Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 183

CHAPTER 1

Beep. Beep. Tumunog ang cellphone ko. Nagtetext na si Sharlene. Nasan ka na ba? Kanina pa kami dito naghihintay sa resto. Sh*t! Bakit ba naman kasi ang trapik ngayon! Bilisan niyo naman please. Sobrang late na ko sa appointment ko. "Manong, wala ba tayong ibang pwedeng daanan? Late na kasi ako eh," sabi ko kay manong driver. "Naku, sir, mas mapapalayo pa tayo kung mag-iiba tayo ng daan," sagot ni Manong. "Ganon ho ba." Wala na ko magagawa kundi magtiis. Kung bakit ba naman kasi minamalas ako ngayong araw na to eh. Di bale. Tatawagan ko nalang si Sharlene. "Hello? Shar. Sobrang sorry talaga! Di ko na alam kung ano gagawin ko. Yes, nasa taxi ako ngayon. Sobrang traffic. I know, I know. Nakakahiya na talaga. If you want let's just cancel the meeting. Wala na ko mukhang ihaharap sa inyo ngayon. Are you sure? Ok lang sa inyo magantay some more? Sobrang sorry talaga Shar. Referral mo pa naman ito sakin. Sige. Paki sabi nalang sa kinakapatid mo sorry din. I'll be there as soon as possible. Ok. Salamat talaga. See you in a while. Bye." Grabe naman. Bilisin niyo! Parang di yata gumagalaw ah, naisip ko. Ah hindi, ayan na gumalaw na ng konti. Sana wag mainip sina Sharlene, sabi ko sa sarili ko. Cliente din yung kinakapatid niya. At ayun, tumigil nanaman ang taxi. Pesteng trapik to! Napabuntong hininga nalang ako sa inis. Umpisa palang ng araw ganito na ang nangyayari. Nag-inhale exhale ako. Pampakalma lang. Sana ma-close ko ang deal later, dasal ko. Binuksan ko ang bag ko at nilabas ang mga papeles. Tinignan ko lahat para masigurong walang magiging problema mamaya. Ok naman na. Ready to attack na. Napatingin ako sa bintana ng taxi. Napansin kong marami-raming tao na ang pinili nalang maglakad. Siguro nagmamadali na rin sila? Maglakad nalang din kaya ako? Wag na. Papawisan lang ako. Kaya ayun. Nanitili akong nakaupo sa taxi. Pinagmasdan ko nalang ang mga taong naglalakad. Para hindi lalong mainis, inaliw ko nalang ang sarili ko. Tinignan ko ang mga higanteng billboard ng mga pinakasikat na produkto sa bansa. Naging ugali ko na rin kasi na tignan ang mga yon pag napapadaan ako dito.

Nakita ko ang ilang mga kilalang artista, pati na rin ang mga hindi kilala. Aba, bago yung billboard na yun ah, sabi ko sa sarili ko. Tinignan ko ng maigi ang larawan nung modelo. Bagito rin siguro siya. Hindi ko pa siya nakita kahit saan. Ang laswa naman. Di ko kaya mag-pose ng ganyan, napag-isip isip ko. Actually, di naman talaga malaswa. Opinyon ko lang yun. Hay salamat! umandar na rin ang taxi pagkalipas ng mahigit sampung minuto. Aba teka, mukhang tuloytuloy na ang biyahe! Sa wakas! Haha! Tuwang-tuwa ako sa pangyayari. "Ito talagang gobyernong to," sabi ni manong driver, "maguumpisa ng proyekto di naman agad tapusin. Di ba nila naisip na ang daming napeperwisyo dahil sa mga hukay-hukay nilang yan sa kalsada?" Natawa ako. Ang seryoso ni Manong. "Oo nga ho eh. Palibhasa, puro bulsa lang nila ini-intindi." "Hay nako. Kaya hindi tayo umaasenso eh," sagot ni Manong. Napangiti nalang ako at hindi na sumagot. Tama naman siya eh. Para ngang walang asenso. Nagtext ako kay Sharlene na malapit na ako. At humingi ako muli ng despensa. Sabi niya ok lang daw yun. Naiintindihan niya naman daw. Wow. Siya naintindihan niya. Pano kaya yung kasama niya? Late ako ng isang oras mahigit. One hour and fourty-three minutes to be exact. Dali-dali kong binayaran si Manong at bumaba ng taxi. Pasok ako agad sa restaurant at agad hinanap si Sharlene. Ayun! Nakita ko siyang nakaupo sa may corner table. Magisa. Sh*t! Umalis na nga, sabi ko sa isip ko. Nakita niya na ko. Kumaway siya. Dahan-dahan akong lumapit. Asar na asar ako sa sarili ko dahil wala na ang cliente ko. "Shar, sobrang sorry talaga. It's my fault really," sabi ko. Sobrang lungkot ko talaga. Ano nalang ang sasabihin ni Sharlene sa pamilya niya tungkol sakin? Isa sila sa mga pinakamalaking cliente ko. Pag nadismaya sila dahil dito, di lang sila ang pwedeng mawala sakin. Marami pang iba. Hay! Bakit ka ba naman kasi nalate eh! Napansin siguro ni Shar na malungkot ako. Natawa siya. "Hoy ano ba. Cheer up! Its ok. Para kang t*nga." "If I wasn't late siguro may cliente ako ulit. Alam mo naman how important this is to me, right?" sabi ko. "Anong siguro? You haven't lost your client," sabi niya. Ano ba, nanunukso yata ito eh. "Nagpunta lang

siya sa rest room." "No way!" laking gulat ko. Tinignan ko ang upuan sa tabi niya. May plato at may iced tea sa tapat nito sa ibabaw ng mesa. Di ko napansin yun ah! Marahil dahil nalungkot ako bigla. Teka, mukhang swerte parin ako! "Uh-huh," sabi ni Sharlene. Tatawa-tawa. Wow! Nakahinga ako ng maluwag. May pag-asa pa ako maging Top Agent ng kompanya namin. Ngayon, kelangan ko nalang siguruhin na maging maayos ang lahat. Inilabas ko na lahat ng papeles para ready na sakaling dumating na ang cliente ko. Habang nagaayos ako, nagsalita si Shar. Sabi niya, "O, eto na pala siya eh." Tinaas ko ang ulo ko at tumingin kay Shar. Di ko namalayan na may tao palang nakatayo sa likod ko. "Dan, this is Matteo Rutigliano. He's my kinakapatid," pagpapakilala ni Sharlene. Tumayo ako at humarap kay Matteo. Muntik na ko ma-off balance. Si Matteo... yung lalaki sa billboard.

CHAPTER 2

"Hey. What's up?" sabi niya habang inabot ang kamay niya para makipagkamay sakin. Natigilan ako dahil hindi ko akalain na siya pala ang naghihintay kanina pa sakin dito kasama ni Sharlene. Nakatingin lang ako sa kanya. Inaantay niya parin abutin ko ang kamay niya. Napatingin siya kay Sharlene. Tila nahimasmasan ako. Nakagalaw na ko sa wakas. Kinamayan ko siya. "I'm good, thanks. Listen, I'm really sorry for being late. Well, super late. I got caught in the..." pero di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita si Matteo. "Yeah, yeah. Blame it all on the traffic. Nothing new there, really." At umupo siya sa tabi ni Sharlene. "So, can we start now? I've eaten a lot waiting for you. Know what that means to me? Not good." Medyo nainis ako sa banat niya. Ayos ka rin ha, isip ko. Sinadya ko bang mangyari yun? Di naman ah. Naramdaman kong umakyat ang dugo sa magkabilang tenga ko. Napansin siguro ni Sharlene na medyo napahiya ako ng konti, kaya siya na ang nagsalita. "Matt, ano ka ba. It's nobody's fault. Ok lang yan. We're all here so let's just get on with it." "No, it's ok, Shar," sabi ko. "It's my fault really. I don't know what else to say but sorry." "Well, you can go yap about what you came here for. So we can get it over and done with," sabi ni Matt. Nakatitig siya ng maigi sakin na parang sinusukat ang pagkatao ko. Ano ba tong tao na to? Pangasar ka ba o ano? Isa pa sasapakin na kita ng makita mo kung ano hinahanap mo. Teka lang, ako pala ang may atraso. Relax, Dan. Kaya mo yan. Tumingin ako saglit kay Sharlene. Tumango siya na parang senyales na magumpisa na ako. At yun na nga ang nangyari. Inumpisahan ko na ang pagalok sa kanya ng insurance. -----------------------------------------------------------------Ako nga pala si Daniel Marc Burgos. 24 years old. Isa akong insurance agent. I have been an agent for 4 years now. When I left school, ito kagad ang naging trabaho ko. Masaya maging ahente. I get to meet a lot of different people. At hindi basta-bastang mga tao ito. May

mga sobrang yaman. May mga di gaanong mapera, yun bang gusto lang masecure ang kanilang future. May mabait, may masungit, may walang kwenta kausap. Ganun talaga. Kaya ako, I treat my job as an adventure. Hunting adventure to be exact. Ako yung hunter, my clients are the prey. Iba kasi yung pakiramdam kapag may nakumbinse kang mag-invest sa insurance. Nakakataas ng selfconfidence. Nakaka-boost ng ego. Para bang pakiramdam ko eh ang galing galing ko. Pakiramdam ko lang naman yun. Di pwede ang mahina dito sa trabahong ito. Mas lalo na ang mahiyain. Kapalan kung kapalan ng mukha ang labanan. Kung hindi, walang laman ang tiyan mo. Sa trabahong ito ako natuto, nagbago. At dito ko rin mahahanap ang tunay na kahulugan ng buhay at mabuhay. -----------------------------------------------------------------Tahimik namang nakikinig si Matteo sa lahat ng sinasabi ko. Hindi siya nang-i-interupt. Basta tinitignan mabuti yung kopyang binigay ko sa kanya habang ako ay nag-e-explain. Life Insurance ang inaalok ko sa kanya. Tutal dito na siya nagta-trabaho, mabuti nang may ganito siyang investment. Halos isang oras din yun na puro ako lang ang nagsasalita. Hanggang sa matapos na nga ako. Sinusubukan kong basahin ang itsura niya. Kukuha ba, o hindi. Pero nahirapan ako. Hindi manlang nagbago ang itsura niya mula nang magsimula ako magsalita. Ilang saglit lang, binato niya sa gilid yung kopya niya. Aba, antipatiko tong lokong to ah, sabi ko sa isip ko. "So?" tanong ni Sharlene kay Matteo. "What do you think?" Di umimik. Uminom ng iced tea. Nagtinginan kami ni Sharlene. Siguro kung marunong magbasa ng utak si Sharlene, nabasa na niya na kanina ko pa sasapakin yung kinakapatid niya. Nilapag ni Matteo ang baso niya pagtapos uminom. Tumingin sa malayo. Finally, nagsalita na din. Akala ko na-pipi na ang loko. "I think it's cool." Natawa si Sharlene. Pati ako natawa. "What do you mean it's cool?" sabi ni Sharlene. "Its OK. Know what I mean?" tumingin siya sakin. "So, you're getting one?" sabi ko. Please say yes, dasal ko. Please. Tinitigan niya ako sa mata. Eto nanaman siya. Parang pinagaaralan nanaman ako. Hoy! Sagot na! Naiinip na ko. Then it came. "Not yet."

What? Pagtapos kong magmadali papunta dito at magsalita ng isang oras di ka kukuha? Bibingo na sakin talaga to. "So you're not getting one? That's ok." Nagumpisa na ko magligpit ng mga papeles. Inabot ko yung kopyang binato niya sa gilid. Pero hinawakan niya yung kamay ko. "Did I say 'No?' I said not yet. Means I'll think about it." Hinila ko yung kamay ko. Hawak ko parin yung kopya niya. Sabi ko sa sarili ko, ang wierd nito ah. Kanina ka pa. "I think I'll be needing that," sabi ni Matteo. Nakalahad ang kamay. Wala na akong magawa kundi ibalik sa kanya ang kopya. Or dahil gusto ko talagang maibenta yun kaya ko binigay? Ewan ko. Basta binigay ko ulit sa kanya. Hinablot niya yun mula sa kamay ko. Aba naman talaga. Ubos na ang pasensiya ko kay Matteo. Pero kelangan ko magpigil. Professional ako eh. "Are we done here?" tanong niya. "Yeah. Just give me a call in case you've already decided," kalmado kong sagot. Binigay ko rin sa kanya ang calling card ko. "We'll see," kinuha niya yun at tumayo. Uminom ulit ng iced tea. "I'll wait in the car," bulong niya kay Sharlene. Tumayo ako. "Nice doing business with you, Matteo." Inabot ko ang kamay ko para makipagkamay. Tinignan niya lang ang kamay ko. "It's Matt." At ayun. Lumabas na ng restaurant.

CHAPTER 3

I was dumbfounded. I've never had a client like this one. Arogante na, bastos pa. Napailing nalang ako. "Huy, pagpasensyahan mo na si Matt," sabi ni Sharlene. "Di naman ganun yun eh. Mabait yun. Promise." "Yeah. Kitang-kita ko nga eh," sabi ko sarcastically. With matching hand gestures, "Yun o, diba? Ang bait!" Natawa si Sharlene. "Alam mo, kung hindi lang kita best friend, nasapak ko na yun." Lalo siyang natawa. "I know! Cool ka lang ano ba." "Pagsabihan mo yan ah. Saka... Sabihin mo wag na siya magisip ng matagal," nakangiting sabi ko. "Oo, akong bahala dun. Don't worry," sagot ni Sharlene. "Thanks. I owe you big time." --------------------------------------------------------------Nakatayo ako sa tapat ng restaurant. Inaantay ko kasi makaalis muna sina Matteo at Sharlene bago ako kumuha ng masasakyang taxi papuntang opisina. Nakita ko si Sharlene na tinapik si Matteo at tinuro ako. Ano kaya yun? Tanong ko sa sarili ko. Maya-maya umandar na ang kotse nila. Huminto sa tapat ko. Binaba ni Shar ang window niya. "Dan, nakalimutan ko nga pala banggitin kanina. May dinner later sa bahay. Mom and Dad are expecting you. I won't take 'no' for an answer!" sabi ni Sharlene. Ano ba naman ito? Biglaan? Pano nalang kung may gagawin ako sa gabi? Buti nalang kamo wala. "See you later!" pahabol niya habang umandar na paalis ang kotse nila. Hay. Ito talagang best friend kong ito. Mahilig manggulat. Nasanay nalang ako sa tagal naming magkakilala. Our friendship started way back in High School. Transferee lang kasi ako sa school nila. 2nd year kami nun. Alam niyo naman ang pakiramdam ng bagong lipat diba? Parang takot kang pumasok dahil wala kang kilala. Malungkot dahil lagi kang magisa. Ganun ang naramdaman ko nun. Para akong alien. Si Sharlene ang una kong naging kaibigan. Anyway, ang unang encounter ko kay Sharlene ay medyo nakakaaliw. Di ko yun makakalimutan. Magkaklase kami sa Biology. Nasa harap siya nakaupo habang ako naman tahimik sa likod ng classroom.

Sabi ni Miss Roxas, teacher namin, ngayon daw namin gagawin yung project namin. Pero bago yon, magbubunutan daw muna ng magkakapartner. Lahat ng mga pangalan namin ay nilagay niya sa isang lalagyan. Ang mga babae kong kaklase biglang nagsuklay, nanalamin, at parang kinikilig-kilig pa. Parang t*nga naman, natatawa kong sabi sa sarili ko. Ang mga lalaki naman nagsipag-ingay. May naghiyawan at nagtawanan. Sabi ng isa sana daw wag niya makapareha yung isa naming kaklase na babae. Pangit daw kasi. Kapal din nito, sa loob-loob ko. Sabi naman nung isa kanya daw si Sharlene Yuzon. "Silence!" sabi ni Miss Roxas. Tumahimik lahat. "Ok, since nabanggit niyo si Ms. Yuzon, siya ang unang hahanapan natin ng partner." Muling naghiyawan ang mga lalaki. Bumunot na ng pangalan si Miss Roxas. "Mam! Alvarado ho ba ang nabunot niyo?" tanong nung gustong makapareha si Sharlene. "Hindi. Kaya you keep quiet, Mr. Alvarado." tugon ni Mam. Tawanan ang lahat. "Asa ka kasi boy!" tukso ng isa sa mga lalaki. "Ok. Enough of that. Ms. Yuzon, ang partner mo for this project ay si Mr. Burgos." sabi ni Mam. Natahimik ang lahat. Si bagito, partner ni Sharlene? Swerte ng kumag! Yan marahil ang nasa isip ng mga kaklase ko habang naglalakad ako papunta sa harapan. Umupo ako sa tabi ni Sharlene. Napansin kong tahimik siya, at tila kinakakabahan. Matapos ang pilian ng partners, nagsalita muli si Miss Roxas. "Now that you have your respective partners, you may put on your lab gowns and gloves. Magsisimula na tayo." Tumayo kami lahat at nagsuot na ng gowns at gloves. Tinignan ko si Sharlene. May sakit ba to? Naisip ko. Namumutla na siya nung mga oras na yun. "Ok class, paki tanggal na ang takip na nasa harapan ninyo." Tinanggal na ng mga classmates ko ang takip. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!! Nagulat ako at napatingin sa likod. Nagtititili ang isa naming classmate. "PALAKA!" sigaw ni Alvarado. Tawanan kaming mga lalaki habang nagtitilian ang ibang mga babae. "Ang arte niyo naman!" tukso ng ilang mga lalaki. Sa ibabaw ng ingay sa klase, narinig ko nagsalita si Sharlene. "Oh my God," sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Parang lalo siyang namutla at nanghina. Minabuti ko nang tanungin siya. "Are you OK?" sabi ko.

Tumayo siya ng maayos pero nakahawak sa table. Medyo mabilis ang paghinga niya. Di na siya nagsalita. Umiling nalang. At ayun. Nasuka siya sa harapan ko. Yuck! Nagulat ang lahat. Pinagtinginan kaming dalawa. Ako naman gulat na gulat sa sinapit ko. Hanggang... Hinimatay si Sharlene. "MA'AM!" sigaw ko. -----------------------------------------------------------------Naglalakad na ako papunta sa bahay ng mga Yuzon. Mayaman ang pamilya nila. Si Tito Gary ay executive ng isang advertising agency. Si Tita Lani naman ay associate editor ng isang women's magazine. Tatlo ang anak nila. Pangalawa si Sharlene at unica hija siya. Si Kuya Arthur ay nasa Amerika nagtatrabaho. Si Fredrick naman nasa college na. Pinapasok na ako ni Mang Jun, yung guard nila, nang makita niya ako sa gate. Pinatuloy na ko sa living room. Teka, akala ko ba may dinner ngayon? Parang wala naman yatang ibang bisita maliban sakin. Sandali, baka mali naman ang dinig ko kay Shar? Bago pa ko mabaliw sa kakatanong sa sarili ko, bumaba ng hagdan si Sharlene. "Dan! Kanina ka pa ba?" "Akala ko ba may dinner ngayon? Bakit walang tao?" tanong ko. "Meron nga. Dinner lang naman ah. Di ko naman sinabing party no," sagot niya. "Ah oo nga naman," pahiya ako ng konti. "Tara. Nasa dining room na sila." Kumapit si Sharlene sa braso ko at naglakad na kami. "What's the special occasion ba? Biglaan naman yung dinner." "Wala. Celebration lang. Wooo, if I know excited ka na kumain!" tukso ni Sharlene. "Obvious ba ko masyado?" sabi ko. Tawanan kaming dalawa. "Daniel!" bati ni Tita Lani. I hugged her and she kissed me on my right cheek. "Kamusta ka na? Buti nalang you made it." "Ok naman po, Tita. And thanks for inviting me," sagot ko naman.

"You're part of the family, Dan," sabi naman ni Tito Gary. "You know you're welcome anytime sa bahay ko." "Salamat po, Tito." I shook his hand. Nakaupo si Fredrick. Paglapit ko sa kanya, he stood up. Ngayon nalang kami ulit nagkita nito. We greeted each other. Ugali na namin na maghandshake, then bump each other's right shoulder. Buddies din kasi kami. We played basketball on weekends before. Ako ang nagturo sa kanya maglaro. Nahinto nalang when I started working. Mas matangkad na siya sakin ngayon. "Kuya, tabi na kayo ni Ate. Lipat nalang ako sa tabi ni Mommy," sabi niya. "Ok," sabi ko. Umupo na kami ni Sharlene. Akala ko wala na kami inaantay ng biglang may sumulpot sa pintuan ng dining room. "You guys aren't starting without me, are you?"

Si Matteo. Dito pala siya nakatira.

CHAPTER 4

The model that he is, ayun at naka-posing sa may pintuan ang loko. Pero nagulat siya nung makita niya ako. "Of course not! Ikaw kaya ang reason ng dinner na 'to. Lika na, join us," sabi ni Tita Lani. Napangiti si Matteo. Ah, para sa kanya pala itong dinner na to, naisip ko. Marahil dahil dun sa bago niyang billboard. Naunang pumalakpak si Tito Gary. Woooooooo!!! hiyaw ni Fredrick. Pumalakpak na rin kami nila Tita at Sharlene. Mukhang nag-enjoy si Matteo sa atensyon na nakuha niya. Lalong lumaki ang ngiti niya. "Awww. Come on guys, that's too much," pa-humble niyang sinabi. Naglakad na siya papunta sa bakanteng upuan sa kanan ko. Tinapik niya ang balikat ko bilang pagbati bago tuluyang umupo. "Kuya Matt, kilala mo na si Kuya Dan, right?" sabi ni Fredrick. "Yeah. We met this morning," sagot niya. "I'm surprised to see that you even went here just to make sure you close the deal. Talk about perseverance, man." Nagkatinginan kami ni Sharlene. Sila Tito naman nagulat sa sinabi ni Matteo. "Hindi siya nagpunta as an agent, no. He's my guest," sabi ni Sharlene. Aba, ang sungit ha! sabi ko sa isipan ko. Napangiti ako sa banat na yon. In yo' face! Hahaha. Natameme si Matteo. Si Tito na ang nagpaliwanag. "Matt, ganito kasi yan. Dan and Sharlene have been friends since high school. He's as much a part of this family as you are. Ewan ko nga diyan sa dalawang yan eh. If you ask me, mas gugustuhin ko pang maging son-in-law yang si Dan." "Daddy talaga," protesta ni Sharlene. "Oo nga, Ate. Ako botong boto kung si Kuya Dan ang boyfriend mo," singit ni Fredrick. "See. Bakit? Anything wrong with what I said? Ikaw ba, Dan. What can you say?" sabi ni Tito. Napatawa nalang ako. Ano bang dapat ko isagot? Bigla akong napa-isip. "Ah, Tito, nakay Sharlene na po yung desisyon. Malimit ko ngang sabihin sa kanya kung gano siya kaswerte sakin." Sabay tawa. "Kapal talaga!" sabi ni Sharlene. Nagtawanan kami lahat. Nakikinig lang si Matteo. Marahil ay inoobserbahan ang mga pangyayari.

Nagumpisa na kami kumain. Grabe. Ang daming pagkain. Ito ang paborito ko dito sa bahay na to. Well, bukod siyempre sa pamilya Yuzon na parang pangalawang pamilya ko na rin. Syempre, ang highlight ng gabi, yung cake para kay Matteo na may nakalagay na "Congratulations!" Ngayon nalang kami ulit nagkasama kaya naman matinding kamustahan at kwentuhan ang nangyari. Si Tita kinamusta sina Nanay. Si Tito naman kinukulit ako na sa kanya nalang daw magtrabaho. Sabi ko naman depende po sa offer. Ang lakas ng tawa ni Tito. "Pero anak, I'm serious." "I'm serious din po, Tito." Nagtawanan kaming lahat. Pagtapos ng dinner, lumabas ako sa veranda nila. Magpapababa ako ng kinain. Yosi break. Di ko namalayan na sumunod pala sakin si Matteo. Habang nag-yo-yosi ako, deep in thought, bigla siyang nagsalita. "Seems like y'all are close to each other," sabi niya. Napatingin ako sa kanya at napangiti. "Yeah. Pretty much," sagot ko. "Yosi?" I offered him one. "Nah. I don't smoke." Natahimik siya sandali. Tumingin sa langit. Tila pinagmamasdan ang buwan. Ilang saglit, nagsalit siya ulit. "So, you and Sharlene. You guys got something goin' on or what?" Nice! Parang si Kuya Arthur lang dati ah. Tinanong din kasi ako ni Kuya kung nililigawan ko ba daw si Sharlene. Humithit muna ako ng yosi bago ako nagsalita. "Nope. Magkaibigan lang talaga kami ni Sharlene." "Aren't you even attracted to her?" usisa ni Matteo. "Don't get me wrong, maganda si Sharlene. Pero parang magkapatid lang talaga kami. Kaya nga we can joke around like that. Sobrang kampante kami sa isa't isa," sagot ko. "Bakit?" Di siya sumagot. Pinagmasdan ulit ang langit. Maya-maya, nagsalita siya ulit. "When we were having dinner, you laughed a lot." So? What's the big deal? Masama na ba tumawa ngayon? Sabi ko nalang, "Oo. Ganun talaga kami when we're together. Lagi kaming masaya." "I don't think so," sabi niya. "Huh? What do you mean?" tanong ko. "You're unhappy."

Manghuhula ba ito o ano? What gave him the idea na unhappy ako? I'm never unhappy. "What made you say that?" naguguluhan kong sabi sa kanya. Tinignan niya ko ng derecho. Tapos sabi niya, "Your eyes...

they're empty."

CHAPTER 5

What? This guy's got to be kidding me. Empty na, unhappy pa. What's next? I'm a zombie? Ang wierd. "Bakit mo naman nasabi na I have empty eyes?" tanong ko sa kanya. "I was watching you the whole time this evening. I know you didn't notice me because you were so busy with everything. You know, even if it seemed like you were having a good time back there, your eyes were dead. Yes you were laughing, but I feel like in reality, you're a miserable guy," paliwanag niya. Hanep din naman ito no. Kung magsalita akala mo ang tagal na niya ko kilala. Eh yung mga totoong nakakakilala sakin hindi ako sinasabihan ng ganyan. How much more itong kaninang umaga ko lang nakilala? "Well, that's just what you feel, bro. Most of the time, what we feel isn't right," sabi ko sa kanya. "Yeah. But that doesn't mean they can't be," hirit ni Matteo. Natigilan ako sa sinabi ni Matteo. Oo nga no. Bakit ngayon ko lang din naisip yun. Mantakin mo, may sense din palang kausap tong tao na to. Di ko namalayan na naubos na pala ang hawak kong yosi. Di ko manlang na-enjoy yung stick. Sayang. Maya-maya, dumating si Sharlene. Syempre dala na niya yung take out ko para kina Nanay. "O ayan, pinadagdagan ko na yan kay manang ha. Baka magreklamo ka ulit eh, mahirap na," biro ni Sharlene. Nagulat yata siya na tahimik kaming dalawa. Tinusok niya yung tagiliran ko. Di nagtagal, sabi ni Matteo na papasok na siya sa loob. Bago tuluyang umalis, sabi niya, "Think about what I said." At ayun, pumasok na siya sa loob. "Ano yun?" tanong ni Sharlene. "Wala. Ang wierd talaga ng kinakapatid mo." Tinignan akong mabuti ni Sharlene. "O bakit? Ikaw talaga," sabi ko. Inakbayan ko siya. "Uy, salamat dito ah." "Sus. Ikaw pa, di pwedeng walang take out!" Nagtawanan kaming dalawa sa ilalim ng buwan. ------------------------------------------------------------------

"Nay, nandito na po ako!" sigaw ko pag dating sa bahay. Sinalubong ako ni Nanay, binulong na wag daw akong maingay at tulog na ang mga kapatid ko. Nag-mano ako sa kanya at inabot ang pasalubong ko. Pumasok muna ako sa kwarto ko para magbihis. Paglabas ko, dinatnan ko si Nanay na nakaupo sa may mesa. Nailigpit na niya pala ang pasalubong ko. "Kamusta naman sina Gary at Lani?" tanong niya. "Ok naman po," sagot ko. Umupo ako sa tabi niya. "Kinakamusta pala nila kayo." "Ganun ba. Sana sinabi mo mabuti naman." "Opo. Sinabi ko po yun. Si Tito naman hanggang ngayon kinukulit parin ako na magtrabaho para sa kaniya," kwento ko. "Bakit ba hindi mo tanggapin ang alok ni Gary? Mas malaki ang kikitain mo dun, anak." Huminga ako ng malalim. "Nay, ilang beses na ba natin ito napagusapan? Alam mo naman ang rason kung bakit di ko tinatanggap yun diba?" Tumahimik si Nanay sandali. Maya-maya ay nagsalita siya. "Anak, nandiyan na nga pala yung bill sa kuryente. Saka kelangan na natin magbayad ng renta sa makalawa." Hay. Wala na bang katapusan to? Di pa nainit yung inuupuan ko problema na naman. "Sige ho. Ako na bahala." "Anak, pasensya ka na ha? Inako mo na lahat ng responsibilidad dito sa bahay. Ayoko man maging ganun, wala naman akong magagawa." Pinatong ni Nanay ang kaliwang kamay niya sa kanang kamay ko. Hinawakan ko ang kamay niya. "Wala yun, Nay. Ganun talaga eh." Napaluha si Nanay. -----------------------------------------------------------------Bakit nga ba ako ang namomroblema ng ganito para sa pamilya ko? Anak lang naman ako. Marahil dahil na rin ako ang panganay sa aming magkakapatid. At ako palang ang tapos na mag-aral. Di naman kami hirap sa pera dati. Not until 4 years ago. Nag-abroad si Tatay nung papasok akong 1st year high-school. Di na daw niya kami kakayaning suportahan kung dito siya magtatrabaho. Sabi ni Nanay maghahanap nalang din daw siya ng trabaho wag lang siyang umalis. Pero ayaw ni Tatay. Siya daw ang dapat magtrabaho para sa pamilya namin. Alagaan nalang daw ni Nanay kaming magkakapatid.

Labag man sa kalooban ni Nanay, pumayag na rin siya. Sa kagustuhan niyang mapabuti ang kinabukasan naming magkakapatid, hinayaan na niya si Tatay umalis. Bago siya umalis, binilin niya sakin na wag ko pababayaan si Nanay at ang tatlo kong kapatid. Ako na raw muna ang tumayong Padre-de-Pamilya habang wala siya. Hindi ko sukat akalain na magiging totoo pala ang bilin saking yun. Nag-Saudi si Tatay. Nagtrabaho siya bilang Electrical Engineer. Malaki nga ang kita niya kumpara dito. Mahirap, di lang para kay Tatay, kundi pati samin din. Madalas ko makita si Nanay na umiiyak. Kahit na nakaka-pagchat kami, iba parin yung pakiramdam na kasama namin si Tatay. Sa unang taon na wala siya, masasabi kong kahit papano ay nakapag-adjust din kami. Tuloy-tuloy din ang padala niya ng pera. Pati nung pangalawang taon. Nung pangatlong taon, nakabili kami ng isang maliit na negosyo. Naging maginhawa nga ang buhay nun. Pero di yun nagtagal. Nung 1st year ko sa kolehiyo, medyo nabawasan na yung mga oras na kachat namin siya. Marami daw trabaho. Unti-unti rin nabawasan yung pinapadala niya. Sabi niya may binabayaran daw siya dun kaya ganun. Hanggang isang gabi, tumawag siya kay Nanay. Wala na raw siyang trabaho. Natanggal daw siya at hirap makahanap ng ibang mapapasukan. Dun daw siya muna sa kumpare niya nakatira. At yun nga, di na daw siya muna makakapagpadala. Di ko alam kung pinagtataguan ba kami ni Tatay dahil sa tuwing tatawagan namin siya, di namin siya makontak. Kung ano-ano na ang naiisip ko nung mga panahong yon, pero isinantabi ko lahat yun dahil kay Nanay. Huwag ko raw pag-isipan ng masama ang Tatay ko. Malay ba daw namin kung ano talaga ang pinagdadaanan niya dun. At wag ko daw ipilit na umuwi nalang si Tatay dahil mas lalong walang mangyayari samin kung nandito siya. May natitira parin naman daw na pera sa bangko. Kaya pa daw. Pero naubos din yun. Napilitan si Nanay na ibenta ang negosyo namin. Hanggang unti-unti kaming nalubog sa utang. Isang gabi bago ang graduation ko sa kolehiyo, dinatnan ko si Nanay na nagwawala sa kwarto niya. Galing ako ng rehearsal namin. Dali-dali kong inawat si Nanay. Ano bang nangyari? tanong ko sa kanya.

Ang Tatay ko raw... may pamilya nang iba.

CHAPTER 6

"Sinasabi ko na nga ba eh!" napasigaw ako sa galit. "Ayaw mo pang maniwala sakin, Nay! Harapanan na niya tayong niloloko nuon pa!" Hindi sumagot si Nanay. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Di ko siya iniwan nung gabing yun. At laking pasalamat kong hindi ako umalis dahil kung iniwan ko siya nun, di ko makikitang mag-collapse siya. Sa madaling salita, hindi ako nakapunta sa mismong graduation ko dahil nasa ospital kami. Sa sobrang sama ng loob, tumaas ang presyon ni Nanay. Tinulungan kami ni Tito Gary sa gastusin. Dun ko napag-desisyunan na maghanap na kagad ng trabaho. Kailangan kong tuparin ang pangako ko sa Tatay ko nuon. Ito na yun. -----------------------------------------------------------------Di ako masyadong nakatulog nung gabi, sa dami ng iniisip. Tumayo ako mula sa kama at naghanda na para sa trabaho. Malapit na magkatapusan kaya oras na para mangolekta ng bayad mula sa mga cliente ko. Its going to be a long day. Hopefully, maging ok ang lahat. Nag-kape muna ako bago umalis ng bahay. Pinag-aalmusal ako ni Nanay pero nagmamadali ako eh. Marami pa kasi akong gagawin. Ayun, buong araw ako sa labas. Punta kay ganito, punta kay ganun. Singil dito, singil dun. Mabuti nalang at madaling kausap ang mga cliente ko. Salamat sa Diyos, natapos ako bago mag-alas-siyete ng gabi. Dumaan muna ako ng opisina. Yung iba kong kapwa ahente ay naron din. Naghahabol lahat sa deadline. Lagot kasi kami sa mga cliente namin kapag lumagpas kami sa deadline. Isa ako sa mga pinakabata dun. Marami samin ang may edad na. Gaya nalang ni Tito Ric. 62 years old na siya. Retired na siya dapat, pero ayaw niya manatili sa bahay. Nabobobo daw siya pag walang ginagawa. Kaya eto, nag-ahente siya. Di masyadong demanding ang trabaho, pero good pay sabi niya. Nakakainspire yung mga kagaya niya. "Kamusta naman ang mga cliente mo, anak?" tanong niya sakin. "May bago ka bang pasok?" "Ok naman po, Tito. May isa akong prospect, pero hanggang ngayon di pa nasagot eh," sagot ko. At bigla kong naisip si Matteo. Ano na kayang balita dun?

"Follow up mo yun. Sayang. Ikaw din. You're in the running pa naman para sa Top Agent honor. Kaya mo yan," sabi niya. "Oo nga po. Don't worry, Tito. I'll do my best." -----------------------------------------------------Tinext ko si Sharlene pagkadating ko sa bahay. Tinanong ko kung ano na ang desisyon ni Matteo. Wala pa daw siyang sinasabi. Saka wala daw siya sa bahay buong araw. May meeting daw sa manager niya. Hay. Masyadong paimportante ang loko ah. Tagal magisip. Tapos, di ko alam kung bakit. Pero bigla ko naalala yung usapan namin sa veranda. Totoo ba yung sinabi niya? Na walang buhay ang mata ko? Tumayo ako sa kama ko at humarap sa salamin. Tinignan ko ang sarili ko. Tinignan ko ang mga mata ko. Ngumiti ako. Tumawa. Sumimangot. Normal naman ang mata ko ah. Pano kaya niya nasabi yun? Ilang minuto ko rin pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Ano kayang nakita ni Matteo? May kinalaman kaya yung...? Ah hindi naman siguro. Matagal na yun eh. Beep. Beep. Tumunog ang cellphone ko. Marahil si Sharlene to. Wala siguro magawa. Hey Dan. Anonymous number. Sino to? Nagreply ako. Who is this? Ang tagal sumagot. Sino kaya to? Maya-maya... Beep. Beep. Binuksan ko yung text. Yung anonymous number ulit. Nagulat ako sa nabasa ko. You don't know me? You forget easily...

What the hell? Sino ba talaga to? My heart was racing. I replied ulit. Sino ka nga? Ilang minuto, sumagot din. It wasn't what I was expecting.

