Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
CAGBIBI NATIONAL HIGH SCHOOL
Cagbibi, Pamplona, Camarines Sur, 4416

MASUSING BANGHAY ARALIN FILIPINO 9


IKATLONG MARKAHAN

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang ng
Kanlurang Asya

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
 Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga
akdang pampanitikang Asyano
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa pagtatapos ng aralin, 80% ng mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa: Tema, mga tauhan, Tagpuan, Wikang
ginamit, Pahiwatig o simbolo, Damdamin (F9PB-IIIb-c-51);
b. Nabibigyang- kahulugan ang mga salitang may natatagong kahulugan (F9PT-IIIb-c-51); at
c. Nakasusulat ng sariling elehiya para sa isang mahal sa buhay (F9PU-IIIb-c-53).
II.Paksang-Aralin
a. Paksa: Elehiya ng Bhutan: “ Elehiya sa kamatayan ni kuya”
b. Batis: Modyul sa Filipino 9 kuwarter III
c. Kagamitan: Kakayahang dapat linangin sa mag-aaral:
d. Kakayahang dapat linangin sa mag-aaral: Konsepto: Pag-unawa sa mga pangyayari at
pagpapahayag ng sariling damdamin kapag ang sarili ay nakita sa katauhan o katauhan.
e. Halagang pangkatauhan: Pagpapahalaga o paggalang sa damdamin at paniniwala ng iba,
Kooperasyon at Disiplina
f. Integrasyon sa mga Asignatura: Estratehiya: Edukasyon sa Pagpapakatao at Kasaysayan
g. Estratehiya: Diskusyon at gawain
h. Metodolohiya: 4P’s Pagganyak, Pagtatalakay, Paglalapat at Paglalahat
II. SANGGUNIAN
 Panitikan Asyano, Kuwarter III, pahina 201-204

III. PAMAMARAAN
Gawaing guro Gawaing mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo
Purihin nawa ang ngalan ni Hesus.
Ngayon at magpakailanman siya nawa.
2. Pagbati
Magandang umaga sa lahat!
Magandang umaga rin po!
3. Pagtala ng Liban
Mayroon bang liban sa klase ngayong araw?
Wala po!
Magaling! Sadyang napaaktibo nga talaga ng
inyong pangkat.

4. Pagwawasto at Pagkolekta ng takda


Mayroon ba akong takdang araling iniwan sa
inyo?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
CAGBIBI NATIONAL HIGH SCHOOL
Cagbibi, Pamplona, Camarines Sur, 4416
Wala rin po!
5. Pagbabalik-aral
Kahapon ay mayroon tayong napakahalagang
paksang tinalakay, Janiel, tungkol nga po saan
iyon?
Ito po ay tungkol sa parabula ng Banga.
Tumpak Janiel! Ito ay tungkol sa ang parabula
ng Banga.
Sabrina, ano nga po ang parabula?

Mahusay! Maraming salamat sa'yo Sabrina. Ito po ay mga kuwentong hango nakabatay sa
Bibliya na kinapupulutan po ng mga aral.
B. PAGGANYAK
Bago tayo dumako sa'ting panibagong aralin, ay
mayroon akong inihandang panimulang gawain
para sa inyo na tiyak kong magbibigay ng
kaunting kaalaman sa inyo tungo sa ating
bagong pkasang tatalakayin ngayong araw.
Handa na ba ang lahat? Opo, Sir!

Kung gayon ay atin ng simulan. Ang gawaing ito


ay tinawag kong “ PUNAN MO AKO”.
Magtatawag ako ng limang mag-aaral na upang
saguting ang mga sumusunod, kung saan may
mga kahon ito na nakalagay sa ibaba ng
larawan.
Nauunawaan po ba?

Puntod po.
Justine, Ano kaya ang unang larawan?

Magaling! Dalamhati po sir.


Veonom, Ano naman sa pangalawang larawan?

Mahusay! Umiiyak po sir


John ray, ano naman sa pangatlong larawan?
Dahil naalala niya ang kaniyang mga mahal sa
Magaling! Bakit siya umiiyak? buhay na pumanaw na.

