LP Catch Up Friday Feb.23 2024 Fil.

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR

Pangalan ng Guro: JOEL M. CABIGON Petsa: IKA-23 ng PEBRERO 2024


Baitang/Pangkat: ANIM/MAGALANG

I. Layunin :
Naipapamalas ang mapanuring pang-unawa sa kuwentong
binasa o napakinggan.

Nasasagot ang mga tanong sa nabasang kwento.

Natutukoy ang kilos ng tauhan batay sa pahayag.


II. Paksang Aralin :
Pagsagot sa mga tanong mula sa nabasang kwento.
Pagtukoy sa kilos ng tauhan batay sa pahayag.

Reading Intervention
/
Reading Enhancement

Kagamitan: larawan, sipi ng kwento,batayang aklat,laptop,telebisyon


Sanggunian: Hiyas sa Pagbasa “ Naglahong Himutok”

III. Pamamaraan:

A. BAGO BUMASA
1. Panlinang na Gawain

Magpakita ng larawan/ Anong uri ng hayop ang nasa larawan?


Nakakita na ba kayo nito?

Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph
2. Paghahawan ng balakid

Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng salita sa Hanay A


-Hanay A- -Hanay B-
___1. naulinigan A.maghirap
___2. bukang-liwayway B.kuwentong ‘di totoo
___3.kuwentong kutsero C.nawala
___4.naglaho D.narinig
___5.magdusa E. paglitaw ng liwanag sa

kalangitan bago sisikat ang


araw

3.Pagganyak na tanong:
Bakit kaya nagbabalak na lumayas si Karyo sa kuwento?

B. HABANG BUMABASA
1. Babasahin natin ang kuwento na pinamagatang

2. Pagbasa nang Malakas (Reading Aloud)


a. Babasahin ng guro ang kuwento
b. Pagkatapos babasahin ng mga mag-aaral ang kuwento
nang sabay-sabay (choral reading)
3. Pagsagot sa pagganyak na tanong

Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph
4. Mga tanong( asking questions)
A.Pagsagot sa mga Tanong:

a.Ilarawan ang amo ni Karyo sa kuwento.

b.Bakit sa kabila ng kapaguran ay natutuwa pa rin si Karyong Kabayo?

c.Ano ang nagpapawala ng kanyang pagod habang siya ay namamahinga sa


kanyang kuwadra?

d.Ano ang naging bunga ng laging pangungutya ni Bertong Baka kay Karyo?

e.Bakit hindi na itinuloy ni Karyong Kabayo ang kanyang plano?

B.Tukuyin ang katangian ng tauhan batay sa pahayag.Piliin ang sagot sa


loob ng kahon at isulat ito sa patlang bago ang bilang.

Pangungutya Naghihinanakit Pagmamadali

Desidido o Buo na ang pasya Nagtatanong

____________1.”Bilisan mo ang takbo,kailangang makarami tayo ng


pasahero!”

____________2.”Bakit may takip ang mga mata mo?Bakit ‘di mo ako


gayahin,sana naging baka ka na lang!”

____________3.”Ako ba ay isinilang upang magdusa habang ang iba ay


nabubuhay para magpasarap?”

____________4.”Huling araw na ito ng aking pamamasada,bukas na bukas ay


lalayas na ako sa kuwadrang ito.”

____________5.”Saan ka ba galing?”

C. PAGKATAPOS BUMASA
Sagutin ang sumusunod na tanong at gumawa ng isang
journal tungkol dito.( writing a journal)

1.Bakit hindi dapat kainggitan ang kapwa natin?

2.Ano ang mahalagang aral ang nakapaloob sa kuwentong binasa?

Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph
IV. Kolektahin ang mga output ng mga mag-aaral para sa
masubaybayan ang kanilang pag-unlad.