This is Matt. =)

CHAPTER 7

Nung mabasa ko yun, I sighed in relief. Nagreply ako. Ah ok. Akala ko kung sino na. After a while, nagreply siya. Why? Were you expecting someone else? Natawa ako. Nope. I wasn't expecting anyone. Nilapag ko yung cellphone ko sa kama ko. Nagpunta muna ako sa C.R. Pagbalik ko, walang bagong message. San niya kaya nakuha yung number ko? Nag-isip ako saglit. Ah oo nga pala, binigay ko nga pala yung calling card ko. Humiga na ko. Inaantok na kasi ako. Saka masakit ang likod ko. Marahil napagod. Nung pumikit na ko, tumunog ulit ang cellphone ko. What are you doing? Si Matteo na naman. Medyo inaantok na ko kaya yung kanang mata ko nalang ang bukas habang nagtetext. Wala. Nakahiga na. Its been a long day. Ilang segundo lang, tumunog ulit. Ok. So, have you thought of what I said yesterday? Inaantok na ko Matteo, sabi ko sa sarili ko. Pero nagreply parin ako. Yep. But I still don't get it. Beep. Beep. Ang bilis naman magreply. Ayaw yata ako patulugin nito. Haha! Di na ko nagreply. Antok na kasi ako talaga. Maya-maya, tumunog ulit ang cellphone ko.

Hey sleepyhead! Are you still there? Di ko ulit nireplyan. Pumikit na ko para matulog. Maya-maya, ayan na naman siya. Nagtext ulit. I've thought about the insurance. Napaupo ako sa kama. Parang biglang nawala yung antok ko. Nagreply ako agad. So you're getting one? Ang tagal magreply. Naisip ko, manunukso talaga yata itong taong to. Hay. Nung hihiga na ako ulit, tumunog ang cellphone ko. Yes. Napatalon ako sa kama ko. Haha! Yes! Tataas muli ang ranking ko dahil sa'yo! Ang saya! Mukha akong tanga no? Kanina isang mata nalang ang bukas pero ngayon naglululundag ako sa tuwa dito. After catching my breath (medyo hiningal ako ng konti), nag-reply ako sa kanya. Ok. That's good. When do you want to meet para magkapirmahan na? Nagintay ako ulit sa reply niya. Beep. Beep. Friday. I'm not available tomorrow. Friday it is, sabi ko. Ayos! Saktong-sakto lang ang pagkuha niya ng insurance. Nahiga ako ng nakangiti. Hay salamat! Akala ko di na kukuha ang loko. Napailing ako at natawa. Beep. Beep. O, ano na naman gusto nito? Binuksan ko yung text. So, I'll get to see you once a month minimum?

Anu daw?

CHAPTER 8

Wierd talaga to si Matteo. May mga hirit na wala sa lugar. Yup. Ganun talaga eh. Unless you want to go pay at our head office yourself. Pwede rin yun. Message sent. Finally, makakatulog na rin ako. Nilagay ko sa silent mode yung cellphone ko at nilagay ko sa ilalim ng unan ko. Before I knew it, nakatulog na ko. Di ko na namalayan na nagreply pala si Matteo. ------------------------------------------------------------Kinabukasan ko na nabasa yung reply niya. Pero di ko na nireplyan. Wala akong appointment ngayon. Dadaan lang ako saglit sa office. May iiwan lang akong papeles. Pinapapunta kasi ako ni Sharlene ngayon sa shoot niya. Nope, hindi siya model or artista. Isa siyang stylist para sa isang men's magazine. Meron daw silang shoot sa isang bahay sa Makati. First time kong makakanuod ng pictorial kaya medyo excited din ako. Pagkagaling ko sa office, dumerecho na ko sa location. Nagtext akong papunta na ko. Nandun na raw siya pero nagse-set up pa yung staff. Wala pa yung celebrity. Nauna pa ko dumating. Tinawag ako ni Sharlene at inikot namin yung set nila. Pinakilala rin niya ako sa mga katrabaho niya. Grabe, ganito pala sa pictorial. Ang daming ilaw at mga kable. May mga parang screen pa silang gamit dun. Tinanong ko si Sharlene kung ano tawag dun. Sabi niya reflectors daw yun. Pang-disperse ng ilaw para walang shadow. Ah. Akala ko kasi filter yun. Natawa siya sabay hampas sa braso ko. Bakit ba? Di ko naman alam yang mga reflector na yan. Dinala niya ako sa dressing room. Ang daming damit na naka-hanger. Nag-ayos ng konti si Sharlene. Sabi niya maupo daw ako dun sa dresser. Pagupo ko, pinaglaruan niya ko. Pinunasan niya yung mukha ko. Tinanggal yung oil. Nagprotesta ako, pero sinampal niya ko ng mahina sa pisngi. "Tumahimik ka jan!" Pinagpatuloy niya yung ginagawa niya. "Tutal wala pa naman akong ginagawa, ikaw muna ang aayusan ko." Sabay tawa. Pagkatapos niyang punasan, nilagyan niya ko ng make-up. Sabi niya pampakinis daw yun. Para pantay yung skin tone ko. Sabi ko di ko na kailangan nun.

"Kapal mo talaga!" Pinasuot niya rin yung ibang damit na naka-hanger. Para raw maramdaman ko kung pano maging model. Maya-maya pumasok yung photographer nila. Nakita kami sa mga pinaggagagawa namin. Bigla akong nahiya. "Kit!" sabi ni Sharlene. "Meet my best friend, Dan. Dan, this is our photographer." "Nice to meet you, po." I shook his hand. "Wag ka na mag-'po.' Bata pa ko, bro," sabi niya sakin. "Akala ko ito na yung kukunan ko ngayon eh," sabi niya kay Sharlene. "Hay naku. Hanggang ngayon wala parin siya. Kanina pa nga naghihintay yung writer eh," sagot ni Sharlene. "Oo nga eh. Kailangan ko nga pala ng test shots. Titignan ko kung ok na yung set up nila," sabi ni Kit. "Pwede ka bang mag-stand-in muna?" "Ayoko nga!" sabi ni Sharlene. "Shy type ako no!" Nagtawanan kaming tatlo. "Eh diba gusto mo maging lingerie model?" tanong ni Kit. "Oo nga. Pero gusto ko official shoot ko hindi stand-in lang. Eto nalang si Dan tutal naka-ayos na siya." Tapos tinulak niya ako. Tinignan ako ni Kit ng mabuti. Tapos ngumiti. "Tara!" sabi niya sakin. "Sandali..." pinagpapawisan na ko. "Sandali lang. Wag na ko. Iba nalang..." "Wag ka nga, stand-in lang naman yan. Dali na, para kunwari model ka," hinila ako ni Sharlene. "Sige, tayo ka dun, Dan. Sandal mo yung balikat mo sa may pader. Ayan, tapos tilt down mo yung ulo mo. Put your hands in your pocket. Natural lang. Yan! Perfect! Hold that pose." Tapos nagumpisa na si Kit kumuha ng mga litrato. Sunod niyang pinagawa sakin eh pinasandal niya yung likod ko sa pader. Tapos pinatingin niya ako sa malayo. "Emote ka!" Panong emote? sabi ko. "Kunwari nakita mo yung ex mong alien!" sigaw ni Kit. Nyek! Patay tayo jan. Huli niyang kinunan yung nakaupo ako. Sabi niya close-up daw yung kuha. Pina-turn niya yung mukha ko ng konti to the right. Tapos tingin sa camera ng derecho. Then smile.

"Ok! Thanks, bro," sabi ni Kit. Pumunta siya sa laptop niya at nilipat yung mga kuha niya. "O kamusta naman ang experience?" nakangiting tanong ni Sharlene. "Ang sarap pala mag-pictorial no?" sabi ko. "Baka masanay ako nito," biro ko. "Sus, hanggang ngayon lang ang career mo. Testing lang yan. Natuwa ka naman..." tukso ni Sharlene. "Alam mo, ikaw lang yata yung best friend na sobrang supportive. Yun o, damang-dama ko." Tumawa siya ng malakas. "Uy, nagtatampo na yan..." Tinusok niya yung tagiliran ko. May kiliti kasi ako dun. "Syempre naman supportive ako sayo. Best friend kaya kita. Sige na, pang model na ang itsura mo. Ang gwapo mo nga kanina eh!" Kahit na alam kong biro lang niya yun, napangiti parin ako. Maya-maya, sinilip namin yung ginagawa ni Kit. Tinitignan pala niya yung mga litrato ko. Pinag-aaralan. "Kit, tulala ka jan," sabi ni Sharlene. Tinignan namin yung mga litrato. Aba! Ang ganda ng mga kuha ah. Di pa ko nagkakaron ng ganyang mga pictures. Dun ko naramdamang parang model talaga ako. "Hey, nice shots!" sabi ni Sharlene. "Si Dan ba talaga yan?" Natawa si Kit sa sinabi ni Sharlene. Tumingin si Sharlene sakin sabay sabi ng "Peace!" "Di ko tuloy alam kung compliment ba sa skills ko yun o hindi," sabi ni Kit. "Pero seriously, nagulat ako sa mga test shots na to. Alam mo, Dan, may profile ka," sabay turo dun sa close up ko. "Tignan mo to o, ang ganda ng jawline mo. Saka maganda yung register mo sa pictures. Tignan mo tong nakatingin ka sa malayo. Maganda siya kasi maliit yung mukha mo. Tamang-tama lang. Actually pwede ka eh." Nahiya naman ako sa papuri ni Kit. Sa loob ko, tuwang-tuwa ako. Self-esteem meter ko pumalo ng 100%. "Oh my God, Dan, ang ganda nga! O sadyang magaling lang talagang photographer si Kit?" tukso ni Sharlene. Self-esteem meter balik sa 0%. Ang galing talaga nito ni Sharlene. "Konting retouch lang dito ok na ok na," sabi ni Kit. "Bro, pwede bang makahingi ng kopya? Pang-Facebook ko lang," request ko. "Sure. Wait lang, lagyan ko lang ng watermark tapos burn ko sa CD," sabi niya. "Naks! Talagang ilalagay sa FB ha," sabi ni Sharlene.

"Syempre naman. Minsan lang to no," tatawa-tawang sabi ko. Pinanuod ko si Kit habang inaayos niya yung mga pictures. Nung yung close up ko na ang inaayos niya, may napansin ako. Bakit ganun? Bakit parang wala lang? Yun ba yung tinutukoy niya? Yung mata ko kasi... walang expression.

Nakita ko na rin yung sinasabi ni Matteo.

CHAPTER 9

Sabay na kaming umalis ng location ni Sharlene. Naibigay na rin sakin ni Kit yung mga pictures ko kanina. Kinuha rin niya yung calling card ko. Masyado yata siyang natuwa sa mga litrato ko. Sabi niya kasi ipapakita daw niya yung mga yun sa mga kilala niya at baka may magkainteres na kunin ako para maging model. Kahit na yung mga print lang daw, at least may pangdagdag kita daw ako. Naisip ko, wala nga namang masama dun. Habang nagmamaneho si Sharlene, napansin niya sigurong tahimik akong nakaupo. "Uy! Anong iniisip mo?" usisa niya. "Ha? Wala naman," sagot ko. "Wala raw. Halata kayang may iniisip ka. Ano yan, problema na naman?" tanong niya. Kilala niya talaga ako. Alam niya agad pag may gumugulo sa isip ko. "Wala yun. Don't worry about it," sabi ko. Pero sa totoo lang, iniisip ko yung sinabi ni Matteo. Pati na yung nakita ko sa litrato ko. "Ok. Sabi mo eh," sabi niya. "Maiba tayo. Ang gwapo mo talaga kanina, promise. Walang biro." "Wooshoo... Tama na, Shar. Bumenta na yan," sabi ko. "Hay naku. Mag-re-react ba ng ganun si Kit kung hindi siya bumilib kanina? Isa lang naman siya sa mga pinakamagaling na photogs ngayon no." Di ako umimik. "Biruin mo, kinuha pa niya yung contact number mo. Ang galing mo talaga mambulag, Dan!" sabi niya. Natawa ako. Medyo awkward yung sitwasyon para sakin. "Actually, masarap pala yung feeling no?" "Enjoy talaga sa ganun. Pano kaya kung maging model ka din no? Oh my God, for sure mas maraming magkakagusto sayo! Ngayon ngang di ka sikat marami ka nang fangirls eh, how much more kung sikat ka na? Naks naman!" tukso ni Sharlene. "Nasan ang fangirls? Nasan? Bakit single parin ako hanggang ngayon?" tanong ko. Nagtawanan kaming dalawa.

"Pa-humble ka rin masyado no? Masyado ka kasing choosy. Ang dami kayang nagkakandarapa sayo nuon pa." Now this is more awkward. "Alam mo, Shar, hindi ako choosy. Wala lang talaga akong time para sa ganyan. Alam mo naman ang sitwasyon ko diba." Natahimik si Sharlene. Nag-iisip habang nagmamaneho. Maya-maya, bigla siyang nagsalita. "Yung sitwasyon ba talaga ang dahilan, o yung nakaraan?" Di ako nagsalita. Bakit ba kailangan pang banggitin yan? "Uy, di ka na sumagot," sabi ni Sharlene. "Let's not talk about it," paki-usap ko. We rode in silence. -----------------------------------------------------------------I got home around 9 PM. Tinanong ako ni Nanay kung kumain na ba daw ako. Sabi ko oo, pero sa totoo lang wala akong gana kumain. Dumerecho ako sa kwarto ko. Nilagay ko ang bag ko sa kama at umupo saglit. Nag-isip. May kumatok sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko si Nanay pala. May sakit ba raw ako. Wala po, Nay. Ok lang ako. Ligo lang ang katapat nito, sabi ko. Pagkatapos ko maligo, nahiga na ko. Di mawala sa isip ko yung tanong ni Sharlene. Yung sitwasyon ba talaga ang dahilan, o yung nakaraan? Bakit ba kasi kelangan pa niya itanong yun? Ok na ko eh. I'm doing fine. Its been awhile. Akala ko nalimutan ko na yun. Pero hindi pala. Pinikit ko nalang ang mga mata ko, hoping that the darkness will hide the ghosts of my past. Pero hindi eh. Mas naging malinaw pa sila sa dilim. Beep. Beep. May nagtext. Kinuha ko ang cellphone ko. Si Sharlene.

Danny boy, cheer up na ha? Sorry for bringing it up again. Smile ka na okie? Nagreply ako. Ok lang. Don't worry. Good night. Pumikit ulit ako. Ilang sandali... Beep. Beep. Binuksan ko yung message. See you tomorrow. 7 PM. Dinner. Si Matteo yung nagtext.

Bakit dinner?

CHAPTER 10

Nagreply ako. Bakit dinner? Sumagot agad si Matteo. I'm not free in the morning and afternoon. Naisip ko siguro busy. Sinagot ko nalang siya ng "Ok." -----------------------------------------------------------------Kinabukasan, di ako umails ng bahay. Wala naman akong appointment kasi. Minabuti kong magpahinga nalang sa kama. Or dahil nasa isip ko padin yung kagabi? Di ko alam. Mga bandang 5 PM, naghanda na ko. Para in case magtext si Matteo, ready na ko umalis. Nagtext siya before 6 PM. Dun daw kami magkita sa Italian Restaurant. Umalis ako agad. Ayoko na malate ulit. Mahirap na. Dumating ako five minutes before 7 PM. Wala pa siya. Pumasok na ako. May reservation daw kasi siya dun. Aba, ayos to, sabi ko. Nagantay ako sa table. Mabuti nang maaga ako at ako ang magantay. Kesa naman maulit yung nangyari dati. Pagkalipas ng 15 minutes, nakita ko ang isang familiar-looking car. Pagkaparada, bumukas yung pinto sa driver side. Si Matteo yung lumabas. Naka peach v-neck shirt siya, slim jeans na color black, tapos naka-jacket. Sobrang casual niya samantalang ako naka-polo at slacks. Adik. Pumasok na siya ng restaurant at naglakad patungo sa table namin. Tumango siya sakin in acknowledgement. Tumayo ako from my seat. "No, no, no, no. Take your seat, bro. You're too formal," sabi niya. Umupo na kami. "Salamat ha," sabi ko. "Saan?" sagot niya.

"Marunong ka naman pala mag-Tagalog," sabi ko. "Of course. I'm half-Pinoy," nakangiting sabi niya. Aba, good mood si loko, naisip ko. "Akala ko kasi you just understand Tagalog. Marunong ka rin pala magsalita," sabi ko. "I understand it, yeah. I speak a little, not too much," paliwanag niya. "Anyway, why thank me?" "Wala. Kasi you're getting one. Its a big help to me," sagot ko. "Ah, I see." Tinitigan niya ako saglit, tapos ngumiti. Ano kaya yun? sabi ko sa sarili ko. May topak talaga tong tao na to. "You wanna order now? Or you wanna finish the deal first?" "Whatever you want, bro," sabi ko. "Ok, let's have the insurance first. We'll eat later." At yun na nga. Another feather on my cap. Pumirma na si Matteo Andrea Rutigliano sa kontrata. -----------------------------------------------------------------Habang nakain, nagkwentuhan kami. Ok naman pala itong si Matteo. Akala ko nung una masama ang ugali. Di naman pala. At yun, di ko inaasahan pero mabilis akong napalagay sa kanya. Para bang matagal na kami magkakilala. Out of the blue, bigla niyang naitanong. "What does your name mean?" "My name?" sabi ko. "Yeah. Yung pangalan mo, what does it mean?" sagot niya. "I have no idea. Kelangan ba meron?" tanong ko. "You know, our names have their own meanings. Parents don't give names just like that. Sometimes, our names describe what we are as a person," sabi niya. Wow. Ang lalim nun ha. Medyo nalunod yata ako. "Eh, what does your name mean?" "Well, Matteo means 'Gift from God.' That's what my parents consider me to be. Andrea on the other hand means 'Manly.' No need to explain further, right?" paliwanag niya. "Fits perfectly, don't you think? I'm a manly gift from God."

Natawa ako. "Yeah, right." Pinagmasdan niya na naman ako. Nainsulto yata dahil pinagtawanan ko siya? I went back to eating. Nagsalita siya ulit, "You should know your name's meaning, too." "Maybe next time. I'll research on it," sabi ko. Pero sa totoo lang, wala akong balak gawin yun. Its a petty thing para sakin. Sinabi ko lang yun for him to let go of the topic. Good thing, di na niya ulit namention yung topic na yun. Kinwento nalang niya na kahapon, nasa final casting pala siya kaya di siya pwede. Sabi ko ano yung final casting? Yun pala yung last step para makakuha ka ng commercial sa TV. Nag-audition daw kasi siya para sa isang project. Ayun, umabot siya hanggang final casting. Hopefully daw makakuha siya ng feedback next week. Ayos din to no. Masipag din, sabi ko sa sarili ko. Akala ko kasi isang spoiled brat lang ito na galing ng ibang bansa. Dun ko naisip na may something different sa kanya. Kung ano yun, di ko alam. Basta, may kakaiba sa kanya. -----------------------------------------------------------------Pasado alas-nueve na ng gabi. Sabi ko baka pwede na ko mauna. "Oh yeah, I didn't notice the time. Sorry," sabi niya. "Ok lang. I had a good time," sabi ko. "Really?" sagot niya. Parang na-amuse siya sa sinabi ko. Ano yung nakita ko? Evil grin? "Yeah. O baka sabihin mo na namang I have dead eyes," biro ko. "I'm not saying that tonight, bro," sabi niya. Ok. Wierd na ulit siya. Tumayo na ko para umalis. Pero pinigilan niya ako.

"I'll drive you home," sabi niya.

CHAPTER 11

"Wag na, bro. Its ok. I'll just get a cab," pagtanggi ko. "I insist," sabi niya. Ano pa bang magagawa ko? Nakakahiya man, sumabay na ako. Yung gamit niyang kotse ay yung kotse ni Kuya Arthur. Nasa Amerika naman kasi siya. Nakababa ang windows namin kahit naka-air con. Naisip ko, "Wow! Ang cool nito." Haha. Nagpatugtog si Matteo. Puro R&B. Kwento niya, he loves having a good time. May pagka-night person daw siya. Saka mahilig gumimik. Pero hindi siya nalabas with big groups. Mas gusto niya yung two or three people lang. Mas intimate daw kasi. Ako naman, I've long given up on these things. Ngayon, I have better things to do than go out and have a good time. Medyo nag-isip siya. Sabi niya di daw dapat ganun. "You have to unwind once in a while, you know." Yan ang sabi niya. Tama nga naman. Don't get the wrong idea. I'm not a stuck up person na walang ibang alam kundi magtrabaho at mamroblema. Its just that I have a different perspective now than before. Medyo tahimik kami pagtapos. Yung music lang ang maririnig. Pareho yata kaming may iniisip. O naubusan na kami ng pag-uusapan. Hanggang huminto kami sa tapat ng malaswa niyang billboard. Napatingin ako dun. Tumingin ako kay Matteo. Tinitignan din niya pala yun. Sabi ko, "Looks familiar. Have you met him, bro?" Nagtawanan kaming dalawa. Na-curious ako. Tinanong ko siya, "What does it feel like? Seeing yourself in one of those?" Di siya sumagot. Ngumiti lang. "Is that what you really wanna do?" ininterview ko na siya. "A bit. At least for now, that's what I wanna do. Pero, not forever. I look forward to finding a real job, know what I'm saying?" sabi niya.

Tumango lang ako. Iba nga siya. Bigla ko naisip itanong. "Bro, why didn't you get the insurance the first time around? Bat nag-isip ka pa?" Tinignan ko siya waiting for an answer. But it never came. -----------------------------------------------------------------Sandali lang yung byahe namin. Wala na kasing traffic nung mga oras na yun. Huminto kami sa tapat ng bahay namin. Binuksan ko na yung pinto ko at bumaba. Di ko na pinababa si Matteo. Sinara ko yung pinto tapos sumilip ako sa bintana. "Hey, thanks for the ride," sabi ko sa kanya. "No problem. Anytime," nakangiti niyang sabi. "Ok. Ingat ka." Tumayo na ko ng derecho at tinapik ko yung bubong ng kotse. Nilabas niya yung kaliwang kamay niya at kumaway. Umandar na siya paalis. "Good guy," sabi ko sarili ko. At pumasok na ko ng bahay namin. -----------------------------------------------------------------What a good day this has been. Tinawagan ko si Sharlene para sabihing ok na yung insurance ni Matteo. Ako na bahala dun. She congratulated me kasi I'm on my way to being the Top Agent daw. Natawa ako. Di pa kaya. Malayo pa yun. Pero Matteo is a welcome addition sa clientele ko. Tinanong ko kung nakauwi na si loko. Wala pa raw. Naligo muna ako bago maghanda para matulog. Beep. Beep. Nagpupunas pa ko ng buhok eh. Istorbo naman tong cellphone na to. Binuksan ko ang message. Nagtaka ako sa laman. Hey, Attractive. Si Matteo yung nagtext.

Nagreply ako. Wrong send. Ilang saglit, nagreply ulit siya. Nope. Its for you. Nawiwierduhan na ko talaga dito. Nagreply ako ulit. Sinakyan ko nalang. Alam ko naman yun. You didn't have to tell me that. Beep. Beep. Yeah. Kaya nga your name fits you perfectly. Ano ba to? Ito na naman si name. What do you mean? Ang bilis niya sumagot. Daniel means Attractive.

Wow. Ni-research niya pala.

CHAPTER 12

Ayos din ito ah. Talagang nag-effort pa para hanapin yun. I didn't know what to say. Ah ok. Yun na ang naging reply ko. Walang kwenta no? Beep. Beep. Yup. Told ya. Natawa nalang ako. Para makumpleto na, tinanong ko na rin yung ibig sabihin ng Marc. Ilang saglit, nagreply siya. You sure you wanna know? I don't know if this is really you... Dahil curious na rin ako, sabi ko ok lang. Tapos sinagot naman niya. Marc means 'dedicated to Mars' and 'warlike.' Are you a warfreak, bro? lol Haha! Ako warfreak? Hindi kaya. Sobrang bait ko nga eh! Nagreply ako. Not likely. But I'd consider myself a warrior. Baka ganun, bro? Beep. Beep. Haha! Siguro. I like that. Attractive warrior. Di na ko nagreply. Beep. Beep. Hey sleepyhead! Are you sleeping na? Ang kulit din nitong tao na to. Nagreply ako. Yep. I'm falling asleep in about 2 minutes. Nagreply agad siya.

Alrighty. Good night Daniel Marc a.k.a. Attractive Warrior. Natawa ako. Rub it in, man. Di ko pa maramdaman masyado. Good night Mr. Rutigliano. Message sent. Pero sa totoo lang, hindi pa ako inaantok. -----------------------------------------------------------------Attractive Warrior. Ayos ah. I never thought my name meant something like this. I kinda like it. Nakangiti akong nahiga sa kama. I felt good. Ewan ko kung bakit. Basta I felt good. Really good. Nakahiga ako pero hindi ako inaantok. Nakatingin lang ako sa kisame. Nag-iisip. Totoo kaya yun? That your name defines your person? Parang gusto ko na maniwala. Pero. Baka naman nagkakataon lang yun. Siguro nga. Ang gandang coincidence naman kung sakali. Di ko sinasabing I'm attractive or what. Actually, I never thought of myself like that. Di naman ako pangit, pero di rin naman ako talaga yung gwapo. If I'll rate myself, I'd say I'm above average. Let's see... I'm 5' 9". Medyo may pagka-singkit. Brown eyes. Makapal ang kilay.

Pointed ang ilong ko. Namana ko yun kay Tatay. Maliit ang mukha, pero medyo prominent ang cheek bones ko. I always liked my smile. Yun din kasi ang unang napapansin ng mga tao sakin. I have a dimple on my right cheek. Nice teeth, thanks to my orthodontist. Yung buhok ko manipis. Wash and wear nga siya eh. Parang wig lang diba? Sobrang dali i-manage. Slim ako. I don't go to the gym, pero medyo defined yung upper body ko. Dahil na rin siguro sa paglalaro ng basketball dati. Ano pa ba?... Hmmm... Ah, I wear size 10 shoes. Ayun. Nothing special right? Kaya hindi rin ako lubos maniwala sa sinasabi ni Matteo. Siguro sa pagiging warrior, pwede pa. Pero dun sa pagiging attractive, hindi masyado. Kasi tignan niyo, kung attractive nga ako, bakit walang nagkakagusto sakin? Yung fangirls na sinabi ni Sharlene nung isang gabi, nasan sila? Di ko sila makita. Bakit single parin ako ngayon? At bakit hindi ako sinagot nung nililigawan ko dati? Oops.

Ayoko na sana yun sariwain pa.

CHAPTER 13

"Shar," sabi ko, "is there something wrong with me?" Malungkot si Sharlene. Namamaga na yung mga mata niya. "No! There's nothing wrong with you." Tapos niyakap niya ako. "Wag na wag mong iisipin yan." Bakit ganun? Tanong ko sa kanya. "Tanga lang talaga siya! She's not worth it, Dan. Believe me," sagot niya. "Wag mo na pagaksayahan ng panahon yun." Ano bang nangyari? Bat umabot sa ganitong eksena? 3rd year high school kami nun. Yun yung una kong experience with love. At medyo hindi maganda ang nangyari. Classmate namin si Princess Santos. Isa siya sa mga sikat na babae sa campus dahil sa ganda niya. 2nd year palang kami, gusto ko na siya. At alam yun ni Sharlene. Pero di pwede eh. Dahil may boyfriend na siya. First to be exact. Isang araw, nakita ko si Princess magisa. Umiiyak. Nilapitan ko siya. Medyo naghesitate akong magsalita kasi baka bigla niya ako sigawan. Kaya mahina yung boses ko nung tinanong ko siya. "Ok ka lang?" Di siya tumingin sakin. Nagpunas ng luha. Suminghot. "Pasensya na ha. Di ko kasi mapigilan eh." Tumabi ako sa kanya. "Anong nangyari?" Humarap siya sakin. Pulang-pula na yung mga mata niya sa kaka-iyak. "Wala na kasi kami ni Jeric eh. Naghiwalay na kami." Tapos ayun umiyak siya ulit. Inakbayan ko siya para i-comfort. Hanggang umiyak na siya sa balikat ko. Di ko siya pinigilan. Hinayaan ko lang siya umiyak. Biglang dumating si Sharlene at nakita kami. Pero sinenyasan ko siya na mamaya na kami magusap. Sumenyas din siya ng "Anong nangyari?" Sabi ko mamaya ko na ikwento. At umalis muna siya. Nung wala na yata siyang luha, sabi niya, "Sorry ha. Mukha akong tanga. Ikaw pa yung iniyakan ko. Nakakahiya." Alam ko na yung ibig sabihin nun. Nalaman niya kasi na gusto ko siya. Kung pano, hindi ko alam.

"Ok lang yun," sagot ko. "Tama na ang iyak." "Oo," sabi niya. "Sana pwede nalang tayo pumili ng mamahalin no?" Tumawa lang ako. Sabi ko, "Oo nga eh. Kung pwede nga lang talaga. Yung piliin natin eh yung mahal din tayo." "Tulad mo?" tanong niya. Ngumiti nalang ako at di na sumagot. Pero, mukhang nagbunga naman ng maganda yung pangyayaring yun. Naging malapit kami sa isa't isa. Palagi kaming magkasama, magkausap, magkatext. Minsan nga nagseselos na si Sharlene dahil nababawasan yung oras na magkasama kami. Pero ok lang daw. Naiintindihan daw niya. Syempre, in love kasi ang best friend niya. Dun ako nagsimulang mag-ayos ng sarili. Magbihis ng maayos. Magpabango. Nakakahiya naman kung hindi ko gagawin yun. Eh Princess and I were already dating. Yup. Madalas kaming lumabas dalawa. Nakita ko kasi na mukhang naka-move on na siya. Hindi na rin siya umiiyak. Palagi nang nakatawa. Sa madaling salita, ramdam kong she's ready for another relationship. Tinanong ko sa sarili ko, what if I take our relationship to the next level? Aksyunan ko na kaya yung nararamdaman ko? Siguro naman alam na niya na gusto ko siyang maging girl friend. Sabi ni Sharlene, why not? Go for the gold Danny boy! Bumili ako ng bulaklak. Sosorpresahin ko si Princess. Sana maging ok ang lahat. Pinuntahan ko siya sa bahay nila. Nag-door bell ako. Si Princess ang lumabas. Nagulat siya nang makita niya ako. Binuksan niya yung gate. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. "Para sayo nga pala," sabi ko sabay abot nung dala kong bulaklak. "Pwede ba kitang makausap?" Kinuha niya yung bulaklak. "Para san to?" "Princess, napag-isipan ko na ito ng maraming beses. At ngayon handa na ko. Matagal na kong may

gusto sayo pero hindi ako gumawa ng move dahil alam kong meron ka pa. Pero ngayon nakapagdesisyon na ko," sabi ko. "Princess, can you be my girlfriend?" Nakatitig lang siya sakin. Nagulat yata sa sinabi ko. Maya-maya, sumagot siya. "Dan, I want to thank you sa lahat ng ginawa mo for me. Ikaw yung isang reason kaya ako sumaya ulit. Pero..." Biglang bumukas yung pinto nila. At nagulat ako sa nakita ko. Si Jeric. "Dan, I'm sorry. Kami na kasi ulit ni Jeric," nakatungo niyang sabi sa akin. What the fuck. Parang sinuntok ako sa sikmura. "Ah." Yun lang yung nasabi ko. Tapos I walked slowly backwards. Nung medyo malayo na ko, I turned to walk away. From this dream. From Princess. From the hurt. Si Sharlene ang unang pinuntahan ko nun. Siya ang umiyak para sakin, dahil ayaw lumabas ng luha ko. "Anong akala niya sayo? Clown? Entertainment habang hiwalay sila ng ex niya?" galit na galit niyang sinabi. "Yaan mo na. Baka hindi niya lang ako kaya mahalin," mahina kong sabi. "Bobo siya! Ano pang hahanapin niya sayo? Naku nanggigigil ako dyan sa babae na yan! Masyadong user!" galit paring sabi ni Sharlene. "Bahala na siya. Kung yun ang gusto niya wala na ko magagawa," malungkot kong sagot. Yun yung isa kong experience with love.

Yung isa... Sikretong malupit.

CHAPTER 14

Beep. Beep. Nagising ako sa text ni Matteo. Hey sleepyhead! Wake up. Maaga pa. 8:35 AM palang. Lunch pa yung meeting ko sa office. Argh! Nagreply ako. Go away. Its too early. Maya-maya, nagreply ulit siya. I got the part. Anong part? Napa-isip ako. Di ko alam yung tinutukoy niya. Or dahil tulog pa yung isip ko at bukas lang yung mata ko. Nagreply ako. Which part? Medyo matagal yung reply niya. Pero dumating din. The TVC I auditioned for. I was told I was cast. Dun ko lang naalala na may inaantay pala siyang feedback. Wow! Swerte ni loko! Commercial model na rin. Congrats! Sisikat ka na! Nagreply siya. LOL. =) Babalik sana ako sa pagtulog, pero nagtext ulit siya. You doing anything tonight?

Hay. Kulit. Wala naman. Why? Beep. Beep. Celebrate tayo. Nagreply ako. Bakit ako? Why don't you celebrate with your friends? Bilis niya magreply. You're my friend, right? Ok. Wala na akong sinabi. -----------------------------------------------------------------Dinaanan ako ni Matteo sa opisina. Di ko akalain na maarami pala akong gagawin kaya medyo nasira yung plano. Dapat kakain kami nun sa labas. Treat niya. Pero nag-iba nalang kami ng plano dahil kumain na ko sa office. Inom nalang daw. Kaya ayun, sa isang Restaurant and Bar kami nagpunta. Umorder siya ng bucket ng beer, saka ng food niya kasi di pa siya nagdi-dinner. Pinili din niya dun sa smoking area dahil alam niyang naninigarilyo ako. "Thanks nga pala," sabi ko. "That's nothing. Thanks din for celebrating with me," nakangiti niyang sinabi. "So, yung commercial, when are you going to do it?" tanong ko. Di siya agad nakasagot dahil nanguya siya. Ako naman inumpisahan ko na yung isang bote ng beer. Tigtatlo kasi kami. "We're shooting it out of town. Tito Jonas, my manager, knows all the details. Basta what I know is its two shooting days. They're making three versions," paliwanag niya. Uminom ako ng beer. Wala akong kaalam-alam sa ganyan. Basta napapanuod ko nalang yung mga yun sa TV. Ni minsan, di ako nagka-interes sa ganun.

Tinanong niya ko, "Haven't you tried out for commercials?" "Nope." Mabilis kong sagot. "Why?" "Wala lang. I'm not interested," paliwanag ko. "And I'm shy." Natawa siya. "Its fun. You should try it." "I don't know if I will," sabi ko. Natawa kami pareho. Di ko inakalang may bisyo pala to si Matteo. Ang akala ko kasi pag model ka dapat healthy living. Sabi niya sakin ok lang daw uminom, he can burn the calories in the pool. Wag lang smoking. "Pool?" sabi ko. "Yep. I'm a swimmer," sagot niya. Ah, kaya pala. Kaya lean ang katawan niya. Broad shouldered. Slender ang waist. Perfect V-shaped torso. Hindi yung katawan na resulta ng pagbababad sa gym. "Varsity?" tanong ko. "Yup. Gradeschool to College," pagmamalaki niya. Ayos ah. Siguro sa tubig ito nakatira. "Ikaw? Are you into swimming?" tanong niya. "Nope. I can hardly float," sagot ko. Nagtawanan kami. "Come with me minsan. Let's swim," yaya niya. "I don't think so. I might drown," sabi ko. Natawa siya. "You're with me naman." I smiled. "Bakit? Salbabida ka ba?"

"Nope," sagot niya. "But I can save you."

I choked on my beer.

