan nila ng kasarinlan ang mga Pilipino. Upang
isulong diumano ang kasarinlang ito, nangako ang pamahalaang militar ng Hapon na magtatatag ito ng
isang Republika na pamumunuan ng mga Pilipino. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Makipag-usap sa
ilang matatanda sa inyong lugar (maaaring lolo o lola) na nabuhay noong panahon ng Hapon. Ipakuwento
ang tungkol sa kayamanan ni Hen. Yamashita. Kung maaari, panoorin mo rin ang pelikula tungkol diyan.
Ano ang mga ebidensiya na ang mga Hapon ay may motibong pang-ekonomiya sa kuwentong iyan?
10. 7. Tandaan Mo! Pangunahing layunin ng mga Hapon sa kanilang pananakop ang pag-isahin ang mga bansa
sa dulong silangang Asya para sa kaunlarang pang-ekonomiya ng rehiyon. Dagdag na layunin ng Hapon
ang mapalawak ang kanilang sakop na teritoryo upang may mapaglagyan ng lumalaki nilang populasyon,
magkaroon ng pamilihan ng kanilang kalakal at gamitin ang ating likas na yaman sa paglikha ng mga
kagamitang panteknolohiya at pandigma. Pinangakuan ng Hapon ang mga Pilipino ng pagsasarili upang
mahikayat na sumunod sa kanilang mga patakaran. Gawain 3: Paglalapat Ipagpalagay mo na nabuhay ka
noong panahon ng Hapon. Batay sa mga nabasa mo sa modyul at aralin, maituturing mo bang tapat o hindi
ang layunin ng mga Hapon sa pagbibigay ng kasarinlan sa mga Pilipino? Talaga kayang gagawin nila ito?
Pangatwiranan mo. ARALIN 2 PAMAMAHALA AT PAMAMALAKAD NG MGA HAPON Maikli
lamang ang panahon ng pananakop ng mga Hapon. Subalit ang panahong iyon ay nakatimo din sa isipan ng
ating mga kababayan. Ilan sa mga isyu at usaping binubuksang muli ngayon ay ang isyu ng “comfort
women” o pang- aabuso sa mga kababaihan. Isa lamang iyan sa mga naranasan ng mga Pilipino sa kamay
ng mga Hapon. Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang pamamahala at pamamalakad ng mga Hapon,
ang mga pagbabagong nais nilang ipatupad, at ang mga karahasang hinding hindi malilimutan ng mga
Pilipinong nabuhay noong panahong iyon. Talaga nga kayang pagkakalooban nila ng kalayaan ang mga
Pilipino noon?
11. 8. Pagkatapos mong pag-aralan ang nilalaman ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Makapagbibigay
ng pananaw hinggil sa uri ng pamamahala ng mga Hapon; 2. Makatutukoy ng mga pagbabagong
pampulitika, pang-ekonomiya at panlipunan; at 3. Makapagbibigay ng reaksyon sa kalagayan ng
pamumuhay ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang ito. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Gumawa ng
maikling kuwento tungkol sa larawan. Ano ang nais na ipahiwatig sa larawang ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
12. 9. Pagtatatag ng Ikalawang Republika Pagkatapos itatag ang Komisyong Tagapagapaganap ng Pilipinas, sa
pamumuno ni Jose Vargas, ipinag-utos ng mga Hapon ang paglikha ng pitong kagawaran na ang bawa’t isa
ay may kalihim na Pilipino. Ngunit sa bawat kagawaran ay may isang Hapon na nagmamatyag at nagsasabi
sa mga kalihim kung ano ang gagawin. Nang dakong 1943, nilikha ng mga Hapon ang Panimulang Lupon
sa Pagsasarili ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino at inatasan itong maghanda ng isang saligang-batas
bilang paghahanda sa republikang kanilang ipagkakaloob. Bago nangyari ito, pinawalang-bisa ng mga
Hapon ang mga partidong pulitikong naitatag noong panahon ng Komonwelt. Bilang kapalit nito, inutusan
nila ang mga Pilipinong lumikha ng isang Kapisanan sa Paglilingkod ng Bagong Pilipinas o KALIBAPI.
