Pagsulat Sa Filipino Sa Piling Larangan ARALIN 10

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Pagsulat sa

Filipino sa Piling
Larangan
(Akademik)

LEARNING MATERIAL
Aralin 10: Pagsulat ng Memorandum
Layunin:
• Natatalakay ang kahulugan at gamit ng memorandum; at
• Nakasusulat ng isang maayos na memorandum.

Pag-aralin Natin
Pagsulat ng Memorandum o Memo

Ayon kay Sudaprasert (2014), sa kanyang aklat na “English for the Workplace 3”, ang
memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala
tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin
o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung
ano ang inaasahan mula sa kanila.
Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi
isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao
sa, isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong ,
pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring
maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa
mga polisiya.

Narito ang halimbawa ng memo na ginagamit sa pagsasagawa ng pulong o pagbibigay ng kabatiran.

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised General Trias, Cavite
046)4376775

MEMORANDUM
Para sa: Mga Guro ng Ikaanim na Baitang

Mula Kay: Nestor S. Lontoc,


Registrar, Academy of Saint John

Petsa: 25 Nobyembre 2015

Paksa: Rebyu para sa National Achievement Test

Ang National Achievement Test para sa mga mag-aaral ng Baitang 6 ay nakatakda sa


Disyembre 12,2015. Mahalagang maihanda natin ang mga mag-aaral sa pagsusulit na ito.
Sa darating na Sabado, Disyembre 5, 2015 kayo ay pinakikiusapang magsagawa ng
rebyu para sa mga mag-aaral. Mangyaring sundin ang iskedyul na nakatala sa ibaba.

Oras Asignatura Guro


08:00 – 10:00 n.u. Filipino Bb. Reyes
10:00 – 10:30 n.u. Malayang Sandali
10:30 – 12:30 n.h. Araling Panlipunan G. Nieras
12:30 – 01:30 n.h. Malayang Sandali
01:30 – 02:30 n.h Matematika G. Pineda
02:30 – 04:30 n.h. Agham Gng. Abundo
TANDAAN
Mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng memorandum dahil upang maihatid
ng maayos at malinaw ang isang gawain o proyekto na nais ipaalam sa iba. Dahil ang
memorandum ay kalimitang naglalaman ng mahahalagang impormasyon na
kailangang ipaalam sa iba, kalimitang ang nilalaman nito ay ang buod ng
mahahalagang pinag usapan at pinagkasunduan ng mga namumuno sa isang
kompanya o negosyo, mga tao sa pamahalaan at iba pa.
https://brainly.ph/question/4170826

You might also like