CHAPTER 15

"Bro, I wouldn't jump into the water knowing I'll drown in the first place. I'm not a dimwit," sabi ko. "Wow. Dimwit. That's a strong word," sabi niya. Uminom siya sa huling bote niya ng beer. Ubos na yung akin. Tama ba yung sabi ko? I'm not a dimwit? Yeah, tama nga. There was one time na aaminin kong dimwit ako. Pero nuon pa yun. "You keep surprising me," sabi ni Matteo. "You, bro, give me the creeps," sagot ko. Natawa siya ng malakas. "Why so?" "Wala. Basta. Ganun lang talaga," sabi ko. I-iling iling siya. Ano kaya iniisip niya sa sinabi ko? Inubos na niya yung beer niya. "Let's go?" tanong niya. "Yeah," sabi ko. Hinatid niya ko ulit. -----------------------------------------------------------------Tinawagan ako ni Sharlene. Nagpapasama magshopping. If I know, gagawin lang niya akong hanger ng shopping bags niya. Pagdating namin sa mall, nagumpisa na siya mag-ikot. Tinanong ko, "Ano bang bibilihin mo?" "Ewan ko. Maghahanap palang," sagot niya. Tapos kumindat. Sus. Patay tayo jan. Magkakaron na naman ako ng kalyo sa paa. Siguro kung magkakaron ulit siya ng boyfriend, ang una kong sasabihin dun sa lalaki eh "Good luck." Mag-invest siya sa sapatos dahil mapupudpod yun pag sinamahan niyang magshopping si Sharlene. Maganda magdala ng damit si Sharlene. Fashionista siya eh. Laging nakaporma, laging maganda. Parang

kahit ano isuot niya, ok ang resulta. Eh maganda naman kasi talaga siya. Payat, chinita, mahaba ang buhok. Makinis, sexy. Kaya nga ang daming nagpaparamdam sa kanya, di lang niya pinapansin. Sawi rin kasi siya sa pag-ibig. Naka-tatlo na siyang boyfriends. Yung pinakamahaba niyang relationship was for 9 months. Yung dalawa, 3 months saka 4 months. Ewan ko ba kung ano ang nagiging problema. Kasi sa pagkakaalam ko, ok naman si Sharlene. Habang namimili siya ng damit, tumunog yung cellphone ko. Nagtext si Matteo. We've shot some scenes na. Wish me luck naman! Wow! Nagumpisa na pala yung shooting niya. Nag-reply ako. Good luck! Napa-ngiti ako. Di ko namalayan na tinatawag pala ako ni Sharlene. "Huy!" Sinundot niya yung tagiliran ko. "Bakit ka naka-ngiti jan? Para kang tanga." "Ah. Wala. May naalala lang ako." Nagsinungaling ako. Bakit nga ba ako naka-ngiti? "Anong maganda? Itong white or itong brown?" tanong niya. "Yung white," sagot ko. "Good choice. We think alike," sabi niya. Kumuha siya ng size niya tapos pumasok sa fitting room. Tinignan ko yung cellphone ko. Walang text. Ilang saglit, lumabas siya. "Ano? Bagay?" tanong niya sakin. Naisip ko, kahit basahan yata isuot mo maganda parin ang resulta. Sinagot ko siya, "Sobra." Ngumiti siya tapos pumasok na ulit sa fitting room. "Ang ganda ng girlfriend mo, sir. Bagay na bagay kayo kasi gwapo ka tapos maganda siya," sabi nung

saleslady. Natawa ako. Lagi kami napapagkamalan kasi ni Sharlene. "Salamat. Nambola ka pa, miss." "Hindi, sir. Totoo po yun." "Salamat." At yun, lumabas na si Sharlene. Binayaran na niya yung damit. Inabot niya sakin yung paperbag. Inakbayan ko siya habang naglalakad kami palabas. Nakita kong tinitignan kami nung saleslady. Nakangiti siya. Kinawayan ko. "Sino yun?" sabi ni Sharlene. "Wala. Bago nating fan," sabi ko. Tapos natawa siya. Alam na niya yung ibig sabihin nun. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa. Tinignan ko. Walang text. Teka, bakit ba ako check ng check ng cellphone ko? Di naman ako ganito dati. Binulsa ko ulit yun. After 3 solid hours of shopping, naka-limang paperbag ng damit at apat na kahon ng sapatos si Sharlene. Ang sakit na ng paa ko. Pero parang hindi siya napagod. Gusto pa ngang mag-ikot pero surrender na talaga ako. Naawa naman yata sakin kaya ayun, kain nalang daw kami. We went to a coffeshop. Naupo na siya at binigay sakin yung wallet niya. "Treat mo?" sabi ko. "Oo. Nakakahiya naman sayo no," natatawa niyang sabi. "Gusto mo pa-foot spa pa kita? Baka kinalyo ka na kasi." "Ok na to. No need for that," sabi ko. "Ikaw na bahala. Alam mo naman yung gusto ko eh." Nilagay niya yung mga gamit niya sa gilid. Nagpunta na ko sa counter para umorder. Dalawang iced coffees tapos isang slice ng chocolate cake at isang danish. Habang hinahanda yung order ko, kumuha ako ng tissue at straw. Pag-ikot ko, may nakabangga ako. Pagtingin ko, nanlaki yung mata ko.

Pati siya parang nagulat na makita ako dun. Si Sean. Napatingin ako sa direction ni Sharlene. Nakatalikod siya. Hindi niya nakita kung sino ang nandito. "Daniel?" tanong niya. "Sean?" sagot ko. "Oo, ako nga." "Anong ginagawa mo dito?" sabi ko.

Patay na. Malaking gulo ito.

CHAPTER 16

Ayos din yung tanong ko no? Ano pa bang dapat gawin sa ganitong lugar? "Tagal nating di nagkita ah," sagot ni Sean. Awkward. "Kamusta ka na?" tanong niya. "Ako ba ang gusto mong kamustahin o si Sharlene?" sabi ko. Yumuko siya at ngumiti. "Kamusta na siya? Alam ko kasi stylist siya sa magazine." "Updated ka, bro, ha," natatawa kong sabi sa kanya. "Bakit pa? At bakit ngayon lang? Aren't you a few years late?" Hindi siya agad sumagot. "Alam mo, Dan, isa ka sa mga rason kung bakit hindi na ako nagpakita kay Sharlene. You made me realize how stupid I was back then. Natakot ako. At nahiya ng sobra. But things have changed. What I want to do is talk to her." Kinuha ko na yung order ko. Napansin siguro ni Sean na para sa dalawang tao yung dala ko. Ngumiti ako sa kanya at sinabi ko, "Why don't you find out how she's doing yourself?" Tinuro ko si Sharlene. Nagulat siya marahil na nasa isang lugar lang sila ni Sharlene. After 5 years, ito nalang ulit ang chance na magkausap sila. Sino ba si Sean? Siya lang naman ang ex-boyfriend ni Sharlene. Siya si 9-month relationship. At sa pagkakaalam ko, siya yung pinaka-minahal ni Sharlene sa lahat. Magkakaiba kami ng course. Accounting ako, Advertising si Sharlene, at Computer Science naman si Sean. Ang layo diba? Pero tadhana na yata na mag-krus ang landas naming tatlo. Nung unang beses na pinakilala ni Sharlene sakin si Sean, masama agad ang impression ko. Di naman sa may mali siyang ginawa o ano. Basta lang hindi tugma ang mga bagay-bagay. Alam niyo naman siguro yung tinutukoy ko? Meron lang talagang mga tao na sa unang tingin palang, alam mong di mo magugustuhan. Ganun yung naramdaman ko kay Sean.

Kwento sakin nun ni Sharlene, nagpakilala daw sa kanya si Sean sa tapat ng college niya. Barkada daw niya yung isang classmate ni Sharlene. Nung una, hindi niya masyadong pinapansin. Pero nung nagtagal, medyo nakulitan na siya dahil lagi daw nasulpot sa college nila. Hanggang ewan ko kung ano ang nakita niya dun sa lalaki. Laging nalutang ang isip tuwing magkasama kami. Napansin ko na medyo naglilihimlihim na siya sakin nung mga panahon na yun. "Huy! Nililigawan ka ba nung kumag na yon?" tanong ko. Nagulat siya sa tanong ko. Pero wala na siyang ibang nagawa kundi magtapat. "Danny boy... Ano kasi eh... Kami na." Wala akong nasabi. Natulala lang ako sa kanya. "Super sorry talaga!" Nagtampo ako. "Bakit di mo manlang sinabi sakin?" "Eh kasi alam ko di mo siya gusto eh," nakayuko niyang sabi. "Sorry na. Di ko napigilan eh." "Ang harot mo rin no?" sabi ko sa kanya. Natawa siya. "Thanks!" sabay yakap sa kin. "Sus. May magagawa pa ba ako?" "You're the best talaga!" "Malamang." Turns out, di lang pala ako ang may ayaw kay Sean. Pati na rin sina Kuya Arthur at Fredrick. Balita ko nga eh hindi raw nakakatagal si Sean sa bahay nila Sharlene. Pinagtutulungan yatang takutin nung mag-kuya. Sa skwela naman, bantay sarado naman sila sa kin. Mabait naman si Sean. Masipag din. Base sa kwento ni Sharlene, gusto daw ni Sean magpunta ng ibang bansa para kumuha ng master's degree. Wow. Ang taas ng pangarap ng kumag. Masaya naman silang dalawa kahit na medyo may konting oppression mula sa kin at sa mga kapatid ni Sharlene. Actually, nun ko lang nakitang maging masaya sa isang relasyon si Sharlene. Kaya kahit pano, naging kampante ako. Yun pala, there was something else going on.

Isang araw, pumasok si Sharlene ng naka-jacket. Nagtaka ako dahil mainit naman. Nung lapitan ko siya, hindi siya tumingin ng derecho sakin. Parang nagmamadali. Ano kayang problema nito? "Daniel, mamaya na tayo magusap," sabi niya sa kin at nagpatuloy sa paglakad. Nagtaka ako dahil hindi niya ako tinatawag na Daniel. Its either Dan or Danny boy. Nung lalagpasan na niya ako, hinawakan ko yung braso niya at sinabing "Sandali lang." Pero nagulat ako sa sumunod na nangyari. Sumigaw si Sharlene. Hindi dahil sa galit.

Kundi sa sakit.

CHAPTER 17

Napaiyak siya. Napaupo. Pinagtinginan kami ng mga tao. Pilit kong tinayo si Sharlene. Dinala ko siya sa bench at dun ko kinausap ng masinsinan. Tinatanggal ko yung jacket niya, pero nilalabanan niya ko. Ang pangit man ng dating nun sa ibang tao, pero wala akong pakialam. Patuloy siya sa pag-iyak. Hanggang sa natanggal ko yung jacket niya. Ang lalaki ng pasa niya sa magkabilang braso. "What the fuck! Anong nangyari sayo? Sinong may gawa nito?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya habang umiiyak. "Si Sean gumawa niyan no?" galit kong sabi. "Dan..." yun lang ang nasabi niya. "Putang ina niya! Bakit niya yan ginawa?" galit na ko talaga nung mga oras na yon. "Dan, di naman niya sinasadya eh." "Tanga! Anong di sinasadya! Kulay talong na yang braso mo anong di sinasadya," sinisigawan ko na siya. "Ganun lang talaga siya pag nagagalit. Mawawala din to. Dan, please, cool ka lang," nagmamakaawa niyang sabi. "Pag nagagalit? Ibig mo sabihin dati niya pa ginagawa yan sayo?" Di siya umimik. "Putcha naman, Sharlene! Di pa kayo magasawa nagpa-practice na siyang gawin kang punching bag. Ano ka, masokista?" Patuloy lang siya sa pag-iyak. "Hindi ka na makikipagkita dun, naiintindihan mo? Break na kayo," sabi ko. Alam ko wala akong karapatan gawin yun pero kailangan eh. Ako ang best friend. Di na ko nakapagpigil. Hinanap ko si Sean sa college nila. Nakita ko siyang nakaupo kasama ang mga

barkada niya. Tinapik siya nung katabi niya at tinuro ako. Nagulat siya at biglang tumayo para magtago. Pero huli na ang lahat. Sinapak ko siya gamit ang lahat ng lakas ko. Napahiga siya sa lakas. Sa galit ko sinipa ko pa siya. Walang naglakas-loob na umawat sa kin. "Putang ina ka! Ayoko nang makita yang mukha mo kahit kelan. Wag na wag ka nang lalapit kay Sharlene ulit kung hindi di lang yan ang aabutin mo!" Sinubukan niyang tumayo. "Pare, sandali. Magpapaliwanag ako..." "Gago!" at sinapak ko ulit ang hayop. Duguan na ang ilong niya. "Tandaan mo, break na kayo." At umalis na ko. Hinatid ko si Sharlene sa bahay nila pagtapos ng klase. Gulat na gulat sila Tito sa nangyari. "Sabi ko na nga ba wala kang mahihita jan sa lalaking yan eh," sabi ni Kuya Arthur. "Tara Kuya, bugbugin natin yung hayop na yun," yaya ni Fredrick. "Wag na. Binasag na ni Dan ang mukha nun panigurado," sabi ni Kuya Arthur. "Salamat ah," sabay tapik sa balikat ko. "Wala yun, Kuya," sagot ko. "O pano, Dad," kinausap si Tito Gary, "pwede na ko pumunta ng Amerika. Tutal nandito na si Dan. May magbabantay na kay Sharlene." Pinilit ni Sharlene kalimutan si Sean, kahit na alam kong mahirap. Syempre, mahal niya yung tao. Pero bantay sarado siya sa kin. Di nagtagal, naging ok na siya. At di na rin nagka-boyfriend. Natrauma siguro. O mahal parin niya si Sean kaya ganun. Ewan ko. Di na nagpakita si Sean samin.

Well, until now.

CHAPTER 18

"Tulungan mo naman ako," pakiusap niya. Anong gagawin ko? Natatandaan mo ako yung rason kaya kayo naghiwalay? "Di naman. Ikaw lang yung naglakas loob gawin kung ano yung dapat," paliwanag niya. Napatingin ako sa kanya. "Dan, I just want to talk to her. Yun lang," sabi niya. Napa-isip ako saglit. "Sige. Antay ka lang. I'll call you." Yes! Sabi niya. Tuwang-tuwa ang loko. Nagpasalamat sa kin. Nilapag ko yung tray sa table at umupo. "Ang tagal mo naman," sabi ni Sharlene. "Ah, oo nga eh. May nakausap kasi ako," sabi ko casually. "Sino?" tanong niya. "Si Sean." Natigilan si Sharlene. Silence. Tapos sabi niya, "Sean Marasigan? THE Sean Marasigan from college?" "Yup. He's the one," ininom ko na yung coffee ko. "Oh my God," sabi niya. "Look, he just wants to talk to you. Yun lang," sabi ko. "What if I don't want to talk to him?" "That's stupid," sabi ko. "You know you want to."

"No, I don't want to," sabi niya. "Ayaw mo ba dahil galit ka parin sa kanya, or dahil takot kang malaman kung mahal mo parin siya?" tanong ko. Di nakasagot si Sharlene. "Alam mo, Shar," sabi ko, "I know you still love him. Bakit? Dahil hindi mo parin siya pinalitan after all these years." Nung di na siya sumagot, sinenyasan ko na si Sean na lumapit. "Just give it a try," sabi ko kay Sharlene. "Hi, Sharlene," mahinang sabi ni Sean. Tinignan siya ni Sharlene, tapos ngumiti lang. Tumayo na ako para iwan sila. Sabi ko kay Sharlene, "Text mo nalang ako." Tumango siya. Binulungan ko si Sean, "Good luck, pre." "Salamat talaga, Dan." At ayun, lumabas ako ng coffeeshop. Nilingon ko sila nung nasa labas na ko. Parang nagkakahiyaan yung dalawa. Naisip ko, nasisiraan na ba ako ng bait? Biruin mo, ako yung nagsabing maghiwalay sila, pero ngayon naman parang pinagtutulukan ko si Sharlene na makipagusap kay Sean. Marahil, iba na kasi ang tingin ko sa buhay. Di na gaya ng dati. Saka ngayon ko lang na-realize, di ko manlang binigyan ng pagkakataon si Sean na magpaliwanag. Basta tinulak ko nalang siyang palayo. Well, its never too late to correct mistakes. Now is his chance, I just hope he doesn't blow this one. Teka, san ba ako pupunta? Lakad lang ako ng lakad. Masakit nga pala ang paa ko. Beep. Beep. Dali-dali kong kinuha yung cellphone ko. Si Matteo nagtext. Hey, pagod! But I had fun. We're finished for today. Hope you're doing ok.Talk to you later.

Para akong nalutang. Bakit ba ganito? Parang... Para akong ewan. Sandali. I know this feeling. Naramdaman ko na to dati eh. Hindi. Nagkakamali ka. Nagreply ako kay Matteo. I'm ok. With Sharlene now. Di ako nagantay ng matagal. Nagreply agad siya. Matt = Jealous.

Lalo akong naguluhan. Ano ba naman to.

CHAPTER 19

Ano ka ba naman Matteo? Yung mga ganyang hirit mo ang nagpapagulo sa isip ko eh. Kalma lang Dan. Nagreply ako. Jealous san? Nagantay ako ng reply. Maya-maya, dumating na. Of your closeness. I wish it was the same with me. Patawa talaga itong tao na to. Yun lang naman pala eh. Madali lang naman akong kausap. Yun lang ba, bro? Ok sige. Close na tayo. Message sent. Beep. Beep. Matt is dancing right now! Natawa ako sa reply niya. Weirdo talaga ito. Parang hindi 24 years old kung umasta. Di na ako nagreply. Maya-maya, tumunog ulit yung cellphone ko. Si Sharlene. Danny boy, ok lang ba kung ihatid nalang daw ako ni Sean now? Super sorry kung pinaghintay pa kita. Ok lang, sabi ko. Mukhang naging ok yung paguusap nilang dalawa. Masaya na rin ako kahit pano. Kaya ayun, napauwi akong magisa ng wala sa oras. -----------------------------------------------------------------Pag dating ko sa bahay, kumain muna ako. Walang hiya ginutom lang ako kanina. Pero ok lang yun. Nagenjoy naman ako kahit papano. Awww! Bigla ko naalala yung chocolate cake at danish! Di ko nakain. Hehehe.

Sakto naman tumunog yung cellphone ko pagpasok ko ng kwarto. Napatalon ako sa kama. Binuksan ko yung text. Hey sleepyhead! What's up? Nagreply ako agad. Wala lang. Just here in bed. You? Ilang saglit lang, nagreply siya. Hmmmm... Anong Hmmmm? naisip ko. Pero bago ako makapagreply, nagtext siya ulit. I got my own flat na. =) Wow. Ayos to ah. Nagtext back ako. Congrats! Pwede ko bang mabisita? In a few seconds, tumunog yung cellphone ko. Of course. You'll be the first to see my pad. Promise. Natuwa naman ako. Wait, tuwa nga ba yun? -----------------------------------------------------------------The following week, habang nakatambay ako sa opisina, lumapit sakin si Tito Ric. "Anak," sabi niya, "nabalitaan mo na ba?" Clueless, sagot ko, "Ang alin po?" "Na-assess na daw yung performances ng lahat ng agents. Di ba nasabi sayo?" sabi niya. "Wala po akong alam." "Ay, hala. Pumunta ka dun sa board. Nakapaskil na dun yung mga official nominees," sabi ni Tito. "Po?" Naman. Pano kung wala yung pangalan ko?

"Pumunta ka dun," udyok niya. Naglakad ako na kabadong-kabado. Ang huling sabi samin, 3 daw ang pipiliing nominees. Base sa evaluation ng mga managers, di lang sa branch namin, kundi pati na rin sa head office, at ng mga cliente, ang may pinakamataas na score ang mapipiling Top Agent. Pero maging nominee lang eh sapat na sakin. Ilang taon ko rin pinaghirapan ito. Sa wakas, kaharap ko na yung bulletin board. This is it. Hinanap ko yung listahan. Nasa tabi ko si Tito Ric. Tinuro niya yung papel. OFFICIAL LIST OF NOMINEES 2010 TOP AGENT AWARD 1. MAGPANTAY, Grace C. 2. BURGOS, Daniel Marc A. 3. NOCHE, John Raymond T. Muntik na ko matumba. Yung dibdib ko parang sasabog sa sobrang saya! Napakapit ako kay Tito. "Congratulations, anak!" bati niya. "Sabi ko naman sayo kayang-kaya mo yan eh!" Maluha-luha ako. Nagbunga na yung paghihirap ko. Ito na yun. Niyakap ko si Tito. Nagpalakpakan ang mga nasa opisina. Sumunod nun ay puro pagbati na ang natanggap ko. "Congrats!" sabi nung isa. "Galing mo talaga, Dan!" sabi ng iba. May isa pa ngang nagpalitrato. Ano ba yun. Nang medyo nahimasmasan na ako, naisip kong ibalita kay Sharlene. Kinuha ko ang cellphone ko. I got it! I'm in the top 3! Grabe, sobrang saya! Celebrate tayo! Send. Contacts. M. Matteo. Send.

Message sent. Then I realized...

Kay Matteo ko nasend. Shit.

CHAPTER 20

Beep. Beep. Ayan na. Sumagot na. Hey. Congrats! Where's the celebration? Patay. No turning back. Di ko naman pwedeng sabihing di para sa kanya yung message. Wala naman ako kasing nilagay na SHAR para masabi kong hindi kanya yun. Hay. Inom tayo. Treat ko. Message sent. Beep. Beep. Sure. Let's do it in my pad. Alrighty? Oo nga pala! May pad na nga pala siyang sarili. Ok. I'll invite Sharlene, too. Wala yata siyang ginagawa. Ang bilis sumagot eh. Not cool. I promised you you'll be the first to see my pad. Daniel Marc, are you sure about this? Tanong ko sa sarili ko. What if? Hindi. Kaya ko to. Warrior ako eh. Saka magkaibigan naman kami. Ok. See you later. Beep. Beep. Sure thing. -----------------------------------------------------------------Umuwi muna ako. Maaga pa kasi. Sinabi ko na rin kina Nanay yung magandang balita. Tuwang-tuwa sila para sakin. Para sa kanila naman kaya ko ginagawa ito. Gusto ko maging maginhawa ang buhay namin

kahit iniwan kami ni Tatay. Sabi ko na magiging maayos na ang lahat magmula ngayon. Nagpaalam ako kay Nanay na may lakad pa ako ngayon. Sabi ko baka gabihin ako. Sakaling ganun na nga, wag na niya akong antayin. Tinawagan ko si Sharlene. Sinabi ko sa kanya na malapit na matupad yung mga pangarap ko. Tuwangtuwa siya syempre sakin. "I'm so proud of you, Danny boy!" Yan ang sabi niya. Nakakatuwa itong best friend ko. Kinamusta ko nga pala si Sean. Sabi niya, hindi naman daw sila nagbalikan. Gusto daw niya muna patunayan na nagbago na siya. Aba, mukhang di ko na yata kelangan bantayan si Sharlene. "Syempre no! Ayaw ko magmukhang talong ulit!" Natawa kami pareho. Sabi niya pahihirapan daw niya muna yung kumag. "Mahal mo pa ba?" tanong ko. Mabilis ang sagot niya. "Tignan natin." Ang gulo niya talaga sa totoo lang. Naligo muna ako at nagpalit ng damit. Ano kayang magandang isuot? Nahirapan ako mamili. Nung tapos na ko magbihis, tumingin ako sa salamin. Mukhang ayos naman na ang itsura ko. Di na nakakahiya. Nagpabango ako. Paglabas ko ng kwarto, nagpaalam na ako kay Nanay. "Mag-ingat ka ha," bilin niya. "Opo." Binasa ko ulit yung tinext ni Matteo na address ng condo niya. Malapit lang naman pala. Nag-taxi na ko. Bumaba ako sa tapat ng convenience store di kalayuan sa condo niya. Bumili muna ako ng maiinom. Dalawang six-pack na beer ang binili ko. Pumasok na ko sa condominium. Habang nagiintay para sa elevator, parang umakyat sa lalamunan ko yung puso ko. Bakit ako biglang kinabahan? Sobrang kabog ng dibdib ko. Hanggang bumukas na yung elevator. Pumasok ako at pinindot yung button number 9. Parang ang bilis umakyat ng elevator. Express elevator ba to? Di ko namalayan na nasa 9th floor na ko.

Hinanap ko yung 913. Yun daw ang unit niya. Ayun. Nakita ko na. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto. Kinakabahan parin ako. Huminga ako ng malalim. Kaya mo yan, Dan. Tinaas ko na yung kamay ko para kumatok. Pero... Biglang bumukas yung pinto. Si Matteo bumulaga sakin...

Naka-shorts lang.

CHAPTER 21

Ngumiti siya ng makita ako. Pero ako nagulat. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ang 5'11" Italian-Filipino model sa aking harapan ay lalo lang pinakabog ang aking dibdib. "Come in," tapos kinuha na niya yung dala kong beer. Dahan-dahan akong pumasok. Maaliwalas yung unit niya. Halatang bagong ayos. Medyo dim ang lights. Dumerecho siya sa kitchen. "Brought a lot of booze. Its gonna be a long night," naka-ngisi niyang sabi. Kinurot ko ang sarili ko. Umayos ka! Act naturally. "Nice pad," sabi ko. "Kelan ka lumipat?" Nagisip siya. "The other day. 3rd night ko now. Tito Jonas took care of everything for me. I just told him what I wanted and he did the rest." "Maganda siya. Do you mind if I look around?" tanong ko. "Nope. Suit yourself." Inikot ko yung pad niya. One-bedroom unit pala ito. Magkatabi ang kwarto at CR. Medyo maliit lang yung lugar pero ok na para sa isang single na lalaki. Black ang kulay ng walls. White ang ceiling. Naka-on yung aircon, pero di gaanong malamig. Naisip ko kung ako makakabili ng condo unit, ganito din ang gusto ko, pati itsura. May kopya siya ng latest issue ng magazine kung saan stylist si Sharlene. Kinuha ko yun at tinignan. Hindi pa pala para dito yung pictorial na binisita ko nuon. "I bet you're a fan of that?" tanong sakin ni Matteo. "Nope. Just Sharlene's work," nakangiti kong sabi sa kanya. "I'll be having a photoshoot with them. Its coming out not next month, but the following month," balita niya.

"Nice!" bumilib naman ako. Sunod-sunod yata ang raket niya. "Yup. Its gonna be my first cover." Dinala ni Matteo yung ilang cans ng beer sa sala. Dun kami mag-i-inuman. "When's your commercial coming out?" tanong ko. "In about two or three weeks. I'm excited to see it, though," sagot niya. Bukas yung TV niya. Nasa isang local channel. Nagpapractice daw kasi siya ng Tagalog niya. Umupo siya sa sahig at sumandal sa sofa. Ako naman umupo sa lazy boy niya. Kaharap ko siya. Bakit ba ako dito umupo? naisip ko. Sabi ko, "Nice view." What? San galing yun? Eh ni skyline ng city hindi kita dito sa inuupuan ko. Abnormal. Natawa si Matteo. Sabay tingin sakin. Ano kayang iniisip nitong damuhong ito? "Here," inabutan niya ako ng isang can. Binuksan niya yung beer niya tapos uminom na. Sumunod na rin ako. AAAAHHH! Sabi niya. "So, how are you liking it so far?" Liking what? naisip ko. What the hell is happening? "What exactly?" tanong ko sa kanya. "Hahaha! The pad of course!" sabi niya. Napalagok ako ng beer. Nakalahati ko yata yung hawak ko. "Ah, yun ba! Maganda. Sobrang ganda, bro." Ngumiti si loko. Maya-maya, sabi niya, "Kwento ka naman. I wanna know you more." Bakit? Para saan? Bro, walang interesting sakin. You'll just get bored. "Are you kidding? I'm never bored when I'm with you," sabi niya. Tapos ano yung ginawa niya? Wink? Lagok ulit ako ng beer. Ano ba to? Parang pinaglalaruan naman ako nitong taong to. Napatingin ako sa kanya. Balbon pala yung binti niya. Oops! Dan! Tumingin ako sa malayo.

"Come on. Sabi mo we're close na. I wanna hear your story." Para siyang tutang nahingi ng buto sa amo. Nice. Puppy eyes. Dan! "Di ka talaga titigil no?" sabi ko sa kanya. "Nope." Tapos ngumiti siya ng todo. "What do you wanna know?" tanong ko. "Let's see. Besides you and Sharlene being best friends, you being an agent, can't float, and your name's meaning, I think i still have a lot of things to know about you," sagot niya. "Wow. Its gonna take a lifetime before we're through," sabi ko. "That's ok," sagot niya.

"I got this lifetime for you."

CHAPTER 22

Ok. What did you just say? "Bro, what are you doing?" tanong ko. "Sipping beer, waiting for your story. AHHHHH!" tinaas niya yung hawak niyang can, para bang makikipag-toast. Nakangiti na parang nag-eenjoy. Hindi yun yung tinutukoy ko eh. Iba. "I didn't mean that," sabi ko. "Then what?" tanong niya. Manunukso nga. Nahiya akong itanong ng derecho ang gusto kong itanong. Baka kung ano ang sabihin niya at umuwi nalang ako ng may black-eye. "Nothing. Just forget it," sabi ko. "So are you starting or what?" Napa-iling nalang ako. Grabe to. Para akong utusan. Parang de-susing laruan na pag inikot ang susi, magbibigay aliw sa nag-susi. Fine. Here goes. Inumpisahan ko ang kwento samin ni Sharlene. Ang alam niya lang kasi yung pagiging best friends namin. Di niya alam kung san kami nag-umpisa, kung ano ang mga kalokohan naming dalawa, at kung ano ang pinagdaanan namin. Tawa siya ng tawa dun sa nangyari sa Biology class namin. Hindi siya masyado nagsasalita habang nagkekwento ako. Naka-upo lang siya at tahimik na nakikinig. Sa totoo lang, di ako masyado naka-inom nun dahil tuloy-tuloy ang pagkwento ko. Pati si Sean naikwento ko ng wala sa oras. Di siya makapaniwala sa inabot ni Sharlene sa relasyon na yun. Tuwang-tuwa siya na inupakan ko yung kumag dahil dun. "Now there's the warrior I'm talking about. You're the man, bro!" sabi niya sabay high-five sakin. Sa wakas, naka-inom din ng beer. Di na malamig yung hawak ko. Di na masarap tuloy. Pangalawang can ko palang, pero si Matteo naka-apat na. Pang-lima na niya yung hawak niya ngayon.

"Lakas mo ha," sabi ko sabay turo sa mga lata ng beer. Natawa siya. "That's nothing. I'm enjoying myself." Natawa ako. May tama na yata si Matteo. Pulang-pula na yung pisngi niya. Pati leeg. Pati dibdib. "What about your family, bro? You haven't talked about them yet," sabi niya. "Ah. Oo nga no," sabi ko. Uminom ako ulit bago magkwento. Inisa-isa ko ang mga kapatid ko. Si Charles, 1st Year college. Si Bong, 3rd Year high school. Si Joyce, 2nd Year. Ako yung panganay. Si Nanay, bale siya yung nasa bahay para asikasuhin yung mga kapatid ko habang ako eh naghahanap-buhay. Minsan, hirap kami, pero ganun lang talaga eh. Kaya nga kayodmarino ako para lang mabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko. Kahit na wala nang matira sakin, basta para sa kanila ok lang ako. Tahimik na nakikinig si Matteo. Di niya yata akalaing ganun ang buhay ko. "What about your Dad? You didn't mention him," sabi niya. My Dad? He's not even worth mentioning. "Ooooh," sabi niya. "He left us. There. Happy?" sabi ko. Napatingin siya sakin. Nagulat yata na nag-iba ang tono ng boses ko. "He left my Mom for another woman. He left and never came back. Do you even have the slightest idea how it was for us? How hard it has been all these years? No you don't. Dahil you never went through this and I guess you never will." Di ko intention na tumaas ang boses ko. Its just that napaka-sensitive ng topic na yun for me. "You hate him?" tanong niya. "Anong klaseng tanong yan?" sagot ko. "Why don't you just answer the question?" sabi niya. I refused to answer the question. I sat back at uminom nalang ng beer.

Tinitignan lang ako ni Matteo. "You know what I think?" sabi niya finally. "I don't care you think," sabi ko. Pero sa totoo lang gusto ko marinig kung ano yung sasabihin niya. "That's not true. You know what?" sabi niya. "I know you hate your Dad. Why? Because you were forced into a situation you were not yet supposed to face. He left you with no other choice but to take over his responsibilities. Let's admit it. Fending for a family at 20? That's not normal, bro. You're supposed to have fun at that age, not take care of a family." "Well, fun is a word I have already forgotten," sabi ko. Why am I even discussing this with you? Tahimik akong pinagmamasdan ni Matteo. Siguro nasa isip nito kawawa naman ako. Walang buhay. Pero hindi pala. Nagsalita siya. Kahit na lasing na siya, matino parin ang isip niya. "A broken heart is easy to bend, but a broken soul is difficult to mend. You're not a broken heart. You're a broken soul." I hate to admit it, pero tama lahat ng sinabi niya. I hated my Dad. And I'm broken, inside. Nagpunta ako ng C.R. para umihi. Iniwan ko si Matteo na tahimik na nakaupo. Naubos na pala namin yung dala kong beer. Paglabas ko, nakatulog na pala si Matteo. Siguro sa sobrang lasing. Nandun parin siya sa sahig. Pero naka-unan yung ulo niya sa sofa. Ano ba to, nakatulog ng naka-upo. Gigisingin ko siya dapat para magpaalam akong aalis na ko. Late na rin kasi. Paglapit ko, kumabog ang dibdib ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Medyo pawis siya. At natatakpan ng buhok niya yung kaliwang mata niya. Parang anghel siya kung matulog. Ang tangos ng ilong. Ang haba ng pilik mata. Ang kinis ng pisngi. Ang pula ng labi. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Hinawi ko ang buhok niya. Ewan ko kung bakit ko naisipang gawin to, pero unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Sobrang lapit na nararamdaman ko na ang kanyang hininga. Tapos... Umalis na ko. Hindi ko kinaya.

CHAPTER 23

Sinara ko ng dahan-dahan yung pinto. Sumandal ako dun pagkasara. Ano bang nangyayari sakin? What just happened inside? Bakit ko hahalikan si Matteo? Napaupo ako. Nanginginig ang katawan ko. Hindi ko dapat hayaan to. Alam ko tong pakiramdam na to. Mali. Maling-mali. Ayoko na magkamali. Once is enough. Twice is too much. -----------------------------------------------------------------Di ko muna binigyan ng pansin si Matteo nung mga sumunod na araw. Pinilit kong kalimutan yung nangyari nung gabing yun. Pinilit kong ibaon sa limot yung nararamdaman kong kakaiba. Pero mahirap pala. Kung yung iniiwasan mo ang kusang lumalapit sayo. At nagbibigay ng dahilan para magisip ka ng kakaiba. Yung hindi normal. Nalaman ko kay Sharlene na sa Biyernes na pala ang photoshoot ni Matteo para sa magazine nila. Sobrang busy nila dahil gusto nilang i-launch si Matteo bilang isa sa top models ngayon. Sabi niya tamang-tama daw ang timing dahil pag lumabas yung commercial ni Matteo, magiging familiar lalo yung mukha niya. Gumawa na kasi ng malaking ingay yung sexy billboard niya para sa isang clothing company. Ito na ang follow-up dun. Paniguradong mas lalong iingay ang pangalan niya. Grabe. Ganon pala yun. Wala akong kaalam-alam kasi sa mga ganyan. Akala ko kasi basta may modelo, magaling na photographer, at photoshop, ayos na. Hindi pala. Tinanong ako ni Sharlene kung gusto ko bumisita sa shoot. Sabi ko di ko pa alam. Titignan ko kung pwede ako. Pero wala talaga akong balak pumunta dun. Hanggang... Beep. Beep. Hey sleepyhead! Are you mad at me?

Si Matteo nagtext. Hindi naman ako galit, umiiwas lang. Nope. Why say so? Nagreply siya agad. Nothing. Haven't heard from you since we had the drinking session. Ah, yun ba. Sinadya ko talaga yun, Matteo. I've just been busy with work, bro. Beep. Beep. Free day yata ni loko ngayon ah. Alrighty. Can you watch my shoot tomorrow? Bakit? Matteo naman eh. Why? Give me one good reason para pumunta ako. Maya-maya, tumunog na yung cellphone ko. Because I want you there. Sapat na rason na ba yun? I don't know what came over me nung oras na yun. Ok. I'll be there. -----------------------------------------------------------------Maaga raw ang call time niya para sa shoot. Punta nalang daw ako ng mga 10 AM sa Sports Club. Dun daw kasi ang venue nila. Pinasara ng company nila Sharlene yung buong lugar para lang sa photoshoot ni Matteo. Wow, big time talaga. Pagdating ko sa location, naka-set up na ang lahat. Sa pool at sa garden sila maraming kukunan. Sa isang gilid naman may nakahanda nang white backdrop at dalawang higanteng ilaw. "Dan!" bati sakin ni Sharlene. "Kala ko di ka makakapunta eh!" Niyakap ko siya. "Ok lang. Wala naman kasi ako gagawin. Saka gusto ko rin makanuod ulit." Sabay tawa. Pinakilala ako ni Sharlene kay Tito Jonas, yung manager ni Matteo. Di ko alam kung bakit, pero parang

natulala siya nung makita ako. "Hijo, ilang taon ka na?" tanong niya. "24 po," sagot ko. Tinitigan niya ako ng mabuti mula ulo hanggang paa. Pinaikot. "Gusto mo mag-model?" sabi niya Napangiti ako at umiling. Ayoko talaga. Kahit na masarap yung feeling, ayoko talaga. "Sayang naman," sabi niya. Binati ako ni Kit nung makita ako. Konting kamustahan. Umalis din siya agad. Tapos ayun, nakita ko na si Matteo. Galing siya sa rest room. Naka-robe. Pagkakita niya sakin, bigla siyang ngumiti. Kinawayan ko. May sinabi siya sa kasama niyang babae, tapos naglakad na papunta sa direksyon namin nila Sharlene. "Daniel!" bati niya. At hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Niyakap niya ako. Parang tuwang-tuwa ang loko. Parang huminto ang lahat nung mga oras na yun. Ang bango niya. At ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pag-hiwalay namin, inakbayan niya ako at niyugyog. Sabay sabing, "I missed you, bro!" Ano raw? Na-miss niya ako? Hay. "Wow. Looks like you guys are getting along fine," sabi ni Sharlene. "I thought you would rip each other's heads off nung unang beses kayong magkita. Improvement!" Nagtawanan kaming lahat. Tapos sabi ni Matteo, "I think were headed to that direction, don't you think?" Tumingin siya sakin, tapos ngumiti. Kung ano man ang ibig sabihin niya sa sinabi niyang yun, sa kanya na yun.