Inutusan itong sumulat at pagtibayin ang isang saligang-batas para sa pagtatatag ng bagong Republika ng
Pilipinas. Naghalal ang KALIBAPI ng mga kaanib ng Pambansang Asembleya at noong ika-23 ng
Setyembre, 1943, sa pang- unang pagtitipon ng Asembleya ay nahalal na Pangulo ng Republikang
tinatangkilik ng Hapon si Jose P. Laurel. Noong ika-14 ng Oktubre,1943 ay pinasinayaan ang Ikalawang
Republika ng Pilipinas na lalong kilala sa tawag na pamahalaang nasa patnubay ng Hapon. Ang
pambansang awit at watawat ng Pilipinas na dati ay ipinagbawal ay ipinaawit at iwinagayway. Nang araw
ding iyon, pinilit ng mga Hapon si Jose P. Laurel na pirmahan ang isang kasunduang militar kung saan ang
Pilipinas ay nangangako ng katapatan sa bansang Hapon. Ngunit bagama’t pumirma si Pangulong Laurel,
ito ay walang saysay sapagkat nanatiling matapat sa mga Amerikano ang mga Pilipino at hinihintay lamang
ang kanilang pagbabalik. Pagbabagong Pampulitika Sa ilalim ng Republika, lahat ng mga nanungkulan sa
pamahalaang pambansa at lokal ay pawang Pilipino, ngunit hindi maaaring tumutol sa bawat naisin ng mga
opisyal na sundalong Hapon na nakatalaga at nagmamatyag sa bawat kilos nila. Liga militar na Hapones
ang nagpapatakbo ng pamahalaan. Ang
13. 10. saligang-batas ay nasunod sa porma at istruktura lamang ng pamahalaan subalit ang mga batas at utos
ay galing sa Hapon. Maging si Pangulong Laurel ay walang kapangyarihan. Inalis ang halalan at
ipinagbawal ang pagsasalita laban sa pamahalaan. Walang pribilehiyo ang mga mamamayan sa pagsasalita
laban sa mga opisyal at kinakailangang yumuko at magbigay galang sa mga opisyal na Hapones. Ang mga
kaso na Pilipino lamang ang nasangkot ay nililitis sa hukuman ngunit ang mga Hapon ay nililitis ng
hukumang militar ng Hapon. Dahilan dito, kalimitan ay napapawalang-sala ang mga nasasakdal na
Hapones. Nagtayo ng maraming instalasyong militar at mga garison sa iba’t ibang gusali sa kapuluan ang
mga Hapon. Bawat napaghihinalaang kumikilos laban sa kanila ay ikinukulong at pinarurusahan ng iba’t
ibang karumal-dumal na paraan. Mga Pagbabagong Pangkabuhayan Ang salaping ginamit noong panahon
ng Hapon ay ang kanilang yen, na tinatawag ng mga Pilipinong “mickey mouse money.” Malalaking papel
at maliit ang balyu at isinisilid na lamang sa bayong sapagkat wala namang ganoong mabibili sa mga
palengke. Ito ay sa dahilang ang mga Hapon ang namahala sa mga lupain, industriya, transportasyon at
kabuhayan ng Pilipinas. Ang mga pagkain, bigas at alagang hayop ay sinamsam ng mga sundalong Hapon.
Nabuhay ang mga tao sa lamang dagat, lamang lupa at mga halaman. Marami ang nagkasakit ng beri-beri
dahil sa kakulangan ng mga protina at bitamina sa katawan. Ang mga maysakit ay namamatay na lamang
sapagkat kulang ang mga ospital at serbisyong panggagamot. Mga Pagbabagong Panlipunan Tunay na
pasista ang mga Hapon. Walang kalayaan at pribilehiyo ang mga Pilipino. Bawal ang pagpapalimbag ng
babasahing Ingles at ipinaturo sa mga paaralang bayan ang Niponggo, ang wika ng Hapon. Walang laya sa
paggalaw at pagkilos ang mga tao, maging sa pagbibiyahe. May curfew sa mga lansangan. Ang paglabas sa
mga tahanan sa hindi tamang oras ay ipinagbawal at ang mga lumabag ay ikinukulong o binabaril.
14. 11. Sinikap din naman ni Pangulong Laurel na maging makabuluhan ang Republika ngunit lahat ng
kanyang pagsisikap ay nawalan ng saysay. Ang mga Hapones ay hindi naging matapat sa kanilang
pangakong bibigyan ng kalayaan ang bansa. Ang mga mamamayan ay inalisan ng maraming karapatan.
