The Atom Araullo Specials

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Name: TUTAAN, JUMEIRAHLYN B.

Year & Section: BS ARCHI 1D

THE ATOM ARAULLO SPECIALS: DOCUMENTARY

REACTION PAPER

NSTP 2

“ Kapag namulat sa katotohanan, Kasalanan na ang pumikit”

Ang kalayaang matuto at punan ng kaalaman ang isipan, ay isa lamang sa

napakaraming karapatan mayroon ang tao. Ngunit sa kabila ng pribeleheyong ito,

batid ay ang katotohanang hindi lahat ay nabibigyan ng tiyansang matamasa, dahil

kaakibat nito ang napakaraming hadlang kasabay ng pag-usbong ng panahon.

Nagsimula ang dokumentaryo sa pagpapakita ng bandila ng Pilipinas

sumasayaw kasabay ng hangin tanaw ang mga pangunahing kulay: 1. puti, 2. dilaw, 3.

asul, at 4. pula. Napaisip ako bigla, bakit nga kaya sa rami-rami ng maaring

simbolismo, ito ang nais nilang maipakita? Marahil ay dito nakasentro ang

pangunahing paksa ng dokumentaryo, ang bandila ng Pilipinas simbolo ng pag-asa sa

bawat nasasakupan nito maging sa pinakaduluduluang parte, ang Tawi-tawi.

Ang pinangyarian ng dokumentaryo ay matatagpuan sa pinakaliblib na lugar

rito, ang Brgy, Buan, Bongao, Tawi-tawi. Isang libo ang populasyon, walang

kuryente, signal at telepono - malayo sa kabihasnan. Ito ay malayo sa munisipalidad,

kung kaya’t limitado lamang ang pinagkukunang karunungan - walang maayos na

pasilidad at iisang guro, si Mrs. Lansida “Sidang” Rances, lamang ang meron sila.

Upang maturuan ang mga estudyante ni Titser Sidang, kinakailangang umarkila ng


Name: TUTAAN, JUMEIRAHLYN B.
Year & Section: BS ARCHI 1D

maliit na bangka upang magbahay-bahay sa pagtuturo, dito na umiikot ang araw-araw

na siklo ng kanyang pagtuturo. Noong 2019, ayon sa surbey, ang BARMM ang

nakakuha ng pinakamababang literacy rate sa buong rehiyon sa Pilipinas; apat (4) sa

sampo (10) ang nakatuntog sa elementarya at sa apat na ito, iisa o dadalawa lamang

ang nakakapagtapos sa elementarya. Sa kabilang banda, nananatiling pursigido si

Titser Sidang at ang kaniyang mga estudyante, upang abot-kamay ang karunungang

tinatamasa. Kagaya na lamang ni Marsila Mansul, 7-taong-gulang na mag-aaral ni

Titser Sidang, pursigido siyang matuto hindi lamang sa pansiriling pangangailangan

upang matuto ring magbasa at sumulat ang kanyang mga magulang. Hindi lang

pawang mga bata ang mga mag-aaral, mayroong mga nasa edad na at karamihan ay

mga magulang ng mga bata and handang matuto, isa na rito si Mang Julsali

Salapuddin, 37-taong-gulang, isang mangingisda sa Brgy. Buan. Kung ikukumpara sa

iba, napakapalad na niya dahil marunong siyang sumulat, magbasa at magsalita ng

tagalog dahil nakatungtong siya sa ikalawang-baitang. Napakalaking tulong rin ang

pagkakaroon niya ng radyo noon sa kanyang pagkatuto ng wikang Filipino. Limitado

ang pinagkukunan ng impormasyon, taliwas ang kalagayan sa siyudad dahil sa lugar

na ito ay walang WiFi at iilan ang may telebisyon, kung kaya’t sa radyo lamang sila

nakadepende. Nang tanungin si Mang Julsali kung anong mga programa ang kanyang

paborito, kagustuhan niyang makapadinig ng balita sa usap-usapang trabaho dahil

importanteng malaman ang mga kaganapan sa labas.

Hangarin ng mga kababayan nating nasa payak na estado ng buhay, silang

gustong maramdaman na may boses sila sa landas ng ating bayan. Kaya’t gayon na

lamang ang kagustuhan nilang matutong bumusa at sumulat, upang sa eleksyon ay

may kalayaan silang bumoto ng mag-isa. Ayon sa Omnibus Election Code of the

Philippines (Article XII, Section 127), ang mga botanteng hindi marunong bumasa at
Name: TUTAAN, JUMEIRAHLYN B.
Year & Section: BS ARCHI 1D

sumulat ay maaring bumoto ng may assisstant. Ngunit ang mga pagkakataong ito ay

sinasamantala ng mga ganid sa kapangyarihan bilang daan sa malawakang dayaan.

Nakakalungkot man isipin, ngunit isa ito sa katotohanang mahirap tanggapin - alang-

alang sa kapangyarihan nakakaya nilang magmanipula at gumawa ng hindi makatao

upang maalagaan ang reputasyong pampulitika.

Hindi lamang kakulangan sa edukasyon ang dinadaing ng mga naninirahan sa

Brgy. Buan, kasama rito ang kakulangan sa pinansiyal at takot sanhi ng mga buwaya

sa laot. Pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Brgy. Buan ay ang pagpaparami ng

agar-agar na kung saan ito ay in-demand sa buong mundo dahil ito ay ginagamit

kasangkapan sa pagkain, cosmetics at bio-plastics. Ang proseso sa pagpaparami ng

agar-agar ay isang mabigat na trabaho ngunit walang tiyak na halaga ang kita,

masuwerte na raw kung aabutin ng anim na libong piso kada buwan. Kasabay pa nito

ang panganib dala ng mga buwaya. Kahit na may nagbabadyang panganib ay

nakukuha pa rin nilang mamalaot upang may makain. Noong dekada nobenta nabalot

ng takot ang katimugang isla ng Pilipinas sa pag-usbong ng bandidong ABUSAYAF.

Hindi ligtas kahit ang karaniwang mamamayan dahil sila ay dumadakip ng sino man

at hihingi ng pera kapalit ang pagpapalaya sa biktima o kung tawagin ay kidnapped

for ransom.

Ang salat na pamumuhay sa Brgy. Buan, Bongao, Tawi-tawi at ang

karahasang nararanasan sa katimugang isla ng Pilipinas, ay sanhi ng matinding

problema na hanggang sa ngayon ay hindi pa nalulutas sa pagdaan ng panahon.

Kalakip nito ay pagkabawas ng tiwala mula sa gobyerno upang mabigyang pansin ang

kanilang mga hinaing. Nang tanungin si Mang Julsali kung may nakikita siyang

pagbabago, tugon nito ay “wala” gaya ng mga bahay na walang pinagbago ay ganoon

pa rin. Dahil sa kakulangan sa mapagkukunan ng impormasyon, ang tanging alam nila


Name: TUTAAN, JUMEIRAHLYN B.
Year & Section: BS ARCHI 1D

ay mahirap ang Pilipinas, malaking sugal ang araw-araw na pamumuhay at lalong

mas pinahirap sa estado nila.

Kung iisipin, tunay nga bang naghihirap ang Pilipinas o sadyang ang mga nasa

taas lamang ang namamayagpag at ang mga nasa laylayan ay tunay ng napag-iwanan

na? Kagaya ng hugis na tatsulok, ang mga nasa itaas ay nananatiling nasa itaas kahit

na bali-baliktarin pa ang oryentasyon nito.

You might also like