Iba kasi pumasok sa isip ko.

CHAPTER 24

"Matt!" Tinawag na siya nung make-up artist. Malapit na daw sila mag-umpisa. Nagpaalam na si Matteo samin para maghanda. Kasama ko sina Tito Jonas at Sharlene. Nagkwentuhan muna kami habang di pa umpisa. Matagal na pala kinukuha ni Tito Jonas si Matteo para maging modelo dito. Pero ayaw daw ng mommy ni Matteo. Sabi tapusin daw muna ang pag-aaral. Kaya ayun, walang nagawa si Tito kundi mag-intay. Nakilala kasi niya si Matteo sa airport sa LA. Nakitaan niya ng potential, kaya hiningi niya ang contact number. "Matagal ko na nga sinasabi kay Ninang na subukan lang kahit tuwing vacation from school. Pero ayaw talaga. Saka iba din daw kasi ang priority ni Matt," paliwanag ni Sharlene. Kaya ngayon palang siya maguumpisa maging model. Pero its never too late naman, sabi ni Tito. Nakita kong pumunta na si Matteo sa white backdrop. Naka-black undershirt siya na fitted. Umpisa na ng shoot. Yung concept daw ng shoot ay ginawa nilang akma kay Matteo, pero hindi malayo dun sa ginawa niya dati. Sexy parin yung tema, pero this time nasa comfort zone ni Matteo. Sa swimming pool. Gusto nilang i-highlight ang pagiging athlete niya. Nung natapos ni Kit yung photos na pang-cover ng magazine, balik dressing room si Matteo. Yung unang kinunan ay naka-jeans siya. Naka-ilang palit siya ng jeans para dun sa set na yun. Pinatayo siya sa halamanan at dun nagposing. May isa siyang kuha na nakahawak sa fedora hat yung kaliwang kamay niya habang binababa ng kanang kamay niya ang saradong pantalon. Grabe maka-project sa camera si Matteo. Napaka-natural. Pinagpalit siya ng board shorts. Kinunan siya habang naglalakad sa gilid ng pool na parang lifeguard. Ang galing niya. Ngayon ko lang siya napanuod na magtrabaho. Napaka-professional. Walang reklamo sa lahat ng pinapagawa ni Kit. Kahit na mahirap yung pose, ginagawa niya parin. Parang hindi siya napapagod. Biniro nga siya ni Tito Jonas, "You're on a roll!" Ngumiti siya sabay sabing, "Of course. I'm inspired." Natawa kami. Pero nagulat akong makita na nakatingin pala siya sakin.

Tinawag na ulit si Matteo. Magpapalit na daw siya para sa huling shots niya. Paglabas niya, naka-swimming trunks nalang siya. Muntik na ko mahulog sa kinauupuan ko nung makita ko siya. Pero syempre, sobrang pigil ako. Wala lang. Parang natural lang. Hanga din naman ako sa kanya. Biruin mo, ang lakas ng loob niyang lumabas ng ganun lang ang suot. Kung ako yun, baka di na ko lumabas ng dressing room. Dun siya ulit sa swimming pool. Pinalangoy siya habang sinusundan ng kuha ni Kit. Merong mga kuha na uma-ahon siya sa tubig. Konting posing ng nakaupo. Ang pinakahuli ay yung nakahiga siya na parang nag-su-sun bathing. Yun na yata ang pinaka-sexy na ginawa niya ngayong araw. Pinahiran siya ng oil sa buong katawan para kumintab. Pinasuot din siya ng Ray-Ban. Tapos pinahiga siya na parang naka-stretch yung arms. "Ok! We're done for the day!" sigaw ni Kit. Palakpakan ang lahat para kay Matteo. Kinamayan siya ng lahat. Konting souvenir pictures para sa staff ng magazine. Tapos sumenyas siya sakin na intayin ko daw siya. Pagkabihis niya, nagpaalam na siya kay Tito Jonas na mauna na siya. Si Sharlene naman nauna na umalis dahil sinundo siya ni Sean. Sabi niya sakin gagawin daw niyang driver muna. "Let's go?" sabi sakin ni Matteo. "Hatid mo ko?" tanong ko. "I was hoping you'd drop by muna sa pad. Have a few drinks. Are you in a hurry?" Di na ko nagisip. Mabilis yung naging sagot ko. "Nope. Friday naman eh. Tara!" -----------------------------------------------------------------"Home at last!" sabi ni Matteo pagdating namin sa pad niya. Naupo na ko sa sofa habang siya naman ay deretcho sa ref para kumuha ng beer. Pagkagaling dun, pumunta na siya sa sala at naupo sa sahig. Ganon na rin ang ginawa ko. Lumipat ako sa sahig. Pero I kept a good distance. Di malayo, di rin malapit.

Nagumpisa na ko uminom. "What happened to you the last time you were here? You didn't even say goodbye," sabi niya. "Ah. Di na kita talaga ginising. Mukhang masarap kasi yung tulog mo," sabay ngiti sa kanya. "Well, you could have at least sent me a text or something." Oo nga no. Nakakahiya nga naman. Pero hindi eh. Magulo kasi ang utak ko nun. Hindi ko lang masabi kay Matteo na sobrang naguluhan ako nung mga oras na yun. "Sige, text na kita ngayon palang," biro ko. Natawa siya. "Grabe yung photoshoot mo kanina ha," sabi ko. "Yeah, sobra. Pero I had a lot of fun. And I was really glad you were there," sabi niya sakin. Naramdaman ko namang totoo yung sinabi niya. Pero awkward parin kahit pano. Tinukod ko yung kaliwang kamay ko sa sahig. Uminom ako ng beer. Tahimik kami pareho ni Matteo. Tapos, ewan ko kung bakit, pero tinukod din ni Matteo yung kanang kamay niya. Napa-patong yung dalawang daliri niya sa kamay ko. Nagulat kami pareho. Para akong nakaramdam ng kuryente na di ko maipaliwanag. Bigla kong hinila paalis yung kamay ko. Nagtawanan kaming dalawa. Marahil dahil nahiya kami pareho sa nangyari. Matagal din kaming natahimik nun. Iniisip ko kung ano kaya iniisip niya. Naguguluhan ako kung ano ba ang dapat gawin. Uwi nalang kaya ako? "Hey," finally nagsalita din siya. "You're so quiet there. Anything wrong?" "Ha?" sabi ko. "Wala. Just sipping beer." Tapos nag-shift siya ng posisyon. Medyo nakahiga na siya sa sahig pero naka tukod yung siko niya. Out of no where, bigla akong na-curious. "Bro, when you have your pictorials, don't you... Uhmm... you know." "What?" sabi niya.

Natawa ako. Ang hirap itanong. "You know... Don't you... Like... Down there?" Ano ba naman yang tanong mo Daniel! Napa-upo siya ng maayos. Nagiisip kung ano yung ibig kong sabihin. "Uhmmm... How should I say it... Hmmmm..." Nag-iisip ako ng tamang word para makuha niya yung ibig ko sabihin. Pero mabilis yung pick-up niya. Nakuha niya yung ibig kong sabihin. "Ahhh!" Natawa siya ng malakas. "You mean... Like... Things getting hard?" Napayuko ako sa kahihiyan sa tanong ko. Natawa na din ako kasi tawa siya ng tawa. "Wow! You really are a surprise aren't you?" sabi niya. "Just curious," sagot ko ng mahina. "Well, I don't know if I'm supposed to answer that question. But, yeah. Sometimes. Why?" Parang naaaliw siya sa usapan naming to. "Nothing," sagot ko. Pinagmasdan ako ni Matteo ng matagal pagtapos nun. Medyo pinagpawisan nga ako eh. Pero, di ko alam kung dahil sa beer ba yun o ano, unti-unti siyang lumapit sakin. Seryoso ang mukha. Natigilan ako. Anong gagawin nito? Dahan-dahan niyang nilapit yung mukha niya sakin. At dun ko lang narealize... Hahalikan ako ni Matteo. Anong gagawin ko? Parang nanigas yung katawan ko. Hindi ako makagalaw. Ayan na, ang lapit na ng mukha niya. Napa-pikit ako. Tapos umiwas ako. Hindi pwede. Hindi talaga. Napayuko si Matteo. Tapos natawa. Umayos ako ng upo. Bumalik si Matteo sa dati niyang kinauupuan. Uminom ako ng beer. "Sorry, bro," sabi niya habang nakahawak sa batok niya. "Its just the beer."

Natawa ako. "Yeah. Just forget about it." "Yeah," sagot niya. Di ko mapaliwanag pero medyo awkward yung sitwasyon na yun. Natahimik kaming dalawa. Di namin alam pareho kung paano kami magrereact sa isa't isa. "Dan," sabi niya. "Yep," sagot ko. Di parin ako natingin sa kanya. "Have you ever been in love?" tanong niya. Nice. Yan ang isang topic na ayoko masyadong pagusapan. "Yeah, before," sagot ko. Umupo siya ng derecho. Parang interesado yata? "What happened?" usisa niya. "Nothing. Zero. I'm such a loser," sagot ko. Parang hindi yata niya nagustuhan yung sagot ko. Tinignan niya lang ako. Nagiintay. Ok. Fine. Talo na naman ako. I told him about Princess and my short lived happy times with her. I was uncomfortable talking about it. It just brings back memories I tried hard to forget. Nakikinig lang si Matteo ng maigi. Nalungkot yata sa kinwento ko dahil nagbago ang itsura niya. Tapos, siya naman ang tinanong ko. "Ikaw. Have you been in love?" Mas mabuti nang ikaw nalang ang magsalita at baka kung ano pa ang masabi ko dito. "Of course," sagot niya. "Kamusta naman?" sabi ko. "Ok lang," sagot niya. "I had two relationships. Both were serious ones. The first was for 3 years. The other for 2 years." "Wow," bumilib ako sa kanya. Di ko akalain na keeper pala ito. Kala ko may pagka-playboy eh. "Yeah," sabi niya. "Those were the best times of my life, know what I mean? Its like, I felt complete

holding that special someone in my arms. Its a very good feeling. But of course, there were times where we would disagree and fight." "I agree," sabi ko. "Masarap talaga na yakap-yakap mo yung taong mahal mo." Napatingin siya sakin. "Pero syempre, hindi mawawala sa relasyon yung magaway kayo. Normal yun. Ganun talaga. You just have to sacrifice sometimes para maiwasan ang away," paliwanag ko. Tumingin ako sa kanya. Nakatitig parin siya sakin. "What?" tanong ko. "Did I say something wrong?" "I thought you didn't get the girl?" tanong niya. "Yeah." "Howcome it seems to me like you know all about relationships?" Uminom muna ako ng beer bago sumagot. "Ah. Yun ba. Knowledge lang yun," sabi ko. "You sure you didn't have a girlfriend?" kulit niya. "Yeah. Girlfriend wala. Boyfriend meron." It slipped.

Fuck! What did I just say?

CHAPTER 25

Nagkatitigan lang kami ni Matteo dahil sa nasabi ko. Parang namanhid yung buo kong katawan. Putcha talaga! Yung sikretong pinakatago-tago ko nabunyag na. Bakit ba naman kasi! Walang sabi-sabi, tumayo ako at lumabas ng unit ni Matteo. Tumayo din siya at sinundan ako. "Dan! Hey bro, wait up!" sigaw niya. Pero mabilis pa sa alas-kwatro nasa elevator na ko. Pababa. Paalis. Papunta sa kung saan. Hindi ko alam. Wala akong pakialam. Basta makalayo ako dito. Kay Matteo. Di ko na alam kung sinundan ako ni Matteo pababa. Pero nararamdaman ko ang cellphone ko na nagvavibrate. Alam kong siya yung tumatawag. Para akong baliw nung mga oras na yun. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko sinasadyang masabi yung lihim na yun. Wala nang ibang nakakaalam nun. Kahit si Sharlene wala siyang kaalam-alam dun. Yun ang pinakatago-tago ko. Pero dahil sa katangahan ko, may naka-alam. Shit ka, Dan! Minura ko talaga ang sarili ko dahil sa nangyari. Naglakad ako ng naglakad. Kung pwede ko lang ibalik yung oras para baguhin yung nangyari, ginawa ko na. Pero wala na eh. Nandun na. Tapos na. Dun ko na naramdaman ang matinding emosyon. Hindi ako emosyonal na tao. Pero sa pagkakataong ito, naghalo na ang lahat. Galit, pagkabigo, lungkot, takot. Di ko na napigilan. Bumagsak nalang ang luha ko. Ito na marahil ang resulta ng matagal ko nang pagpipigil. Matagal na kong hindi umiiyak. Pero ngayon, wala na kong ibang nagawa. Napaupo nalang ako sa tabi ng kalsada. Wala akong pakialam sa mga taong nagdaraan. Kahit pinagtitinginan na ako di ko sila inintindi. Umiyak lang ako ng umiyak. Nilabas ko na lahat ng nasa loob ko. Nilabas ko yung ilang taon ko rin kinimkim sa loob. Pano na ngayon? Pano kung malaman na ng lahat yun? Pano kung ipagkalat ni Matteo? Sabihin kay Sharlene at sa pamilya niya? Pano kung malaman ng Nanay at mga kapatid ko? Pano na ko? Maraming masisira. Maraming masasaktan. Hindi ko kaya yun.

Di ko alam kung gano katagal na ko nakaupo dun. Wala na ko kaalam-alam sa nangyayari sa paligid ko. Hanggang may nakita nalang akong may nag-abot ng kamay sakin. Tinignan ko kung sino yung nakatayo sa harap ko. Si Matteo. Hinihintay niyang kunin ko ang kamay niya. "Come on. I'll take you home," sabi niya. Hinanap niya pala ako. Dala niya yung kotse niya. I felt exhausted. Parang wala na kong lakas na natitira. Naubos na rin ang luha ko. Kinuha ko yung kamay ni Matteo. Dinala niya ako sa kotse. "Matt," sabi ko. "Shhh. Don't talk anymore," sabi niya sakin. Pinapasok niya ako sa unahan. Sinuot sakin ang seatbelt saka sinara ang pinto. Pagkapasok niya sa driver side, he started the engine and drove. Tahimik kami sa loob ng kotse. Di ko makuhang tumingin sa kanya. Di ko namalayan na nasa bahay na pala kami. "Get some rest," sabi niya sakin. "Matt," sabi ko nang hindi natingin sa kanya. "Sorry." Hinawakan niya ako sa baba at hinarap ang mukha ko para tumingin sa kanya. "Its ok. Just get some rest. We'll talk in the morning." Tumango nalang ako. Pinunasan niya yung luha ko sa pisngi. "Sige na," sabi niya. Bumaba na ako ng kotse niya. -----------------------------------------------------------------Hindi ako nakatulog ng maayos nung gabing yun. Kahit na pagod na pagod na ko, ang daming tumatakbo sa aking isipan. Parang humiga lang ako sa kama hanggang magumaga.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Nagsisisi ako kung bakit sumama pa ako kagabi kay Matteo. Sana hindi nalang, para hindi nabunyag ang lihim ko. Habang nakahiga ako, tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Matteo. I'll pick you up. Get dressed. Ayoko. Ayoko munang makita ka. Ayokong lumabas. Dito lang ako. Magkukulong lang ako dito. Hindi ako sumagot. Maya-maya, nagtext siya ulit. I'm on my way. Tumayo na ko at pumunta ng C.R. Naligo ako. Pagbalik ko sa kwarto, may tatlong messages na nagiintay sakin. Are you done? Hey, I'm nearly there. Text back ASAP. I'm here outside. Waiting. Ten minutes na ang nakalipas mula nung ipadala niya yung huling text. Minabuti ko nang magreply. Kakaligo ko lang. Give me ten minutes. Nagbihis na ko. Wala talaga akong gana lumabas at makipagusap. Wala na rin naman akong mukhang ihaharap kay Matteo. Pero nakaramdam parin ako ng konting hiya dahil iniintay niya ako sa labas. Pagkalabas ko, nakita ko ang kotse niyang nakaparada sa tapat. Naglakad ako papunta dun. Binuksan ko ang pinto at sumakay. Hindi nagsalita si Matteo. Hinawakan niya lang yung batok ko at pinisil. Umalis na kami. Di ko alam kung san niya ako dadalin. Hindi niya naman sinabi. Yun pala, sa pad niya ang punta namin. Naupo ako sa sofa. "You want anything?" offer niya. "Breakfast?" Umiling lang ako habang nakayuko. Wala akong gana kumain.

Umupo siya sa harap ko. "Hey, don't be too harsh on yourself," sabi niya. "How can I not be?" sabi ko. "I'm stupid." "Hey!" sabi niya. "You are not, ok?" "Anong hindi? Katapusan ko na, Matt," sabi ko. Hinawakan niya yung ulo ko ng dalawa niyang kamay. Tapos tinaas niya para tumingin ako sa kanya. "What are you saying? Everyone makes mistakes. Its bound to happen." "You don't understand." "Tell me. What is it that I don't understand?" "What if, malaman ng lahat yun? What if my family discovers my past? What if Sharlene's family gets to know about what I did? Maraming masasaktan, Matt. Maraming masisira. Hindi ko kakayanin na mangyari yun. Matagal kong pinangalagaan ang pangalan ko, ng pamilya ko. Ayoko ng dahil lang dito masira ang lahat. Mali yun eh, pero ginawa ko parin. Ang tanga ko, Matt," sabi ko. Nakatingin lang siya sakin. Di ko alam kung naintindihan niya kung ano ang ibig kong sabihin. "Now I'm offended," sabi niya. "Huh?" Bakit naman? What's so offensive about what I said? "You think I'm that kind of person? That I would tell everyone about what you said?" sabi niya. Bigla kong narealize, offensive nga yung sinabi ko. "Di naman sa ganun. Kaya lang..." "You don't trust me enough. Is that it?" sabi niya. "Matt..." Nawalan na ko ng sasabihin. Tumahimik siya sandali. "You know what, Dan? I don't care about what you did in the past. Its your life. But please don't think of me that way. I'm not like that. I care for you. You're my friend. And friends don't harm each other." Aaminin ko, nakahinga ako ng maluwag nung sinabi niya yun. "Don't worry about it. Its gonna be our little secret," nakangiti niyang sabi. And for the first time since last night, I smiled.

"Thanks, Matt," sabi ko. Natawa siya sakin. Kinurot niya yung ilong ko. Aray! Masakit yun ah!

"Now I can say I know you better than Sharlene does!" natatawa niya paring sabi.

CHAPTER 26

Di ko alam kung pano ipaliwanag, pero magmula nung mangyari yun, parang lumuwag yung kalooban ko. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. I was happy. Mas lalo kaming naging malapit ni Matteo. Kung dati naisip ko na iwasan siya, ngayon hindi na. Malimit kaming magkausap, magkasama. Nawala na rin yung pagiging awkward namin sa isa't isa. Nakatulong ba yung aksidenteng pagdiskubre niya ng sikreto ko? Marahil nga. Napaka-gentleman niya. Hindi niya ako kinulit na magkwento tungkol sa naging relasyon ko. "Respeto sakin?" tanong ko. "Yup. And besides, I don't wanna be a noodge," sagot niya. Natawa ako. "Tell me when you're ready. If not, it doesn't matter," sabi niya. Habang tumatagal, lalo akong nahuhulog sa kanya. Understatement siguro kung sabihin kong may nararamdaman lang ako sa kanya. I think I'm falling for him. Pero sinarili ko nalang yun. Ayoko kasing masira kung ano meron kami ngayon. At alam kong mali yun. Dahil pareho kaming lalaki. Masaya naman ako eh. Masaya kami. Kahit na may mga kaibigan siyang modelo ng agency niya, hindi sila ang madalas niyang kasama. Ako ang gusto niyang kasama. Inimbitahan niya kami ni Sharlene sa unang fashion show niya bilang isang model. Nandun kami sa unahan kasama ni Tito Jonas. Wow! Pakiramdam ko VIP ako nung gabing yun. Sa lahat ng naglakad sa runway, si Matteo ang nakatanggap ng pinakamalakas na palakpak. Tuwing kasama ko si Matteo, pakiramdam ko napaka-importante ko. Para bang ako ang pinakamahalagang tao sa buong mundo. Magkaibigan lang naman kami, pero iba talaga eh. Si Matteo na yata ang pinakamalapit sakin ngayon bukod kay Sharlene. Isang araw, tumawag siya sakin. Nasa opisina ako nun, month end na kasi ulit. "Dan, guess what?" sabi niya sa cellphone. "Ano?" tanong ko. "Guess nga eh!" sabi niya.

"Ano nga yun?" "Come on, hulaan mo," sabi niya. "Clue," hingi ko. "No clues! Sige na, guess it na," excited niyang sabi. "Ano ba, bro. Sabihin mo na. Nasa office ako ngayon," sagot ko. "Ah. Ok, sige wag nalang. Sorry if I disturbed you," sabi niya. Hala! Nagtampo? "Woah, ang arte! Sige na, dali sabihin mo na yan." "Wala. I was just gonna say my commercial's coming out tonight," balita niya. "Wow! Di nga? Anong oras?" na-excite ako para sa kanya. "Primetime. After the early evening news," mahinang sabi niya. Hala, nagtampo nga yata. Na-guilty naman ako. "Ah I see. Hmmm... You doing anything tonight?" tanong ko. "Nah. Just staying home. Why?" tuloy-tuloy niyang sabi. "Wala lang. I figured, maybe we can wait for it together," sabi ko. "What?" sagot niya. "Wala!" sabi ko. "No, you said something," kulit niya. "Wala kaya. Wala akong sinabi," natatawa kong sagot. "No! You said we'll watch it together!" parang sumaya ulit ang loko. "Ah wala akong sinabing ganyan," biro ko. "You said it kaya! Hay nako," sabi niya. "I said, we'll wait for it," sagot ko.

"That's the same thing!" protesta niya. Tumawa ako ng malakas. Tinignan ako ng mga kasamahan ko sa opisina. Medyo napahiya ako ng konti. "What? You're toying with me, aren't you?" sabi niya. "Sige na, sige na," natatawa kong sabi. "We'll watch it together tonight." "Promise?" sabi niya. "Yeah." Humiyaw si loko. Aray, masakit sa tenga. Yung mga ganyang bagay ang dahilan kaya lalo akong nahuhulog sa kanya. Nagkasundo kaming derecho na ko dun paglabas ko ng opisina. Excited na ko talaga makita yung commercial niya. At syempre, makasama siya ulit. -----------------------------------------------------------------Pagdating ko sa pad niya, pinapasok niya ako agad. Bukas na ang TV niya. Di pa raw pinapakita yung commercial. Buti nalang, sabi ko. Naupo kami sa sahig. Excited na nagiintay sa harap ng TV. Tinignan ko si Matteo. Halatang kinakabahan ang loko. Natawa ako. "Huminga ka naman!" biro ko. Natawa siya sa sarili niya. "I can't contain it, bro!" excited niyang sabi. Natawa ako sa kanya. Para siyang isang bata. Naramdaman niya yatang pinagmamasdan ko siya. Tumingin siya sakin. Tapos kumindat. Alam niyang may kiliti ako sa tagiliran, pero imbes na daliri ang gamitin niya, yung ulo niya ang ginamit niya. Ang cute. Naisip ko. "This is it, bro!" sabi niya. Tapos yun na nga. Habang nakatingin ako sa kanya, bigla siyang napatayo. Nakatingin siya sa TV, at

parang nakakita ng multo. Yun pala, pinakita na yung commercial niya. Health drink pala yung produkto. Pinakita siyang nasa ibabaw ng bundok habang parang nag-yo-yoga. Ayos ah, nagaral pa siya nun para lang dito. Sa buong commercial, may isang berdeng dahon na palipadlipad. Syempre, hindi mawawala ang eksenang umiinom siya nung tsaa. Natapos yung commercial na pinakita siyang nakangiti. Yun na yun? sa isip ko. "So, how did you find it?" tanong sakin ni Matteo. Todo ngiti ang loko. "Is that it?" sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko. "What do you mean?" Unti-unting nawala yung ngiti niya. "Eh wala ka naman masyado ginawa dun eh. Saka di ka nga masyado pinakita," sabi ko. Wala akong masamang intensyon sa sinabi ko. Binibiro ko lang naman siya. Matteo shrugged his shoulders. Parang naasar. Tapos umupo sa sofa at bumalik sa panonood ng TV. Naka-simangot. Pinagmasdan ko siya sandali. Tapos tumawa ako ng malakas. "What?" sabi niya, medyo asar parin. "Biro lang. Ikaw naman," tapos umurong ako palapit sa kanya. Di siya tumingin sakin. Tumango lang. Naka-pout. Parang bata. "Oh shit," bigla kong nasabi. Napatingin siya bigla sakin. "Why?" "Wala. May naalala lang ako," sabi ko. "Ano yun?" tanong niya. "Si Franz."

Si Franz, ang lalaking bumaliktad ng mundo ko.

CHAPTER 27

"Franz who?" tanong ni Matteo. Ngumiti lang ako sa kanya. Umupo siya ng maayos at humarap sakin. "Your ex?" Tumango lang ako. "What happened?" Clearly, Matteo wanted to know pero inaantay niya lang na ako mismo ang magopen. Huminga ako ng malalim. At yun na nga. Nagumpisa na akong magkwento. Si Franz ay classmate ko nung college. Pareho kaming Accounting students. Hindi ko siya masyadong kilala dahil hindi ako interesado maging kaibigan siya. Para sakin, he's just one of those people na kadepartment lang sa college. Medyo asar din kasi ako sa kanya. Maingay kasi saka may pagka-epal. Pakiramdam niya magaling siya. Eh hindi naman. Nakilala ko lang siya ng lubos nung 4th year na ko. Naging magka-klase kami sa isang major subject. Late ako dumating nung first day. Dun ako sa likod umupo. Nagumpisa na pala magpasulat ng student information ang professor namin sa index card. Buti nalang, may baon ako. Nagsulat na ako. Matapos makolekta ang lahat ng cards, inayos na ng professor namin alphabetically. Syempre, dun ka ulit sa unahan, sabi ko sa sarili ko. Gaya ng inaasahan, dun nga ako sa first row. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang seatmate ko sa kaliwa. Si Franz Bustamante. Naisip ko, "Putcha. Sa lahat naman ng taong pwedeng makatabi bakit ito pa." Tinignan ko siya nung paupo siya. Ngumiti siya sakin. Tumango lang ako. "Dan, isang sem mo rin titiisin ang ka-epalan niyan," sabi ko sa sarili ko. Napailing nalang ako.

Hindi naman ako suplado talaga. Pero pag kaharap ko si Franz, I end up like that. Ganun lang talaga eh. Pagpapasok ako, para akong walang kilala. I'd sit through the lecture time ng hindi masyado nagsasalita. Hindi ko pinapansin si Franz, hanggang sa puntong medyo napapahiya na siya. O kaya barado siya lagi. Di ko mapigilan eh, epal kasi. Pero, may napansin ako. Unti-unti siyang nagbago. At kahit na pangit ang pakikitungo ko sa kanya, mabait parin siya sakin. Isang araw, as usual, late ako. Lumabas kasi kami nila Sharlene at ibang barkada namin nung gabi. Kaya yun, puyat ako. Habang naglalakad ako, bigla kong naramdaman na may nakalimutan ako, or naiwan. Celphone, check. Ballpen, check. Yellow pad, check. Wallet, check. Ano ba yung nakalimutan ko? Di ko talaga maisip kung ano yung nakalimutan ko. Bangag pa yata ako dahil kulang sa tulog. Pagdating ko sa room, wala yung professor namin. Kanya-kanyang daldalan ang mga kaklase ko. Ako naman, natuwa. Aba syempre naman, di ako mamamarkahan ng late ngayon. Umupo na ko sa upuan ko. Tahimik si Franze sa tabi ko. Tumingin lang sakin at ngumit. Gaya ng dati, tumango lang ako sa kanya. Maya-maya, nagsalita siya. "May assignment ka na, bro?" tanong niya sakin. Napatingin ako sa kanya. Dun ko narealize kung ano yung nalimutan ko. Shit. Wala akong assignment. Nabasa yata niya yung utak ko. Tumawa siya. Patay! Anong gagawin ko? Bigla akong naka-isip ng solusyon. "Pwede bang pakopya?" nahihiya kong sabi. Kaya lang, bigla namang dumating yun professor namin. Fuck, sabi ko. Pagminamalas nga naman. "Ok lang yan. Ito, lagay mo nalang yung pangalan mo. Extra ko yan eh," sabi niya. Inabot niya sakin yung papel. Wow! Instant assignment! Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya? Sa puntong yun, medyo nahiya ako sa sarili ko. Naisip ko masyado yata akong naging judgmental sa tao. Sige. Aaminin ko. May pagka-user yung ginawa ko, pero pasensya na. Tawag ng pangangailangan eh. Wala na akong ibang magagawa. Pagtapos ng klase, naunang lumabas si Franz. Hinabol ko siya para magpasalamat. At humingi na rin ng despensa sa mga inasal ko dati. "Ok lang yun, bro. Wala yun," nakangiti niyang sabi.

"Sigurado ka ha? Ok lang kung gusto mo ko sapakin. Gumaan lang loob mo," sabi ko. "Hindi na, bro. Kalimutan mo na yun," sagot niya. "Sige. Salamat ulit ha." Dun nagsimula yung pagkakaibigan namin. Apart from Sharlene and our friends, si Franz yung naging kasama at kausap ko. Syempre mas madalas kaming magkita dahil pareho kami ng course. Dun ko siya nakilala ng mabuti. Mapagbiro pala siya. Bibo siya, pero malimit yun mamisinterpret. Ang dating tuloy epal siya. Hindi naman pala. Masipag din siya magaral. Gusto niya daw maka-place sa board exams. Sa kanya ako nahiram ng mga notes dahil di ko ugaling magsulat habang nasa klase. Pag may hindi ako alam, siya rin ang naging tanungan ko. Hanggang sa exam, siya ang kopyahan ko. Sa madaling salita, naging maayos ang pagsasama namin ng Sem na yun. May isang gabi, sabay kami umuwi. Nagdesisyon kaming kumain muna. Habang kumakain, nagkwentuhan kami. Only child lang pala siya. Spoiled sa lahat. Gusto nga daw niya magkaron ng kapatid nuon, pero ngayon hindi na. Ang hanap na raw niya ngayon eh isang tao na pwede niyang mahalin. Isang tao na bubusugin niya ng attensyon at pagaalaga. Isang tao na magiging pinakaimportanteng tao sa buhay niya. "Ayos ah. Ang swerte naman nung taong yun," sabi ko. "Meron na ba?" "Meron na. Pero di niya alam eh," sagot niya. "Di niya pa siguro napapansin yung mga maliliit na bagay na ginagawa ko para sa kanya." "Ah, ganun ba. Mapapansin niya rin yun, bro. Wag ka mawalan ng pag-asa," sabi ko. Tumango siya at ngumiti. "Sana nga." "Ano ka ba. Marami jan na mga babaeng nagkakandarapa sayo. Isa ka kaya sa mga crush-ng-bayan sa campus," biro ko. Natawa siya sa sinabi ko. "Hindi naman. Ikaw nga yun eh." "Naku, hindi rin," natatawa kong sabi. "Pero mapapansin ka rin nung mahal mo. O baka naman dapat kumilos ka na, bro. Mamaya maunahan ka na ng iba ikaw rin." "Oo nga eh. Buti sana kung mahilig sa gwapo yung taong yun," sabi niya.

"Aba, medyo makapal lang ah," biro ko. Nagtawanan kaming dalawa. "Ikaw ba? May mahal ka na ba?" tanong niya. Ano ba namang tanong yan? Nananahimik ako dito eh. "Wala pa. Di ko pa iniisip yun. Sa ngayon, ang gusto ko lang eh maging masaya," sagot ko. "Masaya ang may mahal, bro." Tumawa lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. "You need a lovelife," bigla niyang sinabi. "I have a night life. Works well for me," nakangiti kong sabi. "Iba yun, bro." "Pareho lang yun. Besides, walang interesado sakin." "Pano kung sabihin kong meron?" sabi niya. "Sige nga, sino?" tanong ko.

"Ako."

CHAPTER 28

Natigilan ako sa sinabi ni Franz. Tama ba yung narinig ko? Interesado siya sakin? Bakit? Eh lalaki din siya. Wag mong sabihing...? Natawa siya sakin. "Nagulat ka?" tanong niya. Tumango ako. "Seryoso ka?" "Mukha ba akong nagbibiro?" sabi niya. Hindi ko alam sasabihin ko. O kung dapat ba akong magalit sa kanya. Di ko akalaing ganun siya. "Alam mo, matagal na kong may gusto sayo. Kaya lang wala namang pagkakataon na masabi ko sayo. Saka ayoko din naman magpahalata. Kaya nung maging magkaklase tayo eh sobra akong natuwa. Sabi ko pagkakataon ko na to," paliwanag niya. Naisip ko, kaya pala ganun ang pakikitungo niya sakin. May ibang ibig sabihin pala yun. "Pasensya ka na kung nabigla kita. Di ko na kasi mapigilan eh," dagdag niya. "Hindi. Wala yun. Ok lang." Yun nalang ang sinagot ko. Pero sa totoo lang, hindi ako komportable nung mga oras na yun. "Sana di ka magbago, bro." sabi niya. Natawa nalang ako. "Hindi. Syempre hindi." Ngumiti siya. Lumipas ang mga araw pero medyo iwas ako kay Franz. Di ko talaga akalaing may gusto siya sakin. In fact, lalaking-lalaki siya kung kumilos at magsalita. Pero lalaki pala ang gusto niya. At ako nga yun. Wala nga akong girlfriend, pero di pumasok sa isip ko ang makipagrelasyon sa kapwa ko lalaki. Ngayon ko lang naisip ang ganito. Sa totoo lang, masaya naman ako kahit single ako. Wala naman sakin kung may girlfriend o wala. Pero iba si Franz. Napansin ko lang naman. Mahirap magsalita, dahil baka isipin niyo na ang yabang ko naman. Masyado akong feeling. Ang tanging masasabi ko lang eh iba yung pakiramdam na binibigay niya sakin sa lahat ng bagay na ginagawa niya. Ngayon ko lang na-experience ang ganun, ang bigyan ng sobra-sobrang atensyon. Kahit na galing pa siya

sa kapwa ko lalaki. Hanggang parang hinahanap-hanap ko na yung pakiramdam na yun. Minsan, naisip ko, pano kaya kung ma-in-love ako sa kapwa ko lalaki? Ano kayang pakiramdam? Ano kayang pwedeng mangyari? Tinignan ko ang lahat ng anggulo. Sa normal na relasyon, hindi rin naman ganon kaganda lagi ang kinahihinatnan. Naghihiwalay parin naman. Nagkakaron ng maraming problema. Pero, yun yung tama eh. Mali yung magkaron ng relasyon ang parehong lalaki. Teka, ano ba ang mas importante sakin? Ang tama? O ang magpapasaya sakin? Tama nga ang ginagawa mo, pero masaya ka ba? Mali man ang isang bagay, pero kung magbibigay naman sayo yung ng kaligayahan, bakit hindi? Dun ko napagdesisyunan na bigyan ng pagkakataon si Franz. Wala namang mawawala sakin. Kahit na mali ito, wala akong pakialam. Kung siya ang may hawak ng kaligayahan ko, I'll take my chance. Nag-text ako sa kanya. Uy, di ka nagtext ngayon ah. Madalas kasi siyang magsend ng messages sakin, kahit na di ako masyado nagrereply. Ah. Wala lang. Bakit? Nagreply ako agad. Na-miss ko kasi. Ang bilis niya sumagot. Ulol! Haha Natawa ako. Bakit? Eh sa na-miss ko nga eh. Medyo natagalan siya magreply. Wag kang ganyan baka maniwala ako. Akala niya yata nakikipagbiruan ako nung panahon na yun. Eh di maniwala ka. Totoo naman yung sinabi ko. Ano na kaya ang iniisip niya? Naisip niya na kaya na binibigyan ko na siya ng chance?

Mahirap na. Baka masaktan lang ako. Ayan na. Di ko yun gagawin. Mabilis ang naging sagot niya. Sigurado? Sumagot ako. Yep. Maya-maya, tinawagan niya ako. Nag-usap kami. Hindi siya makapaniwala na pumapayag na ako. Sa totoo lang, wala pa naman akong nararamdamang matindi sa kanya. Pero tinatamaan na rin ako kahit pano. Bago matapos ang gabi, nagkasundo rin kami.

September 4, 2006, kami na ni Franz.