Ayan! Talagang napakahusay mo john ray.


Sa panghuling larawan, Anthony ano kaya sa Pamilya po sir.
tingin mo nais ipahiwatig sa larawang ito?

Tumpak ang iyong tinuran! Opo, Sir!


Republic of the Philippines
Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
CAGBIBI NATIONAL HIGH SCHOOL
Cagbibi, Pamplona, Camarines Sur, 4416
Nasihayan ba ang lahat?
Tungkol po sa kamatayan sir.
Juliet, ano kaya kaya ang iyong nahihinuha sa
mga larawan ?

Maraming salamat sa mga nagbahagi ng


kanilang sagot.
Ito po tungkol sa Elehiya sa kamatayan ni Kuya
May ideya na ba kayo sa paksang ating (Mula sa Bansang Bhutan, Isinalin ni Pat V.
tatalakayin? John Venom. Villafuerte)

Tumpak! Maraming salamat John Venom.

C. PAGLALAHAD NG LAYUNIN
Sa pagtalakay ng ating paksa ay mga layunin Sa pagtatapos ng aralin, 80% ng mag-aaral ay
tayong dapat maabot, Kent pakibasa nga po. inaasahang:
a. Nasusuri ang mga elemento ng elehiya
batay sa: Tema, mga tauhan, Tagpuan,
Wikang ginamit, Pahiwatig o simbolo,
Damdamin (F9PB-IIIb-c-51);
b. Nabibigyang- kahulugan ang mga salitang
may natatagong kahulugan (F9PT-IIIb-c-51);
at
c. Nakasusulat ng sariling elehiya para sa
isang mahal sa buhay (F9PU-IIIb-c-53).

D. PAGTALAKAY
Ang paksang ating tatalakayin ngayong araw ay
tungkol sa Elehiya. Ngunit bago ang lahat atin
na munang alamin kung ano nga ba ang Elehiya
at ang mga elemento nito?  Ang elehiya ay isang uri ng tulang Liriko na
Matthew, ano po ba ang isang Elehiya? pumapaksa sa damdamin katulad ng
Tumpak! Valerie. kalungkutan, kasawian o Kaligayahan. At
binibigyang-parangal dito ang mga nagawa
ng yumao

May karagdagan pa po ba? Donna.  Ang Elehiya po o Elegy sa Wikang Ingles ay


isang pagpapahayag ng damdamin o guni
guni tungkol kamatayan o sa paggunita sa
isang yumao.

Mahusay! Maraming salamat Donna.

Ito rin ay nagsisilibing instrumento sa


pagluluksa at paghaling ng mga naiwan, sa
pamamagitan ng pagpapahayag ng kanilang
mga damdamin at pagbibigay-kahulugan sa
karanasan ng pagkawala. Sa panitikang Pilipino,
ang Elehiya ay tinatawag na "pananangis" o
"tagulaylay".
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
CAGBIBI NATIONAL HIGH SCHOOL
Cagbibi, Pamplona, Camarines Sur, 4416

Ngayon natin ating tunghayin ang mga Opo!


elemento ng Elehiya.
Mga Elemento ng Elehiya
1. Tema–pangkabuoang kaisipan ng elehiya;
kadalasang konkretong kaisipan at pwedeng
pagbasehan ang karanasan.
2. Tauhan–taong kasangkot sa tula.
3. Tagpuan–lugar o panahon na pinangyarihan
ng tula.
4.Kaugalian o Tradisyon.
5. Wikang Ginamit
•Pormal–salitang istandard
•Impormal–madalas gamitin sa pang-araw-
araw na pag-uusap.
6.Simbolismo–paggamit ng mga simbolo
paramagpahiwatig ng isang ideya o kaisipan;
hal:Bonifacio–katapangan, Juan–Masang
Pilipino.
7. Damdamin

Nauunawaan na po ba kung ano ang Elehiya at


mga elemento nito? Opo sir.

