Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

AMA

Isinulat ni:

Miella Danica L. Bernardo

danicab869@gmail.com
09557707948
1

1. INT. BAHAY - SALAS - HAPON

RICK (V.O)

Ano ba namang klaseng buhay ‘to. Lahat ng hirap, dinanas


ko na. Hindi pa ba sapat ang sakit na ‘to? Gusto mo ba
yung tipong ilulubog ko na ang sarili ko sa sariling
putik na ginawa ng dugo, pawis at luha mula sa alikabok.
Bakit ba nangyayari ang lahat ng ‘to? Dahil ba sa
katangahan ko? Ang tanga mo, ang tanga tanga mo dahil
ginusto mong sumaya rick. Naging tanga ako, masyadong
sinulit ang saya na pinalitan agad ng matinding sakit.
Ang bilis naman? Gano'n mo ba talaga kagusto na parusahan
ako? Kung Diyos ka, bakit ganito? Nagsisimba naman kami
ah. Kailangan bang araw araw? Sobra ka naman ata, marami
rin kaming gagawin—

Kasabay ng malakas na kalabog ang pagbukas ng pinto.


Si JOSIAH (16) mukhang lasing, hindi maipinta ang
mukha, nakakunot ang kilay at ang masangsang na amoy
ng alak ay umaalingasaw.

JOSIAH
Oh, bakit gising ka pa ‘tay? Hindi ba dapat pinapatulog
mo na ang kapatid ko?

Mayroong bahid ng pagka pilosopo at pait ang


pagkakasabi nito. Halatang lasing ang binata.

RICK
Bakit lasing ka? May ginawa ka atang hindi mo sinasabi
sa akin?

Ang lilinga linga na binata ay deretsong napatingin


sa kaniyang ama. Bakas pa rin ang mapait na ngiti sa
kaniyang mukha, ngunit unti unting nawala ito at
sumeryoso.

RICK
Oh ano? Bakit hindi ka makasagot d'yan? Na-tumpak ko ba
ang akto mo? JOSIAH (16) hindi ka na bata! Binata ka na—
Hindi tama ‘yang ginagawa mo! Sumusobra ka naman ata?

1
2

Baka hindi mo alam na hindi lang ikaw ang sinusustentuhan


ko! May mga kapatid ka diba?!

JOSIAH
Bakit lasing? May pakialam ka pala sa'kin. Kapatid! Ha!
Sino bang nagsabi sainyo na gusto ko ng kapatid?! Sinong
nagsabi na gusto ko ng kalahati sa atensyon mo?! Wala!
Wala diba?! Ginusto mo ‘yan diba ‘tay?!—

RICK
Ginusto ko rin bang iwanan ako ng dalawa pang anak?!
Kahit kailan hindi ko ginustong mag-alaga lalo na't wala
akong ipapakain sakanil—

JOSIAH
Ano ba namang rason ‘yan ‘tay! Ginusto mong buntisin
‘yung babae na ‘yon diba?! Kahit na alam mong pera lang
naman ang habol sa'yo! Wala namang nagawang tama sa'yo!
Dahil inuna mong lumandi kesa asikasuhin itong anak mo—

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng


binata. Napalingon ang ulo nito, at hinarap pa ang
kabila.

JOSIAH
Sige, ito pang kabila. Kulang pa dito sa kabila.

Nakaamba pa rin ang kamay ng matanda, gigil ang


itsura ngunit hindi naman maigalaw ang kamay. Namula
ang pisngi ni JOSIAH (16) sa sobrang lakas ng
sampal.

JOSIAH
Ano?! Masyado na ba akong sumobra? Hindi ka kasi
matatauhan kung hindi ko ipaparinig sa'yo. Masyado kang
nasayahan na sa huli sakit lang ang iniwan sa'yo. Alam mo
namang hindi ako boto sa relasyon n'yo diba?! Sa sobrang
lungkot mo sa pag-alis ni mama naghanap ka pa ulit ng
iba! 'tay, apat na taon lang ang tanda sa'kin no'n,
ginano'n mo pa!! Ano??! Sige ito pang kabila! Sa huli ako
lang din naman ang natitira sa'yo! Pero ‘pag meron na
namang iba, heto na naman ako sa tabi, sa gilid,
balewala! Ito pang kabila!

2
3

Nakahinto pa rin ang matanda. Gigil ang itsura,


namumuo ang luha sa mata. Kita ang litid at ugat sa
kulubot na noo at leeg. Nakaamba ang kamay. Ang
binata ay nakatitig pa rin sa tatay, galit ang
itsura, bitbit ang bag. Patulo na ang luha sa
kaniyang mata.

JOSIAH
Ano ‘tay? Sana natauhan ka.

Tumahimik ang dalawa, tila bang may dumaan na anghel


sa kanilang bahay.

JOSIAH
‘tay gusto lang naman kitang sumaya, ang problema lang,
hindi yung babaeng ‘yon ang gusto kong magpasaya sa'yo,
ang gusto ko lang naman sumaya ka sa pamilya natin. Na
kahit dalawa lang tayong magkasama, kita ko yung saya sa
mata mo kapag kinakausap mo ‘ko.