CHAPTER 29

Pumunta ako sa unit ni Franz kinabukasan. Usap daw kami ulit. Malapit lang sa college yung inuupahan niya. Siya lang magisa dun. First time ko makapunta sa unit niya. Studio type lang. Tamang-tama para sa estudyante. Kinuha niya yung kamay ko at dinala niya ako sa kama niya. Dun daw kami magusap. Siya ang nagumpisa. Di raw niya lubos maisip na kami na talaga. Di siya nakatulog kagabi sa kakaisip sakin. Natawa ako. Ngayon ko lang kasi narinig na may hindi nakatulog dahil sakin. Ganito pala ang pakiramdam. Masarap pala. Ako raw ang una niyang boyfriend. At seryoso raw siya sakin. Sinabi ko sa kanya kung ano ang gusto ko mangyari. Pinaliwanag ko na kung maari, walang ibang makaalam ng relasyon namin. Ok lang naman daw sa kanya. Sa totoo lang, yun din ang gusto niya mangyari. Natuwa naman ako kahit papano dahil pareho kami ng gusto. Magkasama lang kami buong araw dun sa unit niya. Inasikaso niya ako nun na parang isa akong hari. Pinaramdam niya agad sakin kung gano niya ako kamahal, at kung gano ako ka-importante sa kanya. Aba! Ang sarap nga naman ano! Habang tumatagal, natututunan ko na siyang mahalin. Hinahanap-hanap ko siya lagi. Para bang hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko siya makita. Huling Sem na namin yun sa college. Madalas ko siyang intayin para ihatid sa bahay. Minsan, dun na ko nag-o-overnight sa unit niya. Kung ano-anong kasinungalingan na ang nasasabi ko kina Nanay at sa mga kaibigan ko para lang makasama ko si Franz. Lagi akong nagdadahilan sa kanila para makatakas ako. Hindi ko naisip na darating yung ganitong punto sa buhay ko na magagawa ko yung ganito. Komplikado, oo. Pero masaya ako eh. Si Franz ang naging dahilan kaya ako naging masaya. Sa kanya ako kumuha ng lakas dahil nung mga panahong yun, puro problema na sa bahay. Problema sa pera, at problema kay Tatay. Sobrang maingat kami nun para hindi mahuli ang relasyon namin. Hindi kami malimit lumabas dahil alam naming takaw atensyon yun. Baka kung sino pa ang makakita samin, mahirap na. Kontento na kaming dalawa na magkasama kami lagi sa unit niya. Dun kami nakain, nanonood ng TV or DVD, at... well... alam niyo na yun. Totoo nga yung sabi niya nuon, na bubusugin niya sa pagmamahal at atensyon yung taong mahal niya. At sobrang saya ko na ako yung tao na yun. Pinaramdam sakin ni Franz kung pano mabuhay, magmahal ng tunay, at maging masaya. Kaya naman sobra ko siyang minahal. Binigay ko sa kanya lahat. Binigay ko sa kanya ang tiwala ko. Buong-buo.

Yung unang monthsary namin, sinorpresa niya ako. Naghanda siya ng dinner sa unit niya. Nothing fancy naman. Pero alam mo yun? Ito yung first-ever romantic dinner ko. I've never experienced anything like this in my life. Dinner was good, the dessert, was way better. Syempre, nakaranas din kami ng mga problema. Madalas siya magtampo nuon, parang bata. Pag tahimik na siya at naka-pout, alam ko na ibig sabihin nun. Pero walang bagay na hindi nakukuha sa magandang usapan. Yun nga lang, hindi lahat ng bagay. March na nun. Malapit na ang graduation. Wala naman akong napapansin na kakaiba nung mga panahong yun. Sa paningin ko, mas lalong tumibay ang pagsasama namin ni Franz. Kung nung una, siya yung sobra magmahal, ngayon ako na. Nagtext ako sa kanya. Gusto ko kasi siyang sorpresahin sa gabi. Gusto ko bumawi dahil hindi kami nakapag-celebrate ng 6th monthsary namin. Kasalanan ko naman yun, kaya ako babawi. Babe, san ka na? Nasa mall ako. Mag-isa. Naghahanap ako ng pwede kong gawing peace offering. Nandito ako sa bahay. Mukhang galit parin siya sakin. Ni-hindi niya ako tinawag na "Babe." Ah ok po. Pwede bang pumunta jan mamayang gabi? Inintay ko ang sagot niya. Ok. Naku. Galit parin talaga. Di na ko nagreply. Bumalik na ko sa paghahanap ng regalo sa kanya. Ano kayang maganda? Bracelet o kwintas? Tumingin ako ng magandang design. Pero wala akong na-tripan. Naisip ko, meron pa store sa kabilang side, malapit sa sinehan. Dun ako nakakita ng magandang kwintas. Binili ko na. Nakangiti akong lumabas nun. Sabi ko its gonna be a good day today. Habang naglalakad, may nakita akong familiar face sa ticket booth ng sinehan. Si Franz. May kasamang iba. Akala ko ba nasa bahay siya? Pumasok ako sa isang store na katapat ng booth. Kinuha ko yung cellphone ko para magtext. Babe, anong ginagawa mo? Nakita kong kinuha niya sa bulsa ang cellphone niya. Nagreply siya.

Wala. Nakahiga lang sa kama. Uminit ang ulo ko. Sinungaling. Nakikita kaya kita ngayon. Pagkaalis nila sa booth, dali-dali akong pumunta dun. Tinanong ko kung anong panonoorin nung dalawa. Bumili rin ako ng ticket. Hindi para manood, kundi para magmasid. Sinundan ko sila sa loob ng sine. Naupo sila sa may bandang harapan. I sat two rows behind them. Hindi ko inintindi ang pelikula, nakatingin lang ako kina Franz.

At yun, nakita ko ang hindi ko dapat makita.

CHAPTER 30

Gusto ko magwala. Pero nakakahiya. Alam mo yung pakiramdam na sasabog yung kalooban mo? Ganun ang naramdaman ko nun. Lumabas ako ng sinehan. Hindi ako nakatagal. Ang sakit ng dibdib ko. Naupo ako sa waiting area sa lobby. Nagiisip. Hawak ko sa kamay ko ang regalo ko kay Franz. Hinintay ko matapos ang pelikula. Hindi ako umalis dun. Ang tagal kong nakaupo dun. Hanggang matapos na nga ang palabas. Lumabas na unti-unti ang mga nasa loob. Di naman sila karamihan. At yun, lumabas na rin ang iniintay ko. Nagtatawanan pa silang dalawa pagbukas ng pinto. Pero biglang natigil yun nung makita ako ni Franz na nakaupo. Nakita ko ang pagkagulat at kaba sa mukha niya. Hindi ako tumayo at nagsalita. Tinitigan ko lang siya ng matagal. Parang nakatunog na yung kasama niyang lalaki. Bumulong kay Franz at biglang umalis. Gusto ko siyang sapakin nun. Pero nagpigil lang ako. Ayoko gumawa ng gulo. Nakakahiya. Tumayo ako at lumakad papunta kay Franz. "I hope you had a good time," bulong ko. Naglakad na ko paalis. "Dan!" sigaw niya. Pero hindi na ko lumingon. Ganito pala ang pakiramdam ng lokohin. Sobrang sakit. -----------------------------------------------------------------Bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas si Franz. Nandun ako sa pinto ng unit niya. Nakaupo. Iniintay siya. Nilapitan niya ako. "Kanina ka pa jan? Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot," sabi niya ng mahina. Ah, yun ba. Pinatay ko kasi ang cellphone ko. Ayaw ko maistorbo sa pagiisip ko. Dumerecho ako dito mula sa mall. Binuksan niya ang pinto at pumasok kami. Pinilit kong kalimutan ang nangyari kanina. Ayokong magaway

kami. Mahal na mahal ko siya. Tahimik na umupo si Franz sa kama. Tumabi ako sa kanya. "Bukas na yung rehearsal natin para sa graduation. Wag ka ma-le-late ha," sabi ko na parang walang nangyari kanina. "Dan," sabi niya. "Kumain ka na ba? Gusto mo kain tayo sa labas? Hindi pa ko nakain eh," yaya ko. Tumawa ako. Pero medyo pilit. "I'm sorry," sabi niya. "Saan? Ako nga dapat ang humingi ng sorry sayo eh. Diba hindi tayo nakapag-celebrate ng monthsary natin?" sabi ko. Tapos yun, kinuha ko sa bulsa ko yung regalo kong kwintas. "Eto o, I got this for you." Sinuot ko yun sa kanya. "Dan, its not working anymore," sabi niya. "Ha? Wag mo yan sabihin. Kaya natin to. Please, mahal na mahal kita eh," pagmamaka-awa ko. Umiling lang siya. "Ayusin natin to. Please naman, Franz." Hinubad niya yung bigay kong kwintas. Nilagay niya yun sa palad ko. "I'm sorry." Tumayo siya at nagumpisang humakbang, pero pinigilan ko siya. "Please naman Franz. Ano bang problema?" sabi ko. Hindi siya sumagot. Inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya. Naglakad na siya at pumasok ng C.R. Naiwan akong magisa. Di alam ang gagawin. Ito na ba yun? Ito na ba ang huli? Wala bang happy ending para sakin? Tumayo ako at naglakad papunta sa C.R. Hindi ako nagpaalam. Ang tanging sinabi ko sa kanya ay, "Tawagan mo ko. Hihintayin ko."

Lumabas na ko ng unit niya. Yun na pala ang huling beses ko siyang makikita. -----------------------------------------------------------------Natapos ko rin ang kwento namin ni Franz. Ngayon ko lang yun nakwento sa ibang tao. Matagal kong tinago yun sa loob ko. Tahimik si Matteo sa tabi ko. Malungkot. Natawa ako sa itsura niya. Parang nalugi ng malaking halaga. "Hey. What's with the face?" tanong ko. Umiling siya. "Wow. That's..." Di na niya natapos yung sasabihin niya. Di yata siya makapaniwala sa narinig niyang kwento. "I didn't expect..." "Ganun talaga eh. Shit happens," sabi ko. Tahimik siya. Parang may iniisip. "It was difficult. It broke me apart, alam mo yun? Binigay ko lahat, but it still wasn't enough," sabi ko. Di sumagot si Matteo. Ano kayang iniisip nito? "Hey, ano ka ba? Tahimik mo bigla," sabi ko. Tumingin siya sakin at umiling lang. "But I'm ok na. Thanks to you," sabi ko. Pinatong niya yung kamay niya sa kamay ko. Hinawakan ko yun ng mahigpit. Buong gabi.

At sa unang pagkakataon, nawalan ng sasabihin si Matteo.

CHAPTER 31

"Dan!" sigaw ni Sharlene. "Ano ka ba sumobrang busy ka naman yata? Na-miss kita ha." "Sorry na. Alam mo namang month-end eh," paliwanag ko. Pero sa totoo lang, mas marami pa kaming beses na nagkita ni Matteo kesa kay Sharlene. "Ok lang. Kasama ko naman si Sean," sabi niya sabay tawa. Aba, mukhang nagkakamabutihan na naman yung dalawa. "Kayo na ba ulit?" tanong ko. "Sira! Di no." "Eh bakit parang tuwang-tuwa ka na kasama mo siya?" "Wala lang," sagot niya. Pero halata namang kinikilig. "Ewan ko sayo. Ang gulo mo talaga," sabi ko. Tumawa siya ng malakas. "Kasi naman, nagpipigil ako. Ayaw ko na ulit mangyari yung dati. Remember, he's still Sean Marasigan. Ang pinagkaiba lang eh mas mature-looking lang siya ngayon." "Meaning?" "Mamaya ganun parin siya. Or worse. Ewan ko," sabi niya. "Ganun?" "Oo kaya. Mahirap na no!" "Shar, you'll never know if you don't give him another chance. Things change, pati na tao," paliwanag ko. "Wow. Ikaw ba yan, Dan? Nagbago ka na talaga sa kanya no?" biro niya. "Puro ka talaga kalokohan," sabi ko. Ngumiti lang siya. Maya-maya, sumagot siya. "Sige na nga, mahal ko parin si Sean."

Napailing nalang ako. Umamin din. -----------------------------------------------------------------Ngayong gabi na ang General Assembly ng kompanya namin. Lahat ng empleyado ay dadalo. Gaganapin yun sa isang ballroom sa Sports Club. At ngayong gabi na rin ang announcement kung sino sa aming tatlong nominado ang magiging Top Agent ng taong ito. Kinakabahan na ko. Bakit ko nga ba gustong makuha ang award na yun? Ano bang halaga nun sakin? Well, yun lang naman ang isang basehan para mapabilang sa mga pagpipilian para maging Junior Branch Manager. Ito na ang pinakamabilis na ticket para maka-graduate ako sa pagiging isang ahente. Taon-taon, mahigpit ang nagiging labanan para dito. Kaya maging nominee ka lang eh para ka na ring nanalo sa lotto. Pero syempre, mas walang tatalo sa pakiramdam na ikaw ang manalo ng parangal. Di naman sa pagod na ko maging isang ahente. Yun lang nga, gusto ko naman tumaas ang ranggo ko. Magkaron ng titulo yung pangalan ko. Dito manlang eh maging titulado ako, kahit hindi na yung title na CPA. Nagumpisa na ang GA, pero nandun pa ako sa labas ng ballroom. Sobrang kaba ko. Parang masusuka ako na ewan. Tinawagan ko si Matteo. Sabi ko sa kanya na nagumpisa na kami. Sabi niya good luck daw sakin. No matter what happens tonight, ako parin daw ang top agent para sa kanya. Naks, ang sweet naman. Sabi niya magkita daw kami sa pad niya pagtapos. Nasa isang fashion show kasi siya. Baka hindi niya ako madaanan sa Sports Club. Sabi ko sige. Pupunta ako pagtapos namin dito. Good luck din sayo, sabi ko. Hinanap ko si Tito Ric sa loob. Nakita niya yata akong naghahanap kaya kumaway siya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Natawa siya nung makita ako ng malapitan. "Uminom ka ba ng suka, anak? Ang putla ng labi mo," sabi niya sakin. "Relax ka lang." "Tito, nasusuka yata ako," sabi ko. "Ano ka ba? Kaya mo yan. Think positive," inakbayan niya ako at tinapik sa likod. Huminga ako ng malalim. Hay. Parang ang bagal ng oras. Gusto ko na matapos ito para matapos na rin ang pagkabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Gusto ko na malaman ang naging resulta. Sa aming talong nominado, ako ang pinakabata. Sina Grace at Jay-R ay may mga pamilya na.

Ang tagal ng message ng CEO namin ha! Parang ayaw niyang magtapos! Ilang points lang naman siya sa message niya pero parang ang tagal niya magsalita. Kung di ako nagkakamali, apat lang ang points. Pero pakiramdam ko umabot siya ng bente! Dala na rin siguro ng sobrang kaba kaya ganun. Hanggang dumating na rin ang takdang oras. Ayan na ang announcement. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "This is it, anak!" sabi ni Tito Ric. Opo, Tito, ito na nga. At hindi ka nakatulong sa ginawa mo. Lalo akong kinabahan sayo. Parang nabingi nako nun. Ang tanging naririnig ko nalang ay ang tibok ng puso ko. Sumobra naman yata sa lakas ng tibok. Parang may tumakip sa tenga ko. Wala na akong ibang naririnig. Ano ba yan! "Daniel Marc A. Burgos!" sigaw nung emcee. Naghiyawan ang mga katabi ko. Niyugyog ako ng ilang kamay. "Dan!" nakita ko ang mukha ni Tito sa harap ko. "Ikaw ang nanalo! Congratulations!" Nananaginip ba ako? Pero parang hindi. Totoo na yata ito. Ako nga ang Top Agent for 2010! Sinamahan ako ni Tito pumunta ng stage. Parang wala ako sa sarili nung mga panahon na yun. Para akong lumulutang. Sa wakas! Ito na yung inaasam-asam ko! Dininig na rin ang panalangin ko. Umakyat ako ng stage habang walang patid ang palakpakan ng mga tao. At yun na nga, tinanggap ko na ang plaque mula sa CEO ng aming kompanya. -----------------------------------------------------------------Sunod-sunod ang natanggap kong text pagtapos nung announcement. Para parin akong nasa cloud-9. Ang sarap ng pakiramdam na unti-unti ko nang nakikita ang bunga ng paghihirap ko sa trabaho. Hindi ko na nareplyan ang lahat ng nagtext sa dami nila. Kabilang sa mga nareplyan ko ay sina Nanay, Sharlene, Tito Gary at Tita Lani, at syempre si Matteo. Pauwi na raw siya. Sabi ko magta-taxi nalang ako papunta dun. Pagdating ko sa condo niya, kumatok ako sa pinto. Ilang saglit, binuksan ni Matteo at pinapasok ako. Todo ngiti siya. Pagkasara ng pinto, niyakap niya ako.

Ang saya ko nung mga sandaling yon. Ang sarap ng pakiramdam na kasama mo ang isang tao na mahalaga sayo to share the special moment. Wala na yatang tatalo dito! Ang tagal namin magkayakap nun. Natatawa na nga kami eh. Pero walang nabitaw saming dalawa. Hanggang sa magsalita ulit si Matteo.

"I love you, Daniel."

CHAPTER 32

Nagulat ako sa narinig ko. Mahal daw niya ako? Tinulak ko siya palayo. Sandali lang. "What?" sabi niyang gulat. Umiling lang ako sa kanya. "Daniel, I'm in love with you." "No. No. Ok? No," sabi ko. Nagtaka siya sakin. "Why? Tell me," tanong niya. "This can't happen." Nagalit si Matteo sa unang pagkakataon mula ng makilala ko siya. "What's the matter with you? I'm practically throwing myself at you and you just shrug me off like that?" "Mali eh. Mali," sagot ko. "What's wrong with loving someone? Since when was falling in love wrong?" "Matt! Can't you see? Pareho tayong lalaki. Yun ang mali. Naintindihan mo? And I don't want to make the same mistake again." "Coward." "What did you say?" Uminit ang ulo ko sa sinabi niyang yun. Kahit kelan, hindi ako naging duwag. "I said, you're a coward. You're hiding behind that excuse because you're afraid of getting hurt again," sabi niya. Umiling ako. "Nagkakamali ka. Hindi ako duwag." Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin sakin, wag lang yang salitang yan.

"Admit it. Duwag ka!" sabi niya. "Hindi nga ako duwag!" Napasigaw na ko sa galit. Tinulak ko siya ng malakas. Hindi na ako nakapagpigil. "Duwag ba para sayo yung taong hinarap lahat ng problema magisa? Duwag ba yung taong kinaya lahat ng sakit, dito, dito sa loob? Duwag ba yung taong nalagpasan lahat ng hirap ng walang ibang kasama? Sabihin mo sakin, Matt. Duwag ba yun para sayo?" Nakatingin lang siya sakin. Hindi kumikibo. Tumalikod ako sa kanya. Naguumpisa nang mabasa ang mga mata ko. "Alam mo, buong buhay ko nalang yata puro hirap ang dinanas ko. Nung iniwan kami ni Tatay, I was the one kept my family together. Maraming beses ko na gustong sumuko. Hirap na hirap na ko eh. Pero hindi pwede. Ako lang ang sasandalan nila. Kung duwag ako, matagal na kong umalis. Matagal ko na silang iniwan." Siguro sobrang emosyon ang dahilan kaya tuluyan nang bumagsak ang luha ko. Kanina lang ang sayasaya ko, ngayon naman malungkot ulit. "Yung dinanas ko kay Franz na siguro ang pinakamahirap. Iniwan niya ko sa ere. Ni hindi ko alam kung anong nangyari. I waited for him. Pero wala. I was left hanging for too long. Hanggang ngayon, iniisip ko kung bakit. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko nun. Tinago ko yun lahat dito, sa loob ko. Hindi ko mailabas, hindi ko maiyak ang sakit na naramdaman ko. Sabihin mo nga, duwag ba yun para sayo? Kinaya ko lahat mag-isa, Matt. Hinarap ko lahat ng ako lang. Kaya you don't have any right to tell me that I'm a coward." Nakatalikod parin ako sa kanya. Tahimik niya akong pinakinggan. Maya-maya, naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang balikat ko. Inalis ko yun dahil galit ako. Niyakap niya ako mula sa likod. Nagpumiglas ako, pero hindi siya umalis. Tumulo ulit ang luha ko nun. Napaupo kami sa sahig. "I'm sorry. I'm so sorry," bulong ni Matteo sakin. Hinayaan niya lang akong umiyak hanggang gusto ko. Sige, ilabas mo lang, sabi niya. Ang tagal namin sa ganung posisyon. Nakayakap lang si Matteo sakin. Nung wala na akong luha, nagsalita siya ulit. "Dan," sabi niya while brushing my hair, "you went through a lot. But I know it made you a stronger person." Di ako sumagot.

"You've taken care of others for so long. Its time someone took care of you." Ngumiti ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya. And then it just happened. We kissed. Nung gabing yun, Matteo made me feel alive again. -----------------------------------------------------------------Bakit parang sumobrang lambot ng kama ko? At bakit malamig? Dahan-dahan kong binukas ang mata ko. Bakit parang nag-iba yung kwarto ko? Bigla akong napatayo. Hindi pala ako umuwi kagabi! Dito ako natulog sa unit ni Matteo. Teka lang... Oh no! "Hey sleepyhead," sumilip si Matteo sa pintuan. Nagtakip ako ng kumot. Wala kasi akong suot na damit. Ano bang ginawa mo Dan! Pumasok si Matteo. Tawa ng tawa. "What're you doing that for?" tanong niya. "Which one?" sabi ko. "That covering thing you're doing," sabi niya. Parang aliw na aliw naman tong tao na to. "No need for that. I've seen every inch of you." Tapos tumawa ulit ng malakas. Parang nahiya ako sa sarili ko. Lalo akong nagbalot ng kumot. "Naman eh, hindi kaya ako sanay ng walang damit gaya mo." "Awwww..." tapos tumalon siya sa kama at tumabi sakin. "Sorry na." Umayos siya ng upo. Tinawag niya ko para sumiksik sa tabi niya. Inakbayan niya ko. "Thanks for last night," binulong niya sa tenga ko. Sabay halik sa pisngi. "Shit," sabi ko. Ewan ko pero parang nahiya ako sa nangyari. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko.

"Hey," sabi niya. Tinanggal niya yung kamay ko sa mukha. "Listen, what we had last night was special. Don't ever feel ashamed of something like that, ok?" Tumango nalang ako. Kinuha niya yung kamay ko at pinagdikit niya ang mga palad namin. Akala ko kung anong gagawin niya. Maya-maya ginalaw niya yung kamay niya hanggang yung mga daliri nalang namin ang magkadikit. Sumenyas siya na gawin ko din yung ginawa niya. Ayun, ginalaw galaw namin ang mga kamay namin na sabay. "What's that?" tanong niya sakin. "Kamay," sagot ko. "Nope," sabi niya habanag patuloy ang paggalaw ng mga kamay namin. "Ano?" sabi ko. "That's a spider in front of a mirror," sagot niya sabay tawa. Hinampas ko siya ng unan sa inis. Ano ba yan! Sabi ko, "Ang corny mo!" Tawa ng tawa si Matteo. Di ako natawa sa ginawa niya. Dun ako natawa sa kakornihan niya. Pero kahit ganun, medyo na-cute-an naman ako. Napadapa siya sa sobrang kakatawa. Dinaganan ko siya. "Oooh wow. Its still early, baby," sabi niya sabay tawa ulit. "Loko!" sabi ko. Ayun, tumayo nalang ako at umupo ulit. "Hey, it was a joke," natatawa niyang sabi. Tinignan ko lang siya. "Ok, I'll stop na," sabi niya. Tapos umayos siya ng higa at ginamit niyang unan yung binti ko. Tinitigan niya lang ako habang nakangiti. Pinaglaruan ko yung mukha niya. Pisil sa pisngi, pindot sa ilong, binukas-sara ang bibig at binuklat ng todo ang mga mata. Tawa ako ng tawa sa itsura niya. Medyo namula nga yung pisngi at ilong niya eh. "Salamat ah," sabi ko kay Matteo.

"Saan?" tanong niya. "For not giving up on me," sabi ko. Hinawakan niya yung mukha ko at siya naman ang pumisil sa pisngi ko. "That's nothing." Tumawa ako. "So, what do you want to have for breakfast?" tanong niya. "Kahit ano," sagot ko. "You want hotdog and eggs?" Tumayo na siya sa kama. "That's all I know how to cook." "Didn't we just have that last night?" sabi ko. Tapos kumindat ako sa kanya. Tinignan ako ni Matteo ng patagilid. "Aha! Ikaw ha!" "What?" pa-inosente pa ako. "Mamaya. Just wait for me," sabay tawa ng malakas. Tumawa rin ako ng malakas. "Bring it on!" "Aba," parang nahiwagaan si Matteo. "You, sir, will have your breakfast in bed, while I'll have my dessert afterwards." Lumapit siya sakin at hinalikan niya ko sa noo. Lumabas na siya ng kwarto. Naiwan akong nakangiti. Hay, si Matteo nga naman. Ang tindi ng tama ko sa kanya. "Happy?" bigla siya ulit sumilip sa pinto. Tinignan ko siya.

"Never been happier."

CHAPTER 33

Beautiful days ahead. Yan na ang paningin ko ngayon. Dahil yan sa hawak ko ang kamay ni Matteo. Alam kong mahal niya ako, at mahal ko rin siya. Kahit anong mangyari, hindi yun magbabago. Lalo ko siyang nakikilala habang dumadaan ang mga araw. Diba sabi nila hindi mo makikilala ng lubusan ang isang tao hanggat di mo siya nakakasama sa bahay? Hindi naman ako lumipat sa pad niya. Mas naging madalas lang ang pagpunta at pagtulog ko dun. Hindi nga siya marunong magluto gaya ng sabi niya sakin. Puro take-out at instant ang pagkain niya. Best friend niya daw yung microwave. Pero, mahilig siya sa gulay. Lagi siyang may stock ng fresh na gulay sa ref para pang-salad. Di ako mahilig sa ganun, pero nakain naman din ako kahit pano. Paborito niya ang bell pepper. Nilalagyan niya lang yun ng olive oil and salt at yun, nginangata niya na. Hindi siya malikot matulog. Kung ano ang posisyon niya matulog, ganun din pag gising niya. Tinanong ko nga siya, di ka ba nasi-stiff neck nun? Hindi naman daw. Sanay na raw siya. Saka may isa siyang gawain pag tulog na sobra akong naaaliw. Nanguya siya. Haha! Oo, ang weird nga eh. Wala naman siyang kinakain pero nanguya. Siguro madalas siya managinip ng pagkain. Mas dumami ang raket niya ngayon. Magmula nung lumabas yung commercial niya, hindi na tumigil ang inquiries kay Tito Jonas kung pano kukunin bilang modelo si Matteo. At pati sa internet, marami na ang curious malaman ang lahat tungkol sa kanya. Excited na nga ang mga tao sa paglabas ng issue ng magazine kung san siya ang cover boy. Hindi masyado pinapansin ni Matteo ang lahat ng attensyon sa kanya. Cool lang siya. Parang normal lang. Kung pano ko siya nakilala dati, ganun parin siya. Pero syempre, sobrang proud ako sa kanya. -----------------------------------------------------------------"Danny boy," sabi ni Sharlene, "gusto mo ba ng kopya ng magazine?" Syempre naman! Si Matteo kaya ang nasa cover niyan. Collector's item na yan. "Eh kung bibigyan mo ba naman ako, bakit hindi? Kesa naman bumili pa ko diba?" sagot ko. Natawa siya. "Eh wala ka naman hilig dito eh, baka itapon mo lang." Huh? Bakit ko naman itatapon? Eh si Matteo ang nandyan. "Bakit naman? Sayang yun. Libre na nga tapos itatapon ko," sabi ko.

"Sigurado ka ha. Kung hindi ibibigay ko nalang kay Sean. Fan daw siya ng magazine," sabi niya. Ano? Umeepal lang yun sayo. Nagpapabango. Syempre para balikan mo, biro ko. "Sira! Kami na kaya ulit!" sabay tawa ng malakas. Tignan mo tong tao na to. Best friend mo ba talaga ako? Best friend? "Sorry na. Ikaw naman kasi di kita mahagilap. Lagi ka nalang busy. Laging wala," sagot niya. Syempre, may sikreto ako eh. Hahaha. "Ganun talaga. Malapit na matapos ang career ko bilang ahente," paliwanag ko. "Sus. Mamaya niyan may tinatago ka na dyan na girlfriend ha. May pa-tampo tampo ka pa sakin," sabi niya. Ah, hindi girlfriend ang tinatago ko. Boyfriend lang naman. Hehehe. Pinagtawanan ko nalang siya. "Huy, parating na ngayon si Sean. Be good! Kung hindi sasampalin kita!" banta niya. Nagtawanan kaming dalawa. Ang ingay na yata namin sa coffeeshop. Pero ayos lang. Wala kaming pakialam sa ibang tao. Maya-maya, nakita na namin si Sean. Papalapit sa table namin. "Hi guys," sabi niya. Tapos humalik sa pisngi ni Sharlene. Nakita kong pinandilatan ako ni Sharlene. Parang sinasabi niyang "Umayos ka jan!" Yumuko ako para maitago na natatawa parin ako. Nung napigil ko na, saka ako tumingin ulit sa kanila. "Uy, congrats ah!" sabi ko kay Sean. Two thumbs-up para sa'yo kumag ka! "Salamat talaga, Dan," sagot ni Sean. "Alam mo, I owe this to you." Nagulat naman ako. "Naku, ano naman kinalaman ko, bro? Wala naman akong ginawa." "Kung hindi mo kasi ako tinulungan noon, baka hindi dumating ang araw na ito," paliwanag ni Sean. Napangiti ako. "Ang drama mo, men!" Sabay tawa. Natawa rin silang dalawa. Ito kasi ang first time na magkakasama kaming tatlo ulit after a very long time.

"Oy, alagaan mo ng mabuti yan ah, kundi lagot ka ulit sakin," banta ko kay Sean. "Syempre naman. Nagbago na ko, Dan. Di na ako ang dating Sean na kilala mo. I'll treat her right, pangako," sabi ni Sean. "Naku! Talaga lang ha!" sabi ni Sharlene. "Oo naman. And thank you for giving me a second chance," sabi ni Sean sa kanya. "Awwww," sabay hawak sa mukha ni Sean. "Walang anuman, baby." "Kadiri kayong dalawa no?" sabat ko. "Ikaw talaga kahit kailan!" natatawang sabi ni Sharlene. "Palibhasa wala ka paring girlfriend! Kaya ka ganyan. Ang grumpy mo!" Natawa ako ng malakas. Oo, wala nga akong girlfriend! Meron naman akong boyfriend! Hahahaha! "Pero seryoso, men. Pag nalaman kong kulay talong ulit si Sharlene magtago ka na. Ha-huntingin kita talaga," sabi ko. "Alam ko yun. Wag ka magalala. Makaka-asa ka," pangako ni Sean. "Dapat lang," sabay tingin kay Sharlene. Kinindatan ko siya habang tatawa-tawa. Parang naaliw na tinatakot ko ulit ang boyfriend niya. "Papatayin mo ba ako?" pabirong tanong ni Sean. "Di lang kita papatayin. Li-lechonin pa kita." "Yikes!" napakamot ng ulo si Sean. Niyakap siya ng Sharlene habang patuloy sa pagtawa. "At dahil jan, kumuha ka ng insurance ha? Tapos ilagay mong beneficiary si Sharlene. Para pag-nilechon na kita, may makukuha siya," biro ko. "Hay! Sabay segue ha!" banat ni Sharlene. "Aba syempre. Business is good," sagot ko. Nag-ring bigla yung cellphone ko. Natawag si Matteo. Nag-excuse muna ako sa dalawa at lumayo ako. "Hello?"

"Hey, hey, hey! How's my baby?" sabi ni Matteo. "Ok lang. Ikaw? Nasan ka na?" sagot ko. "I'm still here sa studio. Not yet done with my photoshoot. I'm a bit tired na," balita niya. Ay, kawawa naman. Sinilip ko sila Sharlene. Di naman pala sila nakatingin sakin. "Matagal pa ba yan?" "Nope, just a couple more changes then it's over. Let's have dinner tonight?" "Ah that's good. Dinner? Sa pad nalang. Pagod ka na eh," sabi ko. "Oooh. Sweet! Ok. We'll have it there later. By the way, I have something for you pala." "Ano yun?" Excited? Medyo lang. "Nothing! You'll see." "Ok. Sige." Nagiisip na ko kung ano yung ibibigay niya. Hay! Excited na ko talaga. "Hey, gotta go. 1-4-3!" hirit ni Matteo. "1-4-3!" sagot ko. Nagkasundo kasi kami na ganun nalang ang gamitin instead of "I love you." Para di masyadong halata. Then I hung up. Bumalik na ko sa table namin. Nakangiti parin pala ako, di ko napansin. "Sino yun?" tanong ni Sharlene. "Ah, cliente ko. Nagtatanong lang tungkol sa insurance niya. Which brings us back to what we were talking about kanina. Ano, men? Kuha ka?" kulit ko kay Sean. Binato ako ng tissue ni Sharlene sabay sabing, "Ikaw talaga!" -----------------------------------------------------------------Dumating ako sa pad ni Matteo around 7:30 PM. Sabi niya sakin na nag-take out nalang daw siya ng pagkain namin. Pinapasok na niya ako. Gaya ng dati, pagkasara ng pinto, niyakap niya ako. "Hmmmmmm... I missed you," sabi niya habang magkayakap kami.

"Ako hindi," biro ko. Humiwalay siya ng konti pero nakahawak parin sakin, tapos lumiit yung mata niya, parang intsik. Tumawa ako. "Joke lang." Kinindatan ko siya. Natawa na rin siya. "Come, I have a surprise for you." Para akong kinikiliti sa sobrang excited. Di ako mapakali. Ano kaya yun? Pumasok si Matteo sa kwarto. Maya-maya, lumabas siya na may dalang red na box. Shit! Ano yan? Lalo akong na-excite. Inabot niya sakin yung box. "Open it." Di matanggal ang ngiti ko sa labi. Dahan-dahan kong binuksan yung box. Nagulat ako sa laman. Isang susi. Napatingin ako kay Matteo. Ano to? Ngumiti siya. "That's yours. So you can come here whenever you want." Wow! Binigyan niya ako ng susi ng pad niya. Na-touch naman ako. "Bakit?" tanoong ko.

"Babe, what kind of question is that? What's mine is yours, too."

CHAPTER 34

"Matty, you didn't have to do this," nahihiya kong sabi. Kahit na natuwa ako ng sobra, privacy niya ang nakataya dito. It doesn't necessarily mean na dahil kami na, I have all the right in the world para panghimasukan ang privacy niya. "I don't have to, but I want to," nakangiti niyang sabi. Shit. Ang sweet naman. "Come on, let's eat na," yaya niya. I took his hand at naglakad na kami papunta sa kitchen. Dun kami sa countertop kumain. -----------------------------------------------------------------Pagkatapos namin kumain, nahiga kami sa kama. Nakasandal ako sa headboard habang nakaunan muli si Matteo sa binti ko. "Matty, remember the first time we met?" tanong ko. Napangiti siya. "Yeah. Why?" "Ang sungit mo kaya nun," sabi ko. Humagalpak siya ng tawa. "Me? Masungit? No way!" "Oo no. Gusto nga kitang sapakin nun eh." "Awww. Really? Was I such an ass?" di yata siya makapaniwala. Tumango ako. "Honestly, I don't like waiting kasi. I get irked by tardiness. You were late for like, what? 1 hour and 43 minutes?" paliwanag niya. Hala, bad impression pala ako nun sa kanya. At talagang tanda niya parin kung gano katagal ako na-late. "But, I knew you were something else. That's why I didn't jump into the deal then. I wanted to have an excuse to know you even more," dagdag niya.

Di ko alam kung maiinis ako o kikiligin sa sinabi niya. Pero, pakiramdam ko mas nakakalamang yung kilig. "Ok. I think I owe you an apology." Natawa ako. Para san? "What do I have to do for you to forgive me?" tanong niya. Wala naman yun. "Matagal na kita pinatawad dun." Nag-muwestra siya na parang tinatanong ako ng "Really?" Tumango lang ako sa kanya. Sabay kindat. "Ang sweet!" sabi niya. Para siyang tanga at kinikilig pa. "Mukha kang tanga," biro ko. "Ah ganon. You want me to tickle you to death?" sabi niya. Naghahanda na siyang kilitiin ako pero hinawakan ko yung dalawang kamay niya. "No!" sabi ko. Masunurin naman si Matteo at ayun, tinigil niya na rin ang pangungulit niya. Humiga nalang siya ulit. Pinaglaruan ko yung buhok niya. "Danny, I kinda noticed something," bigla niyang sabi. Huh? "Ano yun?" sabi ko. Ngumiti siya sakin bago nagsalita. "You don't smoke na. Did you do it for me?" Oo nga no? Di ko napansin yun ah. Parang biglaan lang namang nagyari yun. "Di ko alam. Ewan ko kung bakit. Galing mo ha. Ako di ko napansin eh!" "I know you did it for me. You know I don't like smoke," nakangiti niyang sabi. "Kapal naman!" biro ko. Di na siya nagsalita. Nakangiti parin ng todo. Bumalik ako sa paglalaro ng buhok niya. Pumikit siya. Nasarapan yata sa ginagawa ko.