Inihanda ni: Binigyang puna ni:


Joel M. Cabigon Ma.Theresa T.Gervacio
Guro sa Filipino 6 Dalubhasang Guro I

Pinagtibay ni: Leonora M. Pantorgo Ph.D


Punongguro IV

Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph
Sipi ng kuwento:

NAGLAHONG HIMUTOK

Tsk! Tsk! Tsk! Hiya! Bilisan mo ang takbo! Hiya Kailangang makarami tayo ng
pasahero. Hiya!’ Ang utos na nrinig ni Karyong Kabayo mula sa kanyang among
kutsero habang tinatahak nila ang kalsada kasabay ng pagbubukang-liwayway-araw.
Araw-araw niyang hila ang kalesa. Mula umaga hanggang dapithapon ay
nasa kalye siya at naghahanapbuhay. Mabait at maalaga sa kanya ang amo. Bago
sila lumakad ay sinusiguro ng amo na siya ay busog at laging nasa kondisyon dahil
sa kanya nakasalalay ang ikabubuhay ng pamilya.
Pagdating ng hapon ay kapwa sila pagod. Bagamat mas matindi ang
pagkapagal ng katawan ni Karyo ay natutuwa na rin siya dahil nakatutulong siya sa
kanyang amo sa pagtataguyod sa mga anak nito. Sa isang banda’y nalilibang din
naman siya sa mga kuwentuhang kanyang naririnig sa mga pasaherong kanyang
inihahatid at sa amo niyang walang dadaig basta kuwentuhan ang pag-uusapan.
Sabihin pa, puro iyo kuwentong-kutsero.Sa loob ng kuwadra ay parang nalilimutan
niya kahit sandal ang pananakit ng katawan kapag naalala niya ang masasaya at
nakaaaliw na istoryang kanyang narinig sa maghapon.
Sa pagmumuni-muni niya’y biglang sumagi sa kanyang isip ang araw-araw na
pang-iinggit ni Bertong Baka. Sa tuwing madaraanan niya ito sa tabing-daan habang
pumapasada siya ay pulos panunudyo at pagmamalaki ang iparirinig nito sa kanya.
“Bakit ba may takip ang mga mata mo? Baka mabangga ka sa kanto! Hindi mo ako
gayahin. Wala akong ginagawa kundi manginain. Wala ding latigong lumalatay sa
aking katawan. Sana naging baka ka na lang.” Ang maanghang na panunukso ni
Bertong Baka. Itinungo na lamang ni Karyo ang kanyang ulo at nagtataingang-kawali
sa tuwing maririnig ito. Hindi tuloy maalis ni Karyo ang maawa sa sarili dahil sa
narinig kay Berto.

Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph
Minsa’y nagtatanong din siya kay Bathala, “Ako ba’y isinilang upang magdusa at
magpakahirap habang ang iba’y nabubuhay para magpasarap?”
May luhang namuo sa kanyang mata at hindi naglaon at nakatulugan na niya ang
paninikip ng dibdib dahil sa sama ng loob.
Kinabukasan, nag-uurong-sulong man si Karyong Kabayo ay binuo niya ang
pasiya.” Huling araw na ito ng aking pamamasada. Bukas na bukas din ay lalayas na
ako sa kuwadrong itoTama na ang pagpapakabayani!” Ang sumpa niya sa sarili.
Nagtampo man siya ay hindi siya nagpapahalata sa kanyang amo. Gaya ng dati ay
maaga silang bumiyahe. Nadaanan nila si Berto subalit hindi na niya pinansin.
Ngayong papauwi na sila’y wala na siyang ibang iniisip kundi ang kanyang
binabalak. Kung di pa nga hinila ng kanyang amo ng dalawang ulit ang renda’y hindi
niya mapapansin ang pagsakay ng amo ni Bertong Baka. Nagkataong pauwi na rin
ito buhat sa palengke.
“Saan ka ba galing?” Naulinigan niyang tanong ng amo niya sa bagong
sakay. “Malapit na ang pasukan at malaking halaga ang kailangan para sa matrikula
ng mga anak ko. Napagpasiyahan kong ipagbili ang kaisa-isa kong alagang baka at
kinausap ko ang bibili nito,” ang paliwanag ng kausap. Sa darating na Linngo’y
nakatakdang katayin ang baka ko at sa Lunes ko raw makukuha ang karagdagang
bayad,” dagdag pa nito. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Karyo dahil sa
narinig. Lahat ng binabalak niya’y naglahong parang bula.

-WAKAS-

Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph

You might also like