Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

kalihim pa lamang ng tanggulang pambansa ay kinakitaan na si pangulong Ramon Magsaysay ng

kanyang pagiging malapit sa masa ng lipunan. Ang katangiang ito ang nagsilbing susi sa kanyang
pagwawagi sa halalang pampanguluhang idinaos nong 1953.

PROGRAMA NG PAMAMAHALA

Sentro ng patakaran ng pamamahala ni pangulong Ramon Magsaysay ang "paghahatid ngkalayaan at


kaunlaran sa mga baryo. " ipinatupad niya ang maraming programa na naglalayong mahango sa
kahirapan ang mga maliliit na mga mamamayan.Ilan sa mga sumusunod :

0. Pagpapaunlad ng sistema ng pananahanan sa lupa at relokasyon.


0. Pagtatayo ng mga daan, tulay at iba pang pasilidad para sa mabilis na
pagbibiyaheng mga produktong rural sa pamilihan.
0.pagsanay at pagpapayo sa magsasaka.
0.Masinsinang pagpapaunlad sa mga komunidad.

MGA NAGAWA

1.) Pagtatag ng hkuman ng relasyong Agraryo


2.) Pamamahagi ng mga patente ng lupa para sa mga walang masaka.
3.) Paglilipat ng tirahan para sa walang matirhan.
4.) Pagtatayo ng mga karagdagang daan at tulay.
5.) Pagkakaloob ng mga pautang sa mga magsasaka.
6.) Pagkakaloob ng mga pasilidad na mapag-iimbakan ng mga aning produkto at mga pamilihang
mapagbebentahan ng mga ito.
7.) PAgbubukas ng malacanang sa pampubliko.

MGA BATAS NA IPINAGTIBAY

Sa pamamahala ni pangulong Magsaysay napagtibay ang mga batas na naglalayong mabawasan ang
kontrol ng mga dayuhan sa panloob sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Retail Trade Nationalization Law (1954).Nilalaman dito ang pagbibigay ng unang pagkakataon sa mga
Pilipino sa pagupa sa mga pwesto at tindahan sa mga pampublikong pamilihan ng bansa.

Filipino Retailers Fund Act (1955).Ipinagbawal ng batas ang pagpasok sa mga pagbenta ng mga
produkto ng mga bahay -kalakal na hindi pagaaring lubos ng mga mamamayang Pilipino.

National Marketing Corporation Act (1955).Tumutukoy ito sa pagtatag sa National Marketing


Corporation bilang isang pampublikong korporasyon na tulong sa pagsusuplay ng mga produkto sa
presyong makapagbibgay- kakayahan sa mga retailer na pilipino na makipagkumpetensya sa
bentahan ng mga produkto sa mga pamilihan.
Ang pagpapatuloy ng magagandang naipakita ni Panglong Magsaysay sa panahon ng kanyang
panunungkulan ay binigo ng mga aksidenteng kumitil sa buhay ng pangulo. Noong Marso 17, 1957,
bumagsak ang eroplanong kanyang sinakyan sa bundok ng Manunggal ,Cebu.

Ang pangalan ng sinakyang eroplano ay PINATUBO.


Ang maikling talambuhay ni ramon magsaysay ay sinilang siya noong august 31 1907 at namatay
noong march 17 1957..

Talambuhay

Pagsilang: Agosto 31, 1907 sa Iba, Zambales


Magulang: Exequel at Perfecta del Fiero
Edukasyon: Jose Rizal College (Komersyo)
Asawa: Luz Banzon
Anak: Teresita, Milagros at Ramon Jr.
Kamatayan: Marso 17, 1957 sa Mt. Manunggal,
Cebu

Panunungkulang Pampubliko

 Military Governor ng Zambales matapos ang


digmaan

 Kongresista ng Zambales
 Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng
Administrasyong Quirino

Alam nyo ba?

 Si Pang. Magsaysay ang unang gumamit ng barong tagalog sa araw ng


kanyang inagurasyon. Ipinatupad nya rin na gawing dress code ang
pagsusuot ng barong tagalog sa lahat pormal na programa
saMalakanyang . Dahil dito, naging uso ang pagsusuot nito sa mga
pormal na okasyon.