"Matty," sabi ko. "Yep," sagot niya habang nakapikit. "Do you wanna know why I was running late nung appointment natin the first time?" tanong ko. "You were caught in traffic, diba?" sagot niya. "Yeah. But that's not what only happened." "Ano pa?" Nakatingin na siya sakin nung sinabi niya to. "I wasn't able to sleep well the night before kasi. I was up all night thinking," paliwanag ko. "About?" Natagalan ako bago sumagot. Di ko alam kung dapat ko bang gawin to. Kung dapat niya malaman. Pero sabi ng utak ko na kailangan kong sabihin sa kanya. Karapatan niya malaman dahil kami na ngayon. "Hey," sabi ni Matteo. Ang tagal ko na palang natahimik. Lumipad na pala ang isip ko sa malayo. "Ay sorry," sabi ko. "Ano na? What happened?" "Kasi, that night I received a text message. From Franz," mahina kong sabi. Napatitig siya sakin. "How did he know how to contact you?" Umiling ako. "I don't know. He has connections siguro. I changed numbers a couple of times already pero nalalaman niya parin eh." Tumango lang siya tapos tumingin sa malayo. "Matty," sabi ko. Di siya sumagot. "Galit ka?" tanong ko. "Sorry na." Tumingin siya sakin. Tapos umiling. "Why would I?"

"Wala lang," sabi ko. "You still love him?" tanong niya. Napa-isip ako sa tanong niya. "You don't have to answer that," tapos tumingin ulit siya sa malayo. "Naman to o," sabi ko. "What?" Parang naiirita siya. "Nagseselos ka ba?" tanong ko. "No," sabi niya. "Uyyyy, si Matty ko nagseselos," sabi ko. "No way! Do I look like I'm jealous?" todo deny niya. Pero hanggang ngayon di parin siya natingin sakin ng derecho. "Alam mo, tama ka. I don't have to answer your question. Dahil alam kong alam mo kung ano ang isasagot ko dun. Alam mong 'Hindi' ang sagot ko," sabi ko. Tumango lang si Matteo. Tapos maya-maya, ngumiti na rin. "What if, you bump into him one of these days?" tanong niya. Natigilan ako. Di ko naisip yun ah. "Honestly? Di ko alam kung ano gagawin ko. Di ko pa naisip yun eh." Di kumibo si Matteo. "Siguro tatanungin ko lang siya kung bakit. Yun lang. I never had the chance. I never knew why," dagdag ko. Tumingin si Matteo sakin at ngumiti lang. Natahimik kami ng matagal. Pinaglalaruan ko lang ang buhok niya. Pareho kaming nagiisip. Malalim ang iniisip. Maya-maya, ako naman ang nagtanong. "Matty, bakit ako?"

Tumingin siya sakin na parang naguluhan sa tanong ko. "Bakit ako ang pinili mo? "Why not?" balik na tanong niya. "I don't know. That's why I'm asking you," sagot ko. "Danny, the moment I saw you, I knew you were special. I felt like you were drawing me into you. I don't know how to explain it, its just like that." "Special child pala ako eh!" sabi ko. Sumimangot si Matteo. Ay, di niya nagustuhan ang biro ko. "Don't you ever make fun of yourself." Pinangaralan tuloy ako. Tumango nalang ako. Surrender!

"I love you because I love you. I won't give you any reasons because if I start having any reason to love you, then I think I really haven't loved you at all."

CHAPTER 35

Dahil na rin sa pangungulit ko, kumuha na nga ng insurance si Sean. Di ko talaga siya tinigilan hanggat di siya pumirma. Biniro nga ako ni Sharlene na ako naman daw ang nagpapahirap kay Sean. Sabi ko anong ako? Eh siya nga yung nagpapahirap sakin dahil ayaw pa niya pumirma sa kontrata. Pero all's well that ends well. Nabentahan ko rin ang mokong. Di ko alam kung ano ba ang nakain ko pero sunod-sunod ang dating ng cliente sakin. Karamihan sa kanila mga recommendation from my clients. Good feedback ang madalas kong natatanggap. Masaya ako kasi ganun nalang ang pagtingin ng mga cliente ko sakin. Di lang nila ako ahente, kaibigan din. Pinagbubuti ko lang naman ang trabaho ko. At siguro, dahil inspired ako ng todo. Lalong gumanda ang pagsasama namin ni Matteo. Habang tumatagal, lalo namin minamahal ang isa't isa. Hanggang ngayon, wala parin may alam sa tunay naming ugnayan. And we prefer it that way. Ako ay may pangalan na iniingatan, siya naman may career na dapat alagan. Tama nga si Tito Jonas nung sinabi niyang its not too late para kay Matteo. Isa na siya sa hottest models ng bansa. Di ko na mabilang ang mga raket niya. Magazine coverboy, billboards at fashion shows ang pinagkakaabalahan niya. Ang pinaka-huling target ni Tito Jonas para kay Matteo ay ang maging hottest bachelor sa buong bansa. Wow! Ano kayang pakiramdam ng ganun? Hangaan ka ng buong bansa dahil sa kagwapuhan at kakisigan mo? Tinanong ko minsan si Matteo kung ano ba ang pakiramdam ng ganun. Sagot niya, "It feels the same. I'm still Matt from before. Nothing changed." Loko din itong si Matteo. Ako naman ang tinanong. "So, how does it feel like to have the country's hot property as your boyfriend?" "Yabang!" sagot ko. Natawa siya. "Syempre naman, I'm so proud of you." Pero sa totoo lang, hindi talaga siya nagbago. Di ko lubos maisip kung bakit siya ganun. Parang wala lang sa kanya ang lahat ng tinatamasa niya ngayon. Hindi naman sa hindi niya gusto, sino ba naman ang ayaw maging sikat? Yun nga lang, mas gugustuhin parin daw niya ang simpleng buhay. As usual, hindi parin kami madalas lumabas. Mahirap na. Kung compicated na nung panahon ni Franz, mas lalong complicated ngayon dahil sikat si Matteo. Pag lumabas man kami, laging kasama namin sina Sharlene at Sean. Nakakatawa nga si Sean nung una niyang na-meet si Matteo. Natulala. Na-starstruck yata. Hindi siya makapaniwalang kasama niyang gumimik ang isang model.

Minsan, nagbalak kaming lumabas na kaming dalawa lang. Pero hindi natuloy. Hindi naman ako nadisappoint dahil in the first place, ayaw ko rin naman. Kaya ayun, kontento na ko na sinusundo niya ako minsan sa office kapag wala siyang raket at patambay-tambay kami sa pad niya. Dinadaanan niya ako sa trabaho at hinahatid sa bahay namin. Gaya ngayon. "Matty," sabi ko habang nasa kotse kami pauwi. "Nasa bahay sila lahat ngayon." "Really? Wow," sagot niya habang nagmamaneho. "Yeah. You wanna meet them?" tanong ko. Tumingin siya sakin. Nakangiti. "You serious?" Tumango lang ako. "Sure!" excited niyang sagot. "Pero I'm not introducing you as my boyfriend," sabi ko. "I know, it doesn't matter. I wanna meet the family!" -----------------------------------------------------------------"Nay, andito na ko!" sigaw ko pagbukas ng pinto. Nauna akong pumasok. Nasa sala yung tatlo kong kapatid. Nanonood ng TV. Tumingin sila sakin pagpasok ko. "Oy, umayos kayo. May bisita tayo," sabi ko sa tatlo. Nagtinginan sila sa gulat. Gabi na kasi tapos may bisita pa. "Pasok," sabi ko kay Matteo. "Pasensya na sa bahay ah. Medyo magulo." Tumuloy na si Matteo. "Good evening," bati niya sa mga kapatid ko. Nanlaki ang mga mata nung tatlo, lalo na si Joyce. Wala akong kaalam-alam na crush pala niya si Matteo. "Hoy! Good evening daw," sabi ko sa kanila. Sabay naman lumabas si Nanay sa kusina. Parang nakakita rin siya ng multo. Bumati ulit si Matteo. "Nay, si Matt nga pala. Kaibigan ko. Cliente na rin." "Magandang gabi din naman, anak," sagot ni Nanay. "Ah, are you understanding Tagalog?" Natawa ako. Si Nanay talaga. Allergic kasi siya sa English.

"Yes, Tita," sagot ni Matteo. "Hay salamat. Akala ko pahihirapan mo ko eh," sabi ni Nanay. "Kumain na ba kayo? Halina at sabaysabay na tayo." Tumingin ako kay Matteo. Excited yata ang loko. Ang ganda ng ngiti sakin. "Sige, tara!" sabi ko. "Kayong tatlo jan, kain na!" sabi ni Nanay sa mga kapatid ko. -----------------------------------------------------------------Nagulat ako at game na game si Matteo kumain dito. Ewan ko ba, parang wrong idea yata na pinapasok ko pa siya dito ngayong gabi. "Dan, tabi na kayo ni Matt. Hoy kayong tatlo para kayong nakakita ng multo jan. Magsikain na kayo," sabi ni Nanay. Di ko napansin na nakatulala pala sina Charles, Bong at Joyce kay Matteo. Para nga silang nakakita ng multo. Nagkatinginan kami ni Matteo. Natawa kami pareho. Umupo na si Nanay. "Ah, pwede na kayo kumain," sabi ko sa mga kapatid ko. Parang napansin din namang mukha na silang tanga, kaya ayun, nagumpisa na silang kumain. "Matt, pasensya ka na anak sa hapunan namin ah," sabi ni Nanay. Buti nalang pala at medyo marami ang niluto niya ngayon. Sinigang na baboy ang ulam namin. "Kumakain ka ba nito?" tanong ko kay Matteo. "Diba ayaw mo ng taba?" "Who told you?" sagot niya sakin. Tapos ayun, kumuha na ng maraming kanin at ng ulam. Grabe, sinabawan niya yung kanin niya ng sobrang dami. Parang lumulutang na yung kanin niya eh. Tumingin muna siya sakin at ngumiti bago sumubo. Napailing nalang ako. Tahimik parin yung tatlo kong kapatid. Umurong yata ang mga dila. Na-starstruck marahil ng matindi. Tuloy-tuloy ang kain ni Matteo. Ngayon ko lang siya nakitang kumain ng ganun. Parang wala ng bukas. Nung maubos niya yung nasa plato niya, humingi pa ng pangalawang round. Naaliw naman si Nanay dahil sarap na sarap si Matteo sa luto niya. Pati sila Charles natatawa na rin. "Kuya Dan, ang lakas pala kumain ni Kuya Matt!" sabi ni Bong.

Nanlaki yung mata ni Matteo nung marinig niya yung sinabi ni Bong. Parang nahiya bigla. Nasa bibig parin niya yung kutsara. Tapos dahan-dahan niyang tinanggal yung kutsara. Nagtawanan kaming lahat. Sabi ko, "Sige lang. Eat all you can yan." Pati si Matteo natawa sa sarili niya. "Did you hear that, Bong? Your Kuya said I can eat all I can!" sabi ni Matteo kay Bong. "Sige lang Kuya Matt. Wag ka na mahiya," natatawang sabi ni Bong. "I don't know how to be..." tumingin si Matteo sakin, "mahiyain." Napailing ako habang lahat sila nagtawanan. At ayun, parang nawalan naman ng hiya ang mga kapatid ko. Hindi na tinigilan si Matteo. Kung anoanong pinagtatanong nung tatlo. Buti nalang at parang nag-eenjoy si Matteo. Game na game sa mga kapatid ko. Sa sobrang bonding moment nila, ako tuloy ang nagligpit ng kinainan namin. Nagkakatitigan nalang kami ni Matteo. Natatawa nalang ako habang pinapanuod sila. Maya-maya, pumasok ng kwarto si Joyce. Paglabas dala na yung digicam. "Oy, anong gagawin mo jan?" tanong ko sa kanya. "Kuya, magpapapicture lang kami ni Kuya Matt. Syempre no, sobrang sikat niya kaya!" excited na sabi ng bunso namin. Adik ka rin ha? Uunahan mo pa kong magkaron ng litrato kasama si Matteo? Kami dapat ang may litrato hindi ikaw! Natuwa rin naman ako kasi parang naaliw si Matteo sa mga kapatid ko. Tuwang-tuwa yata siya na marami akong kapatid. Siya lang kasi ang anak ng magulang niya. "Nakakatuwa itong kaibigan mo, anak," sabi ni Nanay. Nagulat ako ng konti kasi bigla naman sumulpot sa tabi ko. "Ganyan talaga yan, Nay. Makulit yan eh," sagot ko habang nakatingin parin kay Matteo. Di umimik si Nanay. Pinagmamasdan lang niya sila Matteo, at ako. -----------------------------------------------------------------"Bye guys!" paalam ni Matteo. "Tita, thanks for the dinner. It was awesome." "Wala yun. Balik ka ulit ha," sabi ni Nanay.

"I will po," sagot ni Matteo. "Nay, hatid ko lang siya sa kotse," sabi ko. Tumango lang si Nanay. Kumaway na si Matteo sa pamilya ko at naglakad na kami papuntang kotse. Nung medyo malayo na kami, nagsalita si Matteo. "That went well." Natawa ako. "Oo nga eh. Aliw na aliw sila sayo." "That's good news diba? At least when I marry you, I won't have a hard time convincing them," sabi niya sabay kindat. Nagulat ako sa sinabi niya. "Anong marry ka jan? Loko!" Tumawa siya. "Why? You don't want?" "Hay naku, Matty. Umuwi ka na nga," sabi ko. Nasa kotse niya na kami. Tatawa-tawa si Matteo. Binuksan niya yung door at pumasok na. Binaba niya yung window. "Don't I deserve a good night kiss?" "Uwi na!" sabi ko. Natawa siya. "Sige na nga!" "Drive safely." Paalala ko. "Yup. 1-4-3!" sabi niya. "1-4-3! Text me when you're home."

"I will, babe." Tapos ayun, umalis na siya.

CHAPTER 36

Napa-isip naman ako sa sinabi ni Matteo. Papakasalan niya daw ako. Seryoso ba yun, o seryosong biro lang? What if nga naman no? Tutal, pwede naman na yung ganun sa ibang bansa. Pero, teka lang, parang too much to ask na pag nangyari pa yun. Gusto ko rin magpakasal. Sa ngayon, parang di yata pwede. Ewan ko ba. Nanatili sa utak ko yung posibilidad na yun. Ang sarap lang isipin at mag-imagine na gusto akong pakasalan ni Matteo. Yun nga lang, wala naman sa priorities namin dalawa ang kasal. Masyado na ba akong halatang in-love ako? Kasi kahit sino makasalubong ko or makasama ko iisa lang ang sinasabi sakin. "In love ka ba? Parang masayang-masaya ka lagi ha!" Siguro, no matter how hard I try, lumalabas parin sa itsura ko. Wala eh. Ganun talaga. Basta ako, pag sinabihan ng ganun, dinadaan ko nalang sa biro ang pagsagot. Nakaka-inis minsan dahil paulit-ulit, pero nakakatuwa dahil I keep everyone guessing kung ano ba talaga. Kahit na parang tuliro ako lagi, hindi ko naman hinahayaang makaapektohan ang trabaho ko. Kaya lang, parang ang bagal ngoras talaga. Lagi akong nakaantabay sa relo, inaantay ang uwian. Pag patak naman ng 5:30, hala, haripas na ako palabas ng opisina. Hinahabol ko ang oras dahil pag kasama ko si Matteo, sumobrang bilis naman. Di ko talaga maintindihan kung bakit ganon. -----------------------------------------------------------------"Hoy! Daniel Marc! Kilala mo pa ako?" Yan ang bungad sakin ni Sharlene. "Grabe ka talaga ha!" Natatawa nalang ako. "Syempre naman!" sagot ko. "Sus! Kilala raw. Di ka manlang nagpaparamdam. Dumaan yung Pasko di ka manlang nagpunta sa bahay! Hinahanap ka ni Mommy kaya. Kayong dalawa ni Matt di manlang nagpunta para sa Noche Buena," sabi ni Sharlene. Hala! Magkasama kasi kami nun eh. Dumaan si Matteo sa bahay namin tapos sinundo ako. Umalis kami pagtapos kumain. First Christmas Eve namin yun as a couple. "Nag-text naman ako sayo. Saka kasama ko family ko nun," paliwanag ko. "Aanhin ko ang text? Ha? Mauubos ba nun ang handa namin?" sabay nakapamewang pa siya sakin. "Eh ikaw rin naman busy sa Sean mo. Masyado mo naman ako dine-depress sa ka-sweetan niyo," balik

ko sa kanya. "Wow! Nagseselos ang best friend ko! Ang cute naman!" Parang naaliw nga siya nung mga oras na yun. "Selos ka jan. Bakit naman?" sabi ko. Sabay tawa ng malakas. "Deny ka pa. Pero seryoso, Dan. Na-miss ko talaga?" tanong niya. "Hindi!" "Ewan ko sayo! Loko ka talaga!" sabay hampas sa braso ko. Inakbayan ko siya tapos kinurot yung pisngi niya. Sumigaw siya ng "Aray!" Tapos kinurot naman niya yung braso ko. Ako naman yung naging bugbog-sarado. "Wag ka mawawala sa Media Noche ha. Sasampalin talaga ng malakas! Kayong dalawa ni Matt dapat present," banta niya. "Ano ka ba? Pano naman yung pamilya ko, ha? Family time namin yun," sabi ko. "Basta, kelangan pumunta kayo. Di pwedeng hindi." "Tatanong ko muna kay Matt kung gusto niya pumunta," pabiro kong sabi. "Masyado na kayong nagiging close nun ah. Pinapalitan mo na ako? Siya na yata ang best friend mo," nagtatampo niyang sabi. "Tumigil ka nga. Anong pinapalitan? Nag-iisa ka lang. Bukod-tangi ka sa lahat!" sabi ko. "Bukod-tangi daw," sabay irap sakin. "Asus! Iniirapan mo na ko ngayon ah," biro ko. "Ewan! Pumunta ka ha." "O sige, hahatiin ko nalang ang katawan ko. Kalahati sa inyo, kalahati sa bahay namin," sabi ko. "Eto naman, parang pabago-bago lagi. Eh di syempre pumunta ka ng maaga samin. Tapos uwi ka agad. Kainis ka talaga!" "Lagi mo nalang kasi ako ninanakawan ng oras sa pamilya ko no!" natatawa kong sabi. "Pero dahil mahal kita, sige. Pupunta ako ng maaga. At totoo yun, nag-iisa ka lang. Wag ka na magtampo ok? Saka dapat

may take-out ako ha? Pandagdag sa handa namin." "Sus! What's new naman with you? Syempre given na yun no!" -----------------------------------------------------------------Sinundo ako ni Matteo sa bahay nung December 31. Sabi ko kina Nanay na babalik kami agad para kumain. Kailangan lang namin dumaan sa bahay nila Sharlene at nagtatampo na saming dalawa. Naintindihan naman ni Nanay. "Danny," sabi ni Matteo, "you promised me we'll sleep in our pad tonight ha." Naku! Oo nga pala! Nawala sa isip ko. Ang hectic naman ng schedule ko! "Pano yun? If we leave after we eat, baka matinding putukan na nun," sagot ko. "You promised eh!" nagtatampong sabi ni Matteo habang nagmamaneho. "Ok! Sige, we'll figure this out later. Wag ka na magtampo," sabi ko. Di na siya kumibo. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. Dumating kami sa bahay nila Sharlene ng bandang 7 PM. Dun na kami nagdinner. Na-miss kaming dalawa ng pamilya Yuzon. Kinabahan nga ako at baka hindi na kami paalisin eh. Pero hindi naman, alam naman nilang pupunta pa kami sa bahay ngayong gabi. Naron si Sean, at laking gulat ko na mukhang ok na sila ng buong pamilya. Buong gabing tahimik si Matteo. Hala! Nagtampo talaga? Pero di naman niya pinapahalata masyado kina Sharlene na nagtatampo siya. Sakin niya lang pinapakita. Ayun, hanggang pauwi kami sa bahay namin hindi ako kinikibo. Sabi ko nalang sa sarili ko bahala na kung anong mangyari. Di ko alam kung panong gagawin ko. Syempre importanteng kasama ko ang pamilya ko ngayong gabi, pero importante rin si Matteo eh. Besides, ito ang unang New Year namin. Hay! Bahala na talaga si batman! Di ako masyadong kumain kina Sharlene. Para naman may lalagyan pa yung kakainin ko sa handa namin. Pinadalan nga pala ni Tita si Nanay ng Fruit Salad na sobrang dami, tapos si Tito naman ay pinabaunan kami ng konting paputok. Ayos to! Mageenjoy sina Charles at Bong dito! As usual, tuwang-tuwa na naman ang mga kapatid ko dahil nandon si Matteo. Aba, feeling yata nila eh Kuya na rin nila siya. Sobra talaga itong mga to. Ni hindi ko nakausap si Matteo dahil laging yung tatlo ang kasama. Kung nung una eh parang mga walang dila at di makapagsalita, ngayon naman eh walang

tigil sa pangungulit. Inubos nila yung paputok na bigay ni Tito Gary. "Hoy! Baka naman nakukulitan na ang Kuya Matt niyo ha," sabi ko sa tatlo. "Kuya, nag-eenjoy nga si Kuya Matt eh. Diba Kuya?" sabi ni Charles. "Yup. Don't mind your Kuya Dan. We're all having fun here," sagot ni Matteo. Aba, lokong to. Kunsintedor pala. "Matt, anak," sabi ni Nanay. "Delikado nang umuwi ng ganitong oras. Kung gusto mo, dito ka na matulog. Dun sa kwarto ni Dan." For the first time ngayong gabi, ang ganda ng ngiti niya sakin. Patay! Mukhang dito na nga kami matutulog! "Yes, Tita! I'll just stay here tonight!" excited niyang sabi. Natulala nalang ako. Si Nanay naman. Ano namang pumasok sa isip mo at sinabi mo yan? "Dan, ayusin mo na yung kwarto mo," utos ni Nanay. "Tita, I'll help Dan," sabi ni Matteo. Wala na akong nagawa kundi ayusin ang kwarto ko. Inayos ko yung kama ko para samin dalawa. Nakita ko si Matteo na todo ngiti habang pinapanuod ako. Tuwang-tuwa ang loko. Pagka-ayos ko, sinilip ni Matteo sila Nanay sa sala. Tapos na rin naman kami mag-celebrate ng New Year kaya matutulog na rin sila. Nagpaalam na si Matteo, "Good night po!" Di niya maitago ang tuwa niya talaga. Sinara na niya yung pinto at ni-lock. Naupo ako sa kama at napa-iling nalang. "Happy New Year, baby!" bulong niya sakin matapos tumabi sakin. Natawa ako pero sinagot ko siya, "Happy New Year din." Humiga na siya sa kama ko. Ang layo ng kama niya sa kama ko. Kayanin niya kaya matulog dito? "Matty, are you sure you're gonna be ok? Wala akong aircon saka di malambot ang kama ko," sabi ko. "Of course. You're beside me eh. I know I'll be fine," sagot niya.

"Shit naman! Nakakainis ka na sa sobrang ka-sweetan mo!" bulong ko. Humiga na rin ako sa tabi niya. Niyakap niya ko tapos hinalikan sa ulo.

Nung gabing yun, sumabay din kami sa putukan sa labas. Hehehe!

CHAPTER 37

Tumawag ako kay Matteo, kasama niya kasi si Tito Jonas ngayon. May meeting daw sila sa agency. "Hey, hey, hey!" sagot niya. "Matty, what do want later? I'll cook for your birthday," sabi ko. "Awww. Sweet! I don't know. Pasta, maybe? You decide," sabi niya. "Sure ka? Ok sige. I'll get some stuff sa grocery, tapos I'll cook at your pad," sabi ko. "Sounds cool!" "Sige, don't come till around dinner, ha?" "Ok po. I'll stay out of my own pad," natatawa niyang sabi. "Loko!" sabi ko. "Hey gotta go, babe. 1-4-3!" "Ok. 1-4-3!" sagot ko. Binaba ko na yung cellphone ko. Hay. Anong pasta naman kaya ang maluto ko? Kelangan something special kasi birthday niya at Valentine's day din. Ano ba yan. Parang wrong idea yata na magluto ako. Kaya lang, sa tagal na namin wala pa akong nagagawang special para sa kanya. Ah basta! Kaya ko to. Pwede naman umorder nalang pag naging disaster yung luto ko. Habang nasa office ako, nag-search ako ng recipe sa internet. Ano kayang pasta ang masarap? Naghahanap ako nung masarap pero hindi naman mahirap gawin. Di naman ako magaling na cook, marunong lang magluto. Sa paghahanap ko, nakita ko yung recipe ng "Garlic Shrimp Pasta." Tinignan ko yung ingredients pati yung procedure. Aba! Mukhang ok itong isang to ha! Madaling gawin. Nag-print ako ng kopya ng recipe at dali-dali akong nagpunta ng supermarket. Nagmamadali? Alas-dos palang kaya? Pagkagaling ko ng supermarket, dumerecho ako ng pad ni Matteo. Buti nalang at may mga gamit siya dun. Naaliw ako dahil parang mga bago parin sila. Malamang di pa nagagamit itong mga to.

Pinatong ko yung kopya ng recipe sa countertop. Nagumpisa na ako. First time ko magluto ng pasta kaya ninenerbyos ako. Sana maging maayos naman to. Anyway, kung hindi ko man maperfect ang luto, may oras pa ako magpadeliver mamaya. Pinagpapawisan ako ng malagkit sa sobrang kaba. Naluto ko ng maayos yung pasta. Hay natuwa naman ako. Achievement din yun. Tapos sinumalan ko na lutuan yung shrimp pati yung sauce. Uminom pa ko ng wine na ginamit ko. Pampalakas ng loob! Sinundan ko yung procedure down to the very last detail. Malapit na mag-alas sais. Luto na lahat. Titikman ko na yung gawa ko. Moment of truth. Sumubo ako ng konti. Nilasahan ko. ****! Gawa ko ba to? Bakit ang sarap? Hinanda ko na yung table. Nag-set up na ko ng mga plato, kutsara, tinidor at baso. Naglagay din ako ng candles sa gitna. Yes! Romantic! Lalo tuloy akong na-excite. Ilang sandali nalang, dadating na si Matteo. Ginawa kong dim yung ilaw para mas lalong romantic ang dating. Niligpit ko yung ginamit ko sa pagluluto. Tapos nagpalit na ko ng damit. Tamang-tama naman ang dating ni Matteo. Natigilan siya pagkapasok niya. "Wow," sabi niya. Todo ngiti ako. "Happy Birthday and Happy Valentine's!" "You prepared all this?" gulat niyang sabi. Tumango lang ako. Naglakad siya papunta sakin tapos yumakap. "Upo ka na," sabi ko sa kanya. Tulala si Matteo. Nagulat siguro siya na sinunod ko yung request niya na pasta. Titig na titig siya sa hinain ko sa kanya. Nilagyan ko ng wine yung baso niya. Tapos nilagyan ko din yung akin, pagtapos umupo na ko. "Cheers!" sabi ko. Tinaas namin yung mga baso namin at nag-toast. Ngumiti sakin si Matteo. Uminom ako. "I have something for you," sabi niya bigla. "Teka lang! Ako din," sabi ko. Kinuha ko yung regalo ko sa kanya. "Nahirapan akong magisip kung anong ibibigay sayo, kasi you have everything already. Kaya ito nalang ang regalo ko sayo." Inabot ko sa kanya yung paperbag.

Ang laki ng ngiti niya nung inabot niya sakin yung regalo. Binuksan niya. Nilabas niya yung blue na t-shirt. Tawa ng tawa sa nakita niya. Pinagawa ko kasi yung t-shirt na yun para lang sa kanya. Pina-air brush ko yung caricature niya sa harap. Corny no? Pero sobrang nagustuhan ni Matteo yung binigay ko. Hinubad niya yung suot niya tapos sinuot yung binigay ko. Tumayo siya at lumapit sakin. "Thank you," sabi niya. Tapos hinalikan niya ko sa labi. "Now, it's my turn. Close your eyes." "Wag na! Gusto ko na makita!" sabi ko. "Close your eyes, come on," sabi niya. Pumikit na rin ako. Iniisip ko kung ano yung ibibigay niya. Maya-maya, hinawakan niya yung kamay ko. Tapos naramdaman ko na may sinuot siya sa daliri ko. Singsing. "Open your eyes," narinig kong sabi niya. Tama nga ako. Sabi niya, "Now you're really mine. As long as you're wearing that, I know you're mine." Nakangiti niyang sabi. Wala na akong ibang nasabi. Niyakap ko nalang siya. Ayoko nang matapos ito. Sobrang sarap ng pakiramdam ko. "Kain na tayo? Tikman mo na yung luto ko," sabi ko. Tumango lang si Matteo. Bumalik na siya sa upuan niya. Nagumpisa na akong kumain. Pagtingin ko sa kanya, di pa siya nasubo. "Why? Ayaw mo?" tanong ko. Umiling lang siya, ngumiti sakin. Tapos kumuha na siya ng pasta at kinain. Dahan-dahan ngumuya. "So, how do you like it?" kinakabahan kong tanong. Tumango lang siya, tapos nag-thumbs up. Hay, nakahinga ako ng maluwag. Kala ko di niya gusto eh! Tapos kumuha siya ng isang shrimp, kinain. Tuwang -tuwa naman ako at kinain niya yung luto ko! Pinagmasdan ko siya habang nanguya. Sumubo ulit ng noodles, tapos shrimp ulit. Dahan-dahan siya ngumuya. Naisip ko, ninanamnam yata ng mabuti yung luto ko. "Ok ka lang?" tanong ko. Tumango lang siya. Tapos sumubo ulit. Kinamot niya yung likod ng tenga niya.

"Kain ka lang ha. Marami akong ginawa," sabi ko. Uminom siya ng wine. Tapos nagsalita siya, "Babe, I'll just go to the toilet ha?" Pagtapos niya magsalita, naubo siya. "Hey! May sakit ka?" bigla kong tanong. Umiling lang siya tapos tumayo na. Nagkamot ulit ng tenga. Tinikman ko ulit yung niluto ko. Masarap naman ah. Ano kayang nangyari dun? Ang tagal niya sa banyo. Anong ginagawa nun? Nung tatayo na ko para silipin siya, bumukas na yung pinto ng banyo. Ayan na pala, sabi ko. Pero nagulat ako sa nakita ko. Nakabalot ng towel ang ulo at mukha niya. Parang ninja. "Matty! Anong nangyari sayo?" Umupo na siya sa upuan niya. Nag-thumbs up lang siya sakin. Ano ba naman yan? Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tatangalin ko sana yung towel, pero umiwas siya. "I'm ok! Don't!" sabi niya. "Tanggalin mo nga!" nagpapanic na ko. I felt something was wrong. "No!" sabi niya. "Tanggalin mo na nga sabi eh!" Kinakabahan na ko talaga. Wala na siyang nagawa kundi tanggalin yung towel. At yun, muntik na kong matumba sa nakita ko. Parang chicharon na yung tenga niya at sobrang pula na ng mukha.

May allergy pala si Matteo sa hipon.

CHAPTER 38

"SHIT! Bakit hindi mo sinabi? Matty naman eh!" naiyak na ko talaga sa inis. Sa sarili ko at kay Matteo. "Danny, hey! Stop it. I'm ok," sabi niya sakin. "Anong ok? Mukha ka na kayang kamatis! Halika, I'll bring you to the hospital." Nagpapanic na talaga ako. Syempre, kasalanan ko ito. Di ko muna inalam kung anong bawal sa kanya bago ako nagluto. "No need. I drank my anti-histamine na. This will go away din. Mild lang to," sabi niya ng malumanay. "Wag ngang matigas ang ulo mo! What if lumala yan mamayang gabi? Halika na! We're going to the hospital," sigaw ko. Tapos kinuha ko na yung kamay niya at hinila siya papuntang pinto. Pero di ko siya kinaya. Ang bigat eh. "I'm really ok. No need for that. Just stay with me tonight? Please?" sabi niya. Sa sobrang guilty ko, pumayag na ako na bantayan siya buong gabi. Tumawag muna ako kay Nanay at nagpaalam na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Sabi ko na may birthday celebration si Matteo at inimbita ako. Bukas na ko uuwi. Hala! Nagsinungaling ako ulit. Syempre, di ko naman pwedeng sabihin na nag-romantic dinner kami ni Matteo na nauwi sa disaster. Niligpit ko nalang yung pagkain. Nasa kwarto na si Matteo, nakahiga na. Naghugas muna ako ng mga plato at kaldero na ginamit ko. Pagkatapos ko, pumasok na ko sa kwarto. Tulog na si Matteo. Pulang-pula parin siya dahil sa mga kati. Ano ba tong ginawa ko. Papatayin ko yata siya ng wala sa oras eh. Tumabi ako sa kanya. Gumalaw siya ng konti. Hinipo ko yung pisngi niya. Mainit. Biglang nagsalita si Matteo. Parang may dinadaing. "Danny," sabi niya ng mahina habang nakahawak sa dibdib niya. "Matty! Anong nararamdaman mo? Masakit ba dibdib mo? Sabihin mo at pupunta na tayo ng ospital," nagpapanic kong sagot. "Danny," mahina parin niyang sabi. "Ano yun? I'm here," sabi ko.

Dinilat niya yung kanang mata niya tapos tumingin sakin. Tapos ngumiti. Loko! Umaarte lang pala! "Got you there!" sabi niya tapos tumawa ng malakas. "Ako ba niloloko mo?" sabi ko. Parang nainis ako sa ginawa niya. Tumatawa parin siya. Niyakap niya ko sa bewang. "Sorry na. I was just fooling around." "Wag mo na ulitin yun ha. Pano kung totoo na yung nararamdaman mo tapos di ako maiwala dahil akala ko niloloko mo lang ako ulit?" "You're so serious naman," sabi niya. Pinahiga na niya ako sa tabi niya. Tapos umunan ako sa braso niya. Niyakap niya ako. "Are you sure you'll be fine?" tanong ko. "Yup. Don't worry too much." Hinalikan niya ko sa noo. "What did you say to Tita pala?" "Sabi ko may birthday bash ka tapos bukas na ko uuwi," sagot ko. "Nice." Natawa siya. "I like your family so much. I wish they're mine, too." "Gustong-gusto ka nga nila eh. Ang cool diba." "Yeah. I'm positive I won't have a hard time with them when we decide to get married," sabi niya sakin. "Ayan ka na naman. Di yun mangyayari, Matty. Get real," sagot ko. Bago makasagot si Matteo, tumunog yung cellphone ko. May text. Tumayo ako at kinuha yun mula sa bulsa ng pantalon ko. Naka-hang yun sa cabinet. Binuksan ko yung message. Hi. Sikat ka na ha. Galing kay Franz. Ano na naman gusto nito? Nananahimik na ko eh. Hindi ko nireplyan. Binalik ko yung cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Humiga ako ulit sa tabi ni Matteo. "Who's that?" tanong niya. "Wala. Si Nanay," sagot ko. Ayoko sabihin sa kanyang kay Franz galing yung text. Tumango lang siya.

Beep. Beep. Tumunog ulit yung cellphone ko. Shit talaga. Tumayo ako at binasa yung message. Naiinis na ko. Di ka na namamansin ah. Porket sikat ka na ngayon. Pesteng Franz talaga. Nag-reply na ko. Para tumigil na. Bakit ba? What do you want now? Message sent. Sumagot siya ulit. Sandali lang. Yabang naman. Punta ka dito sa pad ko. I know you want to. Fuck. Presko ng hayop. Tapos na ang pagkabaliw ko sayo. What gave you the idea that I want to see you? "Babe? You ok?" tanong ni Matteo. "Yeah. Just give me a minute," sagot ko. Nagreply ako. Can you stop texting me? Tapos na ang lahat satin. Tinapos mo na diba? Message sent. Bumalik na ko sa tabi ni Matteo. Magkahalong kaba at inis ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko sinabi kay Matteo na nagtext ulit ang ex ko, inis dahil ayaw niya akong tigilan. Pakiramdam niya yata ay gusto ko siyang balikan. Kaya kahit na anong palit ko ng number at kahit anong sabi ko na ayoko na sa kanya, di parin siya natigil. Ayaw niya kong patahimikin. Beep. Beep. Nagtext na naman siya. Pero hindi ko na pinansin. Di na ko tumayo at nagusap nalang kami ulit ni Matteo. "Don't you want to get married to me?" sabi ni Matteo. Natawa ako. "Ano ka ba naman? Syempre kung pwede lang, gusto ko. Pero let's face it. Hindi maari yun

dito." "Then let's go somewhere its permitted," kulit niya. "Di ganun kadali yun. Alam mo, Matty, I'm happy with what we have. I don't need to get married to you para lang mapatunayang mahal na mahal kita," paliwanag ko. "But its what I want. Danny, I want your name to have my family name," sabi niya. "Ano yun? Kasalan talaga? Misis ako?" natawa kong sabi. Di siya umimik. Nagiisip pala kami pareho nung mga sandaling yun. Ewan ko lang sa kanya, pero di ko maiwasang isipin kung seryoso yung mga sinabi niya. Ganun niya ko kamahal? Para pakasalan at palitan ang apelyido ko? Di yun mangyayari kahit kelan. Sa panaginip, oo. Sa totoong buhay, hindi. Nabulabog lang ang katahimikan namin ng magring ang cellphone ko. Putcha talaga to si Franz. "Aren't you gonna get that?" tanong ni Matteo. "Might be important." "No. Yaan mo lang siya," sabi ko. Hindi tumigil yung pag-ring ng cellphone ko. Minabuti ko nang tumayo at patayin nalang yun. "Why did you turn it off?" Pinagmamasdan pala ako ni Matteo. Wala akong maisip na isagot. Patay. Bakit ba naman kasi kelangan pa akong pagmasdan. Umiling ako at ngumiti bago sumagot. "Mauubos na kasi yung battery eh." Ano ba naman yan, Dan? Ang lame ng sagot mo. Panigurado maniniwala sayo si Matteo niyan. "Are you hiding something?" derechong tanong sakin ni Matteo. Ayan. Walang kawala. Bakit ba parang nababasa ako ni Matteo na parang isang libro? Wala na akong nagawa kundi magtapat. "Matty, ano kasi eh..." Huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang sasabihin ko. "Ayaw kasi akong tigilan ni Franz eh." Nakatingin sakin si Matteo. Tapos sinabi niyang, "Turn your phone on." Sinunod ko ang sabi niya. I turned it on. Nakalahad yung kamay ni Matteo. Hinihingi yung cellphone ko. Inabot ko naman. Wala naman kasi akong tinatago. Nawala sa isip ko na may isa palang unread message ako.