Bago tayo’y dumako sa ating paksang


tatalakayin muli atin sagutan at unawain niyo
ang mga linya ng tula at isulat sa katapat na
kahon ang kahulugan. Sikapin mong magamit
sa sariling pangungusap ang mga binigyang-
kahulugan na pahayag.
Handa na ba ang lahat?

Pag-aalis ng Sagabal
-inialay / inilaan
1. Sa edad na dalawampu’t isa isinugo ang -umaga pa/ Panibagong Pagsubok
buhay. -mapanalanginin/Laging nananalangin
2. sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga. -puno na pighati/Pagdurusa
3. Walang katapusang pagdadarasal. -pumanaw/ Lumipas
4. Mga mata’y nawalan ng luha.
5. Malungkot na lumisan ang tag-araw

Ngunit bago tayo magsimula sa pagbabasa,


Francis maaari po ba'ng pakibasa muna ng mga Mga gabay na tanong:
gabay na tanong? 1. Ano-ano'ng damdamin ang nais ipahiwatig
ng mga simbolong inilahad?
2. Ano'ng damdamin ang namayani sa
binasang tula?
3. Papa'no ipinadama ng may-akda ang
kaniyang labis na pagdadalamhati sa tula?

Handa na ba ang lahat sa pagbabasa? Opo!


Republic of the Philippines
Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
CAGBIBI NATIONAL HIGH SCHOOL
Cagbibi, Pamplona, Camarines Sur, 4416

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya (Bhutan)


Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon! Sa edad na dalawpu’t isa,


isinugo ang buhay Ang kanyang malungkot na
paglalakbay na hindi na matanawUna sa dami ng
aking kilala taglay ang di- mabigkas na pangarapDi
maipakitang pagmamahal At kahit pagkaraan ng
maraming pagsubokSa gitna ng nagaganap na usok
sa umagaManiwala’t dili panghihina at pagbagsak!
Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang
guhit, poster at larawan,Aklat, talaarawan at iba
pa.ala nang dapat ipagbunyi Ang masaklap na
pangyayari, nagwakas na Sa pamamagitan ng luha
naglandas ang hangganan, gaya ng paggunitaAng
maamong mukha, ang matamis na tinig, ang
halakhakAt ang ligayang di- malilimutan.alang
katapusang pagdarasalasama ng lungkot, luha at
pighati"ilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap Sa pag-aaral
at paghahanap ng magpapaaralMga mata’y
nawalan ng luha, ang lakas ay nawala#’ ano ang
naganap,Ang buhay ay saglit na nawala$ema, ang
immortal na pangalanMula sa nilisang tahanan
alang imahe, walang anino at walang katawan Ang
lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid
ay nadaanan ng unosMalungkot na lumisan ang
tag-araw asama ang pagmamahal na inialay Ang
isang anak ng aking ina ay hindi na makikita Ang
masayang panahon ng pangarap.

Kumusta naman ang iyong pagbabasa?


Maayos po.

Ano ang inyong naramdaman matapos na


mabasa ang Elehiya ni kuya? Naramdaman ko po ang labis na pagdadalamhati,
kalungkutan, at paghihignapis ng nawalan ng mahal
sa buhay sa nabasang tula po.

Nagagalak ako sapagkat ay naunawaan n'yo ng


husto ang inyong binasang tula. Kung gayon,
James, maaari mo po bang sagutin ang unang
tanong mula sa mga gabay na tanong? Ang mga damdaming nais ipahiwatig ng tula po ay
pagkalungkot, pagsasakripisyo, at pighati.

Mahusay! Maraming salamat James.

Dominic, sagutin ang katanungan bilang Namamalas po natin dito ay ang labis na
dalawa. pagkalungkot at pighati.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
CAGBIBI NATIONAL HIGH SCHOOL
Cagbibi, Pamplona, Camarines Sur, 4416

Magaling! Maraming salamat Dominic.

At para sa huling katanungan John Rey, sagutin Ipinadama po ng may-akda sa kaniyang tula ang
mo huling bilang ng katanungan. labis na kalungkutan at paghihinagpis.

