You are on page 1of 2

Ano ang pananaliksik?

 Matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol


sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan.

Mga katangian ng pananaliksik

Ang pananaliksik ay…

Matiyaga sa pangangalap ng datos mula sa iba’t ibang batis…


 Aklatan sa loob at labas ng unibersidad, aklat, magasin, pahayagan, dyornal, tesis,
manuskrito, at iba pa;
 Iba pang materyal: manipesto, polyeto, primer, tape, video, CD, DVD, TV/radio series,
maging graffitti, at iba pa;
 Websites sa internet
 Interbyu sa mga personalidad o karaniwang tao;
 Sarbey;
 Sariling imbestigasyon.

Maingat sa pagpili at paghihimay-himay ng makabuluhang datos


 Pagkilala sa pinagkunan at pinagmulan ng datos;
 Pagtiyak na ang iba’t ibang panig ay sinisiyasat;
 Pagsigurong may sapat na kontribusyon ang anumang posisyon at interpretasyong
isasagawa.

Sistematiko ang pangangalap ng datos at presentasyon nito.

Mapanuri sapagkat…
 Ineeksaming mabuti ang impormasyon, datos, ideya, o opinyon kung balido at
mapagkakatiwalaan ito;
 Tinitimbang ang katuturan ng impormasyon o datos.

Kritikal sapagkat bumubuo ng tiyak na pag-iisip o posisyon tungkol sa paksa dahil…


 Masusing pag-aaral ng mga datos at pahayag;
 Maingat na pagtimbang ng iba’t ibang panig sa isang isyu;
 Pagtiyak na ang lahat na anggulo sa isang paksa ay naisasaalang-alang.

Mga Layunin ng Pananaliksik

 Makatuklas ng bagong datos at bagong kaalaman;


 Magbigay-linaw sa isang isyu;
 Siyasatin o hamunin ang katotohanan ng isang tanggap o pinapalagay na
makatotohanang pahayag;
 Patunayang balido ang isang konsepto, pananaw, o paniniwala

*KATAPATAN ang pinakamahalagang katangian ng mananaliksik.


Plagiarism/ Pamamalahiyo
Itinuturing na napakalaking kasalanan ito sa etika ng pananaliksik.

Walang nagtitiwala sa isang magnanakaw at sinungaling.

Kung mapatunayang ang isang saliksik ay plagiarized, mawawalan ng kredibilidad ang


mananaliksik at masasayang ang lahat ng kanyang pinagpaguran, pati ang mga dati pang
pananaliksik.

Parusa:
 Gradong 3.5
 Kung matindi ang plagiarism, mapapatalsik sa unibersidad;
 Pagtanggal ng digri kahit matagal o taon na ang binilang nang gawin ang pamamalahiyo
 Paghabla sa korte

Halaw mula sa:

Atienza, Glecy C. et. al. Teksbuk sa Komunikasyon II. QC: UP Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas, 1997.

You might also like