"Is it true? What this stupid prick is saying?" tanong niya sakin. "Ang alin?" sabi ko. Wala akong kaalam-alam sa tinutukoy niya. Bago siya makasagot, nagring ulit yung cellphone ko. Sumenyas sakin si Matteo na tumahimik. Sinagot niya yung tawag. "Hello?... Yes, this is Dan's phone... What the hell do you want with him?... You know what? Get a fucking life! You hear me?... Stop pestering Dan. If you don't stop with all your bullshit, I'll beat the crap out of you... Ah, who are you talking to? Its none of your God damned business!... This will be the last time you'll contact him, got that?... Yes! I'm his boyfriend... Now fuck off! Asshole!" Binaba niya na. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nagulat ako sa ginawa ni Matteo. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napatingin siya sakin. "What?" tanong niya. Umiling lang ako. Nailapag niya yung cellphone ko sa side table niya. Nahiga na siya. Mainit yata ang ulo. For the first time, natakot ako kay Matteo. "Come on, Danny. Let's sleep na." Di niya ko tinignan. Nagsalita siya habang nakapikit. Humiga nalang ako sa tabi niya. Tumalikod siya sakin. Tinignan ko siya sandali bago ako pumikit. Inisip ko yung nangyari. Parang may bumara sa lalamunan ko. Naku, wag naman sana.

CHAPTER 39

Maayos na ang lagay ni Matteo kinabukasan. Salamat sa Diyos at di malala ang nangyari sa kanya. Baka lalong hindi ko mapatawad ang sarili ko nun. Pag-gising ko, medyo mainit parin ang ulo niya. Sa totoo lang, di ko alam kung anong sinabi sa kanya ni Franz para magkaganun siya. Lalo tuloy akong nagalit sa hayop na yun. Binuksan niya yung TV pag tapos niyang kumain ng agahan. Halatang ayaw niya ko kausapin. Dinala ko nalang yung cereals sa kama para dun na ko kumain. Nakaupo siya sahig sa may bandang dulo. "Matty," mahina kong sabi. Di siya tumingin sakin. "Yeah," sagot niya. "Are you still mad at me?" Obvious naman pero tinanong ko parin. Di sumagot si Matteo. "Hey," sabi ko. "What?" sagot niya. Medyo irritated ang tono niya. Ang aga pa pero talagang bad trip na bad trip siya. "Ano bang problema? Sabihin mo nga. Don't keep me guessing. Kagabi ka pa ha." Medyo tumaas na yung boses ko. Di ko mapaliwanag kung ano ba talaga yung nararamdaman ko. Alam ko may kasalanan ako kagabi, pero ginawa ko lang yun dahil ayoko humantong kami sa ganito. Pero mali pala ako. Para tuloy mas tama na sinabi ko nalang sa kanya na nagtext si Franz. Naiinis naman ako dahil parang ayaw ayusin ni Matteo ito. Mas gusto niya pang magmukmok at magalit sakin than talk about what happened. At si Franz? Ewan ko sa hayop na yun kung anong sinabi niya. Gusto ko siyang patayin sa totoo lang. "There's no problem," sabi niya. Wala na. Uminit na talaga ang ulo ko. "Then why are you like that? Ano bang sinabi sayo ni Franz? You'd rather believe him than me?" Finally, nakuha niya rin akong lingunin. "You know what, it doesn't matter what he said." "The hell with what he said! Ano bang gusto mong gawin ko?" Napatayo siya. "The problem with you is you're so secretive. Danny, I know all about you na. Why do

you still have to keep things from me pa?" sagot niya. "Teka, I don't quite get what you're saying. Is this about the fact that Franz still texts me?" Tinitigan niya lang ako. "Sige. You really wanna know? I didn't tell you because I didn't want us to reach a point where we'll argue. Turns out, I was wrong. I should have just mentioned it instead. Hahantong din pala sa ganito eh. Ano, masaya ka na?" "Is it that difficult to tell me?" sabi niya. "Alam mo, just forget it. It was intentional on my part because I was avoiding this, but in the end, I'm still at fault. Sige lang. I'll take all the blame." Sa sobrang asar ko, minabuti ko nalang umalis. Di ko na ninais na magtagal pa para lang makipagtalo. Ano naman mapapala ko dun? Wala. Magpapa-taasang ihi lang kami dun. Kaya umalis nalang ako. Bago ako makalabas ng pinto, narinig kong sainabi ni Matteo ang "Fine!" Ayoko na dagdagan ang inis ko kaya hindi ko na siya sinagot. Umuwi nalang ako. Sumakay ako ng taxi pauwi. Putcha, pagtapos ng lahat hahantong din pala sa ganito? Tinanong ko tuloy ang sarili ko. Mali ba ang ginawa ko? Di ba umiwas ka lang naman sa gulo? Pero bakit ganito? Ikaw pa ang lumalabas na masama. Di manlang niya naappreciate na ayaw mong magaway kayo sa sobrang liit na bagay. At kelangan ko ba talaga sabihin sayo lahat? Sinong nagsabing dapat malaman mo ang lahat-lahat tungkol sakin? Di naman dahil tayo na eh hindi na ako pwede maglihim. Nabuhay na ko ng ilang taon sa paglilihim. At hindi ibig sabihin na ngayong nandito ka na, kelangan magbago ang lahat. Some secrets are meant to be kept, to spare you the pain and to save me from shame. Bahala ka sa buhay mo. May pride din naman ako. Pagtapos kita pagsilbihan gaganitohin mo ko? Di ko akalain na ganyan ka pala. Akala ko you were mister perfect. Sa sobrang pagiisip, di ko namalayang malapit na ko sa bahay. "Sir, saan po dito?" tanong ni manong driver. Ay, nandito na pala kami sa street namin. "Manong paki tabi mo nalang dun sa tapat nung pulang gate," sagot ko. Pagbaba ko ng taxi, pumasok na ako. May pasok ang mga kapatid ko sa skwela kaya si Nanay lang ang dinatnan ko. Nagmano ako sa kanya. Kinamusta niya ako at ang party ni Matteo. Ang tipid ng mga sagot

ko. Ok lang po. Masaya. Wala ako sa mood makipag-usap kaya nagpaalam nalang akong matutulog na ko. Wala naman akong appointment ngayon. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Naiinis parin ako. Kung bakit ba naman kasi nabuhay pa itong si Franz. Bigla kong naalala na may text nga pala akong hindi nabasa. Kinuha ko yung cellphone ko. Walang icon ng envelope akong nakita. Binasa talaga ni Matteo? Tinignan ko yung inbox ko. Binuksan ko yung unang message. Yabang naman. Punta ka dito sa pad ko. I know you want to. Ito yung binasa kong text ah. Nasan na yung sumunod dito? Binura ni Matteo? Shit talaga. Hindi ko na malalaman kung anong nabasa niya. Ayaw niya naman sabihin eh. Lalong hindi ko tatanungin kay Franz ang tungkol dun. Ano, magmumukha na naman akong tanga? No way. Nakadapa ako sa kama. Pinagmamasdan ang cellphone ko. Kahit na galit ako, may isang parte parin sakin na iniintay ang text o tawag ni Matteo. Di ko alam kung gano ako katagal sa ganung posisyon. Nakatulog pala ako. "Anak," narinig ko ang boses ni Nanay. "Anak, gising na. Magtanghalian na tayo." Dalawang oras rin pala ako nakatulog. Tinignan ko ang cellphone ko pero ni isang text o missed call ay wala. Ok, fine. Kung yan ang gusto mo, bahala ka. Tumayo na ko para maghilamos at magmumog. Kaming dalawa lang ni Nanay ang magtatanghalian. Nakahanda na yung pagkain nung lumabas ako ng C. R. Umupo na ko para kumain. "May problema ka ba, anak? Ang haba ng mukha mo," sabi ni Nanay. Inabutan niya ako ng baso saka umupo sa tapat ko. "Po?" gulat kong tanong. "Wala naman po." Tapos ngumiti ako. Pilit. "Ako pa lolokohin mo. Kabisado kaya kita," sabi ni Nanay. "Wala po talaga, Nay," sagot ko. "Kulang lang ho ako sa tulog." Kumain nalang ako. Di na ulit nangulit si Nanay. Pero alam kong pinagmamasdan niya ako. Alam kong alam niya na merong gumugulo sakin. Pero hindi ko alam kung my idea siya kung ano yun.

Di ako nagparamdam kay Matteo mula nun. Dumaan ang dalawang araw ng hindi kami nagkikita at naguusap. Nagmamatigas ba ako? Hindi ko yun naisip. Baka siya ganun. Pero ako, hindi. I just wanted him to know na hindi lang siya ang nasaktan sa nangyari. Ang lagay ba eh wala rin akong karapatan magtampo? Hindi ko naman pinilit na tama ako eh. Pero, ang hirap din pala. Miss na miss ko na siya. Walang oras ang dumaan na hindi ko tinignan ang cellphone ko. Hinihintay kung tatawag o magtetext manlang. Kaya lang wala talaga. Namimiss niya rin kaya ako? Ikatlong araw na matapos ang away namin sa pad niya. Gaya ng mga nagdaang araw, ang lalim ng iniisip ko. Pinipilit kong ngumiti, kaya lang ang hirap. Hanggang sabi ko sarili ko, tama na. Walang mangyayari kung patuloy akong ganito. Sige na, admit it. Ikaw ang mali. Ikaw ang dapat magpakumbaba. Nagdesisyon akong puntahan nalang si Matteo. Para matapos na ito. Paglabas ko ng bahay, nagulat ako.

Nasa tapat ang kotse ni Matteo.

CHAPTER 40

Dahan-dahan akong lumapit sa kotse ni Matteo. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako. "Kanina ka pa?" Di ako makatingin ng derecho sa kanya. Nahiya ako bigla. "Yeah," sagot niya. "I was waiting for you to come out." "Wala kang trabaho?" tanong ko. "Meron. But I told Tito Jonas I'm sick. I just wanted to see you." Di ko na napigilan. Hinawakan ko yung kamay niya na nasa kambyo. Pinisil niya ang kamay ko. "I'm sorry," sambit ko. Tapos tinignan ko na siya. "No, I'm the one who needs to say sorry," sabi niya. "I was blinded by anger. I didn't hear you out first. I'm sorry, Danny." "Ako talaga may kasalanan. Patawarin mo sana ako, Matty." "Ok. Both of us are at fault," sabay ngiti sakin. "Sige, tayong dalawa na nga." Nagtawanan kaming dalawa. Para kaming tanga talaga. Hay salamat! Ganun lang pala yun! Pinatagal ko pa. Di ko naman pala ikakamatay ang paghingi ng sorry. "I missed you so much." Nakatitig lang siya sakin. Para akong matutunaw. "You know, I'd give you a kiss if only Tita isn't looking at us." "Huh? Nakatingin satin si Nanay?" gulat kong sabi. Tumango lang siya. Buti nalang I didn't do something stupid! "Tara!" sabi ko. Nag-drive na si Matteo. Di ko na tinignan kung talagang nakatingin si Nanay. Laking pasalamat ko nalang talaga at wala naman kaming ginawa ni Matteo na ikagugulat niya. Pagdating namin sa pad ni Matteo, pakiramdam ko safe na kami. Wala nang ibang makakakita samin dito. Amin lang ito. Kaya ayun, sa sobrang pagka-miss namin sa isa't isa, di na kami nakapagpigil pa. Ramdam na ramdam kong miss na miss niya ko sa mga halik at yakap niya. Gayun din naman ako, kaya nakalimot na ko sa sarili ko.

-----------------------------------------------------------------Nakahiga si Matteo sa tabi ko. Ako naman nakadapa. Napagod kami sa aming bonding moment. "Matty," sabi ko. "Yup," sagot niya. "Would you get angry at me if I asked what Franz said?" mahina kong tanong. "Does he still text you?" sabi niya. "Nope. Natakot yata sayo." "Good." Tapos sabay kindat sakin. Napangiti nalang ako. "From now on, promise me you won't keep anything from me, ok?" Tumango ako. "Ok. He said that you were running after him. That you wanted him back," sabi niya. Ang kapal talaga ng mukha nun! Bakit ko naman gagawin yun, eh wala naman siya sa kalingkingan ni Matteo. "Sige. Aaminin ko. Hinabol ko nga siya. Pero nuon pa yun. Nung tanga pa ko. I was hoping that one day, he'll come back to me," sabi ko. "What happened? What changed?" tanong niya. "I realized I was being stupid. He doesn't deserve to be loved. At napagod na ko." "What if you get tired of me, too?" Natawa ako. "Sa kama lang naman ako napapagod sayo!" Natawa siya sa sinabi ko. "You ha. You're a very naughty boy!" "Ang daya mo," sabi ko. "Alam mo na lahat tungkol sakin pero ako hindi." Binaba ko yung mukha ko sa kama habang nakatukod yung dalawa kong siko. Sinilip ko siya sa ganung posisyon kung anong reaksyon niya. Nakatitig siya, tapos maya-maya nagsalita na rin. "You don't need to know about my past. What's

important is my present and future with you." Sus! Nagpaka-mysterious na naman. Pero sabagay, tama nga naman siya. Wala din namang halaga sakin kung malaman ko ang nakaraan niya. "You're the reason why I now believe in the goodness I thought I never had," sabi niya. Teka lang, naguluhan ako dun ah. Anong ibig niya sabihin dun? Mabait ka naman talaga ah. Napansin niya sigurong naguluhan ako sa sinabi niya. Kaya tinuloy nalang niya ang kwento. "Danny, I've been very bad in the past. The Matty you know now is far from what I was before." Di naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Parang hindi totoo. "Do you have any idea why I knew you were like that when I met you? I mean you were unhappy and all?" Umiling lang ako. Tumango muna siya bago nagsalita. "Its because I destroyed someone else's life." Nagulat ako. Hindi ko in-expect yung sinabi niya. "Panong destroyed?" tanong ko. "I was a complete jerk. All I cared about was myself. How I should be happy. How I should be satisfied. I went into that relationship without really giving attention to him, to how he was feeling." What the hell? Hindi ako handa sa mga naririnig ko. "He?" Tumango siya. "Yes. He." Wow. All the while I thought mga babae yung nakarelasyon niya. "You remember me telling you I had two relationships? He was the second," paliwanag niya. "And the first?" tanong ko. "Its a she." "But why call yourself a jerk? You've been together for 2 years. That's a pretty long time." "Yeah. But all I did was make him cry. I didn't appreciate everything he's done for me, for us. I hate to admit it, but I was only in it for the sex."

Natulala ako. Si Matteo ba talaga itong kausap ko? "Complete jerk, eh?" sabi niya sakin. "Those were the times. You might ask if I ever loved him? Now that I think about it, I should say no. I just played with his feelings for two years. The only time that I came to my senses was when he dumped me. He cried. I saw the pain in his eyes." Di ko namalayan na hindi ko na pala inalis ang tingin ko kay Matteo. Nakita ko kung gano kahirap para sa kanyang sariwain ang nakaraan. Ang lungkot niya nung mga oras na yun. "Why did you do it then?" tanong ko. "You know the need to feel good? The need to feel you are loved? That you're number one? That's me, Danny. Its difficult to explain. But that just consumed me." Sumasakit ang ulo ko sa sinabi niya. Ang hirap unawain sa isang upuan lang. "I needed to get away from it all. I was so ashamed of myself, of what I was. I flew here hoping I'd change. And it came. The moment I met you." Sa totoo lang, kahit na ganun ang sinabi niya about his past, I can't get myself to hate him. Even though I felt bad for his ex, I admired Matteo more. He was mature enough to admit his mistakes, and strive to better himself. Di na ko nagsalita pa. Niyakap ko nalang siya. Nagpasalamat siya sakin. -----------------------------------------------------------------Tumunog yung doorbell. May bisita si Matteo. Tumayo siya sa kama at nagsuot ng tank top. "Wait here," sabi niya sakin. Pagkalabas niya ng kwarto, nagsuot din ako ng damit at nahiga muli sa kama. Naririnig kong kausap ni Matteo yung bisita niya. Ah. Si Tito Jonas pala. Naninigurado lang daw siya sa lagay ni Matteo. Nagoffer siyang magbantay, pero tinanggihan siya ni Matteo. Ako nalang daw, tutal kasama naman daw niya ako. Si Dan nandito? Tanong yan ni Tito. Yup, sagot ni Matteo. Medyo natahimik silang pareho ng ilang minuto. Tapos narinig ko nalang na pinaalala ni Tito na may event daw yung telecom company na ineendorse niya bukas ng gabi. Tinanong siya ni Matteo kung pwede daw ba akong isama. Matagal bago sumagot si Tito. Hanggang sinabi nalang niya na "Bahala ka."

Narinig ko nalang sumara ang pinto. Maya-maya, bumukas na yung pinto ng kwarto at pumasok si Matteo. "You're coming with me tomorrow night," sabi niya. Nag-hesitate ako. "Sigurado ka?" "Yeah," sabi niya. "Wag nalang kaya. Wala naman akong gagawin dun." Tinawanan lang ako ni Matteo. "Anong wala? Of course you'll be there for a purpose." "Ano?" tanong ko.

"Drive my boredom away."

CHAPTER 41

Gaya ng sinabi ni Matteo, isinama niya nga ako sa event ng telecom company. Sa totoo lang, parang naout of place ako dun. Sosyalan masyado. Lahat ng mga pinaka-mayayamang tao sa bansa, lahat ng mga socialite, ilang kilalang mga artista, nagsama-sama. Di naman sa hindi ako sanay sa sosyalan. Teka, si Sharlene Yuzon lang naman yata ang best friend ko. Pero kasi, masyadong maraming camera ang nandun. Picture dito, picture doon. Smile dito, smile doon. Lagi akong nasa tabi ni Matteo. Hindi niya ako hinayaang mawala sa paningin niya. Sweet! Sabi niya sakin, makikita ka ulit sa lifestyle section ng broadsheet kinabukasan. Bakit ulit? Tanong ko. Wala akong alam na lumabas na pala ang litrato ko dati. Yung dun sa isang fashion show ni Matteo na pinuntahan namin ni Sharlene. Ah! Siguro kaya sinabi ni Franz sa text na sikat na ko. Nakita niya siguro yun. May napansin lang ako nung gabing yun. Hindi na gaya ng dati ang pakikitungo sakin ni Tito Jonas. -----------------------------------------------------------------Ako na yata ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Ni sa hinagap, hindi ko naisip na ang isang kagaya ko eh mamahalin ng isang katulad ni Matteo. Kahit na amin lang ang relasyon namin, masaya parin kaming dalawa. Everywhere Matteo goes, kilalang-kilala na siya ng tao. May nagpapalitrato at pilit na gusto siyang maging kaibigan. Mabait naman siya at hindi siya suplado sa mga fans niya. Maraming nagpapaautograph sa kanya sa mga magazine na siya ang nasa cover. Isang beses nga, I tried to Google his name. Ang dami nang lumabas na mga larawan at articles. May fanpage na rin siya sa Facebook. Topic na din siya sa isang online forum. Aba! Sikat na talaga! Tinignan ko yung forum na yun. May mga nanghihingi ng information about him. Natawa nalang ako sa mga nabasa ko. Marami ang nagsabi na siya na daw ang dream guy nila. Sana raw ay maging boyfriend nila si Matteo. Sa loob-loob ko, asa naman kayo! Akin na siya! Hahaha! Pero may napansin akong isang post. Galing sa username na Franz10042010. Sabi niya eh may bagay daw siyang alam na ikagugulat ng lahat. Maraming nag-quote sa post na yun at tinatanong kung ano yung alam niyang yun. Di na siya ulit sumagot. Napaisip tuloy ako kung tama ba ang hinala ko. Si Franz kaya yun? At yung relasyon ba namin ang tinutukoy niya? Naalala ko yung naging away namin ni Matteo kung kailan tumawag si Franz. Hindi naman na-mention ni Matteo ang pangalan niya diba? Pano naman niya masasabing si Matteo yung karelasyon ko? Ay! Masyado lang akong paranoid. Hindi yan. Nagkataon lang yan. Pero, I bookmarked that page just in case. Di ko yun namention kay Matteo. Para hindi naman siya magalala. Saka hindi naman ako siguradong si

Franz nga yun diba? At hindi yun makakatulong sa kanya. Dapat ay mag-focus lang siya sa kanyang trabaho. With the rate his career is going, alam kong siya ang tatanghalin bilang Hottest Bachelor ng bansa. -----------------------------------------------------------------"Anak, kamusta na pala si Sharlene?" tanong sakin ni Nanay isang gabi habang nanonood ng TV. "Po?" Nagulat ako sa biglang tanong. Lumilipad kasi ang isip ko, kahit na nakatingin ako sa TV. "Sabi ko kamusta na si Sharlene. Di ko kasi nakikitang kasama mo," sabi ni Nanay. "Ah. Busy po kasi masyado yun. Paminsan nga hindi na rin nakakatext eh," sagot ko. "Ganun ba." Bigla namang pinakita yung commercial ni Matteo. Eto yung bago niya para sa telecom company. Parang may tumusok sa tagiliran ko sa kilig. "Ang gwapo talaga ni Matt, no?" sabi ni Nanay. Di ako sumagot. Syempre naman, mamaya kung ano isipin niya. Pakiramdam ko nakatingin siya sakin. Tapos nagsalita ulit. "Napansin ko anak, mukhang magkasundong-magkasundo kayo ni Matt." "Opo. Masaya po kasi yan kasama. Makulit parang bata," sagot ko naman. "Oo nga. Pansin ko rin lagi kang masaya. Kaka-iba," sabi niya. Nahiwagaan naman ako. "Ano ba yan, Nay?" "Wala. Baka lang kako may nagpapasaya na sa anak ko," sabi niya sabay tingin sa TV. Napailing ako. "Nay, matagal na kong masaya. Kayo ang nagpapasaya sakin. Mga taong mahal ko." "Alam mo anak, wala namang problema kung may nagpapasaya sayo. Normal lang yun." "Teka lang, bakit ba parang pinagpipilitan niyo yan? Ano bang ibig niyo sabihin?" "Dan, matanda na ko. Nag-aaral pa ang mga kapatid mo. Nasa high-school palang ang bunso mong

kapatid." Alam ko na kung anong ibig niyang sabihin. Di na ako umimik. "Matagal pa bago maka-tapos ang mga kapatid mo. Hindi ko kakayanin sila pag-aralin." "Nay, ano bang akala niyo? Iiwan ko kayo?" tanong ko. Hindi siya agad sumagot. Nag-isip pa yata. "Kung saan ka masaya anak, dun ka. Wag mo na kami isipin. Bahala na kung hindi makapagtapos ang tatlo mong kapatid." Napa-iling ako. "Ano bang pumasok sa isip niyo at ganyan kayo makasalita?" "Malaki ang responsibilidad natin sa pamilyang ito. Pero hindi kita masisisi kung pagod na pagod ka na." What the fuck! "Derechohin mo na nga ako, Nay. Nahihilo na ko sa paikot-ikot mo eh." "Mahal mo ba siya?" Ano bang alam ni Nanay? "Sino?" Hindi na niya sinagot yung tanong ko. Alam na ba niya ang relasyon namin ni Matteo? Si Matteo ba ang tinutukoy niyang mahal ko? Has she really caught on with what Matteo and I have? "Pinalaki kita ng maayos, Dan. Alam kong alam mo kung ano ang tama at mali. Matalino kang bata," sabi niya. Hindi ko siya sinagot. "Lahat tayo may kalayaang mamili. Pero hindi lahat ng pinipili nating gawin ay tama. Maaring maging masaya tayo, pero kadalasan may mga maapektuhan ng dahil dun." I'm led to believe that she knows about me and Matteo. "Sana yung tama ang piliin mo, anak." Kahit naasar ako sa sinabi ni Nanay, nakaramdam ako ng guilt. Malaki ang responsibilidad ko bilang Kuya. Hindi ko basta pwedeng kalimutan yun. At tama na, alam ko namang maling mahalin si Matteo. Hindi na niya kailangan pang ipagduldulan sakin yun.

Naging makasarili na ba ako? Puro kaligayahan ko nalang ba ang importante ngayon? I looked back at the past months. Wala na nga akong ibang ginawa kundi samahan si Matteo. Pero hindi ko naman kinakaligtaan ang responsibilidad ko. Ako parin naman ang dating Dan na sumusuporta sa pamilya ko. Hindi ba pwedeng pagtuunan ko naman ang sarili ko? For once? Hindi na ako inimik ni Nanay. Tumayo siya at iniwan niya ako sa sala. Sa pag-iisip ko, nabigla ako nung tumunog ang cellphone ko. May nagtext. Pagkita ko sa pangalan ng sender, lalong uminit ang ulo ko. Si Franz. Kamusta na kayo ng iyong famous boyfriend? Pakilala mo naman ako sa kanya minsan. Hayop ka talaga. Ayaw mo parin akong tigilan ha. I don't know what you're talking about. Message sent. Ilang saglit, nag-reply ulit siya. Oh please, don't deny it. I know about you and Matt Rutigliano. Fuck! Kung kanina inis at guilt ang nararamdaman ko, ngayon naman takot na. Pano niya nalaman? What the fuck do you want? Didn't I tell you to stop bugging me? Napa-isip tuloy ako kung pano niya nadiskubre. Imposible naman na nakita niya kami sa public na sweet dahil hindi naman kami ganun pag nasa labas kami. Paano niya nalaman? Pakilala mo na ko sa kanya. Heard he's mabait daw. Or do you want to get famous the wrong way? My heart was beating so fast. He definitely knows! Ganun na ba kami kahalata? Nalaman kong dalawang tao na ang nakakaalam sa tunay na ugnayan namin ni Matteo sa iisang gabi lamang. Fuck off Franz! Sumagot agad ang hayop. Haha! Don't tell me I didn't warn you. LOL Shit! Hindi ako makapag-isip ng tama. Everything was a blur.

Ano bang motibo mo? Bat mo ba to ginagawa sakin? Bat mo ba kami ginugulo? Nagantay ako ng reply niya. Medyo natagalan kasi. Wala lang. I just want you to suffer.

Demonyo talaga.

CHAPTER 42

You're so pathetic. Message sent. Beep. Beep. Kaya nga we're perfect for each other dahil we're both pathetic. At talagang pinareho mo pa ko sayo. Oy! Magkaiba tayo. Asa ka naman. Parang sinabi ko na rin sa sarili kong "Nasa kutchon na ko, baba pa ko sa sahig." Ang bilis niyang sumagot. Straight from the horse's mouth! Di inamin mo din. Haha! Hayop ka talaga! So what's your point? Message sent. Beep. Beep. Wala lang. If I'm miserable, you also should be. Enjoy coming out of the closet! Nasusuka ako sa sobrang kaba. Utang na loob Franz. Patahimikin mo na ko. Beep. Beep. Huminga ako ng malalim. Magkita tayo. Para saan pa? Sa anong dahilan? Ewan ko sayo.

-----------------------------------------------------------------Hindi ako makatulog. Nakahiga lang ako sa kama. Paikot-ikot. Pano na to? Pano kung totohanin niya ang banta niya? Naisantabi ko muna ang mga napag-usapan namin ni Nanay. Mas madaling problema lang yun. Ito, iba to eh. Mas malaking gulo to. Pilit kong inalala kung may pagkakataon bang nahuli kami ni Franz. Pero wala talaga akong maalala. Saka matagal ko nang hindi nakikita si Franz. Nasa malayo siya sa huling pagkakaalam ko. Imposible talaga. Bigla kong naisip yung instance na nagkausap sila sa cellphone. Sinabi ni Matteo sa kanya na boyfriend ko ang kausap niya. Pero hindi naman binanggit ni Matteo ang pangalan niya. Pano niya malalamang kami? Nagpa-imbestiga ba siya? Pero bakit niya pa gagawin yun? Wala naman siya mapapala eh. Tapos na kami. At alam niya yun. Or is he that good to connect events with each other? I'm positive he saw my pictures on the newspapers. Tapos nakausap niya ang isang foreign sounding guy sa phone na nagpakilalang boyfriend ko. Sino pa nga ba ang maiisip niya kundi si Matteo. Yun nga kaya ang nagyari? Ganun siya kagaling? Is this just his way of getting back at me? Dahil hindi niya matanggap na hindi na ko ang dating Dan na nagkakandarapa sa kanya? Dati, nakukuha niya pa ako sa mga sweet nothings niya, ngayon hindi na. Misyon niya lang bang sirain ako at si Matteo? Para gaya ng sabi niya, mag-suffer ako? -----------------------------------------------------------------Kung noon ay lagi akong tahimik na nag-iisip, ngayon siguro triple pa. Di mawala sa isip ko ang sinabi ni Nanay. "Maaring masaya ako, pero may maapektuhan." Ito na ba yun? Ito na ba ang ibig niyang sabihin? Nung minsang magkasama kami ni Matteo sa pad niya, dumaan si Tito Jonas. May ibinigay siya kay Matteo na freebie dahil sa kanyang endorsement. Hindi ako pinansin ni Tito. Parang anino lang ako. Wala. Kahit na bumati ako sa kanya, parang wala siyang narinig. Bakit siya ganun? Galit ba siya sakin? Sabi ni Matteo wag ko na daw yun pansinin. Pero hindi pwede eh. Nagiging salot na ba ako? Dahil sa relasyong ito? Hindi ko na sinabi kay Matteo kung anong nasa isip ko. Komplikado masyado eh. Dahil sakin, ang daming magugulo, masasaktan. Si Nanay, sina Charles, Bong at Joyce, si Tito Jonas, at lalong lalo na si Matteo, kung sakaling hindi tumigil si Franz. Ito ba ang gusto mong mangyari, Dan? Tanong ko yan sa sarili ko. Hindi lang ikaw ang masisira. Pati na rin si Matteo, ang career niya, lalong-lalo na ang pamilya mong pilit mong itinataguyod. Matitiis mo ba ang lahat ng ito, dahil gusto mong maging masaya? Yun nalang ba ang importante sayo ngayon?

Parang gustong sumabog ng kalooban ko. Iniisip ko palang ang pwedeng mangyari, hindi ko na kinakaya. Ayoko. Hindi naman dapat humantong ang lahat sa ganun dahil lang ipinagpilitan ko ang karapatan kong sumaya. Pano naman sila? Hindi lang naman ako ang tao sa mundo. -----------------------------------------------------------------Magmula nung nagkausap kami ni Nanay, hindi na niya ako kinibo. Naramdaman kong masama ang loob niya sakin. Kahit na kausapin ko siya, hindi niya ako pinapansin. "Kuya, magkagalit ba kayo ni Nanay?" tanong sakin yan ni Joyce. Tumawa lang ako. "Hindi." "Eh bakit di kayo nag-uusap?" "Kinaka-usap ko naman siya ah. Siya lang yung hindi nasagot," sabi ko. Nakakapansin na ang mga kapatid ko. Masakit sakin ang nangyayari. Pero ano bang dapat kong gawin? Lahat sila importante sakin. Kaya nahihirapan ako. Ngunit kelangan ko gawin kung ano ang tama. Kailangan kong magsakripisyo para sa ikatatahimik ng bawat isa. Tama. Sakripisyo. Nakapag-desisyon na ako. Iiwan ko na si Matteo. -----------------------------------------------------------------"Hey, you're so quiet these past few days. Something wrong?" tanong ni Matteo. Di ako agad nakasagot. Di ko alam kung pano umpisahan. "You know you can tell me what's on your mind." "Matty, let's stop this," sabi ko ng walang paligoyligoy. "I'm sorry?" sabi niya. "I said let's stop this. Ayoko na." Nagulat siya sa sinabi ko. "But why? I thought..." "Please. I want out."

I knew I hurt him when I said those words. Nakatitig lang siya sakin, hoping I'm just fooling around. Pero I wasn't. Ito ang dapat kong gawin. Masaktan na kaming pareho, wag lang kaming magkasiraan lahat. "Why?" tanong niya. Hindi ako sumagot. "Tell me why!" sigaw niya.

"Pagod na ko." Then I walked out.

CHAPTER 43

Ang sakit. Ayoko sanang gawin to pero kailangan eh. Hinabol ako ni Matteo, pero di gaya ng dati, nakatakas ako sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanyang nagloloko lang ako. Na hindi ako seryoso. Kaya lang hindi pwede. Nag-desisyon na ako. Kailangan ko yun panindigan. Tama naman ang ginawa ko eh. Pero bakit ganun? Ang bigat ng kalooban ko. Ang hirap dalhin. Iba ito sa naramdaman ko nuon kay Franz. Nuon, ako nalang ang nagmamahal saming dalawa. Pero ngayon, pareho naming mahal ang isa't isa. Para naman ito sa ikabubuti naming lahat diba? Hindi na magtatampo si Nanay. Hindi na rin magagalit sakin si Tito Jonas. Hindi masisira ang career na pinaghirapan ni Matteo. At lalong hindi na rin manggugulo si Franz. Fair deal naman yon. Pero, ako ang talunan. Bakit hindi mo ipinaglaban ang pagmamahalan niyo? Ang korni mang pakinggan, ngunit bakit nga ba hindi mo ginawa? Alam mo, sabi nila, not all battles are worth fighting. I know, I'm fighting a losing battle kahit na ipagpatuloy ko ang relasyon namin ni Matteo. Dahil sa huli, di ito ang tanggap ng lahat. Abnormal. Duwag ba ko? Naisip ko ang paratang nuon sakin ni Matteo. Hindi naman. I think I'm brave enough to accept defeat. Ito na marahil ang plano ng buhay para sakin. Ang maging Padre-de-Pamilya at a very young age at ipagpatuloy yun hanggang sa makuha nang tumayo ng mga kapatid ko sa sarili nilang mga paa. By then siguro, pwede na kong magmahal uli. By then, sana libre pa si Matteo at mahal niya parin ako. Sana, pero medyo malabo yata yun. Hindi ko na sinagot ang mga tawag, text, emails at messages ni Matteo. Ayoko nang pahirapan pa ang sarili ko. Pinoprotektahan din naman kita, Matteo. Para sayo rin itong ginagawa ko. Sana maintindihan mo. Malimit siyang tumambay sa tapat ng bahay. Pero ni minsan, hindi ko siya nakuhang harapin. Pakiramdam ko may takot din siya sa skandalo kaya hindi siya gumawa ng eksena. Wala namang ibang rason pa diba? At pinaalam ko pa kay Franz na wala na kami. Tanga ba ko talaga? Siguro. Or dahil sobra ko lang mahal si Matteo. -----------------------------------------------------------------"Dan!" bati sakin ni Sean.

"Uy, pasensya na ha. Na-late ako," sabi ko. Month-end na kasi. Magbabayad siya para sa kanyang insurance. Nagkita kami sa paborito naming coffeeshop. "Ok lang. Kadarating ko lang din naman," sagot niya. Inabot na niya sakin yung envelope na may lamang pera. Binigay ko sa kanya ang resibo. "Parang nitong nakaraang mga linggo, tahimik ka," sabi ni Sean. Tumawa lang ako. "Actually, si Sharlene ang nakapansin. Di ka naman kasi ganyan eh," paliwanag niya. "Wala yun. Madami lang akong iniisip," sagot ko. "Baka naman mabaliw ka niyan, hinay-hinay lang," biro niya. Oo. Malapit na ko talagang mabaliw. Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Matteo. Dalawang linggo ko na siyang na-mi-miss. Dalawang linggo ko na rin pinapahirapan ang sarili ko. "Huy. Na-offend ka ba? Sorry. Nagbibiro lang naman ako." "Ah hindi. Wala yun," sabi ko. "Kamusta na kayo ni Sharlene?" "Mabuti naman. I'm the luckiest guy on earth!" masaya niyang sabi. At ako ang unluckiest sa buong mundo. Napalunok nalang ako. "Congrats," sabi ko. "Alam mo, parte ka na talaga ng buhay namin. Dahil sayo, nakita ko ang pagkakamali ko." "Di mo ba alam na mali ka talaga? Parang malabo naman yun," sabi ko. Natawa siya. "Alam ko naman siyempre. Pero ang mali ko, I didn't do anything about it. Mahal ko nga si Sharlene. Pero kahit alam kong mali yung ginagawa ko, wala akong ginawa para baguhin yon." Di ako kumibo. "Dan, everyone's capable of change. Kung gugustuhin lang nila, magagawa nila." "Yeah, it's a matter of choice."

