Professional Documents
Culture Documents
Diagnostic Test Esp 8
Diagnostic Test Esp 8
Region VIII
Tacloban City Division
District Learning Center I
RIDGE VIEW PARK INTEGRATED SCHOOL
Cabalawan, Tacloban City
S.Y. 2022-2023
DIAGNOSTIC TEST
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Pangalan:_______________________________________________________________ Petsa:___________________
Baitang at Pangkat: ___________________________________Guro : ____________________________________
I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinaka angkop na
sagot.
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa
lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan b. pamahalaan c. pamilya d. barangay
3. Ito ay ang magulang ng lahat ng birtud ayon kay Marcus Tulius Cicero.
a. katapatan b. paggalang c. pasasalamat d. pananagutan
4. Alin sa sumusunod ang una at pinaka pangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na
pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang b. Pagkakaroon ng mga anak
c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilangkarapatan d. mga patakaran sa pamilya
5. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang
pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong
tularan?
a. Buo at matatag b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos d. Hindi nagkakaroon ng alitan
9. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban
sa:
a. pagtitiwala b. pagtataglay ng karunungan
c. pagkakaroon ng ganap na kalayaan d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
10. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga
gawaing ispiritwal maliban sa:
a. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa
pananampalataya
11. Ang ___________________ ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang
kaniyang iniisip at pinahahalagahan.
a. kilos b. pamumuhay c. komunikasyon d. wika
Gamitin ang mga sumusunod na pagpipilian upang masagutan ang bilang 12 hanggang 14:
a. aspektong intelektwal b. aspektong pangkabuhayan
c. aspektong panlipunan d. aspektong politikal
12 Ito ay kakayahan ng tao na mamuhay ng may kasama at maging bahagi ng lipunan.
13. Ito ay kaalaman at kakayahang matugunan ang mga pangangailangan ng sarili at ng kapwa.
15.. Sila ang mga taong labas sa iyong sarili na maaaring magulang, kamag-anak, kaibigan, kaklase at
pati na rin kaaway.
a. kapwa b. kaibigan c. magulang d. kamag-anak
16. BFF, Friendship, Bes, Pre, Repapips ay ilan lamang sa mga katawagan ng isang tao sa itinuturing niya
na ____________________.
a. kapwa b. kaibigan c. magulang d. kamag-anak
17. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kanyang nakita, naramdaman, naamoy,
nalasahan at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kanyang pag – iisip.
a. kilos b. mood c. emosyon d. desisyon
18. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay
magrelax. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagrerelax?
a. paglakad lakad sa parke b. paninigarilyo c. pagbabakasyon d. panonood ng sine
24. Mga mahahalay na paglalarawan o babasahin, larawan o palabas na layuning pukawin ang sekswal
na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
a. pornograpiya b. seksuwalidad c. teenage pregnancy d. abortion
26. Ito ay mga lalaki o babae na nasa hustong gulang na nagnanasa at bumibiktima sa mga bata at
paslit.
a. pedophiles b. celibacy c. fraternity d. gangster
27. Ito ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae na ninanais mong maging.
a.pornograpiya b. seksuwalidad c. pedophiles d. fraternity
29. Isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang
katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.
a. vandalism b.bullying c. stealing d. gambling
30. Isang panlipunan o akademikong organisasyon o samahan na gingamitang alpabetong griyego na
batayan sa kanilang mga pangalan.
a.fraternity b.friend c.family d. clan
31. Ito ay pagkakaiba sa pagitan ng mga nakababata at nakatatandang henerasyon, lalo na sa pagitan ng
mga anak at mga magulang.
a. generation gap b.technological gap c. gap d. mental gap
32. Ang sumusunod na mga salitang Latin ay ang pinagmulan ng salitang gratitude maliban sa isa.
a. gratitus b. gratis c. gratus d. gratia
33. Ito ay nagsisilbing munting tinig na gagabay o gumagabay sa bawat kilos ng tao.
a. konsensya b. damdamin c. isip d. loob o inner self
II. Panuto: Para sa Bilang 38 hanggang 40, tukuyin kung ang sumusunod ay diyalogo o monologo.
______________38. Nagkaroon ng pagpupulong ang samahang Kabataan – Pambansang Samahan sa
Edukasyon sa Pagpapahalaga (K-PSEP) sa paaralan ni Joan. Si Wency, ang pangulo nito, ay mahusay
magsalita. Palagi itong kampeon sa pagtatalumpati sa kanilang paaralan. Nais ni Joan naimungkahi
sa samahan ang isang proyekto para sa nalalapit na “Boys and Girls Week,” ngunit hindi siya
nagkaroon ng pagkakataon. Si Wency ang nasunod sa lahat ng proyekto.
______________39. Pinagagalitan ni Aling Juana si Milet dahil sa ginawa nitong pag-alis nang walang
paalam. Walang magawa si Milet kundi ang umiyak. Lubos siyang nagsisisisapagsuway sa kaniyang
ina.
______________40. Malapit na ang ika-13 kaarawan ni Jules. Kinausap siya ng kaniyang mga magulang
tungkol sa kung ano ang nais niya sa kaniyang kaarawan. Sinabi ni Jules na nais niya ang isangparty
upang maimbita ang kaniyang mga kaibigan. Iminungkahi naman ng kaniyang mga magulang na
sila’y kumain na lamang sa labas at ang gagastusin sa party ay ibili na lamang ng mga damit para sa
mga bata sa ampunan. Sa huli’y pumayag si Jules sa mungkahi ng magulang. Nais nitong maging
mas makabuluhan ang kaniyang kaarawan.
Inihanda ni:
MILAFER R. DABAN
ESP Teacher