Ang galit na tono, napalitan ng lungkot at sakit sa


boses ni JOSIAH (16). Kita ang pagtulo ng luha, at
ang agresibong pagpunas ng binata rito.

JOSIAH
‘yun lang naman gusto ko? Pero parang hindi ka naman
nasasayahan sa'kin, inintindi ko ‘yun. Ang sabi ko sa
sarili ko, ‘hayaan mo na JOSIAH, hindi pa rin kasi s'ya
nakakaalis sa sakit ng pag-alis ni nanay, kaya ganiyan ka
n'ya kausapin.’ Pero hindi, rinig na rinig ko ang tono mo
kapag kausap mo ang mga anak mo d'yan sa babae na ‘yan,
sa babae na ‘yon. Kaya nagtataka ka kung bakit ako
lumalayo sa'yo! Kaya napapabarkada ako, dahil sa sakit na
idinulot mo. Kaya kung p'wede ‘tay, hayaan mo muna akong
mag-desisyon sa sarili ko, ngayon lang naman ‘to.

Umalis si JOSIAH (16) dinaanan ang tatay at umakhat


sa kwarto n'ya. Rinig ang yabag habang paakyat sa
hagdanan, naiwan namang nakatulala at lumuluha ang
ama, nagpupunas ng mukha habang paupo si RICK (70)
nakapasok ang ulo sa dalawang palad at tanging hikbi
lang ang tunog na rinig na nanggagaling sakaniya.

CUT TO:

3
4

2. INT. BAHAY - KWARTO - HAPON

Ilang araw na rin ang lumipas ng nagsagutan ang


mag-ama. Alala man ang ama ngunit alam n’yang
kailangan ni JOSIAH (16) ang mapag-isa sa mga
panahong iyon. Alam rin naman ni RICK (70) na hindi
pababayaan ang anak n’ya ng mga kaibigan nito.

RICK (V.O)

Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi dahil sa akin, maayos


pa sana ang relasyon namin ni JOSIAH (16).

Biglang may pumasok sa isipan ni RICK (70), dahil


kakatulog lang ng kaniyang dalawang anak, naisipan
n’yang sumaglit sa isang lugar na hinding hindi n’ya
isisiping dadalhin s’ya ng kan’yang paa.

3. INT. SIMBAHAN - HAPON

RICK (V.O)

Bakit dito? Bakit ako? Oo na sige. Aaminin kong nagkasala


ako, hindi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ‘to.
Pasensya na ama, mapapatawad mo pa kaya ako? Sa sobrang
dami ng kasalanan ko sa’yo, kaya mo pa kaya akong
mahalin? Nagpapakumbaba na ako sa harapan mo. Pasensya na
kung natanong ko dati kung totoo ka ba, kung may Diyos ba
talaga. Siguro may layunin naman ang lahat ng bagay ‘no?
Sige na ama, Hesus. Ibinibigay at ipinapaubaya ko na ang
lahat ng dalahin ko. Masakit lahat, mabigat, pero alam
kong kasama kita, sa pitong pu’t taon nga na nabubuhay
ako, hindi man lang Kita na pasalamatan sa lahat, oras na
siguro ito para mahalin Kita ng buong buo at bukal sa
puso. Mahal kita, aking Ama.

Akmang lalabas na ng establisiyemento ang matanda ng


masilayan ang pamilyar na mukha na tila bang umiiyak
habang nakapikit at nakaupo sa loob ng simbahan.
Nagdalawang isip pang lapitan ito ngunit hindi kaya
ni RICK (70) na makita ang anak na nasasaktan ng
ganito, alam n’yang oras na n’ya ito para kumilos.
Nilapitan at niyakap n’ya ang kaniyang anak na

4
5

iniipit ang hagulgol upang walang makarinig, subalit


hindi ito nanalo. Nang mayakap ng ama, dumilat at
sumulyap ito kung sino ba ito? Nang malaman na ang
ama n’ya ito ay dali daling ikinaling ang kaniyang
dalawang braso sa leeg ng ama at doon humagulgol na
tila bang sinaksak sa tagiliran.

JOSIAH

Nananalangin ako kay Jesus ‘tay, na sana nandito ka sa


tabi ko para yakapin ako. Dahil alam kong pagmamahal mo
lang ang kailangan ko sa mga oras na ‘to. Narinig nga ni
Papa. Narinig ni Hesus.

4. EXT. PARKE - GABI

Nagkaroon ng madamdaming pag-uusap ang mag-ama.


Sinabi ang mga hinanakit habang kumakain ng sorbetes
kasabay ng alingawngaw ng tawanan ng mga bata at ng
mga dalaginding. At sa pagkakataong iyon, naramdaman
nila ang pagmamahal sa isa’t isa, at ang
pinakamahalaga sa lahat, ang pagmamahal ng ating
Diyos, ng ating Ama.

WAKAS

You might also like