Maraming salamat sa inyong pagsagot sa'ting


mga katanungan

E. PAGLALAPAT
Ngayong natitiyak kung nauunawaan n'yo ng
husto kung ano nga ba ang isang Elehiya kung
kaya't dumako na tayo sa isang gawaing
susukat sa inyong kaalaman hinggil sa Elehiya.
Ang gawaing ito ay puinamagatan kong “THINK
OUTSIDE THE BOX”. THNK OUTDSIDE THE BOX
Anthony, maaari mo bang basahin ang panuto Panuto: Hahatiin ng Guro ang buong klase sa
at pamantayan sa pagmamarka? dalawang pangkat, ang bawat pangkat ay kapuwa
gagawa ng sariling halimbawa ng Elehiya, at pipili
ng sila ng tig-isang kinatawan upang magbahagi
nito sa unahan. Ang kanilang mga ginawa ay
mamarkahan sa pamamagitan ng pamantayan.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman 10 puntos
Kooperasyon 5 puntos
Maraming salamat Anthony. Oras na inilaan 5 puntos
Kabuoan: 30 puntos

Opo!
Mayroon lamang kayong limang minuto para
gawin ito, maliwanag po ba?

(Tahimik na gagawa ang mga mag-aaral)


Tapos na ang limang minuto, kinatawan ng
unang pangkat magbahagi na.
(Magbabahagi ang kinatawan ng una at ikalawang
Mahusay ! Una at ikalawang pangkat, pangkat)
palakpakan ang inyong mga sarili.

F. PAGLALAHAT Wala po!


May katanungan po ba tungkol sa ating naging
talakayan ngayong araw?

Kung gano'n ako ang magtatanong. Marami po, isa na po rito ang tungkol sa Elehiya na
John Venom, ano po ang iyong natutuhan sa nagiging instrumento rin po upang maibsan kahit
araw na ito? papaano ang sakit na nadarama ng isang tao kapag
siya ay nalulungkot at nagdadalamhati.

Opo, nauunawaan po!


Republic of the Philippines
Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
CAGBIBI NATIONAL HIGH SCHOOL
Cagbibi, Pamplona, Camarines Sur, 4416

Ayan, maraming salamat sa inyo. Minsan talaga


ay dumarating tayo sa puntong ganito at
ikinalulungkot kong sabihin na hindi na natin ito
maiiwasan ngunit hindi ibig sabihin na
hanggang dito na lamang tayo ano’t ano pa
man ay kinakailangan nating umusad at
tanggapin ito ng maluwag sa ating kalooban. At
maigi na rin na kung minsan ay pag-usapan
natin ang mga tao ay bagay na wala na upang
nang sa gano’y hindi natin sila makalimutan.
Nauunawaan po ba? (Babasahin ng mga mag-aaral ang kawikaan ng
sabay-sabay.)
Basahing po ng sabay-sabay.
“At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang
mga mata; at hindi na magkakaroon ng
kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng
dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap
pa man: ang mga bagay nang una ay naparam
na”.
(Masusing sagot ng mga mag-aaral)
IV. EBALWASYON
Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad -T
ng pahayag at M naman kung mali -T
1. Ang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” ay isang
tula mula sa bansang Bhutan? -M
2. Ito ay isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte?
3. Ang tulang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”
ay binubuo ng limang taludtod? -M
4. Pagmamahal sa bayan ang damdaming
ipinapabatid ng “Elehiya sa Kamatayan ni -M
Kuya”?
5. Ipinapahayag ng may-akda ng tula ang
kanyang kasiyahan sa pagkamatay ng kapatid?

V.TAKDANG – ARALIN

Panuto: Basahin ang anekdotang Akasya o Kakabasa at sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ano ang mensahe ng anekdotang Akasya o Kalabasa?

2. Bakit pinamagatang itong Akasya o Kalabasa?

3. Ikaw? ano ang mas nanaisin mo maging Akasya o Kalabasa?

INIHANDA NI:

JEONALD A. BENTULAN
Student Teacher

IWINASTO NI:

LOLIT O. MIRARAN
Cooperating Teacher

You might also like