Si Pang. Magsaysay ang una ( at tunay ) na pangulo mula sa angkan ng


mahihirap. Ang kanyang ama ay isang panday at siya ay nagtrabaho bilang
mekaniko sa isang talyer ng bus upang tustusan ang kanyang pag-aaral. Ito ang
nagsilbing ispirasyon ng kuwentong Ang Panday bilang tagapagtanggol ng na-
aapi.

Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang pagsasalin ng atingPambansang


Awit sa wikang Filipino . Sa bisa ng Dept. Order No.5, s. 1956 noong ika-26
ng Mayo 1956 , ipinag-utos ang paggamit ngtranslation na gawa nina Idelfonso
Santos at Julian Cruz Balmacedaat isinaayos ni Lt. Col. Antonio Buenaventura
.
Si Pang. Magsaysay ang unang gumamit ng guerilla campaigning . Ito ay ang
paggamit ng mga artista, pag-awit at pagsasayaw, at pagpunta sa mga baryo
tuwing nangangampanya. Ito ay karaniwan nang ginagawa ngayon tuwing may
halalan.

Mga Programa ng Administrasyong


Magsaysay

 Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino


 Pagpapaunlad ng mga baryo
 Pagdinig sa mga karaingan ng mga tao
 Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

Social Security Act


Sa bisa ng batas na ito, itinatag
angSocial Security System (SSS) noong Hunyo
18, 1954.Layunin nito na bigyan ng
kapanatagan ang mga kawani sa pribadong
sektor. Ilan sa mga pakinabang nito ang
tulong sa pagpapagamot, pabahay, pautang at
pensyon sa pagreretiro.

Tulong sa mga Magsasaka

 Sa ilalim ng Land Tenure Law , bibilhin ng


pamahalaan ang mga malalaking hacienda
upang maipamahagi sa mga magsasaka ng
hulugan.

 Itinanatag din ang Agricultural Credit and


Cooperative Financing Administration
(ACCFA) atFarmer’s Cooperative Marketing
Association (FACOMA) upang matulungan ang
mga magsasaka sa suliraning pinansiyal.
Pagpapa-unlad sa mga Baryo

 Ipinag-utos ni Pang. Magsaysay ang


pagpapatayo ng mga poso at patubig upang
mapabilis ang pag-unlad sa mga baryo.

 Naglunsad ng pananaliksik ukol sa


makabagong
sistema ng pagsasaka at mga bagong uri ng
binhi tulad ng Masagana.

Pakikipag-ugnayan sa Ibang
Bansa

 Itinatag sa Maynila noong Sept. 8,


1954 angSoutheast Asia Treaty Organization
(SEATO) . Ito ay samahan ng mga bansa na
nagkasundong magtutulungan sa paglaban ng
komunismo.

 Nilagdaan ng Japan at Pilipinas ang


Reparation Agreement noong May 9, 1956 . Ito
ay bilang kabayaran ng Japan sa pinsalang
dulot ng digmaan.

Presidential Complaints and


Action Committee (PCAC)

` Ang PCAC ay nagbigay ng pagkakataon sa mga


karaniwang tao upang mag-abot ng kanilang
hinaing sa pangulo. Nagpunta din siya sa
mga
nayon upang makihalubilo sa mga karaniwang
tao. Dahil dito, nakilala siya
bilang Kampeon
ng Masa .
Pagkamatay ni Pang. Magsaysay

Matapos dumalo sa graduation ceremony sa


Cebu, hindi na nakabalik ng Maynila si
Pang. Magsaysay noong Marso 17, 1957 .
Bumagsak ang eroplano ng pangulo, ang RP
Mt. Pinatubo sa Mt. Manunggal, Cebu .

Konklusyon:

Labis ang naging pagluluksa ng mga Pilipino


sa pagkamatay ng Kampeon ng Masa . Humalili
sa kanya bilang pangulo ng bansa si Carlos
P. Garcia.

You might also like