Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI PETSA: FEB.

26,2024

AM 10:50-11:20 MATAPAT

I.Layunin
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad,mapayapa at mapagkalingang
pamayanan.
Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang mga gawain na may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan tungo
sa pandaigdigang pagkakaisa.
Most Essential Learning Competency (MELC’s)
Naisasakilos ang pagtupad sa mga batas pambansa at pandaigdigan. EsPPP-IIIh-i-40
II.Paksang Aralin
Pagsasakilos ng pagtupad sa mga batas Pambansa at pandaigdigan.
a.Sanggunian:BOW p. 247 of 349 MELC p.88
b.kagamitan:laptop,telebisyon,projector,larawan
c.Pagpapahalaga:pagsunod sa batas

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain
1.Pagbati sa mga mag-aaral/Kumustahan
2.Pagtsek kung sino ang liban sa klase.

B.Paglalahad ng aralin
1.Pagganyak: Ano ang karaniwang panuntunan ang sinusunod ninyo sa inyong
mga tahanan? (halimbawa :Umuwi sa takdang oras) Sa paaralan?
(halimbawa:Makinig sa guro)Ano ang mangyayari kapag hindi sumunod sa
panuntunan? (maaaring mapahamak)
2.Panlinang na Gawain
a. Pagpapanood ng video lesson sa mga mag-aaral.

b.Pagtalakay sa napanood
-Anu-anong mga batas ang binanggit o tinalakay sa video?
- Mahalaga ba ang mga ito? Bakit?
3.Pagsasanay
Lagyan ng (/) tsek ang nagsasakilos ng pagtupad sa batas.
___1.Tumawid si Mira sa pedestrian lane.
___2.Nagpatuloy pa rin sa paglakad si Bella kahit tumugtog na ang Pambansang
Awit sa paaralan.
___3.Nakita ni Ben ang pulang ilaw o red light kaya huminto na siya.
___4.Nabasa na ni Peter ang katagang “ BAWAL PUMARADA” pero doon pa rin siya
tumigil at naghintay.
____5.Nagtiyagang umakyat patungo sa footbridge si Lian dahil alam niyang doon
ay ligtas siyang makatatawid.

4.Paglalahat:
Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga batas?
5.Paglalapat:
Pagsasagawa ng dula-dulaan tungkol sa pagsunod sa mga batas
IV.Pagtataya:
Panuto:Suriin ang mga sitwasyon at isulat ang wastong pagsasakilos ng pagtupad
ng batas batay sa sitwasyon.
1.Nakita ni Elyn at Erin ang karatulang “ NO ENTRY” Ano ang gagawin nila?
Sagot: _______________________________________________________
2.Pumara ang isang pasahero ng jeep sa isang lugar kung saan may nakalagay na
karatulang “BAWAL MAGBABA AT MAGSAKAY NG PASAHERO”. Ano ang gagawin mo
kung ikaw ang drayber?
Sagot: _______________________________________________________
3.Nagtakda na sa inyong komunidad ng “curfew hour” ng 8:00PM-4:00AM
Sagot:_______________________________________________________
4.Nakita mong nagtatakbuhan ang mga kamag-aral mo sa hagdanan patungo sa
ikatlong palapag kahit may nakalagay ng paskil na “BAWAL TUMAKBO SA PAG-
AKYAT”. Ano ang iyong gagawin?
Sagot:____________________________________________________________
5.Naninigarilyo ang tatay mo sa lugar kung saan nakapaskil ang “ NO SMOKING”
Paano mo siya sasabihan o papakiusapan?
Sagot: ____________________________________________________________
V.Takdang Aralin:
Sumulat sa iyong journal ng pagkilos na isinagawa mo bilang pagtupad sa batas.

PROFICIENCY LEVEL
5X
4X
3X
2X
1X
0X

Inihanda ni:

Joel M. Cabigon
Binigyang puna ni: Guro I

Ma.Theresa T.Gervacio

Dalubhasang Guro I Pinagtibay ni:

Leonora M.Pantorgo,PH.D

Punongguro IV

You might also like