Maraming kababaihan ang nilapastangan at ginawang libangan ng mga Hapon. Ang mga kalalakihang
napaparatangan ng pagiging gerilya ay inilalayo sa kanilang mga pamilya, at ikinukulong sa mga garrison,
at pinahihirapan hanggang sa mamatay. Lumikha ang mga Hapon ng hukbo ng makapili, mga espiyang
natatakpan ng bayong ang mukha. Dinadala ang mga makapili sa mga lugar na may mga pinaghihinalaang
gerilya o kalaban ng Hapon. Suot ang kanilang bayong, ituturo ang mga pinaghihinalaan at darakpin ito ng
mga Hapon. Kapag hindi nakatakas mula sa garison, ang mga napaghinalaan ay maaaring hindi na
makakabalik ng buhay sa kanilang pamilya dahil sa pagpapahirap gamit ang iba’t ibang malupit na paraan.
Ang pagmamalupit sa mga Pilipino ay nagpatuloy. Ang panahong ito ay tinawag na “Panahon ng
Kadiliman” dahil walang seguridad at katiyakan ang buhay ng mga mamamayan sa araw-araw. Sila ay
nagtatago pag may dumarating na mga Hapon o dili kaya’y nagsisinungaling upang hindi maparusahan.
Ang masakit dito, natuto ang ibang ipagkanulo ang kanilang kababayan upang humaba ang sariling buhay.
15. 12. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Ngayong nabasa mo na ang uri ng pamamahala ng mga
Hapon, lagyan ng ekis (×) ang naglalarawan sa uri ng pamahalaan na itinatag ng mga Hapones sa Pilipinas.
____1. Pasismo ____6.Kontrolado ng mga Hapones ____2. Pinamahalaan ng mga Pilipino ____7.
Totalitaryanismo ____3. Demokratiko ____8. Kinatatakutan ____4. Mapayapa ____9. Marahas
____5.Makatarungan ____10. Pamahalaang papet “puppet government” B. Magtanong sa iyong lolo o lola
at ipakuwento ang ilang karahasan na naranasan o nakita nila noong panahon ng hapon. Tandaan Mo!
Itinatag ng mga Hapon ang Ikalawang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Jose P. Laurel
upang diumano’y bigyan ng bagong pamahalaan at kasarinlan ang mga Pilipino. Ngunit kabaligtaran ang
nangyari sapagkat ang mga militar na Hapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan at ang Pangulo ay walang
kapangyarihan. Sa panahong ito, maraming nilabag na pantaong karapatan. Ang kabuhayan ng mga
Pilipino ay hindi umunlad, bagkus nagdulot ng maraming maraming kasawian sa buhay ng mga Pilipino
ang pamamahala ng mga Hapon. Gawain 3: Paglalapat Marami tayong mga kbabayan ngayon na
nagtatrabaho at nagnanais na makapunta sa Japan. Sa palagay mo ba ay naghilomna ang sugat ng digmaan?
Nanaisin mo ba rin bang magsilbi sa mga Hapon sa kanilang bansa pagkatapos mong malaman ang
kasaysayan? Ipaliwanag ang sagot.
16. 13. ARALIN 3 PAGKILOS AT PAKIKILABAN NG MGA PILIPINO LABAN SA HAPON Bagamat
nasakop ang buong kapuluan at nagsisuko ang mga heneral na Amerikano, napag-alaman mo sa naunang
modyul na para sa mga Pilipino, dapat ituloy and laban. Hindi ba’t isa iyang kapuri-puri ng katangian ng
ating mga kababayan? Sa araling ito, malalaman mo kung paano itinuloy ng mga Pilipino ang kanilang
paglaban sa mga Hapon kahit na malakas ang puwersa ng mga ito. Inaasahang pagkatapos ng aralin ay
magagawa no ang mga sumusunod: 1. Matatalakay ang mga layunin at pamamaraan ng mga kilusang
nabuo noong panahon ng Hapon; 2. Matutukoy ang magigiting na Pilipinong nagpakilos at nagbigay-buhay
sa mga pakikipaglaban sa Hapon; at 3. Mapahahalagahan ang naging bunga ng pakikipaglaban ng iba’t
ibang kilusan ng mga Pilipino laban sa mga Hapon. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Subukan mo kung
masasagot mo ang mga sumusunod na tanong na may kaugnayan sa araling ito. Sagutan ng oo o hindi.
____1. Ang mga gerilya ba ay mga dating sundalo na lumaban sa mga Hapones? ____2. Ang mga
sundalong Pilipino ba ang nakapagpasuko sa mga Hapones? ____3. Higit na naging malupit ba sa mga
Hapones ang mga HUK kaysa sa mga gerilya? ____4. Nagpatuloy ba sa paglaban ang mga Pilipino kahit
nasakop na ng mga Hapones ang Pilipinas? ____5. Ang mga HUK ba ay dating mga sundalo ng Hukbong
Sandatahan ng Pilipinas?
