Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa Pagitan ng Kasarian

ni; Dianne Buenaventura

Bakit sa mundong ito, pag naiiba ka, mali ka na?


Bakit may mga taong hindi marunong makatanggap ng kung ano ka talaga?
Ang palaging dahilan, kasi nasasaad sa bibliya.
Bakit nga ba dalawa lang ang kasarian?
Bawal bang mayroon sa pagitan?
Bakit sinasabing bakla, salot sa lipunan?
Ano bang nagawa nilang mabigat na kasalanan?
Sa pagkakaalam ko, wala naman.
Sa katunayan, isa sila sa mga taong aking iniidolo.
Puno ng talento at talino.
Lahat halos may nakakalungkot na kwento.

Sa lahat ng nakilala kong may kasarian na “pagitan”


Wala akong nakilalang hindi ako napatawa.
Bilib ako sa kanila.
Kaya nilang tawanan ang bawat kalungkutan.
Kayang labanan ang mapanghusgang lipunan.
Kahit pa ang unang nangalipusta ay kanilang mismong magulang.

Mayroon akong nakilala.


Sige, sabihin na nating isa siyang bakla.
Sa bawat istorya ng mga kagaya niya,
Siya ang sa tingin ko ay naiiba.
Wala siyang ama. Oo, meron. Pero iniwan sila.
Ang sabi niya, sanggol palang siya nang iwanan sila.

Hindi niya naranasan ang bawat kwento ng mga kagaya niya.


Na lahat ay tungkol sa ama.
Ama na hindi matanggap na ang anak nila ay hindi tugma sa gusto nila.
Ama na pinahihirapan at binubugbog ang anak nila dahil isa ngang bakla.
Ama na gusto ng isang anak na magpapatuloy ng kanilang apelyido.
At yun pala ay lalaki din ang gusto.

Kaya napaisip ako,


Bakit hindi nalang yung mga lalaking nang-iiwan ang tawaging bakla?
Sila ang patunay sa liriko ni Gloc 9 na, minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla.
Proyekto sa Ikatlong Markahan

RUBRIKS SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN PUNTOS
1. KAISAHAN AT 50
LAKAS NG TINIG.
2. TINDIG AT 30
GALAW.
3. KAGAMITAN 20

KABUANG PUNTOS 100

You might also like