"Tama ka. Natutunan ko nga na hindi dapat katakutan ang pagbabago. It should be embraced." "Anong ibig mong sabihin?" "Gaya nung sakin, I embraced the idea of change. Kung hindi ko ginawa yun, gaya parin ako ng dati. You know, everyday we face situations where we need to choose, and oftentimes our choices constitute a need to change. At kadalasan, yun ang kinakatakutan ng mga tao." Nakinig lang ako sa lahat ng sinasabi ni Sean. "Tignan mo, maraming takot magbago dahil unang-una sa lahat, takot sila sa sasabihin ng mga tao. What if hindi nila ako matanggap? What if ayawan na nila ako? What if mawala ang lahat sakin?" Ako ba ang pinapatamaan nito? "Yan ang hirap eh. Mas iniisip pa ang ibang tao. Kesa sa sarili. Ako nga, kilala ako ng mga kaibigan ko dati bilang mainitin ang ulo, basagulero. Pero nung upakan mo ko nun, hindi ako nakalaban manlang. Bakit? Dahil ikaw yung tama. Mula nun, sinabi ko sa sarili kong kailangan kong magbago. Natakot ba ko nun? Oo. Inisip ko ano nalang ang iisipin ng barkada ko? Nagulpi lang ako, tiklop agad ako. Image. Yan ang iniingatan natin lahat diba?" "Eh wala namang masama kung ingatan ang image ha. Pano kung yun nalang ang huling bagay na meron ka? Would you still give it up?" tanong ko. "Hindi ko alam kung anong tamang sagot sa tanong mo. Magka-iba tayo ng pinagdadaanan eh. Pero ako, ang sagot ko jan ay oo. Dahil kapalit ng image ko nuon ay ang kaligayahan ko. Si Sharlene." Napa-isip akong mabuti. Alam kong si Matteo ang kaligayahan ko. Pero handa ba akong harapin ang sinasabi ni Sean na "change"? "Bro, pano kung piliin ko yang sinasabi mong 'change' pero masira ang lahat?" "Panong masisira ang lahat?" tanong niya. Ayokong ipagtapat sa kanya ang lahat. Pero I need something concrete na pwede kong panghawakan sakaling kailangan kong magdesisyon muli. "Pano kung yung pagbabagong hinihingi ng pagkakataon eh hindi lang ako ang maapektuhan? Pano kung mahagip nun ang buhay ng ibang tao?" "Ang tangi mong magagawa eh panindigan ang desisyon mo. Hindi mo pwedeng isisi sa ibang tao ang kahihinatnan ng desisyon mo. Oo, maraming factors ang magcocontribute sa mangyayari, pero at the

end of the day, sayo lahat ang bagsak nun." Ang hirap sa totoo lang. Gulong-gulo na ako. Pero alam kong tama si Sean. Nuon ko pa hinarap yang "change" na yan. Nung nagdesisyon akong mahalin si Franz. Pero I never realized that I didn't embrace it. Gaya ng ginagawa ko ngayon samin ni Matteo. Anong gagawin ko ngayon? Babalikan ko ba si Matteo o hindi? Hay.

Only time will tell.

CHAPTER 44

"Anak," sabi ni Nanay. Aba, mukhang hindi na galit si Nanay. Kaming dalawa lang ang nasa bahay. Nasa eskwelahan ang tatlo kong kapatid. "Bakit po?" sagot ko. "Mag-usap nga tayo," sabi niya. Umupo ako sa tabi niya. Kinakabahan. Ano kaya ang sasabihin niya? Pinagmasdan niya ako. Pinag-aralan. "Nahihirapan ka na ba?" "Saan po?" tanong ko. "Sa lahat." "Anong lahat?" Hinaplos niya ang ulo ko. "Bata ka palang, alam ko nang matalino ka. Responsable. Wala akong naging problema sayo, alam mo ba yun?" tanong niya. Ngumiti lang ako. "Laking pasalamat ko talaga na hindi mo ako iniwan. Hindi ka natakot sa laki ng responsibilidad na nasa harap mo. Matatag ka, anak. At sobrang proud ako sayo. Hindi ko man laging nasasabi, pero napakaswerte kong ikaw ang naging anak ko." Naluluha si Nanay habang sinasabi yun. Mababaw lang kasi ang luha niya. "Kaya nasasaktan akong makita kang nahihirapan." Tumingin ako sa kanya. Kita na ba sa itsura kong ang bigat ng kalooban ko? "Anak, pwede mo naman sabihin sa Nanay ang dinadala mo. Wag mong solohin yang nasa loob mo."

Hindi ko na napigilan. Parang may tumulak sa luha ko para bumagsak. Niyakap ako ni Nanay. Tinapik ang likod ko. "Mahal mo ba siya?" Tinanong na niya sakin dati to. Pero hindi ko sinagot. Sa pagkakataong to, binigay ko na ang hinihingi niya. "Sobra, Nay." Para akong bata kung humagulgol. Ngayon lang ako ulit umiyak ng ganito. At ngayon lang ako nakita ni Nanay na ganito. "Di ko akalaing darating ang araw na ito," sabi niya. "Ako rin po," mahina kong sagot. "Patawarin niyo sana ako." "Bakit kita kailangan patawarin? Dahil tunay kang nagmamahal?" Hindi ko na nakuhang sumagot. "Bakit ka nagpipigil? Bakit mo kailangan pahirapan ang sarili mo at si Matt?" Hinawakan niya ang mukha ko at tinignan ako ng derecho sa mata. "Kung mahal niyo ang isa't isa, bakit niyo kailangan maghiwalay?" "Komplikado, Nay. Ang daming problema. Mahirap." Umiiyak parin ako. "Eh sino bang nagsabing madali ang magmahal? Kaninong relasyon ba ang hindi komplikado? Lahat tayo dumadaan sa problema. Kayanin mo, anak. Hindi kita nakilalang duwag." Umiling lang ako. Ayaw paawat ng mga luha ko sa pagbasak. "Alam kong mahal ka ni Matt. Nakita ko yun sa tuwing nandito siya at sa tuwing nakabantay siya sa labas. Wag mong sayangin ang pagkakataon para lumigaya." "Wala na po, Nay. Hiwalay na kami." Basang-basa na pisngi ko ng luha. "Eh di puntahan mo siya at bumalik ka. Kausapin mo siya." Di ako nakasagot. "Alam kong ang pamilyang ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ka bumitaw sa relasyon niyo. Patawarin mo ako. Hindi ko matanggap nung una. Pero nung makita kong nahihirapan ka, nakita ko ang sarili ko

noon sayo. Ayokong mangyari sayo ang pinagdaanan ko. Lumaban ka, anak. Hindi pa huli ang lahat." "Pero mali parin, Nay." "Kaligayahan mo ang importante sakin. Aanhin ko ang tama kung hindi ka masaya? Aanhin ko ang mabuti kung mapapasama ka lang?" "Nay," sabi ko. "Gawin mo kung ano ang nararapat sayo. Wag mo kaming isipin. Wag mo intindihin ang sasabihin ng iba. Wala yung halaga." Niyakap ko si Nanay ng mahigpit. Ito lang ang kailangan ko. Wala na ko pakialam kung ano pa man ang mangyari. "Bumalik ka na, anak," nakangiting sabi ni Nanay. At dahil dun, alam ko na ang dapat kong gawin. -----------------------------------------------------------------Dali-dali akong nagayos ng sarili ko. Naligo at nagbihis. "Nay, salamat po." Niyakap ko siya ulit ng mahigpit. Sobrang saya ko talaga. Nakangiti si Nanay. "Wala yun. Wag na natin sabihin sa tatlo ang tungkol dito. Hindi nila kailangang malaman." "Opo," sagot ko. "Hala! Puntahan mo na si Matt!" Pinalo niya ang puwet ko. Nilingon ko siya muna bago ako tuluyang humaripas ng takbo. Magkahalong saya at kaba ang nadarama ko. Sana, maging maayos ang lahat. Sumakay ako ng taxi papunta sa condo ni Matteo. Dala ko ba yung susi ko? Kinapa ko yung bulsa ko. Ah eto. Buti nalang. Matteo! Hintayin mo ako! Papunta na ko! Hindi pa nahinto ang taxi, binuksan ko na ang pinto. Halos malaglag ang bayad ko sa sahig sa

pagmamadali ko. "Salamat, manong!" Sinara ko yung pinto at tumakbo na patungong elevator. Ang tagal mo! Bilis naman! Pagbukas ng pinto, pinindot ko ang button number 9 at sinara ang pinto. May papasok pa nga sana pero hindi ko na sila hinayaan. Dinukot ko ang susi mula sa bulsa ko at sinuksok sa keyhole ng pinto ni Matteo. Pinihit ko ang doorknob. Tamang-tama naman na nasa harapan ko si Matteo pagbukas ko ng pinto. Nagulat siya ng makita ako. Tumakbo na ko at niyakap siya. Mahigpit na mahigpit. Grabe! Para akong baliw. Napahawak nalang siya sa magkabila kong balikat. Hindi ko siya binitawan. Hindi ko rin siya hinayaang makapagsalita. "Matty, I'm so sorry! Ako ang may kasalanan. I don't know what came over me pero pinagsisisihan ko na yun. God knows how much I missed you. Please, take me back." Hindi gumagalaw si Matteo. Ang higpit yata ng pagkakayakap ko sa kanya. Pasensya na, sobra ko lang siyang na-miss. Bumitiw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Ngayon ko lang ulit makikita ang mukha niya. Pero, teka lang. Bakit gulat na gulat parin siya? At, lagpas ang tingin niya sakin. "Matty," sabi ko. "What's wrong?" Hindi siya sumagot. Napakamot lang siya sa ulo. "Oh my God!" sabi ko. My heart was pounding. May kasama siya? "Sinong nanjan?" tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya. Tapos umiling. Pinagpawisan ako ng malagkit. Shit! Naglakas-loob akong humarap sa kasama niya. Dahan-dahan. Totoo ba ito? Binuking ko sa kanya ang sarili ko? Gulat na gulat siya sa nakita niya. Hindi niya akalain lahat.

Alam na niya. Alam na...

ni Sharlene.

CHAPTER 45

Oh my God. Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? Ang puso ko nalaglag sa paanan ko. Ang tahimik ng lahat. Walang ni-isa samin ang nagbukas ng bibig para magsalita. Tinakpan ko ang mukha ko sa kahihiyan. Napaupo nalang ako. Please! Patayin niyo nalang ako. Tinayo ako ni Matteo at pinaupo sa sofa. Narinig kong naglalakad si Sharlene patungo sa lazy boy. Umupo si Matteo sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa sahig. This is not happening. Hindi pa ako handa ipagtapat kay Sharlene ang lahat. Kaya lang, napasubo na ako. Tinitingnan pala ako ni Sharlene. Hindi ko napansin. Ano kayang iniisip niya? "Kelan pa?" Siya na ang bumasag sa katahimikan. "Eleven months ago," sagot ko. "Oh my goodness. Ganun na kayo katagal?" gulat niyang sabi. Tumango lang ako. Nakatingin sa sahig. Di ko makuhang tumingin manlang sa kanya. "Over ka, Dan!" biglang sabi niya. Sa gulat ko sa iniba ng tono ng boses niya, napatingin ako ng derecho sa kanya. "Bakit?" tanong ko. Napatingin din ako kay Matteo. Siya rin pala nagulat sa naging reaksyon ni Sharlene. "Diyos ko ha. Itago daw ba? Best friend ba kita? As in?" nakangiti niyang sabi. Totoo ba to? Hindi ito ang inaasahan kong reaksyon sa kanya. Akala ko magwawala siya at pagsasampalin ako. "Di ka galit?" tanong ko. "Sus! Ano pa nga bang magagawa ko? Nanjan na yan eh!" Tumayo siya nilapitan ako. "Alam mo, best friend kita. Kahit na ano ka pa, tanggap kita." Niyakap ko siya. Para akong nabunutan ng tinik. Naramdaman ko ring unti-unti umakyat ang puso ko sa

dibdib ko. Ok, OA lang. Pero parang ganun na rin ang naramdaman ko sa sobrang saya! "Salamat," bulong ko sa kanya. "Sus! Arte mo!" Nagtawanan kaming tatlo. Hinawakan niya ang kamay ni Matteo. Nakangiti. Binabawi ko na ang sinabi ko. Mukhang nasa side ko ang tadhana ngayon. "Swerte mo! Matabang isda ang boyfriend! Naman!" biro niya. "Loka-loka," natatawa kong sabi. Inakbayan ako ni Matteo. Masaya rin si loko. "Bakit ba? Alam mo ba ang bulong-bulungan sa publishing house? Si Matt daw ang number one sa Hottest Bachelor list. Magiging official na yun pag labas ng magazine. Saka grabe! Rarampa si Matt sa Bachelor Bash! Kainggit ka, Dan!" tuloy-tuloy niyang sabi. "Minsan lang ako swertehin, no!" sabi ko. "Hey! I'm the lucky one between the two of us. Because you returned," nakangiti niyang sabi sakin. Ngayon lang ako ulit kinilig. Nakalimutan ko na kung anong pakiramdam nun. "Ano ba yan! Nakakasuka!" biro ni Sharlene. Binato ko siya ng unan. Napaka-light na ng atmosphere sa pad ni Matteo. Di gaya kanina na tensyonado. "Teka lang, ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tanong ko kay Sharlene. "Inaakit si Matt, bakit? May angal ka?" sabi niya. "Excuse me, malaki ang tiwala ko kay Matty. Di niya ko ipagpapalit sa sexing katulad mo!" natatawa kong sabi. "Loko ka talaga! Hmmmm... Aminin! Sexy talaga ako!" Pumarada pa siya sa harap namin ni Matteo. May sayad talaga itong si Sharlene. "Pero seryoso, nagpunta ko dito para kamustahin ka kay Matt. Diyos ko ha! Sarili kong best friend di nagsasabi sakin. Nagbakasakali lang naman ako baka may alam si Matt sa problema mo. Di ko akalaing ikaw pala ang magsasabi ng lahat." Tumango ako. Nakaakbay parin sakin si Matteo. Di na ko nahiya. Hinawakan ko na yung kamay niya.

"Ano ba? Kelangan ba talaga yan?" sabi ni Sharlene sa pag-holding hands namin ni Matteo. "Inggit ka lang," biro ko. "Hay naku. Matawagan nga si Sean!" Tapos napatigil siya. "Ay! Sorry! Hindi pala. Atin lang to." Tapos nagkiss siya sa direksyon ko. "Hoy alagaan mo si Sean ha. Saka sabihin mo salamat sa advice niya nung isang araw." "Ha? Kelan ito? Nag-date kayo?" Ang OA ng reaksyon niya. "Hoy tumigil ka nga. Adik ka talaga!" "Di nga? Nag-advice siya sayo? Shit! Parang mas lalo ko siyang minahal!" Ito talagang babaeng to, sa isip ko. Pero mas lalo ko siyang minahal bilang best friend ko. Siya na yata ang pinaka-best sa lahat ng best. Gulo no? "Hay naku talaga! Buti nalang at hindi tayo pinakasal ni Daddy kundi... Nako talaga," biro niya. Napatawa ako ng malakas. "So, Dan. Matagal mo na bang alam? Na yan ang gusto mo?" tanong niya. "Oo. Nung college pa." "Oh my God talaga! Di nga? Over!" gulat siya. "Oo nga. Kulit!" "Pano?" "Nung naging kami ni Franz." Halos lumuwa yung mata niya. "Franz Bustamante? Naging kayo?" Tumango lang ako. "Sus! Baka may ibang sikreto ka pa jan, lubusin mo na. Baka bukas hindi ko na ma-take." Natatawa si Matteo sa tabi ko. "Ano ba. Wala na."

"Sure ka ha?" "Sira! Syempre naman!" Kinurot ko ang pisngi niya. Sinakal naman niya ako. "Grabe ka ha! Boyfriend ng bayan ka pala!" "Ito naman kung maka-boyfriend ng bayan. Siya lang kaya tapos si Matty na." "Oy, pero aminin! Ang swerte mo.... Haba ng hair." "Hair sa ilong!" sabi ko. "Loko! Pero sandali. Serious to. Alam na nila Tita?" "Si Nanay lang. Ayoko ipaalam sa mga kapatid ko." Tumango siya. "Good. Tama yan. Basta, I'm happy for you! Sa inyong dalawa. Congrats!" "Salamat," sabi ko. "Teka, you haven't answered me pala, Matty. Will you take me back?" Nakatingin ako kay Matteo. "Anytime," sagot niya. May ginawang sound si Sharlene. Di ko mawari kung ano ba yun. Pero parang kinikilig naman. "Isa ngang kiss," sabi niya. Si Matteo naman, excited! Hinawakan ang ulo at hinalikan ako sa labi. "Shit!" sigaw ni Sharlene. "Ok, I need to vomit. San nga yung C.R.?" Nagtawanan kaming tatlo. -----------------------------------------------------------------Gumaan ang kalooban ko matapos ang lahat ng nangyari. Wala na kong tinatago kina Nanay at Sharlene. Sila kasi yung inaalala kong masasaktan pag nalaman nila ang totoo. Pero hindi pala. Tinanggap rin nila ako ng buong-buo. May mas sasaya pa ba dun? Ah, oo nga pala. Ang makasamang muli si Matteo. Isang taon. Grabe, pakiramdam ko parang isang linggo palang mula ng maging kami. Ang tagal na pala namin. Ito na yung pinakamahaba kong relasyon. At pinaka-seryoso.

Naikwento ko na rin pala kay Sharlene ang tungkol kay Franz. Yung pangloloko niya sakin, at yung banta niya samin ni Matteo. "Kapal ng mukha! Asan ang proof niya na kayo nga? Epal talaga," sabi ni Sharlene. "Sana tumahimik nalang siya," sabi ko. "Ikaw naman kasi! Di ka nagiingat eh!" Hinampas niya ko sa braso. "Sorry naman," sagot ko. "Hayaan mo siya. Wala naman siyang pruweba. Walang maniniwala sa kanya." Sa sinabi niyang yun, parang nakaramdam ako ng konting ginhawa. Pero panandalian lang pala yun. Dahil isang araw, nakabunggo ko sa grocery ang demonyo.

Nagkita muli kami ni Franz.

CHAPTER 46

"Look who's here. The famous Daniel," sabi ni Franz. Peste talaga to. Tinignan ko lang siya ng masama. "Oooh. Aren't you even gonna say 'hi'?" "Marami pa kong gagawin. Tumabi ka sa daraanan ko," sabi ko. "Ang suplado mo naman. Let's have coffee muna. Kasama mo ba si boyfriend? Balita ko kayo na ulit." Umiinit ang ulo ko habang nakikita ko siya. Pero naisip ko, siguro time na ito para ayusin kung ano meron samin. At baka mapigilan ko pa kung ano ang maitim niyang balak. Pumayag akong mag-usap kami. Hindi sa kung ano mang rason. I know what I came for. Yun lang at wala nang iba. Kung iniisip niyang nandun ako dahil may pagmamahal parin ako sa kanya, o kaya eh gusto kong maging magkaibigan kami, aba. Nagkakamali siya. "So kamusta naman kayo?" tanong niya. Fishing? "Derechuhin mo na ko. Ano bang pakay mo?" sabi ko. "Ang hot mo naman. Mag-kape ka muna." "Kung inaakala mong masisira mo kami, nagkakamali ka. Ako na ang nagsasabi. Nagsasayang ka lang ng pagod. Kaya kung ako sayo, tumigil ka na. Wala ka namang mapapala eh." Natawa siya sa sinabi ko. "Wait a minute. Ako ang sisira sa inyo?" "Diba yan ang gusto mo? Magkahiwalay kami para maging miserable ako?" "Oh Dan. I thought you were bright pa naman." Lalo akong naiinis habang tumatagal. "Hindi ako ang sisira sa inyo. Ikaw," sabi niya. "What the fuck do you mean? You sound like a bastard with a very hurt ego," sagot ko.

"Whatever. Pero you're right. Wala naman akong mapapala kung maghiwalay kayo." "Bakit mo ba ginagawa sakin to? Bakit ba ayaw mo kong patahimikin?" "Fine! I admit, nung una, I wanted to destroy you. Yeah, I was hurt dahil I can't accept being turned down. Ako nagawa nun eh. Pero ikaw, you turned me down a good number of times. Akala ko umaarte ka lang. Yun pala totoo na. So I decided to pick on you. Destroy you if I can. Turns out, di ko na pala kailangan gawin yun. Dahil you're doing it yourself." "What do you mean?" "Masyado ka naman yatang confined sa mundo niyo ni Matt? You really have no idea sa tinutukoy ko?" tuya niya. Umiling lang ako. "Well then. Like I said, ikaw mismo ang sisira sa inyong dalawa. I don't think you've heard of the rumors circulating about Matt and you, am I right?" Nakatitig lang ako sa kanya. "There's alot of buzz about Matt's sexuality. Ikaw naman kasi. Hindi ka nagiingat. People always see you together. Isn't it suspicious? Two good looking guys, hindi mapaghiwalay? And you're always seen going to Matt's pad, siya naman lagi kang sinusundo sa bahay niyo. Heck! Ang swerte niya to even meet your family. Di mo ginawa yun sakin ah." "What's so suspicious about that? We're really close friends. Ang dumi lang ng mga isip niyo," depensa ko. "Oh come on. Kahit ikaw ganun din ang iisipin mo pag nakakakita ka ng kagaya niyo. Wag kang hipokrito." Di ako nakasagot. "Celebrities thrive because of gossip. Its always about the publicity. Pero, this case is different. Dito, unti-unting nasisira si Matt. Dahil sayo. Kakayanin ba ng konsyensya mo na masayang ang lahat ng pinaghirapan niya? Sa isang iglap, mawawala ang lahat? Tandaan mo, he's almost there. Yung Bachelor Bash nalang ang hinihintay. And that will ultimately seal the deal sa kanyang celebrity status." Eto na naman. Akala ko tapos na ko sa usaping to. Hindi pa pala. Wala akong idea na ganun pala kalaki ang impact ko sa career ni Matteo ngayon. At totoo ba ang lahat ng sinasabi ni Franz? Ayoko man maniwala pero may point siya.

Di ko na hinintay na maubos ko yung kape ko. Umalis na ko. -----------------------------------------------------------------Pinapupunta ako ni Matteo sa pad niya ngayon. Rest day niya ulit. Sa susunod na linggo na yung Bachelor Bash at sigurado na ang kanyang pagrampa. Bilang Number One. Hanggang ngayon, ang lakas parin ng kapit sa utak ko ng mga sinabi ni Franz sakin. Di ko maalis talaga. Hindi ko na rin inusisa pa ang lahat ng detalye ng mga tsismis na tinutukoy niya. Ayoko na rin namang alamin. Nung papunta ako sa pad ni Matteo, para akong tanga. Palingon-lingon. Tinitignan ko kung may nakakakita o nakakakilala sakin. Paranoid ba? Nag-i-ingat lang naman. Ngayon ko pa talaga ginawa eh no, parang huli na yata ang lahat. Bago ko ipasok yung susi para buksan ang pinto, nakarinig ako ng pagtatalo mula sa loob. Si Matteo at si Tito Jonas. Bakit sila nagaaway? Nakinig ako ng mabuti. "Have you heard what people are saying?" tanong ni Tito. "No," sagot ni Matteo. "Pinagpe-pyestahan ka na, Matt! Wala ka bang pakialam talaga?" Walang sagot mula kay Matt. "Ano ka ba naman! Do you even have the slightest idea what damage this can do to your career?" sigaw ni Tito. "The hell with what people think. Let them," sagot ni Matteo. "Matt, you're on top now. This is what we've been working for. This is what we've always wanted! How can you act that way?" "No, Tito. I never wanted this. You were the only one." "Anong pinagsasasabi mo?" "I can easily give everything up for a normal life." "Sabihin mo nga. Ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ni Daniel?"

"We're just friends," madiing sagot ni Matteo. "Bullshit! Wag mo kong gaguhin, Matt! Do you honestly think people will believe that crap?" Di sumagot si Matteo. "Matt, this guy is ruining your career. Magisip ka naman!" I've heard enough. Tama nga si Franz. Ako ang sumisira kay Matteo. Imbes na pumasok ako bigla, kumatok nalang ako. "Stop it. Dan's here," narinig kong sabi ni Matteo. Maya-maya, bumukas na ang pinto. Nakangiti si Matteo. Parang wala lang nangyari. Akala niya wala akong alam. "Come in," yaya niya. Pumasok ako. Tinignan ko si Tito Jonas. Mainit ang ulo. "Good evening, Tito," sabi ko. Tinignan siya ni Matteo. Parang sinasabing "Umayos ka!" Pero gaya ng dati, di niya ko inimik. Naglakad siya patungo sa pinto. Lumabas, at binagsak ang pinto. "Don't mind him. He's just frustrated with work," bulong sakin ni Matteo. Niyakap niya ko.

Di ko na siya sinagot. Ninamnam ko nalang ang yakap na yun.

CHAPTER 47

"Are you ok? You seem quiet. You know I get nervous when you're like that," sabi ni Matteo. Umiling lang ako. "Dan," sabi niya. Pero hindi ko na siya hinayaang makatapos magsalita. Nahinto siya nang idampi ko ang daliri ko sa labi niya. Nginitian ko siya. Halatang nagtataka siya, pero hinayaan niya lang ako. Hinawakan ko ang buhok niya. Dinama ko ang bawat kulot. Ang bawat hibla sa pagitan ng aking mga daliri. Mula noo, hinaplos ko ang makinis niyang mukha. Kilay. Pilik mata. Ilong. Baba. Pinagmasdan ko ang outline ng kanyang napaka-gwapong mukha. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang buo niyang mukha. Napapikit si Matteo. Pumikit na rin ako. Kinabisado ko ang lahat ng nararamdaman ng mga palad ko. Unti-unti kong naramdaman ang paghalik ni Matteo. Ang lambot ng labi niya. Ang init ng mga halik niya. Tinanggal ko ang mga kamay ko at pinatong ko sila sa kanyang dibdib. Niyakap niya ako. Damang-dama ko ang bawat paghinga, paglunok, at pagtibok ng puso ni Matteo. Dahan-dahan niyang tinaas ang suot kong damit. Pinasok ang mga kamay at hinaplos ang aking likod, habang ako nama'y pinisil ang kanyang matikas na mga braso. Binigyan ko siya ng isang mabilis na halik sa labi. Tapos isa pa. At isa pa uli. Mabigat ang paghinga ni Matteo. Hinalikan ko siya muli, isa sa magkabilang pisngi. Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sakin. Pinasok ko ang mga kamay ko sa loob ng kanyang t-shirt. Ang kinis ng dibdib niya, pati na rin ang

kanyang tiyan. Dahan-dahan kong tinanggal ang suot niya. Tinignan ko siya sandali. Napakaswerte ko sayo, Matteo. Kinuha ko ang kamay niya at dinala siya kwarto. Tinulak ko siya pahiga sa kama. Pumatong ako. Ang ganda ng ngiti niya. Nakakatunaw talaga. Hiningahan ko siya sa tenga. Nakiliti siya. Halik sa likod ng tenga. Halik sa leeg. Halik sa Adam's Apple. "You like that?" bulong ko. Tumango lang siya habang nakapikit. Tinuloy ko na ang ginagawa ko. Kinuha ko ang kamay niya at tinaas ko. Pinatong ko ang ulo niya sa kanyang mga palad. Pinagmasdan ko siyang muli. What a magnificent sight. Minasahe ko saglit ang kanyang dibdib. Pababa sa kanyang tiyan. Gustong-gusto ko ang pakiramdam ng balat niya sa aking mga palad. Bahagya akong umurong. Umayos ako para hindi kami parehong mahirapan. Nilanghap ko ang kabuuan niya. Ang bango. Amoy baby. Pilit kong tinandaan ang amoy ng lahat ng sulok ng kanyang katawan. Ayokong malimutan to. Tinanggal ko na ang suot ko. Kumapit sakin si Matteo. Maya-maya ay inilapat niya ang katawan ko sa katawan niya. Ang init. Nakakapaso. Nakakabaliw. Inikot niya ako at siya naman ang puma-ibabaw.

Binigyan niya ako ng isang matinding halik sa labi. Ang tamis ng labi niya. Ang lambot ng dila niya. Ang lagkit ng laway niya. Ang init ng hininga niya. Napakapit ako sa kanya. Napakasarap ng pakiramdam ko. Parang ngayon ko lang naranasan ang ganito. Ang sarap pagmasdan ni Matteo na sobrang pawis. Hirap at sarap. Pagod at ligaya. Katawan sa katawan. Isa kami ngayong gabi. Isa kami sa paggalaw. Isa kami sa bawat pag-ungol. At nag-i-isa ka lang para sakin, Matteo. Pumatak ang luha ko ng di ko namamalayan. Humalo sa tagaktak kong pawis. Sobrang ligaya. Sobrang sarap. At sobrang hirap. "I love you, Danny," sambit ni Matteo. Kinagat ko ang labi ko. Pumatak muli ang aking luha. "You're my everything. This is for you," sabi niya sakin. Ikaw din ang lahat para sakin. Hanggang sa huli, ako'y iyo. Sa sobrang pawis, dumulas ang singsing ko. Gumulong sa sahig. Mahal na mahal kita Matteo. Gagawin ko ang lahat para sayo. Napapihit siya habang nakahawak sa balikat ko.

At nadama ko, ang init ng kanyang pagmamahal. -----------------------------------------------------------------Nakatulog ng nakadapa si Matteo. Nasa tabi niya ako. Napagod siya ng husto. Normal na ang kanyang paghinga. Parang anghel lang na nasa kama. Binigyan ko siya ng isang halik sa pisngi. Bahagya siyang gumalaw. Ibinulong ko nalang ang gusto kong sabihin.

"I love you, Matty."

CHAPTER 48 THE FINAL CHAPTER

Isang taon mahigit na ang nakalipas mula ng umalis si Matteo ng Pilipinas. Matagal na kaming walang communication sa isa't isa. Malimit ko parin siyang maalala, pero hanggang dun nalang yun. That's all it is, a memory. Single parin ako. Hindi ko rin naman binalikan si Franz. Wala narin naman talaga akong balak. Poot lang ang nararamdaman ko sa kanya. Isa lang ang mahal ko. Hanggang ngayon, si Matteo lamang. Simula nung maghiwalay kami, mas naging madalas ang paglabas namin ni Sharlene. At kasama namin si Sean. Kung dati eh hindi maganda ang naging pagsasama namin ni Sean, ngayon siya na ang naging pinakamalapit kong kaibigang lalaki. Malapit na ang 28th birthday ko. Sumobrang advanced birthday gift ang natanggap ko bago ang nakalipas na bagong taon. Yep, nakuha ko rin ang inaasam-asam kong promotion. Hindi na ako ahente. Isa na akong Junior Branch Manager. Sa wakas, natupad ko na rin ang pangarap ko. Sana, sa susunod makamit ko rin ang posisyong Branch Manager. Well, hindi naman masamang mangarap. Kasama ko nag-celebrate in advance ng birthday ko ang lahat ng mga malapit sakin. Naron ang buong pamilya ko, sina Nanay, Charles, Bong at Joyce. Naron din sina Sharlene, Tito Gary, Tita Lani, Fredrick, at ang kauuwi lang galing Amerika na si Kuya Arthur. Syempre, pwede bang absent si Sean? Di sinakal ako ni best friend nun. Kasama rin ang mga kaibigan kong galing trabaho, sa pangunguna ni Tito Ric. Ngayon lang ako nagdiwang ng ganito kalaki. Sobrang saya ko. Mas masaya siguro kung nandito si Matteo. Alam ko matutuwa yun pag nalaman niyang nakamit ko na ang pangarap ko. Pero, wala siya eh. San na kaya siya ngayon? Kamusta na kaya siya? Isang araw, may sorpresa akong natanggap. Pagkalabas ko ng opisina, may nakita akong matangkad na lalaking nakatayo sa may pintuan. May hinihintay yata. Pagtingin ko ng mabuti, nagulat ako. Si Matteo. Tumingin siya sakin. Kumaway. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin ng mga oras na yun. Sobra kong na-miss itong tao na to. Pero maraming tao. At iba na ang sitwasyon ngayon. Sa totoo lang, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at halikan. Siya ang lumapit sakin. Nanigas na naman kasi ang buo kong katawan. "Are you free tonight?" tanong niya.

Tumango lang ako. Naglakad na kami. Pareho kaming tahimik. Nagpapakiramdaman siguro. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagkita kami pagkatapos namin maghiwalay. Dun kami nagpunta sa Italian Restaurant kung san siya pumirma ng kontrata sakin. "You look good. Better than the last time I saw you," sabi niya. "Salamat. Ikaw rin. Mas lalo ka pang gumwapo," sabi ko. Tumawa siya. Namiss ko yung tawa niya. "Why did you leave?" tanong ko. Tumingin siya ng direcho sakin. "Why did you? Why walk out on me?" "I did it because it was the right thing for you. I can't take the fact that I'm standing in the way. You were this close to realizing your dreams, Matt. I can't let you miss that opportunity because of me," paliwanag ko. "Did it ever occur to you that maybe it wasn't what I always wanted?" sabi niya. "Thanks for playing the hero, but it wasn't at all necessary. What I wanted more than anything is a normal life with the one I love." "I didn't have any other choice, Matt," mahinang sabi ko. "Who told you to choose?" tanong niya. Hindi ako nakasagot. Ngayon ko naramdaman ang pagsisisi. Pinangunahan ko siya. Ngayon eto ako, mag-isa. Di niya sinipot ang Bachelor Bash. Lumipad siya patungong Amerika matapos ko siyang iwanan sa ikalawang pagkakataon. Ilang minuto rin kaming natahimik. Ako ang bumasag sa katahimikan. "Then why come back, Matt?" Ang hirap sa kalooban. Gusto kong maiyak, pero naubos na yata ang luha ko. "Because I left something." "Ano yun?" tanong ko.

"My heart," sagot niya. "I left it with you." Shit. Mas lalo lang akong nahihirapan. Ok na ko eh. Akala ko naka-move on na ko. Hindi pa pala. "Ano ba, Matt. Pinapahirapan mo ko lalo eh," mahina kong sabi. Pinagmasadan niya lang ako. "What do you want me to do?" tanong ko. "Keep me in your memory," sabi niya. Huh? Ano to, totorturin ko ang sarili ko habambuhay? "Matt," pero di ko natapos ang sasabihin ko dahil may napansin ako. May singsing si Matteo sa kaliwang kamay. Sa ring finger niya. Napansin niya yatang nakita ko yun. Umamin na siya. "I'm married now, Dan." Oh my God. Wala na bang mas masakit pa dito? Naglaho na ang pagasa kong magkaka-ayos pa kaming dalawa. Wala na talaga. "She's awesome. Maybe in the future you two can meet." Ah ganun ba. Tinignan ko siya sa mata. Mukha naman siyang masaya. Akala ko nuon ako na ang magiging dahilan ng kasayahan niya, hindi pala. "She's pregnant now. In two months' time, I'm gonna be a Dad," sabi niya. "I know you'll be a great Dad." I tried my best to keep my composure. "Remember the time I promised you that someday, magiging surname ng pangalan mo ang surname ko? I'm keeping that promise, Dan," sabi niya. Ano? Pano pa mangyayari yun, eh may asawa ka na? At kahit na wala kang asawa, hindi parin yun mangyayari. "What are you saying?" naguguluhan kong tanong. "I'm naming my son after you. Daniel Marc Rutigliano." Di ko na napigilan ang sarili ko. Naiyak na ako.

"Dan, you're the best thing that ever happened to me. I will never forget you. Us," sabi niya. Tumango nalang ako dahil hindi ko na kaya magsalita. "It may seem that I belong to her, but my heart belongs to you. Don't ever forget that," tapos hinawakan niya ang kamay ko. Patuloy lang ang tulo ng luha ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang talagang nararamdaman ko. "Walking away doesn't mean I'm leaving. It just means that I'll be loving you from afar." Wala na akong nasabi. Tanging hikbi lang ang naisagot ko sa kanya. Tumayo na si Matteo. After one final look at me, he walked away. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi na siya lumingon. Naiwan akong magisa. With my thoughts. Sadyang malupit ba ang tadhana? O ito na talaga ang nakalaan para sakin simula't sapul? Marahil, pareho silang tama. Marahil, ang tunay kong kaligayahan ay ang aking pamilya at mga kaibigan. Kakalimutan ko ba si Matteo? Hindi rin. Pilitin ko man yung gawin, alam kong hindi ko kaya. Dahil gaya ng sinabi niya, he's also the best thing that happened to my life. So bakit ko naman kakalimutan ang isang napakagandang bagay? Tumayo ako at nagpunas ng luha. Kaya ko to. Lumabas ako ng restaurant ng taas noo. Huminto ako saglit at dinama ang mahinang ihip ng hangin. Nagumpisa akong maglakad, pero iba sa direksyong tinahak ni Matteo. Palayo.

Fin

You might also like