17. 14. Ang Kilusang Gerilya Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Hapones noong
Mayo 6,1942 ay hindi pa rin natapos ang labanan ng mga Pilipino at Hapones. Ang mga sundalong
Pilipino, sa halip na sumuko, ay namundok at ipinagpatuloy ang pakikipagpaglaban nang palihim.
Nagpangkat-pangkat sila na kung tawagin ay gerilya at mula sa mga bulubundukin at mga ilang na lugar,
nagsagawa ng mga pabigla-biglang pagsalakay. Ang kanilang layunin: lusubin ang mga garison, patayin
ang mga sundalo at opisyal na Hapon, palayain ang mga nakakulong, at salakayin ang mga istasyong
militar upang sirain ang mga kagamitan at manguha ng mga bala at armas na gagamitin sa paglaban sa mga
hapon. Sa kalaunan ay lumaki ang bilang ng mga gerilya at ito ay dahil sa pag- iibayo ng kalupitan ng mga
Hapon. Nagsama-sama ang mga maliliit na pangkat mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Naragdagan ang
dami ng mga puwersang gerilya nang sumapi ang mga sibilyan sa mga lungsod at bayan-bayan kasama na
ang ibang opisyal ng mga pamahalaang bayan na nagkukunwang tumutulong sa mga Hapon. Namundok
din ang mga sibilyan at karaniwang mamamayang hindi na makatiis sa pagpapahirap ng mga Hapon.
Kasama rin ang maraming kababaihang naging biktima ng karahasan ng mga dayuhan. Maraming pangkat
ng mga gerilya ang nabuo sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Ang ilan sa mga lider ng mga gerilya ay militar,
samantalang ang iba’y sibilyan. Si Tomas Confesor ang sibilyang lider ng Panay, samantalang si Koronel
Macario Peralta naman ang lider militar. Sa Leyte ay si Koronel Ruperto Kangleon. Sa Mindanao ay sina
Tomas Cabili at Salipada Pendatun. Sa Luzon, napabantog sina Wenceslao Q. Vinzons at Marcos V.
Agustin (Marking). Bukod dito, may mga Amerikano ring naging kasapi at kasamang namundok at
lumaban. Sapagkat lumalaki ang kilusan at nagiging mapanganib para sa mga Hapon ang mga gerilya,
naging lalong malupit at mahigpit ang mga Hapon. Maraming dinakip kahit walang sala. Kumuha ng
maraming sibilyan na ginawang makapili at bawat mapaghinalaan ay ikinukulong sa Puwersa Santiago sa
Maynila at sa iba’t ibang garisong itinayo. Subalit lalo lamang dumami ang nagsisapi sa kilusan. Habang
tinatakot ang bayan, lalo namang tumindi ang kanilang galit.
18. 15. Naging isang mahalagang puwersa ang kilusang gerilya sa pagdudulot ng malaking sakit ng ulo sa mga
Hapon at sa hindi pagiging matatag ng Republikang kanilang itinayo. Organisado ang kilusan. May mga
kumander at mga ranggo ang mga kasapi. May ugnayan sa isa’t isa at may mga sikretong sinyales na hindi
maiintindihan ng mga Hapong kalaban. Habang walang puwersang dumarating mula sa Estados Unidos,
naipakita ng mga Pilipino na kaya nilang ituloy ang laban, isang katangiang kanila nang napatunayan sa
mga nakaraang pakikihamok sa mga naunang mananakop. Ang HUKBALAHAP Ang mga magsasakang
labis na naghirap sa panahong ito ay nagbuklod upang bumuo ng isang kilusang may katulad na simulain sa
mga gerilya. Higit sa lahat, ang mga magsasaka ang lubhang nakadama ng pagmamalupit ng mga Hapon.
Ang kanilang mga sakahan ay pinagiinteresan ng mga opisyal na Hapon. Ang mga bigas na kanilang inaani
ay kinukumpiska. Maging ang mga hayop at iba pang tanim na kanilang pinaghirapan ay nagsilbing
pagkain at lakas ng mga Hapones habang ang kanilang mga pamilya ay namamatay sa gutom. Sila rin ang
kadalasang pinaghihinalaang kasapi ng kilusang gerilya. Ang mga kababaihan sa mga lalawigan at mga
bukirin ay naging biktima ng maraming kalupitan sa kamay ng mga sundalong Hapon. Sa pamumuno nina
Luis Taruc, Jesus Lava, at Jose Banal, naitatag ang Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapones o ang
HUKBALAHAP. Nang lumaon, tinawag silang HUK. Ang kilusang ito ay binubuo ng mga magsasakang
handang mangalaga sa kanilang mga sakahang kinakamkam ng mga Hapon. Naging tagapangalaga rin sila
ng katahimikan ng kanilang mga bayan. Naging marahas ang ginawang pagsugpo ng mga HUK sa mga
Hapones. Daan-daang Hapones ang kanilang pinatay. Sinasabing mas higit silang marahas kaysa mga
gerilya kaya’t mas higit silang kinatakutan ng mga Hapon.
19. 16. Mga Pagkilos ng Mga Sibilyan Katulad ng panahon ng paglaban sa mga Kastila at Amerikano, ang mga
sibilyan ay nagbigay ng suporta sa mga kilusang nabanggit. Itinatago ang mga sugatan, ginagamot at
pinakakain ng palihim. Ginamit ng mga kababaihan ang kanilang kagandahan sa panlilinlang ng mga
Hapon, at ang mga kabataa’y naging tagapagdala ng mga armas at mensahe upang maipagpatuloy ang lihim
na operasyon ng mga kilusan. Ang Liberasyon ng mga Pilipino Mula sa Hapon Ang mga Pilipino ay hindi
naghintay lamang sa pagbabalik ng mga Amerikano upang sila ay iligtas sa kuko ng mga Hapon. Hindi nila
hinayaang mayurakan ang kanilang dangal nang walang kalaban-laban. Sa maliit na paraan, at kahit kulang
sa sandata at kagamitan, isinulong nila ang kanilang karapatan. Nang bumalik si Hen. Douglas MacArthur
sa Pilipinas kasama ang mga hukbong Amerikanong lulupig sa mga Hapon noong Enero 9, 1944, ang mga
Pilipino’y hindi nanood lamang. Nagbigay ng dobleng lakas at tapang ang pagdating ng mga tropang
Amerikano upang ang mga Pilipino ay makilahok sa kanilang liberasyon sa kamay ng mga Hapon. Habang
sumusugod ang mga Amerikano sa mga pampang at himpapawid, mula sa loob ng bansa ay itinataboy
naman ng mga gerilya at ng mga HUK ang mga Hapon sa labas ng mga lalawigan at bayan-bayan.
20. 17. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Anu-ano ang mga katangiang ipinakita ng mga Pilipino upang
mapalayang muli ang bansa? Bilugan ang bilang sa ebidensiyang iyong nakita mula sa aralin. 5 ang
pinakamataas na iskor at 1 ang pinakamababa. Katangian Kitang-kita Di-makita 1. Pagmamahal sa bansa 5
4 3 2 1 2. Pagmamahal sa lupa 5 4 3 2 1 3. Pagkamatiisin 5 4 3 2 1 4. Pakikiisa 5 4 3 2 1 5. Pagkamaparaan
5 4 3 2 1 6. Kasipagan 5 4 3 2 1 7. Katapangan 5 4 3 2 1 8. Pagkamadasalin 5 4 3 2 1 B. Sumulat ng
maikling talambuhay ng sinumang naging gerilya sa iyong pook. Magtanong sa inyong mga magulang o sa
sinumang nakasaksi sa panahon ng Hapon na kilala ng inyong mga magulang. Tandaan Mo! Marami ang
napoot sa kalabisang ginawa ng mga Hapones sa loob ng maikling panahon nila sa Pilipinas. Maraming
pinsala ang nagawa nila sa ating bansa at higit sa lahat ay pinaghihirapan ang mga mamamayan. Dahilan sa
kanilang kalupitan na hindi matiis ng mga Pilipino, nagtatag ng mga kilusang gerilya, HUKBALAHAP, at
iba pa upang labanan ang mga pagmamalupit ng mga Hapones.
21. 18. Gawain 3: Paglalapat MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ang mga Hapones ay
nagtatag ng isang repulika sa Pilipinas na pinamunuan ng mga Pilipino sa pangalan lamang. Nang ang
Pilipinas ay sakupin ng mga Hapones napasailalim ito sa Pangasiwaang Militar na pinamunuan ng Direktor
Heneral. Lumikha ng Komisyong Tagapagpaganap na may anim na Kagawaran. Bagamat ito ay ibinigay sa
mga Pilipino, bawat isa ay may tagapayong Hapones. Nanatili ang Asembleya at mga Hukuman ngunit
nawalan ito ay kapangyarihan. Dumanas ng hirap ang mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones noong
panahon ng digmaan. Nag-ibayo naman ang katapangan ng mga kilusang gerilya, Hukbalahap, at iba pang
pangkat sa paglaban sa mga bagong mananakop.
22. 19. PANGHULING PAGSUSULIT A. Piliin ang wastong sagot. Isulat ang titik nito sa bawat patlang.
____1. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones? a. Pamahalaang Parlyamentaryo b.
Pamahalaang Demokratiko c. Pamahalaang Totalitaryan d. Pamahalaang Komonwelt ____2. Anong uri ng
pamahalaan ang pinamunuan ni Jose P. Laurel noong panahon ng pananakop ng mga Hapones? a.
Totalitaryan b. Military c. Puppet d. Malaya ____3. Ano ang tawag sa panahon ng mga Hapones dahil sa
takot at pag- aalinlangan ang naghahari? a. Panahon ng Kahirapan b. Panahon ng Kadiliman c. Panahon ng
Kapayapaan d. Panahon ng Kasayahan ____4. Alin sa mga wikang ito ang itinuro at ipinagamit sa mga
paaralan? a. Kastila b. Niponggo c. English d. Tagalog ____5. Alin ang tama? a. May higit na
kapangyarihan ang Pangulo ng Republika. b. May posisyon para sa Pangalawang Pangulo. c. Mga militar
na Hapones ang nagpatakbo ng pamahalaan. d. Walang pakialam ang mga Hapones sa pamahalaan.
23. 20. ____6. Binuwag ng mga Hapones ang lahat ng mga lapiang pulitikal. Ito’y nangangahuluga ng: a. Pag-
aalis ng kabuhayan b. Pag-aalis ng kalayaan c. Pag-aalis ng pamahalaan d. Pag-aalis ng mga samahan
____7. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na Puppet Republic dahil sa a. Ang pangulo ay
napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones. b. Pinamamahalaan ng mga Hapones ang buong bansa. c.
Pilipino lahat ang namumuno. d. Laruang Puppet ang paboritong nilang laro. ____8. Ang mga sundalo o
sibilyang namundok at patuloy nakipaglaban sa mga Hapones a. HUKBALAHAP b. Gerilya c. Makapili d.
KALIBAPI ____9. Ang kilusang ito ay binubuo ng mga magsasakang handang mangalaga sa katahimikan
ng bayan. a. Gerilya b. KALIBAPI c. HUKBALAHAP d. Makapili ____10. Ang pulis militar ng Hapones
ay tinatawag na a. Makapili b. Kempei-tai c. Heneral d. Direktor-heneral
24. 21. B. Ilarawan ang pamumuhay noong panahon ng mga Hapon. Magbigay ng 5 halimbawa ng mga umiral
na kalagayang pangkabuhayan na tinalakay sa mga aralin. 11.
___________________________________________________________ 12.
___________________________________________________________ 13.
___________________________________________________________ 14.
___________________________________________________________ 15.
___________________________________________________________ C. Mga patunay o ebidensya na
hindi lamang naghintay ang mga Pilipino na iligtas sila ng mga Amerikano bagkus ay kumilos din upang
ipagtanggol ang Pilipinas sa mga Hapon 16.
___________________________________________________________ 17.
___________________________________________________________ 18.
___________________________________________________________ D. Pumili mula sa listahan sa
kahon ng dalawang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Hapon. Isulat sa patlang ang
iyong sagot. 19. ____________________________________________________________ 20.
____________________________________________________________ Mga pagpipilian: A. Nagtago
lamang at hindi kumilos. B. Nagtiis lamang at hinintay ang pagbabalik ni Hen. MacArthur C.Idinaan na
lamang sa pagdarasal. D.Lumaban ng harapan at patago, gamit ang iba’t ibang paraan. E. Nagbuo ng mga
pangkat o grupo upang labanan ang mga Hapon, gaya ng mga gerilya, HUK, at iba pa.
25. 22. GABAY SA PAGWAWASTO Unang Pagsusulit 1. C 2. D 3. T 4. H 5. Q 6. G 7. N 8. O 9. B 10.I 11.J
12.M 13.E 14.R 15.S 16.P 17.K 18.F 19.L 20.A Huling Pagsusulit 1. C 2. C 3. B 4. B 5. C 6. B 7. A 8. B 9.
C 10.B
Recommended

You might also like